2023-05-21

Lagom

Pag-ibig at kapayapaan ang aking binabati sa lahat at bawat isa ngayon at magpakailan pa man!

Katotohanan nga, sa mga salitang binitawan naroroon ang katunayan na ang lahat ay nagmula sa salitang pag-ibig, na kung saan ito ang nagiging kaparaanan upang ang bawat isa ay pagkalooban ng buhay ng dakilang Panginoon.

Sa Kanyang dakilang pag-ibig, ang bawat isa ay nakatuntong sa mundo ng mga hugis na tinatawag na paaralan ng buhay. Sa Kanyang pag-ibig, ang bawat isa ay binigyan ng pagkakataon upang linangin ang karunungang taglay at upang linisin ang karunungang nananatili sa kanyang ka-ako-an.

At sa pag-ibig din na ito, aking mga kapatid, inaasahan ng bawat isa na magpapatuloy sa kanyang paglalakad dala-dala ang dakilang bahagi ng Panginoon upang palawigin ang kanyang karunungan sa nakararami.

Sapagkat ang pag-ibig ng tao na kung saan umiikot sa damdamin, nararamdaman ng bawat isa kung papaano kayo tumangis, kung papaano kayo magalak, iyan ang pagkaunawa ng nakararami sa salitang pag-ibig.

Ngunit ang karunungan ng Panginoon, iyan ang pag-ibig sa Kanyang kalayagayan, na kung saan ang bawat isa ay nililinang at ang karunungang taglayin ay hinuhuog sa kanyang kalagayan upang mapag-unawa ng isang AKO, ano nga baga ang layunin ng dakilang Ama?

Sapagkat ang kadakilaan ng Diyos ay hindi upang ipakita ang Kanyang kataasan sa laman kung hindi sa bawat halimbawang ang ipinagkakalob ay matutunan ninyong ito ang ninanais ng dakilang Panginoon matanim sa inyong mga AKO.

Na ang Kanyang pag-ibig katulad ang pagkaka-alam ng isang Espirito sa kanyang kadakilaan upang ang mga bahaging ito ang siyang bumaba sa kabuuan ng bawat isa.

At ito rin ang hangarin ng inyong mga sariling maabot, sapagkat ito ang tataglayain na kailangang ng inyong mga kalagayan upang ang bahagi ng dakilang Panginoon ang siyang tunay na maghari sa inyong mga kaalaman.

Bakit ganito ang pagpapakilala ng dakilang Ama, aking iniibig na kapatid? Upang kayo ay makapag-lakad ng walang pagliko, upang kayo’y magsipaggawa ng ayon sa Kanyang mga batas, upang kayo ay humango dala-dalahin ang pangako ng dakilang Panginoon na ang bawat isa ay magkaroon ng kaligtasan kung magagampanan ng karapat-dapat ang salita ng dakilang Panginoon.

Sapagkat kung ang bawat isa sa inyo’y lilingon sa gawain ng laman, sadyang aking mga iniibig, walang pagtungtong sa karunungan ng Diyos ang magaganap, walang pag-unlad at walang pagkilala sa kanyang layunin kung hindi ang bawat isa’y manatili sa kamangmangan.

Ngunit kayo na ina-aralan at mga tinawag ipinakikilala sa inyo ang karunungan ng dakilang Panginoon na ang inyong mga Espirito ay magsipagsikhay na umalam sa kanyang kaharian at ang paglilingkod ninyo sa Diyos at paghanap sa kanyang tahanan ay hindi nananatili lamang kung ano ang naipon ng isang laman sa sanlibutang ito.

Kung hindi kinakailangan ng inyong mga sarili ay magsipag-angat sa kanyang kalagayan sapagkat ang Diyos ay nasa Kanyang tahanan at sino ang may sapat na kalakasan upang abutin ang kanyang kaluwalhatian maliban, aking mga iniibig, na magsipag-ayos ang inyong mga kalagayan na kilalanin ng pagsunod sa Ama.

Kinakailangan ang tamang damdamin, ng inyong mga puso, kinakailangan ang inyong mga kaisipan ay maging matuwid, kinakailangan ang inyong mga kabuuan ay hindi magsipagliko kung hindi, kung ano ang bawat titik ng karunungan na itunuturo sa inyo ng mga kabatlayaan ay mananatiling buo na gumagalaw sa inyong mga kalayagayan.

Bawat pahina, bawat salita, kinakailangang matupad ng inyong mga Espirito sapagkat dito iikot ang pag-ibig na Diyos na makita at makapiling ng Kanyang mga nilikha na kaisa ng Kanyang layunin. Hindi sa doon na bumabalik sa alabok, kung hindi doon sa isang buhay na walang hanggan na tataglayin ng inyong mga kalagayan.

Nawa ay ito ang maging layunin ng inyong mga kalagayan, aking mga iniibig, na sa bawat panahon na kayo ay pumaparito at nakikinig at nakikibahagi sa Kanyang piging, maging handa kayo sa tuwina na mag-aral at tumanggap ng mabuting balita.

Na ito ang inyong ilalahad ng matwid sa inyong kalagayan upang ang inyong mga kaisipan, damdamin at kalooban ay maging buo at nag-uumapaw na gumagawa ayon sa kagustuhan at layunin ng dakilang Panginoon.

Dito ko sa inyo iiwan ang mapalad na pag-aaral sa umagang ito at nawa ay ang kaluwalhatian ng dakilang Ama ang sa inyo ay manatili ngayon at magpakailan pa man. Paalam, ang inyong kapatid sa iisang pag-aaral, Juan Ebanghelista.

Comments

Popular posts from this blog

2023-11-27, Rebecca

2016-02-02, Rebecca

1981-1994, Koleksyon - Geronimo de Guia