1991-1992, Koleksyon - Antonio de Padua






 

1992-11-04, GPL 

Tanggapin ninyo ang kadakilaang hinahangad ng inyong pag-ibig ngayon at magpasawalang hanggan.

Sa landas ng buhay at pagkakilala ng bawat mag-aaral nga katotohanan, lagi ninyong ninanasa na ang mabubuting bagay na mapag-aralan at maisakatunayan sa ganitong pagkakataon.

Subalit ang tao ay laging nag-alinlangan sa mga bagay ng paggawa at nananatili sa isipan ng tao ang pangsalibutang pamumuhay bagaman ang isang diwa na siyang nanggaling sa Ama at laging nag-uukilkil sa bawat isa sa inyo ang katootohanan at kadakilaan, malabanal na tungkuling dapat isagawa ng lahat at bawat isa.

Lagi nang alinlangan ang tao sa paggawa ng mga bgay na mabuti subalit bakit kaya laging inaayawan ng tao ang gumawa at ang iniibig na ipagpatuloy sa landas ng buhay ay ang hindi maisakatunayan.

Subalit kung kayo ay may malakas na pagka-unawa at pandamdam ay mapahihigitan ninyo ang antig ng kabatlayaan sa inyong sarili at isa-isang tabi ang mga bagay na lagi nang nakahandulong sa mga isipan ng tao.

Mga iniibig na kapatid, tulad sa mga nagdaang panahon kung kailan kinakailangang busugin ang mga kaluluwa na nasa kadiliman at ang mga kaluluwang nagugulumihanan. Ilan kaya, mga kapatid, ang nakapagbanghay ng diwa na nasa likod ng libingan?

Ang pag-aaksaya ng mga sandali nang na-uukol sa kapatagang ito ay lagi nang namamaibabaw sa inyong mga sarili. Hindi ninyo matiis na hindi sumunod sa kabihasnang inyong kinagisnnan.

Subalit ang kadakilaan ng inyong pag-aaral at pag-aksaya ng panahon sa ganitong pagkakataon ay hindi maisakatunayan. Dumarating ang mga dakilang araw na ito sapagkat iginigiit sa inyong mga sarili sapagkat kayo ay tao lamang na mahihina pa sa paggawa sa mga bagya na nalalaman ninyong walang kabuluhan.

Kinakailangang ang tao ay magpakatatag sa kanyang pagkakilala at pagka-unawa, itindig ang katotohanan at kadakilaan ng pananampalataya ng Ama at isa-isang tabi ang nalalaman ninyong mga bagay na walang kabuluhan upang magtagumpay ang pag-ibig sa inyo ng dakilang Panginoon.

Kapayapaan ang ibinabahagi ko sa inyo. Paalam.

 

1992-08-26, FBT

Tanggapin ninyo an mga dakilang pagpapala ng Panginoon, maghari ang kapayapaan ngayon at magpakailanman!

Mga minamahal na kapatid, bilang mag-aaral ng simulain ng Espiritismo na matagal na ninyong itnataguyod ay muli at muling nananawagan ako upang mapagayaman ninyo at maging makatotohanan ang inyong pagtupad ng inyong mga tungkulin at pagsasagawa ng lalong karapat-dapat.

Pag-aralan ninyo sa inyong materyal at pang-araw na araw na kabuhayan ang lalong tumpak at mapayapang pamamaraan sapagkat ganyan ang mag-aaral na bumabaitang. Unti-unti ang pinamakamaliit na bahagi ng inyong mga buhay ay ang lalong maghigpit na pangangailangan ng inyong katawang laman ay inyong sinupin.


Sapagkat magiging mali kayo kung kayo ay magpapahayag na kayo ay tumutupad ng inyong tungkulin samantalang ang maliit na bagay na pang katawang-laman ay inyong inilalagay sa isang-tabi at hindi ninyo sinisinop ng buong kaayusan upang maihayag ninyo na kayo ay sadyang nagtototoo bilang isang mag-aaral ng simulain ng Espiritismo.

Buksan ninyo ang inyong mga palad upang ang pagkaing isusubo sa inyong bibig ay mayroon ng kalinisan. Magsuot kayo ng makapal na pangyapak ng inyong pangangalap o paghahanap ng kakailanganin sa buhay na iyan pamuhunanan ninyo ng pagod at hirap.

At kung kayo ay sa kabila ng tiisin nagpapatuloy na humakbang at humanap ng inyong ipag-aapdong-buhay sapagkat nalalaman ninyong iyan ang inyong tunay na layunin sa buhay na iyan.

Ang tungkuling pang-espiritwal ay hindi gagamiting palamuti

Huwag kayong magkamaling ang inyong mga tungkuling pang-espirituwal ay gamitin ninyong palamuti sa inyong karaniwang pamumuhay. Huwag kayong babanggit ng mga kataga na mayroon ng pag-ibig at kabanalan kung hindi kayo gumagawa at hindi kayo tumutupad.

Sapagkat magiging bulaan ang inyong mga labi, patotohanan ninyo sa kalagitnaan ng lipunan ng mga tao at ng lipunan ng kabatlayaan maliit man ang inyong nagawa ng buong katapatan sa inyong mga sarili, ay may katapatan at inyong ipagtatagumpay kaysa isang maligaw na isip na hindi nagkaroon ng kapakinabangan, unang-una ang inyong mga sarili.

Mga iniibig na kapatid, sinupin ninyo ang uinyong mga paligid sampu ng loob ng inyong mga tahanan upang ang lahat ng iyan ay kuning uliran ng sa inyo ay nagmamasid. Maging makatotohanang kayong nagtitiis ng gutom at puyat upang kayo ay gumanap ng inyong mga tungkulin ina-asam ninyong makapagdaragdag sa inyong mga pagkatao ng mga butil na ito ay tuparin din ninyo ang inyong mga hinlog kung magiging karapat-dapat na kabig ng simulain ng Espritismo.

Ang lahat at bawat isa ay hindi titingin sa malayong may kagandahan kung hindi pansisin ninyo at tanawin ninyo ang kapaligiran na mayroon ng kamaliang gawa ng pagpapabaya ng lahat at bawat isang magkakapatid. Ang bawat isa sa inyo ay tinatawagan tuwina na makapaghatid kayo ng kapayapaan sa lahat at bawat isa sa inyong mga kapatid.

Iyan lamang ang aking inilalagak at nawa ay magahraing ganap ang kapayapaan ngayon at magpakailanman! Paalam, Antonio de Padua.

Mga Termino;

bulaan

 

1992-08-23 GPL 

Sumainyo ang pagpapala at kadakilaang hinahangad ng lahat at bawa't isa ngayon at magpakailanman!

Kung pag-aaralan ng mga nilikha ang pagnanasang makadampot ng mga banal na aral, laging inihahanda ng bawa't sarili upang kung dumating ang mga dakilang araw ng pag-aaral ay mayroon ng panalubong ang kanilang mga diwa sa mga banal na alagad ng Panginoong naghahayag ng kadakilaan at katotohanang hindi mapapantayan ng anomang bagay sa kapatagan.

Ganyan kayo mga iniibig na kapatid, na kung papaano binubusog ninyo at binabagtas ng magagandang kasuotan ang inyong mga katawang laman, lalo at lalo busugin ninyo ang inyong mga diwa. Ang mga kaluluwang lagi nang naghahanap ng katotohanan subali't bakit hindi matapu- tagpuan ng tao ang katotohanang ito samantalang lagi nang nakahandulong sa inyong mga diwa ang kahalagahan ng pag-aaral at tungkuling dapat gampanan ng tao.

Lagi nang nagwawalang bahala ang tao sa mga bagay na pangkaluluawa at hindi maabot-abot ang kanilang mga sarili. Ang pagsasakatotohanan ng mga bagay na nalalaman at natatatangap ng kanilang ng diwa, ito nga ang tunay na daan tungo sa Panginoon.

Subali't bakit hindi maipagpatuloy ang paggawa samantalang nalalaman ninyong sa paggawa makikilalaa ang kahalagahan ng inyong pag-aaral. Kung panay pag-aaral at walang paggawa ay baog ang lahat ng mga bagay kaya't kinakailang balikin ang inyong mga diwa ang gawain at hangarin ng katawang laman nang ilagay sa bawa't inyong mga diwang pangkaluluwa sapagka't ito ang mapagsawalang hanggan.

Ang mga bagay ang lahat ng mga bagay sa lupa ay puro walang kabuluhan, maiiwanan ng bawa't sarili at ang mga butil ng pag-aaral at paggawa ang siyang nakatala sa talaan ng Panginoon.

Kung magkakagayon, kung dumating ang dakilang araw sa inyong mga buhay ay marating ninyo ang dakilang Panginoon at mamalas ninyo upang ang inyong paggawa, tatangis at nagsisisi at nangangakong magbabalik at gagawa ng lalong nararapat upang ang antas ng inyong kaluluwa ay magkaroon ng katagumpayan. Subali't pagkatapos na ang tao ay mailagay sa isang katawang laman nalimutan na ang mga tungkulin na kinalangang gampanan ng tao. Papailanglang na naman sa kapatagang itong punong-puno ng kamalian at pagkakasala.

Subali't lagi na ang pagkakamali at pagkakasala ay siyang ninanasa ng katawang lamang ito. Hindi mabusog sa layaw ang katawang lamang ito subali't ang isang kaluluwang lagi nang gutom sa mga bagay na mabuti ay hindi makain ng inyong mga sarili. Dakilain ninyo ang inyong pag-aaral sapagka't sa pagdaraan ng pananampalataya ay hindi sinusuri katulad nito ang pag-aaral.

Sa pananampalataya ay basta at nakapagsimba ang tao at humingi ng kapatawaran sa Panginoon ay ligtas na.

Subali't sa paturuan ng Espiritismo ay ang paggawa ang siyang dakilang hangarin ng isang kaluluwa nasasa inyong sarili sapagka't ito ang mga butil na gintong natitipon ng inyong kaluluwa upang kung dumating ang dakilang araw ng Panginoon, mayroon kayong masarap na pagkain makakain ang inyong mga kaluluwa at maihahayag sa dakilang Amang Makapangyarihan ang mga bagay na mabuting maiskatunayan ng inyong pag-aaral.

Mga kapatid, huwag kayong magsasawa, huwag kayong magsasawa sapagka't kung ang tao ay lagi nang nakaririnig ng mga paalaala ng kabatlayaan nauuntol ang paggawa ng di karapat-dapat sapagka't lagi nang may gabay ang kanyang diwang naalaalang ang mga bagay na hindi dapat ipagpatuloy ay nauuntol sa paggawa ng hindi nauukol sa kabanalan.

Mga kapatid, magpapatuloy kayo at ang kabatlayaan ay walang sawang sumusubaybay sa lahat ng sandali, sa lahat ng pagkakataon sa loob at labas ng inyong tahanan kaagapay ang inyong mga sarili. Ang mga banal na alagad ng Panginoon lagi nang hinahalina ang inyong mga isipan sa paggawa ng nauukol sa kabutihan subali't lagi lamang pinananaig ng inyong mga sarili ang makalamang alitigtigin ng inyong mga pagkatao.

Kapayapaan ang muli kong inilalagak ngayon at magpakailanman!

-ANTONIO DE PADUA

 

 1992-08-05 GPL

Subaybayan kayo ng kadakilaang nagmumula sa Panginoon, maghari ang kapayapaan ngayon at magpakailanman!

Sa landas ng buhay at pagkakilala ng tao ay hindi lubusang maitanin sa kanilang mga diwa ang mahahalagang araling laging binabanghay, binubudbod sa inyong mga pagkatao sapagka't nadadala kayo ng sankapatagan lagi nang humahalina sa kahinaan ng loob upang makagawa kayo ng lalong karapat-dapat na kabutihan sa inyong mga kapwa.

Mga pag-aaral na lagi nang itinuturo ang kababaang loob at pag-ibig sagisag ng kadakilaan ng pag-aaral at pagsasampalataya kung baki't hindi maisakatotohanan ang mga banal na aral ng Dakilang Panginoon. Lagi nang huli ang tao sa paggawa ng nau-ukol sa dakilang Panginoon, lagi nang inu-una ang xxx.

Ibinabdha ang kadakilaan at kahayagan upang magawa ng tao kung bakit hindi makasunod gaano man katalino ang tao hanggang sa pagsasalita lamang ng nauukol sa pagtulong at mga kabutihang lagi nang ibinabadha sa mga palatindigan ng sambayanang Pilipino. Subali't pagdating sa paggawa ay kanya-kanya na ang tao upang busugin ang kalamnang lagi nang uhaw at gutom sa mga dakilang gawaing nauukol sa Panginoon.

Hanggang kailan kaya matutuhan ng tao na pagyamanin ang kanilang mga diwa at kaluluwa busugin ng aral at paggawa upang maisakatunayan ang pinag-aaralan, hindi na ang laging nananaig ay ang pangkapatagang lagi nang humahalina sa tao upang manghina sa paggawa ng mabuti at makatulong sa kanilang mga kapwa.

Lagi na lamang ang sariling kakanyahan ang nais na matampok at masubukang makagawa ng lalong karapat-dapat sa ikabubusog ng kanilang mga sisidlan.

Mga kapatid, busugin ninyo ang inyong mga kaluluwa. Huwag ninyong bayaang magutom ang kaluluwang ito sapagka't ito ang magpawalang hanggan. Kung busog man ang inyong mga lukbutan sa mga kayamanang lagi nang hinahangad ng nakararami darating ang panahon na mawawalang kabuluhan ang lahat ng mga bagay na nais na maitampok ng tao at ang manatili ang isang kadakilaang nagawa ng tao at maisakatunayan sa pamamagitan ng mabubuting gawang lagi nang naskahandulong sa inyong mga pagkatao.

Bakit lagi nang nakahandulong ang kabutihang nasasa inyong mga diwa sapagka't iyan ang kaluluwa ang diwang iyan ang siyang sumisigaw na magsigawa kayo ng mabuti sa inyong mga kapwa magkaroon kayo ng kababaang-loob at pag-ibig sapagka't ito ang tanging baunan ng isang kaluluwa tungo sa likod ng libingan.

Mga iniibig na kapatid, dakilain ninyo ang inyong pag-aaral sapagka't banay-banay ibinubutil ang mga bagay na nararapat gawin ng isang nilikha. Banay banay ay itinuturo kung paano kayo hahakbang patungo sa Panginoon. Subali't ang mga kapatid ay lagi nang ang ipinagyayaman ay ang isang kalamnang maiiwanan sa pusod ng lupa ang isang kayamanang hindi madadala sa dako pa roon.

Ang tipunin ninyo ang kayaman ng inyong mga kaluluwa sapagka't ito ang tanging madadala ng tao kung dumating ang dakilang araw sa inyo.

Kapayapaan ang inilalagak ko sa inyong mga puso ngayon at magpakailanman. Paalam, Antonio de Padua.

 

1992-07-22 GPL  

Malamig ang simoy ng hangin at ito ay nag-uudyok sa mga nilikha mahina ang pagkakilala sa kadakilaang ng araling ito. Ang mga tamad ay aayaw lumabas sa kanilang bukirin upang bungkalin ang sakahan at magtanim, pinagkatiwalaan ng Panginoon sa pag-aaral.

Nanghihina ang tao sa pag-aaral at paggawa, hindi pagyamanin ang kanilang mga kaluluwa upang pag dumating ang pag-aani, puno ang banga, hindi tulyapis ang aanihin.


Mapapalad ang naghahanap at siya ay makasusumpong. Kung tamad ay paano makasusumpong. Laging sahol sa paggawa ng kabutihan. Ayaw gumawa upang mag-ani nang sagana. Hindi matitindig ang kabanalan ng pag-aaral, kung hindi nakakatikim ng aral ay nagnanais na maging iba sa mga kapatid, mas mataas sa kanilang kapatid.

ANTONIO DE PADUA


1992-05-31,  GPL

Maghari nawa ang kadakilaang hinahangad ng  lahat at bawat isa ngayon at magpakailanman.

Kung pag-aaralan ng mga nilikha ang pagnanasang makadampot ng mga banal na aral ng Panginoon laging nakahanda ang bawat sarili upang kung dumating ang mga dakilang araw ng pag-aaral ay mayroon ng panalubong ang kanilang mga diwa sa mga banal na aral ng Panginoon.  Naghahangad ng kadakilaan at katotohanan hindi mapapantayan ng anomang bagay sa kapatagan.

Ganyan kayo mga iniibig n kapatid, na  kung papaano binubusog ninyo at inihahantad ng magandangn kasuotan ng inyong mga katawang laman lalo at lalong busugin ninyo ang inyong mga diwa, ang inyong mga kaluluwng lagi nang naghahanap ng katotohanan.

Bakit?  Bakit hindi matagpo-tagpuan ng mga tao ang katotohanang ito, samantalang lagi nang nakahandulong sa inyo inyong mga diwa ang kahalagahan ng pag-aaral at tungukuling dapat gampanan ng tao.?

Lagi nang nagwawalang bahala ang tao sa mga bagay na pangkaluluwa at hindi maabot-abot ng kanilang sarili ang pagsasakatotohanan ng mga bagay na nalalaman at natatanggap ng kanilang mga diwa.  Ito nga ang tunay ng daan tungo sa Panginoon.

Subalit bakit hindi maipagpatuloy ang paggawa samantalang nalalaman na niyang sa paggawa makikilala ang kahalagahan ng inyong pag-aaral.  Kung ang pag-aaral ay walang paggawa ay baog ang lahat ng nanggaling kaya’t kinakailangang balikan ang inyong mga diwa.

Ang gawain at hangarin ng katawang  lamang ilagay sa gawain ng inyong mga diwa ay pangkaluluwa sapagkat  ito ang magsasawalang hanggan, ang lahat ng mga bagay sa lupa ay doon ay makahulugan.  Maiiwasan ng bawat sarili ang  mga butil ng pag-aaral at paggawa ang siyang nakatala sa talaan  ng Panginoon.

Sa pagtangis at pagsisisi  ng kaluluwa, mangangakong magbabalik sa muling buhay

Kung magkakagayon ay kung dumating  ang dakilang araw sa inyong mga buhay at marating  ninyo ang dakilang Panginoon at hungkag ang inyong paggawa, tatangis at magsisisi at mangangakong magbabalik at gagawa ng lalong nararapat upang ng antas ng inyong kaluluwa ay magkaroon ng  katagumpayan sa katawang-laman.

Nalimutan na niya ang mga tungkulin na kinakailangang gampanan at  nalibang na naman sa kapatagang itong punong-puno ng kamalian at pagkakasala.  Subalit lagi na ang pagkakamali at pagkakasala ay siyang ninasa ng katawang lamang ito.

Hindi mabusog sa layaw ang katawang lamang ito subalit ang ibang kaluluwang lagi nang gutom sa mga bagay na mabuti ay hindi mapakain ng inyong mga sarili.  Dakilain ninyo ang inyong pag-aaral.

Sa pananampalataya ay basta at nakakasugat ang tao at humihingi ng kapatawaran sa Panginoon ay ligtas na ang kanyang kaluluwa subalit sa paturuan ng Espiritismo, ang paggawa ay siyang dakilang hagarin ng isang kaluluwa na sasainyong mga sarili.

Sapagkat ito ang mga butil na gintong natitipon ng inyong kaluluwa upang kung dumating  ang dakilang araw ng Panginoon, mayroon kayong masarap na pagkaing makakain ang inyong mga kaluluwa at naihahayag sa dakilang Amang Makapangyarihan ang mga bagay na mabuting naisakatunayan ng inyong paggawa.

Mga kapatid, huwag kayong magsasawa ng pag-aaral sapagkat kung ang tao ay lagi nang nakaririnig ng mga paalala ng kabatlayaan na-uuntol ang paggawa ng hindi karapat-dapat sapagkat lagi nang may gabay ang mga diwang naaalalang ang mga bagay na hindi dapat ipagpatuloy ay na-uuntol sa paggawa ng di na-uukol sa kabanalan.

Mga kapatid, magpapatuloy kayo at pati sa kabatlayaang walang-sawang sumusubaybay sa lahat ng sandali sa lahat ng kataon, sa loob at labas ng inyong tahanan kaagapay ng inyong mga sarili ang mga banal na alagad ng Panginoon.

Lagi nang hinahalina ang inyong mga isipan sa paggawa ng na-uukol sa kabutihan, subalit lalo lamang pinananaig ng inyong mga sarili ag maka-laman na aligtigtigin ng inyong mga pagkatao.

Kapayapaan ang inilalagak kong muli ngayon at magpakailanman.  Paalam, Antonio de Padua. 


hungkag

 

1992-04-15, GPL

MIYERKULES SANTO

Managano kayo sa kadakilaan ng inyong pag-aaral, maghari ang kapayapaan ngayon at magpakailanman!

Sa buhay at pag-aaral ng tao ay lagi nang nagnanasang maitaguyod ang kadakilaan ng kanyang pag-aaral at paggawa, tulad sa mga araw na lumipas ay marami ang nagising sa kadakilaan ng kanilang pag-aaral at pananampalataya marami ang nagsikap.

Ang mga dakilang hirap at sakit na dinaanan ng dakilang Anak ng Tao na binigyan ng laya ng Amang makapangyarihan upang makatupad sa kanyang tungkulin na gampanan ang mga sakit at hirap upang maging dakila ang kanyang kaluluwa.

At kayong mga nabubuhay sa kapatagang lupa, sa mga araw na yaon kaya ay narating ng inyong diwa, ng inyong mga sarili ang kahalagahan ng tungkulin at pag-aaral ninyong mga tao na maitaguyod at maisakatunayan ang mga banal na nasain ng inyong kaluluwa na makatupad sa inyong mga tungkulin.

Sana ay kung papaano ginanap ang hirap at sakit ng dakilang Panginoon, may mga nalagi sa inyong mga diwa at pagpapakasakit ng mga bagay na yaon at sana ay kung paano ang wika ay nabuhay ang dakilang Panginoon. 

Hindi ang katawang laman ang nabuhay kungdi ang isang dakilang pagkakilala at pananampalataya naging ganap na sakripisyo ang Kanyang mga hirap at sakit at nabuhay ang kanyang diwa upang managumpay sa hanggang doon sa kadakilaan.

Kayo kayang mananampalataya, nabuhay ang inyong diwa at nagising sa isang dakilang katotohanang kinakailangan ang tao ay magpakasakit sa buhay na ito. Kinakailangang pasanin ang inyong krus ng mga pagpapakasakit.

Hindi ang krus na nakikita ng inyong mga mata kung hindi krus ng pagpapakasakit na kinakailangang ang lahat lubhang dumarating ay pasalamantan sapagkat ang mga hirap na ito ang krus na dala-dalahan ng tao sa sandaigdigang ito.

Kung ito maipanagumpay at matanggap ng buong katatagan ng inyong sarili, maitatayo ninyo ang krus na ito sa bundok ng katotohanan at kadakilaan ng inyong pinag-aaralan, kayo na nga ang mga kaluluwang nakatupad sa inyong mga tungkulin sa inyong mga hirap at sakit na dinaan ay magkaroon kayo ng kaginhawaan ng inyong diwa at kaluluwa. Magkaroon ng ilaw ng katotohanan ang inyong mga diwa at mahahalina ninyo ang mga kaluluwang naligaw ng landasin.

Mga kapatid, nawa ay sa mga araw na lumipas na yaon kung paano sinasabing nabuhay ang dakilang Panginoon, nabuhay din ang kadakilaan ng inyong pag-aaral at pananampalataya sa pamamagitan ng inyong paggawa.

At makilala ninyo ang inyong mga kamaliang kinakailangang pagbayaran ng mga hirap at sakit at makapagpatuloy kayong maitayo ang inyong krus sa bundok ng mga krus, siyang kinatayuan ng krus ng dakilang Anak ng Tao.

Mga kapatid, mahaba-haba ang pag-aaral muli at muli ay binubuhay ng kabatlayaan ang mga ala-ala kung paano maisasakatunayan ang mga banal na gawaing lagi na ay nakahandulong sa inyong kalagitnaan. 

Ikampay ang mga bisig, isagawa ninyo ang mga tungkulin hindi sa pamamagitan lamang ng mga labi kungdi isakatunayan sa pamamagitan ng paggawa ng kababaang-loob at pag-ibig at hindi nang pagtatangi sa inyong mga sarili.

Kinakailangang pantay ang paningin sa lahat at bawat isa, kinakailangang ganapin ang pag-ibig na walang pagtatangi sapagkat iyan lagi nang inyong pinag-aaralan upang maisa-katunayan ang mga bagay na kailangang matutuhan at maisagawa ng tao sapagkat napakahirap maisakatunayan ang mga bagay na ito.

Itinuturo kung paano namnamin at gaganapin ng buong kababaang-loob at pag-ibig upang ang kadakilaan ng Anak ng Tao. Ipinakita at itinaguyod sa buhay na ito ay ipinamalas sa sanglibutang ito upang makilala at maisakatunayan sa pamamagitan ng karunungan.

Pag-ibig at kapayapaan ngayon at magpakailanman! Paalam, Antonio de Padua.

Mga Termino:

nakahandulong (hindi tumitigil sa pagsugat ng damdamin) - offensive social interaction with the intention of inflicting unpleasantness

 

1992-04-15, RR

Mga minamahal na kapatid, napaka dakilang araw ang mga araw na ito na sa inyo ay dumarating upang inyong pag-aralan at taluntunin ang tunay na katotohanan at ang tunay na landas na dapat ninyong patunguhan pagdating ng panahon.

Sapagkat kayo ay nag-aaral at nalalaman ninyo ang mga aral na ibinibigay at itinuturo ng kabatlayaan upang sa gayon ay natutuhan at naisagawa ng lahat at bawat isang nag-aaral. Panahon, mga minamahal ko, na sa kasalukuyang ibinabandila ang mga araling iniwan ng dakilang Panginoon ng Kanyang kapanahunan.

Kaya nga ay kinakailangan ang lahat at bawat isa ay maghanda sa kanyang sarili upang kung ano man ang ibaba ng kabatlayaan at kahulugan ay matutuhan at maisagawa ng lahat at bawat isa.

Mga minamahal ko, dakila nga kung sasabihin na ang Panginoon ay nagbigay ng mga aral upang matutuhan ng tao at maisagawa. Ngunit minamahal ko, palibhasa ay ang tao ay kulang na kulang pa rin sa matatatag na pananalig at pananampalataya sa dakilang Manlalalang.

Kung kaya hindi matutuhan ang maraming tao ang katulad na nga ng ngayon ay ibinabandila ang kapangyarihan at karunungan ng dakilang Panginoon ng Kanyang kapanahunan. Sapagkat siya ang nagbigay aral at halimbawa sa kanyang mga alagad upang kanilang matutuhan at maisagawa ang lahat ng kanyang ini-aaral at ibinigay sa kanyang mga alagad.

Kaya nga mga minamahal ko, matulad sana kayo sa mga alagad ng Panginoon na ang kanyang mga aral at halimbawa ay maipalaganap ninyo ng buong katapatan sa inyong mga kapatid na kulang na pa rin sa pananalig at pananampalataya sa Amang Makapangyarihan. Sapagkat ang Panginoon ay hindi nalikap sa kanyang paggawa ng kabutihan.

Nangaral Siya sa lahat ng dako sa mga taong namamali at naliligaw ng landasin. At sa pamamagitan ng kanyang pangangaral ay nagpatuloy pa rin Siya sapagkat iyan ang tanda na ibinigay sa Kanya ng Kanyang Amang Makapangyarihan sa kaitaasan. Ang lahat ng ibinigay sa Kanya ay Kanyang tinutupad sa lahat ng ano mang kahirapan.

Sapagkat ngayon ay panahon, mga minamahal ko, na ang wika ay pinahirapan ang dakilang Panginoon. Bakit kaya pinahirapan ang dakilang Panginoon samantalang hindi naman siya gumagawa ng ano mang kamalian at bagkus ipinakilala niya ang tunay na kabanalan at pag-ibig una sa Diyos at ikalawa ay sa Kanyang mga kampon.

Bakit kaya siya ay pinahirapan at binigyan siya ng sakit ng Kanyang katawang lamang? Ito kaya mga minamahal ko ay may katotohanan na kung bakit niya tinupad ang mga bagay na iyan.

Sapagkat iyan ang kanyang sinapit ng kanyang kapanahunana kung papaano ako nagtiis ng lalo at lalong mga kahirapan. Kayo mang mga taong nabubuhay ay madadama ninyo ang kahirapng iyan.

At siguro hindi mali sa inyong kaisipan ang lahat ng mga nangyayari sa inyong mga kapaligiran. Bakit ang Panginoon ay pinahirapan samantalang Siya ang nagbigay ng lahat ng mga bagay na kinakailangang magawa ng tao at matupad sa kanilang buhay.

Ngunit sadyang ganyan, mga minamahal na kapatid, kinakailangang ipakilala niya ang lalo’t higit na kahirapan upang ang tao ay natanggap ang ano mang dumating sa kanilang mga kahirapan.

Sapagkat marami ngayong mga tao na ang wika nga ay nagkakamali lagina sa kanilang mga kalagayan. Kung magkaminsan ang kanilang kapwa ay binibigyanng hirap at sakit. At bakit kaya iyan nga ang winika ng Panginoon, “Kung papaano ang ginawa sa akin sa inyo man ay gagawin din.”

Kaya nga ang wika niya ay huwag kayong makalilimot sa inyong mga matapat ng pananalangin. At paghingi ng tawad sa dakilang Amang Makapangyarihan sapagkat Siya ang lahat ng nagbibigay ng ganyang kaparaanan.

Mga kapatid, kayong mga nakauunawa; sa kasaysayan ng Panginoon marahil ko ay mayroon na rin kayong mga natutunan at maaari ninyong napag-aralan sa inyong mga sarili. Sapagkat ang sinabi ng Panginoon, “Ako ay naghihirap, sadyang ako ay pahihirapan.

Sapagkat ito ang ibinigay sa aking Amang Makapangyarihan. Kung bakit ito ay aking natupad sa aking buhay, sapagkat alin man o kayong mga tao ay mayroon ding maaaring katuparan na sadyang ang katuparang iyan ay kinakailangang tanggapin ng tao sa kapangyarihan ng bigay ng Panginoon.

Kinakailangang tatanggapin ng lahat at bawat isa. Maging mahirap man at hindi ay tatanggapn ng tao sa kapangyarihan ang lahat ng mga bgaya na kanyang ginawa at ang kanyang tinupad sa kanyang buhay.

Mga minamahal na kapatid, inaasahan kong sa marami na ninyong narinig na parating ng kabatlayaan mayroon na rin kayong maaaring madala at nataglay sa inyong mga sarili. Ngunit huwag din kayong manlalalang sapagkat Siya lamang ang tanging nakaka-alam at naka-uunawa ng lahat ng mga bagay na sa inyo ay darating sa inyong mga buhay.

Hindi ninyo nalalaman kung bukas makalawa ay darating kaya nga wika nga, huwag kayong makakalimot sa ngalan ng paghingi ng tulong sa kaitaasan upang sa gayon ay huwag ninyong marating ang anomang mga bagay na hindi nauukol sa kabutihan at kabanalan.

Nawa ang dumating sa inyo ay biyaya at pagpapala ng mga langit. Sumainyo nawa ang liwanag at ilaw ng kabatlayaan. Sumainyo nawa ang sulo ng ilaw ng dakilang Amang nasa kalangitan sapagkat Siya ang may dala ng liwanag at ilaw upang sa inyo ay itanglaw ngayon at magpakailan man!

Kapayapaan ang sumainyo ngayon at kailan man! Paalam... Antonio de Padua


1992-04-05, GPL

Managano kayo sa kadakilaan ng inyong pag-aaral, maghari ang kapayapaan ngayon at magpakailanman!

Sa buhay at pag-aaral ng tao ay lagi nang nagnanasang maitaguyod ang kadakilaan ng kanyang pag-aaral at paggawa, tulad sa mga araw na lumipas ay marami ang nagising sa kadakilaan ng kanilang pag-aaral at pananampalataya marami ang nagsikap.

Ang mga dakilang hirap at sakit na dinaanan ng dakilang Anak ng Tao na binigyan ng laya ng Amang makapangyarihan upang makatupad sa kanyang tungkulin na gampanan ang mga sakit at hirap upang maging dakila ang kanyang kaluluwa.

At kayong mga nabubuhay sa kapatagang lupa, sa mga araw na yaon kaya ay narating ng inyong diwa, ng inyong mga sarili ang kahalagahan ng tungkulin at pag-aaral ninyong mga tao na maitaguyod at maisakatunayan ang mga banal na nasain ng inyong kaluluwa na makatupad sa inyong mga tungkulin.

Sana ay kung papaano ginanap ang hirap at sakit ng dakilang Panginoon, may mga nalagi sa inyong mga diwa at pagpapakasakit ng mga bagay na yaon at sana ay kung paano ang wika ay nabuhay ang dakilang Panginoon.

Hindi ang katawang laman ang nabuhay kungdi ang isang dakilang pagkakilala at pananampalataya naging ganap na sakripisyo ang Kanyang mga hirap at sakit at nabuhay ang kanyang diwa upang managumpay sa hanggang doon sa kadakilaan.

Kayo kayang mananampalataya, nabuhay ang inyong diwa at nagising sa isang dakilang katotohanang kinakailangan ang tao ay magpakasakit sa buhay na ito. Kinakailangang pasanin ang inyong krus ng mga pagpapakasakit.

Hindi ang krus na nakikita ng inyong mga mata kung hindi krus ng pagpapakasakit na kina-kailangang ang lahat lubhang dumarating ay pasalamantan sapagkat ang mga hirap na ito ang krus na dala-dalahan ng tao sa sandaigdigang ito.

Kung ito maipanagumpay at matanggap ng buong katatagan ng inyong sarili, maitatayo ninyo ang krus na ito sa bundok ng katotohanan at kadakilaan ng inyong pinag-aaralan. Kayo na nga ang mga kaluluwang nakatupad sa inyong mga tungkulin sa inyong mga hirap at sakit na dinaan ay magkaroon kayo ng kaginhawaan ng inyong diwa at kaluluwa. Magkaroon ng ilaw ng katotohanan ang inyong mga diwa at mahahalina ninyo ang mga kaluluwang naligaw ng landasin.

Mga kapatid, nawa ay sa mga araw na lumipas na yaon kung paano sinasabing nabuhay ang dakilang Panginoon, nabuhay din ang kadakilaan ng inyong pag-aaral at pananampalataya sa pamamagitan ng inyong paggawa.

At makilala ninyo ang inyong mga kamaliang kinakailangang pagbayaran ng mga hirap at sakit at makapagpatuloy kayong maitayo ang inyong krus sa bundok ng mga krus, siyang kinatayuan ng krus ng dakilang Anak ng Tao.

Mga kapatid, mahaba-haba ang pag-aaral muli at muli ay binubuhay ng kabatlayaan ang mga ala-ala kung paano maisasakatunayan ang mga banal na gawaing lagi na ay nakahandulong sa inyong kalagitnaan. 

Ikampay ang mga bisig, isagawa ninyo ang mga tungkulin hindi sa pamamagitan lamang ng mga labi kungdi isakatunayan sa pamamagitan ng paggawa ng kababaang-loob at pag-ibig at hindi nang pagtatangi sa inyong mga sarili.

Kinakailangang pantay ang paningin sa lahat at bawat isa, kinakailangang ganapin ang pag-ibig na walang pagtatangi sapagkat iyan lagi nang inyong pinag-aaralan upang ma-isakatunayan ang mga bagay na kailangang matutuhan at maisagawa ng tao sapagkat napakahirap maisakatunayan ang mga bagay na ito.

Itinuturo kung paano namnamin at gaganapin ng buong kababaang-loob at pag-ibig upang ang kadakilaan ng Anak ng Tao. Ipinakita at itinaguyod sa buhay na ito ay ipinamalas sa sanglibutang ito upang makilala at maisakatunayan sa pamamagitan ng karunungan.

Pag-ibig at kapayapaan ngayon at magpakailanman! Paalam, Antonio de Padua

1992-03-11, GPL

Managano kayo sa kapayapaan ngayon at magpakailanman!

Buhay ay pag-aaral... ay lagi nang nakasasalay ang mga pagsubok sapagkat minamalas ng kabatlayaan kung kayo ang mga kapatid na matatag na sa inyong mga pag-aaral. Tinatantan ang lubid ng pagkakilala ng tao upang lalong maghigpit ang pagkakapit sa puno ng ubas. 

Kung ang tao ay walang tatag at tibay ng pananampalataya, sa sandaling tangtangin ang lubid bumibitaw at hindi maisakatunayan ang mga dakilang hangarin ng pananampalataya.

Sapagkat kayo ay matitibay na at matatag na sa inyong pagkakilala, nalalaman kong hindi kayo bibitiw sa kadakilaan nasang marating ng inyong mga sarili sapagkat ang lahat ng mga bagay sa lupa, kung ang tao ay mayroon na nang pagkakilala ay anoman ang dumating ay pahahalagahan ninyo at isasakatunayan ang kadakilann ng pag-aaral at tungkulin nakababaw sa inyo.

Sapagkat ang pag-aaral na ito ay dakila at ito lamang ang tanging maihahandog ninyo sa inyong diwa, ito ang tanging baunang matitipon ng inyong mga sarili kung maganap ninyo ang mga tungkuling lagi na ay itinuturo ng kabatlayaan.

Huwag kayong manghinayang sa panahon, sa mga oras na gan-ganito na inilalagi ninyo sa Banal na ubasan ng Panginoon. Sapagkat ang mga butil ng gintong aral, pagkakilala at paggawa ay tipunin ninyo sa ubasan ng Panginoon upang kung dumating ang mga banal na araw sa inyong buhay ay mayroon kayong kanawa-nawang pagkaing madadala sa dako pa roon.

Mga kapatid, lagi nang inuulit ng kabatlayaan ang mga bagay na itinuturo at pinag-aaralan lalo pa sa ganitong pagkakataon, unang yugto ng panahon. Nakapagmuni-muni na ba kayo sa inyong mga sarili kung ang lumipas na mga tao ay mayroon na kayong nadagdag sa mabubuting gawang lagi nang nakahandulong sa inyong mga pagkatao?

At ngayon ay panibagong yugto na naman ng panahon, kinakailangang dagdagan ang inyong mga natitipon. Gisingin ang inyong diwa at kaluluwa upang maisakatunayan ang banal na adhikaing makagawa nang mabuti sa inyong mga kapwa, makapaglingkod, makatulong sa mga pangangailangang ng inyong kapwa.

Mga dalanging siyang magpapaliwanag sa mga kaluluwang naliligaw ng landas at sa mga nilikhang mahina ang pagkakilala at pananampalayataya. Sapagkat kayo ang mga alagad ng Panginoong pinagkatiwalaang tumulong at umalalay sa inyong mga kapatid na nasa kahinaan ng pagkakilala.

Huwag kayong magsasawa, mga iniibig na kapatid, sapagkat ang kadakilaan ng inyong pag-aaral at pananampalataya hanapin ang mga bagay na pangangailangang ng inyong laman at ng inyong diwa kung kayo ay makapagpatuloy ng mga bagay na kinakailangang madala ng lahat at bawat isa hanggang doon sa kadakilaan ng Amang makapangyarihan sa lahat.

Kapayapaan ang iiwanan ko ngayo at magpakailanman. Paalam, Antonio de Padua.

 

1992-02-05 GPL

Managano kayo sa kapayapaan ngayon at magpakailanman!

Ang bawat pagnanasa ng tao nang nauukol sa kabutihan ay lagi na nakahandulong ang kabatlayaan. Ang lahat at bawat isa sapagkat kayo ang mga alagad ng Panginoon. Naging bahagi sa kapatagan kung kaya't lagi nang nakasubaybay sa inyo ang diwa ng pag-aaral at ng tungkuling maisakatunayan ng lahat ng mga bagay na itinuturo ng kabatlayaan.

Marahil ang pagnanasa ng inyong mga diwa makapagpatuloy sa pag-aaral dangan ang isang kalamnang lagi nang tamad sa paggawa ng mabuti siyang sagabal, na maantala sa mga dakilang aralin nakapaloob na sa inyong mga diwa. 


At ang kaganapang ito ang siyang kinakailangang maipagpatuloy ninyo sa bawat sandali sapagkat napakahaba ng lakbayin ninyo ng mga nilikha subalit sa mga sandaling ang tao maligaw ng landasin, kinakailangang kung gumigiit sa inyong mga sarili ang pagbabalik-loob sa mga nagawa ninyong pagkukulang o kamalian sa inyong mga sarili, magbalik-loob kayo, humingi ng pamanhin sa inyong pinagkasalahan.

Naririyan ang mga banal na alagad ng Panginoong siyang sumusubaybay, siyang nagpapa-isip ng mga bagay na mabuting kinakailangang gawin ng tao. Alisin ang kataasan ng inyong pag-uugali sapagkat diyan kayo papasukin ng tukso. Ang mahihinang kaisipan na siyang lagi nang umaalalay sa mapagkamaling diwa ng mahihinang pagkakailala.

Subalit kung kayo ay isang mananampalataya, mayroon ng dakilang layunin at mataas na pag-aaral ano mang ang gawin ng mahihinang kaisipang ito, hindi makapapasok sa inyong mga diwa.

Sapagkat nananalangin kayo sa inyong mga sariling hadlangan ang mga bagay na kahinaang lagi nang tumutukso sa inyong pagkatao at tatawag kayo sa mga banal na alagad ng Panginoon alalayan kayo at bigyan lakas upang hindi kayo madaig ng mahihinang kaisipang itong lagi nang humahandulong at ang kataasan ng bawa't sarili ang siyang ninanasa.

Natuto kayong lumaban na sa inyo ay kumaka-away sapagka't marami ang madidilim na kaisipan kaysa sa mga kabanalang lagi nang hinahalina ang inyong mga sarili. Ang nais ng masasama ay magkaroon ng kakampi ang kanilang mga sarili.

Kaya't kayo sa inyong mga sariling pag-aaral at pagkukuro ay matutuhan ninyong pangalagaan ang inyong diwa o kaluluwa ay bahagi ng Diyos hindi patatalo sa mga maling alitigtiging humahandulong sa inyong kaisipan.

Tatawag kayo at ang kabatlayaan ay hindi magpapabaya sa humihingi ng tulong at ipaiisip sa inyo ang mga bagay na mabuti kinakailang magawa ng inyong mga sarili at makatulong sa mga kaluluwang naliligaw ng landasin.

Iyan ang aking maitulong at nawa ay pagpalain kayo ng Ama, ngayon at magpakailanman! Antonio de Padua.

 

1991-12-08  GPL 

Sumainyo ang kadakilaan ng Amang Makapangyarihan ngayon at magpakailanman!

Dakila ang pag-aaral at pananampalatayang nilalakipan ng paggawa sapagkat kung lagi nang nag-aaral at hindi gagawa ay baog ang kadakilaang namamahay sa inyong mga diwa.


Sapagkat ang inyong nasa mga diwa ay kayang bukhin ng inyong mga labi madali ang mangusap subalit sa paggawa laging untol, laging kahinaan ang siyang naghahari sa mga bagay na mabuting ninanasa ng inyong kaluluwa.

Sapagkat ang katawang lamang siyang palihan upang makagawa ng mabuti ang tao'y mapakabigat dalhin ng isang kaluluwa hindi ang lahat ng udyok ng isipan ng tao'y naipagpapatuloy sapagkat ang kalamnang ito ang siyang mabigat na dalahin ng tao subali't natatakot ang taong maiwan ang isang kaluluwa ang lahat ng mga bagay ay ginagawa ng tao upang hindi maghiwalay ang katawang laman.

Kung kayo lamang ay lubusan ng natututo sa inyong pag-aaral marahil matamis ang isang kamatayan upang makapagpatuloy ang isang kaluluwa sa malabis na pagnanasa ng kabutihan ninyong mga mag-aaral. 

Iyan ang aking natatanaw na malabis ang inyong pagka-ibig at pagnanasa subalit hindi ma-iabot ng katawang laman ang kahalagahan ng paggawa at tungkulin kung sa mga taong mayroon ng pagkaunawa at pagkakilala ay maghihiwalay ang laman at ang diwa. Kung mahiwalay ang kaluluwang ito magpapatuloy sa pag-aaral at pagtulong sa mga kaluluwang naliligaw ng landas.

Mga kapatid, napakabigat ang katawang lagi nang pinakakain ng masasarap ng pagkain, binibihisan ng magagandang kasuotan subalit ito ang pabigat sa isang kaluluwa. Subalit kung ang tao ay marunong at dakila ang pagkakilala ito, ang magagamit upang maging dakila ang inyong mga diwa. 

Ito ang hagdan upang managumpay ang inyong diwa o kaluluwa kaya't lagi na ninyong pininindigan subalit sa mahina ang pagkakilala hindi pa abot ang kahalagahan ng pandayan upang mapadali ang katigasan ng isang bakal at lumambot. Kinakailangan daanin sa pandayan. Iyan ang pandayan ng kaluluwa ang katawang lamang lagi ng sahol sa paggawa ng mabuti.

Mga kapatid, huwag kayong magsasawa magpapatuloy kayo sapagka't maaalis ninyo ang hadlang ng kahinaan pangkapatagan at maitataguyod ninyo unti-unti ang kadakilaang hinahangad ng inyong kaluluwa sapagkat kayo ay galing sa Ama na kinakailangan bumalik sa Ama na malilinis ang inyong mga diwa upang maging karapat-dapat sa mga banal na alagad ng Panginoon.

Kapayapaan ang inilalagak ko ngayon at magpakailan man! Paalam, ANTONIO DE PADUA

 


Comments

Popular posts from this blog

2023-11-27, Rebecca

2016-02-02, Rebecca

1981-1994, Koleksyon - Geronimo de Guia