1995-2022, Koleksyon - Apostol Juan

2022-07-02, RAD  

 1. Ano ang Ciencia ng karunungan at pag-ibig patungo sa Diyos?

2. Ano sa matandang tipan ng Banal na Aklat ang pagpaparami, pagpapalaganap at pagpapahayag?

Alin ang pararamihin, palalaganapin at ipahahayag? Pag-ibig ng Ama at ng Panginoon ang maghari sa puso at diwa ng lahat at bawat isa ngayon at magpasawalang hanggan. Magiging panimula ko ang ganitong banghay na, nasulat o natitik sa Banal na Aklat.

Na, ang pangungusap, "Humayo kayo ng daladalawa at ipangalat ninyo ang aking ebanghelyo." Naroroon ngayon ang pagbubukas upang maunawaan ng sangkatauhan ang ipinagkaloob ng Diyos. May kahingian ito na kailangan niyang mataglay na, siyang magiging kabuuan upang marating ang landas na ang hangganan ang kaharian ng mga langit.

Tulad ng tabak, hindi magagamit kapag walang talim. At ang talim na inilagay ay ang karunungan at pag-ibig. Karunungan na umaangkop at umaayon sa kanikaniyang antas o lebel ng bawat tao. Antas ng kaalaman at karunungan ng isang diwa.

Na, ang karunungang ito'y bai-baitang, hagdan-hagdan ang proseso na kanyang daladala at kanyang tinataglay na, siya namang hahakbangan at lalakaran ng bawat tao na gagamit ng karunungan at kaalaman sa kaniyang pagsasagawa sa ibabaw ng lupa.

At diyan nakapaloob ang Agham, ang Palapahaman ng buhay sapagkat hakbang-hakbang, bai-baitang ang proseso na kinakailangang maunawaan ng bawat tao. Kaya nga, karunungan. Ano ang nakapaloob sa karunungang ito? Ang karunungan ng Diyos na sinasaklaw ang lahat. Karunungan sa lupa, karunungan sa langit, saklaw ng karunungan ng Diyos.

Ano ang karunungan ng Diyos sa kahayagan sa ibabaw ng lupa? Ang kanyang batas, ang kanyang kautusan sapagkat ang batas at ang kautusang ito'y naroroon ang Palapahaman ng Buhay. Na, kapag hindi mo naunawaan hindi mo matataglay ang pagibig na siyang kinakailangan na kanyang maging katambal, sapagkat ang karunungan kung wala ng pagsasabuhay at hindi kailanman isasabuhay at hindi ilalagay sa larangan ng pagsasagawa makararating ka ba sa kaharian ng mga langit?

Oo, maaaring sisirin maging ang pinakamalalim na karagatan sapagkat kaya na ihayag, kayang ipangungusap, kayang pangatwiranan ang lahat ng pinakamalalim na karunungan ngunit iyon ay nakatitik lamang at naiiwan lamang doon sa kanyang isipan, ngunit sa larangan ng paghahayag, sa larangan ng pagsasagawa doon ngayon nagkukulang.

Kaya doon kinakailangan gamitin at magsimulang buksan ang proseso ng kahayagan ng Agham upang makarating siya sa kaharian ng mga langit. Kaya nga karunungan at pagibig ang siyang nagtatambal. Samakatuwid, kapag hindi ito naganap, katotohanan ang inyong narinig na nangungusap, "Sunugin man ang iyong buhay, kung walang pag-ibig, wala ring magiging kabuluhan."

Sapagkat ano ang magiging kabuluhan na nakuha mo, nataglay mo, naunawaan mo ang lahat ng uri ng kaalaman, maging ito'y sa materyal at sa espiritual ngunit hindi mo ito inilalagay sa larangan ng pagsasagawa upang diyan ka hatulan, diyan ka sukatin, diyan ka tingnan,diyan ka tanawin na, ikaw ay tunay ba na may naunawaan sa pakikipamuhay mo sa ibabaw ng lupa?

Naririyan ngayon ang bawat bahagi, kaya't ang wika, "humayo kayo ng daladalawa." Samakatuwid, timbang, balanse. Na, kung nasasa iyo ang karunungan, timbangan mo ng pagibig, sapagkat walang magiging halaga kung ang lahat ng kaalaman at karunungang natutuhan mo, naunawaan mo, nakilala mo ay hindi mo ilalagay sa larangan ng pagsasagawa upang diyan ka mabuhay sa katotohanang nasumpungan mo.

Nasasa iyo ang pagkakilala, ngunit sa pamamagitan ng pagkakilalang ito na kawangki ng karunungang daladala mo ngunit nalilihis sa katwiran na sa iyo ay ibinigay o iyong ibinibigay at ipinamamahagi sa iyong kapwa, iyan ba ay timbang?

Kaya nga't kung nasa iyo ang pagkakilala, nasa iyo ang karunungan sikhayin mong ito'y matambalan ng tunay na katwiran sapagkat ang tunay na katwiran walang inaalipin at walang nagpapaalipin sapagkat naroroon ang kanyang kalayaan, ang bawat inihahayag at ibinubuka ng bibig nagkakalag sa tali ng pagkakasala; nagkakalag sa tali at gapos ng maling paniniwala na, ang tutunguhin ay ang liwanag at kapayapaan.

Naroroon ngayon ang bawa't bahagi. Ang laman ay may taglayin sa kanyang sarili. Ang kaluluwa ay may gampanin sa kanyang kalagayan. Ang Espiritu man ay mayroon din ng kahayagan ng kanyang lakas upang itali at ibigkis sa laman at kaluluwa.

Kung ito ngayon ay hindi magaganap, katulad din ng karunungang walang pagibig ay hindi makararating sa kaharian ng mga langit. Samakatuwid, iyan ang binubuksan. Ano ang ihahayag? Ano ang kahulugan ng paghahayag? Ang diwa ng paghahayag ay ang pagsasagawa. Ang pagsasabuhay ng lahat ng iyong mga natutuhan sa pamamagitan ng karanasang sa iyo'y ibinigay.

Ang pagpaparami, ay ang pagbibigay at pagkakaloob ng bawat natutuhan mo, hindi lamang sa kalaganapan ng buhay mo kung hindi sa kalaganapan ng lahat ng tao, sa kalaganapan ng sandaigdigan. At ano ang kinakailangang ipalaganap?

Hindi ba ang karunungan ng pagpapakabuti? Ang karunungan ng pagpapakalinis? Ang karunungan ng pagbabagong buhay? Ang karunungan ng pagalis sa kawalan ng kamalayan at kamusmusan sa paggawa ng kanyang ikaliligtas sa pagkakasala?

Karunungan upang tunguhin at anihin ang kaluwalhatian at kawagasan ng kanyang kaluluwa? Iyan ang pararamihin sapagkat kung hindi ito matataglay nang buo na kahayagan ng buhay ng tao may maibibigay ba kung wala ka ng lahat ng ito?

Kaylanman ay hindi ka nakaunawa kung paano magpapakabuti. Kaylanman ay hindi mo naunawaan kung paano magpakalinis maging sa iyong pananalita, sa iyong pag-iisip, sa laman ng iyong kalooban. Paano ka makapagbibigay, makapangangalat at makapaghahayag kung kulang ka nang karunungan ukol sa ikaluluwalhati ng iyong kaluluwa?

Kulang ka sa karunungan na, ang daladala ay ang mataas na pintigin ng iyong puso, ang mataas na kamalayan o kaunawaan ng iyong diwa upang ang ipahayag ang karunungan ng Diyos na nakapaloob sa kanyang batas at sa kanyang kautusan. Nauunawaan ba ng tao ang diwa ng batas o ang kautusan na inilagay lamang sa dalawa?

Ibigin mo ang Dios nang buong puso mo, nang buong pagiisip mo, nang buong kaluluwa mo. Ibigin mo ang iyong kapwa tulad ng pag-ibig mo sa iyong sarili. Hindi ba't naririyan ngayon ang kinukuha at ang dapat na mataglay ng lahat at bawat isa ay ang maunawaan niya, nasasaan ba siya sa batas na ito?

Oo, sa katitikan hindi ka nagnanakaw. Ngunit sa diwa, sa puso, sa kahayagan ng kaunawaan ukol sa pagangat ng iyong mediumnidad, sa pag-angat at paglawak ng pakultad na iyong dinadala, naihahayag mo ba?

Nagagamit mo ba? Itinatago mo sa iyong sarili, hindi ba ngayon nagnanakaw ka? Hindi ba ngayon ang mga bahaging ito ay sadyang kinakailangang maunawaan? Sapagkat ang tao'y ginugugol ang kanyang panahon, ginugugol ang kanyang lakas, ginugugol ang kanyang buhay sa lahat ng mga uri ng yaman na ibinibigay ng sanglibutan sapagkat ito ang sa kanya'y nakapagbibigay ng kaaliwan, nagnanakaw ang tao ng panahon.

Ninanakaw ng tao ang lakas na kinakailangang magamit niya upang isulong ang kalagayan ng kaniyang kaluluwa. Ninanakaw ang kanyang buhay sapagkat kung ito'y kinakailangang mabahagi't mahati, ibigay mo ang para kay Cesar ay kay Cesar; ibigay mo ang para sa Diyos ay sa Diyos, ngunit ang realidad, nawawalan ng panahon ang tao ng para sa Diyos.

Nagkukulang ng panahon at sandali ang para sa pag-unlad at pagsulong ng kanyang Espiritu. Iyon ay mga bahaging kapag naunawaan, mula dito, sa pamamagitan ng galaw o ng gawang sa iyo'y mamamasdan, nagkakalat ka, naghahayag ka, nagpaparami ka ng bahagi ng kaangkinang dala-dala ng Diyos; ng katangiang mayroon ang Diyos, sapagkat kung ang Diyos ay kabutihan, kawagasan, kadalisayan na siyang ginanap ng Panginoon.

Hindi ba't sadyang ang lahat ng ito, ang mga katotohanang ito ang siyang kinakailangang ipalaganap ng tao? Ang siyang kinakailangang paramihin ng tao? Ang siyang kinakailangang ihayag ng tao? Sapagkat mula sa pagsasagawa nito ang lahat ay matutupad; ang lahat ay magaganap sa isang panahon, sa isang sandali tatamuhin ang iyong kaligtasan.

Sapagkat ang bawat buhay na kinalalagyan ng tao ay may kani-kaniyang panahon. Panahon ng pagtatanim, panahon ng pag-ani; panahon ng kapayapaan, panahon ng kaligaligan; panahon ng buhay, panahon ng kamatayan.

Kaya nga't ang atas, humayo kayo, ipangalat ninyo ang aking ebanghelyo. Sapagkat ang ebanghelyo ay kabuuan ng tao, kabuuan ng bawat isa. Ang laman, ang kaluluwa at ang Espiritu. Eva, Anghel at ang eyo. Iyan ay mga bahagi na mula pa sa pasimula ibinigay na, kinalagan na, ipinagkaloob na, ng Diyos. Saan?

Doon sa Eden na, naroroon ang isang Eba, ang isang Adan at ang isang ahas. Na, ipinahiwatig at ipinaalam kung ano ang tuparin at ang gampanin ng bawat isa. Ngunit sapagkat kulang pa sa kaalaman sadyang pinid pa ang diwa upang malaman ang mga bahaging dapat na mataglay sapagkat siya'y ibubulaos sa sandaigdigan, may ahas na ibinigay upang ang taling ito'y mapagot; makalagan ang tao sapagkat mula sa ahas natutuhan ng taong kilalanin, suriin at pag-aralan, ano ba ang tama at ang mali.

At mula doon ay tinanggap ang gampanin na kinakailangang galawan. Sa isang Adan, ano ang ipinagkaloob na marapat niyang ihayag, ikalat at paramihin sapagkat dito siya mabubuhay? Sa pawis ng iyong noo, doon manggagaling ang iyong kakainin.

Hindi ba naririyan, Ano ang pagkain na kinakailangang manggaling sa pawis ng kanyang noo? Maghihirap ang tao. Kinakailangang magpakasakit ang tao. Kinakailangang magsakripisyo ang tao upang mula sa kanyang pakikipamuhay at pagkamulat sa lahat ng materyal na pangangailangan doon ngayon niya ilalagay at ititimbang ang kanyang magiging sakripisyo, ang mga bahaging sa kanya'y magbibigay ng pagsulong, ang kaalaman sa paggawa ng pagkakawanggawa.

Ang karunungan sa pagpapatawad sa lahat ng sa kanya'y nakagagawa ng hindi karapat-dapat. Ang pagpapaumanhin, ang pagpupuno, ang pagdaragdag sa bawat kakulangan, ang paglilinis ng kanyang kabuuan bilang saplot na, sa kaniya'y ibinihis ng Diyos.

Doon magmumula ang pagkabuhay ng tunay na Espiritu. Kaya nga't sa pawis ng iyong noo doon manggagaling ang iyong kakainin. Ang noo ay bahagi ng ulo, at naririto ang sangkap ng utak, at ang utak ang siyang kinalalagyan ng karunungan kaya nga't kinakailangang sa pamamagitan ng karunungang tatamuhin.

Sisimpanin ng tao sa pamamagitan ng pagpulot sa bawat aral na daladala ng kanyang karanasan doon manggagaling ang kakainin ng laman, ng kaluluwa at Espiritu upang makakalag sa tali ng kamangmangan, sa tali at gapos ng pagkakasala.

Iyan ang ibinigay. Sa isang Eba, mula ngayon pahihirapin ko ang iyong paglilihi hanggang sa iyong panganganak. Hindi ba't katotohanang nadarama ng tao na hindi nagiging madali ang gumawa ng mabuti? Hindi magaan ang magkaroon ng suliranin?

Lalong hindi magaan ang magtamo ng mga pagsubok at hamon sa kanyang buhay? Ngunit kinakailangang ito'y madama ng isang kaluluwa, sapagkat sa pagdama ng kaluluwang ito na ang binibigyang daan at ginagamit na instrumento, ang kanyang laman, ang lahat ng dadamhin ng laman maging kaligayahan at maging ito'y kasakitan ng kaniyang puso, ang kaluluwa ang kumukuha ng damahing ito.

At sa pamamagitan nito, katulad ng isang babae, nagiging napakahirap ang paglilihi sapagkat napakahirap tumanggap ang tao, napakahirap na dalhin ng tao ang tunay na baitang ng proseso ng karunungan at pagibig sapagka't ano ang kanyang daraanan?

Sakripisyo, ngunit ang sakripisyong ito'y benepisyo ng isang kaluluwa sapagkat sa pamamagitan ng suliranin may diwa, may isipang napapanday; may damdaming napipino; may kaloobang siyang nagiging utak at siyang pinakapuso ng pagiisip, "Power of the Mind".

Ang kalooban ang power of the mind. Samakatuwid, iyon ang kapangyarihan ng pag-iisip. Kaya nga't kinakailangang malamnan ang isang kalooban ng pagkaunawa sa tunay na diwa ng tama at ng mali, ng matuwid at ng liko.

Sapagkat kapag ito ang kanya ngayong nilakaran ang batas, ang kautusan, kanya nang maiigpawan. At dahil diyan, hindi na siya lalagumin ng batas, hindi na siya sasakupin ng batas sapagkat siya'y labas na sa batas.

Sapagkat ang karunungan at pagibig nauunawaan niya kung papaano ito, sa kanyang pakikipamuhay sa lupa ay gagamitin ng may kalayaan ngunit kalayaang hindi ang tutunguhin ay ang siya'y maparool at mahulog sa kumunoy upang mabaon ang kanyang adhikain at malugami ang layunin ng kanyang kaluluwa.

Kaya nga iyan ang sakbibihin ng inyong puso. Kung ibig ninyong magparami, magbubukas kayo ng tulog na diwa, magbubukas kayo ng tulog na isipan sapagkat iyan ang isinabuhay at larawang ipinatunghay ng Panginoon, nagbukas ng bawat diwa upang ito'y malamnan at masidlan ng mga aralin na ang tutunguhin ay ang kabanalan.

At sa pangangalat, ito'y katumbas ng pagkakaroon ng adhikaing kayo'y makaipon; kayo ay makapagsubi; kayo ay makapagimpok ng yaman ng tunay na buhay na hindi nabubulok, hindi kinakain ng tanga, at hindi rin magiging katulad ng pagkaing napapanis sapagkat iyan ang pagkain ng kaluluwa.

Na, siyang magiging hagdan at tuntungan upang ang pakultad ng Espiritu ay marating, mabuo, matanim sapagkat iyan ang tunay na kahayagan ng mediumnidad, sapagkat ang mediumnidad sa kanyang diwa ay ang pagkakaroon ng mga bahagi ng karunungang panlupa at karunungang panlangit na kanyang naipon sa bawat yugto ng kabuhayan na kanyang dinaanan.

Ito ang kahayagan sa buhay na kinakailangang mabuksan sapagkat naroroon ang bigkisan, naroroon ang tali ng karunungan at pagibig na, ang karunungan at pagibig na ito ang siyang kinakailangang ipalaganap, ikalat, ihayag at paramihin sapagkat ang karunungan at pagibig ang siyang karunungan ng Diyos, at ang karunungan ng Diyos inilagay at ipinaloob sa batas at kautusan.

Ito ang aking sa inyo ay inihahandog upang maunawaan ng lahat ng tao, na kayo'y dakila sa paningin ng Ama at ng Panginoon. Maghari nawa ang pag-ibig at biyaya na sakbibihin ng Ama at ng Panginoon ngayon at magpasawalang hanggan. Apostol Juan, Paalam.

2022-06-25, RAD

Ang biyaya na mula sa pagibig ng Diyos, ang maghari sa lahat at bawa't isa ngayon at magpasawalang hanggan.

Isinaad at nasulat sa Aklat ng Panahon na ang pangungusap, ang karunungan sa langit ay nagiging kamangmangan sa lupa; at ang karunungan sa lupa ay kamangmangan sa mga langit. Kung ito ngayon ang uugnayan upang maunawaan kung ano ang mga galaw mula sa pagiisip, sa dinadama ng damdamin, sa taglayin ng kalooban ng bawa't nilalang ng Diyos na nagiging kamangmangan sa langit ang kanyang kahayagan.

At kung ano ang karunungan ng langit na, katulad ng katotohanan na ipinangungusap, ang taga sanglibutan ay hindi makatatanggap at napakahirap tumanggap ng katotohanan. Ito ngayon ang nakapaloob.

Ano ba sa pinakamababaw na larawan ang inihahantad, dinadala, at ipinadadama ng karunungan ng langit na, hindi magawa na matanggap ng tao sa sandaling siya'y dumarama ng suliranin, siya'y dumarama ng pagsubok, siya'y nakaharap sa mga hamon at tunggalian ng buhay?

Ang maling paniniwala na hindi katugon ng Palapahaman (pilosopiya) ng buhay o ng Espiritismo

Ito ba ang kahayagan na kung saan ang tao ay nag-iibig sa kanyang sarili na hindi makadama ng sakit sa kanyang buhay? Natatakot magpakasakit; Naduduwag sa tiisin; natitiklop ang tuhod kung dumarating ang mabigat na pagsubok at hamon ng buhay sa kanyang kabuuan.

Samantalang kung ang bawat kaluluwa ay kinakailangang sumulong, hindi baga ipinababatid ngayon na, sa pagsulong kinakailangang siya ay linangin tulad ng ginto. Siya ay kinakailangang mapanday tulad ng tabak upang sa sandaling gamitin ang tabak ay maunawaan niya na kapag ito ay ginamit niya nang walang pakundangan o pagkaunawa, mabibingaw ang kanyang talim. At sa pagkabingaw ng talim namimighati ang puso.

At kung kulang ng kaalaman, bakit ako pa ang dumama ng ganitong kabigat na tiisin? Bakit ito ang ibinigay sa akin samantalang sa paghawak niya ng tabak, naroroon nang dahil sa kakulangan ng pagsusuri at pagsisiyasat sa kanyang mga gagawin at binabalangkas hindi niya naunawaan ang tabak pala na kanyang hawak ay itinataga na niya sa bato.

Ang Palapahaman o Sciencia ng pagtitiis na itinuturo sa atin ng karanasan ni Job sa Banal na Aklat

Bakit hindi ito ngayon mabibingaw? Naririyan ang mga kamangmangan ng tao. Na katulad din ng larawang inihantad ng isang Job sa kanyang kasaysayan. Na kung saan ang pagsisisi, ang pagtitika, ang pagsusuri at pagsasaliksik sa kanyang sarili ang diwa na binubuksan at diwang ipinahahatid ng pagtitiis na sinakbibi ng isang Job.

At kung ito ngayon ang diwang nakapaloob, ang pagsisisi na kinakailangang gawin ng tao, ang pagtitika na kinakailangang magkaroon ng puwang at daan sa kanyang buhay sapagkat mayroon na ng kaalaman at karunungang sa kanya ay nabuksan, mayroon na ng natutuhan sa mga karanasang inihahantad ng sandaigdigan; mayroon na ng naunawaan at nakilala sa karanasang sinapit ng kanyang sarili.

Naririyan ang diwa ng pagtitiis. Magtitika ka. Pagsisihan mo ang larawang sa iyo ngayon ay nahantad sapagkat taglay mo na ang talino; taglay mo na ang kaalaman; taglay mo na ang karunungan upang maunawaan mo ang mga gawang sa iyo ay umaakay upang managutan ang iyong kaluluwa.

Kung gayon, hindi ba iyan ay kaalaman ng langit na hindi matanggap ng tao? Isang simulain ng pag-ibig, isang simulain na nagbubukas at nag-aangat sa pagka-unawa ng bawat mag-aaral na may bukas nang kamalayan sa diwa ng tunay na buhay.

Na kung saan, ang buhay kapag napuputos ng suliranin at mga pagsubok matuwa ka, magalak ka kaluluwa sapagkat ikaw ay binibigyan ng pagkakataon upang mabuksan ang kaunawaan ng iyong diwa. Upang ikaw ay i-angat sa iyong antas at kakayahan ng iyong pag-iisip, ng iyong paniniwala, ng iyong patakaran na mula noon ay ginalawan mo na, isinabuhay mo na.

Na, hanggang ngayon ay naroroon pa rin ang bawat hakbang na ginagawa ng iyong mga paa na kinakailangang iyo nang mapag-aralan; kinakailangang iyo nang masuri; kinakailangang iyo nang masiyasat. Iyan ang larawan ng isang Job na ibinigay na siyang diwa ng uod na nalalaglag na ay ibinabalik pa sa kanyang katawan. Sapagkat kinakailangang maunawaan at makilala ng tao ang bawat kanyang iginalaw; ang bawat kanyang hinakbangan; ang bawat kanyang nilakaran; ang bawat landas na kanyang tinahak upang marating niya ang pananagumpay.

Kaya nga ang wika, ang magtiis hanggang wakas ang siyang maliligtas. Pagtitiis na hindi nangangahulugang katulad ng pagtitiis ng tao na kung may suliranin nagtitiis siya ng sakit; na kung siya'y nabigo nagtitiis siya sa upasalang kanyang tinatanggap mula sa kanyang kapwa na nagiging bigat sa kanyang kalooban.

Hindi iyan ang pagtitiis. Iyan ay mga bahagi ng gampanin, ng tuparin ng kanyang kaluluwa sapagkat ang kanyang layunin ng pakikipamuhay sa lupa, siya ay masulong, siya ay makaakyat doon sa antas na kinakailangang mabuksan ang kanyang kaunawaan ukol sa pagkilala sa kanyang sarili. Ito ang larawang inihantad ng isang Job.

Nalalaglag na ibinabalik pa sapagkat naroroon ang pangangailangan ng pagsulong, kung kaya nga at ang tao ay nanalig sa isang kasabihan, ang hindi lumingon sa kanyang pinanggalingan ay hindi makararating sa kanyang paroroonan.

Sapagkat kung ang kinakailangang lingunin ay ang bahagi ng layon at kalooban ng Diyos, ang simula ng buhay na ipinataglay at ipinadama ng Diyos, ang kapinuhan, ang kalinisan, ang kawalan ng higit na pagpapahalaga doon sa kanyang ipagkakasala sapagkat kulang pa ng kaalaman. Na, kung nakagagawa ng hindi karapatdapat maituturing bang ito'y kamangmangan samantalang iyon lamang ang antas na kanyang kinalalagyan?

Mga kamangmangang dapat na iwaksi

Maituturing bang kamangmangan kung ang isang tao na naroroon sa ilog, ibig lumangoy ngunit hindi marunong lumangoy ngunit nagsikhay na siya’y lumusong at kung siya ngayon ay nalulunod masasabi bang ito at maituturing bang ito'y kamangmangan?

Samantalang wala siyang alam sa kaparaanan kung paano lumangoy ngunit ang adhikain ibig niya na siya ay umangat sa kanyang kalagayan. Sa ganyan ngayon nababahagi ang bawat pangyayari sapagkat ang karunungan ng kaitaasan o ang karunungan ng langit ay nagkakalag upang ang tao ay makaalpas sa mga takot na naroroon sa kanyang puso.

Takot na dumama ng mabigat na pasanin; takot na siya'y upasalain at hatulan ng kanyang kapwa; takot na humarap at makita ang kanyang kahinaan; takot na hindi lusungin ang malalim na bahagi ng karagatan sapagkat sa kanyang diwa, sa kanyang pag-iisip hindi niya kakayanin sapagkat kulang pa ang kanyang karunungan, kulang pa ang kanyang katalinuhan.

At iyan ay isang bahaging mayroon ng pagkaunawa, nabuksan na ang kamalayan na nagiging kahalintulad ng kamangmangan sapagkat alam kung papaano ang mga hakbang na kinakailangang kanyang isakatuparan.

Naroroon ang karunungan upang isagawa ang lahat ng kanyang natutuhan ngunit natatakot, nagagahis ang kanyang sarili ng maaari niyang madama at karanasan sapagkat hindi pa siya nahahanda, bagaman may kamalayan na, may karunungan na upang ang pagpapakasakit ay ilarawang bahagi ng pagkatuto; bahagi ng pagsasagawa ng mabuti, at bahagi rin ng pagpapakabuti.

Diyan ngayon nakapaloob ang bawat pangyayari kaya nga at nangusap, "diyata baga na ako ay tatanggap ng mabuti ngunit kailanman ay hindi makatatanggap ng masama?" Hindi ba iyan ang larawang inihantad ng isang Job? Kung naroroon na ang bawat bahagi ng kanyang larawan, samakatuwid, binubuksan ang isang kahayagan ng buhay na hindi ngayon at naroroon ka na sa tuktok ng karunungan, ikaw ay hindi na dadama ng bigat at sakit ng buhay.

Sapagkat kinakailangang madama ito. Sapagkat ang karunungan at kaalamang daladala, nasimpan at naipon mo upang ipahayag at ipakitang may natutuhan ka kinakailangang patotohanan mo, isabuhay mo katulad ng anak ng tao, ang Hesus.

Hindi dahil siya ay nagkasala kung hindi upang ipakita kapag natuto ka sadyang dadaan ka sa mga baitang upang ipakita ng isang kaluluwa ang kanyang natutuhan, ang kanyang katatagan, ang kanyang katibayan sapagkat iyan ang tunay na diwa ng pagtitika at pagsisisi sa isang may bukas ng kamalayan ukol sa kahayagan ng buhay.

Kung gayon, iiwan ko sa inyo ang bahaging ito na nakapaloob ang paniniwala na nagsisilbing kamangmangan. Na ang wika, "Noong ikaw ay bata nagsasalita ka, nagbibigkis ka, lumalakad ka nang ayon sa pagiging bata; kumakain ka ng malalambot na pagkain; umiinom ka ng gatas. Ngunit sa iyong paglaki, sa pagkakaroon mo ng hinog na kaisipan, ng mulat na kamalayan, dadalhin ka kung saan hindi mo iniibig".

Diyan ngayon kinakailangang maunawaan ng tao ang kabuuan ng kanyang sarili sapagkat doon ngayon makalalaya ang kamangmangan at maling paniniwala na kanyang tinataglay at matagal nang naging bahagi ng kanyang buhay na, kung saan ang kalayaan ay nagagamit sa kung saan saan lamang. Ang kalayaan ay nagagamit ng walang kahinahunan.

Ang kalayaan ay nagagamit maging sa pagsasalita, sa pagiisip, sa pagdama ay ginagamit nang walang kaunawaan. Iyan ay bahagi ng kamangmangan daladala ng tao na, hindi nauunawaan ang bawat kanyang igagalaw ay nakatali sa pananagutan.

At kung ang pananagutan ay tinanggap ngunit hindi nagkaroon ng katuparan sa kanyang buhay, hindi baga itinali ang mabuti, ikunulong ang mabuti na kanyang magagawa at ang pinalaya ay ang kadiliman ng pagiisip, ang kagulumihanan ng puso, ang kawalan ng kauunawaan, ang kawalan ng pagmamalasakit at paggalang, kawalan ng pagpipitagan sa batas ng tao at sa batas ng Panginoon, hindi ba iyan ngayon ay kamangmangan?

Sapagkat ang mabuti kailangang palayain upan siyang maging bahagi ng bawat tao. Sapagkat kung lilimiin hindi mabigat ang gumawa nang mabuti kung hindi ang napakabigat at napakahirap na gagawin at magagawa ng tao ay ang siya'y gumawa ng masama na, ang tutunguhin ay ang kanyang ipagkakasala.

Sapagkat ang paggaw ng mabuti'y nagdudulot ng kapayapaan sa isang kaluluwa. Ang paggawa ng mabuti'y nagdaragdag ng liwanag sa kanyang isipan. Ang paggawa ng mabuti ay nagbibigay ng katiwasayan at katahimikan sa kanyang damdamin at kalooban. Ang paggawa ng mabuti'y nakapagpapaligaya sa maraming tao. Ang paggawa ng mabuti kung katulad sa lupa ay may gantimpalang tatanggapin na angkop sa mabuting iyong nagawa. Ngunit ang gumagawa ng masama'y laging nabubuhay sa kadiliman, sa takot,sa kalungkutan, sa kapighatian. Alin ngayon ang mas mahirap na dalhin at mas mahirap na pakawalan?

Alin ang mas mahirap na ibigay sa isang katauhan na ikaw ay magiging alipin ng gayong kapaniwalaan at ng gayong mga gawa na, ang gumagawa ng mabuti ay napakabigat gawin kaya at laging may hadlang at ang gumagawa ng masama'y walang hadlang? Ngunit bawat gawa ay may hangganan.

At sa hangganang ito'y doon ngayon tinatakal at sinusukat kung ano ka sa karunungang daladala mo; kung ano ka sa pananampalatayang itinataguyod mo; kung ano ka bilang anak ng Dios: kung ano ka sa bansa o sa lupang iyong kinalalagyan.

Kaya at napakahalaga ang araling ipinagkakaloob ng isang Job sapagkat lahat ng iyan ay pagbubukas, pagkalalag ng tali upang makalaya ang isang kaluluwa na, ang tanging hangarin sa buhay na ito'y matamo niya ang kanyang pagsulong.

Sapagkat ang layunin ng buhay na kanyang tinanguan at nilagdaan sa harap ng iisang Diyos ay ang siya'y luminis sapagkat ang kanyang simula ay kalinisan at kinakailangan lamang siya'y magbalik na taglay ang kalinisan ng kanyang Espiritu.

Ito ang sa inyo'y aking iniiwan upang muli'y maunawaan ng inyong bukas na diwa na, walang sinomang mababa sa inyong pagkakilala at walang sinomang mataas sa inyong pagkakilala na hindi dadaan sa gilingan, na hindi dadaan sa pandayan at lalong hindi maaaring hindi dumaan sa iba't-ibang hamon ng buhay.

Sapagkat dito'y mauunawaan ang karunungan ng langit, na, kapag inyo ngayong nasimpan ang liwanag ay hindi na magiging kamangmangan sa lupa kung hindi ang karunungan sa langit ay karunungan na rin sa lupa sapagkat magiging isa na sa kanyang saloobin at adhikain. Kaya nga't ang pangungusap ng Anak ng Tao, " Ako at ang Ama ay iisa."

Hanggang dito at maghari nawa sa lahat at bawat isa ang biyaya at pagibig mula sa mga langit ngayon at magpasawalang hanggan. Juan Evangelista, Paalam.

Centro Lualhati sa Dios sa Kataastaasan

2022-04-24, RAD

Sumainyo nawa ang biyaya at kapayapaan buhat sa iisang Ama at sa kanyang Bugtong na Anak ngayon at hanggang sa wakas.

Sisimulan ko ang pagbabahagi sa isang salaysayin na naglalaman ng larawan ng buhay. Na, kanyang dala ang karunungang ipinaaabot sa bawat isa. Ang pangungusap, walang magulang na nakatiis sa kanyang anak, ngunit ang anak natitiis at nakatitiis sa kanyang magulang.

Hindi ba at naririyan ang larawan, na Kung saan ang pagtuturo na ibinibigay, ay katulad ng binuksan ninyo sa kalagayan at sa pagitan ng anak at ng magulang. Hiningi ang para sa kanya, ibinigay ng magulang ang para sa kanyang anak.

May hinihingi ba ang anak katulad ng inyong anak sa inyo bilang magulang? Ano ang hinihingi ng anak sa kanyang magulang na dapat niyang ibigay?

Kung ito'y ang kayamanan katulad sa kasaysayan na siyang hiningi sa kanyang Ama at ito'y ibinigay, kawangis kaya at kahalintulad ng Dios Ama na nasa langit?

Na, ang lahat ng kanyang mga anak humihingi araw araw; hinihingi hindi ang sa ganang iba para makamtan nila. Bagaman mayroon ng gumagawa nito, hindi para sa kanyang sarili kung hindi para sa kanyang kapwa, para sa ikabubuti at kapakanan ng iba.

Ngunit ang inihantad ay paghingi ng isang anak sa kapakanan ng kanyang sarili. Ito ang larawan ng tunay na buhay sa lupa. Hinihingi ang kanyang kapakinabangan; hinihingi ang kanyang buhay ay maging masagana; hinihingi na hindi siya magkaroon ng suliranin at pasanin.

Ngunit sa kalagayang ito saan ba matututo ang tao? Saan ba higit na mabubuksan ang pag-iisip ng tao? Saan ba higit na madadama ng tao na may Diyos na handang gumabay sa lahat ng panahon?

Kung nasa karamdaman kaya, na sa araw at gabi'y nananalangin upang ibigay ang kanyang kagalingan? Kung naroroon kaya sa kasiyahan, sa kaligayahan,sa kasaganaan, may puwang kaya ng higit ang pag-ibig niya sa Diyos, ang pagkakilala niya sa Diyos, ang pagka-unawa niyang may Diyos na sa kanya ay nakatingin sa lahat ng sandali?

Kaya't ibinigay ng Panginoon ang kasaysayang ito upang maunawaan ng tao kung saan nagiging mahalaga ang buhay. Kung papaano magagamit nang wasto; kung papaano dadalhin ang buhay doon sa kanyang ikatutuwid at ikabubuti.

Na, ang kaparaanang nasimulan mula sa kasaganaang minithi, dinala ang buhay doon sa bahagi na mayroon siyang dadalhing bigat ng pasanin. Kung ito ngayon ang pagtuturo may pipiliin ba kayo sa inyong mga sarili? Kung ibig ninyong umunlad at sumulong?

Wala kayong pipiliin kahit ano. Hindi ninyo pipiliin ang kasaganaan ay hindi mapasa inyo. Pipiliin ito sapagkat kung naroroon ang inyong pagkakilala sa diwa ng pag-ibig at tunay na kahulugan ng pananampalataya, nasa inyo ang kasaganaan, marami ba kayong magagawa?

May maipagkakawanggawa kayo, bagaman ito'y sa pinansyal, hindi ba may maibibigay kayo? Kaya nga't hiningi ng anak ang yaman ng kanyang magulang. Ano ba ang yamang dala ng kanyang magulang na kinakailangang hingin ng anak?

Kung ang Diyos ang Ama, ang tao ang anak, na humingi ng mana sa kanyang magulang, ano ang mayroon sa Diyos na kinakailangang hingin ng bawat tao upang siya ay magkaroon ng pagkatuto sa matuwid na pakikipamuhay sa lupa?

Ano ang nasa Dios? Hindi ba at angkin ng Diyos ang pag-ibig? Hindi ba at angkin ng Diyos ang kapangyarihan? Hindi ba at naroroon sa Diyos ang katarungan?

Hindi ba at naroroon sa Diyos ang pagpapatawad, ang pagmamalasakit, ang lahat ng kabutihan na pangangailangan ng tao, ngunit hiningi ba ito ng tao sa Diyos o sa Ama? Kung Ito ang kabaligtaran upang maimulat sa tunay niyang diwa, kapag natutuhan ng taong hingin ang yaman, sapagkat ang yaman ng Ama'y ang biyaya ito'y mapapasa kanya.

Ang yamang hiningi ng anak sa kanyang ama ay ang kaangkinan, ang katangian, ang taglay Ng kanyang Ama, ang kalinisan kadalisayan,kawagasan,ang gawa na ang naroroon ay ang larawan ng kabanalan.

Ito ang kanyang hiningi hindi nang dahil sa siya'y suwail na anak. Hinihingi ng bawat kaluluwa na ito ang kanyang mataglay sa lupa sapagkat ito ang kanyang magagamit na kasangkapan upang lumakad nang matuwid at makipamuhay nang maayos at tumpak sa sandaigdigan.

Ngunit katotohanan lamang at siyang sadyang larawan, kulang, salat sa kaunawaan sa tunay na pagkakilala kung papaano dadalhin at pamamahalaan ang bawat kaangkinan, karunungan at kaalamang sa inyo'y inihandog, at sa inyo'y ibinigay ng Diyos na sa inyo'y nagpahiram ng buhay.

At ng dahil sa kasalatang ito, saan tutungo ang gawa tao? Saan hahakbang ang mga paa? Saan ihahatid ang kanyang sarili? Hindi baga doon sa pagkakaligaw? Hindi baga doon sa pagkakamali? Hindi baga doon sa mga bagay na kung saan, bagaman at mabuti'y hindi nagiging karapatdapat. Bakit?

Sapagka't doon magsisimula ang baitang ng pagkatuto. Sa ganoong baitang, sa ganoong yugto, sa ganoong pagkakataon mabubuksan ang isang kamalayan ng kaluluwa.

Mabubuksan ang kanyang damdamin upang madama ang pinakadakilang handog na ibinigay ng Diyos Pagibig! Pagibig! Pagibig! At iyan ay sumisibol, umuusbong sa isang sandali ng karanasan na may nadarama ang tao na kirot, may nadarama ang taong bigat,may nadarama ang taong nagbibigay sa kanya ng kagulumihanan sa kanyang puso.

Dito sumisibol ang pag-ibig kaalinsabay ang pananampalataya sapagkat ang pananampalataya ang siya ngayong bato na gagawing tuntungan upang makaahon sa lugmok niyang kalagayan.

Kaya ng ito'y dumating sa anak, hindi baga at nabuksan ang pag-iisip, at ang kanyang kamalayan? Hindi baga at nagkaroon ng pag-antig sa kanyang damdamin upang maunawaan ang kanyang mga ginawa, ang mga bahagi ng daan at landas na kanyang dinaanan?

Hindi baga at ang lahat ng ito ang siyang nagbukas ng kanyang pagka-unawa kaya at gumitaw ang malinis na puso, gumitaw ang malinis na adhikain babalik ako sa aking ama?

Ganyan ang buhay ng bawat tao. Na sa bawat karanasang kanyang dinadama sa ibinibigay ng kanyang kapwa sa dinadama ng kanyang sarili sa uri ng kabuhayan na sa kanya ay bumabalot, nabubuksan ang pag-iisip upang may makilala na katotohanang sa kanya ay makapagpapalaya.

Nabubuksan ang kanyang kamalayan upang ang diwang salat sa karunungan, dahop sa kaalaman maghangad ngayon na ito'y naging katulad ng lukbutan lalagyan at sisidlan ng yaman.

Hindi ba iyan ay sadya lamang na siyang realidad na kung ang tao ay naroroon at nasa sukdulan ng pagsubok na kanyang dinadama, kung ang tao ay naroroon na sa sukdulan ng kanyang pinapasan sadya lamang ang bawat kaangkinan ng kanyang kaluluwa'y nagigising, naantig at doon ngayon ay nagbubukas ng kanyang puso upang maunawaan, saan siya nagbuhat? Saan nagmula ang buhay na hiram na kanyang daladala?

Sino ang nagpapatuloy na magbigay ng lakas upang ikaw, tao ay mabuhay na may mithiin at adhikaing matamo mo ang pag-unlad, ang pagsulong sapagkat iyan ang pangako at kinakailangang marating ng bawat Espiritu.

Sa kalagayang ito'y hindi baga sadya lamang magagalak ang isang ama. Nagagalak ang Diyos, natutuwa at nasisiyahan ang Diyos sapagka't may anak na naligaw na nakabalik sa kanyang tunay na tahanan.

Nagagalak at nasisiyahan sapagkat may liko na nakatanggap na siya'y kinakailangan na, magbagong buhay. Kaya nga ipinagbubunyi, ipinaghahanda sapagkat ang biyaya ng pagbabago, ang biyayang hatid ng liwanag, ang biyayang hatid ng katarungan at kapangyarihan ng Diyos.

Nakuha niya, nakamit niya, nasasa kaniya na, at ngayon sa kalagayang ito hindi baga mula sa kanyang pagkakaligaw, mula sa liko na kanyang pinagdaanan, ang tatahakin at lalandasin ang tunay na buhay.

Kung ito ngayon ang siyang sa inyo'y ipinatatanaw, kung kayo ay magulang anong yaman na ang inyong naipon upang kung humingi ang anak, ang maibigay ninyo ay pagsulong? Naroroon na bukas na kayo.

Samakatuwid, ang inyong pagkakilala at pagka-unawa'y yaman ang inyong maipamamana sa inyong anak. Kung ito ngayon ay yamang maipamamana ninyo sa inyong anak, magpapatuloy ba kayo sa pagsisikhay na kung ano ang nasa inyo ay maragdagan pa?

Magpapatuloy ba kayo sa pagpupunyagi, na Kung ano ang naipon ninyo ay maragdagan pa upang ang maibigay ninyong mana'y maging sagana sapagka't sa kanyang kasaganaan may magandang kinabukasan sa hinaharap.

Dahil dito, kung iyan ang kanyang laman na nasa likod ng kasaysayan, ito ang gawin ninyong bihisan, siya ninyong gawing pagkain ng inyong pag-iisip, gawin ninyong tubig na inyong maiinom na kapag sa inyo'y may humingi at inyong ibinigay matupad ang pangako ng Panginoon kapag nainom hindi na muli pang mauuhaw.

Sa ganyan ko inilagay yaong bahagi upang sa sandaling sumagi sa inyong pag-iisip ay magunita ninyong kayo'y ama, kayo'y magulang na may yamang iniipon, may yamang sinisimpan at isinusubi hindi para sa inyong sarili lamang kundi para sa kalagayan ng inyong mga anak.

Na, kung sila sa inyo'y lumalapit ay katumbas ng anak na humihingi ng inyong yaman. Ibigay ninyo ang yaman ng pag-ibig na sa inyo'y sumibol at tumubo upang ang bawat makita ninyo na ihahakbang ng kanilang mga paang sila’y maliligaw may mga kamay na aakay. Ito ang aking sa inyo'y inihahandog upang inyong maunawaan ang pagmamahal ng isang magulang ay walang katumbas na yaman sa sanglibutan.

Maghari nawa sa lahat at bawat isa ang liwanag, biyaya at kapayapaan ngayon at hanggang sa wakas. Ako ang sa inyo ay nagpaalam. Paalam, Apostol Juan.

Lunduyang El Espiritismo

2020-05-21, RAD

Biyaya ang sumainyo nawa, at kapayapaang mula doon sa Kaniya na ngayon, at nang nakaraan at darating; at mula sa pitong Espiritu na nasa harapan ng kanyang luklukan.

Ano ang saligan ng pangungusap ng Ama upang sabihin, Maganda at Mabuti" pagkatapos na lalangin ang tao? Ano ang buod at tunay na kahulugan ng salitang mabuti?

Nang salitang maganda gayong ang tala ng kasulatan, walang mabuti, walang mabuti, wala wala, wala kahit isa? Idugtong pa ang larawang inihahayag ng Tao sa pamamagitan ng kanikanyang mga gawa.

Nasaan ang mabuti sa bawat pagsinsay at paglabag? Nasaan ang mabuti sa bawat kasakiman, pag-iimbot at kapalaluang inihahantad ng tao?

Nasaan ang mabuti sa bawat ganaping isinasagawa ng Tao na, naroroon ang iniaalakbay ay pawang alit sa katarungan at timbangan ng kawagasan at kaluwalhatian? Ano ang magiging kabuluhan ng pagiging maganda upang siyang ipangusap, "Maganda at Mabuti? "

Mababaw na araling may sinusukat, may ibig takalin at lalong may ibig tayahin. Dahil ba sa larawang inihahayag ng kasaysayang matapos bigyang laya sa Paraiso sapagkat nasumpungan ang kawalan ng pagtalima ay naging karapatdapat na upang tanggapin ang kanikaniyang kahatulan: ng lalaki, ng babae at ng ahas? Ito ba ay sumpa na kanilang tinanggap mula sa Ama? Ano ba ang sumpa?

Paano ipinagkaloob ng Ama ang Kanyang sumpa? Ang kalayaan bang ipinagkaloob ng Ama sa Kanyang mga anak ang siyang maituturing na sumpa upang lumakad ang kanyang mga anak sa daang ibig Niyang kanilang bagtasin?

Ang karanasan ang siyang molde na huhubog sa kaangkinan ng bawat espiritu; siyang pandayan na kung saan huhulmahin ang tabak upang ito ay magkaroon ng talim; siyang linangan upang matubog man ang ginto sa putikan kapag nilinang ay masusumpungan pa rin ang pagiging tunay na ginto? Kung gayon, ano ang tao upang pagkatapos lalangin ay tatanggap ng napakadakilang pangungusap, maganda at mabuti?

Taong tumanggap ng bahagi ng Kanyang pagka-espiritu; taong ang tanging daladala ay dalawang lakas: liwanag at kadiliman.

Taong ang taglayin ay dalawang kahayagan: daigdigan ng laman at daigdigan ng espiritu kaya at sinabi, ang unang tao ay patay; kaya at hiningahan sa butas ng kanyang ilong at tinawag na kaluluwang may buhay.

Taong ang susi upang maabot ang pinakapusod ng kanyang katauhan ay ang mga bahagi ng kalagayang kinakailangang dumaan sa apoy, dumaan sa tinikan; dumaan sa batuhan;  dumaan sa dawagan upang pagkatapos ay marating ang matabang lupa upang doon matanim ang mabuting binhi, tumubo, sumibol, yumabong upang maging masagana ang kanyang bunga.

Sapagkat ang tala ng kasulatan: "At hindi na magkakaroon pa ng sumpa: at ang luklukan ng Diyos at ng Cordero ay naroroon: at siya ay paglilingkuran ng kanyang mga alipin:"

"At makikita nila ang kaniyang mukha; at ang kaniyang pangalan ay sasa kanilang mga noo." " At hindi na magkakaroon pa ng gabi, at sila ay hindi nangangailangan ng araw; sapagkat liliwanagan sila ng Panginoong Diyos: at sila ay maghahari magpakailan kailan man." Ang biyaya ng Panginoong Hesus ay mapasa mga banal nawa. Siya nawa.

 2016-06-09

Nilalang ng Dios na malinis ang inyong kaluluwa o Espiritu, nilalang ng Diyos na ito ay isang magiging wangis na katulad niya, datapuwat ng ilagay ng dakilang Diyos Ama sa laman ang isang kaluluwa o Espiritu sa loob ng mundong ito, nakulapulan ng maraming hibo ng laman sapagkat makapangyarihan ang isang mata ng tao, makapangyarihan ang isang tainga ng isang tao, makapangyarihan din ang isang dila ng isang tao at ang kaniyang kamay at mga paa at kabuuan.

Datapuwat naririto ang mga Banal na Espiritu upang supilin ang mga hibo sa inyong pagkatao sapagkat hindi kayo iniwang ulila kung hindi bagkos kayo'y pinasuguan ng Mang-aaliw samakatuwid baga'y ang Espiritu ng Katotohanan na siyang magtuturo ng lahat ng mga bagay.

Kung gayo'y ganapin ninyo ang mga dapat at karapat-dapat, iwasan at iwaksi ninyo ang mga tanga sa inyong pagkatao sapagkat dito ay pandayan, dito ay pag-ibig at pang-unawa, dito ay pagpapakatatag sa pananampalataya at dito ay paninindigan at pagmamalasakit.

Kung kaya't ang mga bagay na ito ay ipinagkakaloob sa lahat at bawat isa upang inyong maunawaan kung ano ang dapat ninyong hakbangin sa loob ng pananampalataya sapagkat naririyan ang mga turo ng mga Banal na Espiritu na siyang magiging tungkod ninyo sa pangaraw araw ninyong pakikipamuhay gayundin sa inyong pakikisalamuha sa inyong kapwa sa loob at labas ng pananampalataya.

Datapuwat sa kabila ng inyong pagpapakabuti ay inuusig pa rin kayo ng inyong kapwa, ipagpag niyo ang alikabok sa inyong mga paa, pumasok kayo sa inyong tahanan at inyong idalangin ang mga gayung uri ng mga kaluluwa o espiritu.

At kung sa kabila ng inyong mga nagawa ay inyo pang narinig na kayo'y minamasama, ipamalas ninyo at ipakilala ang tunay na layunin ng pananampalatayang ito sapagkat hindi dito nagtuturo ng liko kung hindi sa loob ng pananampalatayang ito ang itinuturo ay ang pagtutuwid ng mga baluktot ninyong pagkatao, maging ang mga baluktot ninyong mga katuwiran.

Kung ang inyong mga gawa ay katulad ng kanilang mga gawa, ano ang inyong ipakikilala sa loob ng pananampalataya, paano kayo makapag-aakay ng mga bulag at liko, ng mga may sakit? Ng mga kapos sa kaunawaan sa pananampalataya sa pamamagitan ng Espiritu at Katotohanan?

Kung magkakagayon ay walang pagkakaiba, lumagay kayo sa matuwid at matuwid na katuwiran sapagkat naroroon, doon nagbubunga ang matuwid na pananampalataya, doon kayo makapagpapakilala, doon kayo panunundan at doon igagalang kung anong uri ng pananampalataya mayroon sa loob ng paaralan sapagkat ito ay paaralan ng inyong mga kaluluwa o Espiritu.

At kung kayo'y nagbabahagi, ibahagi ninyo sa pamamagitan ng inyong mga gawa hindi lamang sa pamamagitan ng kapantay ng inyong mga salita o ng inyong mga labi kung hindi sa tunay na paggawa.

Kung sila'y kapos sa pangunawa, palawigin ninyo sa pamamagitan ng mabubuting turo katulad nito, kung sila ay mga pilosopo, magpakita kayo ng kababaan at kung ang kababang ito'y namalas nila, banay banay na sila'y mabubuksan, at kung sila'y nabuksan, pagsulong ng inyong kaluluwa o Espiritu, maging ng sa kanila sapagkat sa gawa namamalas." 

2007-07-26, ST

Pag-ibig at kapayapaan ang siya nawang maghari sa lahat at bawat isa sa pangalan ng dakilang Manunubos ngayon at magpakailan man.

Katanungan sa isang mag-aaral, "Sino nga ba ako?" at "Saan ka patutungo?" Ito ang mga katanungan na sa maraming pagkakataon ay inihatid sa inyo, aking mga iniibig, upang una ninyong suriin ang inyong mga sarili at inyong mapagtanto ang inyong kahalagahan sa harapan ng dakilang Panginoon na kung ikaw nga ay tunay na gumagawa sa Kanya.

Kaya nga at sa Banal na Kasulatan nandiyan ang pangako, huwag kayong magulumihanan. Sapagkat sa bahay ng aking Ama ay maraming tahanan. Ngunit ibinigay na halimbawa ng Diyos ang mga tahanan walang iba kung hindi kayo, kayo ang luklukan, kayo ang gusali.

Anumang bagay na ibig ng Diyos ay walang ibinigay na halimbawa kung hindi ang tao. Sapagkat ang tao ang siyang gumagawa at gagawa, at susunod sa Kaniyang kalooban. Ang tao ang siyang magbibigay nang anumang mensahe sa pamamagitan ng lamang ito ang siyang maghahayag kung ano ang paggawa at kung ano may hayag.

Ang tunay na pag-ibig, ang mga tiisin, at pag-unawa na siya sa tuwina'y hinahanap sa isang mag-aaral. Upang kaniyang makita at mapagtanto ang kahalagahan ng buhay na ipinagkaloob sa kanya ng dakilang Diyos.

Kaya nga at aking mga iniibig na mga kapatid na nag-aaral sa loob, totoong ibinigay sa inyo ang isang halimbawa sa katauhan ng isang tinatawag ninyo na Allan Kardec. Isa sa pinakamasipag na manggagawa. Nangugol hindi lamang nang kanyang salapi, kung hindi nang panahon. 

At buong tapang na hinarap ang iba't-ibang marurunong na tao upang maipakilala ang isang katotohanan na mayroon Diyos na totoo. At totoo ang Espiritu ay hindi namamatay kung di, ito ang binigyan ng buhay na walang hanggan ng dakilang Panginoon.

Kaya aking mga iniibig na mga kapatid, hanggang sa panahong ito ang pag-aaral na iyan ay hindi nawawala sa pagtuturo ng mga kabatlayaan. Ngunit ang tao ay sadyang mapag-alinlangan at mapaghanap. 

Kaya nga at kahit nariyan ang katotohanan at nalalaman na ang katotohanan ay hindi niya mabigyan ng laya ang kaniyang sarili, sapagkat ang katotohanang kaniyang hinahanap ay ukol sa buhay pandaigdigan.

Kaya nga a't aking mga iniibig na mga kapatid na nag-aaral, araw-araw sa buhay ninyong mga tao lalo't sa panahong ito, ano ang bahagi na ipinagkaloob sa inyo sa Banal na Kasulatan? Ang panahon ng isang Noah. 

Nariyan ang bahagi sa mundong ibabaw, na halos nalulunod o malulunod ang tao. At halos hindi makagulapay sa kalaliman sa tubig na sa kanila ay umaapaw. Hindi makagalaw sa lakas ng hangin.

Ito ang kapanahunan na bahagi sa Banal na Kasulatan na dinadanas nang iba ninyong mga kapatid sa ibang lugar. Kaya nga mga iniibig na mga kapatid, walang panahon na hindi dadanasin ng tao maging sa inyong panahon.

Aking mga iniibig, kung saan man bumabaha at bumabagyo nariyan ang isang bahagi na kung saan ang apoy ay nangangalit na halos maubos ang isang siyudad.

Kaya nga at aking mga iniibig, nariyan din ang panahon na inyong katakutan sapagkat kung papaano ang matigas na yelo ay unti-unti nang nalulusaw at maging kadahilanan ng anumang kaganapan sa buhay ninyo, kung hindi man sa bansa ninyo.

Sapagka't nariyan aking mga iniibig na mga kapatid, totoo ang mga tao ay may iba't-ibang uri nang pananampalataya, iba't-ibang pagtawag sa Diyos, iba't-iba ang paggawa, ngunit iisa ang tinatawagan, ang Diyos na Makapangyarihan sa lahat.

Sa pinagmulan nang lahat ng bagay ay iisa din ang kinauuwian. Kaya nga't masdan ninyo ang mga isunusugo na Banal na Espiritu. Masdan ninyo at pakinggan ninyo ang mga sinasabi ng mga kabatlayaan. 

Bago ang Kristo ay dumating, nakasalamuha rin ninyo ang mga batlaya at naririnig ninyo ang kanilang mga pahayag. Sila ang tao na bago ang Kristo ay dumating, at napakinggan ninyo ang mga batlaya nung sila'y nabubuhay nung panahon ng Kristo, sa katauhan ng isang Hesus at doon nakikita ang pag-ibig na kinakailangan na ibigay sa kapuwa.

Kaya nga at aking mga iniibig na mga kapatid, kaya nga at magpakatalino kayo at mag-ingat sa pakikisalamuha o sa pakikiisa sa anumang elemento o sa anumang inyong naririnig. Sa totoong masasabing mahiwaga ang kapangyarihan ng Diyos. 

Ngunit sinasabi ko walang himala at walang mahiwaga sapagkat katotohanan nasa sa inyong pagtanggap, nasa sa inyong pag-aaral, at sa inyong pagtitimbang-timbang habang kayo'y nabubuhay dito sa kapatagang lupa.

Kaya nga at mga iniibig na mga kapatid, sa Unang Tipan nagbigay sa Arkanghel Rafael ng tinapay ng buhay na maging kaalaman. At habang kayo nag-aaral sa loob ng paaralan ng diwa, bawat linggo ay iba't-ibang antas ang inyong natutuhan at ang inyong naririnig.
Kaya, sapagkat ibig nang Kaitasan na lumawak ang inyong pang-unawa, umangat ang inyong paniniwala, at lumalim ang inyong pagkakilala. Upang ang kataasang iyan at kalaliman, pag ito ay magtagpo nariyan ang timbangan na inyo ngang mapapantay.

Hanggang hindi ninyo naaabot ang kataasan ng isang karunungan na minimithi na ibinibigay ng Diyos sa bawa't isa. At sa pag-arok ng mga salita na kung saan ninyo maibigay ang tunay ninyong mga sarili na makapaglingkod at makapaggawa kayo nang mayroong katapatan. Ang hinahanap ay ang katapatan, pagtitiis ng mayrong kaluwagan sa puso, pang-unawa na mayroong pagkakilala sa karapatan ng kaniyang kapuwa.

Aking mga iniibig na mga kapatid, kung sasabihin "ako ay Kristo", anong buhay ang inyong maipakita habang kayo ay lumalakbay sa kapatagang lupa? Marami kayong sasalungain, marami kayong lalabanang anumang magaganap at anumang maririnig ninyo sa sanglibutan.

Ihanda ninyo ang inyong mga sarili na maging matapang kayo na harapin ang anumang magaganap. Ngunit tibayan ninyo ang inyong pananampalataya sapagka't hanggang hindi ninyo titibayan ang inyong pananampalataya sa inyong pagkapit sa pananalig sa Diyos, wika nga "Ang mapagtiis hanggang wakas, yan ay Aking gagantimpalaan."

Ngunit bago ako umalis, ibibigay ko sa inyo kung paano nga nabubuhay ang aking mga iniibig na mga kapatid, at kung paano nga nila unawain sapagka't sabi ng Panginoong Hesus "Ako ang daan, Ako ang buhay, walang sinumang makakarating sa Ama, kung hindi sa Akin."

Mahal na pangulo buksan mo ang Banal na Kasulatan sa sulat ko "Juan 6:53" hanggang "Juan 6:56" na bersikulo. Tatlo lamang na bersikulo, yan ang aking iiwan sa inyo upang inyong unawain, at pag-aralan mabuti. At kung ito na nga ay inyong ginagawa bilang isang mag-aaral sa loob ng paaralan ng espiritismo at bilang isang espiritista.

Hanggang dito ako, nguni't kapayapaan ang aking iiwan ngayon at magpakailan pa man. Paalam, ang inyong kapatid sa iisang pananampalataya at sa iisang Diyos, Apostol Juan.

2005-02-06, CM

Sa banal at dakilang sandaling ito, lukuban nawa kayo ng biyaya na nagmumula sa kapangyarihan ng Dakilang Diyos.

Mga minamahal na mga anak ng aking kaluluwa, hindi mahaba ang ipahahayag ko sa sandaling ito sapagkat meron kayo ng nakatalagang gampanin na kailangan. Nais ko lamang ipaalalang kung sadyang ninanasa ng bawat isa ang tunay na pagkasulong, ang lahat ay manguna sa pagbabago. Walang maiiwan at walang sasabihing panguluhang siyang kailangang manguna.

Manapa ay sabay-sabay kayong humakbang at magpakilala na ang pagbabago ay kusang-loob ng lahat at bawat-isa na sa kanyang paghakbang hindi kailangang maiwan ang iisa, ang dadalawa, kung hindi sabay-sabay upang matamo ninyo ang tunay na pagkasulong ng kaluluwa.

Kung mayroon ng mga tungkulin ay nag-aatubili sa katuparan ng kanyang paggawa, ipakilala ng walang tungkuling mayroon sila ng paghahangad na magbago, makakilala, makadama ng isang pagsulong na hahawi sa tabi ng ng mga kamangmangan na siyang lagi na ay bumabalot sa pagkatao ng lahat at bawat isa.

Tulad halimbawa ng inyong nakikitang pagbabago sa isang paaralan. Kapag ang mayroon ng tungkulin sa isang paaralan na mga batang-paslit ay hindi kumikilos, hindi baga at ang nagunguna ay iyong mayroon ng paghahangad na makilala?

Gaano man kahina ang talentong taglay ng isang batang paslit, kapag ito ay nagpakita ng pagsisikap sa isang paggawa, ito ang nagbibigay pansin upang sa bawat sandalli ay tawagan ng isang guro na nagmamasid, kumikilala.

Sa isang tanggapan, kapag meron ng isang manggawang naghahangad na mataas sa kanyang tungkulin, hindi baga at ang pagsisikap ay kanyang ipinakikita?

At sa gayong pamamaraan, napapansin ng nakatataas na ito ay merong angking kakayahan upang magdala ng higit na mga tungkuling dapat ay maisaalang-alang upang magkaroon ng pananagumpay sa isang tanggapan.

Sa inyo mga iniibig na mga anak ng aking kaluluwa, nalalaman ninyo, ang meron ng mga tungkulin ay hindi lamang tungkulin sa loob na ito ang dinadala. Maging sa laman, meron ng mabibigat na mga tungkuling dapat na gampanan.

Kung ang sadyang hangarin ng lahat at bawat-isa ay makilala, mananagumpay, makatatagpo ng karunungan, kayo na mga pangkaraniwang mangagawa, ang wika ay siyang manguna, siyang sama-samang magbuo at magpatunay nang dahil sa inyong layuning managumpay ang paaralan ng Espiritismo.

Kayo ay gagawa, magpapakilala, magsusulong ng mga pagbabago; manguna sa mga pagbabagong ito upang ang isang banal at dakilang simulaing katulad nito ay mahayag, makilala ng mga tao.

Huwag ninyong sabihing wala kayo ng kakayahan. Huwag ninyong sabihing wala kayong nalalaman. Huwag ninyong sabihing hindi kayo karapatdapat.Sapagkat kung magkakagayon, paano ninyo ginugol ang mahabang panahon ng pag-aaral kung ni isang talata sa pag-aaral na ito ay hindi ninyo maiguguhit, kung hindi ninyo matututunang gamitin ang tuldok, ang punto, ang koma sa mga salita?

Kaya ito ang panahong kumilos kayo sa pagbabago. Ito rin ang panahong saliksikin ninyo ang inyong mga sarili. Kung sa inyong paghakbang kayo ay mapansin, ang pagpansing ito ay pag-aralan ninyo.

Kapag kayo ay nasaktan, ang inyong pag-aaral ay wala ng buhay. Datapwat kapag kayo ay hindi nasaktan sa pagpansin ng inyong mga kapatid, ito ang buhay na karunungang hinahanap ng bawat isa.

Sa loob at labas ng paaralang ito, pag-aaralan niyo kung ano ang uri ng inyong tungkulin. At sa inyong tungkulin, ihahakbang ninyo ng tama ang inyong mga panyapak.Buhat sa panguluhan hanggang sa maliliit, ang wikang tagasunod, hindi maaaring mawalan kayo ng tungkulin at pananagutan. Ito ay isa sa mahahalagang bahagi ng pag-aaral na dapat matutunan ng bawat isa.

Kung sadyang layunin ang maunlad, tatandaan ninyo, ang nasasaktan, walang buhay ang karunungan, ang pag-aaral. Ang tumatanggap ng mga pagpansin at kinikilala ito, ito ang nagpapatunay na siya ay naghahanap ng tangi at banal na karunungan handog ng Dakilang Diyos sa tao.

Sa susunod na mga pag-aaral, ang buod ng pangungusap kong ito ay aking ilalahad. Bilang Patnubay, sa mga sandaling ito ay umaalalay. Tulad ng aking sinabi, kailangan ang pagbabago. 

At sa pagbabagong ito, sama-sama kayong humakbang pasulong, hindi paurong, upang kayo ay managumpay sa inyong adhikaing matuto ang inyong kaluluwa ng tunay na karunungang hinahanap ng lahat at bawat- isa.

Kapayapaan ang iniiwan kong maging baluti ng inyong mga pagkatao sa lahat ng panahon. Paalam, ang Inyong Patnubay, Juan Ebanghelista.

2005-01-02, CM

Sa mapalad na umagang ito, puspos kayo ng liwanag ng Espiritu Santo, maghari ang kapayapaan sa lahat ng dako ng daigdig.

Kaalinsabay ng pagsikat ng araw at mabining haplos ng hangin sa inyong mga katawang-laman, isinasabog ang biyaya ng kaitaasan sa isa at isa sa bagong panahong ito na inyong nilalandas. Ang wika, bagong panahon, bagong pag-asa, bagong paggawa, bagong pag-aaral, bagong karunungan.

Samakatuwid, kung ang lahat ng ito, mga iniibig na mga kaluluwa, ay matatanim sa inyong puso at damdamin, ang lahat ay bago. At ang lahat ng uri ng bago sa paningin ng tao ay mayron ng kagandahan. Kalakip ng pagmamasid sa kagandahang ito ang isang kasiyahan, kasiglahan sa katuparan ng inyong mga tungkulin dinadala ng inyong mga balikat hanggang sa panahong ito.

At bilang patnubay, nais kong makita sa inyo ang lahat ng uri ng pagbabago sa paglandas ninyo sa bagong panahong ito; makitang meron ng katotohanan ang karunungang natagpuan sapagkat kayo ay mananampalataya ng Dakilang Diyos na sa atin ay lumikha.

Ang paksang bubuksan ko sa inyo sa kalagitnaang ito, bayaan ninyong maging sandigan ng inyong pagbabago at ng katotohanang kayo ay mananampalataya. Sapagkat habang hindi nagbabago ang isang mananampalataya, hindi maaaring tawaging siya ay tunay na Kristiyanong sumusunod sa bakas ng Kristo.

Maraming mga gawi at kilos, kaasalan, kaugalian ang kinakailangang maunawaan ng isang nag-aaral na ito ay kailangan niyang baguhin, pag-aralan sa kanyang sarili. At pagkatapos na mapag-aralan sa kanyang sarili, ito ang igalaw sapagkat ito ang bagong buhay na kanyang nakilala pagkatapos ng 365 araw ng kanyang pagninilay sa lupalop ng lupa.

Ang isang tunay na mag-aaral pagsapit ng dapit-hapon, inihihimlay ang sarili sa isang malalim na pagdidili-dili kung ano ang mga ginawa sa loob ng isang maghapon buhat sa pagsikat ng araw na imulat niya ang kanyang paningin.

Hanggang sa pagsapit ng orasyon na kinakailangang isuko niya ang kanyang sarili sa Dakilang Diyos, at magpasalamat na sa loob ng maghapon, at kung ano ang lakas na kanyang naipagkaloob sa kanyang kapwa na maaaring pakinabangan ng kanyang kaluluwa pagdating ng panahon.

Kung nakahihigit ang kahinaan, magsimula kayong magtika, hilingin ang panibagong lakas upang sa susunod na pagbubukang-liwayway, ang kahinaang ito ay hindi na igalaw ng inyong katawang-laman, kung hindi ang igagalaw na ninyo ay ang lakas, ang paghahandog ng maliit na makakaya ng inyong kaluluwa na maipagkaloob sa inyong kapwa.

Alalahanin ninyong hindi lamang ang bagay na nadadama ng mga palad, nakikita ng mga paningin, nasasamyo ng mga pang-amoy, nalalasa ng mga dila ang mahahalagang maaaring maipagkaloob ng isang kaluluwa sa kanyang kapwa yaong mga bagay na makapag-aalis ng kahinaan ng kanyang sarili, yaong makapag-aakay ng isang kaluluwa at gawing matatag ito sa kanyang paghakbang sa landas ng buhay.

At kung ito ay magawa ng bawat mananampalataya, ito ang bagong karunungan na natagpuan ng bagong mag-aaral sa bagong panahong ito na kanyang nilalakbayan. Ito ang panibagong tatag ng damdamin ng isang mananampalatayang sa nakalipas na panahon ay dumanas ng mga kabiguan at ng maraming kahinaan sa kanyang paglalakbay sa daigdig na ito ng hugis at anyo.

Kapag natagpuan ninyo ang bagong karunungan at ito ay inyong naisagawa, maitatayo ang isang bagong pedestal ng kaunawaan sa inyong mga pagkatao.

At kapag ang pedestal na ito ay tinanaw ng nakararami sa mga nilikhang tao, ito ang pasimula ng panibagong paghahanap ng sangkatauhan ng katotohanang hindi pa natatagpuan ng maraming mananampalataya sa daigdig na ito, mga iniibig na mga kaluluwa.

Ito ang una sa paksaing nais kong iabot sa inyong pandinig – ang lubos na pagbabago. Ang pangalawa, sa inyong sama-samang pagtindig, pagyayakap-yakap at paghakbang ng meron ng katatagan, ang naiwan ay babalikan upang maging kaagapay ninyo sa inyong paghakbang.

Sapagkat hindi lahat ay meron ng lakas ng tuhod na humakbang sa maputik na landas ng buhay. Hindi lahat ay meron ng lakas ng bisig na makapag-akay ng nakararaming kaluluwa. Kung hindi ang gawin ninyo, kapag kayo ay nakahakbang ng ilang hakbang, ibalik ninyo ang inyong sarili at balikan ang naiwan. Sa ganyang kaparaanan ay sama-sama kayong makararating sa inyong patutunguhan ng meron ng katatgan.

Hindi baga at sa pagtutulong-tulong nagkakaroon ng kaganapan ang pagdadala ng isang mabigat na bagay? Sa paghahali-haliling pasanin ang mabigat na krus na ito, ito ay nagdadala nang buong katatagan sa dakong dapat pagkalagyan.

Katulad ng pagpapasan ng Dakilang Guro ng krus, hindi baga at marami siyang alagad na sinisikap na tulungan ang Dakilang Guro sa kanyang pagpapasan? Ganyan din kayo mga minamahal na mga kaluluwang nagsisikap na matuto ng isang karunungng maka-Diyos, maka-kapwa tao.

Dahil dito, ito ang panibagong ilaw na inyong susundan sa inyong paglalakbay sa kapatagan upang ganap na magliwanag ang inyong landas. Katulad ng isinasaad sa makabagong panahon, ang wika, ito ay panahon na sinasagisag ng isang hayop na pagkatapos ng isang madilim na magdamag ay magbabadya ng kasiglahan sa pamamagitan ng pagpagaspas ng kanyang mga pakpak at paggising sa maraming nahihimbing na mga kaluluwa.

Ito ay maging sandigan ng lahat at bawat-isa sa inyo pagkatapos ng mga kabiguan, harapin ninyong may sigla ang bagong umaga.

Uulitin ko, ang panahon na inyong nilakbay ay isang panahong punung-puno ng maraming pagbabago. Ang tubig ay maaaring ipag-agdong buhay ng isang nilikha; at sa panahong ito na inyong hinaharap, katulad ng nakaraang panahon, tubig pa rin ang magiging kasanhian ng kabiguan ng tao.

Ngunit meron kayo ng mahalagang maaaring magawa. Ito ay walang iba kung hindi ang inyong panalangin, ang tatag ng inyong paninindigan sa pagkakilala sa kapangyarihan ng Manlilikha ng langit at lupa. Ito ang handog ko sa inyo sa mapalad na umagang itong sinasalubong ninyo ang bagong panahon ng may ngiti sa labi at kasiglahan.

Iiwan ko sa inyo ang biyayang buhat sa kaitaasan ng mga langit, maghari ang kapayapaan sa lahat ng dako ng daigdig – Ang Inyong Patnubay, siyang sa inyo ay umuugnay sa sandaling ito. Kapayapaang muli sa isa at isa. Paalam.

2008-10-05 IB

Maghari ang kapayapaan sa lahat at bawat isa, ngayon at magpakailanman.

Sa batisan ng Panginoon na kung saan ang tubig ay malinis at malinaw, ang bawat makasumpung sa batisang ito at masumpungan na tunghayan ang kanyang sarili ay makikita niya ang kanyang sarili sa tubig kung saan walang maitatanggi at maitatago ang bawat mananalamin sa batis ng Panginoon.

Bawat kilos at bawat galaw na kanyang isasagawa ay makikita at masasalamin sa batisang ito kung kaya nga walang maitatago ang tao sa isang Amang makapangyarihan sapagkat ang lahat at bawat isa ay nananalamin sa tubig na ito kung kaya nga ang bawat galaw, ang bawat pagtawa, ang bawat pagluha, ang bawat pagkisap ng mata at kamay ay natutunghayan at nakikita ng isang Amang makapangyarihan.

Ang batisang ito ay may tubig na malinaw at malinis na kung saan ang lahat at bawat isa ay naghahangad na uminom upang ang kanilang kauhawan ay mapawi at sa ganun ay magkaroon sila ng lakas kung saan ang lakas na ito ay kanilang gagamitin sa paglalakbay tungo sa isang daan kung saan ang paggawa ay kinakailangang maisagawa ng isang nilikha na nagnanais na makatupad ng mga tungkuling iniatang sa kanya ng isang Amang makapangyarihan kung kaya nga ang bawa't isa sa atin ay magkaroon ng pag-iingat sa lahat ng ating ginagawa sapagkat sa bawat kilos at bawat gawa ay mayroon katapat kung saan nga gumawa ka ng mabuti at mag-aani ka ng mabuti, gumawa ka ng masama at bagyo ang iyong aanihin.

Sa bawat sandali ng inyong mga buhay ay lagi ninyong aalalahanin na naroroon kayo sa batisan ng isang Ama kung saan maging maingat kayo sa inyong mga pagkilos at paggawa at ingatan ninyo na ang batisang ito ay marumihan sa pamamagitan ng inyong mga pagtatapon,ng mga maling pananalita at maling mga paggawa at baka ang mga sumunod na mananalamin ay di na makita ang kanilang sarili at di na sila makagawa ng mabuti sapagkat di nila nakikita ang kanilang mga sarili sa malinaw na tubig na kung saan ang mga naunang nanalamin at dumaan dito ay dinumihan na ang tubig sa batisan ng Ama.

Mga kapatid lagi na ay isipin ninyo ang kapakanan ng inyong mga kapatid at hindi nga lagi ang pagiging makasarili ang maghari sa bawat isa. Lagi na isaalang-alang ninyo na mayroong mga susunod sa inyong mga yapak na kinakailangan ang inyong maiiwan ay mayroon pang kalinisan upang ang mga susunod na ito ay makita na may isang Amang makapangyarihan na tutunghay sa kanilang mga gawain at maging maingat sila sa paggawa ng katinuan.

Nawa’y mapawi ang kauhawan ng lahat at bawat isa sa mga ipinagkaloob ng kabatlayaan sa inyong mga tasa na nagmula sa batisan ng isang Ama.Muli, maghari ang ganap na kapayapaan sa lahat at bawat isa ngayon at magpakailanman. Paalam, ang inyong kapatid sa iisang pag-aaral.

Apostol Juan

2008-09-28, TL

Pag-ibig at kapayapaan ang aking binabati sa bawat isa ngayon at magpakailanman.

Paano nga baga bubuuin ang isang kaisipang wasak sapagkat nahahati ang isang kabuuan ng isang pagkatao ng isang pananampalataya ay naririto nakikinig sa mga kabatlayaan.

Paano nga baga bubuuin ang pusong nahahati sa mga bagay-bagay na dito ay humahatak sa laman at ang kalahati ay naglilingkod sa dakilang Panginoon? Sapagkat tunay na maraming bagay ang bawat isa sa inyo ay dinadala, mga bagay na hanggang sa bahay-dalanginan ay hindi makalimutan. Subalit ang isang mananampalatayang tunay na nakikinig at nag-aalay ng kanyang kabuuan, ang lahat ng pagkakahati sa kanyang kalagayan ay kaya niyang buuin lalong lalo na kung siya ay nakaharap sa dakilang Diyos.

O aking mga iniibig na mga kapatid , sadyang napakabuti ng hain ng dakilang Ama. Mga hain na ang bawat isa sa inyo ay may kanya-kanyang pila kung ang bawat isa ay nagnanais na magpakabusog sa kanyang sarili. Mga hain na magbibigay ng kapayapaan sa inyong mga kaluluwa, mga hain na magbibigay ng katalinuhan sa isang mangmang at mga hain na magbibigay ng tunay na pag-ibig na kung papaano ang dakilang Ama ay nagbahagi sa kanyang sarili sa harapan ng bawat isa. Kung ang lahat ng iyan ay makikita lamang ng mga matang payak at mararamdaman ng iyong mga palad, sadyang sasabihin ng bawat isa, pinagpala ako sapagkat ako ay iniibig ng dakilang Ama.

Subalit sa pag-aaral nga sa kalihiman ng dakilang Diyos, ang lahat ay hindi ilalahad ng may kadalian sapagkat kung papaano ang dakilang Ama nagnanais na ang bawat isa sa inyo ay kakitaan ng pagsisikap, ganun din nga ninyo hahanapin ang mabuting hain ng dakilang Diyos.

Sapagkat kung ang lahat ng bagay ay idudulot sa inyo ng may kadalian, sinong kapatid ang papatak ang pawis, maninindigan at magkakaroon ng ibayong lakas upang sa paglipas ng panahon sa sanlibutan , naroon sa kanyang sarili ang tinatawag na katatagan?

Wala aking mga iniibig na mga kapatid,sapagkat ang bawat isa sa inyo ay tunay na nag-aaral sa paturuan ng diwa at kung ang bawat isa ay tunay na mag-aaral, ang bawat isa nga ay kinakailangang manaliksik kung ano ang hain ang na sa kanya ay inilatag ng dakilang Diyos kasabay ng buhay na sa kanya’y ipinagkaloob, at kasabay din ng kapalaran na naghihintay sa kanya at isang katagumpayan kung ang bawat isa sa inyo mula ngayon hanggang sa bawat araw na lilipas ay mananatili sa kanyang pananampalataya at sa kanyang pag-ibig sa dakilang Ama.

Magsikap nga ang bawat isa sa inyo sa araw-araw na inyong inilalakad sa sanlibutan at sa bawat araw na iyan , anumang sakit na dumating, alalahanin ninyo ang kabiguan ay para lamang sa mga mangmang at ang katagumpayan ay para doon sa mga nagsisikap at naninindigan.

Magkaroon man ng sugat ay hindi aalintanan sapagkat alam niya sa kanyang sarili ang dakilang Diyos kailanman ay hindi siya pababayaan sapagkat laging naroroon sa kanyang sarili ang isang paglalahad na ang bawat isa ay magkakaroon ng isang buhay na walang hanggan.

Maghari ang bawat isa sa inyo at manatili ang pag-ibig ng dakilang Ama ngayon at magpakailanpaman.

Paalam, ang inyong kapatid sa iisang pag-aaral.

Juan Evangelista

2000-07-26, ST

Pag-ibig at kapayapaan ang siya nawang maghari sa lahat at bawat isa sa pangalan ng dakilang Manunubos, ngayon at magpakailanman!

Pagsusuri ng sarili kung gumagawa para sa Diyos

Katanungan sa isang mag-aaral, “sino nga ba ako” at “saan ka patutungo”? Ito ang mga katanungan na sa maraming pagkakatao ay inihatid sa inyo, aking mga iniibig, upang una ninyong suriin ang inyong mga sarili at inyong mapagtanto ang inyong kahalagahan sa harapan ng dakilang Panginoon na kung ikaw nga ay tunay na gumagawa sa Kanya.

Ang tao ang templo ng Diyos ang kanyang maraming tahanan, luklukan sa lupa

Kaya nga at sa Banal na Kasulatan, nandiyan ang pangako, “Huwag kayong magulumihanan. Sapagkat sa bahay ng aking Ama ay maraming tahanan.” Ngunit ibinigay na halimbawa ng Diyos ang mga tahanan walang iba kung hindi kayo, kayo ang luklukan, kayo ang gusali.

Ang laman ang siyang maghahayag kung ano ang paggawa ang kahalagahan ng buhay na ipinagkaloob sa tao

Anumang bagay na ibig na Diyos ay walang ibinigay na halimbawa kung hindi ang tao. Sapagkat ang tao ang siyang gumagawa at gagawa, at susunod sa Kaniyang kalooban. Ang tao ang siyang magbibigay nang anumang mensahe sa pamamagitan ng laman na ito ang siyang maghahayag kung ano ang paggawa at kung ano ang may hayag.

Ang tunay na pag-ibig, ang mga tiisin, at pag-unawa na siya sa tuwina ay hinahanap sa isang mag-aaral upang kaniyang makita at mapagtanto ang kahalagahan ng buhay ng ipinagkaloob sa kanya ng dakilang Diyos.

Kaya nga at aking mga iniibig na mga kapatid na nag-aaral sa loob ng paturuan, totoong ibinigay sa inyo ang isang tinatawag ninyo na Allan Kardec. Isa sa pinakamasipag na manggagawa, nanggugol hindi lamang nang kanyang salapi, kungdi nang panahon.

At buong tapang na hinarap ang iba at ibang marurunong na tao upang maipakilala ang isang katotohanan na mayroong Diyos na totoo. At totoo ang Espiritu ay hindi namamatay kungdi,ito ay binigyan ng buhay na walang hanggan ng dakilang Panginoon.

Kaya aking mga iniibig na mga kapatid, hanggang sa panahong ito ang pag-aaral na iyan ay hindi nawawala sa pagtuturo ng kabatlayaan. Ngunit ang tao ay sadyang mapag-alinlangan at mapaghanap. Kaya nga at kaht nariyan ang katotohanan at nalalaman na ang katotohan ay hindi niya mabigyan ng laya ang kanyang saril, sapagkat ang katotohanang kanyang hinahanap ay ukol sa buhay pandaigdigan.

Kaya nga at aking mga iniibig na mga kapatid na nag-aaral, araw-araw sa buhay ninyong mga tao lalo at sa panahong ito, ano ang bahagi na ipinagkaloob sa inyo sa Banal na Kasulatan? Ang panahon ng isang Noah? Naririyan ang bahagi sa mundong ibabaw, na halos nalulunod o malulunod ang tao. At halos hindi makagulapay sa kalaliman sa tubig na sa kanila ay umaapaw. Hindi makagalaw sa lakas ng hangin.

Ito ang kapanahunan na bahagi sa Banal na Kasulatan na dinadanas nang iba ninyong mga kapatid sa ibang lugar. Kaya nga mga iniibig na kapatid, walang panahon na hindi dadanasin ng tao maging sa inyong panahon. Aking mga iniibig, kung saan man bumabaha at bumabagyo nariyan ang isang bahagi na kung saan ang apoy ay nangangalit na halos maubos ang isang siyudad.

Kaya nga at aking mga iniibig, nariyan din ang panahon na inyong katakutan sapagkat kung papaano ang matigas na yelo ay unti-unting nang nalulusaw at maging kadahilanan ng anumang kaganapan sa buhay ninyo, kung hindi man sa bansa ninyo.

Sapagkat nariyan, aking mga iniibig na mga kapatid, totoo ang mga tao ay ay iba at ibang uri ng pananampalataya, ng pagtawag sa Diyos, ng paggawa, ngunit iisa ang tinatawagan, ang Diyos na Makapangyarihan sa lahat. Sa pinagmulan ng lahat ng bagay ay iisa din ang kinauuwian. Kaya nga at masdan ninyo ang mga isinusugo na Banal na Espiritu, masdan ninyo at pakinggan ang mga sinasabi ng mga kabatlayaan.

Bago ang Kristo ay dumating, nakasalamuha rin ninyo ang mga batlaya at naririnig ninyo ang kanilang mga pahayag. Sila ang tao na bago ang Kristo ay dumating, at napakinggan ninyo ang mga batlaya nung sila ay nabubuhay noong panahong ng Kristo, sa katauhan ng isang Hesus at doon nakikita ang pag-ibig na kinakailangan na ibigay sa kapwa.

Kaya nga aking mga iniibig na kapatid, magpakatalino kayo at mag-ingat sa pakikisalamuha o sa pakiki-isa sa anumang elemento o sa anumang inyong naririnig. Sa totoong masasabing mahiwaga ang kapangyarihan ng Diyos.

Walang himala at walang mahiwaga

Ngunit sinasabi ko walang himala at walang mahiwaga sapagkat katotohan nasa sa inyong pagtanggap, nasa sa inyong pag-aaral, at sa inyong pagtitimbang-timbang habang kayo ay nabubuhay dito sa kapatagang-lupa.

Kaya nga at mga iniibig na mga kapatid, sa Unang Tipan nagbigay sa Arkanghel Rafael ng tinapay ng buhay na maging kaalaman. At habang kayo nag-aaral sa loob ng paaralang ng diwa, bawat linggo ay iba at ibang antas ang inyong natutuhan at ang inyong naririnig, sapagkat ibig ng kaitaasan na lumawak ang inyong pang-unaawa, umangat ang inyong paniniwala, at lumalim ang inyong pagkakilala.

Upang ang kataasang iyan at kalaliman, kapag ito ay magtagpo nariyan ang timbangan na inyo nga ang mapapantay. Hanggang hindi ninyo naabot ang kataasan ng isang karunungan na minimithi na ibinibigay ng Diyos sa bawat isa.

Ako ay lingkod at manggagawa na mayroon ng katapatan at pagkakilala sa karapatan ng kapwa

At sa pag-arok ng mga salita ng kung saan ninyo maibibigay ang tunay ninyong mga sarili na makapaglingkod at makapaggawa kayo nang mayroong katapatan. Ang hinahanap ay ang katapatan, pagtitiis ng mayroong kaluwagan sa puso, pang-unawa na mayroong pagkakilala sa karapatan ng kanyang kapwa.

1998-05-03, RAD

Liwanag ng Espiritu Santo ang siya nawang sumainyo ngayon at hanggang sa wakas.

Mga iniibig na kaluluwa, ang kasaysayan ng buhay ay tulad sa isang hibla ng sinulid na kapag pinagot ay muli kang magpapasimula upang makabuo ng isang bihisan. At mula roon ang sinoman na nagsasagawa nito ay kumukuha lamang ng haba ayon sa buka ng kanyang mga kamay o bisig.

Samakatuwid ay nagtatakal ang tao ng bawat kanyang nakikita, kanyang naririnig, kanyang nadarama sa lawak, sa kapal, sa lapad at sa nipis ng kanyang pagpapahalaga. At ang pagpapahalaga ng tao lalo na sa kahalagahan at kadakilaan ng simulain ng Diyos kung magkaminsan ay ibinabatay sa kalagayan ng kanyang tinatamo sa kanyang buhay, sa kanyang hinihingi na kanyang nakamtan, sa tagumpay na kanyang naabot at lalo na kung ito ay kanyang pinagsikhayan at ang iba sa tiisin na sumasapit sa kanyang buhay.

Kung gayon, ito ba ang panahon sa kasalukuyan? Ito ba ang hinaharap ng bawat kaluluwa? Ito ba ang kinabukasan na inyong tinatanaw? At sa bahaging ito ay naroroon ang isang pangitain ng isang kaluluwa, na kung saan sa kanyang pagkakatitig sa kawalan ay nakasumpong ng pagbubukas ng pinto ng langit at sa pagbubukas na ito ay kanyang natunghan ang isang metro, isang timbangan at lalagyan na dalawa ang sisidlan na ang isa ay may laman ang isa ay wala. Sa nakita at natunghayang ito ay nagtanong ang isang diwa, “Ano ito sa kalagayan ng tao?”

Gumuhit ang isang kidlat at sa pagguhit ng kidlat ay naroroon ang bahaging siyang tatakal, susukat sa kalagayan ng tao upang manghawakan sa mabuti na kanyang igagalaw: sa isang metro, sa isang timbangan at sisidlan ay lumapag ang iba at ibang uri ng katanungan na dito ako magpapasimula, magpapatuloy at magwawakas upang pagkatapos ay tingnan ninyo at masdan nang buong katapatan ang kabuuan ng inyong sarili at damahin ninyo ang laging sa inyo ay ibinibigay at ipinagkakaloob.”

Ako ba ang tunay na anak ng Diyos? Ako ba ang sisidlang hirang na pinapaging dapat ng Panginoon? Ako ba ang mag-aaral na pagkatapos makaunawa at mamulat sa katotohanan ng buhay ay pumapaloob at handang pumaloob sa tunay na diwa ng pagibig?”

Ang tanong na aking nakita at nasilayan ay ito. Na, kung ito ay pamantayan ng inyong pagkatao upang magpasya sa uri ng buhay na inyong dadamahin ay ipahintulot ninyong isa isa ko itong ilalagda:

    1. Nasisiyahan ka ba o tao na ikaw ay may bahay na sinisilungan bagaman dampa ay mayroong sa iyo ay nagkukupkop sa iyong kahinaan at sa iyong kalakasan?

    2. Sa palagay mo ba ay angkop na at tugma na ang bihisang sa iyo ay nakasaplot sa kalagayan ng iyong kaluluwa?

  1. Ano ang maaari mong makita at masinag sa puting buhok na naroroon at dinadala ng may gulang na at karanasan sa buhay? Ito baga ay kaangkinan o kapintasan?

  2. Saan mo ibig tumuntong at lumakad, sa tubig na maalon at mapayapa o sa nagbabagang lupa?

  3. Alin ang nagpapatibay sa isang bahay at sa kanyang mga bahagi, ang kanya bang pagkakaugpong o ang pako na pinupukpok upang ito ay bumaon?

Iyan ang kabuuan ng inyong sarili. Iyan ang kabuuan ng inyong bansa upang madamang ito ang karma, ang bunga ng galaw at ganting-galaw. Ito ang krus na humihingi ng inyong paninindigan at katatagan ng inyong pananampalataya upang patuloy na humarap ang isang kaluluwa sa katotohanan na naroroon ang pagalinsunod sa batas ng katarungan.

Sa pamamagitan nito ay takalin ngayon ninyo ang inyong pinag-aralan, sukatin ninyo ngayon ang haba ng inyong naimpok, tingnan ninyo ngayon ang inyong pagpapahalaga sa simulain na ipinangungusap ninyong napakahalaga sapagkat siyang gabay ng inyong mga kaluluwa. Pagkatapos nito ay doon ninyo buuin ang pangungusap,“Kung ano ang inyong itinanim ay iyon din ang inyong aanihin.”

Ito ang bahagi na aking sa inyo ay iiwan na hinahangad kong nawa ay magkaroon ng kaliwanagan upang madama ninyong sa bawat panahong nilakaran ng isang kaluluwa ay laging naroroon ang maraming biyaya na kanyang makukuha upang madama ninyong ang Diyos ay katarungan at siyang batis ng lahat ng bagay. Ito ang aking sa inyo ay ibinabahagi.

Maghari sa inyong mga puso at sa lahat ng tao ang liwanag ng diwa at kapayapaan ng isang kaluluwa, kapayapaan sa sandaigdigan, kapayapaan sa lahat ng nabubuhay upang madama ang pangitain palang ito ang naroroon sa kaganapan na siyang magibibigay ng kahatulan sa kalagayan ng bawat kaluluwa.

Paalam, Apostol Juan

1996-04-07, EB

Sa tatlong katauhan o tatlong persona; pag-ibig, katarungan at katwiran ang gagamitin upang ang mga bagay na papantayin ng pag-ibig na may katwiran ay maisasagawa ng lahat at bawa't isa upang ang maraming uri ng kapamuhayang itinataguyod ng taong pinatay nga maraming bagay na materyal na maiiwan sa katauhan ng isang Kristong maalam magdala ng bigat.

Nagpakasakit, alang-alang sa ang laman ay mabubuhay, gagawa, maglilingkod at kakain sa abot ng panahong ipakikitalad sa buhay pangkapatagan, ay manindigan ang tao upang masilayan ang banaag ng pag-asang madapa man at masubsob ay hindi na nangangailangan ng isang nilikhang magbabangon at aakay sa kanyang kinadoroonan upang magkaroon ng halaga ang buhay at lakas na kanyang gagamitin alang-alang na kung siya magtatagumpay sa ngalan ng pag-ibig.

Ang pag-ibig na gagamitin ng tao ay dalawang bagay ang ibubunga; pag-ibig na magtatakip ng maraming kamalian sa bawa't nilikhang hindi nakakikilala at mangmang sa katotohanan, at ang isang karunungang siyang hahatol na sang-ayon sa batas ng langit at sa batas ng tao ay maaaring matakasan ng kahit mang sinong marunong at magbibigay hatol at katwiran sa sinumang nagkasala at nagkamali sapagka't lahat ng pagkakamali ay siyang magiging daan upang makita ang kamaliang iyan at hindi mamamatay na maraming uri ng pagkakasala ay muling mabubuhay sa panahong ito at gugunitain ng tao ang pagkabuhay ng isang laman na napanday ng karanasan ng pag-ibig nay mayroong katwiran.

Kung kaya nga at kayong mga minamahal na Espiritista ay matagal na kayong nabubuhay nguni't namatay na muli nang dahil sa pagkakasubasob ng inyong pagkakilala, bayaan ninyo at pagpagin ang alabok sa inyong mga paa at sugat sa inyong tuhod, pagalingin ng inyong pananampalataya at maninindigang, “Ako ay nakipamahayan sa isang pook na hindi nalalaman ang angking kalooban kung kaya nga ako ay nainindigan at gagawa sang-ayon sa aking natutunan at nalalaman.

Gayon pa man, ay dumarating ang panahong ang patay na pananampalatayang aking sarili at paninimdigang mayroon na ng kamalian ay nabuhay nang dumating ang panahong iba't-ibang uri ng damdaming aking nakasama at diyan ko nabasa ang pag-aaral ng tao ay hindi maaaring ibukod sa alinmang lipunan maging ito ay pagkakamali ay magiging kasama niya sapagka't mawawalan ng tungkulin ang isang diablong nagbigay ng katalinuhan sa tao.

Nguni't kung ang tao ay hindi pa nakakikilala ng batas at katarungan ng Panginoon, ang magtuturo at magpapatalino ng tusong siyang aakit sa kanyang kahinaan ay ang sumira at hindi bumuo ng bawa't nilkha at binuo ng tunay na pag-ibig na mayroong katwiran.

Mga minamahal na kapatid, humayo kayong mayroon ng pag-ibig. Lisanin ninyo ang inyong mga tahanan pangsamantala ay hindi nangangahulugang kayo ay lumilimot sa inyong tungkulin kungdi lilisanin ninyo alang-alang na kayo ay namamahayang hindi kayo makalayo sa maraming uri ng pagkakasala ng tao at kayo ang magiging liwanag at ilaw.

At kayo rin ang Kristong may pasang krus na walang umaalakbay at tumutulong sa kabigatan ng krus na iyan ay hindi nangangahulugang ayaw kayong tulungan kung hindi upang tumatag ang balikat ng pagkapasan at ang pakong nakapako sa inyong mga palad ay siyang maglarawan nang hindi kayo bibitiw sa alinmang tungkuling inyong kinadoroonan sapagka't hindi kayo magtatagumpay sa ngalan ng pag-ibig na mayroong katwiran.

Mga minamahal na kapatid, paulit-ulit na binabanghay ng tao ang katotohanan. Paulit ulit na binubuhay ang buhay ng Kristo nguni't ang mga minamahal na kapatid ay malaon nang buhay, kung kaya lamang nagkakaroon ng pagka-untol ang pagkabuhay nang dahil sa maraming uri ng pangangailangan.

Gayon pa man ay hindi ako umaasang ang lahat at bawa't isa ay manghihina sapagka't ang alalay ng kabatlayaan lagi nang sumusubaybay sa bawa't isang nangangailangan nguni't alalahanin ninyong di lahat ng ina-akay at sinusubaybayan ay pinakikinabangan ng inyong pagkatao.

Pag-aralan ninyo ang bawa't banggit ng kabatlayaan. Ibinibigay ko ang pagkabuhay na matagal ng binuhay ng inyong pagkatuto. Iniiwan ko ang gunita at ala-ala ng pagkamatay ng inyong pagkakilalang hindi kayo naging malakas sapagka't kayo ay nadaig ng sanglibutang inyong kinadoroonan.

Iyan lamang at kapayapaan at basbas ng dakilang liwanag na nagmumula sa langit ang itututop ko sa bumbunan ng aking mga minamahal na kapatid.

Kapayapaang muli, paalam. Ang inyong kapatid na naghahangad ng pagkabuhay, Apostol Juan.

1995-05-07, ST

Ang kapayapaan ng Dakilang manunubos at ang Kanyang pag-ibig ngayon at magpakailnaman!

Pag-ibig at pananampalataya ang siyang hinahanap ng tao at siyang sinisikap buoin sa kanyang kalagayan. Pag-ibig na siyang tinatawag na dakila na biyaya ng Diyos na ipinagkaloob sa sanglibutan. Ito ay sa pagkasugo ng Kanyang bugtong na Anak.

Pag-ibig na tinatawag na dakila sapagka’t ito ay ipinagkaloob ng walang pagtatangi.Batas na dinadaanan ng lahat ng kaluluwa. Mahirap man at mayaman, mangmang man at marunong sa lupa. Ito ang batas na napakahirap unawain ng tao, sapagka’t ito ay palasak na lumalabas sa kanyang bibig na "ako ay umiibig, ito ang pag-ibig".

Ngunit ang pag-ibig ng langit ay mahirap unawain pag dumating sa kalagayan ninyong mga tao. Sapagka’t ito ay batas na kailangang tanggapin at pag-aralan ng isang kaluluwa upang ang kanyang kalagayan ay maging karapat-dapat sa pagdating.

Pag-ibig na mayroong pang-unawa at pagtitiis sa isang kaluluwang ipinagkaloob ng langit, na kung saan mo maihatid ang isang pagbabago ng iyong pagkatao lalo pa nga at sa panahong inyong hinaharap na dito ninyo ngayon isagawa ang tunay na pag-aaral sa loob ng paaralang ito na ganapin ng inyong buhay upang kayo ay makamalas at makita ang inyong pagkatao sa harapan ng salamin na tunay na nga kayong gumagawa ng katotohanan tunay nga kayong nag-aaral ng maka-langit na karunungan na siyang inihahatid ng kabatlayaan sa pag-aaral na katulad nito.

Aking mga iniibig na kapatid na mag-aaral, hanggang kailan ang pagsikat at paglubog ng araw sa inyong buhay upang matutuhan ninyo ang tunay na katwiran? Matutuhan ninyong ilagay sa inyong mga pagkatao ang isang katotohanan na kayo at hinirang ng Diyos. Na kayo ay sinugo upang gumawa, upang mag-aral, upang isulong ang isang kaalaman na siyang ninanais ng dakilang Ama.

Bakit nga ba inihatid ang anak ng Diyos sa katauhan ng isang Hesus. Sapagkat iyan ang kabuuan ng tuparin na kinakailangang gawin ng tao na maihatid niya ang kanyang sarili sa landas ng katotohanan. Magampanan niya ng tunay na buhay ng katotohanan ng isang mananampalataya na mayroong pagtitiis at pagkaunawa na marunong siyang tumanggap ng lahat ng bagay na dumarating sa kanyang buhay. Sapagkat kung paano siya nagkautang kahapon ay siya naman ngayon ay nagbabayad. At dito kailangang hanapin ng tao ang isang kaunawaan sa pagkilala sa batas ng Diyos na tinatawag ninyong pag-ibig. Sapagkat iba ang pag-big ng tao sa kanyang kapwa na kadalasan ito ay nasisira sa tinatawag na pagmamahal lalo pa nga at kung ito ay kanyang mahal sa buhay.

Nakalimutan niya ang batas na kailangang igawad kung siya ay nagkakamali. Nakalimutan ng tao ang tinatawag na katwiran kung ito ay igagawad sa kanya sapagkat ayaw niyang masasaktan, naghahari sa kanya ang isang pagkukunwari. Nais niyang makita ang kanyang kagandahan sa harap ng kanyang kapwa at ayaw niyang makita ang kapangitan na doon lamang niya mapatotohanan na siya nga ay marunong tumanggap ng isang pagkakamali.

Aking mga iniibig na kapatid, ang panahaon ay nagtuturo at dito ngayon sisikapin ng bawa’t isa na madaliin niya ang paggawa, unti-unti na niyang sinupin ang mabubuting gawa na ipinagkaloob sa kanya ng Dakilang Panginoon.

Ang lahat ng kagandahan ng langit na ibinibigay at ibinabahagi sa lahat at bawa’t isa. Huwag ninyong sayangin ang mga patotoo na ipanagkaloob ng Espritu Santo sa pangalan ng dakilang Kristo na hindi man matanggap ng sanglibutan ngunit kayo na nagkaroon ng bahagi, kayo na nakamalas at nakainom ng tubig na buhay na siya ninyo ngayong tinatamasa.

Kaya kayo ay naririto ay huwag ninyong sayangin ang bawa’t sandaling dumarating sa buhay ninyong mga tao, aking mga iniibig na kapatid. Sspagkat kung saan ang matinik at mabato na landas ay doon pinagpapala ang isang matibay at malakas na pananalig at pananampalataya na tunay nga kayong kumakapit sa puno ng ubas.

Sapagkat naririyan ang pag-asa na itinatanaw ng inyong espiritu. Aking mga iniibig na kapatid, ipakita ninyo ang inyong pananampalataya na mayroong taglay na pag-ibig na paggawa. Pggawa sapagkat ito ang ninanais ng Panginoon sapagkat nais kong makapaghandog sa kanyang aharapan. Ang lahat ng magagandang bagay na ipinakita sa katauhan ng isang Hesus, ito nawa ay maghatid sa inyo.

Lalong higit sa mga kabataang tularan ninyo kung papaano ang tubig sa dagat na walang humpay na humahalik sa dalampasigan tandan ng pagmamahal, tanda ng isang pananalig sa Dakilang Ama. Ngunit tandaan ninyo, aking mga iniibig ng mga kapatid at kabataan, ang tubig din sa dagat ay halimbawa sa isang kahinaan sapagka’t kung saan siya hipan ng hangin ay doon siya paroroon. Ngunit inaasahan ng kaitaasan sa mga kabataan sa panahon ngayon na mayroon nang taglay ng katalinuhan at karunungan na siyang patungo sa langit, magpakatatag kayo sa anumang dumarating sa inyong buhay. Ipakita ninyo na mayroon nang isang Diyos na sinasandigan ng lahat ng bagay.

Huwag ninyong isanib ang inyong karunungan sa sanglibutan kungdi isanib ang lahat ng ito sapagkat mayroon Diyos na Makapangyarihan at anumang bagay ang dumarating sa lahat at bawat isa sapagkat ito ay kaloob.
 
1995-05-07, ST
Sa pagkamalas sa isang Hesus na napako sa krus ay doon nila napagkilala, doon nila inuunawa, doon nila nakita ang isang katotohanan na ang langit ay nagtagumpay dinaig nga ang sanglibutan.

Kaya at kayong mga kabataan, malayo pa ang daan na inyong hahakbangin maraming araw pa ang darating sa inyo at mga pagsubok at tutuparin ng inyong mga espiritu. Kung paano ninyo tibayan ang inyong pananampalataya, kung paano ninyo kilalanin ang batas ng Diyos na binubuo ng maraming kabutihan ng maraming bagay na siyang nakapagbigay lugo sa kanyang harapan. Dito ninyo makikila an tunay na pag-ibig na siyang landas na dinadaanan na kailangang tanggapin ng bawa’t kaluluwang nabubuhay ngayon at magpakailanman!

Paaalam, ang inyong kapatid sa espiritu at iisang pananampalataya.

- Apostol Juan

Sanayan

Comments

Popular posts from this blog

2023-11-27, Rebecca

2016-02-02, Rebecca

1981-1994, Koleksyon - Geronimo de Guia