2021-11-14, Rebecca
2021-11-14, ARK RAF-RAD
Ang liwanag ng Espirito Santo ang sumainyo.
Maraming mga pangyayari ang nagaganap sa sandaigdigan na sapat upang buksan ang pang-unawa ng tao sa katotohanang hatid ng buhay. Mga katotohanang nagbubukas ng kamalayan upang may makilala ang bawa't isa sa kahayagan at katotohanan ng buhay.
At ang magbibigay daan dito ay ang sari-saring karanasan na humihitik at nagpapasagana sa isipan, puso at diwa ng tao upang alamin kung sino siya, ano ang layon ng kanyang pagsilang, saan siya nanggaling at saan siya babalik o paroroon.
Mga katanungang siyang magiging daan upang mahapak ang tabing ng templo. At sa pagkahapak na ito ay doon uusbong ang pagkaunawang ang Hesus na napako sa krus ay anak ng Diyos.
Ang pagkamulat na ito ngayon ang magbibigay daan upang ang isang kaluluwa ay manampalataya. Ang gayong kalagayan ang siyang mag-aalis niyaong kabulagan at ang paningin ay lalangkap sa kanyang kabulagan.
Dahil dito, ang mga anak ng tao ay magsisimulang maka-unawa, magsisimulang sumunod o tumupad ng lahat ng kanyang sinalita at sila ay hindi makakakita ng kamatayan magpakailanman. Ganyan ngayon gumawa ang katotohanang nasumpungan upang ang mga anak ng Diyos na puspos ng kamangmangan ay makalaya.
Ito ang pag-ibig na aking sa inyo ay iniiwan upang ang liwanag ng Espirito Santo ang sumainyo. Arkanghel Raphael, Paalam.
Comments
Post a Comment