2023-12-02, Rebecca

2023-12-02 ARK GAB-RAD

Paksa: Ano ang proseso o paraan upang magka-isa o mapag-isa ang isipan, damdamin at kalooban?

Liwanag at kapayapaan ang tanggapin ng lahat at bawa’t isa ngayon at magpasawalang hanggan.


Ang tao sa kaniyang kabuuan ay nagtataglay ng lakas na hindi maaaring hindi kalahok ang pag-iisip, ang damdamin, at ang dala ng kaniyang kalooban, sapagka’t ang mga kaangkinang ito ang siyang nagbibigay ng lakas at buhay upang gumalaw, gumawa, maghayag, magbukas ang sangkapin at ang kabuuan ng behikulong laman.

Mga sangkapin ng laman

Naroroon ngayon ang pag-iisa at pagbibigkis na ang nagiging pasimula at siyang nagiging daan upang maganap ang kaisahan ay ang sangkapin ng kaniyang laman: ang kaniyang mata na nakakakita, ang kaniyang teynga na nakaririnig, ang kaniyang ilong na nakaaamoy, ang kaniyang dilang nakalalasap, at ang kaniyang balat na nakadarama.

Ang pagbubukas ng kamalayang dala-dala ng damdamin

Kapag ito ngayon sa kaniyang pakikipamuhay ay ginamit tulad ng mata, ginagamit upang may makita sa pamamagitan ng kaniyang paningin. Doon ngayon binubuksan ang magiging kalagayan at kamalayang dala-dala ng damdamin kung ito ba ay masasaktan, kung ito ba ay malulungkot o maliligayahan at magtatamo ng kapayapaan.

Gayundin sa bahagi ng kalooban. Sapagka’t naroroon ang kalagayan at kahayagan kung papaano ang isang uri ng pagkakilala at pagka unawa sa mabuting mga gawa o dili kaya ay sa hindi mabuti at hindi matuwid na paggawa, ang mali at ang tama; ang masama at ang mabuti naroroon sa kalagayan ng isang kalooban.

Ang pagsasama ng damdamin at kalooban

Na, kapag ang mata ay ginamit at nakakita ng bagay na hindi niya iniibig at ang isang kalooban ang napupuspos ay ang kawalang-malay, ang kawalan ng kaunawaan doon sa mabuti at matuwid ayon sa kaniyang kinamulatan, ang magiging pagkakaisa at pagsasama ng damdamin at kalooban mahahayag sa isang sandali na ang dinama at tinaglay ng isang kalooban ay ipinadala na, ipinatatanggap doon sa pag-iisip.

Ang pag-iisip ang tagatanggap ng nadaram ng laman

Sapagka’t ang pag-iisip ang tagatanggap ng bahagi ng dinarama at nadarama ng isang laman at kung ano ang taglayin ng isang kalooban, ang pag-iisip ang siyang tumatanggap, sapagka’t ang tungkulin ng pag-iisip ay ang siyang magbibigay ng isang pagpapasya, ibibigay kung ano ang karapat-dapat na gawin at ihayag ng isang laman sa kaniyang nakita.

At kung ang nakita’y may bahagi ng kalungkutan, may bahagi ng karahasan, ang damdamin kung kulang sa tunay na kamalayan upang madama ang kahalagahan ng pagpapatawad, ang kahalagahan ng pang-unawa, ang kahalagahan ng pagpapasensya, ang kahalagahan at kadakilaan ng pag-ibig, ang karahasang nakita ng mata, ang hindi karapat-dapat na nakita ng paningin,ang mga bagay na negatibong kaniyang natatanaw, ito ang dinarama ng isang damdamin.

Negatibong dala-dala ng damdamin, negatibo rin ang kalooban at kaisipan

Sa ganyang kahayagan kung ang isang kalooban ay lalong kulang sapagka’t unawa sa kamalayan nang nauukol sa matuwid na paggawa, sa tumpak na paghahayag naririto ang bahagi ng kaisahan, ang ibibigay, ang ipadadala, at ipatatanggap sa isang pag-iisip ay ang negatibong dala-dala ng damdamin at ang negatibo rin na dala-dala ng isang kalooban ang ipinatatanggap at ipinadadala sa isang pag-iisip.

At sapagka’t ang pag-iisip ang siyang magpapasya, ang siyang magbibigay ng desisyon kung papaano gagalaw, kung papaano ihahayag at papaano bubuksan ang laman, ang bawa’t bahaging ipinadama ng damdamin at ang taglayin ng kaniyang kalooban, ang pag-iisip ang siyang mayroon ng tungkulin. Kung naroroon sa negatibo, ang kaisahan ay magiging negatibo rin.

Kaya nga, ano ang ihahayag ng isang laman? Siya ay nagdaramdam, siya ay nagagalit, napoot, siya ay naroroon sa walang kapayapaan. Siya’y naroroon din sa kalagayang kulang at salat sa pang unawa sa kaniyang natanaw, nadama, nakita o dili kaya’y sa kaniyang narinig, nalasap sapagka’t ang kaisahan ngayon ay negatibo, kaya’t ang ihahayag ng laman ay negatibo.

Sa ganyang kaparaanan ngayon nagaganap at natutupad ang pag-iisa ng laman, ang pag-iisa ng pag-iisip, damdamin at kalooban. Kaya nga, kung ang kamalayan ng isang tao ay naging sapat sapagka’t siya ay naturuan ng kaniyang karanasan, napanday at napali ang isang damdamin na natutuhang ang bawa’t kaniyang dinarama, anoman ito ay bahagi ng kaniyang pag-unlad, bahagi ng kaniyang pagsulong.

Sapagka’t ang isang kalooban ay naroroon na sa isang level na may tinataglay na kababaang -loob, sapagkat ang kaalaman at karunungan na nauukol sa kahayagan ng pagiibigan ang siya na ngayong nananaig ang magiging pagkakaisa ay positibo.

Samakatuwid, anoman ang makita ng mata, anoman ang marinig ng teynga, anoman ang malasap ng dila, anoman ang madama ng balat, anoman ang maamoy ng ilong, sapagka’t ang damdamin ay napanday na, nalinang na, naturuan na ng kaniyang kamalayan na ang bawa’t kaniyang dinarama ay bahagi ng kaniyang magiging pag-unlad.

Bahagi ng pagbubukas upang makilala ang kaniyang sarili at ang tunguhin ay ang tunay na pagbabago, ang isang kalooban ang siyang magbibigay ngayon ng liwanag upang ang matuwid na paggawa ang siyang maging daan, siya ngayong maging kahayagan kaya’t ang ipinadadala at tinatanggap ng pag-iisip, bagaman at ang nakita ay hindi karapat-dapat.

Datapuwa’t ang damdamin ay marunong nang magtiis, marunong nang magdala ng pagpapakasakit, mayroon na nang sumisibol na pag-ibig, pagpapahalaga, pagmamahal, pagmamalasakit sa lahat ng kaniyang nakikita, sa lahat ng iginagalaw ng kaniyang kapwa.

Ang dadalhin at tatanggapin ng pag-iisip ang kalagayan ng damdaming nasa kaniyang kapayapaan at naroroon sa kamalayang ang pag-ibig ang karapat-dapat na paghariin pinagtitibay ng isang kalooban sapagka’t ang sa kaniya ay naghahari ang kahayagan at kabuuan ng matuwid na paggawa, ang pag-ibig at pagpapahalaga sa kaniyang kapwa, iyon ang magiging kaisahan.

Ang pagpapasiya at desisyon ng pag-iisip ang iginagalaw ng isang pagkatao

Kaya nga, sa kabila ng lahat na dinudurog ang kaniyang puso, sa kabila ng lahat na nilalapastangan ang kaniyang pagkatao, sa kabila ng lahat na ang ipinadarama ay hindi karapat-dapat, ang iginaganti at iginagalaw, sapagka’t iyon ang inihahagkis bilang pagpapasya at desisyon ng isang pag-iisip na siyang naging kabuuan ng paggalaw, ng pagsasagawa ng isang laman.

Ang damdaming may pang-unawa, ang kaloobang may dalang mabuti, sa pakikisa sa kaisipan ang magbibigay lakas at karunungan

Nagpapatawad sa lahat ng sa kaniya ay nagkakasala, natututong magpaumanhin at umunawa sapagka’t naunawaang iyon ang karapat-dapat na kaniyang isagawa, sapagka’t ang dadamin ay marunong nang umunawa, ang kalooban ay matibay na sa pagdadala ng mabuti at ng masama, kung ano ang

karapat-dapat na kaniyang ihayag iyon ngayon ang nagiging kaisahan sa pamamagitan ng pag-iisip na siya ngayong maglalagay ng lakas, maglalagay ng kaalaman, magbibigay ng karunungan kung ano ang nararapat na ibigay ng isang laman sa mga karanasang sa kaniya ay nagaganap.

Ang mga aral at mga natutunan ay bubukas kung puspos na ang karunungan at kaalaman ng tao

Iyan ang proseso at kalagayan sa buhay ng bawa’t tao. Kaya nga, kung napupuspos ng karunungan at kaalaman ang tao sa pamamagitan ng karanasan na ang bawa’t pagtuturo at gintong aral na kaniyang dala-dala ang siya ngayong nabubuksan, siyang kinukuha, nasusumpungan ang iisang katotohanang ang dala-dala ay ang buhay na walang hanggan na nangungusap, ito ang buhay na walang hanggan, ang kilalanin mo ang Diyos na tunay walang iba kung hindi si Hesucristo.

Kaya nga, ang bawa’t halimbawa at dakilang gawa na: kinamulatan, kinagisnan siyang bumuo ng paniniwala, ng pagkakilala, ng pananampalataya ng sangkatauhan mula pa sa kaniyang pagkakaisip hanggang sa kaniyang pagtanda dinadala ang mga bahaging ito.

Karunungan, kaalaman, at pag-ibig upang marating ang kaharian ng mga langit

Kung iyon ngayon ay nagaganap at nalalapat sa bawa’t karanasan, katotohanang ang pag-iisa, ang pagtatali at pagbibigkis ng pag-iisip, ng damdamin at kalooban lalo na at narating na ang baitang ng kamalayan ng nauukol sa kaalaman at karunungang ang tutunguhin ay ang lagom ng pag-ibig ang landas na dadaaanan bilang siyang sangkapin ng tunay na buhay, sa pamamagitan ng karunungan at pag-ibig mararating ang kaharian ng mga langit.

Ang pagkabukas ng diwa o kamalayan hindi magliligaw sa isang sarili sa tunay na pag-iibigan

Ito, kung siya ngayong mabubuksan sa inyong mga diwa, naroroon ang magiging baitang na

hahakbangan ng bawa’t isa, kailanman hindi siya lilihis sa kaniyang pinag-aaralan. Kailanman ay hindi niya ililigaw ang kaniyang sarili sa simulain ng tunay na pag-iibigan.

Ang mga tungkulin naka-atang sa balikat ng mga tao na gampanin ng kanyang kaluluwa

Kailanman ay hindi niya pagkukulangan ang kaniyang; tungkulin mula sa kaniyang sarili, tungkulin sa kaniyang kapwa, tungkulin sa Diyos, tungkulin sa Panginoon, tungkulin sa kaniyang pananampalataya.

Ang pag-aangat tungo sa mataas na kamalayan, pagtuturo, pang-unawa, at pagkilala

Sapagka’t ito ang magbibigay ng kabuuan upang ang isang damdamin, isang kaloooban at isang pag-iisip sa pamamagitan ng paggalaw ng kaniyang mga sangkaping ginagamit ng laman maganap ang kaisahan ng karunungan, ng kaalaman ng nauukol sa matas na kamalayan, sa mataas na pagtuturo, sa mataas na pagka-unawa at pagkakilala, walang iba kung hindi ang kilalanin mong may Diyos na sa iyo ay nakatunghay; sa lahat ng panahon, sa lahat ng sandali, sa lahat ng oras, sa lahat ng bahagi, sapagka’t ang lakas na dala-dala mo ay ang lakas ng Diyos.

Ang buhay na daladala mo ay mula sa Diyos. Ang bahagi ng lahat na iyong tinatangap ay sa kapamahalaan ng Diyos, at diyan ngayon kailangang mag-isa, magbigkis ang pag-iisip, ang damdamin at kalooban na isa ang itataguyod walang iba kung hindi ang iisang kautusan na kailanman ay hindi maluluma sapagka’t ito ang kahayagan ng tunay na buhay, Mag-ibigan kayo sa isa at isa.

Kaisahan ng laman, kaluluwa at ng Espiritu

Na, nangangahulugang ang laman, ang kaluluwa, ang Espiritu ay kailangang mag-ibigan. Ang pag-iibigan, tatanggapin ng laman kung ano ang lakas na kinakailangang makuha at ibinibigay ng isang kaluluwa sa pamamagitan ng kaangkinang pag-iisip, damdamin at kalooban.

Na naroroon ang kamalayan ukol sa pagkaunawa: sa batas ng Diyos, sa galaw at ganting galaw, sa uri ng buhay na kinakailangang kaniyang lakaran, ang pagtatali’t pagbibigkis kailanman hindi magdadala sa tao upang siya ay magkasala, sapagka’t naroroon ang kaisahan na siyang nilagom at inilagay sa iisang kabuuan mag-ibigan kayo sa isa at isa.

Ito ang aking sa inyo ay iniiwan at muli, ang adhikain ng inyong kaluluwa na maganap at matupad ang kahingian ang tunay na paggawa upang makakalag sa tali ng kamangmangan at lisyang paniniwala ang sa inyo ay dumating upang maunawaang walang kasing dakila ang sa inyo ngayon ay ipinadarama, ang buhay na inyong nilalakaran, walang kasing dakila sapagka’t kayo’y itinutungtong doon sa pagsulong upang marating ninyo ang perpeksyon.

Ang perpeksyon

Ang perpeksyon ang kahayagan ng kaluwalahatian, ng kawagasan, ng kabanalan na siyang halimbawa at buhay na ginampanan ng Anak ng Tao.

Iyan ang aking sa inyo’y iniiwan. Muli, ang Liwanag, pagibig at kapayapaan ang aking sa inyo ay iniiwan ngayon at mapakailanpaman.

Arkanghel Gabriel, paalam.

Centro Lualhati sa Dios sa kataastaasan

Talaytayan, Kapatid Rebecca Dungo


Comments

Popular posts from this blog

2023-11-27, Rebecca

2016-02-02, Rebecca

1981-1994, Koleksyon - Geronimo de Guia