1994-2007, Koleksyon - Maria Magdalena

 

 






2007-12-09, LB

Sumainyo ang pag-ibig at ang kapayapaan na nagbubuhat sa iisang Diyos mula ngayon at magpakailan pa man.

Kung ang bawat ay ibabalik sa nakaraan at naging kadahilanan ng bahagi na iginagalaw ngayon ng sanglibutan, lalung-lalo na sa mga kaluluwang kumikilala sa tunay na aral at diwa ng isang Kristo. 


Kung kayo nga ay babalik sa nakaraan, sa panahon ng pagsilang ng isang sanggol sa munting sabsaban. Ano kayang mahalagang papel ang kukunin ng bawat isa? Upang maipakilala ang kanyang pagpapahalaga, sa kadakilaan nang bahaging naganap?

Bakit ko ibinabalik tanaw sa aking mga iniibig na mga kapatid ang isang munting kasaysayan na yan? Sapagkat tulad ng maraming babaeng nagkaroon ng anak, ang magkaroon ng isang pagkakatiwala na nagmumula sa Panginoon, na mabiyayaan ang sinuman na ang kaluluwa ay makibahagi sa pamamagitan Niya ay tunay nga na kalugod-lugod sa harapan ng Panginoon.

Ano pa kaya kung ang bawat babae na yan ay tulad ng isang Maria? Paano mo tatanggapin at dadalhin ang isang napakabigat na tungkulin, lalo na sa panahon yaon?

Tunay nga ba aking mga iniibig na mga kapatid? Hindi madarama ng tao ang tunay na kadahilanan, maliban na ang kanyang sarili ay makibahagi sa bawat larangan ng damdamin at kaloobang gumagalaw upang ang isang kasaysayan ay magkaroon ng buhay sa kanyang kalagayan.

Tunay nga sa kapanahunang iyon, kumakatok sa bawat pintuan, upang magkaroon ng kahit ilang sandaling panuluyan at maisilang ang munting sanggol. Hindi din baga ito nadama ng bawat isa na ang Panginoon ay patuloy na kumakatok sa bawat puso upang Siya ay magkaroon ng pagkakataong pumasok sa isang pagkatao. Upang madama ninyo ang tunay na tinatawag na lakas at kapangyarihan.

Tunay nga rin ba aking mga iniibig na mga kapatid? Na sa pamamagitan ng isang munting sabsaban na kung saan ang mga hayop dito naninirahan ay nagkaroon ng munting pagkakataon na maisilang ang dakilang bahagi alang-alang sa sanglibutan? Ito rin nga ba'y katotohanang nagaganap sa inyo aking mga iniibig? 

Na mula sa mga kahinaan ng inyong mga pagkatao'y mapaamo ninyo ang inyong mga sarili, upang muli ang sanggol na iyan ay mailapag sa gitna ng maraming bahagi na alitigtigin ng sanglibutan at ang bahagi ng tunay na kapayapaan ay siyang maghari sa bawat isa.

Ano nga ba ang ihahandog ninyo aking mga iniibig sa harapan ng munting sanggol? Kung ang aking unang katanungan ay "Ano ang magiging bahagi ninyo sa kasaysayan na yan, sa panahon nang Kanyang pagsilang na at pagdalaw nyo?

Ano kaya ang pangunahing dadalhin ng aking mga iniibig na mga kapatid, kung siya ay bibigyan ng pagkakataon na maghandog ng iisang bagay lamang sa harap ng Hari ng mga hari?" O ito pa din ba ang panahon na ang tao ay naghahanap kung ano ang maibibigay sa kanya ng Diyos. 

Ito pa rin baga ang panahon na ang tao ay patuloy na ninanasa ang bahagu na kanyang makukuha at hindi ang bahagi na kanyang maibibigay? 
Pangunahing layunin ng bawat isa ay magkaroon ng kapayapaan ang kanyang sarili. 

Kapayapaan na kung ito man ang magiging pangunahing solusyon sa mga suliranin at sakit ng laman, siya ay patuloy na humihiling at tunay sa katapatan ng kanyang paghiling ay patuloy syang tumatanggap.

Ngunit ang kapayapaang nakita ng tao sa sanglibutan ay panandalian lamang. Sapagkat tulad ng mga oras na lumilipas sa inyong mga buhay, ganyan din ang bawat pangyayari, ganyan din ang kapayapaan, ganyan din ang mga suliranin, ganyan din ang sakit, at ganyan din ang kaligayahan.

Dito nadama ng tao na wala palang bagay sa sanglibutan ito ang mananatili sa kanyang kandungan. Sapagkat kahit ang kamatayan ay dumating anumang bagay ma kanyang tinangkilik, nalalaman niya na kanyang iiwanan, kahit nga kanya pang pinaka-iibig.

At ano ang naiiwan sa tao? Kundi ang bahagi na kanyang tinipon bunga ng kanyang karanasan. Kaya nga kung ang karanasan ay naging isang guro, matatawag lamang itong mabuting guro kung ang isang mag-aaral ay natuto ng maraming kabutihan nagpapaunlad ng kanyang sarili sa pag-aaral.

Ngunit ang karanasan ay hindi magiging tuwid kailanman. Kung ang lagingitunuturo sa isang mag-aaral ay panatilihin sya sa isang kalagayan na ang kaunlaran ay hindi nya natatanaw o namamalayan man.

Tunay nga hindi ito kasalanan ng isang karanasan, at lalong hindi rin kasalanan ninuman, kung di ang tao sa kanyang kalagayan ay mabagal sa pagtanggap. Sapagkat naririto, marunong siyaang humingi ng maraming bagay, ngunit kung ibinibigay na ang mga bagay na kanya ngang hinihingi ay hindi rin niya nauunawaan. At ito ang kadahilanan kung kaya hindi niya natatanggap ang katotohanan.

Kaya nga. kung ang panahon ng pagsilang ng Panginoon na ang pangunahing layunin ay ang katotohanan ay maihayag. Kayo na bumabahagi sa maliit na panahon na mayroon kayo sa ngayon. 

Tunay nga na ibabalik ko ang isang katanungan, kung kayo ay nabuhay sa bahagi ng Panginoon ay isisilang, ano kayang papel ang nasasain mong gampanan? 

At kung ikaw ngayon ay nasa harapan ng isang Hari, ano kayang pangunahing handog ang iyong ihahandog? Upang mapatunayan mo sa iyong sarili na ang isinilang nga ay Hari ng mga hari.

Sapagkat tunay kahit na sa kapanahunan ng mga anak ni Israel, hindi nila tanggap ang isang Hesus na maging tunay na Hari. Sapagkat ang kanilang hinahanap ay hindi nila natagpuan. 

Ngunit sa kalagayan ng bawat isa sa inyo na nag-aaral sa tunay na aral ng Panginoon, ano ang natagpuan ninyo mga iniibig na mga kapatid? Upang mula sa bagay na yan ang inyong pagkakilala ay hindi maparam kundi bagkus, tulad sa mga apoy, sa gitna ng kalamigan ng panahon, ay laging mainit, laging maalab.

At bawat isa na lumalapit sa apoy na yan ay hindi napapaso, kundi nagkakaroon sa kanyang sarili ng init na kinakailangan, upang magtagal siya sa panahon ng tag-lamig.

Ito ang bahagi sa inyo ay aking ibinibigay, at muli ang handog ng walang hanggang pag-ibig ang aking ibinabalik sa bawat isa ang pag-ibig ng Diyos na nagmula sa Kanyang sinapupunan. Ako ang sa inyo ay naglingkod at nakibahagi sa maliit na bahaging ito... paalam, Maria Magdalena

 

1995-04-05,  GPL

Kapayapaan ang siya nawang sumainyo ngayon at magpakailan.

Sa buhay at pagnanasa ng tao nakahandulong at lumapit sa Panginoon sa pamamagitan ng hangaring makagawa ng lalong karapat-dapat na mga pag-aaral at pagtulong sapagkat lagi nang binabanggit ng kabatlayaan ang mga bagay na pangangailangan ng tao upang patnubayan at tuluyang maisakatunayan ang mga dakilang aral na iniwanan ng dakilang Manunubos.

Hindi sapat ang awitin ang kasaysayan ng Panginoon, kung hindi ang mga nilalaman na kinakailangang maisakatunayan ng tao. Kung kaya at ang dakilang Panginoon ay nagkatawang-tao upang mahayag at makita ng sangkatauhan ang mga batayan kung papaano gaganap ang taong nabubuhay sa kapatagang lupa ng mga aralin at nakagawa ng kababaang-loob ang pag-ibig.

At kung dinaratnan ng kasakitan ang buhay ng tao, huwag sisisihin ang Amang Makapangyarihan sapagkat iyan ay karma ng tao na kinakailangang mapagbayaran ng tao ang mga na-uuntol na pagkukulang upang makagawa ng lalong nararapat na kabutihan. Muli at muli tulad din sa pag-aaral na ito binabalik-balikan ang mga danasin at aralin ng dakilang Panginoon.

Ganyan ang taong nabubuhay sa kapatagang-lupa. Tulad ko ng ako ay nabubuhay, isang babaeng makasalanan kung tawagin subalit sa aking pagbabalik-loob at pagsunod sa Panginoon, pagtupad ng mga tungkuling lagi nang umu-ukilkil sa aking sarili upang ang aking mga kamalian ay mai-ugnay sa katotohanan ng kadakilaan ng paggawa ng mabuti sa aking kapwa.

At ako ay nagbalik-loob at lagi nang sumusunod sa dakilang Panginoon at alalay ng kanyang Ina upang maisakatotohanan ang katagumpayan ng aking pagkakamali. Nagsisi akong lubusan at nakihalubilo sa nakisama sa mga banal na aralin ng dakilang Panginoon.

Ganyan ang tao, kinakailangang ituwid ang nalalamang mga kamalian at ituro sa mga iba pang mga kapatid ang kasaysayang kinakailangang talikdan at ang pagawa ng mabuti ang siyang lalong nararapat maisakatunayan at managumpay ang tao sa katotohanan.

Mga kapatid, huwag kayong malulungkot kung kayo man ay mayroong mga pagkakamaling masidhi sapagkat ang lahat ay may kabayaran. Tumupad lamang kayo sa tungkuling dapat gampanan ay mababayaran ang lahat ng pagkukulang.

Hanggang diyan mga iniibig na kapatid, at maraming salamat sa kasaysayan at buhay na aking pinagdaanan. Muli akong nakabangon upang magpatuloy sa landas ng kabutihang iniwanan ng dakilang Anak ng Tao.

Kapayapaan ang sumainyo ngayon at magpakailan man. Paalam, Maria Magdalena.

 

1995-02-19, FC

Magandang umaga ang bati ko sa inyong lahat!

Mga lingkod at mga hinirang, mapuspos nawa kayo ng pag-ibig, karunungan at kapayapaan na namumula sa Diyos Amang makapangyarihan at sa ating Panginoong Hesukristo.

Marapat na purihin at pasalamatan ang walang hanggang pag-ibig na patuloy na ipinagkakaloob ng dakilang Diyos na lumikha sa bawat oras o sa bawat saglit.

Patuloy ninyong ipinagkaloob sa bawat isa na kanyang nilikha dinudugtungan ang buhay sapagkat ang tao ay isa lamang namababa sa paningin ng Panginoon, isa lamang alabok na ito ay madaling matupok, matangay ng hangin.

Aking mga anak, kayo nga ay tunay na pinili sa bunton ng karamihan,  Hinugot kayo mula sa kadiliman, inilagay sa patag at sa panatag na kalayagayan.  Walang ibang umaakay o tumatanglaw sa bawat isa ninyong kaanyuan kung hindi ang liwanag na nagmumula sa kaitaasan.

Sadyang wala kayong magagawa kung hindi nga kayo tulungan ng Panginoon. Sadyang kayo pinili ng Diyos, minahal niya sa kabila ng inyong mga karumhan.  Kayo ay kanyang nilinis. 

Sa inyong kahubaran kayo ay kanyang binihisan ginawa niya kayong isang dalaga, ina-aruga at inaalagaan subalit kung magkaminsan ang tao, ang palamuti na ibinigay sa inyo ng nag-iisang Diyos, pilit na ito ay hinuhubad.

Anu-ano ang ibinigay sa inyo ng Diyos?  Bigyan ninyo ito ng bulay-bulay sa inyong mga sarili.  Hindi ba sapat ang inyong buhay na patuloy niyang ipinagkakaloob.

Aking mga anak, magsisi lamang kayo at mabalik-loob sa nag-iisang Diyos makakamtan ninyo ang tunay na liwanag, tunay na kapayapaan. Nakikita kayo ng nag-iisang Diyos, talastas niya ang inyong mga puso subal’t parati pinagkakalooban ng lakas, patuloy na kanyang kinakalinga.

Kaya ang karunungan na ipinagkaloob  ng Panginoon Hesus ang siya ninyong batayan kung saan man ang dumating sa bawat kalagayan.   Kung matatag ang inyong mga pundasyon, tunay nga kayong hindi maduduwag sapagkat kayo ay may sandigang matibay at matibay na moog doon nakasandal.

At sa kaorasan na ito, muli kong hinihiling ang kapahintulutan ng umuugit ng kapulungang ito upang minsan pang maahon at muling padaluyin sa inyong bahal na hapag ang biyaya na nagmumula sa kaitaasan.

Panginoon, minsan pa paagusin mo at pabukalin ang malinaw na tubig sa banal na hapag ng inyong mga anak upang minsan pang sumalok at uminom upang sa kanilang kapagalan minsan pang magbigay buhay, lakas at pag-asa muling ipinagkaloob sa Apokalipsis 21: 5-10.

5 At yaong nakaluklok sa luklukan ay nagsabi, Narito, ginagawa kong  bago ang lahat ng mga bagay.  At sinabi niya, Isulat mo:  sapagka’t ang mga salitang ito ay tapat at tunay.

6 At sinabi niya sa akin, Nagagawa na.  At ako ang Alpa at ang Omega ang pasimula at ang wakas.  Ang nauuhaw ay aking paiinuming walang bayad sa bukal ng tubig ng buhay.

7 Ang magtatagumpay ay magmamana ng mga bigay na ito; at ako’y magiging Diyos niya, at siya’y magiging anak ko.

8 Nguni’t sa mga duwag, at sa mga hindi mana-nampalataya, at sa mga kasuklam-suklam, at sa mga mamamatay-tao, at sa mga mapakiapid, at sa mga manggagaway, at sa mga mapagsamba sa dios-diyosan, at sa lahat ng mga sinungaling, ang kanilang bahagi ay sa dagat-dagatang nagniningas na apoy at asupre; na siyang ikalawang kamatayan.

9 At dumating ang isa sa pitong anghel na may pitong mangkok, na mga puno ng pitong huling salot; at nagsalita sa akin, na nagsasabi, Halika, ipakikita ko sa iyo ang babaing kasintahan, ang asawa ng Cordero.

10 At dinala niya akong nasa Espiritu sa isang malaki at mataas na bundok, at ipinakita sa akin ang kanyang banal na Jerusalem, na nananaog mula sa langit buhat sa Diyos.

At muli maraming salamat sa lahat.  Sana ay ang bawat kataga na nalalaglag sa inyong banal na harapan minsan pang malaman ninyo ang tunay  na katas na siyang magiging matibay na paninindigan na ang patuloy na nagtitiis, nagtitiyaga at nagbabata, mayroon kang aanihing gatimpala.

Kung dito sa kapatagang lupa o hindi man maangkin ang mga kayamanan na nilalayon, doon naman sa paraiso ng Diyos, doon mo makakamtan ang tunay na buhay na walang hanggan.

Dito sa kapatagang lupa, maigsi lamang ang panahon na pagtitiisan subalit sa sinapupunan ng Panginoon walang hanggang katapusan. Nasasa inyo kung saan kayo dapat pumili, ang inyong dapat na kalalagyan.  Saan ba ako titira?  Ano ba ang pipiliin kong daan sa makipot ba o sa maluwag?

Masarap ang buhay sa maluwag walang hirap walang dusa subali’t sa daan na makipot bago makapasok, lahat ng timbangan upang masukat ikaw nga ay tunay na susukatin.  Sadyang napakahirap umabot sa pintuan o kaharian ng nag-iisang Diyos.

Aking mga anak, kumatok ka nang kumatok sa Kanyang pintuan kung ikaw sadyang hindi pagbubuksan, wala kang magagawa.  Ano ang ihaharap mo sa harapan ng iisang Diyos kung dumating na ikaw ay lilitisin?

Hindi mo madadala ang karunungan ng pangsalibutan, hindi mo rin madadala ang kayamanan ng sanglibutan, ano ang dapat pagsumikapan na hahanapin?Ang kayamanan pangkalangitan, karunungang pangkalangitan.  Sapagkat sa pagpasok mo sa makipot na pintuan ikaw ay sasalubungin ng mga Anghel ng Panginoon.

At ako nga ay hindi na pakaatagal sa inyong banal na harapan, lagi ang habilin at ang bendisyon ko ay inyong mga taglayin, laging pag-ibig, kaliwanagan at kapayapaan.Ang sa inyo ay naglingkod at nagpapaalam, Maria Magdalena.

 

1994-07-20, LL

Ang pananampalataya ng tao ay sadyang marupok sapagkat marami siyang tinatanggihan sa kanyang buhay. Tinatanggihan niya ang kahirapan, tinatanggihan niya ang karamdaman, tinatanggihan din niya ang kalungkutan.

Ngunit ang kayamanan ng katawang-laman ay kanyang tinatanggap maging ito ay nanggaling sa pangingikil at pagpapakahirap ng kanyang kapwa. Mababasa sa Banal na Kasulatan na katulad ng hangin, kung pag-aaral sa karunungang pantao, ang tao ay hindi malalaman ang kung saan paruroon.

Samantalang, sa inyong pag-aaral sa buhay na lihim ay binabakuran kayo ng mga batlayang banal upang makasilip kayo ng munting liwanag na ang tanging makikita ninyo at natatanaw unang-una ay ang inyong sarili, wala pa kayang ibig matatanaw maliban sa inyong sarili?

Buhay-Espiritu at buhay-laman

Sa buhay Espiritu at sa buhay-laman, ang tao ay siyang pinakamahalagang kasangkapang likha ng Diyos sapagkat gumamit siya ng kasangkapang nakatulad ng hangin, katulad ng lupa, at katulad din ng tubig.

Ang tatlong kasangkapang ito ay sagisag ng pag-ibig ng Diyos sa tao sapagkat iniibig Niya ang tao na kanyang nilikha, na kanyang nilalang, ay buong kasaganaang pinagkalooban ng lahat ng ito upang hindi managano ang tao na mabuhay lamang sa kanyang sarili.

Sapagkat kinakailangang pag-aralan ng tao ang hangin, ang tubig at ang lupa kung ito ay kasangkapan ng Diyos sa kanyang pag-ibig sa paglikha sa tao na siyang pinakamataas ng uri ng hayop sa kapatagang lupa.

Kayo, bilang mag-aaral sa paturuang ito ng buhay, banay-banay ay matutuklasan din ninyo ang kaliwanagan at kapayapaan ng inyong buhay na hindi dahil kayo ay nabuhay upang mabuhay ng masagana sapagkat marami kayong magagamit na inyong pangagailangan.

Ngayon, maitatanong din ba ninyo sa inyong sarili, bakit mayroon naghihirap sa kabila ng kayamanan ng kalikasan? Maitatanong din ba ninyo sa inyong sarili kung bakit mayroon ng mayaman na hindi naman gumagalaw?

Mga iniibig na kapatid, ang pag-aaral na ito ay hindi sa mayaman, hindi lamang sa mahirap kung hindi para sa lahat. Kaya nga at ang isang pagliban sa inyong pag-aaral, isang napakalaking pagkukulang ng isang mag-aaral sapagkat hindi na maibabalik at hindi mo na ito naririnig maliban kung ikaw ay mayroon ng interes na malaman at matuklasan kung ano ang nakaraang pag-aaral.

Subalit marami ang hindi bumabasa ng nasusulat at marami rin naman ang bumabasa ngunit naiiba ang pakahulugan. Hindi baga at ang pananampalataya ay mayroon ng katibayan ang inyong ipinakikita, ipinamamalas?

Kung ito ay bibigyan ninyo ng diwa, ang katagang pananampalataya, titignan ninyo ang mga pangyayaring nagaganap sa inyong kapaligiran kapag malakas ang hangin, hindi baga at mayroong mga gusaling napakatibay subalit nabubuwal.

Mayroon naman kubo hindi man lamang nasiraan at kapag lumalaki ang tubig hindi ba at ganyan din at libu-libong tao ang namamatay at napipinsala? Mayroon ng napakaliit na hindi man lamang lumutang at umanod sa tubig pagkat matibay ang kanyang kapit.

At gayun din sa lupa na pagka ito ay nayanig, gaano man kakapal ang itong nayari nang pangtag-init, hindi baga ito ay nabibiyak at nangangahulugan din ng pagkawala ng buhay ng maraming kapatid ? Ang lahat ng ito ay nagpapatunay na kung kayo ay isang mananampalataya ay tatagan ninyo ang inyong sarili. Iyan lamang ang aking banggit.

Kapayapaan ang sumainyo ngayon at magpakailanman. Paalam, ako ang inyong kapatid, Maria Magdalena.

 

 

1994-04-03, LL

Ang liwanag ng mga Espiritung Banal ang sumainyo at ang kapayapaan ang manatili magpakailanman!

Ang paghuhunos ng laman ay lubhang napakahirap limutin ng isang kinauukulan lalo pa at kung ang maghuhunos ng laman ay nababalot ng kahinaan at batbat ng kasalanan. 

Isang paghihirap ng diwa ng maghuhunos na laman lalo pa at nakikita niya na sa kanyang paghuhunos ang kanyang pagkukulang at mga kasalanang siyang naging kadahilanan ng kanyang paghihirap sa panahong kanyang pinagdaanan.

Darating ang panahon, mga iniibig na kapatid, na lahat kayo ay susubukin ng kabatlayaan kung hanggang saan ninyo dadalhin ang mga paturuang katulad nito, kung hanggang kailan ninyo dadalhin ang mga kabanalang itinuturo sa inyo sa lahat ng sandali, lalong-lalo na kayong mga talaytayan.

Darating ang mga araw, ay hihingan kayo na huwag kayong masisindak, huwag kayong manglulumo sapagkat mayroong ng kasindak-sindak na magaganap sa inyong kapaligiran. Kungdi bagkus itaas ninyo ang bandila ng kapayapaan ng Espirtismo.

Subalit kung kayo na magkakapatid sa simulaing ito ay hindi makauunawa, paano ninyo maiiwagayway ang sira-sirang bandila ng inyong kapatiran. Pag-aralan ninyo mga iniibig na kapatid, na buoin ang inyong sarili at iwagayway ninyo ang mga kabanalang natutuhan ninyo sa paturuang ito ng buhay.

Paano kayo iibig kung wala kayong iibigin at paano kayo magtitiis kung wala kayong pagtitiisan? Paano kayo mag-aaral kung wala kayong pag-aaralan? Sapagkat ito ang landas ng nag-aaral sa paturuang Espiritismo. Ang lahat ng ito ang siyang kailangan upang marating ninyo ang kapayapaan ng kabatlayaan.

Iyan ang akin iiwan. Liwanag ng mga Espiritung Banal ang sumainyong muli at ang kapayapaan ang manatili magpakailanman! Paalam, ako ang inyong kapatid, Maria Magdalena.

 


1992-07-22, LL  

Sa maaliwan, sa kapatagan ay umuusbong ang tatlong kahayagan: tubig sa bundok tumutungo sa pinakamababang lugar ng kapatagan. Ang tubig na ito ay malinis, nagpatuloy ang hagis ng tubig hanggang sa naging katulad nito ang baha. 


Nililinis ang karumihan, lahat ng nakahambalang sa lupa hindi ang kabulukan ng lupa. Pinamamasukan ang tubig upang marating ang malalayong pook at ang tuyong lupa na pananatilihan.

Apat na kalapating puti na may dalang sanga at ito ay itinakip at tumigil ang pag-agos ng ulan, kasabay ang isang tinig, “Ako ay naririto na”, natupi ang puso sa gitna ng bundok. “Ang hirap ng tao at ng nahihirapan at pagdiriwang ng mga namamayani kinakailangang malaman ng tao ay kanyang mapagtagumpayan ang pakikipaglaban. Ang pakikipaglaban sa sandata at sa bilang ng sandatang kanyang kakalabanin.

Subalit ang hindi maaaring subukan… Dami-daming napopoot, kalooban na naghihimagsik, isiping hindi nagbabalak ng mabuti. Kaya kailangan umagos ang tubig, ang agos ng tubig ay patungo sa mga taong nag-aalis ng kababaan ang pinaglalaban ng tao. 

Hindi katwiran kung hindi ang kayamanan na maaaring maangkin ng tao. Iyan ang namamayani sa kasalukuyang panahon. Nag-iimbak para sa kaban ng yaman, at kapag tag-ulan sila ay magtitipon at magdiriwang at pagsasaluhan ang kayamanang naipon mapalad sa paghahanap ng baon.

Nawa ay managumpay ang katarungan at kabanalan mga kasangkapan ang magbibigay inspirasyon sa mga mag-aaral. Paalam, Maria Magdalena.

Comments

Popular posts from this blog

2023-11-27, Rebecca

2016-02-02, Rebecca

1981-1994, Koleksyon - Geronimo de Guia