1973-1994, LVS, Koleksyon -Estudio
1994-09-25 RAD
Sa Tuwiran - Kap. Rebecca Dungo
Silahis ng Pag-ibig
Bakit ng mayroong iilan na dumadanas ng bahaging ito sapagka't iyan ang
naka-akit ng kanyang lakas kaya at sa pagka-akit ng kanyang lakas, ito
ngayon ay nag-uugnay at sa pag-uugnay, ang kapangyarihan ay dumoon at
ito ngayon ay ibinintang ng kagagawan ng kanyang kapwa nguni't ang
katotohanan ang kanyang sarili ang may likha sapagka't siya ang tunay na
dahilan.
Ang tao ay kasangkapang sisidlan
Ang tao ay katulad lamang ng kasangkapan na sinidilan at bawa't
isinisilid sa kasangkapang ito kung hindi kaugnay ng inyong sarili,
hindi baga ito ay itinatapon at inilalabas katulad ng anomang bagay o
ano mang pagkain na inilalagay sa inyong sikmura at sa inyong tiyan
na kapagka hindi naging kaugnay at hindi katimbang, hindi baga ito ay
inilalabas at ito ay tinatapon?
Ganyan din ang bawa't lakas na namamayani sa sandaigdigan, kaya lahat ng
iyan ay naririto sa inyo. Dapat lang sa mayroon ng kaalaman iyan ay
tutumbasan ng kaliwagan ng lakas na mayroon ng kapinuhan upang
pagkapatos ang lahat ay mauwi sa iisa ang karunungan, kaliwanagan at
pag-ibig at kapangyarihan ng iisang Diyos sapagka't wala nang higit pa
sa bahaging ito sapagkat iyan ang pinagmulan at pinanggalingan ng lahat
ng tao.
Kap. Joey: ( malabo ang katanungan)
Batlaya:
Marami na tinatanggap na kapaniwalaan ang tao. Kung ang lahat, aking
uulitin, ay nagmula sa Diyos, mayroon ba ng malas? Kung ang lahat ay
nagmula sa kalinisan, sa kaliwangan at sa pag-ibig, mayroon baga, aking
uulitin ng malas?
Ngayon, kung hindi likha ang bahaging ito, ang tao sa kanyang kabuuan, ang lakas ng pag-iisip ay nakabubuo ng maraming bagay,
Ngayon,
sa sandaling ito kung gagamitin ninyo ang lakas ng inyong pag-iisip ay
nakabubuo na kayo ng maraming bagay, ng kapinsalaan sa inyong sarili at
sa inyong kabuuan. Ng
pagbuguo at pagtatagumpay sa inyong kabuan. Isipin mo na ngayon na
ikaw ay maysakit, isipin mo na masakit amg iyong ulo, sa isang pitik
madarama mo ang bahaging ito.
Ngayon,
kung mayroon na ng mababa at magaspang na lakas at ipahintulot ninyo na
ito ay magkaroon ng bahagi at kaugnayan sa iyong pagkatao, hindi baga
ito ang inyong igagalaw? Dito ka ngayon gagawa, dito ka ngayon lalakad
at kung ito ngayon ay binigyan mo ng pagkakataon at pahintulot na
mamayani sa inyong buhay, sino ngayon ang nagbigay ng kamalasan, sila
bagang mababang espiritu o ikaw na nagpahintulot na tumanggap ng
kanilang kababaan at kanilang kagaspangan?
Samakatwid, walang malas sa bahaging ito ng buhay.
Kap. Tabunar: Mahal na Protektor, ang ibig liwanagin tulad ng medium,
iyan po bang lahat ng medium, iyan po ba ay likha ng kanyang isip kung x
x x ?
Batlaya:
Ilagay natin sa dalawang kalagayan. Mayroon ng isang kaluluwa na bago
pa lamang ilagay sa isang laman ay mayroon na ng kanyang kahingian. At
kung mayroon na ng kahingian, samakatwid, mayroon ng karamdaman sa
kanya ay darating na ito ay naroroon at kaugnay ng kanyang kahingian sa
daigdigan wala pa tiyak ng laman.
Datapwa't ang pag-iisip ng
tao, aking uulitin, ay mayroon na ng nabubuo, marami ang nadarama ng
isang katawan ng hindi bahagi at hindi kaugnay ng kanyang kahingian,
nguni't iyan ay likha ng kanyang kaisipan kaya at ang wika, mayroon ng
karamdamam ngunit ilagay mo at dalhin mo sa bawa't manggagamot, wala ng
makitang kapinsalaan nguni't nadarama ang kahinaan ng kanyang katawan?
Bakit? Sapagka't ang isipan ay lumilikha ng kanyang karamdaman.
Kap. Tabunar: Sa aking pagka-unawa iyon pong xxx ang tao kung sakaling
xxx mayroon siyang dapat na gampanan, nakikita ang talaan. Nakatakda
talaan sa placa mental, di po ba ganoon?
Batlaya:
Oo, bakit ang lahat ng iyan. Pinipilit na ang katakdaan ay naroroon
sa kalayagayn ng isang kaluluwa, narooon ang bahagi ng pag-aaral, at
kung naroroon ng bahagi ng pag-aaral bilang tugon sa iyong bibinigay.
Iyong
katakdaang sa kanya ay ibinigay siya ay maging magnanakaw, marahil iyan
ay takda, iyan ang kanyang madarama. Kung ang itinakda siya ay
mahirap, siya ay mahirap nguni't nasaan ang pagsulong?
Kap. Tabunar: Doon po sa danas na dadanasin ng bawa't kalagayan ang
magpapahirap, iyan po ang magpapaunlad. Subali't kung sinasabing ang
tao ay isang magnanakaw, hindi po.
Batlaya:Ang
bahaging ito ay aking ibinigay sapagka't marami ang humahadlang at
nagbibigay ng hadlang nang dahil sa paniniwalang iyon ay takda para sa
kanya. Ialagay natin sa isang halimbawa, ito ay sa akin ay takda kaya
hindi ako aalis sa ganitong kalikuan. Alam kong ity ay takda at iinigay
sa aking kaya at ako ay mananaitli sa kalikuan.
Ngayon,
lahat ng iyan ay pawang katotohanan datapwa't an ang iniibig ko na sa
inyo ay buksan hindi lahat ng nagaganap at magaganap sa tao at
sandaigdigan ay naroroon at nakatayo, nakapaloob sa kanyang katakdaan.
Kap. Tabunar: "Hindi ka aalis diyan hanggang hindi mo napagbabayran ang katapus-tapusang beles ng iyong pagkakautang."
Batlaya:
Oo, sapagka't iyon ang galaw ng Diyos. Nungi't ang aking ipinauunawa
ay ito, ang mababa na galaw ng tao na inuugnay sa kanyang pagkakilalala,
ang kanyang paniniwala na naroroon iyan ay takda, sa kanya ay ibinigay
na ang wika ko, ay siyang humahadlang sa kanyang pagsulong.
Kap. Tabunar: Ano po ba ang ibig sabihin ng katakdaan kung ito ay batas sa takdang panahon na ibinigay ng Panginoon?
Batas ng Ganting-galaw
Batlaya:
Kaya ng ang wika ko ay oo, katotohanan sapagka't iyan ay batas ng
buhay nguni't ang akin lamang ini-uugnay ang bahagi ng pagkakilala at
paniniwala ng tao na iyon ay batas na ibinigay ng Diyos na taliwas sa
katotohanan at iyon lamang ang aking ipinaaaninaw upang huwag ilundo ng
lahat at bawa't isa na ang lahat ng knyang tinatanggap at ang lakas ng
sa kanya ay nagaganap ay batas ng buhay kung hindi ito ay kanyang sarili
ring kagagawan na nagiging batas ng karma na kanya ngayong ginagalawan
sapagka't "bawa't galaw ay mayroon ng ganting galaw".
Kap. Joey: Mahal na Protektor: Bawa't batas po ba, bawa't nakatakda sa
isang tao, ito po ba ay sa kanyang sariling pag-aaral at sariling
pagsusuri at kaunawaan? Kung ito man po ay medyo makikita niyang
magiging katakdaan, ito po ba sa kanyang katalinuhan at pag-aaral ay
pwedeng agapan ang maaaring maging takda sa kanya. Pwede ba na ito ay
magkaroon ng pagbabago?
Batlaya:
Hindi baga, kaya nag-aaral ang tao ay upang magkaroon ng karunungan,
kaalaman at katalinuhan? At kung ito ngayon ay kanyang ginagawa, saan
niya ito gagamitin? Saan niya ito iuugnay? Naririyan sa pait, ang
kasagutan. Datapwa't kung sadyang ito ay batas na kinakailangang madama
ng isang kaluluwa at naroroon ang magiging karagdagan sa kaalaman na
kinakailangang kanyang makuha, naroroon ang pagpapasimula at pagbuo ng
katatagan ng kanyang pananampalataya alam na ng isang karunungang
sapagka't nasa sa kanya kung hindi ito mauunawaan. Kung hindi sadyang
magaganap sa kanyang buhay.
Kap. Joey: Mayroon po akong nabasa na nagsasaad sa wikang Ingles"that
the future can be changed, because it can be changed". Ano po ang
paliwanag?
Batlaya:
Ang kalagayan ng tao ay nakakabit sa tatlong kawing ng panahon: ang
kanyang nakaraan, ang kanyang kasalukuyan at ang kanyang kinabukasan.
Ang kanyang nakaraan ay naging bahagi ng kanyang kasalukuyan at ang
kanyang kasalukuyan ay siyang magpapaaninaw, magpapadama at magiging
batayan ng kanyang kinabukasan.
Ngayon sa tatlong ito, oo,
natatanaw ang kinabukasan at sa pamamagitan ng kasalukuyan maaari mo
nga na mabago ang iyong kinabukasan nguni't ang tanong ay ito, naroroon
kaya ang tao sa kanyang katatagan sa lahat ng panahon?
Kung
ang tao ay naroroon ang katatagan, ang kabuuan ng kanyang
pananampalataya, ang kalinisan ng kanyang diwa, ang kalinisan ng kanyang
puso, lahat ay maaari at nababago sapagka't wala siyang paningin upang
magtakal.
Kap. Jose Cabuenos: (hindi marining ang tanong)
Batalaya:
Ngayon, sa batas ng katandaan, sino nga kaya ang naka-aalam na sadyang
iyan ay katakdaan? Hindi baga kapag dinugtungan ng buhay hindi pa
dumarating ang inyong katakdaan nguni't iyan ay pinuputol lamang at
ibinibigay ang pahiwatig na puputulin kapag ang isang kaluluwa ay
nagkamali ng kanyang galaw.
Kaya
nga ang wika ko, sinong tao ang buong-buong makapagpapatotoo na ito na
nga ang kanyang katakdaan maliban ang Ama na makapangyarihan. Kaya't
ang wika ko pa in at pangungusap, sino ang nananatiling nasa sa kanya
ang kanyang katatagan na hindi siya magkakamali na magiging hanggang ay
kamatayan?
Isang kapatid na nagtanong kung si Hesus ay Diyos o Tao
Batlaya: Ang pinagtatalunan ng marami siya baga, ang wika, ay tao? Siya baga ay Diyos?
Kung
ilalagay doon sa "phenomeno" ang tao ay isinisilang may laman na
kinakasangkapan; may buto, may balat, mgay dugo na gumagalaw. Dumaaan
baga ang isang Hesus sa bahaging ito? Kung ang kasaysayan ay
nagpapatuloy ang Hesus ay tao sapagka't isinilang at mayroon ng
kinagisnan na magulang, si Hesus baga ay Diyos?
Sa
panahon ng paggawa, binuhay ang patay, nagpagaling ng maraming
karamdaman, nagpamulat ng liko na isipan, nakababasa ng damdamin ng
knyang kapwa, alalaong-baga, mga bahagi ng kapangyarihan at simulain ng
Diyos na kanyang ginagalawan.
Ngayon
ang tanong, sa baahgi ng Kanyang paggawa at pagpapatotoo, ang kanyang
ibinibigay at kanyang iginagalaw, ang kalooban, ang kapangyarihan, ang
pag-ibig ng Diyos, hindi kaya siya Diyos sa ganoon pagkatao at sa
ganoong kalagayan?
Alin
ang nagpapatunay na Siya ay isang Diyos? Ang kanyang ginawa, ang bunga
ng lahat ng kanyang ginawa, ang magpapatotoong Siya ay Diyos. "Kaya at
ako at ang Ama ay iisa." Sapagkat sa katotohanan, iisa ang layuning
kanilang dinadama. Iisa ang luyining kanilang binubuo, iisa ang
kahayagan ng gawa na ipinamamasdan at ipinatatanaw sa lahat ng tao. Kaya
nga at iisa sapagka't siya ang gumagawa at hindi ang isang Hesus sa
pagiging tao kung hindi ang kanyang pagka-espiritu na naroroon ang
bahagi ng pag-ibig ng katarungang, ng kadakilaan at kapangyarihan ng Ama
na sa kanya ay nagsugo.
Bakit
niya sinabi na siya ay isinugo kung siya ang Diyos? Hindi baga ang
tamang sabihin, "ako ay hindi isinugo sapgka't ako ang tunay na Diyos".?
Nguni't
ang kanyang winika, siya ay isinugo ng Ama na naroroon sa kaitaasan,
samakatwid, na isang patotoo na siya ay tao nguni't ang kanyang ginagawa
ay ang bahagi at ang larawn ng Diyos, sapagka't siya ay Anak, bilang
anak ang kanyang kahayagan, ang kabuuan ng larawan ng kanyang Ama na
tinuturan, kaya at ang wika, aking uulitin, ako at ang Ama ay iisa.
Kap.Tabunar: Eh, di samakatwid po Mahal na Protektor, di iyon pong pagkaunawa sa Biblia, Isias 9:10
Batlaya:
Kaya at ang Kanyang pangungusap, bahagi pa rin, "ang aking ginagawa ay
hindi sa akin, ang aking ipinangungusap ay hindi akin kung hindi sa Ama
na nagsugo sa akin."
Ngayon,
kailangang pa bagang pagtalunan kung Siya ay tao, kung Siya ay Diyos?
Ano ang magagawa at ibubunga ng bahaging ito: Kung mayroon ng dilim,
mayroon ng liwanag nguni't ipagpatuloy ang bahaging ito ang mamamayani
ay kadiliman at naririyan ang pagkakawatak-watak.
Nagtanong ang Kap. na Joey Dungo
Batlaya:
Kung ang apoy ay nagliliyab na, mapipigil mo pa baga? Ito ang aking
ibinigay sapagka't marami ang isipan na kinakailangang mamulat sa
katotohanan at kung mulat sa mga bahagi ng bunga ng ibinibigay mayroon
tayong matutuhan na pinakamaliit na liwanag naririyan ang Diyos lang
ang nakaaalam ng bawat pangyayari ayon sa kahingian ng bawa't kaluluwa
na naghahangad ng kanyang pagsulong at magtamo ng tunay na kaliwanagan.
Muling nagtanong ang Kap. na Joey Dungo
Batlaya:
Ngayon, hinhi ko sasagutin ang bahaging iyan, kung may oras pa akong
gagalawan sabihin mo at ipagpapatuloy ko. Gaano pa ang oras na nalalabi
para sa ating pag-aaral?
Maipahihintulot pa baga ninyo ang karagdagan sa sampung minuto?, Kung gayon. . .
Ngayon,
ang bahaging ito ay nangangailangan ng mahaba na pagpaplano sapagkat
kailangang ng katatagan ng isang xxx. Kung ito ay ilulunsad, ang
pangangailangan ng maraming patibay at maraming patotoo.
Ngayon,
ito ay aking sa inyo ay iiwan. Hindi pangwaks kung hindi ang paghahati
sa dalawang punto. Ilagay natin ang isang pilosopiya, ano siya? Kung
baga siya ay babae, ano siya? Hindi baga siya ay lalaki. Kung ito
ngayon ang babae, lahat baga ng babae ay ina? Lahat baga ng lalaki ay
ama?
Ganyan ang magigingkalagayan nmg pag-aaral sapagka't ang
lahat ay hindi pantay-pantay ng kanyang kaantasan, ng kaniyang
kakayahan, ng karunungang na kaniyang tinataglay.
Dahil
dito, iugnay ngayon ninyo ang isang bunga na doroon, maaaring malayo
nguni't mayroon na, ng kaugnayan ang masama ay lalong magpapapkasama at
ang mabuti ay lalong magpapakabuti upang buhat doon sa bunga ng kanilang
karanasan kapwa makakuha ng liwanag, kaalamang nagmumula ss xxx na
nakakagawa ng kadiliman upang kumilala ito nga pala ang katotohanan.
Dahil
dito, dalawang konsepto ang kinakailangang pag-aralan ng tao, ang isa
ay konsepto ng pagiging konkreto at ang isang konsepto sa pag-ibig
at "practo" kinakailangang magka-ugnay sapagka't hindi lamang ang
kahayagan ang titingnan kung hindi mayroon ng sa kaloob-looban
sapagka't ang titik ay pumapatay nguni't ang diwa ang nagbibigay ng
buhay.
Dahil dito, alam ko na marami pa na kinakailangang nguni't sampung minuto lamang ang aking hinihingi sa kalagitnaan.
Ito
lamang ang aking maibibigay, ang pamamahala at pamamalakad sa lipunan
ng tao ay nasasaklaw ng isang angulo at ng kanyang kabuuan. Kaya nga
aking inuulit, pag-aralan ninyo ng buong kataimtiman, tutupin ninyon ang
inyng mga puso, palayuain ninyo ang inyong isipan at kayo ngayon ayu
magtanong, kailangan pa baga ang bahaging ito? Ano ang idaragdag nto sa
pangangailangang ng isang kaluluwa?
Ano ang magiging kapupunan
nito sa pagsulong na kinakailangang suma kaniya? Ano ang katangian ng
mangandang kaugalian na sa kanya ay ilalarawan, kapalaluan baga? o
kababaang-loob ang kinakailangang sapagka't ang hindi
pagkakapantay-pantay ay ipininahihintulot at ibinibigay bilang kalooban
ng isang Diyos upang takalin at sukatin kung gaano ang kaunawaan ng tao
sa iisang utos, "mag-ibigan kayo sa isa ta isa."
Maghari
nara sa inyong mga puso, sa lahat ng tao ang pag-iibigan kababaang-loob
pagkakawanggawa, kaliwanagan at kapayapaan ngayon at magpasawalang
hanggang. Paalam, Apostol Pablo
Kap. na UY: Sa madaling salita, si Jehovah ay ikalima talaga iyong nagsakatawang laman, siya mismo ang nagbigay ng halimbawa na napatunayan ng mga propeta sapgka't ang lahat ng mga propeta at mga apostol ang nagsasabi sa Siya (HESUS) ay tunay na Diyos ng nanggaling sa itaas.
AK: Ang Banal na Aklat ay naubo at nayari nang dahil sa mediumnidad, kaantasan ng bawa't kaluluwa. At kung ito dahil sa kaantasan ng bawa't kaluluwa katulad ng isang kwnetista may mayamang isip upang pagalwain ang isang bagay na walang buhay ibibigay ang kanyang salita sa wika na banyaga at sa inyong kapulungan ang ginamit ay Hebreo hindi ba? Upang pagalawin ang walang buhay sapagkat damdamin ang tinatakal.
Dahil dito, kung ang propeta ay ibinigay, katotohanan, Siya ay Diyos. Ang Hesus sinabi, "Ako at ang Ama ay iisa". Kung ito ngayon ang pagbabatayan, Siya ay Diyos.
At ang kasaysayn, iugnay natin hindi ang diwa ay nagwikang ang isang Hesus ay isinilang. Samaktwid, tao ang isang Diyos. Datapwa at ano ang dala-dala ng isang kaluluwa? Ano ang kaangkinan nmg kanyang Espiritu?
At kung naroroon ang kataasan at naroroon ang kawagasan, naruroon ang Diyos sapagkat ang simulain ng Diyos ay kataas-taasan, kawagas-wagasan, kalinis-linisan sapagka't siyang batis ng tunay na kaalaman at ng pag-ibig.
Dahil dito, hindi natin inu-ugnay na ang titik ay pumapatay, ang diwa ang nagbibigay-buhay. Ang may gawa ng pangalang hinigi ng tao upang kilalanin sapagkat antas-antas, bai-baitang ang dala-dala ng isang kaluluwa na kinakailangang tipunin sa iisa at sa pamamagitan ng pangalan natitipon ang iba't iba na kaantasan ng bawa't kaluluwa upang patatagin at patibayin ang tao at pananampalataya.
KAP. NORMA PADILLA: Pwede pong magtanong? Kung tayo po ay nananalangin ay nakagawian na palagian na humihingi tayo ng tulong o tumatawag kay Sta. Ritang sinasabing "patron saint of the impossible".
AK: Kailangang ng tao ang gabay. Sapagkat katulad ng isang batang lumalakad, pabayaan mo na walang gabay at ito ay mabubuwal, madadapa at upang ito ay iyong tulungang ibinibigay ang gabay. Ngayon saan nag-uugat ang bahaging ito doon sa relihiyon na siyang kinamulatan ng tao?
Ang relihiyon ang nagbigay ng bahaging ito: may santa, may santo, may patron ng ganito, ng ganoon. Ang relihiyon ang nagdikta, nagtanim sa isipan ng bawat tao sapagka't ang ibig masupil, madala, mapaikot sa kanyang hiling at ang kalikasan ng bawat Pilipino kung ibig mo na ito ay masupil, ibigay mo ang pangalan ng Diyos at ang Krus.
Kaya nga, ang kasaysayan ay nagwika, "ang ginamit hindi ang sandatang pumapatay kung hindi ang sagisag ng isang krus at naririyan ang kamangmangan hanggang ngayon ay nagpapatuloy sapagkat ang diwa ay maaaring na tuwirang makipag-ugnay sapagkat iyan ang tahanan ng kalangitan na nag-uugnay at nakikipag-ugnay sa iisang Diyos.
Samakatwid kung kayo ngayon ay nag-aaral sa nakikipag-aral sa kalihiman ng buhay ang tuwiran ang siyang karapat-dapat sapagkat doon ay mananamnam ninyo ang sarap ng pakikipag-ugnay at mabubuksan ang bawat tahanan upang madama ninyo at makilala ninyo na mayroon pala kayo ng karapatan.
KAP. NORMA: Pero mahal na batlaya,, karanasan ko na po na pag ako po ay tumatawag kay Sta. Rita, halimbawa po ay ako ay sakay ng isang bus at umuulan po ng katakot-takot, ang wika nga sa Ingles, "its raining cats and dogs", kapag ako po ay nagdasal na patungkol kay Sta. Rita ay ako po ay nagtataka na paglapag ko sa bus na iyon ay talaga pong hinto na ang ulan.
AK: Ang pag-iisip ay isang lakas na makabubuo ng anumang kanyang isipin, maaaring bumuhay, maaring pumatay. At ang isipan kung baga sa kasangkapan ay ini-uugnay at nahubog sa ganoong kaanyuan.
Kung nahubog sa ganoon kaanyuan, hindi baga napakahirap na ito ay hubugin pang muli at ilagay pa uli sa isang kaanyuang kaya nga nahubog ang isipan sapagkat mula sa pagkabata, pagsilang iminulat na sa gayong uri ng kultura at tradisyon.
KAP. JOEY: Hindi po kaya panatismo?
AK: May bahagi ng panatismo ngunit may kaugnay ng tunay na pananampalayataya sapagkat kung ito ngayon ang pinaniniwalaan ilagay natin ang isang halimbawa, ang wika ng Banal na Aklat, "walang kahabag-habag kung hindi ang mga nagsasabi sa pangalan ng espiritu nguni't hindi naman gumagawa, ginawa lamang".
Nguni't sa lihim nagsasaliksik, nagsisiyasat, nagsisikap na magkaroon ng damit na angkop sa kalagayan ng isang kaluluwang mayroon ng pagsulong ang pagsambit ng pangalan ay mala-Huyo nguni't ang kabuuan at pagiging tagpo ang ugnayan ng kanyang sangkapatin at kanyang diwa naruroon ang pananampalaytaya kaya nga nabubuo ang tunay na katotohanan. Ang xxx ay nagkakaroon ng kahayagan, panatismo. Ang pananampalataya kapag may gawa ay panatismo ay matatakpan. Ang pananampalataya ang siyang umiiral at namanaibabaw.
KAP. NORMA: Salamat po.
KAP. G. VICTORIA: Nabasa ko po kay Allan Kardec, ang buhay daw ng tao ay may takda pero may nabasa ako doon sa ipinahayan ng Arkanghel Raphael na ang buhay ng tao ay walang takda habang gumagawa ka at mayroon lang gustong gawin, nagkakawanggawa bibigyan ka pa rin gn buhay, bbibigyan ka pa rin ng mahab-habang buhay at iyon wala ka lang pagbabayarang utang. Alin po ba dito? Kasi sabi po nila may takda ang buhay mo, mamamatay kang talaga at ang sabi nga ni
AK: Sa tao ay may takda, sa Espirito ay wala, sapagkat ang wika, walang hanggan ang lahat ay pagpapatuloy. Sino ang makapagpapatuloy, sino ang makapagpapatunay, ang kamatayang inabot ng isang laman ay kanyang katakdaan, hindi baga ang tao ang nagbibigkas, " marahil ay kanya nang takda".
Nguni't ito kaya ay katotohanan narating na ng isang kaluluwa ang kanyang katakdaan? Naririyan ang pag-aaral, naririyan ang pagsusuri, nariyan ang pagsasaliksik na kung gaganapin ng lahat at bawa't isa madarama ninyo napakahalaga pala ng buhay sapagka't ang kanyang layunin maibigay ang katubusan, ang kabuuan, ang kaluwalhatian at kawagasan ng isang kaluluwa.
Sa mga sandaling ito nawa ay may biyaya na nakamit at natamo ang inyong kaluluwa upang makapagdagdag ng isa pang silahis ng liwanag na siyang magpapatototoo upang manatili ang isang ilawan ay may langis na tinataglay sapagka't kinakailangang itanglaw sa dako na mayroon ng kadiliman.
Muli maghari nawa sa inyo at sa lahat ng tao ang pag-ibig sa kaligtasan ng kanyang kaluluwa, ang kapayapaan, kapayapaan, kapayapaan ngayon at magpasawalang hanggan.
Sa pamamagitan nga pag-ibig ng Panginoon at sa aming pag-uugnay, ako, ang sa inyo ay namamaalam kaalinsabay ng aking katuwang, Apostol Pablo na siyang nagwawakas.
1994-08-10 - Allan Kardec
Ang kapayapaang nagbubuhat sa Espiritu Santo ang siya nawang sumainyo ngayon at hanggang sa wakas!
Walang
bagay o pangyayari na di mayroon ng kanyang simula. At sa pamamagitan
ng simulaing ito, mayroon nang pagbubuo na siyang magiging batayan
tungo sa kahayagan at magiging kahayagan ng layunin ng tao.
At
kung ito ngayon ay isang sandali na siyang pagpapatuloy ng isang
simula samakatwid, ang layunin ng bawa't isang marating ang hangganan
na siyang mag- papadama ng kahalagahan ng diwa ng katotohanan.
Dahil
dito, sa bawat bahagi niyaong pagbubukas damhin ninyo kung anong uri
ng kalagayan ang nagagawang hakbangang ng inyong pagkatao upang sa isang
sandali na ito ay inyong matuklasan doon ngayon ninyo matakal at
masukat kung hanggang saan ang nagiging kaunawaan ng isang diwa sa
kadakilaan ng bawa't isinasagawa ng kanyang sarili sa panahon ng kanyang
pakikipamuhay sa ibabaw ng lupa.
Dahil dito, kung ang
pagpapasimula, aking inuulit ay siyang pagpapatuloy at pagpapakita na
mayroon na ng nabubuo, ito ngayon ang siyang magbubukas ng ating
pag-aaral.
Na dahil dito, nawa ay makita ninyo at malarawan sa inyo kung sino kayo, ano kayo sa inyong kinalalagyan. Paano kayo gumagalaw at paano rin kayo magpapagalaw. Ito ang pagbubukas na akin sa inyo ay ibinibigay at ang pagpapatuloy ang karapatan sa inyo ko inihaharap.
Konsentrasyon at meditasyon
Kap.
Joey Dungo: Mahal na Protektor, ang mga bagay na nau-ukol sa
konsentrasyon ito po ay aking nauunawaan datapwa't sa bahagi po ng
tinatawag na meditasyon, ay nagkakaroon po ako ng kaguluhan ng pag-aaral
ng ukol dito. Ang katanungan ko po ay saan po pumapasok ngayon ang,
pagkatapos na ang isang kalagayan ay nakapaghanda sa kanyang sarili.
Paano po ginagawa ng isang naghahanda ang tinatawag na meditasyon? Ano
pang bagay ang kanyang dapat na i"meditate"?
AK:
Sariwain natin ang pangungusap ang bahagi niyaong pangungusap ng
nakaraan. Dalawang kataga na magka-ugnay. Ang isa ay pagpapasimula at
ang sumunod ay pagpapatuloy at ang hangganan ay pagkakabit at pag-iisa
ng dalawang ito.
Konsentrasyon ay siyang susi na
magbubukas sa meditasyon sapagka't ito ay ang paglilimpi, pagbibigay na
kapayapaan sakaangkinan ng isang kaluluwa hanggang doon sa sangkapin ng
kanyang pagkatao, ang pag-iisip ay binibigyan ng kalinisan, binibigyan
ng kaliwanagan. Ang damdamin ay sinisikap mapanatili ang kanyang
kapayapaan. At ang kalooban ay magkaroon ng katiwasayan.
Paano
magaganap ang kalagayang ito sa tatlong kaangkinang iyan ng isang
kaluluwa? Paano magkakaroon at mapapanatili ang isang malinis na
kaisipan upang buhat doon ay madama ang kapayapaan ng kanyang damdamin
at ito ay bumuo ng katiwasayan ng kanyang kalooban?
Ang
tao ay nasa gitna ng sanglibutan humaharap sa mga pagsubok humarap sa
mga suliranin, nakalantad at nakapaloob sa iba't ibang uri ng tukso.
Mga bahagi na siyang nabibigyan ng kagaspangan sa isang pag-iisip.
Halimbawa,
nang dahil sa kanyang suliranin katulad ng isang Ama nakagagawa ng
hindi karapat-dapat, nakapag-iisip ng hindi tama sa kanyang kapwa.
Nakarinig ng masakit na pangungusap dinama ng isang damdamin, nawala ang
kapayapaan sapagka't nagdamdam, napoot, nagalit, nasaktan.
At
sa bahaging ito ngayon, kaalinsabay din ng kalooban ay nawawalan ng
katiwasayan sapagka't iyan ay katulad ng isang silid na kung saan doon
ngayon tinatanggap ang bawa't dinarama ng kanyang sarili at kung ang
poot ay naroroon hindi maaari na ang bahaging ito ay hindi pumasok sa
kanyang silid.
Ngayon, naririyan ang pag-aaral na
kinakailangang makilala ng lahat at bawa't isa ang kaugalian ng kanyang
sarili, mababang loob, marunong tumanggap ng ano mang uri ng karanasan
na sa kanya ay dumarating naroroon ang pang-unawa sa bawa't sa kanya ay
ibinibigay ng kalikasan o ng sanglibutan.
Naroroon
ang pag-alam sa mga bahagi na kanyang tinatanggap, kilalanin na ang
lahat ng ito ay bahagi ng buhay na siyang kasangkapan at daan upang ang
isang kaluluwa ay malinis at mawagas.
Kung ito ngayon
ay nadadala ng isang kaluluwa, ano ang kanyang tatanggapin, anoman ang
kanyang marinig, gaano man kasakit o kapait sapagka't mayroon na ng
kababaang-loob, marunong na gumalang sa karapatan ng kanyang kapwa,
marunong nang tumanggap ng iba at ibang uri ng tiisin, iba at ibang uri
ng pagsubok.
Ang kalinisan ng isang pag-iisip ay
napanatili na naroroon at dala-dala ng kanyang sarili. Walang poot,
walang galit, walang pagdaramdam na nadarama sa kanyang kalagayan,
sapagka't kinikilala na hanggang doon lamang ang madadala at matataglay
ng kanyang kapwa kaya iyon ang kanyang igagalaw, kinikilala na siya man
ay tao na nagkakamali, siya man ay tao na may kapintasan, siya man ay
may naisasagawa na paglabag sa batas ng pag-iibigan.
Na
dahil dito, karampatan lamang na ang lahat na kanyang tinatanggap ay
naroroon at magiging bahagi ng kanyang karanasan upang patuloy na siya
ay manalig at manampalataya sa iisang Diyos.
Iyan ay
mga bahagi ng paghahanda, ng mga bahagi ng kalagayan na dinadama at
dadamhin ng bawa't tao na buhat doon kapag nalinang sa kanyang kabuuan
ang paghihimpil, ang pagbibigay ng kapayapaan sa kanyang kabuuan ay
magaganap at kanyang magaganap.
At iyan ngayon sa
inyong kalagayan, sa inyong paaralan ay inyong isinasagawa. Simula
pagdako ninyo sa loob ng lunduyan kayo ay nakalikmo, nasaan ang inyong
isipan?
Kung iyan ngayon ay naroroon, nag-aaral
kumikilala sa kanyang sarili, kumikilala sa kanyang tungkulin, ang
bahagi ng kanyang isinasagawa sa kanyang pagkakalikmo at kanyang pagkakau-po ay naroroon na ang kaugnayan ng konsentrasyon.
At
sa sandali na ito ay lumawak, hindi baga inyong nadarama at nagiging
karanasan, mayroon na sa inyo ay dumarating, ang pag-aaral na inyong
sinimulan sa pamamagitan ng inyong pag-iisip ay waring sinasagot,
nakabubuo mula sa inyong upuan ng bahagi ng pag-aaral kung kaya
naririyan tumatanggap kayo ng liwanag buhat sa kaitaasan.
At
sa sandaling ito ay nagaganap naroroon na ang kaugnayan ng meditasyon
sapagka't ang bahagi ng diwa ay mayroon na ng malawak na kanyang
naabot.
Kung baga sa isang kasangkapan lagyan natin
ang halimbawa ang isang telepono. Na ang teleponong ito kapag inyong
ginamit hindi baga tumatakbo, dumadaloy ang lakas ng elektrisidad upang
mula doon sa inyong kinalalagyan, ang sinuman na inyong tinatawagan
makarating at makaabot ang kahayagan naririnig ninyo ang kanyang tinig
at kayo ngayon ay nakapag-uugnay.
Ganyan din sa
kalagayan ng isang pagkatao, hindi humihiwalay ang isang kaluluwa kung
hindi ang lakas ng isang pag-iisip kaalinsabay ng lakas ng kanyang
damdamin, kaalinsabay din ang kabuuan ng kanyang kalooban.
Ito
ngayon ay pinupumpon sa pamamagitan ng matibay at matatag na
pananampalataya na ang kabuuang ito ngayon ang siyang umaakyat kung baga
sa isang bundok paakyat sa kaitaasan. Iyan ngayon ang nakikipag-ugnay
at inuugnayan at doon ngayon nagaganap ang meditasyon.
Kap.
JD: Tinatanggap ng bahagi ng paghahanda ay nakabubuo ng mga
karunungan natatanggap na isang biyaya ay maaaring sa kanyang
pag-alinlangan ay nakapagbibigay ng kabuuan sa pamamagitan ng
pagpapaisip ng mga
batlaya. Iyan po ay tinatanggap ko na bahagi ng meditasyon.
Datapwa't iyon po ba na tinatawag na sinasabi noong iba na pagdating sa
meditasyon, ang isang nagme "meditate" ang kanyang kaluluwa ay
pumapaimbulog sa itaas. Ito po ba ay nangyayari at hindi po ba
nakakatakot ang ganoon? Hindi po ba mapanganib sa isang kalagayan?
AK:
Ito ang nagiging kahayagan ng bawa't mag-aaral sapagka't kapag
isinasagawa, katulad rin gn inyong gagawin na wari baga ay umaalis at
mayroon ng umaalis sa kabuuan ng inyong pagkatao, kaya nga ang iba
kapag ito ang nagaganap natatakot. Dahil dito, bumababa ang kanyang
kalagayan at naroroon doon sa kalagayan ng kanyang materyal.
Datapwa't
muli ang hindi nagaganap ang wika nga, ang isang kaluluwa ay mayroon
na ng "periespiritu" at ang bahaging ito ngayon na siyang pinakabalot
ng isang kaluluwa ang siyang gumagawa ng mga bahaging iyan maging
patunay nakikipag-ugnay, nakikipagtalik, iniu-ugnayan at siyang ginamit
nguni't ang kabuuan ng kanyang kaluluwa na humihiwalay sa kanyang
katawan.
Kap. JD: Samakatwid po ang hindi po dapat xxx at kinakailangang magpatuloy ang isang nag-aaral ng meditasyon.
AK:
Ang nilinang sa kalagayang ito at ang pananampalataya ng tao at kung
ang isang pananampalataya ay walang kabuluhan mayroon ng karupukan,
matatakot ang kanyang sarili sa magaganap datapwa't kung an pananampalataya ng isang gumagawa ay mayroon gn kabuuan, ang kanyang
nadarama o makikita o maririnig hindi makapagbibigay ng magaspang na
alitigtigin upang magdulot na kanyang pagkatakot.
Kap. JD: Salamat po. Kayo naman po.
Kap. LVS: Mahal na Batlaya magtatanong lang po ang isa ko pong
kapatid na nasa kabilang ibayo ng dagat, nakakaranas po siya ng parang
nakakarating siya sa ibang lugar at ito daw po ay nangyayari kapag siya
ay binabangungot. Kaya may paniniwala po siya na ang bangungot ay
parang isang pamamaraan ng "Astral travel".
Kaya
dati po pag nag-iisip lang siya kusa na iyan dumarating sa kanya,
natakot lang po siya dahil nakita po niya ang isang lugar, isang
dimension na parang mga kaluluwa na samantalang siya ay buhay pa. Kaya
humihingi po siya ng tulong kung ano daw po ang mabuting gawin at dahil
mayroon na nga po siya ng pangamba.
AK: Ang wika,
ang isang kaluluwa ay higit na nagkakaroon ng kapahingahan kung ang
laman ay nakahimlay, nag-aaral, naglalakbay upang humanap ng kanyang
karanasan na magiging bahagi ng isang katawan bagaman hindi ito
nakadarama nguni't iyan ay may lakas na iniiwan sa isang pagkatao.
Ngayon
ang bangungot na inyong tinatawag, ano mang bagay ay mayroon ng
kapinsalaan na ibinibigay at mayroon din ng kabuuan na tinataglay. Ang
wika nga sa banyaga na kataga, "construction" at "destruction".
Sa
sandali ng paglalakbay ng isang diwa ng isang kaluluwa kung ito ngayon
ay magkaroon ng isang karanasan na mayroon ng malamim na damdaming
ibibigay sa kanyang pagkatao na natutulog, maaari na magdulot ng kapinsalaan sapagka't ang lakas ay tinataglay ng isang katawan.
Sapagka't
hindi naman patay kung hindi nakapahinga lamang. Samaktwid, naroroon
pa rin ang pag-uugnay at pagtatalik ng laman at ng kaluluwa. Kaya nga
at ano man ang danasin ng isang kaluluwa sa panahon ng pakikipag-aral sa
sandali ng kanyang pagtulog at ito ay naging malalim at mayroon ng
inukit na magaspang natitigis, nagkaroon ng kapinsalaan ang dinudulot sa
kanyang pagkatao at naroroon isang uri ng karamdaman na tinanggap ng
isang pagkatao na sa sandali na hindi makayanan sadyang ito ay
magkakaroon na makapagbibigay ng kapinsalaan.
Datapwa't
sadyang lahat ng bagay ay mayroon ng kanyang hangganan. Lahat ng
bagay ay mayroon ng kanyang lakas sa lupa ang Diyos lamang ang siyang
nakaaalam kung ano ang karapat-dapat sa isang kaluluwa nguni't ang
matibay na pananalig, ang taimtim na pananalangin na kung sa kanyang
pagtulog ay ibibigay pa ang isang karanasan at ang kanyang buhay,
mangyari ang Kanyang kalooban at huwag ang sa tao.
Kap.
Ariel Cornejo: Itatanong ko lang po iyong tungkol sa pagkakasala ng
tao. Dito po sa Pilipinas ay ibinalik na ang bitay. Halimbawa ho na
ang tao ay nagkasala at nahuli at naparusahan at siya ay na-silya
elektrika nangangahulugan po ba na siya daw ay kakalagan sa lupa ay
kakalagan din sa langit?
AK: Iugnay natin ang
kataga at pangungusap ng Banal na Aklat, "Ang sinuman kalagan sa lupa ay
kakalagan din sa langit. Ang sinumang talian sa lupa ay tatalian sa
langit".
Ngayon, ang buhay iisa ang may bigay, iisa ang
may karapatan na bumawi ng buhay na ito. Datapwa't ang tao ay mayroon
ng karapatan upang gumawa ng kanyang sariling kautusan. At sa
pamamagitan ng batas na ito katungkulan din ng tao ang sumunod, gumalang
at tumalima sa batas na binuo alang-alang sa kapayapaan at katiwasayan
ng lahat at bawa't isa.
At kung ito ngayon ay bahagi
ng isang batas sa tao, ang wika ay may kapatawaran nguni't sa espiritu
ay walang kapatawaran. Maaari na mayroong kapatawarang ibibigay sa tao
doon sa pagtupad atgumanap ng batas sapagka't ito ay batas na kinabuuan
at kinalalagyan ng kanyang sarili.
Nguni't sa
kanyang espiritu ay hindi maaari ng hindi mayroon ng bunga o kudlit na
maggiging kaparusahan o kautangan na hindi maaari na hindi pagbabayaran
sapagka't iisa lamang ang mayroon karapatang bumawi ng buhay ng bawa't
nilalang.
Kap. Joey Dungo: Samakatwid po, ito ang
katumbas ng nasasaad sa Banal na Aklat, lahat ng pagkakautang ay
pagbabayaran hanggang sa kahulihulihang beles?
AK: Oo, karugtong pa maging ang salita ay pagbabayaran ng tao.
Kap.
Renato Ramos: Mahal na Batlaya, mayroon po akong ibig itanong sa Inyo
na marami po ang nagsasabing sa isang tao raw po na naglalakad at nakita
mo ang kanyang anino ay walang ulo, iyon daw po ay bingit na sa
kamatayan. At kung naman po ay makita nating ganoon, ano po ang dapat
nating gawin sa taong ganoong may aninong walang ulo?
AK:
Ang wika nga, ang lahat ng tao ay binigyan ng kaangkinan ng Diyos.
Binigyan din ng karapatang maka-alam sapagka't nasasa kanya ang bahagi
ng pagka-Espirito. At kung ang anino ay isang lakas nakaugnay at
dala-dala ng bawa't tao nakita na ito ay wala ng ulo, oo, sabihin nating
naruroon sa bahagi ng kamatayan na dadamhin ng tao.
Datapwa't
sa kanyang diwa, kung ang ulo ang pangunahing bahagi ng isang katawan,
alisin mo at ang katawan ay mamamatay. Ipinakikita lamang na ang bahagi
ng mahalaga ng tungkuling dapat gampanan ng tao ay namamatay sa kanyang
kabuuan sapagka't ang naghahari ang nau-ukol sa lahat ng bagay ng
sanglibutan, kasakiman, pag-iimbot, kapalaluan, kataasan, lahat ng uri.
Ito
ang dala-dala ng isang kalagayan at ang bahagi ng kaliwanagan na
kinakailangang domoon ay nawawala, kaya nga ang natunghan nawala ang
kanyang ulo, na dahil dito hindi maaari na bawa't galaw ay may ganting
galaw.
Kap. JD: Ito po ba Mahal na
Protektor ay karamihan po ba ng ganoong kaganapan ay totoo na kung
kaya at may nakakakita na walang ulo ang isang kapatid ay dahil po ba
doon sa kanyang mga kagaspangan na kaugalian o naging kaugalian?
AK:
Hindi sa lahat ng pagkakataon. Hindi lahat ng tao ay nakakakita ng
bahaging ito. Bagaman ang lahat ay mayroon ng kaangkinang dala-dala sa
kanyang sarili nguni't kapag bukas na ang kaangkinang ito at naroroon
ang kanyang karapatan, ito ay kanyang matutunghan. At sa kanyang
pagkakita at pagkatanaw, mayroon ng lakas na ibibigay upang magpakita o
magsabi at magbadya, ito ang magaganap sa taong iyon.
Isang
Kap.: Itatanong ko lang Mahal na Protektor kung halimbawa po bang
mamatay, saan po ba unang pumupunta ang ating kaluluwa? Sinasabi rin po
na sa kabilang buhay nag-aaral pa rin ang kaluluwa. Mayroon po ba
silang "section" kung gaano na ang antas nilang narating at hanggang
saan po ba aabutin ang pag-aaral na iyon.
AK:
Mayroon sa Banal na Aklat na nakasulat, "Sa bahay ng Ama ay maraming
tahanan", samakatwid, kung ilalagay ang pangungusap na ito, mayroon na
ng kani-kaniyang kalagayan na tutunguhan at paroroonan ang isang
kaluluwa. Kung ang isang namatay ay maraming dala-dala sa kanyang
sarili, hindi matanggap na ang dala-dalang ito ay kanyang iwan, may
lakas, may bigat na ibinibigay.
Na dahil diyan mawala
man sa katawang-laman, nananatili ang isang kaluluwa ay nasa lupa
sapagka't hindi mahiwalayan at hindi makakalag sa tali ng kalupaan.
Nguni't sa isang sandali na ang isang taong namatay ay matanggap na
ang bahaging ito ay sadyang magiging kalagayan ng lahat at bawa't isa
makapagkakalag na ng tali na kalupaan, naroroon iniaakyat, dinadala sa
kalagayan karapat-dapat na kanyang patunguhan. At lahat na bahagi sa
kalawakan ay mayroon ng kalagayan ang mga kaluluwa magi ang bawa't
planeta na naririyan ay mayroon ng mga kaluluwa na dito inilalagay.
Kap.
LVS: Magtatanong lang po ako, ang akin pong ama ay nasa
kasalukuyan na sa mahinang kalagayan at napansin po ang pagbabago
sapagka't bigla po siyang nag"decide" na gumawa na po ng kabutihan,
lahat na po na malayo ay kanyang na pong pinalalapit sa kanya. Ito po
ba ay tanda na siya ay nakatanggap na may mangyayari sa kanya
sapagka't lahat po ng dokumento para kami ay magkasundo-sundo ay kanya
nang ipinagagawa sa ngayon?
AK: Ang pagkabukas ng
isang pagkakilala sa mabuti na kanyang dapat gampanan ay sadyang
dumarating sa sandali ng mabigat na kalagayan sapagkat bawa't isa ay
mayroon ng ibinibigay na liwanag upang makakilala ang tao sa kanyang
puso. At sa bahagi ng iyong ama, ang karamdaman ang sa kanya ay
pumapali, ang karamdaman ang nagbubukas sa kanyang isipan upang
mag-aral, sino siya, naging sino siya sa harap ng Diyos, sa harap ng
tao, sa kanyang kaanak, sa kanyang mga mahal sa buhay.
Nang
dahil din sa karamdaman, sa tiisin ng kanyang dinadala, napali ang
isang damdamin, natutong tumanggap na gaano man kahaba ang buhay ay
mayroon ito ng hangganan. At kung ito ngayon ay natanggap, sadyang uuwi
at mag-uuwi sa kanyang kinalalagyan sapagkat iyan ang bahagi ng
tungkulin ng isang kaluluwa, nanggaling sa Amang malinis, magbabalik sa
Ama na mayroon na ng kalinisan.
Oo, ang kanyang
isinasagawa ay isang uri ng paghahanda sapagkat tinatanggap mayroon ng
hangganan ang buhay ng tao sa sanglibutan at naririyan ang kaliwanagan
na madadala sapagka't hindi magiging mabigat ang paghihiwalay ng laman
at ng kaluluwa.
Kap. LVS: Salamat po.
Kap.
Renato Ramos: Ang isang tao po bang naaksidente o namatay sa sakuna na
biglang pagkamatay, iyan po ba ay talagang umuuwi at bumabalik sa
kanilang tahanan at hindi niya matanggap ang kaniyang kamatayan?
AK:
Oo, bumabalik wari ay nakikita ang katawang-lupa at natutunghan din ang
kanyang kaluluwa. Na dahil dito, sadyang hindi agad na matanggap,
ngunit sa pamamagitan ng mga karanasan na kanyang matutunghan na
magaganap sa kanyang kapaligiran sa panalangin ng kanyang naririnig na sa
kanya ay ibinibigay, ang isang kaluluwa ay nakatatanggap ba sadya ngang
siya ay hindi na bahagi ng lupa, kung hindi, bahagi ng ng bayan ng mga
espiritu.
Kap. GPS: Ako naman po,
Mahal na Batlaya, gusto ko lang pong maliwanagan kung iyong napag-usapan
natin noong minsan na wala kaming subaybay kung hindi sa tamang oras
ang aming panalangin. Hindi po ba ang sabi ay lagi kaming may subaybay? Ano pong oras ang dapat naming pagdarasal upang magkaroon kami lagi
ng subaybay?
AK: Ang subaybay, oo, hindi inaalis
sa kalagayan at kabuuan ng tao. Ano man ang kanyang ginagawa,
nananahimik man siya o hindi, nakahimpil o nagiging abala ang kanyang
pagkatao sa paggawang mga gawain ng nauukol sa lupa.
Ang
subaybay sadya ay naririyan, nguni't ang lakas na kanyang ibibigay ay
hindi maaari ng kung ito ngayon ay hindi igagalang, hindi
makapagpagtibay sa kaangkinan na kinakailangang madala ng kanyang
kaluluwa. At ito ay ipinatungkol doon sa inyong isasagawa na
konsentrasyon.
Na kung kayo ay magsasagawa ng bahaging
ito na kung saan ay bibigyan ninyo ng kapayapaan ang inyong pag-iisip
at paggalang ay hindi maaari na hindi ninyo ganapin.
Kaya
at ang wika, "Ang lakas ng isang subaybay ay higit ninyong madadama
kung sa iisang oras doon kayo magbibigay ng inyong panahon sapagka't
iyan ay pagpapakita, mahalaga at dakila ang inyong isasagawa. Na kung
ito ngayon ay hindi ninyo gaganapin, hindi baga sa inyo lamang malayang
oras doon kayo magsasagawa?
Kap. JD:
Papaano po kung sinabi ninyo ng mga nakaraan, alas 9:00; 12:00, 3:00 ay
mga bahaging mahalaga at karapat-dapat nagawin. Kung halimbawa po sa
gayong mga oras ay hindi maisagawa pwede po siguro sa mga oras ng
bandang umaga na ho?
AK: Ang tao ay may kalayaan
na gumanap sa kanyang sarili. Ibinigay ang bahaging ito upang matakal
at masukat hanggang saan ninyo maibibigay ang inyong pagpapakasakit.
Sapagka't kung ito ay inyong gaganapin, naririyan ang paglalaban ninyo;
ang inyong katawang-lupa na humhingi ng kanyang kapahingahan.
Nguni't
kung ito ay inyong maisasagawa, naroroon ang inyong pagtatagumpay
sapagka't ang namamaibabaw ang lakas ng inyong pagnanasa, ang kata-
imtiman ng inyong layunin, datapwa't hindi isang batas upang inyong
sundin kung hindi ang kalayaan ay nasa sa inyo.
Ang
amin lamang itinatagubilin, ilagay ninyo at gawin ninyo sa isang oras na
kinakailangan sapagka't naroroon kung baga sa isang panauhin may oras
kayo na ibinibigay, hindi siya aalis kung hindi kayo ay hihintayin,
hindi baga?
Nguni't kung wala kayong oras na ibinigay,
samakatwid maaari na siya ay lumisan, ibigay ang kanyang oras, ang
kanyang panahon doon sa higit na nangangailangan.
Kap.
JD: Samakatwid, bilang paglilinaw, ay wala pong itinatanging
oras, sandali, kung hindi ang lahat ng sandali ay mahalaga at
katangi-tangi po.
AK: Oo, sapagka't kayo ay
gumagawa ng nauukol sa sanglibutan, maaari ninyong gawin ang paghihimpil
at pagbibigay ng kapayapaan at katahimikan sa kaangkinan ng inyong
kaluluwa na buhat doon ay magkakaroon din ng kapayapaan ang sangkapin
ng inyong pagkatao.
Kap. GPS:
Samakatwid po eh kung inumpisahan ko ng 3:00 ng madaling araw, hindi ba
po pupwedeng sa susunod ay alas 12:00 o alas 9:00, kung hindi tuwing
3:00 lang po.
AK: Madarama ninyo ang katotohanan
kung sadyang iyan ay kinakailangan kapag kayo ay nagsisimula sa bahaging
ito at naroroon ang kataimtiman ng inyong layunin, gaano man ang inyong
pagkakahimbing sa oras na iyan kayo ay magigising.
Kap.
LVS: Kung sa pangangatawan po ay dahil sa pagpupuyat ay may
kapayatan katulad ko po na natutulog ng 11:00 gumigising ng 5:00 ng
umaga, ito po ba ay pupwede pa ring gawin na walang masamang epekto sa
katawan?
AK: Ang katawan ay may takdang oras na
kinakailangang sundin, labagin mo ang batas na ito at hindi maaari na
hindi ka mabatasan. Ngayon, kung naririyan ang lakas ng inyong diwa,
maaari na walang ibunga sa inyong pangangatawan sapagka't ikaw ay
bibiyan ng kanyang lakas.Datapwa't aking uulitin, sadyang ang katawan ay
nangangailangan ng kanyang kapayapaan.
Ano mang
bagay kapag inyong nilabisan, katulad ng salop na nilagyan at ito ay
lumabis hindi maaari na ito ay hindi kakalusin. Kaya't darating din
ang isang pagkakataon at isang kalagayan madarama ang kakulangang ng
lakas na kinakailangan ng inyong pagkatao.Nguni't marami ang maaari mong
idagdag, naririyan ang pagkain na karapat-dapat. At kung ito ngayon ay
iyong magaganap ay maaari sa araw ay maibigay mo ang sandali na
kapahingahan na magiging katumbas at katimbang ng inyong pagpupuyat
noong kinagabihan.
Kap. AC: Ang pag-aayuno po ba o "fasting" makakatulong sa gagawin naming konsentrasyon? o pagtuklas ng mga bagay ng ito?
AK:
Ipinakita ng dakilang Panginoon at isinagawa ang bahaging ito.
Ipinadama rin ng kasaysayan na sapagka't naroroon ang kanyang matibay na
pananampalataya, nagawa niya na sa mahaba na panahon na hindi pagkain,
ito ay kanyang naganap.
Nguni't sa tao ang pagkain
ay para sa laman. Kung isasagawa mo ang bahaging ito, ang sustansiya
ng isang laman ay maaari na mabawasan at kung ito ay mababawasan,
samakatwid, ang idudulot at ibubunga ay karamdaman.At sa pamamagitan ng
karamdaman kung naging labis ang kakulangan sa sustansiya, ang
resistensiya na naubos sa kanyang katawan sa palagay kaya ninyo ay
maibabalik pa ng gamot na inyong ibinigay?
Marahil wala
na ng namatay na nagre"reduce" na ang akala ang pagsasagawa nito ay ang
hindi pagkain sa kanyang sarili. Magbabawas, ang pag- aayuno ay hindi
ang ibig sabihin ay hindi na kayo titikim ng anomang pagkain.
Magbabawas ng pagkain, ng bigat na ilalaman sa kanyang katawan. Ang
tubig ay bahagi ng pag-aayuno, bahagi ng pangangailangan ng isang
katawan na nilagyan ng kaunting asukal at iyan ay makakatulong kung ang
alat ay hindi xxx napakahaba na kanyang isasagawa ang hindi pagkain.
Kap.
JD: Totoo po ba sa kasaysayan ng Mananakop ay nagawa niya sa
kanyang karanasan na napakahabang panahon ng hindi po pagkain maliban sa
tubig?
AK: Ang lahat ng naroroon sa Banal na
Aklat ay nakatali sa talinhaga, magi ang kasaysayan ng isang talinhaga.
At kung ito ngayon ay isang talinhaga, may diwa na ibinibigay sapagka't
siya man ay naka-alam na may batas na kinakailangan na igalang.
Dahil
dito, ang kanyang isinagawa ay hindi sa pisikal kung hindi sa
espirituwal. Nag-ayuno ang kanyang Espirito. Ang hindi pagkain, ang
ibig sabihin, ang pag-iwas sa alitigtigin ng sanglibutan na kung saan ang
kanyang binigyan ng lakas ang isang laman na mayroon na ng
kagaspangan, bagaman may kataasan ang Kanyang Espirito.
Kap. JD: Salamat po.
Kap.
LVS: Mahal na Protektor, ano po kaya ang mensahe sa aking
kapatid na kapag siya po ay nanahimik ala una yata po ng tanghali ay
kusang dumadating sa kanya ang tinatawag na naglalakbay iyong kanyang
kaluluwa o diwa. Mayroon po bang ibig sabihin ito na siya ay may
gaganapin o tungkulin kung kaya dumating po ito sa kanya na parang kusa.
AK: Ako ang magtatanong, siya baga ay nag-aaral ng Espiritismo?
Kap.
LVS: Hindi po, pero nag-aaral po siya ng TaiChi, para pong
isang "Martial Arts Discipline" kung kaya po nakakapagkonsentrayon na
yata siya at meditasyon.
AK: Kaya ko itinanong ang
bahaging ito bagaman walang nalilingid sa kaitaasan ay madali ang
magiging pagtanggap na bukas na ang kanyang kamulatan. Nguni't nang
dahil sa ang katuruan ng Espiritsmo ay hindi lantad sa kanyang
kaunawaan, sapat marahil na sabihin na ang nagaganap, ang kaangkinan na
ibingay ng kanyang kaluluwa sapagka't ito ay kanyang pinagsisikhayan
datapwa't ang pag-iingatan sa bahagi, mayroon ng tinatawag sa kataga na,
"naboborlones" ang diwa.
Kap. IB:
Itatanong ko lang po, Mahal na Batlaya na ang bawa't isa sa atin ay may
"angel de la guardia" nguni't dumarating pa rin ho ang pagkakataon na
nadidisgrasya at naaaksidente ang isang tao. Ito ho ba ay
nangangahulugan na iniiwanan siya ng kanyang "Angel de la Guardia" o ito
ay isang pagbabayad utang sa kanyang nagawang kasalanan?
AK:
Ang aking itutugon, "anak lamang ng kapahamakan ang napapahamak".
Samakatwid, bahagi ng karanasan ng isang laman na sa mahabang panahon
naging kautangan ng kaluluwa na kinakailangang matupad sapagka't
naroroon ang antas na kanyang kaunawaan.
Kap. JD: Hindi po ba ang ganoong karanasan ay bahagi ng kanyang karma na
tinatawag na sa ganoong kaparaanan siya babawian ng buhay?
AK: Kaya nga, aking wika bahagi ng karanasan ng isang kaluluwa. samakatwid, oo, karma nga.
Kap.
AC: May nababasa po ako sa libro ng Yoga na ang tao daw po o
ang kaluluwa ng tao ay nagsisimula daw sa kaluluwa ng mga hayop. ito
po ba ay totoo?
AK: Isang bahagi ang aking
ibibigay at mula dito marahil ang katugunan hindi sasabihin tanggapin
ninyo nguni't pag-aralan ninyo kung mayroon nga ng katotohanan.
Ito
ang halimbawa, ang tao ay may kani-kanyang balat, sabihin nating
pisikal na kasuotan katulad ng inyong suot sa kasalukuyan. Iyan baga ay
maaari ng isuot sa isang hayop? At ang kasuotan ng isang hayop ay
maaari mo bagang kunin bilang iyong saplot?
Marahil sa
ganyang uri, naroroon ang katugunan, ang tao ang pinakamataas na uri ng
hayop. Dahil dito hindi maaari na ang isang kalagayan na mayroon na ng
bahagi ng pagka-Espirito na sinabi at ipinangusap na mayroon ng
karapatan at kapamahalaan sa lahat ng bagay ay nagsimula pa sa hayop.
Ang
ibig lamang sabihin, ang kalagayan ng isang kaluluwa, ang kanyang
pasimula ay ang kababaan, kaya nga naroroon ang kanyang kamangmangan na
unti-unti na kinakalag, unti-unti na itinataas sa pamamagitan ng kanyang
pagkakaroon ng muli at muling buhay at pagdanas ng iba at ibang uri ng
karansan.
Hindi ang pisikal na kaanyuan ng hayop ang naroroong siyang pasimula ng tao sapagka't ang pasimula ang pagka-Espirito.
Kap.
JD: Kung ganyan po, Mahal ng Protektor, sa bahagi po ng
pagka-Espiritu ng mga halaman at mga hayop nagkakaroon po ba rin ng
pagsulong?
AK: Bakit ang hindi? Masdan ninyo ang
kanyang pisikal, sa pisikal na kaanyuan, oo, makikita ninyo ang kanyang
pagsulong. Mula sa pagiging buto, tumutubo, yumayabong. Dalawang
dahon, nadaragdagan ang dahong ito, nadaragdagan anbg tibay at tatag ng
kanyang sanga, lumalaki at tumataas, nagkakaroon ng bunga, pagsulong.
Ngayon,
kung ang pagsulong ng inyong tinatawag ay sa katulad ng tao na mayroon
na ng kaluwalhatian at kawagasan na dinarama, hindi sapagka't iyan ay
hayop at kalamnang gumagalaw katulad ng halaman na gumagalaw, katulad ng
hayop, hindi sa pamamagitan ng kaalamang katulad ng tao kung hindi ng
"instincto".
Kap. AC: Ang itatanong ko
lang po ay tungkol sa pag-iisip. Halimbawa po na ang tao ay nag-iisip
ng isang bagay ng masama o may kagaspangan subalit sa pag-iisip naman
siya ay hindi naman niya ito ginagawa. Nangangahulugan po ba na siya ay
nagkakasala sa kanyang pag-iisip na iyon.
AK: Ang
pag-iisip ng kasamaan kung hindi isinagawa walang mabigat na
kautangan. Nguni't naroroon na ng ibinunga at ibubunga sa kabuuan ng
kanyang pagkatao. Sapagka't ang pag-iisip ay katulad ng lupa na anoman
ang inyong ilagay ay magiging katulad ng isang binhi at ito ay tutubo
samakatwid, naroroon na ang magaspang na lakas na kung ito ngayon ay
magpapatuloy at hindi magkakaroon ng matibay na pananampalataya ang
taong iyon ang magiging pasimula upang matangay sa gawi ng kababaan.
Kap.
DH: Sinasabi po sa siyensiya na ng isipan daw ng tao ay
nahahati sa dalawa, iyong gising at iyong isang tulog. At sinasabi rin
na iyong tulog ay maraming karunungan doon na matatamo ang tao. Ang
tanong ko po, papaano kaya natin magagamit iyong isipang tulog?
AK:
Sa sandali na ang tao ay gumagawa, sapagka't araw ang gumaganap ang
kanyang gising na kaisipan (conscious mind). At sa sandali na
nagkakaroon ng isang karanasang tinatakal ang kanyang pananampalataya,
tinatakal ang kanyang pananalig sa pag-ibig ng Diyos, tinatakal ang
kanyang pagka-unawa sa tunay o tumpak na pagsasagawa, ang tulog na
kaisipan (sub-conscious mind) ay nagigigising, nagkakaroon ng
kamalayan.
Ang patunay saan man na inyong
isinasagawa, hindi baga mayroon ng dumarating wari sa inyo ay
nagsasabi, waring hindi tama iyan? Kaya nga kayo ngayon ay nag-aaral,
tama nga kaya ang aking gagawin? Ito nga kaya ang karapat-dapat at
higit na tumpak na aking isinagawa?
Nangangahulugan na
ang tulog na kaisipan ay dumidilat at nagbibigay malas (sight) sa
kabuuan ng kanyang pagkatao. Sa bahagi ngayon ng pagtulog ng tao, iyan
ay binubuksan kaya bawa't karanasan na kanyang makukuha at madadama sa
sandali na kanyang pagtulog, sa kanyang panaginip maging sa tinatawag
ninyong bangungot. Ang karanasang iyan ay doo ngayon inilalagay at
malalagay sa kanyang tulog na kaisipan upang ito ay magbigay lakas
(energy) sa kabuuan at kalagayan ng kanyang pagkatao.
Kap.
JD: Ano po ba ang patibay na inyong maibibigay sa bahagi po ng
isang kalagayang ibig pong makatulong sa lahat ng kina-uukulan lalo na
sa bahagi ng may karamdaman ang pagpapaimbulog ng kaisipan upang
makatulong sa kanyang kapwa. Ano po ba ang maibibigay ninyong patibay
na ito po ay madarama ng isang may karamdaman ang maparating ang ganoong
isipan?
AK: Lahat ng isipan. Hangarin at mithiin
ng tao na na-aayon sa ikabubuti ng kanyang kapwa na ibig niyang tulungan
ay isang patunay na maaari ninyong ibigay.
Kung
nakakita ng may isang karamdaman, hindi humihingi sa iyo ng tulong
katulad ng pases or paghihilahis sapagka't siya ay walang kaalaman sa
bahaging ito, tignan mo lamang, ipukol mo ang iyong pag-iisip na ibigay
mo ang iyong hangarin na mayroon na ng kabuuan, naroroon na ang lakas ay
tinanggap ng kanyang pagkatao.
At kung ito ngayon ay
iyong kaibigan na maaari mong hawakan, sa iyong paghawak ang iyong
pag-iisip ay nakatoon sa iyong layunin ang lakas mula sa iyong bumbunan
ay mananalaytay sa iyong mga bisig at lalabas sa dulo ng iyong mga
daliri, ito ngayon ay matatanggap ng isang may karamdaman.
Kung
ang may karamdaman ay mayroon na ng pandama, madarama wari ay may
pumapasok at mayroong natanggap ang kanyang pagkatao kaya nga at
magtatanong mayroon akong naramdaman wari ako ay gininaw, waring
mayroong hangin na sa aking ay humapyo, tanda na tinanggap niya ang
lakas na iyong ibinigay.
Kap. JD: Salamat po.
Isang
Kapatid: Ang itatanong ko lang po ang tungkol sa bayan natin, bakit po
kaya hindi na nauubusan ng kalamidad sa Pilipinas? At ano po kaya ang
sanhi nito at mayroon po ba kaming magagawa upang mapigilan ito hanggang
sa pagkain po ay may nangyayari na rin?
AK:
Ilagay natin ang bahagi ng katuruan, kung gaano ang bigat na isinasagawa
ng tao ay iyon din ang bigat ng bunga na sa kanya ay darating. Sa
kasalukuyan, hindi lamang ang bansang ito kung hindi ang bawa't bansa,
nagiging mabigat at nagiging labis ang pag-ibig sa sanglibutan.
Na
dahil diyan, ang lahat ay ginagawa kasakdalan na lumalabag sa batas at
kautusan ng katotohanan. At ito ngayon ay ginaganap, nabubuo sa
pamamagitan ng kanyang pag-iisip, ang iba at nakararami na buo na sa
kanyang pag-iisip iginalaw pa at isinagawa ng kanyang katawan na siya
ngayong nagbibigay ng lakas upang umakit ng kagaspangan.
Ang
tao ay kinakailangang magkaroon ng karanasan upang matuto at maka-unawa
ng mabuti na siyang bahagi ng kanyang sarili at katuwang, katulong ang
kalikasan upang ang tao ay turuan.
Ang isa pang bahagi
sapagka't kayo ay naroroon na sa pagpapanday naroroon na sa salaan,
naroroon na sa pinuhan na kung saan ang magaspang ay kinakailangan na
mapino. At upang ito ay maganap hindi maaari na hindi maging bahagi ang
lahat ng inyong kapaligiran ang karanasan na sa inyo ay ipadarama
sapagka't naroroon ang pagkakabukas at magiging pagkabukas ng kamalayan
ng isang diwa upang kumilala sa katotohanan lalo pa at ang lahat ay
nabubuksan ng na-aayon sa salita ng Diyos.
Dahil dito,
ay huwag ninyong katakutan ang lahat na sa inyo ay magaganap. Iyan ang
magpapatibay ng inyong pananampalataya, iyan ang magbibigay ng lakas
upang kayo ngayon ay magsikhay na palakasin ang inyong pakikipag-ugnay
sa iisang Diyos. Iyan din ang maglalapit at magbubukas ng pag-ibig sa
bawa't puso.
Na dahil dito, ang mayaman ay matutuong
kumilala sa kaliitan ng kanyang kapwa. Mabigat man ang kanyang
kaloobang bawasan ang kanyang tinatangkilik, bawasan ang kayamanang
nasasa kanya ibibigay sapagka't nakikita ang kalagiman.
Na
dahil doon sa kanyang nakita at kanyang namalas, nababagbag ang isang
kalooban, nabubuksan ang pinakamaliit na bahagi ng pag-ibig sa kanyang
puso upang damahin ang kalagayan ng kanyang kapwa. Na dahil diyan
matatanggap ang pagkabawas ng kanyang ari-arian, ng kanyang kayamanan,
ng kanyang tinatangkilik upang ibigay sa nangangailangan.
Iyan
ang isa pa ring layunin ng ng nagaganap sa kalikasan. Hanggang
mayroong sakim, hanggang mayroon na ng gahaman, hanggang mayroon ng
mapag-imbot, ano man ang gawin ng taong pagtutumpak, ito ay mabibigo.
Datapwa't
ang wika nga ay ilagay natin at i-ugnay ang Banal na Aklat, “ang mabuti
ay magpapakabuti, ang masama ay magpapakasama”, hanggang sa dumating
ang isang kapanahunang tatanggapin ang bunga ng kanyang iginalaw at
buhat doon naroroon ang aral at pagkatuto ng isang kaluluwa na
nakikipamuhay sa ibabaw ng lupa.
Kap. JD:
Samakatwid po mahal na Protektor, sa mga umu-unlad na bansa ay bahagi na
rin ng pag-unlad ng diwa ng mga tao doon katulad ng Japan?
AK:
Ang pag-unlad ay hindi nangangahulugan ng pag-unlad din ng isang diwa.
Maaaring maunlad ang kalagayang pisikal nguni't ang kalagayan ng diwa o
ng isang kaluluwa. Maaari na maunlad sa kabuhayan nguni't hindi sa
kanyang kaugalian, kaya nga hindi masasabi at hindi maipangungusap na
isang katotohanan sapagka't maunlad ang kanilang bansa ay maunlad na rin
ang kanilang kamalayan. Sapagka't kung maunlad na rin ang kanilang
kamalayan marahil ang inyong makikita na kanilang iginagalaw ang larawan
na inyong matutunghan mayroon na ng kapinuhan at kalinisan.
Kap.
LVS: Mahal na Protektor, nais ko pong magtanong. Noon pong
maliit ako ay hindi po ako naniniwala sa mga Espirito sapagka't iyan po
ang itinuro sa amin ng aming mga magulang. Subali't bago po ako
nagpunta rito ay nagkaroon po ng “actual experience” na nakaramdam ako
ng mga kalabog at katok at pati tunog ng radyo nawawala bagaman at ito
ay nakabukas. Kaya nga po ako napapunta dito dahil para pong naninibago
ako, nagkaroon po ako ng pagkatakot.
Ito namang
nakaraang panahon po habang ako ay nagko “computer” at gumagawa ng
abot-sabi sa tapat ng pintuan ay may nakita akong anino. Dati may
nararamdaman, ngayon ay may nakikita na ako na parang nakamahabang damit
na maputi na daan nang daan na tinatawag ang aking pansin mga bandang
1:00-2:00 ng madaling araw. Inaabot ako ng ganoong oras at iyon ang
aking naranasan.
AK: Ang lahat ng kaluluwa na myroon
ng kaligaligan sa kanyang kalagayan ay humahanap nang sa kanya ay
dadamay. Humahanap ng kanyang makakaramay, humahanap ng magbibigay ng
liwanag sa kanyang kalagayan. Humahanap ng makatutulong ng pinakamaliit
na kapayapaan na kanyang madarama.
At kung ito ngayon
ay sa iyo nagaganap, samakatwid, may bahagi na sa iyo ay hinihingi, may
liwanag na sa iyo ay natutunghan na maaari na sa kanila ay makapagbigay
ng pinakamaliit na daan.
Dahil dito, sa halip na takot
ang sa iyo ay mamayani, ibigay mo ang ang kabuuan ng iyong pagkatao,
ihimpil mo ang kaangkinan ng iyong kaluluwa, hingi mo ang gabay ng
kaitaasan na sa iyo ay ipagkaloob upang ang pag-ibig ay maibigay mo sa
mga kaluluwang ito, ang mataos na dalangin, kaalinsabay ng pangaral na
sila ay hindi na bahagi ng lupa kungdi naroroon na sa bahagi ng
pagka-espiritu na kinakailangang magkalag ng tali ng kalupaan.
Ipangaral mo kung ano ang karapat-dapat na kanilang makilala at ito ay
unti-unti ay magkakaroon ng kapayapaan at iyan ngayon sa iyo ay lilisan.
Kap.
JD: Mahal na Protektor, bagaman at sadyang marami pang
katanungan datapwa't tayo po ay umabot na po sa oras at kami po ay lubos
na nagpapasalamat sa inyong pagbibigay.
AK:
Ngayon, sa sandali ng ating pag-aaral, baon ng aking diwa at ng aking
espiritu na nawa ay mayroon na ng pinakamaliit na kaliwanagan ang aking
naibigay sa inyo. Na mula sa pinakamaliit na kaliwanagang ito ay aking
maibibigay sa inyo ang kaalaman ng aking pagka-espiritu upang
manatiling naririyan ang ningas ng inyong pagnanasa na maitaas ang
kalagayan ng inyong kaunawaan upang kayo ay maging gabay at maging
katuwang ng mga kaluluwang naroroon sa kadiliman.
Kayo,
mula sa pinakamaliit na liwanag na inyong natamo sa pamamagitan ng
ganitong uri ng pakikipag-aral nawa ay makapagtaglay ng lakas ng aking
espiritu upang kayo ay maging ilaw ng sanglibutan. Na sa pamamagitan ng
pagiging ilaw ng sanglibutan, marami ang mabubuksan upang sa kanilang
pagkakabukas, lumawak ang katotohan at sa paglawak ng katotohanan matamo
ang kalagayan ng isang kaluluwa. Upang ang mga sakim ay magkaroon ng
lakas upang ito ay mapigil sapagka't ang kasakiman ang siyang umaakit at
aakit ng higit pa na mabigat na karanasan.
Marami kayo
ng pagkain na matutunghan nguni't darating alin man sa mga ito ay hindi
ninyo makakain. Marami kayong tubig na ibubukal datapwa't ang mga ito
ay magbibigay ng takot upang kayo ay uminom. Marami ang mga bahagi na
sa inyo ay darating, gigising sa inyong kamalayan, susukatin ang inyong
pananampalataya at kung kayo ay magiging mabuway, oo, Diyos lamang ang
nakaka-alam nguni't naririyan ang kuko ng kamatayan.
Ito
ang akin sa inyo ay iniiwan, maghari nawa sa inyong mga puso at sa
lahat ng tao ang pag-iibigan, liwanag sa kanyang kaluluwa, pag-ibig sa
kaligtasan ng sangkatauhan, sa kamangmangan ngayon at magpasawalang
hanggan. Paalam
Kaugnay ng bawa't diwa ng Arkanghel Raphael, ako ang sa inyo ay nagpapa-alam...
1994-03-30 Batlaya
SA TUWIRAN - KAP.BABY DUNGO
PANAYAM SA BATLAYA
BATLAYA: Ang tao sa kanyang kalagayan ay sadyang mayroon ng bahagi ng pantingin sa mga lakas na nauukol sa lihim. At ang....
1993-11-24, RAD Apostol Pablo
PANAYAM SA BATLAYA
Pangulo: Mahal na Protektor, kung baga po sa pagkain, kakaiba po ang pagkain ang ating pinagsasaluhan sa ngayon datapwa't alam kong bagaman at ito ay masarap kainin ay hindi pa po namin kayang malasahan datapaw't sa inyong pagtitiyaga sa palagay ko at sa pagbibigay ng bawa't isa ng kahalagahan sa ganitong uri ng pag-aaral, naniniwala po ako na darating ang araw na lalawak din ang kaunawaan ng bawa't isa sa amin at iyon po ang pinakalayunin ko na ang bawa't isa po sa amin higit na mabuksan sa ganitong uri ng pag-aaral. Lalong-lalo nais ko pong higit na masulong sa ganitong pag-aaral.
1993-09-09 -Batlaya
Sa Tuwiran - Kap. Baby Dungo
Sa
bahaging ito kung maaari kumuha kayo ng isang papel na ang papel na
ito bawa’t isa pupunitin upang ito ay maging piraso at pagkatapos ay
ibuo ninyo. At ang bahaging ito kung maaari kumuha kayo ng isang papel
na magiging mas malaki doon sa papel na kanilang pupunitin at ilakip
ninyo ang isang pandikit. Mas malaki, mas mabuti.
Marahil ay oo, mayroon ng pagmumulan, mayroon ng panggagalingan nguni’t mula sa bahaging ito, gaano ngayon kalaki ang pag-ibig na dala-dala ng diwang ito upang ang kakulangan ay mapunan? Ang pagkawasak ay mabuo, ang punit ay masulsihan at matagpian?
1993-05-26 ARK RAF-RAD EST
Huling Miyerkules
Kaliwanagan at kapayapaang nagbubuhat sa mga langit ang sumainyo ngayon at hanggang sa wakas.
Kung sa lupa ang lahat ng bagay ay may hangganan, sa kaitaasan, hindi hangganan kung hindi pananagutan. Kung ang gawa ng kalupaan ay may hikayat ng sanlibutan, sa kaitaasan ang sanglibutan ay pasimula ng pag-akyat ng kabanalan.
Dahil dito, sa kalagayang iyan itayo ngayon ninyo ang kabuuan ng inyong diwa sa bahaging iyan. Pag-isahin ninyo ang kaangkinan ng inyong kaluluwa upang ang hangganan ay maging pasimula ng lahat ng bagay at ang pagpapasimula ay magkaroon ng iisang kabuuan na ang lundo ang silahis ng kaliwanagan.
Ngayon, magppapasimula tayo sa ating pag-aaral at sa pagpapasimula ay hinihingi ko na kung maaari ay ulitin sa lahat ang paksa na ibinigay.
Pangulo: Bakit ang simulain ng Espiritismo, para po kasing may kulang... at kung hanggang saan ang tao ay nakadarama ng kaganapan.
AR: Ngayon, ang pangungusap ay may kulang at ang kulang na naririyan iyan ang paksa na ating pagtatakayan. Bakit ang Espiritismo … at ang kasunod, kailang nag-aaral ay magkakaroon ng kaganapan? Samakatwid, dalawang bahagi, na sa pagitan ay may kulang at sa kulang naririto ang ating pag-aaral.
Pasimula: ano ang maibibigay ng kakulangan? May maibibigay ba ang kulang?
Pangulo: Wala ping maibibigay ang kulang.
AR: Lahat kayo, iisa ang kasagutan?
Kap. LVS: Kung nagsasaliksik lang po at magsusuri ang kakulangan, kung ano ang makitang kakulangan iyon po ay madaragdagan ng pag-aaral.
AR: Samakatwid, sa bahagi ng pangulo, ano ngayon ang maibibigay sa iyo ng kakulangan?
Kap. LVS: Dagdag po na pag-aaral.
Kap. Eric Torres: Sa akin po eh, ang simulain po ng Espiritismo ay marami pa po ang hindi naka-uunawa.
AR: Kung ganoon, sa hindi pagkaunawa, nasaan ang kulang?
Kap. Eric: Kulang po sa pag-aaral.
AR: Kung kulang sa pag-aaral, ano ngayon ang maibibigay?
Pangulo: Magsikap po sa pag-aaral.
AR: Samakatwid, pagsisikap ang ibibigay ng kakulangan. Sa bahagi ng iba pang mga kapatid. Wala na baga? Ikaw kapatid?
Kap. Atong: Wala na po. Naibigay nang lahat.
AR: Samakatwid, kung naibigay nang lahat, may kulang? Kung ang lahat ay naibigay may kulang pa?
Kap. LVS: Mayroon po. Ang paggawa.
AR: Dahil dito, idugtong nating ngayon ang kulang. Bakit ang Espiritismo ay isang uri ng daan ng paggawa upang matupad ang katanungan, kailan magaganap ang kabuuan o kaganapan sa pag-aaral ng tao.
Pangulo: Magaganap po ang isang pag-aaral sa isang tao hindi lamang sa pamamagitan ng kanyang pagkaunawa kung hindi sa kanyang pagpapatotoo at pagsasagawa upang matamo ang kaganapan.
AR: Saan magsisimula ang pagpapatotoo ng isang mag-aaral? Saan kinakailangang magpasimula ang pagpapatotoo ng isang nag-aaral?
Kap. LVS: Sa paggawa.
Pangulo: Sa sariling tahanan.
Kap. LVS: Nagsisimula ang pagpapatotoo unang-una sa pag-aaral muna na ibinibigay ng kaitaasan at kapag namulat na ang kaisipan saka siya kikilos nang na-aayon sa kanyang naunawaan.
Kap. Eric: Sa akin po, nagsisimula sa sarili niya.
Kap. Atong: Gayun din po. Magsisimula sa ating sarili.
AR: Kung sa sarili kinakailangang magsimula ang pag-aaral doon sumunod ang pagtupag sa kanyang tungkulin. At sa pagtupad, naroroon ang susi ng kaganapan sa pag-aaral, ano ang sarili na kinakailangang pasimulan?
Pangulo: Ang kaangkinan p ng kanyang kaluluwa: ang pag-iisip, damdamin at kalooban at ito ay siyang pangunahing layunin ng tao na paunlarin sa kapatagang-lupa.
AR: Kung ganoon, alin ang sarili?
Kap. LVS: Ang sarili ay isang nilikha ng Amang Makapangyarihan na binigyan ng isang isip na kawangis ng Diyos na maaaring lahat man ng nilikha ng Diyos ay sarili.
Pangulo: Ang tunay na ako na tinatawag pong sarili.
AR: (Sa ilang mga kapatid). Para sa inyo, ano ang sarili? Mga kasangkapan maging bahagi kayo sa pag-aaral.
Kap. Emang: Sa akin pong pag-aaral, ang tinatawag na sarili ay ang bawa't kaluluwang inilangkap sa isang tao. Inaangking kanyang sarili kaya at pinagsisikapang maitaguyod ang iisang simulaing may pag-aaral at paggawa, na kinakailangang magampanan ang mga tungkuling laging itinuturo ang kababaang-loob at pag-ibig, at pagtulong sa kapwa upang ang isang kaluluwang ito ay magkaroon ng pagka-unlad kung dumating ang dakilang araw sa kanyang pagbabalik sa Dakilang Ama.
AR: Kung ito ang kahulugan noong kataga, samakatwid, ang kabuuan ng tao ay sarili na kailangang magpasimula upang tumupad ng kanyang tungkulin? Laman, kaluluwa at espiritu. Taltlong kalagayan, na kabuuan ng tao: laman na kinakailangang pasimulan ng isang pag-aaral, kaluluwa na nakapagpasimula na, nakapagpatuloy na, nakagawa na ng bahagi ng liwanag, na siyang ilaw na tumatanglaw sa isang laman na bago pa lamang nagpapasimula upang tumupad ng tungkuling ini-atang sa isang kaluluwa, na naroroon ang tao ng espiritu o ang liwanag ng isang diwa na siyang nagsasabi at nangungusap sa sandali ng pagsasagawa ng isang laman kung alin ang tama at ang mali.
Kung ito ngayon ay sarili na kinakailangang, ang laman na kinuha mula sa lupa, may gaspang, may tigas, may dumi, alin ngayon ang kinakailangang pasimulan upang ang kasangkapang laman ay maging kaugnay ng lakas at kaalamang dala-dala ng isang kaluluwa , na sa kanilang pagsasagawa ang magdadala sa kaganapan ng paggawa?
Pangulo: Ang pasisimulan po ay ang pag-aalis ng masamang alitigtigin, mga bagay na nau-ukol sa sanlibutan.
AR: Oo, matuwid.
Kap. LVS: Mag-umpisa na ang isang nilikha ay maghangad na magkaroon ng karunungan upang sa karunungan na matututuhan ay mabubuksan ang kanyang diwa.
AR: Katotohanan pa rin. Wala na baga? Kailangan bang maputol ang daloy ng tubig upang tumigil ang bukal sa pagbibigay?
Pangulo: Hindi po. Kaya sana po ang lahat sa atin ay maging bahagi ng pag-aaral.
AR: Ngayon, ipagpatawad ninyo kung ibahin ko ang kaparaanan upang ang lahat na pagpapasimula ay dumoon sa isang kasiglahan bagaman ang pagkakataon ay may kadiliman. Kung hahatiin ko kayo sa tatlong grupo, na sa paghahating ito naroroon ang pagsasama-sama na may pagkaka-ugnay ang kaluluwa sa isa at isa.
At sa pagsasamang ito, damhin ninyo kung papaano kinakailangang magpasimula ng paghahawan, paano kinakailangang magpasimula ng pagbubungkal; paano kinakailangang magpasimula ng paglilinis upang pagkatapos ang bawa't isa na nagtanim at sa kanyang pagtatanim naroroon ang pag-asang may halamang tutubo na mamumunga pagdating ng kapanahunan na kinakailangan ang kahayagan? Datapwa't bago ko ito isagawa ang lahat baga ay sumasang-ayon sa aking isasagawa?
(Sumagot ang mga kapatid: sumasang-ayon po. Kung iyon po ang nararapat, sumasang-ayon po ako)
AR: Kung gayon, maghahati tayo. (Pinasimulan ang paghahati hati). Tatlong (3) bahagi na kabuuan ng isang kaluluwa. Tatlong kaangkinan, na naroroon ang kahalagahan ng pagpapasimula ng kasaysayan at sa tatlong ito dito tayo magtatapos sa pag-aaral kung hindi sa bahagi ng talakayan upang sa susunod ito ang ating pasisimulan. Tatlong bahagi na may kinalaman sa isa at isa. Tatlong kasaysayan na may pagkakaangkop sa kaganapan ng buhay.
Dahil dito, sa tatlong iyan, tatlong paksa ng buhay nguni't lilikumin sa iisang lundo upang sa pagkakalikom naroroon ang kasagutan, bakit ang Espiritismo ang daan sa paggawa upang magkaroon ng kaganapan ang pag-aaral ng tao?
Para sa inyo, aralin ng buhay. Hindi mabigat, hindi talinhaga kung hindi magaan, mababaw, tuwid, walang buhol, walang tali kung hindi naroroon sa katumpakan. Ang iiwan ko bilang bahagi ng pag-aaral ayito, na kung saan mag-uugnay ang lahat at bawa't isa upang ang kasagutan ay mauwi sa iisa nguni't maraming diwa, maraming pag-aaral, maraming pagsusuri ang nagsasama-sama.
Sa isang sandali na ang sinulid ay bumagsak, magusot magkabuhul-buhol, saan kayo kinakailangang magpasimula upang ang gusot at nagkabuhul-buhol na sinulid ay maayos at magamit ng tao? Kaugnay ng buhay sa laman, pakikipamuhay ng tao sa kapatagang-lupa; kaugnay ng katangian at kaalamang dala-dala ng isang kaluluwa, ang lundo, naroroon ang kaganapan ng paggawa. Naunawaan ninyo?
Iyan ang para sa inyo at diyan tayo magpapasimula sa susunod nating pag-aaral. Para sa inyo, aralin din ng buhay. Inaarok at aarukin ang lalim, ang lawak ng laman ng diwa. Mababaw, magaan, wala ring talinhaga upang sa pagsusuri at pagsasaliksik ng inyong sarili lumundo sa iisang bukal na magbibigay ng katahimikan.
Bakit naging bahagi ng kaalaman ng tao, na kung ang isang bahay ay angat sa lupa kinakailangang lagyan ng hagdan at kung ito ay nasa lupa, walang hagdan na ilalagay, ano ang dahilan?
Isang liwanag na isasama ninyo upang sa susunod diyan din ninyo pasisimulan. Para sa inyo, hindi ko sasabihing wala na sa panahon kung hindi napapanahon. Hindi ko rin sasabihing nasa dapithapin kung hindi nasa bukang-liwayway.
Pag-aaral hindi ko alam kung magkakaroon ng kahalagahan nguni't kung magkaroon ng kabuluhan at kahalagahan biyaya ng isang kaluluwa. Mababaw, hindi rin talihaga at hindi rin ng isang gawa, kakabit ng tungkulin at kaalakbay ang diws ng siyang nagtutro at nag-aakayy kung saan magpapasimula.
Hindi lingid sa lahat ang isang uri ng kasangkapan, ibagsak mo, itapon mo, ihagis mo hindi madudurog, hindi mababasag, ano yaon?
Kap. LVS: Pinag-iisipan ko pa po. Naisip ko na po. Diwa.
AR: Iagay nati sa katitikan, sa kanyang literal na tatag, ano ang kasangkapang yaon?
Kap. Emang: Ang kadakilaan ng pananampalataya po at pagawa ng nauukol sa kabanalang hinahangad ng tao ay tuluyang magampanan ng tao hindi nagsisisi, hindi mababasag at makararating sa Dakilang Ama kung dumating ang mga dakilang araw upang humarap sa Amang makapangyarihan upang patototohan ang kanyang mga gawa hindi mababasag, madadala hanggang doon sa dakilang hinahangad ng kanyang sarili kaluluwa.
AR: Sadyang may ugnay sa kaitaasan kung kaya nga at inihahayag ng pangungusap na ibinibigay. Babalik ako. Literal ang batayan na aking ibibigay upang pagkatapos doon ninyo iuugnay ang kabuuan ng inyong sarili, ang inyong tungkuling, ang inyong pag-asa, ang inyong adhikain upang isulong ang kalagayan ng isang kaluluwa.
Plastik, hindi baga? Ihagis mo, itapon mo, mababasag baga? Nguni't may ibubunga. Hindi man ito mabasag, lagyan mo ng uri ng pagkain na may kulay, ano ang magaganap sa isang pinggan kung ito ay plastik? Ang kulay ay maiiwan, hindi baga?
Sa inyong pagawa, ano ang kulay na kinakailg maiwan sa plastik upang ipakilala nagpasimula ng pagawa ang isang kaluluwa na naghangad at nagmimithi na umangat at sumulong ang isang kalagayan patungo sa isang kaganapan. Iyan ang para sa inyo, nauunawaan ninyo ako?
Ngayon, sa nalalabi na sandali, karagdagang biyaya ang aking ibibigay. Hindi baga ang sabi ko ay may kaugnay ang bawa't kaluluwa? Kung gayon, kayo ay kabuuan gn isang pamilya na nagsama. Isang ama, isang ina, nagsama sa isang kabuuan, bumuo ng isang bantayog at isang moog na gagalawan ng lahat nungit nawasak, nasira nang dahil sa naging ugat ang pagnanasa sa kayamanang panlupa.
Dahil dito nangalat, nagkawatak-watak, kumuha at bumuo ng sariling buhay na ang naging hantungan ng bawat isa ay kamatayan at naririyan din ang kaugnay ng sinulid na buhul-buhol, gusut-gusot upang pagkatapos buoing muly ang buhay na tinakdaan ng kamatayan.
Magkapatid, nagmamahalan, nagtitinginan sa ika-apat ng kabuhayan at ngayon, naririto magkabiyak na may itatayo. Nawa ang pagmamahalan na naging pasimula sa inyong pagpapatuloy maging walang hanggan sapagk'at naroroon ang katatagan ng kinabukasan hindi hahanapin kung hindi kusang darating.
Bahagi ng buhay, ang inyongkapatid na panganay, na paglisan ng ama at ina siyang nagtaguyod sa inyong dalawa at asa kanyang pagtataguyod naroon ang disiplina na inaayawan ng isang kaluluwa. Lumisan ng tahanan upang ang masumpungan ay malalim na hukay.
Ito ay dahil sa kalagayang tinamo, may kaalam na naiwan na kung minsan ang pag-ibig kapag naging labis ang pagsikil, ang buhay ay napupunit at pumapanaw. Ngayon, sa kalagayang ito, paano mag-uugnay ang bawa't diwa upang ipakilala at ipadama naroroon ang tali ng kahapon, ng kasalukuyan at ng hinaharap?
Sa bahagi ng buhay, lahat kayo ay laman ng lansangan sapagkat pinagkulangan ng pag-aandukha, ng isa mapagmahal na magulang. Nagtagpo-tagpo sa iisang bahagi bilang magkakaibigan, nagsama, namuhay tulad ng isang pamilya. Bawa't isa ay may kaalaman na tinataglay upang mabuo ang pagsasamahan na ang magiging tali, ang pagkakaunawaan at pag-iibigan.
Datapwat dumating ang isang sandali nagpingki ang talino sa kapwa talino, ang dunong sa kapwa dunong, ang naging hangganan paglalayo ng bawa't damdamin. Iyan ang inyong naging kalagayan. Kung ang kasalukuyan ay may pagpapatuloy, kinakailangang maganap ang bahagi ng kahapon?
Kinakailangan kayang maganap ang bahagi ng nakaraan sa kasalukuyan? Kinakailangang magpingki ang talino sa kapwa talino ang dunong sa kapwa dunong hindi upang paglayuin ang bawa't damdamin kugn hindi upang palabasin ang liwanag at mula doon sa liwanag naroroon ang tali ng kaganapan upang ipakilala kayo nga ang kaluluwa na tumanggap bilang anak ng Diyos.
At sa inyong bahagi, ito pa rin ang inyong ina, naririto gumaganap ng kanyang tungkulin, nagbibigay ng halimbawa upang sundan ng inyong sarili. Kung ibig ninyo na pumatungo doon sa antas ng kawagasan. Ina na nag-andukha, ina na nagpala, ina na nagbigay ng pag-ibig sa kabila ng pag-iisa itinaguyod ang anak ng labindalawa.
At kung ngayon hindi man anak sa laman ngunit anak sa kaluluwa, sa diwa na kinakailangang buksan, alin kya at ano ang bahagi na kinakailangang ipadama upang ang isang ina ay makapagbigay ng liwanag na dadalhin doon sa kaitaasan?
Ito ang bahagi na aking sa inyo ay iniiwan at nawa sa susunod nating pag-aaral mabuhay ang kasiglahan na ang lahat ay magbibigay ng kanyang bahagi sapagkat sa bahagi ng inyong ibibigay naroroon ang angkop na biyaya na ipagkakaloob ng kaitaasan sapagkat ang wika ng kasaysayan at larawan ng buhay ng isang Hesus at ng isang Juan, ang pangungusap ng Panginoon, “ Kung hindi mo gagawin, hindi ka magkakaroon ng bahagi sa akin.” Ganoon din sa pag-aaral na ating isinasagawa.
Ito ang pag-ibig na aking sa inyo ay iniiwan at kung madama ko man ang kakulangan, naroroon pa rin ang kadakilaan sapagkat ang pag-ibig ng Ama at ng Panginoon ang lumukob sa kabuuan ng lundo ng lihim ng buhay.
Maghari nawa sa lahat ang liwanag ng diwa, kapayapaan na iniwan at ibinigay ng Panginoon, ngayon at magpasawalang hanggan.
Paalam.
1990-03-16 ARK RAF-TE-EST
Ang liwanag at kapayapaan nawa ng Panginoon ang maghari sa bawat isa sa inyo.
Ang paggamit ng lakas na pisikal ng isang talaytayan ay nakapagdudulot sa kanya ng pagkahapo o panghihina ng katawan. Taliwas dito ay ang paggamit ng lakas ng diwa o pag-iisip, damdamin at kalooban ay nakapagdudulot sa tao ng kasiglahan ng kanyang katawan. Ang pagkakaibang ito ay ipinaliliwanag sa ganitong paraan: ang lakas na pisikal ay nanggagaling sa konsnetradong pagnanasa ng tao na magamit ito ukol sa kanyang materya o kapakanan ng materya samantalang ang lakas ng espirituwal ay nabubuo lamang sa pamamagitan ng konsentradon isipan, damdamin at kalooban ng tao upang humapit sa alang-ang ng lakas na espirituwal na kanyang kauri.
Dahil dito ay sa halip na makabawas sa katatagan ng tao ay nakapagdadagdag pa ng kasiglahan dito, sapagkat hindi siya nawawalan o nagtatapon kung hindi siya ay tumatanggap ng higit sa nanggagaling sa kanya. Ang pagkakaibang ito ay siyang kinakailangang madisiplina ng isang talaytayan sa pagtupad ng kanyang tungkulin sa paggawa o praktis ng magnetisasyon, sapagkat ang lakas na pisikal (energia fisica) ay madaling supiling ng konsentradong pag-iisip upang ito ay magamit o mapanalaytayan ng hinahapit na lakas (magnetismo espiritual).
Dahil dito ay kaya nga kinakailangang ang isang talaytayan ay maging disiplinado sa kanyang sarili na matutuhan niyang supiling ang kanyang sariling alitigtiging marupos ng lamana, Kinakailangang ito ay magkaroon ng sariling lakas upang ito ay mapanalaytayan ng lakas ng magnetikong espirituwal (fuerza magnetica espiritual) upang isya ay makatupad sa kanyang tungkulin kung ano man ang uri nito. Hindi nananatiling iisang antas ang mahahapit ng konsentrasyon at meditasyon ng talaytayan sapagkat habang napa-unlad niya ang kanyang disiplina pisikal ay utj-unting mapa-uunlad niya ang kanyang kaangkinang lakas upang humapit ng higit na malinis na magnetismo espirituwal.
Ang isang talaytayang naggugol ng kanyang sarili sa paggawa ng maraming bagay na nakapagdudulot ng kahapuan sa kanyang katawan ay nangangailangang magpahinga at magbawing-lakas at katatagan ng kanyang sarilin pangangatawan upang magaw niya ang konsentrasyon at pag-angat ng kanyang pag-iisip sa kaitaasan. Ito ang pagkakaiba ng dalawang uri ng magnetismong nasabi, ang isa ay nananatiling lakas na nagpapagbigat sa kanya upang siya ay dulutan ng pagkapagod at panghihina.
Sa pagtulong ng isang talaytayan sa isang maysakit, ang kaparaanan ng paghahanda ng talaytayan ang karapat-dapat ay ang pagsupil o disiplina ng kanyang sarili, alalaong baga ay kung saan niya ibig dalhin ang kanyang mga sangkapin ay magagawa niya ito. Kung aya niyang isipin ang isang bagay, magagawa niya ito. Kung ayaw niyang marinig ag mga nakapaligid na alingawngaw sa kanya, hindi niya maririnig o alinmang bagay na umaakit ng pansin ng kanyang sangkaping materya, sa gnayang paraann ay ipinakikilala ng talaytayan na siya ay marunong sumupil o dummisiplian sa kkanyang sarli. Sa pagkakaroon ng kasangkapan nahahanda rin ang kanyang mga sangkaping pangbatlaya: isipan, damdamin, at kalooban na ito ay makapag konsentra at makahapit sa pamamagitan ng kanyang disiplinang espiritual ng lakas ng kanyang kailangan na nakapaligid sa alang-alang ng kabuhayan ng tao sa lupa sapagkat ang gamot na itinutulong ninyo sa maysakit ay hindi nanggagaling sa langit, nin sa mga espiritung tumutulong sa inyo, kung hindi kami ay nagiging tagsubaybay lamang ninyo upang wastong magamit ang mga bagay na likha ng inyong kalikasan: ang magnetismo mineral, behetal, animal at personal. Samakatwid baga ay nakukuha ninyo ang magnetismo ng mga bagay na iyan na nasa inyong paligid sa pamamagitan ng subaybay lamang ng inyong tinatawag na tagatangkilik, subalit hindi nanggagaling sa amin ang gamot, nanggagalin iyan sa inyong nahahapit na lakas na iyan ng mga nasabing karoonan ng kalikasan. Ito ang inyong tandaan.
Kaya nga paglilitan ng mga kapatid na talaytayan na sanayin ninyo sa bawat sandali na kayo ay mayroon ng pagkakataon ang pagdisiplina sa inyong sarili, ang pag-angant ng inyong pag-iisip sa pamamagitan ng inbokasyon, na ang ibig sabihin ay hilingin, pagnasaan, atasan ang mga kayamang ito ng inyong kalikasyan na inyong magagamit sa pagtulong sa inyong mga tinutulungan. Sa ganyang paraan ay makikita ninyo ang kaibhan ng manipestayon ninyo sa pagtupad ng inyong tungkulin.
Mayroon kayong hindi matanggap dito sa aking sinabi? Mayroon ng mga singaw, iyan ay sa palasak na inyong pinagkaunawaan, subalit sa termino ng siyensya magnetika, galing sa mineral na singaw, ito ay tulad ng usok na pumapailanlang, gayundin ang mga halaman, gayundin ang kahahupan, gayund in ang mga tao mayroon kayo ng inyu-inyog sariling magnetismo. Kung sa tao ay magnetismo personal, magnetismo animal, magnetismo beheral at magnetismo mineral, anglahat ng ito ay sangkap na kailangang ng katawan ng tao. Kung ito ay nagkakatoon ng sakit o sagabal, alin ang ipanglulunas dito kug hindi ang sangkapin (component) ng katawang iyan, mineral, behetal, animal at personal. Nauunawaan ako ng mga kapatid? Wala kayong itatanong sa akin?
Pangulo: Magtanong daw kayo mga kapatid. Doon po sa mga unang pangungusap na binitiwan ninyo, iyong pong tungkol sa pagaaksya ng lakas, iyon po bang pag-eehersisyo ay nakaka-aksaya ng lakas?
AR: Hindi, iyan ay nakagigising ng daloy ng dugo. Ang pag-aaksaya ng lakas ay yaong paggawa nang masinsinan at mahabang panahon.
Pangulo: Kung iyan pong paggawa ay itinuturing niyang ehersisyo, halimbaawa po ay nagtatanim, itinuturing po niyang ehersisyo, iyon po ba ay naka-uubos ng lakas?
AR:Kung sinasabayan ng kanyang pag-iisip tungod sa kaitaasan, halimbawa ayng iniisip ng isang nagtatanim kung ito ay tumubo at magbuna ay pakikinabangan ng marami, hindi ba? Makakain ng marami ang tao, kung dito nauukol ang pag-iisip ng isang magtatanim, kalahok na dito ang pag-angat ng kanyang pag-iisip sa itaas, subalit kung ang iisipin ng isang nagtatanim ito ay patutubuin ko upang ako ay magkamal ng maraming salapi, hindi iyan umaangat ang pag-iisip sa itaas, hindi ba?
Pangulo: Palagay ko nga po, dahil hindi po maganda ang alitigtigin, kung ang nasa po lamang halimbawa ay kagandahan at kaayusan?
AR: Iyan ay mabuti, sapagkat inaayos, nilininis at pinagaganda ang kanyang kapaligiran dapat namang isunod sana ay isipin, pagandahin ang kapaligiran ng kanyang pag-iisip. Mangyaring basahin ninyo ang ating huling abotsabi.
1987-05-31 AKR URI-TE-EST
Maghari sa inyo ang kaliwanagan at ang kapayapaan buhat sa mga langit.
Ang kahalintulad ay isinasambulat na liwanag sa kalawakan ng lupa ang hinuhod ng kabatlayaang nagtataguyod sa sangkatauhan. Ito ay kaagapay na kaugnayan ng tao sa kabatlayaan. Ito rin ang palatandaan ng kaisahan ng panahon sa pagtataguyod ng kaalaman at pag-ibig.
Ito rin ang magpapatotoo ng kahayagan ng katarungang hindi maaaring iwasan ng sino man sa tao, sapagkat ang katarungan ay siyang kahayagan ng ganting-galaw ng kaganapan sa buong daigdig. Maaaring sabihin ng marunong na tao na naririto nang lahat ang simulain at patakaran ng ka-Diyosan, at gayon man ay itutugon kong gaano kaliit at gaano kalaki ang kaugnayan ng tao sa Diyos?
Ito ay inyong pag-aralang tugunin, mga kapatid ko, at bago ako magsimulang sa inyo ay magpahayag ng iba pang bagay hihintayin ko ang hinuhod ng bawat isa sa inyo kung mayroon man.
Kap. Pedring Buenaventura: Sa akin pong pakikipag-aral ang agwat po ng tao sa Diyos ay ayon doon sa kanyang natutuhang karunungan at antas ng kanyang pagkakilala.
AU: Kung ang pagbabatayan ay ang karunungan ng tao, napakaliit ang kadahilanan upang higit na makilala ng tao ang ka-Diyosan sapagkat hindi naglilikat ang karunungan, sapagkat hindi nakikita ang hantungan ng karunungang ito, sapagkat hindi naarok ng karunungan ng tao ang pinakabuod ng simulain na kanyang hinahanap sa kanyang buhay. Gaano kaliit at gaano kalaki ang kaugnayan ng tao sa Diyos?
Kap. Bading Reyes: Kung ako po ang sasagot, Mahal na Protektor, ang sasabihin ko ay sa moralidad ay malaki ang agwat, sapagkat ang kaalaman natin sa kabaitan at kagandahang-asal ay hindi pa kasing laki ng daliri kung ito ay ipaparis sa kakayahan ng Diyos na siyang Manglilikha; subalit kung ang pagbabatayan po naman ay ang siyensya at pilosopiya ay sasabihin kong walang pagkakalayo sapagkat ako man ay bahagi rin ng Diyos, wala pong pagkakaiba.
AU: Samakatwid ang katuparan ng kaalaman ng tao ay nagpapakilala lamang ng kanyang kaliitan, at habang ang kaliitang ito ay kinikilala at binibigyang-daang lumaki at umulad ito, ang nagpapalapit sa tao sa kanyang Diyos. Ang agwat ng tao sa kanyang Manlilikha ay kung ano ang agwat ng puwersa ng lakas ng hininga na ibinuhay sa kanya. Hangga’t hindi nadadalumat ng tao ang puwersang ito na ihihinga sa kanya upang kanyang isulit ang buhay na ipinagkatiwala sa kanya ay hindi pa niya maaaring sabihing siya ang pinakamalapit na sa kanya ay lumikha.
Kap. Celso Bunag: Sa aking pong palagay, sa lahat ng kaangkinan ay napakalaki ng agwat ng tao sa Diyos.
AU: Sa isang banda ay may hingin na matuwid ang iyong katugunan, subalit likas sa katauhan ng isang nilikha na kanyang hanapin at pagpunyagiang matuklasan yaong nagbigay sa kanya ng buhay. At ang buhay na ito ay kinatawan ng hiningang lakas, nagpagalaw at nagbigay sa kanya ng kasiglahan. Dahil dito ay hindi siya nahihiwalay, nahahaltak ang laso-pluwidiko na kaugnayan ng tao sa bilog na daigdig, at ito ang agwat niya sa katotohanan. Pag-aralang ninyo ito mga kapatid, sapagkat ito ay may kinalaman sa mga sumusunod na ating pag-aaral na idaraos at pagsasang-usapan.
Ano ngayon ang inyong masasabing nakuha sa ating nakaraang pag-aaaral?
Kap. Bading: Ang nais ko po lamang itanong ay kung saan nanggaling ang mga pangalang itinaguri sa mga Arkanghel na iyan, kung saan ito nagmula?
AU: Gaya nang nasabi na sa inyo ay ang lenguwahe espirituwal ay ang pag-iisip, walang letra, walang tinig, at nilagyan ito ng letra sa tala-tinigan ng inyong pagkakaunawaan sapagkat gayon ang hinihingi ng inyong kabihasnan. Darating ang panahon na sasabihin sa inyo ang kahulugan ng mga pangalang ito, ngunit hindi pa ngayon, kung ano ang kapangyarihang taglay na tinutumbok ng mga pangalang ito sa daigdig. Gayon man ay ipagpaliban ko ang bagay na ito hanggang sa sumusunod na panahon.
Kap. Celso: Gusto ko po lamang malaman, gaano po ba kalawak ang nasasakop ng salitang kabatlayaan? Ano po ang relasyon nito dooon sa tinatawag na mga espiritung mang-aaliw, at ang mga arkanghel po ba ay sakop ng tinatawag na kabatlayaan?
AU: Isa-isa. Dagan-dagan ang iyong tanong. Ang kabatlayaan ay katimbang ng espirtituwalidad at ang espirituwalidad ay sakop ang lahat ng mga Espirito, nasa katawang-laman (Espirito, Ako) at hiwalay dito. Kung gayon, ang mga arkanghel ay sakop na tinatawag na kabatlayaan subalit mayroon ng grado at antas. Ang antas ay nangangahulugan sa isang batlayang lumalawak o kumikitid ang naaabot ng kanyang kapangyarihang espirituwal sa dako na kanyang ginagalawan.
Kap. Celso: Iyon pong espiritung mang-aaliw iyon din po ba ang batlaya?
AU: Oo. Ilalarawan ko sa iyo sa ibang salita. Isang bilog na perpekto; ang bilog na ito ay sabihin nating mundo espirituwal o kabatlayaan at ang bumubuo rito ang mga batlaya, walang itinatakwil, walang kinakabig at itinutulak. Bumubuo sa bilog na ito ay kabatlayaan subalit ang mga batlaya ay mayroon ng kani-kaniyang antas. Ang mataas na antas ay malawak ang hawak sa bilog na ito; ang mababang antas ay kapuringgit ang kinakapitan. Nauunawaan mo ako?
Kap. Celso: Opo, mayroon pa po akong isang katanungan. Ano po ang relasyon ng tinatawag na Espirito Santo sa kabatlayaan?
AU: Ang Espirito Santo ay yaong mga batlayang taglay na ang banal na biyaya (dones divinos) at ang dones divino ay yaong kataasan ng antas na naayon sa perpeksyon. Halimbawa si Arkanghel Miguel, sa kataasan ng kanyang antas ay sakop ang dalawang estrella ng bilog ng hapag na ito, samantalang si Donato ay kapuringgit ang hawak sa kababaan ng kanyang antas. Iyan ang kumpasayon ng Espirito Santo at espirito pamilyar.
Kap. Celso: Bukod po sa mga Arkanghel mayroon po ba na mga Espirito pa na maisasama sa mga Espirito Santo?
AU: Ang mga Arkanghel ang mayroon higit na antas. Sumusunod dito ang pito sa mga alagad ni Hesukristo, ikatlong antas na pababa ay ang mga propeta.
Kap. Clarita Malonzo: Kagalang-galang na Protektor, ang kinikilala po naming Mahal na San Antonio de Padua, iyo po ba ay maipapantay sa antas ng mga Arkanghel?
AU: Hindi pa, siya ay nasa antas ng mga alagad ni Hesukristo.
Kap. Bading: Iyon po ba na 12 mga Arkanghel ay magkakapantay ng antas?
AU: Oo.
Kap. Bading: Saan po sa mga antas na iyan naroroon ang Mahal na Mananakop?
UA: Wala sa antas na iyan.
Kap. Bading: Ano po ang ibig sabihin nito, na hindi Siya nakasali?
AU: Ipagpaliban ko ang pagpapaliwanag ukol dito.
Kap. Pedring: Minsan po ay napag-usapan namin ng dating Pangulo ng Kalalakihan ang tungkol sa mga Arkanghel at naitanong ko sa kanya kung marapat ba na ating itanong sa batlayang sa atin ay sumusubaybay, yayaman din lamang pinag-uusapan ang tungkol sa mga Arkanghel, kung ano at saan nanggaling ang mga Arkanghel na ito upang magkaroon ng eksplikasyon sa amin ang mga bagay na ito?
AU: Kapatid ko, una pa sa kasaysayan ng daigdig na ito ang mga bagay na iyong itinatanong kaya hindi ko maaaring sagutin sa iyo ang bagay na ito. Sapat nang sabihin ko sa inyo na ang mga Arkanghel ay mga kalagayang hindi nagdaan sa proseso ng materya ng Planetang Tierra o ng Quinta. Ngayon ay itatanong ninyo, saan sila nagdaan? Kaya nga ipagpapaliban ang pagtugon sa bagay na ito.
Kap. Ibarra Bunag: Narinig ko po na sinabi ninyo kanina ang tungkol sa kabatlayaan na mayroon iba at ibang antas. Ang tanong ko po ay ganito, ang kabatlayaan po ba na nagkakaiba-iba ng antas ay nasasakop rin ng batas ng pagsulong?
AU: Oo. Lahat ay nasasakop ng pagsulong sapagkat ang kurso ng buhay ay perpeksyon.
Kap. Bading: Mahal na Protektor, sa pahayag na nakaraan na sa unang pitong planeta ang namamahala ay si Arkanghel Miguel, ang ibig po ba na sabihin nito ay ang 49 na planetas ay pinaghati-hatian ng mga arkanghel?
AU: Hindi 49 na planeta, 40 baitang ng pagsulong, hindi nangangahulugang 40 na planeta. Kung sasabihin ko sa inyo ang mga planeta ay daan-daan ang kabilangan nila.
Kap. Bading: doon po sa 40 na baitang ng pagsulong, ang unang po ay pinamamahalaan ni Ark Miguel, tama po ba ito?
AU: Oo.
Kap. Bading: ang sumusunod po ay upang ipabatid sa amin kung sino-sino naman ang namamahala.
AU: Madadaanan natin iyan sa panahon ng ating pag-aaral.
Kap. Bading: Salamat po.
Kap. Celso: Mahal na Batlaya, ito po ay hindi ko malaman kung sakop ng ating pinag-uusapan, datapwat mayroon pong binabanggit dito na mga Arkanghel. Ang mga Arkanghel po ay napakataas na ang antas ng pagkasulong kung ihahambing sa tao sa kasalukuyan. Hindi po ba sa mga pagtuturo ay yaong mga Espirito na hindi gaanong mataas ang kinakailangang magturo; kung angat man sa kanyang mga tinuturuan ay yaong hindi masyadong malaki ang agwat? Halimbawa po, isang propesor na mataas na ang naabot ng kaalaman, hindi po ito magtuturo sa elementarya.
AU: Ang kaibhan ng siyensya ng karunungan ng tao at ng karunungang malabatlaya ay ito: Ang karunungan ng kabatalayaan ay flexible, bumababa, tumataas, hindi katulad ninyong mga tao na nagbabagay-bagay sa mga bagay na kanilang isinasakatuparan. Mayroon ng pangyayaring sa kahingian ng daidig si Arkanghel Miguel ay isinugo sa lupa upang mag-anyong tao at makisalamuha at tinupad ang kanyang tungkuling ini-atas sa kanya. Hindi ninyo nararamdaman, hindi ninyo nalalaman sa lalong mahihigpit na mga pangyayari at aksidente sa loob at labas ng kapisanan ng mga tao, sa inyong pamahalaan, at sa inyong kalipunan ng magkakapatid. Hinihirang ang lalong mataas sa kabatlayaan upang magkatawang tao at kasangkapanin sa pag-aayos ng mga bagay na dapat na ituwid at sagkaan kung mayroon ito ng panganib. Kaya nga ninanasa namin ang mga talaytayan ay umanyo at maging karapat-dapat upang huwag kailanganin ang kataasan ng kabatlayaan ay magkakatawang-tao at manaog at siyang tumupad, na ito ay tungkulin ng kapatid sa kapatid, at sapagkat kayo ang pinakamalapit na kapatid, kayo ang pinakamalapit na mayroong tungkulin gumampan ng mga dapat gampanan. Nauunawaan baga ninyo ang ibig kong sabihin?
Kap. Celso: Opo. Mayroon po akong katanungan tungkol sa sinasabi ninyong Arkanghel Miguel ay nagkatawang-tao upang tumupad ng tungkulin. Ang ibig ba na sabihin nito ay hindi na nagdaan sa pagkabata?
AU: Hindi na. Kumuha ng lahat nng sustansiya ng katawang-lupa at ito ang ginamit upang siya ay makipamuhay sa inyo.
Kap Celso: Iyon pong nabasa namin na hindi ko po malaman kung aking paniniwalaan na maaaring gumamit ng ibang katawan ang isang mataas na Espirito, iyon po ba ay may katotohanan?
AU: Oo.
Kap. Bading: Mahal na Batlaya, mayroon po namang ibang mga aklat na nagsasabing maging ang mga elemento ng panahon ay pinamamahalaan ng mga Arkanghel, totoo po ba ito?
AU: Oo, pinamamahalaan. Subalit mayroon ng mga isinusugo na sakop ng herarkiya ng mga Arkanghel na ito upang siyang kumatawan at tumupad ng mga bagay na dapat gampanan.
Kap. Bading: Ang kulog o kidlat, halimbawa, papaano po ang gagawin ng isang Arkanghel upang mapangalagaan ang bagay na iyan?
AU: Dumarating ang bagay na ito sapagkat ito ay hinihingi ng inyong kalikasan, at ang hinihingi ng kalikasan ay sapagkat iyon ay nasa lalong mataas na kaisipan ng nagpapagalaw. Sa ibabaw ng lahat ng ito, sa ibabaw ng bilog na ito, mga kapatid, mayroon isang kaisipang nagpapagalaw dito na hindi maintindihan. Tawagin ninyong Diyos, tawagin ninyo siya sa ano mang pangalan, subalit iyan ang layunin, iyan ang sagkaan ng lahat ng layunin ng tao sa kanyang perpeksyon at espirituwalidad.
Kap. Bading: ang ibig pong sabihin, mahal na Batlaya, ay halimbawa ang kidlat, ang Arkanghel po ba ang nakaka-alam kung sino ang patatamaan at kung sino ang hindi?
AU: Ito ay hindi totoo. Iyan ay kahingian ng kalikasan, likha ng init at lamig ng inyong panahon, at kung iyan ay sumabog hindi suhetado ang sasabog, maaaring maging suhetado ang tatamaan, i-iilag ang tatamaan o hindi i-iilag ang dapat tamaan.
Kap. Bading: Kung sakali po na iilag ay ito na ang pamamahala ng ginagawa ng mga Arkanghel?
AU: Oo, sapagkat wala nang nakakakontrol sa kalikasan kungdi iyong dakilang Pag-iisip na nagpapagalaw.
Kap. Clarita: Bakit po sinabi ninyo na sa antas ay higit na mataas ang mga Arkanghel kaysa katulad ng Mahal na San Antonio de Padua na kinikilala naming Patnubay; bakit po madalas na nagiging sang-usapan naming magkakapatid na maraming kapisanang katulad po sa atin na pinamamat-nugutan ng mga Arkanghel na wari pong mas higit ang hindi kaayusan kaysa sa ibang lunduayn na kung sabihin ninyo ay mas mababa ang antas ng mga protektor katulad po ng sa aming lunduyan?
AU: aayusin ko ang iyong tanong. Mga lunduyang pinamamahalaan o pinangangasiwaan ng mga Arkanghel.
Kap. Clarita: Tama po.
AU: At itong lunduyang ito ay pinamamahalaan o sinusubaybayan ni San Antonio de Padua.
Kap. Clarita: opo.
AU: Ito ay maayos at iyon at magulo.
Kap. Clarita: maaaring gayon nga po.
AU: Ang tanong mo, kung mataas ang sumusubaybay kaysa mababang sumusubaybay, bakit naging magulo ang mataas at bakit naging mahusay ang mababa?
Kap. Clarita: Opo.
AU: Pangalagaan ninyo ang inyong mga talaytayan. Kayo man ay magkakagayon kung kayo ay tutulad sa mga talaytayang hindi lumalagay sa regla ng medyumnidad. Kayo man ay magkakagulo kung ang pamahalaan ng lunduyan ay hindi umaalinsunod sa patakaran ng pamamahala. Hindi baga gayon, Celso?
Kap. Celso: Tamo po iyon.
AU: Wala sa nagtataguyod. Ang sa amin ay alalay at subaybay subalit ang kinakailangan ang inyong sariling pusag ng katalinuhan at kabaitan upang kayo ay matuwid sa inyong landas. Kung kami ang gagawa ng inyong kabanalan, ng inyong kabaitang, ng inyong pag-ibig, kami ang maliligtas at hindi kayo.
Kap. Clarita: Salamat po.
Kap. Bading: Mahal na Protektor, sabi ninyo kanina ang lahat ay sumasailalim sa batas ng pagsulong, ibig ko pong itanong, pati po ba ang mga Arkanghel ay sumasailalim din niyan?
AU: Oo. Sinasabi ninyong ang Diyos ay hindi nagtitigil ng paggawa, ano ang ginagawa ng Diyos? Hindi nalalaman ng tao. Sukat ang aking sabihing ang Diyos ay nagpapatuloy sa Kanyang pag-angat. Aling ang ini-aangat nito? Ang ini-aangat Niya ay tatlong bagay, ang unang bagay ang kaligtasan ng sangkatauhan. Saan maliligtas ang sangkatauhan? Sa kababaan ng kamangmangan. Ito ang unang alagatain ng Ka-Diyosan. Kaya nga iisa ang kayugnayan ng tao sa Diyos, yoong pagnanasa niyang makarating sa Kanya at yoong pagnanasa sa itaas na siya ay mai-angat. Kung kailan ito matutupad panahon ang magpapahayag. Ang pa ang iyong sasabihin, Privado?
Kap. Privado: Kung ang lahat po ng maging perpekto ay sumasailalim sa batas ng pagsulong, e di angkop din po sa kanila na matupad iyong natala sa Banal na Kasulatan na nagsasabing: Mayroon ng nahuhuling nauuna at mayroon ng nauunang nahuhuli?
AU: Anong uri ng perpeksyon ang iyong sinasabi, perpeksyon sa kanyang antas o perpeksyon sa kabuuan ng bilog ng buhay?
Kap. Privado: Iyon pong perpeksyon ng mga arkanghel.
UA: Oo. Umaangat.
Kap. Privado: Ang ibig ko pong sabihin ay kahit na mauna sila ay maaari din na mahuli at mayroong nahuhuling mas nauuna pa sa kanila.
AU: Hindi pa nangyayari ang gayon.
Kap. Privado: Pero, nangyayari ang gayon?
AU: Huwag ipahintulot ng panahon.
Kap. Privado: Salamat po.
AU: Mayroon pa kayong ibig sabihin?
Kap. Bading: Tungkol po naman sa pagmamateryalisasyon ni Ark. Gabriel, ang alam po natin kapag nagmamateryalisasyon ang isang Espirito ay gumagamit siya ng kanyang peri-Espirito para siya ay makita. Ang alam ko po ang mga Arkanghel ay walang peri-Espirito sapagkat hindi naman sila nagkatawang tao. Walang idinugtong na laman sa kanilang Espirito. Bakit po nakita samantalang wala naman siyang peri-Espirito?
AU: Sapagkat si Maria ang birheng ina ni Hesukristo ay isang dakilang medyum. Sa kanya kinuha ang sustansiya ng materyalisasyon. Naiintindihan mo baga ang sinabi kong sustansiya na kinuha kay Maria ni Ark. Gabriel?
Kap. Privado: sa pagkaunawa ko po ay iyong sustansiyang katumbas ng peri-Espirito.
AU: Hindi ng peri-Espirito, ang sustansiya na kinuha sa materya ni Maria, ang sustansiya na kinuha sa Patriarka Josep, kaya nga at halos ay parang dinadaan ito sa panaginip. Iyan ang kalihiman ng Ebanghelyo.
Kap. Privado: kung magkagayon po, paano nagkaroon ng hugis-tao at anyong-tao ang Ark. Gabriel na iyan samantalang hindi pa naman siya nagkatawang-tao?
AU: Kaya kinuha ang sustansiya, kaya nga at nahayag na siya ay Arkanghel, sustansiya ni Maria na binuo at nabuo, at sa ibig ilarawang kalagayan ni Ark. Gabriel ay nakita siya ni Maria.
Kap. Privado: Samakatwid ang natupad po ay iyong ibig ni Ark. Gabriel na siyang lumabas?
AU: Oo.
Kap. Clarita: Mahal na Batlaya, mayroon po ba ng definite na katawagan doon sa mga ganoong sustansiya?
AU: Ano pa ang ibig mong itawag dito? Samakatwid ay ang ibig kong sabihin sa tanong na iyan diyan tayo magkakaunawaan. Papaanong maka-aangat ang pag-iisip ng tao at umugnay sa kapatagan ng mga batlaya (mundo de los espiritos)? Sinasabi ninyong sa pamamagitan ng konsentrasyon at meditasyon. Ito ang ibig kong liwanagin sa inyo, mga kapatid. Papaanong masusuheto ng tao ang kanyang pag-iisip na dumako sa itaas sa halip na lumaganap sa kanyang kapaligiran? Sa isang salita ay paano nga ba magkokonsentrasyoon ang tao? Ito ang aking katanungan sa inyo, at ibig kong pag-ukulan ninyo ng pag-aaral ang pagtugon sa akin sa susunod na ating pagniniig. At bago ako mamaalam, iiwan ko sa inyo ang mga ilang bagay na inyong pagbabatayan. Ang pag-iisip ay hindi nakikita ng mata, ni hindi naiisip ng kanyang kapwa, paano ninyo paniniwalaan ito?
Saan naroroon ang pag-iisip? Totoo nga bang nasa utak ng tao? Sa labas, o sa loob ng utak? Lumalalim ang ating sang-usapang ito, ngunit nais kong ito ay inyong pag-aralang tugunin sa akin sa susunod na pagkakataon.
Mga kapatid, kakailanganing malalag ang mga bituin sa lupa upang tanglawan ang kadiliman ng sangkalakhang ito at makita kung sino ang manggagawa ng mabuti at masama. Hindi itatanging tanglawan ang manggagawa ng masama; ni hindi i-aangat ang manggagawa ng mabuti. Bakit nalaglag ang mga bituwin sa langit sa ibabaw ng lupa?
Hanggang dito ako, mga kapatid. Nwa ay maarok ninyo ang pag-aaral yamang ito ay inyong pinakansang talakayin ng ating pag-uusap. Ibinibigay ko sa inyo ang kapayapaan ng mga banal na batlaya at maghari nawa sa inyo lagi na ang kapayapaang ito sa lahat ng dako. Paalam, Arkanghel Uriel.
Bokabularyo/termino
Nadadalumat – be able to understand
Banal na biyaya -(Dones divinos -divine gifts) yaong mga kataasan ng antas na naayon sa perpeksyon
sagkaan
1987-03-29 ARK URI-TE-EST
Managana ang biyaya nawa sa sangkatauhan; maghari ang kapayapaan!
Sa pamunuan ng kabanalan, hindi namimili ng uri ng tao. Ang sinusukat at tinitimbang ay ang kanyang kakayahang pangbatlaya, at idinidikta ng mga pangyayari na ang masigasig na maglingkod sa ngalan ng katotohanan at katapatan ay siyang pinagkakatiwalaan ng higit na pananagutan upang magpatuloy sa paglanghap ng lalong mabiyayang kaloob, upang kanyang magamit sa kanyang pagpapatuloy hanggang sa kanyang matamo ang kanyang pinapakay. Ang mga tao ay dito nababatay, kakayahan ng kanyang batlaya sa pagdala at pagsasakatunayan ng mga bagay na kanyang natutuhan na kinakailangang gawin at bigyan ng katuparan.
Iisa ang layunin mga kapatid, ng takbo at galaw ng buong kalikasang ito, ang pagsulong sa pamamagitan ng ebolusyon dito sa lupa ay sinusukat at ipinahahayag ang ganting-galaw ng bawat gawain, kaisipan, damdamin at kalooban.
Ang mga bagay na materyal na bagaman at pinahahalagahan at binibigyan ng malaking importansya ng tao sa kanyang buhay sa lupa ay banay-banay na inyong matututuhan na ito ay mga sangkap lamang na materyal.
Sa pagsasaalang-alang ng inyong adhikainang inyong natutuhan na kinakailangang ipaspas at iwagayway sa pamamagitan ng katuparan ay kinakailangan nga ang mga bagay na nadadama, nahihipo at nakikita sapagkat ito ay isang uri ng pag-aaral na dapat matutuhan ng tao.
Kung kayo ay nananalig sa matataas na karunungang inihahayag sa pana-panahon sa lupa, pakalimiin ninyo at pag-aralang mabuti na ang mga bagay na ito ay nilalagyan lamang ng letra. Ang hiyaw ng kaisipang ng sangkatauhan ay hindi kailangang matulog at maglupasay sa lupa ang tao kungdi kinakailangang siya ay pumusag at iwasiwas ang halaga at kapakinabangan ng mga bagay na kanyang natuklasan at natutuhan sa pamamagitan ng kanyang pag-aaral at pagsasaliksik.
Dahil dito ay iyan ang tinitimbang, iyan ang sinusukat sa ganting-galaw, sa bawat galaw ng tao sa kapatagang-lupa. Ito ay inyong pag-aralan mga kapatid, upang huwag kayong maligaw sa pagsasa-alang-alang ng simulain ng Espiritismo na inyong pinag-aaralan dito sa inyong paaralan, sapagkat hindi lahat ng nagsasabi ng mabuti ay bubuti sapagkat kalahati pa lamang ito sa kaganapan.
Kung sino ang maraming sinasabing kabutihan ay siyang higit na mayroong higit na pananagutan magpakita ng kabutihan sa gawa, magsaalang-alang ng mabuti, managutang mabuti sa kanyang sarili upang siya niyang maiwasiwas sa kanyang mga kapatid.
Maliban dito ay hindi kayo makalaya sa panahon, ni sa mga dako na inyong kinaroroonan sa lupa. Kailangang yapakan ng inyong mga talapakan ang mga lupang iyan sa inyong paglalakbay at magamit ninyo ang inyong karanasan sa katuparan ng inyong mga tungkulin.
Kaya nga at pagnasaan ninyo, mga kapatid, hindi ang pagpapalawak lamang ng inyong nalalaman kungdi dalangin ko sa Diyos na maging kaalinsabay ng pagnanasang ito ninyo ang inyong pagsusumikap na agapayanan ng paggawa at pagtupad ng inyong mga tungkuling idinidikta ng kalaalamang inyong natuklasan, sapagkat ganyan kayo makakailangan, at ganyan kayo pakakailangan, sapagkat ganyan lamang maaaring mabuo ang kaisahan ng sangkatauhan.
Mga kapatid, anong halaga ng mga katuruang buhat dito at sa iba pa mang paaralan ng mga tao kung hindi ninyo aantabayanan ng pagmumuning mabubuo lamang ang tahanan hindi sa pamamagitan ng mga plano sa papel kungdi kinakailangang kumuha kayo na mga kasangkapan o materyales upang itayo ang isinasaad ng plano na inyong hawak-hawak?
Maganda ang planong hawak ng paaralang ng Espiritismo, subalit ni isang dampa ay wala pa kayong naitatayo nang naayon sa planong ito sapagkat pinagsisikapan nga ninyong magkarooon kayo ng karunungan at kaalamang malabatlaya. Di sin sana ay di na kayo isinugo sa lupa kung kabatlayaan lamang ang kinakalangan na inyong matutuhan. Isinugo kayo upang isakatunayan ninyo ang kabatlayaan ng karunungnag ito at pag-ibig.
Tandaan ninyo, aking mga kapatid, bawat pagkabagsak ninyo sa pagsusulit na kinakailangan ng inyong daanan, sa bawat kaalaman na inyong natutuhan at tinanggap ay tatanggap kayo ng mga ganting-galaw na iyan na sa isang salitang ay sinasabi ninyong pagsubok, tinatawag ninyong paghihirap, pagpapakasakit , datapwat hindi ninyo nalalamang ang lahat ng mga bagay na ito ay kayo ang lumikha lamang – sakit, suliranin sa buhay, paghihirap.
Ang lahat ng ito ay likha ninyo sapagkat hindi ninyo natutuhang ilagay sa dapat kalagyan ang katuparan ng inyong tungkulin sang-ayon sa inyong nalalaman at natutuhan nang angat sa inyong pagkatao, subalit nag-aangat sa inyong simulain tungod sa inyong pakiki-isa sa inyong mga kapatid.
AU:Saan tayo humito ng huling pagniniig natin, mga kapatid?
Kap. Bading: Kay Arkanghel Malakiel po.
AU: Samakatwid ay magsisimula ako sa ika-pito. Ang ika pito ay Arkanghel Mikiel na ang sagisag ay redoma ng tubig na kanyang tangan sa kanang kamay, at sa kaliwang kamay ay hawak niya ang isang daho ng oliba ng ginintuan. Ang sagisag na ito ay bibigyan natin ng kahulugan sa inyo.
Ang tubig ay buhay ng sanlibutang-lupa, bumubuhay ng mga halaman, bumubuhay ng lupa sapagkat kung ang lupa ay mawalan ng tubig ito ay tigang at walang kabuluhan. Gamit ito sa paglilinis ng katawang-lupa, gamit upang inumin ng tao upang patirin ang kanyang kauhawan.
Kung ito ay mawala sa lupa, ang lupang matitigang ay magkakahiwa-hiwalay. Kung mawawalan ng tubig ang mga halaman ay mangamamatay, kung mawalan ng tubig ang sangkatauhan, saan siya pupunta at hahantong?
Samakatwid, ang tubig ay higit na mahalaga sa buhay alin mang tumatayong materya at bumubuong materya. Dapatwat mayroon ng panahon na ang tubig na ito ay nagwawasak, sumisira hindi lamang ng mga halaman kungdi ng mga bayan.
Kaya nga at ang tubig ng buhay na ito ay dapat na pangalagaan, ingatang magamit sa pamamagitan ng kawalang-taros. Nagngangalit ang tubig na bumubulaos sa kapatagan buhat sa kabundukan kung tinampalasan ang kakahuyan nito. Ang redoma ng tubig ni Arkahgel Mikel ay iyan ang ibinabaha sa inyo.
Ang dahon ng oliba na tangan ng kanyang kaliwang kamay ay nagwawagayway ng kapayapaan, sapagkat di baga sa kamatayan ng tao ay kapayapaan ang kanyang tinutungo? Di baga sa pagkatigang ng lupa ay kapayapaan ang iiral sapagkat walang mananatiling bato sa ibabawa ng kanyang kapwa bato? Kaya nga at iniwagayway ang dahon ng oliba ng pagsasaad ng kapayapaan sa sankatauhan.
Ang ika-walong Arkanghel ay si Arkanghel Orokiel. Ang tangan nitong sagisag ay kalaykay. Ang Arkanghel na ito ay taga-ipon, tagatambak. Ang tinatambakan ay ang mga hukay at ang ginagawang panambak ay ang kalabisang lupa at nagtapong bato sa gitna ng ilang.
Alin ang itinatambak sa katauhan kung sumasapit na sa tao ang kanyang pagsusulit? Kinakalaykay ang lahat ng kalabisan at kamalian. Kung walang maiwan pagkatapos na alisin ang kalabisan at di kailangan, maaring manatili kayong iskeleton na kinakailangang magpatubo ng laman upang makagawa at makatupad ng tungkulin.
Hinihila sa pamamagitang ng kalaykay na ito ang mga bagay na kailangan ng tao, ang mga bagay na kanyang kailangan sa kanyang ikasusulong upang pagdating na panahon ay maisusulit niya : ito ang aking hinubaran ng katawang lamang umaalingasaw sa baho sapagkat patay, at ito rin ang nagbagong-buhay sa tao na mayroon ng kagandahang magsasapol sa kanyang pagbabago.
Sino-sino ang kina-uukulan ng kalaykay na ito? Yaong lalo na ay mayroon ng mataas ng antas ng mga kapatid, sapagkat para sa kanila ay tersera grado ang kinakailangang ipagsulit. Sila ang lalapain ng laman at hindi daraing ng sakit at hapdi ng mga sugat.
Sila ay i-uupo sa mga trono ng lupa at sila ay hindi makikinabang sa laman. Sila ang bibigyan ng hukbo at sila ay hindi papatay bagkos ang hukbong ito ay gagamitin upang magpa-iral ng kapayapaan sa ibabaw ng lupa, sapagkat ang kinalaykay na kapatagan ay nililinis, inaalisan ng dumi upang ihanda sa isang magandang pagbabago ng kalagayan. At si Hesukristo ay maluwalhating nakaraan sa kaluwalhatian ng kalaykay ni Arkanghel Orokiel.
Ang ika-siyam ng Arkanghel ay si Arkanghel Barakiel na ang sagisag ay walis at paningasang apoy sa kaliwang kamay. Siya ang sa salita ng mga tao ay ang pinakamatapang, sapagkat ang kanyang batas ang oo ay oo at ang hindi ay hindi.
Siya ang umaalalalay sa lahat ng mga disenkaranadong Espiritu upang palisin ang tanikala ng kalupaang nakababalot sa kanyang diwa at damdamin. Siya ang enkargado ng dakong paghihiwalay (isolation) ng mga kapatid na walang kabanalan at batbat ng kagulumihanan.
Siya ang bastonero ng mga espiritung karumal-dumal (espiritus pitones), datapwat ang maraanan ng kanyang walis ay sapilitang magbabagong-buhay sapagkat ang impluensiyang espirituwal moral (influencia espiritual moral) ng Arkanghel na ito ay superyor.
Sa kabuuan ng siyam ng Arkhanghel na ito, mga kapatid, tinatapos ko ang aking pagsasalaysay sa inyo. Ang nalalabing tatlo ay hindi karapat-dapat na ihayag hangga ngayon. Marami ang nagbabansag, marami ang nag-aapuhap ng pangalan ng mga iyan subalit ang lahat ng iyan ay sa haka-haka at guni-guni lamang. Kung kailan magiging karapat-dapat kayo ang gagawa ng daan upang maihayag sa inyo ang kalihimang ito.
Mga kapatid, sasalitain ko sa inyo sa salita ng mga tao ang patakaran sa hurisdiksyon ng mga arkangheles sa ganitong pangungusap: akayin ninyo ang sangkatauhan sa wasiwas at kumpas ng katuruang inyong natutuhan, (lead your people by the teachings of your religion), ang dapat na itaklob sa mga katagang ito, sapagkat kung kayo ay magsasalita lamang nang wala kayong gagawin at mananatiling nakahalukipkip, mabuti pa sa inyong ang isang estatuwa na napakikinabangan sapagkat nagiging dapuan ng mga ibon.
Sa panahong ito ninyo na lubhang malalon na sa paturuang ito, dapat ninyong maunawaan, mga kapatid, na ang higit na nangangailangan ay ang inyong sarili, at nang dahil sa pangangailangang ito ay kailangang kayo ay pakailangan sa inyong mga kapatid upang kayo ay makakadlo ng ganting-galaw nito bilang katugunan sa inyong pangangailangan.
Dahil diyan ay mapipilitan kayong kumilos, pumusag at kumayod na kung kailangan ninyo ay tubig hahanap kayo kahit na sa malayong dako sapagkat kailangang ninyo, at kung sinasabing iibigin mo ang iyong kapwa ng tulad ng pag-ibig sa iyong sarii, kung mabigyan mo ng halaga at timbang ang pangangailangan ng iyong kapwa ay kasing halaga ng pangangailangan ng iyong sarili, hindi lamang ang iyong sarili ang isasalok mo ng tubig sa malayong dako, isasalok mo rin ang kailangan ng iyong kapwa.
Sa gayon ay natupad mo ang simulain ng pag-ibig at paglingap. Ano kung ikaw ay tumulong sa mga maysakit? Ano kung ikaw ay nagpakain ng mga nagugutom? Ang lahat ng ito ay mga pangkaraniwang bagay, mga kapatid.
Subalit kung iyong dinamdam, kung itinibok ng iyong puso ang tunay na kahulugan ng iyong pagpapakain, ng iyong pagtulong sa mga maysakit at dahil dito ay hindi lamang kanin, hindi lamang ang gamot ang iyong ibibigay sa iyong mga kapatid kung hindi ang iyong sariling lakas, ang iyong sariling pag-ibig na mababahaginan mo ng kasiglahan ang wala nito, mabahaginan mo ng iyong kabusugan at kasiyahan ng pagkatao ang wala ng mga ito, iyan ang lalong dakilang pag-ibig na isinasakatunayan. Iyan ang pagbibigay ng halimbawa sa sangkatauhan.
Ang layunin ng Espiritismo ay lagutin ang tanikala ng panatismo ng tao. Ano ang panatismong ito, mga kapatid? Panatismo sa sarili, panatismo sa pananampalataya, panatismo sa kakayahan na kanyang magagawa.
Lagutin ninyo ang mga tanikalang ito ng panatismo, mga kapatid, sapagkat hindi maaaring tumayo ang tao nang wala ang kanyang kapwa tao. Hindi maaaring gumawa ang tao nang wala siyang paggagawaan at pag-uukulan, hindi maaaring maawa ang tao nang wala siyang paglilingkuran.
Ang tao ay bahagi lamang ng sangkatauhan, tatayo siya sapagkat mayroon ng sangkatauhang nakaliligid sa kanya, at dahil dito ay hindi baga dapat na igalang, paglingkuran at ibigin ang mga saligan ng kanyang kabuhayan bilang tao? Pag-aralan ninyo, mga kapatid, ang mga bagay na ito na sa inyo ay iiwan ko.
Nawa sumainyo ang kaliwanagang buhat sa mga langit, ang pag-iibigan ng isa at isa sa inyo, at ang kapayapaan nawa ang lumaganap magpakailanman! Paalam, Arkanghel Uriel.
1986-08-31, ARK GAB-TE-EST
Nawa’y ang kaluwalhatian ng mga langit ay lumukob sa inyo at maghari ang kapayapaan sa inyong mga puso!
Ang kahalagahan ng pag-aaral na ito ay hindi ninyo ganapang madadalumat hanggang sumapit ang kapanahunan na ang isa ay maging karapat-dapat sa hinihingi ng panahon, sapagkat bawat karunungang itatak sa inyong pag-iisip ay kaalamang inyong pananagutan, humihingi ng tiyak na pananagutan ninyo, alalalong baga’y ang kahayagan nito sa katunayan.
Ano ang maaaring gawin? Bakit gagawin ang mga bagay na natutuhan ng tao sa kanyang pag-aaral? Ito ang maselan na pananagutan niya sa nasabing kaalaman na kanyang natutuhan, na dapat pakinabangan ng sarili. Kaya nga at kung inyong sinasalita ang kabaitan, o pag-ibig, o katarungan, ano ang halaga nito sa inyo? Ano ang nagawang mabuti nito yamang inyong nasasalita at natutuhang sabihin ang mga salitang ito?
Ang katotohanan hangga’t hindi napakikinabangan, hangga’t hindi tumatalab sa katauhan ng isang nilikha ang ganting-galaw ng karunungang nasabi, ito’y hindi pa niya pinakinabangan sapagkat hindi pa nangyaring pinakinabangan ng kanyang kapwa na siyang direktang materyal na dapat gamitin ng tao sa katuparan ng kanyang tungkulin, sa kahayagan ng kanyang karunungang natutuhan.
Dahil dito, kung bagaman at marami na ang mga kaalamang naglipana sa ibabaw ng lupa, hindi ang bulto nito ang mahalaga at karapat-dapat kungdi ang pagdating ng panahon na ang lahat ng mga bagay na ito’y pinananaganuhan ng mga tao sa pamamagitan ng pagbibigayan ng kanilang kakayahan sa karunungan upang maluwalhating tanggapin ng bawat isa ang ganting-galaw na nasabing kaalaman.
Ito’y matanim nawa sa inyong diwa at huwag kayong maging bulag na tagapaniwalang ang kaalaman ay dapat lamang na sasalitain at isulat sa maraming mga aklat, at ito ang inaasahan sa inyong mga kapatid na nag-aaral ng siyensiya ng okultismo.
Nais kong hilingin sa inyo ngayon ang inyong natutuhan sa inyong pag-aaral tungkol sa mga bagay na aking inihayag sa inyo, bago ako magpatuloy pa sa sumusunod na mga bagay na inyong inaasahan. Dahil dito’y hinihintay ko kung ano mang ang inyong ibig sabihin tungkol sa aking inihayag na sa inyo.
Kap. PR: Tumawag po ako ng mga kapatid?
AG: Oo.
Kap. BS: Ayon po sa pagkadinig ko sa mga nauna nang sabi, ang Arkanghel San Gabriel ay nagpakita lamang noong ibinalita kay San Jose na ang kanyang magiging asawa ay nagdadalang-tao; at ang ikalawa’y noong sinabing sila ay lumikas sa Ehipto; at marahil ang ikatlo ay noong pinagsabihan sila mula sa Ehipto na sila ay makababalik sa Herusalem. Bukod sa roon ay wala na ako ng kaalaman tungkol sa San Gabriel at gayon din sa mga ibang arkangheles. Higit pa po ba na marami ang gampanin ng mahal na Protektor kaysa kanila? Ano po ang iba nilang gampanin?
AG: Kung aking sasalitain sa inyo ang lahat ng kanilang gampanin hindi tayo kayang dalhin ng ating panahon sa kasalukuyan. Sinabi kong nahayag o nagmateryalisa ako bilang lamang patotoong maaaring mahayag ito sa katuparan ng misyon Kristiyanismo sa ibabaw ng lupa. Gayon din ang ibang mga arkangheles, halimbawa’y si Arkanghel Miguel na ang kanyang sagisag ay espada at timbangan, itatanong ninyo sa akin, hanggang doon na lamang baga siya?
Ngunit ang itutugon ko sa inyo, ang espada at timbangan ay simbolo ng kapangyarihang unibersal. Ang timbangan ay katarungan, ang espada ay kapangyarihan. Kung sasalitain ko sa inyo ngayon ang buod na kahulugan ng mga salitang ito, hindi tayo magkakatapos ng pangungusap. Ako baga ay nauunawaan ng kapatid?
Kap. Ba: Marahil po mahal na Batlaya, ay makabubuti na maipahayag ninyo sa amin kung ano ang sagisag ni Arkanghel Gabriel para po maging palatandaan ng kanyang tungkulin sa general administration duties sa sangkatauhan.
AG: Ang aking simbolo ay palmera at kalapati. Ang palmera ay sagisag ng kapayapaan, ang kalapati ay kumakatawan sa moralidad.
Kap. Ba: Samakatuwid po, ang lahat ng mga bagay na mayroon ng kaugnayan sa pagpapayapa ng daigdig at sa kabaitan ay siyang misyon ng Arkanghel Gabriel?
AG: Sapagkat ako ang Protektor ng inyong kapatagan.
Kap. Ba: Nauunawaan po namin, heto po ang isang katanungang aking tinanggap sa mga kapatid. Ito po ay mayroong nang kaugnayan kay Arkanghel Malakiel. Sabi natin siya ang nakakaalam sa mga pagbabayad-utang, pagsubok at pagtitiis. Ang tanong po ay ito: kung ang isang tao ay nasa panahon ng pagtitiis at pagbabayad-utang at siya ay lubhang nahihirapan, maaari po ba na hilingin niya kay Ark. Malakiel na ito ay pansamantalang ihinto muna at saka na ito ibalik sa ibang panahon kung makaipon na siya ng panibagong lakas? Ito po ba ipagkakaloob ni Ark. Malakiel?
AG: Hindi, bayaan ninyong ipaliwanag ko sa ganitong paraan. Ito ay puntong hiwalay (punto aparte). Ang paghihirap na dinaranas ng tao, ang sakit na kanyang tinitiis, ang kagulumihanan na umiiral sa kanya dahil sa mga suliraning nagsala-salabat, ang kahingian ng kanyang kalagayan dahil (como) sariling pag-aaral na patungo sa pagsulong. Ang lahat ng ito ay mga pruweba at ekspiyasyon. Bakit maiiwasan ito ng tao? Likas sa taong nasa ibabaw ng lupa na samantalang karga siya ng puerto materya, ang hirap, ang sakit at kagulumihanan ay kaalinsabay na likas ng kanyang kabuhayan. Dahil dito’y hindi kailangang alisin at ilayo siya sa mga nasabing hirap, sakit at tiisin. Kailangang salungahin niya ang hirap na ito, sakit at tiisin, upang kanyang mapagtagumpayan at malutas ang suliranin ng kanyang buhay, sapagkat hanggang ang tao’y hindi napagtatagumpayan ang sakit, ang hirap at tiisin sa buhay niya’y hindi pa masasabing siya ay nagtagumpay sa kanyang pag-aaral. Kaya nga at kung kayo ay mayroon ng pinaghihirapan, o sakit na tinitiis, ang lalong kailangan ay magpasalamat, moral na pagpapasalamat (exaltacion moral) na kinakailangan ng tao upang siya ay maging dalisay. Naiintindihan ninyo ako, mga kapatid?
Kap. CB: Ang isang kaluluwa po ba ay inihahanda ang kanyang mga tiisin bago siya pumanaog sa lupa?
AG: Hindi, ang Espiritu’y tinuturuan, pinababaunan, kinakalupkupan ng kaalaman upang masalunga niya ang buhay ng kanyang haharapin na nag-aantay sa kanya, sapagkat sa buhay na iyan ay nakasalalay ang mga pagsubok at pagbabayad-utang o pagtubos (pruebas y expiacion) sa karanasan. Ang kaalamang ikinalupkop sa kanyang diwa, itinuro sa kanyang kabatiran, ang siyang puhunan niya sa kanyang muling pakikipamuhay sa lupa upang salasain ang nasabing mga pasubok at pagbabayad-utang.
Kap. CB: Samakatuwid po ay mayroong naghanda sa kanya para dito?
AG: Ano ang ibig mong sabihin?
Kap. CB: Halimbawa po, bago pumanaog ang isang mayroon ng kaangkinan na karunungan at karanasan ng nakaraang kabuhayan at mayroon pa siya ng mga pagbabayaran, binibigyan po ba siya o inihahanda para sa kanyang lalong mahihirap na pagsubok at dapat niyang malaman dito?
AG: Ganito ang aking magiging tugon sa iyo. Ang nakahanda na ay ang mga pagkakautang na iniwan sa isang kabuhayan. Ang tunay na tao (Espiritu) na nakipamayan sa bayan ng mga batlaya na nag-aaral, sinanay, kinalupkupan ng kaalaman, samakatuwid baga ay binigyan siya ng sapat na kapangyarihan upang pangumpayan niya ang kanyang naiwang mga kamalian at pagkukulang. Kung siya ay narito na, naghihirap, nasasaktan, nagtitiis, paanong aalisin sa kanya ang tiisin ito? Paanong ilalayo sa kanyang ang kanyang kahirapan? Hindi maaari, sapagkat ang dalawang iyan ay parirala lamang sa kanyang buhay, o pagtatagumpayan, o pagbalik-balikang bayaran. Hindi ihihanda ang hirap; kusa ito nabubuo at binuo ng nakaraang kabuhayan. Inihahanda ang tunay na tao (Espiritu) sa pamamagitan ng kabatlayaang guro na umaalalay at sumusubaybay upang sa kanyang muling kapanganakan ay masagasa niya ang suliranin na ito na kanyang iniwan. Walang tutulong sa kanya maliban sa kanyang sarili.
Kap. Ba: Mayroon pong katanungan dito na may kaugnayan kay Ark. Raphael. Ang nadinig po namin ang kanyang sagisag ay isda at aklat na ginto. Bakit po isda? Ano po ang ibig sabihin nito? Ikalawa po, kung sakali na ang may karamdaman o ang medyum na gumagamot sa kanya ay humingi ng tulong kay Dr. Jose Rizal, sa halip na kay Ark. Raphael, mayroon po ba ito ng pagkakaiba?
AG: Ang unang tanong na aking sasagutin, isda ang sagisag ni Ark. Raphael sapgkat ang isda ay nabubuhay sa tubig at ang tubig ay mineral, sapgakat ang isang ang kinakain ay lumot, samakatuwid ay nabubuhay sa behetal (vegetal). Ang dalawang bagay na ito na dagdagan pa ng kalikasan ng katawang isda na iyan ay pangunahing materya (materia prima) ng kombinasyon ng mineral at behetal. Iyan ang batayan ng simulain ng siyensya medika kung inyong matatanggap. Kaya nga simbulisado ang kaangkinan nitong ikatlong Arkanghel sa isda.
Ito ang ikalawang tanong, lahat ng tao ay nahahati-hati sa ehersito ng mga arkangheles. Kung si Dr. Rizal ay nabibilang sa hukbo o ehersito ni Ark. Raphael siya ay kinatawan ng siyensya ng medisina ni Ark, Raphael. Dahil dito ay hindi paglaktaw sa kapangyarihan ng dakilang Arkanghel na ito sakaling kayo ay humingi ng tulong kay Dr. Rizal sapagkat siya ay nagmimisyon sang-ayon sa kahingian ng kanyang kalagayan bilang hukbo ni Ark. Raphael.
Kap. Ba: Mayroon po ba ng higit na kapangyarihan kung ang isang taong may karamdaman ay kay Ark. Raphael dumiretso sa paghingi ng tulong kaysa kay Dr. Rizal?
AG: Ang paghingi ng tulong sa kabatlayaan, ang lakas (fuerza) at kalakhan ng inyong nahahapit ay sang-ayon sa uri at kakayahan ng humahapit at hindi ng hinahapit. Samakatuwid baga ay kung ang isang humihingi ng tulong kay Dr. Rizal ay taos sa puso at nasa angkop na kalagayan ng paghapit, kung kukumpara ninyo sa isang humapit na dumiretso kay Ark. Raphael na pa ekis-ekis ang kanyang konsentrasyon o kaparaanan ng kanyang paghapit, mas malaki ang kanyang mahahapit ng isang tumawag kay Dr. Rizal na tumpak ang paraan kaysa tumawag kay Ark. Raphael na mali ang kaparaanan.
Kap. AR: Kusang-loob po ba ang mga arkangheles ang pagtulong sa mga tao, o ito ay dikta ng Diyos? Ang ibig ko lamang pong sabihin ng dikta’y iyong pag-aasign sa kanila. Isa pa pong tanong, iyon po bang grado ng mga arkangheles kasing grado na rin ng Kristo? Ang saan grado po?
AG: Una una’y walang diktador sa sandaigdigan, sa sangkalakhan; ang lahat ay gumagalaw sang-ayon sa batas ng kalikasan at ng siyensya okulta na kabatlayaan. Ang hirap sa inyo, mga kapatid, ginagawa ninyong personalized ang Diyos at ang mga batlaya. Ang lahat ng iyan ay iisa na gumagalaw lamang sang-ayon sa kalikasan. Iba ang kalagayan ng tinatawag na Kristo at iba ang kalagayan ng mga arkangheles. Huwag ninyong lalagyan ng personalidad ang kabatlayaan.
Kap. PB: Ayon po sa aming narinig sa pagpanaog ng isang diwa sa bawat daigdigan ay inihahanda ang kanyang isasabuhay. Ang akin pong tanong: Una, kung sakaling malaman at makita ng isang diwa na magiging napahirap ang kanyang isasabuhay bilang isang diwang natakot ay mayroon be siyang kalayaan na siya ay umatras? Pangalawa, ito po ba’y pahihintulutan ng Diyos? Pangatlo, magiging kasalanan po ba ito ng diwang yaon?
AG: Una una’y walang retroseso o walang atrasan sa daigdig. Ang pagkakapaghanda sa isang tao sa bayan ng mga batlaya para sa kanyang muling kapanganakan sa lupa ay timbang na timbang ang kanyang kahandaan na kaalaman sa suliranin na kanyang daranasin sa buhay. Kung nagkakaroon ng retroseso, ang nasabing nakahandang kaalaman ng tao, muli na siya’y nagkamali, muli na siya’y nagkasala mapakiharapan ang kanyang tungkulin na makapagbayad-utang. Kaya nga at sa pagkakataong ito ay sasabihin ko sa inyo, mali ang inyong kapaniwalaan na nakatakda na ang kamatayan ng tao hindi pa man siya ipinanganganak sa lupa. Hindi totoo ito. Hangga’t ang tao ay nagiging kailangan at nakatutupad ng kanyang misyon na dapat tuparin sa buhay na iyan, siya ay magpapatuloy na mabuhay sa lupa upang kanyang maisa-alang alang ang kanyang tungkulin at ang kanyang pag-aaral sa karanasan. Datapwat kung siya ay matatapilok, masusubsob, at dahil diyan ay nangyayaring kakailanganin pa niyang makagawa ng higit na pagkakautang at pagkakasala, diyan mangyayaring hinuhubad sa kanya ang kanyang katawang-laman upang muli siyang ihanda sa muling pagkakataon ng kanyang pagbabayad-utang. Hindi totoo na nakatakda na ang kamatayan ng tao. Ang nagtatakda nito ay ang inyong mga paggawa (performances). Sa pagdadala ng inyong tungkulin at sa pagpapalaganap ng inyong kaalamang dapat pakinabangan ng inyong kapwa, magpapatuloy kayong mabuhay sapagkat nagiging mabunga ang nasabing kabuhayan.
(Note: ang nagpapa-igsi ng buhay ay iyong patuloy sa pagkakasala kung kaya at babawiin ang buhay upang hindi masayang ang layuning magpakabuti. Ang nakapagpapahaba ng buhay ay kung sa kabuhayan ng isang tao ay siya ay mabunga, kapakinabangan ng kanyang kapwa)
Kap. PB: papaano po namin maaaring bigyan ng depinisyon yaong sinasabing ipinaglihi na, datapwat nakunan at hindi tumuloy. Dahil ang amin pong paniniwala hanggang ngayon ay may umaatras na espiritu.
AG: Hindi. Ang pagkakaunawa ng isang ina sa kanyang sanggol, iyan ay katuruang ibinibigay ng panahon sa magulang ng nasabing sanggol, sapagkat pagdadalang-tao ng isang babae ay mayroon na siya ng mahalagang tungkulin na pangalagaan: una, ang kanyang katawan at ang kanyang kalusugan; pangalawa ay ang kanyang damdamin at pag-iisip; pangatlo ay ang pag-unawa niya sa kanyang kaisang-puso. Kung pinagkukulangan ng ina ang mga bagay na ito, nagiging kadahilanan ng abnormalidad ng kanyang ipinagdadalang-tao sapagkat ang pagdadalang-tao ng isang babae ay hindi karakarakang naroroon na ang tunay na tao kungdi pagsipot pa lamang sa maliwanag ng sanggol, pagbukana ng ulo ng bata, doon pa lamang sumasalubong ang laso pluwidiko na itatali sa kanya ng tunay na taong (espiritung) mananahan. Dahil diyan ay hindi ninyo masasabing umurong ang tao kungdi binigyan-leksyon, binigyan ng pagkakataong pag-aralan ng mga magulang ang pangyayari sa kanila.
Kap. Ba: Ang susunod na katanungan po ay mayroon ng kaugnayan kay Ark. Miguel na sabi natin ay siyang nagdedestino ng lahat ng mga diwang enkarnado at dis-enkarnado. Kung halimbawa po natin, ako ay nakapasa na sa mundong ito, nalaman ko na kung ano ang dapat pag-aralan dito; ako ay namatay, samakatwid po kinakailangan na ako ay malipat na sa pang-anim na baitang ng daigdigan. Kung sakali po ba na ayaw ko munang malipat na sa ika-anim at gustuhin ko na magpalumagak dito sa ikalima, ito po ba ay ipagkakaloob sa akin? Iyong po namang pagka-ibig ng isang taong magpalumagak sa Planeta Quinta ay hindi naman ito forever, hindi naman po sa lahat ng panahon. Ito po ay bunga lamang ng kanyang pagnanais na matulungan ang kanyang naiwan dito sa lupa.
AG: Una una’y hindi mo maiisip iyan sa iyong pagkatunay na tao (Espiritu) sapagkat lahat ng nagnanasang pumaimbulog at hindi mahulog. Ang pagnanasang manatili sa Planeta Tierra o dito sa ikalimang kapatagan ay likas lamang sapagkat ang hinuhod ng sumusunod na antas ang siyang sumusubaybay o pumapatnubay sa kapatagan, kaya nga at tumutupad ka rin ng iyong tungkulin sa kapatagang ito. Oo nga, ngunit sinasabi ko sa inyo, hindi mo nanasaing manatili ka pagdating ng panahon.
Kap. Ba: Opo, pagdating ng panahon saka po ako lilipat sa susunod na planeta.
AG: Hindi mo nanasaing manatili ka dahil sa iyong mga mahal na hinlog. Nanasain mong pumaimbulog ka upang higit na ikaw ay makatulong.
Kap. IB: Ayon po sa pamahalaang pangtao, ang pangulo po ay hinirang ng kanyang mga katulong upang siyang mamahala ng iba’t ibang sangay na administrasyon, at kung mayroon pong mga mamamayan na dumudulog at humihingi ng tulong direkta sa pangulo ay ipinadadala po ito sa kanyang mga katulong na mga ministro. Ganyan din po ba ang nangyayari kung ang isang tao ay dumadalangin at humihingi ng tulong na direkta sa Diyos? At kung magkakaganito po, hindi po ba mali ang nakagawian ng mga tao na ang lahat ng kanilang hinihinging tulong ay dinidirekta sa Diyos?
AG: Kapatid, kailangan ko marahil na ipaliwanag sa iyo sa isang mababaw na halimbawa. Isang bolang bilog, saan mo man tumbukin, ang bolang ito tinumbok mo ang bola, hindi ba? Ngunit, baha-bahagi ng bola ay mayroon ng kani-kaniyang function, hindi ba? Datapwat ang function na ito ay kaugnay ng kabuuan ng bola. Iyan ang akin tugon.
Kap. IB: Mayroon pa po akong isang katanungan, nabanggit po sa abotsabi ng Ark. Uriel noong Marso 30 na ang planeta Quinta ay nasa ikalimang baitang ng 49 na hagdan ng pagkasulong. Maaari po bang malaman iyong binanggit din po na planeta Quinta ay kabilang doon sa planeta Primero hanggang Septimo?
AG: Linawin mo ang iyong tanong. Ang planeta Quinta ay ikalimang planeta.
Kap. IB: Ikalimang planeta po. Ito po ba ay sa hanay ng mga planetang nasa Uniberso na binabangit din po ng Ark. Uriel na mula sa primero hanggang septimo?
AG: Apatnapu at siyam na baitang ng pagsulong, ang planetang ito ay nasa ikalima.
(Note: walang kinalaman ang pagkakasunod-sunod sa kalawakan kungdi ang grado ng pagsulong)
Kap. IB: Iyon lamang po.
Kap. Ba: Mahal na Protektor, mayroon po itong kaugnayan kay Ark. Gabriel. Ang sabi po sa pahayag ay nagmateryalisasyon siya ng makalawa. Ang sabi rin po ang mga arkanghel na iyan ay hindi nagkatawang tao, samakatwid po ay wala silang peri-espiritu. Ang sabi po natin ang ginagamit ng mga tao sa pagpapakita o sa pagmamateryalisasyon ay ang kanilang peri-espiritu, eh bakit po nakapagpapakita ang mga arkanghel kung wala siyang peri-espiritu?
AG: Ang kapangyarihan na tinataglay ng tagapamahal ninyo sa kapatagang ito ay lagom ang kaangkinan ng kapatagang ito, nagagamit, naiwawasiwas, naisusuot, nahuhubad. Dahil dito’y nangyayari ang materyalisaysyong ito sa inyo na hindi pa nangyari sa bawat arkanghel na iba na nabibilang sa mga hukbo (ehersito).
Kap. Ba: Tungkol po naman sa pagiging planeta Quinta ng ating daigdigang ito, ang ibig pong sabihin, kaming mga taong naririto ay nasa ikalimang grado. Ang tanong po ay ito, dito po sa ating daigdigan ay mayroon ding mga aso at mga ibang hayop, ang ibig po bang sabihin nito ay magkasing grado kami, fifth grade na lahat?
AG: Hindi, ang mga hayop ay bahagi ng reyno animal, ang tao ay reyno personal. Sa dalawang salitang iyon ay maaadukha na ninyo na magkaiba. Gamit ng tao, kasangkapan ng tao sa kanyang buhay, ang lahat ng bumubuo sa reyno animal.
(Note: bawat reyno ay may kanikaniyang grado na hindi katulad ng nasasa ibang reyno. Halimbawa: mineral, behetal, animal, personal. Sa reyno personal dito nabibilang ang tao, at ang tao ang pinakalooban ng kapamahalaan sa lahat ng laman kung kaya ang tao ay nasa isang higit na mataas na grado)
Kap. CB: Mayroon po lamang akong gustong malaman mahal na Protektor, ang pagkaka-alam ko po ang lahat sumusulong, ito pong daigdig natin na nasa ikalimang planeta, ito po ba ay susulong?
AG: Maganda ang iyong tanong. Ang pagsulong ay dala at bitbit ng gumagamit sa kanya. Kung ang mamamayan ng kapatagang ito ay sumusulong, bakit ang planetang ito ay hindi kasamang susulong? Lahat ng bagay ay sumusulong, walang umuurong.
Kap. CB: Samakatwid po, mahal na Protektor, darating ang panahon na ito ay hindi na planeta Quinta?
AG: Iyan din ang tawag natin sa pagkakaunawaan ngunit hindi nga iyan ang tunay, para lamang tayo magkaunawaan.
Kap. CB: Samakatwid po, itong ating pagka-planeta quinta po ay sa pagkakaunawaan din?
AG: oo.
Kap. Bi: Napag-usapan po iyong nauukol sa hindi itinakda ang kamatayan ng isang tao bago pa siya ipanganak at nagpapatuloy siyang buhay kung nagkakaroon ng kapakinabangan ang buhay niyang ito. Noong Lunes po ay napag-usapan namin ang isang kapatid na tila ba siya ay nakalilikha ng maraming kaisipan, na kung tawagin naming mga to ay ito ay nasa panglawang pagkabata. Para sa aming paghatol ng mga nabubuhay sa dagidigang lupa ang gayong katayuan ng isang nilikha ay hindi na nagiging kakaki-pakinabang, ngunit nakikita namin na patuloy pa ang kanyang buhay. Sa papaano po maaaring ipaliwanag na ang pagpapatuloy pa ng kanyang buhay maging nasa gayong katayun ay nagiging kapaki-pakinabang pa?
AG: Una una’y, lumalabasa tayo sa paksa, hindi ba? Sa ibang pagkakataon hilingin mo sa akin ang bagay na ito.
Kap. Ba: Mahal na Protektor, ano po ang sagisag ni Ark Salatiel?
AG: Lyra.
Kap. PB: Ang pagkakasabi po ang hawak o sagisag ni Ark Uriel ay ang Banal na Aklat. Dito po ba kaya natatala ang mga banal na gawain ng tao?
AG: Unang una’y hindi sinabing Banal na Aklat, kungdi, Gintong aklat.
Kap. PB: Opo, gintong aklat. Samakatwid po pala ay ang natatala dito’y puro mahahalaga. Iyon pa ba na mga mahahalagang bagay ng ginawa ng tao, mga kabaitan at pagpapa-unlad ng tao ay dito po ba kaya nasusulat?
AG: Ang gintong aklat ay sinonimo ng karunungan, siyensya, hindi ng moralidad at iba pa. Kung tayo ay papasok sa siyensya itanong mo sa akin sa loob ng aklat na iyan.
Mga kapatid, gaya ng aking nasabi na, ang karunungang lihim ay yaong karunungang hindi pa nalalaman ng pangkaraniwang, subalit kapag ito ay nahayag at nalaman hindi na ito karunungang lihim. Ito ay karunungang hayag. Sa mga pananalitang ito ay sinasabi ko sa inyo, kung aking inihayag ang mga bagay na aking ipinahayag sa inyo, ay sapagkat marahil ay hindi napapanahon na mapukaw ang inyong diwa at maantig ang inyong damdamin na pag ayaw-ayawin ninyong timbangin at lagyan ng kapangyarihan upang ito ay maisa-alang-alang ninyo sa katuparan, sapagkat ganyan lamang matututo ang isang tulad ninyong nagnanasang mag-aral ng higit pa sa pangkaraniwang kaalaman gaya na nga ng siyensya.
Hindi ko matalakay sa inyo ngayon, at mahihirapan kayong umunawa, kung ano ang likas na kapangyarihan ng bawat isa sa amin, ang pagkaka-iba’ iba ng kapangyarihang ito, ang pagkakaiba’t iba ng magiging kahayagan, at ano ang magiging epekto sa sangkatauhan o sa isang taong tulad ninyo na nag-aaral ng karunungang ito. Darating ang panahon na tayo ay magkakaroon pa ng pagkakataong isalaysay ang mga bagay na hindi ko maihayag sa inyo sa kasalukuyan sapgkat nhindi ninyo ako mauunawaan. Pinilit kong salitain, pinilit naming ihayag sa inyo sa lalong mababaw na pananalita ang mga bagay na sapagkat hiniling ninyo ay kinakailangang amin kayong pagbigyan. Sa susunod na pagkakataon ay saka ko tatalakayin ang sumusunod na mga arkangheles na hindi ko pa nababanghay sa inyo. Hanggang dito mga kapatid.
Hinahangad ko ang kataimtiman ng inyong pagnanasa na masapol ninyo ang kahalagahan ng ating pag-aaral na ito, at huwag kayong matakot sa pagdadala sa katuparan ng mga bagay na kinakailangan na inyong isakatunayan. Kayo na mga kaptid na natatako sa mga suliranin at hirap ng buhay, kayo na natatakot sa kaguluhan ng inyong sambayanan, ito ay dapat na inyong puwingin at alisin sa inyong pag-iisip sapagkat ito ay inyong kailangan. Paanong kayo ay matututo nang hindi aaralan, at ang pagtuturo ng mga batlaya sa tunay na diwa nito ay hindi sa salita kungdi sa karanasan. Hindi kayo magkakasundo habang kayo ay nakahalukipkip. Magkakasundo kayo pagdating ng panahon kung kayo ay nagsasakitan sa isa at isa, kung nasukat ninyo ang inyong lakas, kung natimbang ninyo ang inyong kakayahan, kayo rin ag makapag-iisip kung anong katariungan ang karapat-dapat sa inyo.
Huwag kayong malibang, ni huwag kayong malito, dumarating ang mga panahong itong ang eksameng espirituwal ninyo ay dumaratin. Sasabihin ko sa inyong kailangan ninyo ang gobierno espirituwal sa ibabaw ng lupa.
Ano ang pamamahalang espirituwal (gobierno espiritual) na ito, mga kapatid? Ang inyong natutuhan, ang inyong napag-aralan, ang inyong mga naranasan ay kailangang ipalaganap ninyo at isubo sa maysakit na sangkatauhang ito, sapagkat hindi ninyo mapahahari ang kapayapaan sa inyong bayan hangga’t hindi ninyo nagagawa sa katunayan ang gobierno espiritual.
Kapayapaan at kaliwanagan nawa ang maghari sa inyong mga puso. Paalam, Arkanghel Gabriel.
Lunduyang La Humildad
bokabularyo:
madadalumat -Maintindihan, maunawaan, maisip, malirip, mawari.
kinakalupkupan -(engrave), inuukit
pruweba at ekspiyasyon – (challenges and settlement of debts) pagsubok at pagbabayad utang
salasain
sinonimo (synonym)
pumaimbulog -paglipad paitaas
1986-06-29 ARK GAB-TE
Sumainyo ang pagpapala ng kaluwalhatian sa mga langit at maghari nawa sa inyo ang kapayapaan sa lahat ng dako.
Sa maalab na pagnanasang makamtan ang karunungang malabatlaya nauunawaan kong mapilit ang inyong pagsisikap na higit na makuha ang katas ng karunungang lihim na ipagkakaloob sa iyong panahon.
Ito ang kapuri-puri sa inyong panig at kagalakan naming alinsunurin ang inyong pita, paliabhasa’y ang kalihiman ay mananatili lamang lihim hangga’t iisang panig ang nag-iingat; subalit kapag ito ay naibulong na sa katabi, sa kaugnay at kadiwa, ito’y hindi na tinatawag na kalihiman kundi ito’y isang kaalamang-hayag.
At ang nalalabi na lamang sa pinaghahayagan ay ang ito ay ariing isa pang pananagutan ng kanyang pagkatao, upang kanyang magamit sa katuparan ng kanyang pagkatao, upang kanyang magamit sa katuparan ng kanyang mga tungkuling hindi iniatas ng sino man sa inyong kapaligiran, kundi ito’ y kalikasang hinihingi ng inyong pagkataong kinakailangang pumusag sa pagsulong sa kamulatan sa mga bagay na kayamanan ng daigdigan.
Mga kapatid, dahil dito ay ipinauubaya kong ibigay sa inyo ang pagkakataong ito upang ihatid sa inyo ang mga bagay na naiibia sa inyong kaalaman at pagkakilala. Nasa sa inyo ang mga pananagutan kung papaanong ito ay inyong iwawasiwas sa pamamagitan ng inyong diwang nagpupuyos na makagampan ng mahahalagang tungkuling hinihingi sa inyo ng pagkakataon.
Arkanghel Uriel
Tayo’y natigil sa ikatatlong kalayagayang naihayag na sa inyo, at ang ika-apat sa pamahalaan ng mga langit ay si Arkanghel Uriel na nananagisag ng aklat at pansulat o pluma. Ito ang nakasasakop sa lahat ng uri ng nakikilala na at di pa nakikilala o natutuklasan ng tao na agham o siyensiya.
Sa kanyang pamahalaan, nahahapit ng pag-iisip ang mga simulain ng siyensiya na buhat pa noong una, na nakatala sa inyong panahunan at hanggang sa ngayon ay nakapagbuo na at natuklasan ang mga bagay na sa bai-baitang ng panahon ay nagsasaad sa inyo ng mga karunungang pinagbabatayan ngayon ng sinasabing bagong kabihasnan ng sangkatauhan.
Si Arkanghel Uriel ang siyang namamahala ng pagpapalaganap sa angkop na talaytayan o kasangkapan ng tao o ng sangkatauhan ng mga bagong tuklas na karunungan ng daigdig. Siya rin ang namamahala sa paghahanda ng kabatlayaang nag-aaral at naghahanda para sa bagong pakikipamuhay sa kapatagang-lupa ng mga tao. Siya rin ang humahalaw ng mga diwang karapat-dapat upang panalaytayan ng kanyang hinuhod upang baguhi ang takbo at paninindigan sang-ayon sa agham ng kabihasanan ng mga tao.
Dahil dito ay mapapansin ninyo na sa kanyang pamamahayag paminsan-minsan ay inyong masisilip ang mga karunungang kung inyong pagsisikapang pag-aralang mabuti ay magdadala sa inyo sa pagbabagong pagkakilala sa mga bagay na pangkaraniwan na kinakailangang iangat.
Siya’y higit na mauugnayan ninyo kung lagi nang mayroon pagnanasa kayo sa tumuklas ng kaalaman na sukat na pakinabangan sa sangkatauhan. Siya rin ang laginang sumusubaybay sa inyong tinatawag na mga siyentipiko na nagsusunog ng lakas, panahon, at karoonan ng pagkatao dahil lamang sa hangarin makalikha nga panibagong sangkapin ng karunungan sa daigdig.
Isa na rito at pinakahuling nasumpungan ay ang mga sasakyang tumutungo sa kabila ng inyong daigdig na ito ng mga planeta, na balang araw ay madidilat na lamang kayo na ang bagay na ito’y makapagdaragdag ng maraming bagay sa kapatagang ito ng planeta Quinta, buhat sa planetang Buwan at Marte. Ito ay inyong tandaan at itala sa inyong palatandaan ng mga pangyayari.
Ang dalawang siyensiya
Ang mga sasakyan panghimpapawid na ito ay tagumpay ng siyensiya, hindi lamang ng siyensya materyal kung hindi ng siyensiya espirituwal, sapagkat ang tinuklas ng mga manglilikhang nabanggit ay ang masidhing pakiki-ugnay hindi lamang isa o dalawa, o tatlo, kung hindi bumilang ng napakaraming diwa upang ang kolektibang ito ay pag-isahin at pagsugpong-sugpungin ang nasabing kahayagang espirituwal na inilagay sa nasabing tuklas na manglalakbay na panghimpapawid o manlalakbay sa planetariya.
Arkanghel Salatiel
Ang ikalima ay si Arkanghel Salatiel. Ang kadakilaan ng kalagayan nito’y nasa tinig sapagkat siya ang sugpungan ng lahat ng tinig na pandaigdig. Sa ibang salita, siya ay ang karoonan ng musika. Lahat ng manlilikha ng awit, lahat ng mangangantang pandaigdig, manunugtog, manlilikha ng tugtugin, ng harmoniya ng tugtugin o ng tinig, ito ay galing sa karoonan ng o ehersito ni Arkanghel Salatiel.
Ano ang kahalagahan ng musika? Ang laro at halaga ng mga nota? Ang tiyempo at espasyo nito? Ito ang pinakamalapit sa siyensya okulta sapagkat ang isang malilikhang-awit ay ipinipikit ang kanyang mata at dinudulang sa kanyang pag-iisip ang halaga ng isang not, ang tiyempo nito, at ang harmoniyang lilikhain pagkatapos.
Bakit ko sinabing ito ay pinakamalapit na tumutugon sa siyensya okulta? Sapagkat ganyan ang buhay, kung ang kabuhayan ng tao ay ilalagay sa isang tugtugin na hindi disintunadao at mayroon harmoniya, bibigyan ng buhay na ito ang halaga ng bawat pintig ng kanyang puso at lundag ng kanyang pag-iisip at karoonan ng kanyang damdamin upang makalikha ng isang matamis na harmoniyang kagiliw-giliw.
Ang halaga ng isang nota ng musika ay katulad ng isang kabuhayan ng tao sa lupa na kailangang maging husto sa tiyempo at espasyo kung ninanais na sumalandas ang kabuhayang ito ng isang depenidong perpeksyon na tungo sa walang hanggan.
Sapagkat ang depenidong perpeksyoon na tumutungo sa walang hanggan (infinito) ay espirituwal. Inaaliw kayo ng isang tugtugin o isang awit na kung inyong didibdibin ang nasabing tugtugin o awit ay bahagyang pinaparam ang suliranin sa inyong pag-iisip, binubura ang inyong kapootan or ang inyong kalungkutan, dinadala kayo sa mataas na alang-ang ng kagandahang ng nasabing harmoniya ng tugtugin.
Paano ninyo sasayawan sa inyong buhay ang tugtugin ng buhay? Mga kapatid, huwag ninyong limutin na bigyan ng pansin ang halaga ng tiyempo ng notang kasalukuyang napapanahon sa inyong buhay, maging ano man ito, maging tagumpay o kabiguan sa inyong salita, maging kagalakan o kalungkutan, maging sa inyong salita ay kapahamakan o kabiyayaan.
Huwag ninyong bibitiwan ang tiyempo at halaga ng isang nota at iyan ang inyong kabuhayang kasalukuyang itinataguyod. Dinadala kayo ng musika sa alapaap ng pangarap, na ang pangarap na iyan ang simulain ng kaluluwang naghahangand ng kaluwalhatian ng mga langit.
Dahil dito, kung kayo’y maingat at masinop sa pagdadala ninyo ng inyong pagkatao sa ibabaw ng lupa, bawat pitlag ng inyong pagnanasang makagawa at makayari ay ilagay ninyo sa tiyempo at espasyo ng nota ng musika na umaalalay sa inyo.
Arkanghel Malakiel
Ang ika-anim ay si Arkanghel Malakiel. Ang kanyang sagisag ay redoma ng apoy. Ano ang kahulugan ng redoma ng apoy? Ang batas ng kalikasan na kailangang tunawin sa pamamagitan ng pagsunog ng laht ng materya sa kanyang panahon.
Sapagkat ang isang batlayang wala na, kung mangyayari, ng misyon sa kapatagan ng materya, alalong baga’y sakaling nakatupad na ng ekspiyasyon at pruweba o pagsubok at pagbabayad-utang, wala na siya ng alagataing panglaman.
Bakit nawala ang alagatain ito? Sapagkat sinunog, sinira ng apoy ni Arkanghel Malakiel. Alin ang apoy na ito ng kanyang redoma? Ang pang araw-araw sa lahat ng panahon ng katuparan ng ekspiyasyon at pruweba ng tao, ay apoy na dumudila sa kanya upang sunugin at alisin ang kagaspangan ng kanyang pagkatao, upang tunawin ang kanyang buto, upang maging malaya at mapayapa ang kanyang kaluluwa.
Sa lahat ng panahon ng tao sa lupa ang apoy na ito ay dumidila sa kanyang bumbunan upang kanyang tanggapin ang kabinyagang sa kanya ay itinalaga. Ang kanyang paghihirap, ang kanyang sakit, ang kanyang suliranin, ang kanyang kabiguan, ang kanyang pag-aalinlangan, ang kanyang kapalaluan, ang kahibuan ng kanyang katawang-lupa.
Ang lahat ng ito ay dapat na iwasak at sunugin upang magkapuwang ang kalayaang makatupad ng tungkulin ang isang kaluluwang buhay na upang maka-alpas sa mga tali na laman na ito ay kinakailangang siya ay dumaan sa init ng apoy ng pagtitiwalag sa kanya sa mga kahinann na iyan ng lupa.
Ito ang sakop ng dakilang batlayang ito, kaya nga at kung kayo ay nagdaranas ng mahigpit na pagsubok na halos ay taas-kamay nang sinusukuan ninyo, umugnay kayo kay Arkanghel Malakiel at siya ang makatutulong na karapat-dapat, sapagkat mayroon ng sakit na kung utay-utay na idinuduro sa laman ay lalong pinaghihirapan ngunit kung ang sakit ay pabigla na ituturok sa inyong laman, sandali lamang ang inyong paghihirap, kung maunawaan ninyo ang ibig kong sabihin.
Mga kapatid, ibibigay ko ngayon sa inyo ang resume ng tatlong kapangyarihang ito ng langit na aking isiniwalat ngayon sa inyo--, ang karunungan, ang musika, at ang apoy. Sino ang karapat-dapat na magtamasa ng harmoniyang sa kanya ay pumapatnubay? Kung ang alok na ang dalawang ito, ano ang kinakailangan mga kapatid?
Kinakailangang ihiwalay ang laman sa buto, kinakailangan iwarat ang kabuuan ng laman na iyan na humahalina ng kababaan, sapagkat hindi na napapanahon sa nasabing tao ang mga bagay na hinuhod ng laman na nasabi.
Kaya lamang iyan kailangang ninyo, kaya ninyo kailangan, ang inyong tainga, ang inyong mga mata, ay sapagkat kayo ay nasa panahon ng inisiyasyong moral ng pruweba at ekspiyasyon ng lupa. Datapwat kung ito ay inyong naraanan at napagtagumpayan, kailangang ninyong iwasaka ang laman na kinakasangkapan upang madam ninyo ang tibukin, ang hinuhod, at maunawaan ninyo ang halaga ng kahinaan ng laman para sa kadakilaan at karoonan ng Espiritu o buhay.
Ito ang mahalagang aral, mahalagang katuruan para sa inyo na nagsasabing hindi inyo ang inyong panahon, hindi ninyo sarili ang inyong katauhan, sapagkat kung kayo ay naniniwalang mayroon ng kapangyarihan sa kaitaasan.
Kung kayo ay naniniwalang mayroon ng diwang nagpapagalaw buhat sa kaitaasan hanggang sa kababaang ito ng daigdig, ay paniwalaan ninyong hindi ninyo sarili ang inyong buhay, hindi ninyo kaangkinang pangtao ang inyong diwa. Kung gayon ay ano ang inyong tungkulin? Ano ang dapat ninyong gawin?
Mga kapatid, buhat sa panahon ng inyong kabataan hanggang sa kapanahunang ito ng inyong kagulangan, ano na ang inyong ginawa? Maiiwan baga ninyo sa inyong talaang pang-alaala na kayo ay nakagawa ng tulong sa isang nangangailangan? Makapagdudulot baga ng kapayapaan sa inyong pagkatao na kayo ay nagsikap na maging karapat-dapat ng inyong kauwa? Ano ang inyong maiiwan at ano ang inyong dadalhin?
Ang buhay ng tao ay tanggap ninyong hindi mananatili sa kapatagang-lupa. Bawat isa ay mayroon ng kanyang panahon upang iwan ang kabuhayang-laman. Iyan ay hindi matatanggihan ng tao, at hindi ninyo mapag-aalinlanganan ni makukwestyong, “bakit ako namatay?”
Sapagkat walang nakatanggi sa kahayagang ito ng buhay ng tao na pagdating ng kanyang panahon ay itatakwil niya at iiwanan ang kanyang katawang-lupa. Saan siya tutungo, ano ang kanyang dala, ano ang kanyang iiwan?
Ang kanya ba na iiwan ay isang kaanakang nabigyuan niya ng wastong paglilingkod at pagtuturo na ihanda niya ang kanyang anak sa pakikipamuha sa daigdig? Naibig niya ang kanyang kabiyak at iginalang ito ng tulad sa paggalang sa kanyang sarili?
Nakapagpatayo siya ng isang tahanang nakawiwiling pagmasdan sapagkat ito ay pinaghaharian ng pagkakaunawaan at pag-iibigan, o nakapapag-iwan siya ng isang tahanang sinaklot ng malaking kadiliman, ng kaguluhan ng pag-aaway-away, ng hindi pangkakaunawaan, ng paglalapastangan sa isa at isa? Kung magkakagayon ay ano ang inyong dadalhin sa inyong pagyao sa inyong tunay na buhay?
Kung ito ang inaalagata ng tao siya ay magdadalawang-isip na hindi niya aaksayahin ang kanyang panahon sa paggawa ng mga bagay na hindi magiging kasiya-siya sa kanyang pagyao. Hindi magiging kaakit-akit na kanyang dalhing pasalubong sa kanyang Ama sa langit ang kaguluhan ng kanyang buhay, ang karumihan ng kanyang pakikipagkapwa-tao ang kanyang pag-iimbot at pagsasamantala.
Itong mga bagay na ito ay maging ano man ang inyong paninindigan at pagkakilala ay dapat na inyong isagunita, mga kapati, sapagkat hindi ninyo matatanggihang isang araw ay kayo ang napapanahon; at kung gayon, tagumpay baga o kabiguan ang inyong kabuhayan sa lupa?
Pag-inagatan ninyo na kung sa inyong paglalakad, kayo ay sinusubaybayan ng nakaaaliw ng awitan ng mga anghel sa pamamagitan ng awit ng mga ibon, sa pamamagitan tinig na nanggagaling sa mga batisan, nag aluy-oy ng tubig nito, o ng mga tinig na nanggagaling sa pagaspas ng mga dahon ng kahoy kung ito ay hinihipan ng hangin, na ipinakikilalang hindi kayo nag-iisa, hindi kayo nangungulila, magpakatatag kayo sa inyong tungkulin, sa panunungkulan na mayroon ng pananagutan, sapagkat ito lamang ang hinihingi sa inyo ng inyong Ama sa langit.
Mga kapatid, magpapatuloy ako sa ibang pagkakataon, mapuspos kayo ng kaluwalhatian ng mga langit, maghari sa inyo ang kapayapaan sa lahat ng sandali. Paalam, Arkanghel Gabriel.
Lunduyang La Humildad
Lunduyang Pangkalahatan
Kap. Trinidad B. Estrada
Ang liwanag at kapayapaan ng aking diwa na sumasainyo ay siya nawang maghari sa sangkatauhan.
Mga kapatid, "ang isa ay hindi maaaring hatiin ng wala", "one cannot be divided by zero". Kayo ay isang kaisahang dumodulog sa dambana ng karunungan at pag-iibigan na ang lema ay ang Espiritismo na taglay ang kagandahan ng inyong pananampalataya sa Diyos dahil sa maalab ninyong pagnanasang umunlad at kung papaano kayo magiging mga tapat na alagad ng katotohanan.
Iisa ang katotohanan, bawa't noong una hanggang ngayon at hanggang walang hangga. Ang iisa, ito ay hindi maaring hatiin at iwaldas ng wala. Maaari kayong mabuhay ng maraming ulit na siya namang nangyayari.
Maaring mawasak ang inyong laman pagkatapos ng ukol sa kapanahunan at ito ay katotohanan. Maaari kayong buuin, i-angat at baguhin ang hugis upang lalong maging dakila ang diwa, sapagka't sa kanyang pahanon, bawa't isa ay a-angat susulong at magiging wagas.
Walang takdang panahon ang kayarian, sapagka't ang buhay ay walang hanggan (eterno), datapwa't sa kabila ng naaabot ng pag-iisip ay isinasalaysay ng mga kasaysayang pandiwa at panglaman na hindi pakamakabila ang pag-ibig at kaalaman ng mga tao sa ikalimang baitang ng kurso ng pasulong.
Kinakailangang kaya ang makarating sa ika-49 na baitang upang matanaw ninyo ang kalawakan, kung saan wala na ng tiyempo (tiempo) at espasyo (espacio) kung saan kinakailangang maging gising ang lahat ng sagisagin ng isang tao na anak ng Diyos upang kanyang panaganahan ang luwalhati ng Mananakop.
Ibinungad ko sa inyo na ang isa ay hindi maaaring hatiin ng wala, at alin ang isang ito o nag-iisang ito? Ang katotohanan sa lahat ng panahon at sa lahat ng dako ng abot na pag-iisip ng isang tao.
Ito ang "bosquejo" ng kanyang mga alagatain sa pakikipamuhay na konsiyente (consiente) sa laman, ito ang kanyang subaybay sa paglusob sa daigdig ng kaluwalhatian na kanyang ninanais i-alay sa katotohanan ng kanyang pananampalataya.
(Dahil dito, hindi maaaring pagtalunan ang isang tao ang kanyang pananampalatayang ito nang hindi nakapagdulot ng ____ kanyang kaluluwa, nang hindi maglalahad ng lihim sa kanyang --- bagabag ng kanyang damdamin na siyang mga ---- ng isang tao sa katuparan ng mga alagataing mabuti sa kaluwalhatian ng pananampalataya sa katotohanan.
Pag-aralan ninyo sa lahat ng sandali ang bawa't pintig ng katuruang malabatlaya ay kayamanan ng inyong buhay upang kayo ay huwag mabilang sa mga ------at upang kayo ay huwag mabigo sa inyong mga alagatain------)
Ninanais kong ang sakit, hapdi at kalungkutang likha ng mga pagbabago ay inyong madampian ng mga bungang hinog ng matapat na pag-unawa sapagka't nakikita na ang mga pagbabago ay patungo sa pag-unlad at pagsulong at hindi sa pagkagiba at pagkawasak.
Ang laman o materya ay nahahati, nagkakabahabahagi, nadudurog at nawawasak maging ang lalo mang matitibay na bagay, sapagka't ang mga ito ay pawang pansamantala at angkop lamang sa pangangailangan ng kalagayan ng isang tumutupad ng mga tungkulin.
Ito ay hindi maaaring makapagwasak o makapaghati man lamang ng kahayagan ng buhay na nagbibigay-buhay sa kanya. Ito ang isang katotohanan na hindi maaaring hatiin ng "wala".
Ang espiritu at laman ay dalawang bagay na hindi magka-uri at hindi magkapantay. Ang una ay tungo sa kadakilaan at ang ikalawa ay tungo naman sa pagkawasak at pagkawala. Ito ay hindi maaaring humati sa iisa. Pag-aralan ninyo ang bagay na ito.
Ang Espiritismo ay samahang pinagpatnugutan ng mga espiritu na aking ipinangako sa inyo buhat pa nang una. Ang mga katuruan dito ay dapat masalig sa mala-batlayang pag-aaral at ang katunayan nito ay dapat makita sa namumuhay na mga kalagayan.
Kung ang isang Espiritista ay natututo, siya ay marunong magsabuhay ng pag-ibig at karunungan, sapagka't ang kanyang lema ay :"Patungo sa Diyos sa pamamagitan ng pag-ibig at karunungan".
Sino ang espiritistang marunong? Siya ay marunong umibig. Sino ang umiibig ng espiritista? Siya na marunong umibig sa sa katotohanan, sapagka't ang katotohanan at siya ay iisa.
Kayo ay hindi pa marunong umibig kung sa inyo ay nahahayag pa ang kapangitan ng masama, kung nakagigimbal pa sa inyo ang kahinaan at kasalanan, kung nakapagdudulot pa ng kalungkutan sa inyo ang kasawian at kung nag-uudyok pa sa inyo ang kasalatan, sa paghahangad sa mga bagay na hindi sa inyo.
Hindi pa rin kayo espiritistang natututo, sapagka't ang espiritistang natututo ay umiibig sa karunungang nagtuturo ng pag-ibig, hindi lamang sa inyong sariling kapakanan at kabutihan kungdi gayundin sa lahat ninyong mga kapatid.
Ninanais kong pag-aralan ninyo ang mga bagay na ito at hinahangad ko sa taong ito ang pagbabago. Hinihiling ko na ang abotsabing ito ay makarating sa lahat ng luduyan upang pag-aralan o maging paksa ng mga pag-aaral.
Ang iyong MAESTRO
*for editing, then for uploading to abotsabi.com

Comments
Post a Comment