1982-2009, Koleksyon - Apostol Pedro

 








2009-04-19, SB

Sumainyong biyaya at kapayapaang nagmumula sa kalangitan ang siyang inihahandog sa lahat at bawat isa sa pangalan ng Panginoong Hesukristo ngayon, at magpakailan pa man.

Minsan pa ay bumabati ang kaitasan, gayundin ang mga kabatlayaan sa lahat at bawat isa, sa aking mga iniibig na inihayag, na inaaralan, na muli, nagpaunlak sa paanyaya ng Dakilang Panginoon sa piging na laging inihahanda sa lahat at bawat isa.

Tunay ngang masagana na ba muli na inihandog ng kaitaasan at sagana rin sa hapag ang ipinagkaloob ng kabatlayaan. Magsaganang pagkain na isang katuparan ng Kaniyang winika sa Banal na Kasulatan “Hindi lamang sa tinapay mabubuhay ang tao, kundi mabubuhay ang bawat isa sa pamamagitan ng mga salita na nagmumula sa bibig ng Dakilang Diyos.”

Saganang hapag, na kung saan ay hindi inilatag ng kabatlayaan at minsan pa ay inaasahan sa lahat at bawat isa na kayo'y makakuha ng inyong bahagi na naaayon sa inyong panlasa at ito'y patuloy ninyong pag-aralan, saliksikin, alamin kung ano ang katuturan sa kabuuan ng mga pagkaka??? inihandog sa bawat isa sa araw na ito?

Tunay nga, na kailan man ay hindi nagkulang ang kaitasan upang ihatid ang magagandang aralin sa lahat at bawat isang tinawagan, upang makisalo at makipag-aral sa mga kabatlayaan na isang ipinangako buhat pa noon dakong una na isusugo sa inyong kalagitnaan.

Tunay ngang mapapalad ang bawat isang nagpapatuloy, hindi nagsasawa, hindi napapagod, nagsisikap na maglingkod alang-alang sa Panginoong Diyos, na Dakilang Guro. Tunay nga mga iniibig na inaaralan, sapagkat hindi man nakikita nang aking mga iniibig ang Dakilang Panginoon, nariyan pa rin sa kailaliman ng inyong pagkatao ang isang hangarin na kayo'y makaganap ng inyong mga tungkulin sa harapan ng Dakilang Panginoon.

Tunay nga ang Kaniyang winika “Mapapalad ang nakakita at ito'y nanampalataya. Subalit higit na mapapalad ang hindi nakakita, subalit patuloy na nanampalataya.” Patuloy na nagsisikap na gumawa ng ayon sa kalooban ng Dakilang Panginoon.

Nawa'y ito na nga ang kahandugan sa bawat isang tinawagan, kaya namin matatawag na mapapalad, masisipag na manggagawa sa ubasan ng Dakilang Panginoon at hindi kailan man magsasawa at kailan man ay hindi mapapagod.

Patuloy na hinahalina ang bawat isa na mag-aral, makinig sa kabatlayaan sa mga aralin na laging inihahain sa inyong kalagitnaan. Inaasahan na hindi sasayangin ng bawat isa ang oras at panahon upang hindi makabahagi nang mga pag-aaral sa tuwing sasapit ang banal na gawain na tulad nito.

Katotohanan din na hinahanap na ng Dakilang Panginoon ang tunay na katibayan ng bawat isa bilang na matatawag na marurunong, matatalino nang mag-aaral sa mga sandaling ito at sa mga darating pang panahon sa kalagayan ninyong madadaanan.

Sapagkat tunay din na kayo'y inihalintulad sa isang punong kahoy na binabanggit sa Banal na Kasulatan, ang punong igos na sa pagdating ng Dakilang Panginoon ay hahanapan ng ang punong igos na ayan ng kaniyang bunga sa kaniyang kalagayan.

Sapagkat tunay nga na hindi nagkulang ang kalangitan upang maghatid ng dilig, nang kaniyang handog na namumula sa silong ng langit. Umaasa ang Panginoon na makita ang bunga ng punong igos na ito. Subalit kayo din ang nakababatid kung ano ang naganap sa punong igos na yaon, muli't kinakitaan ng kaniyang bunga.

Harinawa na ang lahat at bawat isa na nagsisikap na makisalo sa mga kabatlayaan, nagsisikap na makipag-aral sa mga isunusugo ng Dakilang Panginoon, maihalintulad na kayo, sana nga, ang bawat isa, sa sanga ng punong ubas na binabanggit din sa Banal na Kasulatan, na sa malayong panahon ang nangyaring kalagayan.

Kinakitaan ng masaganang bunga upang ito'y magkaroon ng kabuluhansa kaniyang kalagayan at kanya rin ang higit na nakakaalam at nakababatid, mga iniibig na mag-aaral, kung anong uri saan na kayo ng ubas sa ginagampanan ninyo sa inyong mga gawain.

Kung kaya nga banggit din sa Banal na Kasulatan kung ano ang magiging kalagayan ng isang sanga na hindi nagbubunga sa kaniyang kalagayan. Nawa'y hindi nga kayo maihalintulad sa mga nabanggit na halimbawa na nakatala sa balumbon ng aklat.

Sapagkat kailan man hindi nagkulang ang kabatlayaan na iparinig sa bawat isa, sa iba't-ibang kaparaanan, sa iba't-ibang dako ng mga lunduyan na kung saan ay inihatid kayo ng kabatlayaan upang makipag-aral.

Makisalo sa kabatlayaan na siyang katuparan ng Kaniyang winika na “Ang bawat isang mananampalataya ay Kaniyang ipaghumingi ng araw ng Panginoon.” Ang araw na kung saan makikisalo ang bawa't isa sa pigi na laging inihahanda ng Dakilang Panginoon.

Mga iniibig na inaaralan, ang panahon, ay wika nga “hindi nagbibiro;” ang panahon ay mapanganib. Kailangan ng bawat isang manlalakbay ang sapat na lakas na gagamitin ng bawa't isa, upang kayo'y handang makibaka sa anumang uri ng pagsubok, ano mang mukha ng panahon na darating sa kalagayan ninyo sa inyong kasalukuyan.

Mananatili kayo na inaasahan ng kabatlayaan, magiging matatag na sundalo ng panginoon na kailan man ay hindi mapapagod makibaka alang-ala sa tawag ng tungkulin; alang-alang sa hangarin ng bawat isa na kayo'y magtagumpay upang mabuo ng ating mga iniibig na manatili ang tunay na kaluwalhatian na ibinahagi ng Dakilang Panginoon sa lahat ng tinawag, mananampalataya, manggagawa sa ubasan ng Dakilang Panginoon.

Tunay nakasilat ang panahon sa kalagayan ninyong mga tao. Nawa'y mapagsikapang masunod ng aking mga iniibig na mag-aaral kung ano ang kautusan, kung ano ang kalooban ng Dakilang Panginoon.

Kung ano ang mga kahulugan ng mga aralin na paulit-ulit man na ipinaririnig ng kabatlayaan, nawa'y hindi ninyo pagsasawaan pakinggan at pag-aralan. Sapagkat tunay nga, nakikita ng kaitasan ang kahinaan ng tao.

Pagsikapan ninyo sa mga panahong taglay ng bawat isa ang lakas. Magpapatuloy nga kayong mag-aral, makisalo sa kabatlayaan, mag-impok ng lakas hindi binibigay ng sanglibutang ito, kung di ang lakas na ibinibigay ng Dakilang Panginoon sa lahat ng tinawagang manggagawa sa Kaniyang ubasan.

Nawa ay hindi kayo mapagod manalangin, gumanap ng inyong tungkulin lagi na sa lunduyan na kung saan kayo tinawag, sa mga pag-aaral tulad pakikisalo sa mga kabatlayaan. Nawa'y hindi kayo magsawa sapagkat narito ang tunay na katuparan ng pangako ng Dakilang Panginoon na ang lahat at bawat isa ay hindi pababayaan sa ano mang kalagayan ng tao.

Ang pangako kailan man ng Dakilang Panginoon ay hindi maglalaho. Ano nga ang winika “Mawala man ang langit at ang lupa, katapat ay kudlit ng Kaniyang mga Banal na Salita ay di kailan man mawawala.”

Samakatuwid, buhay sa bawat isa ang pangako at katuparan ng lahat ng bagay na mayroong pag-asa na ibinibigay ng Dakilang Panginoon sa bawat isang mag-aaral. Nawa'y panghawakan ninyong mainam ang mga turo ng kabatlayaan sapagkat ito ang magdadala sa inyo sa tunay na katalinuhan.

Magmahalan kayo sa isa't-isa. Huwag ninyong hintayin ang panahon sa lumubugan ng araw bago kayo umalinsunod sa kautusan ng Dakilang Panginoon. Ang umaagang.... kung papaano kayo gumagawa nang mayroong katotohanan at mayroong katapatan sa pagtupad ng inyong tungkulin lagi na, sa tuwing sasapit ang banal na gawain na katulad nito.

Sa tuwina maging magiliw sa inyong mga tahanan, kung papaano kayo gumagawa, paano kayo nakikisalamuha sa inyong mga mahal sa buhay, sa inyong kapuwa, sa inyong kapaligiran, kung papaano kayo nakapaghahandog ng talsik ng liwanag sa inyong kapaligiran, sa buong daigdig. Tulad ng pagbibigay ng liwanag sa dilim sa inyong kapaligiran.

Nawa'y magpatuloy kayong na mayroong kasiglahan. Ito lamang ang bahagi na aking iiwanan sa bawat isang muli ang biyaya at kapayapaan ay aking iniiwan at nawa'y ang pag-ibig ng Dakilang Diyos ang siya nawang lagi nang maghari sa inyong kapaligiran, sa bawat isa ngayon at magpakailan pa man.

Paalam, ang inyong kapatid sa Espiritu, sa iisang pag-aaral, Apostol Pedro.




 

1997-04-04, RAD

Sumainyo nawa ang biyaya at kapayapaang buhat sa mga langit ngayon at hanggang sa wakas.

Ang lahat sa ibabaw at kalaganapan ng sandaigdigan ay mga kahayagan na nakapaloob ang katotohanan.Katotohanan na ang marami ay nakatali sa mga kalihiman.

At ang mga kalihimang ito ang siyang tinutuklas, siyang sinisikap na alamin kung ano ang nakapaloob, sinisikap na abutin upang sumulong ang kalagayan ng isang tao.

At kung ganito ngayon ang kalagayan ng bawat-isa, samakatuwid, ang pagkakaloob at ang diwang ibinibigay at inihahantad ay nababatay sa kakayahan, sa kaantasang dala-dala ng isang kaluluwa.

Dahil dito, ang lahat ay natatanggap siyang daan upang matamo ang pagsulong. Ang lahat ay natatanggap na siyang susi sa isang matuwid, ang lahat ay natatanggap na siyang pasimula upang marating ang tunay na kaalamang kinakailangang angkinin ng isang kaluluwa.

At kung ang lahat ngayon ay kasangkapan na kailangan ng tao, ang lahat ay mabuti, ang lahat ay karapatdapat sa kanyang kahayagan, ang lahat ay angkop upang marating ng isang kaluluwa ang kawagasan. Kung diyan ngayon ilalagay ang bawat pangyayari, ano ang gawang ihahantad ng tao, wala ang katagang “masama”.

Sapagakat kung kinikilala ninyo na ang tao ay nanggaling sa iisang kapangyarihan, sa iisang karunungan, samakatwid ang lahat, katulad ng kanyang pangungusap pagkatapos na magawa ang lahat ng bagay, “ Ang lahat ay maganda at mabuti.”

Diyan ngayon nakapaloob ang isang pag-aaral na kinakailangang suriin at kilalanin ng tao sapagkat siyang maghahantad ng kabuuan ng kanyang sarili, siyang magpapakilala sa kalagayan ng kanyang kaluluwa, siya ring magkakalag sa kalagayan ng kanyang diwa at ng kanyang kaunawaan.

Na, sa isang sandali na siya ay makakalag at kanilang matuklasan ay naroroon ngayon at nagaganap ang katarungan ng Diyos. Kung ang tao ay nagbuhat sa iisang kapangyarihan, samakatuwid kinikilala ninyong ang Diyos ang pinaggalingan ng lahat ng bagay.

At kung siyang pinaggalingan ng lahat ng bagay, tinatanggap ninyong ang Diyos ay katarungan, ang Diyos ay pagibig, ano ang Kanyang gagawin? Ang hindi ba mabuti? Ang hindi karapatdapat? Ang hindi tumpak? Ang masama na kinilala ninyong mga tao?

Kung ito ngayon ang magiging kalagayan ng bawat isa at naririyan ang hangganan ng pagkakilala ng bawat isa ay pagalinlanganan ninyo ang kadakilaan ng pagkakalikha ng lahat ng bagay at pagkakalalang sa tao.

Ngunit katotohanan na ang iginagalaw ng tao ay sumisinsay sa hindi matuwid sumasala sa batas ng pag-iibigan; lumalabag sa kanyang kautusan. Kung gayon, hindi ba iyan ay isang pag-aaral na kinakailangang inyong kilalanin?

Bakit ang tao na mayroon ng bahagi ng pagka espiritu ng Diyos ay maghahantad yaong mga bagay na wala at hindi bahagi ng sa kanya ay lumalang at nagbigay buhay? Hindi ba iyan ay pag-aaral? Sapagkat kung ilalagay ngayon ninyong kayo ang bunga at ang Diyos ang puno ang mabuti bang puno ay magbubunga ng hindi mabuti?

Ngunit bakit nagbubunga ang galaw ng mga tao ng hindi matuwid, ng labag sa kautusan? Nagbubunga ang galaw, ang kaisipan na hindi karapatdapat samantalang siya ay may bahagi ng Diyos? Samantalang siya ay nagbuhat sa iisang kapangyarihan at malinis?

Kung gayon, sa inyo ay ibinibigay ang batas at kautusan sapagkat nasasa inyo ang kanyang bahagi na siyang kadahilanan kung bakit ang lahat ng bagay ay gumagalaw hindi sa iisang kalagayan kung hindi sa dalawang kalagayan na inyong kinikilala: likas na mabuti at likas na masama.

Ngunit sa kataotohanan ay iisa ang kalikasang tinataglay at dapat taglayin ng tao at iyan ay ang mabui. Sapagkat iyon ang lakas na sa kanya’y ipinagkaloob. Ngunit nang dahil sa mayroon ng katawang lupa na may gaspang at tigas na siyang gumaganap at gumagalaw sa buhay ay nahahati sa dalawa na kinilala ninyong mabuti at masama.

Dahil dito, ang lahat ng iyan ay kahayagan ng kanyang katarungan. Kaya at ibinigay at ipinagkaloob sa iisang kaluluwa na, kung saan ay kinakailangang dumama ng iba’t ibang uri ng karanasan upang maragdagan ang kanyang kaalaman.

At sa pagdaragdag, bunga ng kanyang pakikipamuhay sa lupa ay hindi baga doon sumusulong ang kalagayan ng isang kaluluwa sa lupa? Naririyan supil ang katawang lupa sapagkat ang namamaibabaw ay ang pintigin ng isang kaluluwa upang gumanap ng kanyang tungkulin ayon sa katotohanan.

Ngayon, ang bahaging ito ay isang uri ng pag-aaral na kinakailangang madama ng bawat-isa na ang kahalagahan ng bawat gawain ay wala sa bigat, wala sa taas ng karunungan kung hindi naroroon sa nilalayon ng karunungan upang iangkop ang diwa na kinakailangan. Sa kalagayan ng isang babae at ng isang lalake, papanginoonin ng babae ang lalake sapagkat iyon ang inuutos.

Iyon ang matuwid. Ngayon, nang dahil sa pagsunod, sapagkat iyan, ilagay nating isang kautusan, isang halimbawa: nagturo upang magsamantala ang isang lalaki, sa kapangyarihang tinataglay ay nagturo upang mawala ang bahagi ng pagkilala sa katapatan ng isang babae, nasaan ngayon ang matuwid upang ipakilalang ito nga ang matuwid?

Bakit lahat ng kalgayan ay mabuti at walang masama? Tinanggap ninyong lahat ng iyan ay buhat sa iisang katotohanan. Ang tao sa bahagi ng kanyang pagsasagawa iyon ay matuwid sapagkat yaon ang kanyang nalalaman. Ngunit hindi nagiging matuwid sa isang sandaling magbunga ang isang karanasan na, kung saan ay inihahayag ang kanyang kamalian sa pamamagaitan ng kanyang gawain.

At binigyan ngayon ng pagtuturo at pagpapaunawa ang tao na iyan ang matuwid. Ngunit ang bunga pala ng inyong mga gawa ang hindi matuwid sapagkat suminsay sa batas ng pag-iibigan.

Pag-aralan ngayon ninyo ang lahat ng bagay na nahahantad sa sandaigdigan. Sapagkat sa isang sandali ng pag-aaral naririyan kayo ay magtitimbang, at kung kayo ngayon ay magtitimbang mayroon kayong kukunin at mayroon kayong iiwan. Ito’y ang mga bahaging magbubukas ng inyong mga kamalayan.

Ano ang bahaging inyong iiwan? Ang kalayaan na siyang ugat ng pagkakasala na ikinasasama ng mga tao. Ang wika nga, “Ang tao ay gumagalaw, umuunlad o sumusulong sapagkat may trial and error, wika nga sa salita ninyong mga tao.

Na kung saan ay naroroon ang pagtuklas. Sa kanilang pagtuklas ay hindi maaaring hindi may mali at may tumpak. Sa pagkakamaling ito ay dito ngayon mabubuksan ang talino ninyong mga tao. Sa isang sandali na ang talino ay mabuksan mailalagay sa kawastuan lalo na kung dumaraan sa maraming karanasan na kung nalalaman ninyong ang pagkakamali ay hindi na tumpak at inyo pang isinagawa ito ay magbubunga na ng kasalanan na inyong pagbabayaran.

Isang pag-aaral ang aking sa inyo ay iiwan, tinatanggap ninyo na ang tao ay binigyan ng buhay ng Diyos. At kung ito ay ang espiritu na siyang hiningahan ng Diyos gumagalaw ang tao ng dahil sa isang kaluluwa.

At kung ang tao ay gumagalaw dahil sa espiritu o sa isang kaluluwa, kung ang espiritu ay bahagi ng mabuti ito ngayon ang inyong kilalanin, “Bakit nagagahis ang kataasan ng espiritu sa pita ng laman at nasain ng laman na may kababaan upang siya ay magkasala?

Iyan ang araling sa inyo ay aking iniiwan upang inyong pag-aralan. Maghari nawa sa inyong mga puso at sa sangkatauhan ang kaliwanagan at kapayapaang nagbubuhat sa mga langit. Paalam, Apostol Pedro.

 

 

1995-10-15, RAD

Kapayapaan buhat sa mga langit ang siya nawang sumainyo ngayon at hangang sa wakas.

Ang batas ng buhay: ang kalinisan, kawagasan at kaluwalhatian


Sa kasalukuyan, marami ang hinahanap ng tao sa siyang nagpapatunay ng kanyang pagkakilala sa pagibig ng Dios. Marami ang tinatanaw, marami ang dinidinig marami ang dinadama na kung saan naruruon ang ibubunga kung hindi kapayapaan sa kanyang kabuuan ay kagulumihanan.

At sa mga bahaging ito naruruon ang paglilinang at pagpapanday sa isang diwa, upang maunawaan ang kabuuan ng kanyang sarili. Katulad lamang ng puno, na hindi ngayon at ito ay nalulugas o nalalagas ang kanyang mga dahon, nangangahulugan ito ay mamamatay o maluluoy. Kung hindi ang pagkalugas o pagkalagas ng mga dahon ay nagpapakita na may bunga na susulpot sa puno.

At sa pamamagitan ng bungang ito duon ngayon kikilalanin at uunawain ang kahalagahan ng kanyang pagiging puno, hindi lamang sa pagbibigay ng lilim kung hindi sa paghahandog ng pagkaing makabubusog sa isang pagkatao.

Ganitong ganito ang kalagayan ng isang kaluluwa, sa pamamagitan ng kanyang katawang laman kung dumarama niyaong mga pangyayari na bahagi ng buhay, kapag naruruon ang kahinaan ng pananampalataya, naruruon ang kahinaan at kakulangan sa pagkaunawa sa iisang katutuhanan, ang katulad nga ay punong nalalagas ang kanyang mga dahon.

Datapwat kung ang batas ay pagsulong ang pagkalagas na ito na nadama ng isang pagkatao ay magiging daan at magiging susi upang mabuksan ang kanyang kaunawaan at makuha at matamo ang tunay na kaalaman.

Kaya ngat bawat pangyayari ngayon ay magiging mahalaga sapagkat duon ngayon lilitaw at duon lalabas ang kabuuan ng kanyang sarili. lpinanglulumo ng marami ang bawat nagaganap, ikinalulunos ng bawat puso, datapwat ang mayroon ng kasapatan ng pagkaunawa ang bahaging ito ay kanyang nadadala ng mayroon ng kapayapaan sa kanyang sarili. Sapagkat iisa ang sa kanyang ibinibigay at sa kanyang inihahantad na sa pagsasagawa ng tao, naruruon ang mabuting karapat-dapat at mabuting hindi karapat dapat.

Na kung ang mabuting hindi karapat dapat na ito ang siyang mananaig, ang siyang dumadami, ang siyang lumalawak hindi baga kinakailangan lamang na iyan ay putulin, kinakailangan lamang na iyan ay kalusin, kinakailangang iyan ay bawasan. Katulad ng tubig na napuno na duon sa kanyang sisidlan ito ay aapaw. At sa kanyang pagapaw hindi lamang ang sisidlan ang napipinsala kung hindi pati ng kanyang kapaligiran sapagkat ang tubig sa kanyang pagagos iisa ang tutunguhan, ang kababaan.

Dahil dito, sa isang pamayanan na kung saan ang mga tao ay nagsasama-sama, hindi maaari na hindi maganap ang katarungan ng Dios sapagkat ito ang kanyang pagibig. Hindi Niya iniibig na ang lahat ay mamalagi sa kadiliman sapagkat iisa ang batas ng buhay, ANG KALINISAN, ANG KAWAGASAN, ANG KALUALHATIAN.

Kaya ngat kung sa pamayanang ito ay dumarami at higit na pumapaibabaw ang mga gawain ng tao na hindi karapat dapat ibibigay ang kanyang katarurgan, ibibigay ang kanyang pagibig upang ang bawat kaluluwa ay matutuhan kilalanin ang kanyang sarili. Na mula sa kanyang karanasan ay iisa ang mahahantad ang kanya lamang kabuuan.

Ito man sa inyo ay nagaganap. Hindi baga nadarama ninyo na kung sa bawat pakikipamuhay ng inyong sarili ay naruruon ang maraming kakulangan. Naruruon ang marami na hindi karapat dapat na inyong isinasagawa, may pumipintig sa inyong puso, mayroon kayo ng nadarama sa inyong pagkatao.

Mayroon kayo ng karanasan natutunghayan at tinutunghayan. At sa bawat pagpintig na ito, duon ninyo ngayon buksan ang kabuuan ng inyong sarili sapagkat iyan ay pag aaral sa inyoy ibinibigay upang isulong ang kaunawaan ng inyong mga diwa. Nadarama ninyo na sa pamamagitan ng karanasan na sa inyoy dumating at sa inyoy dumarating nawiwika ninyot nangungusap ang inyong pagkatao marahil ay marami na ang pagkukulang na aking naisasagawa, marahil ay namamaibabaw na at namamayani na ang hindi matwid na aking iginagalaw.

At kung ito ngayon ang bumubuo sa inyong pagkatao, samakatwid iyan ang pagibig ng Diyos upang ipakilala na sa kasalukuyan naruruon kinakailangang ikaw ay maging kapaki pakinabang sa inyong kapaligiran. 

Hindi mo lamang ito tatanawin upang madama ang habag sa kanilay nagaganap, hindi mo lamang ito tatanawin upang madama ang awa sa kanilang kalagayan kung hindi ito ay iyong tatanawin kasama ang kabuuan ng iyong pagkatao.

Sapagkat hindi man nagaganap sa iyo ang kalagayan na kanilang dinadanasan naruon kaugnay ka, kasama ka, kabilang ka sapagkat ikaw ay isang kaluluwang kinakailangang magkaroon ng kahalagahan at kabuluhan sa daigdig na iyong ginagalawan.

Paano ka ngayon magiging kaugnay ng mga bahaging ito? Kung naruruon ang pagibig huwag mo itong sikilin. Kung naruruon ang habag huwag mo itong itago at kimkimin. Ibigay mo ito ng mayroon ng kabuuan, ano man ang bahagi na iyong maipagkakawang gawa, ibigay mo sapagkat iisa ang makikinabang, ikaw sa iyong kalagayan.

Dahil dito, naririyan ang lahat ay inaantig. Ang lahat ay tinitinag. Ang lahat ay ginagalaw sapagkat ang daigdig ay naruruon na. sa kanyang pagbubuo, ang daigdig ay naruruon na sa kanyang paglilinis, ang daigdig ay naruruon na sa isang kalagayan na kung saan kinakailangang ang bawat kaluluwa ay may bukas na mga mata, may bukas na. mga tainga, may bukas na mga pangdama.

Upang kilalanin hindi ang kapakanan ng kanyang sariling pagkatao kung di ang kapakanan ng nakararami. Ang pagbubuo ay nagagarap sapagkat kinakailangang mabawasan ang kasakimang naruruon sa puso ng bawat isa. Ang pagbubuo ay isinasagawa sapagkat kinakailangang bawasan ang kapalaluang dala dala ng bawat kaluluwa. Kinakailangang mabawasan ang pagiging gahaman sa sanglibutan.

Na dahil dito, ang natutunghayan ninyo ay mga, bahagi na nakalulunos ng inyong mga puso. Nakagigimbal sa inyong mga pagkatao. Nakaaantig at nakababagbag sa inyong mga damdamin. At kung kayo ngayon ay nakadarama ng mga ganitong uri ng damdamin isa kayo sa binubuksan. Isa kayo sa hinihila, isa kayo sa inaantig upang inyong kilalanin ang kabuuan ng inyong sarili sapagkat hindi ngayon at kayo ay natutung yumuko ay nasa sa inyo na ang kapayapaan.

Hindi ngayon at kayo ay natutung magtiklop ng tuhod ay nasa sa inyo na ang kabanalan. Hindi ngayon at natuto katong magduop ng, in yong mga kamay ay nasa sa inyo na ang tunay na kabaitan. 

Sapagkat ang katapatan sa bawat puso ay kinakailangang madama hindi lamang sa pamamagitan ng kampay ng kanyang mga kamay kung hindi sa pamamagitan ng pagalaw ng kanyang kabuuan.

At kung ito ngayon ay hindi nasisinag hindi baga naruruon pa rin ang pagpapaimbabaw? Kaya nga ang tao ay sama samang darama ng iisang karanasan sapagkat kayo ay kabuuan ng iisang bilog dadalhin sa kanyang hanganan at ito ay ang kaluwalhatian.

Dahil dito, masdan ninyo ang inyong kapaligiran. Masdan ninyo ang mga bagay na may buhay at walang buhay. Lahat siya'y nag uugnay, lahat siya'y nagsasama upang ipadama iisa lamang ang kapangyarihan na namamaibabaw at ito ay ang sa di likha at kung iisa lamang ang kapangyarihan na kinakailangang mamaibabaw iisa rin ang kinakailangang mamayani sa bawat puso, ang pagibig sa kaligtasan ng bawat kaluluwa sa pagkakasala.

Dahil dito, diyan kayo dinadala, ng bawat aralin na sa inyo'y ibinibigay. Hindi upang kayo ay itangi at ibukod kung hindi ang bawat aralin ay ipinagkakaluob sa inyong lipunan upang ipakilala upang ipakilala ninyo ......

Kaya sa ubasan ng dakilang Panginoon gagawa kayo ng wala ng kahingian sa inyong mga sarili. Gagalaw kayo ng wala nang ibibigay at ipagkakaluob na ano mang kondisyon sa di likha kung hindi kayo gagalaw at kayo'y gagawa pagkat ito ang iniaatas ng inyong tungkulin bilang mga anak ng DIYOS.

Kung Ito ngayon ang inyong kikilalanin walang maghahanap sa kanyang sarili kung hindi ang lahat ay magbibigay, magpupuno, magdaragdag sapagkat ang manggagawa ay nagiging kapakipakinabang at magiging makabuluhan sa daigdig na kanyang ginagalawan. Ito nawa ang magaganap sa lahat at bawat isa upang hindi masayang ang bawat sandali na kung saan ay nadarama ninyo ang kapayapaan ng inyong kaluluwa.

Ito nawa ay matanim sa inyong mga puso upang walang matapon maging pinaka maliit na liwanag sapagkat kakailanganin ng inyong kaluluwa sa mga darating na araw upang hindi lamang kayo ang siyang magtamo ng kaligtasan kung hindi kayo ay maging daan at maging katuwang na magkakaluob at magbibigay ng kaligtasan sa isang kaluluwa upang siya ay huwag magkasala.

Ito ang aking sa inyo ay iniiwan. Maghari nawa sa inyong mga puso at sa lahat ng tao ang pagiibigan, kababaang luob, liwanag ng diwa, kapayapaan, kapayapaan, kapayapaan ng kanyang kaluluwa ngayon at magpasa walang hanggan.

Paalam, Apostol Pedro.


 

 

1994-06-08, LL

Ang liwanag ng Espiritu Santo ang tumanglaw sa lahat at bawat isa ngayon at magpakailanman.

Libu-libong taon na ang nakalipas kaya nga at hindi maaaring sabihin ng taong wala siyang nalalaman at wala siyang magagawa. At sapagkat kayo ay nag-aaral sa paturuan, mayroon ng katunayan na kayo ay mayroon natutuhan at mayroon kayo ng magagawa.

Katulad ng pakikipag-abotsabi ay isang katunayan na nagtagumpay ang kabatlayaan. At ang isa pa ay ang pagagamot, pagsasalin ng lakas sa inyong mga kapatid ay isang matibay na katunayan na ang Espiritsta na nag-aaral sa paturuan ng lunduyan ay nagpapasakop sa batas ng dakilang Panginoon.

At ang may mga karamdaman na nakararamdan ng bigat na kanilang karamdaman, nangangahulugan lamang na hindi pa natatagpusn ang susi ng kanilang kagalingan. At kayo bilang natutuo sapagkat kayo ay mayroon na ng pagsisiskap at pagtitiyaga na hanapin ang inyong pangangailangan ay nasa dulo ng inyong mga daliri ang inyong tutulungan.

Kaya nga at ito ang inyong dapat na pag-aralan, sapagkat kinakailangang mayroon kayong buklatin sa aklat ng inyong buhay na kayo bilang mag-aaral sapaturuang Espiritismo, mayroon kayo ng pakiki-ugnay sa kaitaasan sa pamamagitan ng inyong natutuhan na abotsabi ng kabatlayaan.

Mga iniibig na kapatid, darating ang panahon na hindi maglululan sa mga lunduyan ang mga taong naghahanap ng katunayan ng kanila pangangailangan at kayo bilang hinirang ay ihanda ninyo ang iyong mga sarili.

Sapagkat isang malaking pananagutan kung hindi ninyo matutulungan at hindi ninyo mabibigyan ng liwanag ang mga taong sa inyo ay mangangailangan. Kaya nga at sa pagkakataong ito ay isa-isahin ninyo kung alin ang inyong dadalhin sapagkat hindi lahat ay kailangan sa takdang panahon kung hindi mayroon lamang kayong pipiliin.

Mga iniibg na kapatid, kung kayo ay tutulong ay iwawaksi ninyo, ihiwalay ninyo ang inyong iwawaksi na hindi ninyo kaisa. At ipakita ninyo kayo ay mayroon ng kababaang-loob. Huwag kayong magpapakita ng kapalaluan at pagpili ng inyong gagamutin sapagkat bubukal ang mainit na simbuyo ng damdamin ng tao lalong-lalo na ang kahirapan. Ito ang inyong dapat pag-aralan.

Kung sakali at ang aking banggit ay maganap ay mayroon ako ng isang katanungan. “Ano ang magnetismo ang mayroon sa inyong kapaligiran?”

Iyan lamang ang aking iiwan. Ang liwanag ng Espiritu Santo ang tumanglaw muli sa lahat at bawat isa ngayon at magpakailanman. Paalam, ako ang inyong kapatid,  Apostol Pedro.

 

1994-05-22, GPL

Managano kay sa katotohanan at kadakilaang hinahangad ng lahat at bawat isa, ngayon at magpakailanman!

Sa buhay at pag-aaral ng tao, lagi nang naka-agapay ang mga pagsubok tulad sa mga dakilang araw na ito kung kailan ang tao ay nakikipagtipan sa Panginoon at sa mga banal na alagad upang sa mga kataong ito ay makasalo sa hapag ng pagkain ng banal na umagang ito.

Kung bakit ang bawat isa ay nagkakaroon ng pagka-untol at kadahilanan upang hindi makapagpatuloy sa ganganitong pagkakataon at nagkakaroon ng panghihina pagdating na sa mga kabutihang siyang ninanasa ng kanyang diwa.

Mga kapatid, dala palibhasa na ang buhay na ito ay isang pag-aaral at palihan ng isang kaluluwa kung kaya at ang tao ay laging sahol sa paggawa ng na-uukol sa kabanalan. Subalit ang isang diwang galing sa Amang lagi nang naghahanap at nagnanasang makatupad sa mga tungkuling kailangang gampanan ng kanyang pagkatao.

Lalong nag-uukilkil sa bawat diwa sa mga dakilang araw na itong gampanan, subalit dumarating ang pagkakataon ng panghihina at ang mga bagay na panglupa ang siyang nagagawa ng tao at nabibigyan ng halaga.

Sapagkat diyan nakikilala ang kahinaan ng tao ng na-uukol sa pananampalataya, lagi nang sa huli inilalagay ang kadakilaang ito ng pag-aaral. Lagi nang sahol sa mga bagay na na-uukol sa kaluluwa ng tao sa kanyang nagagwa at napapabayaan ang isang katauhang lagi nang naghihintay sa dako pa roong ng mga banal na aral at gawa ng tao upang mayroon ng matipong mga kabutihan sa kanyang sarili.

Mga kapatid, malawak ang daigdig at lalong malawak ang mga pag-aaral ng tao. At sa mga naka-uunawa at hindi nakapag-aaral ng na-uukol sa kaluluwa o diwa, ang higit na pinahahalagahan ay ang pangkapatagan, ang kalayaan ng katawang-laman.

At ang kaagandahan ng daigdig ang lagi nang humahalina sa tao sa kahinaan subalit kayong mananampalataya ng katotohanang ito ay nalalaman kong mayroon kayo ng mga banal na alagad na uma-alalay at laging itinuturosa inyong isipan angmga bagay na dapat ninyong pagkabuhay sa kapatagan.

Kaya at kinakailangan ng tao na magpakalakas sa kanyang natutuhan at maisagaw aang mga bagay na itinuturo ng kabatlayaan. Banay-banay na isagawa ng tao upang makatipon na maliliit na butil ng paggawa at pagkakilala.

Kung kayo ay malalakas sa paggawa ng mabuti, nalalaman kong manghihina kayo sa paggawa ng masama sapagkat nalalaman ninyo na walang bagay na madadala kungdi ang kabutihan ng tao sa kanyang paggawa at hindi ang isang kahinaang lagi nang uma-akay sa kababaan at paglapag ng tao sa kawalang-malay ng kanyang pagkakilala.

Mga iniibig na kapatid, napakahaba ng lakbayin ng tao, napakahaba ang pag-aaral at paggawa ng tao subalit hindi tutulusan ng tao kung kailan siya dadako pa roon kaya at kinakailangang banay-banay ay pagpatuloy ang inyong natutuhang kabutihan at isagaw upang kung dumatin ang mga dakilang araw sa inyong buhay at marami na kayong mga baunang natipon sa inyong mga sarili.

Mga kapatid, napakahirap sa buhay na ito ang makipaglaban sa kanyang sariling kahinaan. Lagi nang malakas ang kahinaan kaysa sa kabanalang lagi nang humahalina sa tao.

Lagi nang pinahahalagahan ng tao ang mga walang bagay na kinakailangang gawin ng kanyang sarili bagaman nalalaman ninyong kayo ang mga manggagawa ng Panginoong hinihintay sa Kanyang ubasan na magpatuloy sa paggawa upang making dakila ang inyong pag-aaral at maka-akay pa sa mga landasin.

Sapagkat ngayon ay napakarami ang ligaw sa kanilang pagkakilala at walang ninanasa kung hindi ang pangkapatagang kaligayahan at hindi ang isang kaligayahang hinahangad ng bawat kaluluwang naka-uunawa sa lahat ng mga bagay na dapat isagawa ng tao sa kanyang sarili.

Mga kapatid, magpapatuloy kayo, huwag kayong magsasawa. Bagaman at paulit-ulit ang kabatlayaan at nakikitang hindi pa ninyo lubos na naisakatunayan ang mga dakilang aral ng Panginoong inyong susundan upang maging dapat kayo sa Kanyang pagpapala.

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo, ngayon at magpakailanman! Paalam, La Roca dela Fe, Apostol Pedro.

 

 

1993-06-02, RAD 

Sumainyo nawa ang biyaya a kapayapaang nagbubuhat sa mga langit ngayon at hanggang sa wakas.

Ang isang nag-aaral lalo na pa sa katuruan ng Espiritismo kailanman ay hindi mawawalan ng pag-asa kahit na siya ay nasa kawalan. Sapagkat nag-aaral, may nakikita na liwanag sa gitna ng kadiliman. Sapagkat nag-aaral lagi nang may susi na handang ipangbukas sa pinid na pintuan.

Samakatuwid, laging may kahandaan sa kanyang sarili. At sa bahaging ito, diyan ngayon nagaganap ang ugnayan sa pagitan ng kaitaasan at ng kalupaan, na ang mga bahagi na inu-ugnayan ang kaangkinan ng isang kaluluwa:ang pag-iisip, damdamin at kalooban.

Ang pag-iisip kung kulang ng kalinisan at nang kaliwanagan ay katulad lamang ng isang alulod na sa sandali ng pagpatak ng ulan, sapagkat may dungis na naroroon kasama at nakakasama na ito ay tumatapon. Kaya at gaano man kalinis ang bahagi ng tubig ng ulan ang namamasdan at nakikita ay may karumhan.

Sa sandali na ang lakas ay i-ugnay doon sa isang kaisipan ngunit may dala-dalang bigat ang isang damdamin, ang isang kaisipan ang nakakatulad ay mga bahagi ng isang bahay na nakapinid na hindi makatanggap ng lakas na buhat sa kaitaasan at ang kahayagan ng bahaging ito ay inilalarawan ng sangkaping laman: nanginginig na mga kamay, nanginginig na kabuan ng isang pagkatao; pangungusap na pauntol-untol at may gatol.

Ang ibig sabihin kulang ng pagkakaibang ang kaangkinan ng kanyang kaluluwa: ang pag-iisip, damdamin at kalooban. Ito ngayon ang dahilan bakit nagsasanay ang isang talaytayan, hindi upang makapagbigay at makapagbahagi ng magandang pangungusap, ng maaas na karunungan kung hindi ang una na kinakailangang maganap.

Sanayin ang kaangkinan ng kanyang kaluluwa na mabigyan ng pagkaka-isa at pagkakatimbang sapagkat sa sandali na ito ay maganap kaalinsabay na nasusupil ang sangkapin ng kanyang pagkatao.

Bagaman at ang mata ay nakadilat at may nakikita iyan ay katulad lamang ng hanging dumadaan ngunit walang kabuluhan. Kaya at iyan ay hindi magiging sagwil sa kanyang pakikipag-ugnayan.

Gayundin ang kanyang pandama, kinakagat man ng hayop sapagkat naroroon ang kaangkinan ng kanyang kaluluwa ay may pagkaka-isa, naka-ugnay sa lakas na ibinibigay ng kaitaasan ang pagkagat ay hindi lubos na nadarama.

Dahil dito, paano ngayon ito magaganap ng isang nag-aaral? Paano ito matutupad lalo na sa bahagi ng talaytayan? Araw-araw, sa bawat sandali, sa bawat oras gumagawa man ang tao gumagawa man ang inyong sarili lalo na ang isang ina ng tahanan sa loob ng pamamahay ang pag-iisip ay naka-ugnay; ang damdamin ay may kapayapaan at ang kalooban ay matiwasay. Bagaman ang mga kamay ay gumagawa ng gawaing bahay.

Dahil dito, sa ganyang kalagayan hindi ninyo nababatid lagi na ang paghahanda ay nagaganap sa isang sarili. Kaya nga at kung naririto ngayon ang inyong tungkulin hindi ninyo pababayaang mapatid ang daloy ng tubig. Hindi ninyo pababayaang ang bukal ay masara upang ang katamisan ng tubig ay huwag matikman ng mga nangangailangang kaluluwa.

Kung ito ngayon ay isang uri ng pagkukulang, aking inu-ulit, ang pagkukulang ay maaaring punan ngunit sa isang sandali na ito ay nagaganap sa tuwina ang pagkukulang ay nagiging isang mabigat na pananagutan, hindi maaaring hindi may ganting galaw na ipadadama at ibibigay sapagkat ang wika ng batas, “ bawa't galaw ay may ganting-galaw.”

Kung dito kayo ngayon mananatili sa inyong pagsusuri at sa inyong pagsisiyasat ay hindi magiging mabigat at lalong magiging mahirap umunawa sa pagtuturong ibinibigay ng Espiritismo sapagkat ang ipinagkakaloob ay ang ikabubuti ng tao, ikatitiwasay ng kanyang pamumuhay at ikapagkakaroon ng kapayapaan ng kanyang kalagayan.

Hindi baga ito ang hinahanap ng sangkatauhan? Ang kapayapaan ng kanyang sarili, ang katiwasayan ng kanyang pakikipamuhay sa ibabaw ng lupa. Kung ito ang hinahanap, hindi maaari na maging mabigat at magiging mahirap sapagkat hindi kaalinsabay ng nagbibigay at nagkakaloob ang galaw na inihahayag at inihahantad ng kanyang laman.

Datapwat kung ang dalawa at bahaging ito ay magkakaroon ng pagkaka-ugnay magbibigay ang tao ng karunungan na makapagbibigay ng kapayapaan sa isang sangkapin at makikitang ito ay malalarawan din at nahahayag sa kanyang kabuuan. Sino ang hindi makatatanggap? Sino ang hindi kukuha at sino ang hindi mag-iibig na ito ay kanyang makamtan? Marahil ay wala.

Dahil dito, naririyan ngayon ang pananagutan ng inyong sarili. Kaya at ang wika, “ Sinomang nakaalam ng mabuti at hindi mgasagawa ng bahaging ito ay may tatanggapin palo.” Kung iyan ay inyong nababatid, marahil lagi kayong nakatuon doon sa bahagi na inyong magagawa alang-alang sa ikapagtatamo ng kaliwanagan ng isang kaluluwa.

Laging nakatuon ang inyong pagsusuri doon sa mga bahagi ng tuparin na makapagbibigay ng kapayapaan sa inyong kapwa sapagkat ano man ang bahagi na inyong gawin at ibigay sa pinakamaliit na inyong mga kapatid ay ginawa ninyo sa Ama.

Dahil dito, mga mag-aaral kung malawak ang katuruan ng Espiritismo, huwag ngayon ninyong gawing makitid ang inyong pananggap sa kalawakan ng pagtuturo ng Espiritismo sapagkat kayo ay doroon sa karimlan.

Kayo ay doroon sa kawalan at magiging katulad ng isang taong wala ng paningin sa kanyang paglakad ay nangangapa-ngapa ang kanyang kalagayan.

Ialinsabay ninyo sa kalawakan ng Espiritismo ang inyong pang-unawa, ang inyong pagkakilala, ang inyong pagsasagawa at madarama ngayon ninyo kung gaano kadakila, gaano kahalaga ang pagtuturo na sa inyo ay ibinibigay at kung gaano rin kadakila ang biyaya na tinatanggap ng isang nag-aaral sa kalihiman ng buhay. Sa mga bahaging ito, hindi baga dinaragdagan ang inyong kakulangan?

Sa mga kalagayang ito, hindi baga binibigyan ng katatagan ang inyong kahinaan sa pananampalataya? Sa mga bahaging ito ng karunungang inyong tinanggap hindi baga ibinibigay at ipinagkakaloob ang karagdagan upang kayo ay may makita sa gitna ng kawalan?

Binubuo ang inyong sarili ng katuruan ng Espiritismo, kinikinis at pinapanday ang kalagayan ng lahat at bawa't isa upang kayo ay maging kasangkapan na magiging kapaki-pakinabang sa sandaigdigang ito.

Ito nawa ang laging mabuhay sa inyong mga puso upang sa tuwina ay dumoon kayo sa kadakilaan at kahalagahan ng inyong tuparin at nang sa gayon ang pagwawalang-bahala ay mapawi at tuluyang mawala sapagkat ang isang manggagawa sa ubasan ng Dakilang Panginoon sa halip na magwalang-bahala ay nagbibigay ng pagpapala.

Sa halip na alinsunurin ang hinihingi ng pintigin ng kanyang pagkatao, ang inu-ulinig ay ang tinig ng kanyang kaluluwa. Ang isang manggagawa, sa katotohanan, sa halip intindihin ang bigat, ang sakit, ang hirap, ang pagod na nadarama ng isang lugar, ang isinasagawa ay ang pagbibigay at pagkakaloob ng liwanag ng pag-asa, ng pananampalataya sa kabuuan ng kanyang sarili ba inilulundo sa isang pangungusap na ito ang isinagawa ng Panginoon. Ang wika, “Ang aking ipinangungusap ay hindi akin kung hindi sa Amang nagsugo sa akin. Ang aking ginagawa ay hindi akin kung hindi sa Amang nagsugo sa akin.”

Dahil dito, kung diyan kayo ngayon doroon mga mag-aaral, hindi kahinaan ang mapapasa inyo kung hindi katatagan ng isang pananampalataya sapagkat nababatid ninyo at buong puso ninyong madarama may gabay na sa inyo ay pumapatnubay sapagkat kailanman ang kapangakuan ay hindi maaaring masira, “ Hindi kayo iiwang ulila.”

Ito nawa ang lagi ninyong maging patnubay upang kayo ay manatili na nakatindig sapagkat kailangan ang lakas ng inyong kabuuan. Sa kasalukuyan, marami ang gagawin ngunit kakaunti ang manggagawa. Sa kakaunting ito, gaano kayo kapalad kung kayo ang hihirangin at pipiliin upang magkalat ng salita ng Diyos?

Gaano magiging kadakila ang inyong kaluluwa kung kayo ang hihirangin na maging tagapagkalat ng tunay na katotohanang makapagbibigyan ng kalayaan sa isang kaluluwa na nakatali sa pagkakasala?

Ito ang mga biyaya na hindi ninyo nakikita ngunit maaari ninyong madama. Ito ang pagpapala na hindi ninyo nakikita ngunit nadadama.

Sa pamamagitan ng inyong pandama, doon ninyo lubusan na matatanggap kayo nga ang mga hinirang sa sanlibutan sapagkat kayo ang nakatanggap ng katotohanan. Ito ang pag-ibig na sa inyo ay aking ibinibigay.

At sa bahagi ng mga talaytayan, naririto ang isang tagubilin na akin sa inyo ay ipinagkakaloob na nawa ay makatulong upang magkaroon ng pag-unlad ang karapatang nataglay ng inyong kaluluwa.

Nawa ay makatulong at maging gabay upang ang pag-iisip, ang damdamin at ang kalooban ay laging magkaroon ng lakas, magkaroon ng liwanag, magkarooon ng pagkakaisa at pagkakatimbang upang sa sandali ng panunuparan maging katuwang ang laman na maghahayag ng kaliwanagan.

Sa tatlong bahagi ng pananahimik kung inyong magagawa sa ganap na ika-3:00 ng oras; ika-6:00 ng oras at ika-9:00 ng oras, mag-ukol kayo ng 5 saglit na pananahimik.

Gawin ninyong libangan ang pagbabasa ng Banal na Aklat, hindi upang bigyan ng kaligaligan ang inyong isipan kung hindi upang ang katitikan ay makatulong, makapagdagdag, at makapagbukas ng kamalayan ng isang nag-aaral lalo na ang bahagi ng Juan 14, na nau-ukol sa mga talaytayan. Makapagbibigay ng lakas, ng tibay at tatag ng pananampalataya makabuhay ng inyong pag-asa.

Dito ngayon ipaloob ang inyong sarili, at uulitin ko anuman ang inyong isinasagawa, ang isipan ay laging naka-ugnay sa kaitaasan. Sa pamamagitan nga ganitong bahagi, madarama ninhyo ang bigat na dala-dala ng laman ay unti-unting gumagaan. At sa kanyang paggaang, magiging madali ang ugnayan na magaganap sa pagitan ng sinugo at ng isang kasangkapan.

Ito ang bahagi na akin sa inyo ay iniiwan, maghari nawa sa inyong mga puso at sa sangkatauhan ang pag-iibigan, kababaang-loob, pagkakawanggawa at kapayapaan ngayon at magpasawalang hanggan. Paalam,  Apostol Pedro.


1993-03-28, EB 

Sumainyo ang pagpapala ng Panginoon ngayon at magpakailanman!

Mga iniibig na kapatid, sa kahalagahan ng tungkulin ng tao ay minsan pa ay mapapatotohanang ang kayagayan at katalinuhang ito ng tao ay susubukin upang makita ang pinakadiwa at tunay na hinahanap ng tao.

Kung gayon, mga minamahal na kapatid, malaong araw na kayo ay nagpalipat-lipat ng pananampalataya, mga pananampalatayang nahahayag sa kadakilaan at nagkakaroon ng pag-aalinlangan.

Ngunit sa ambil ng kabatlayaan at pagnanasa na ang bawat Kristianong nagnanasa ng higit na kabanalan ay magkaroon ng kahayagan ay hindi nawawalan ng pag-asa ang mga banal na Espiritu upang isa-isang akayin ang tao sa kaganapan ng isang kalimitan ng isang Diyos sa ibabaw ng sangkatauhang ito.

Kapilas ng isang Amang Makapangyarihan nang dahil sa pag-ibig ay nagnasa ang isang Amang lumikha ng isang limpak na putik, hubugin at bigyan ng isang magandang kaanyuan at larawan upang maaliw at makita niya ang kalupaang may mga buhay na gumaganap at gagawa ng higit na makasisira sa kanyang kapangyarihan ngunit hindi pa nagkaroon ng pagkakanya kanya.

Ibinigay pa ng pagkakataong lumikha ng pagkakamali ng isang tukso sa bisang katalinuhan ng tao, isang tuksong duduktong sa mangmang na pagkakilala ng tao upang makita at makilalang mayroon siyang tungkuling hindi nagagampanan hangga at siya ay malaya makita niya ang mangmang sa kanyang kinadoroonan at laging inaasahan sa isang makapangyarihang lakas na magbibigay ng biyaya sa tao.

At sinapit ng tukso ang kanyang tuntunin bilang isang nilikhang magbibigay ng kahayagan at magbibigay ng katanyagan. At mataas ang tao sa kanyang kalagayan ngunit, sa aba ng maling pagkakilala ng tukso, ay hindi maka-Diyos.

Na alitigtigin ang sumakanya kung kaya at marami ang nagaganap, pumuputi ng buhay ng tao, umaakit ng higit na masasamang pagkakilala upang makita niya at makilala kung sino siya at ang kapangyarihan niya ay mananatiling dito sa kapatagan ng hugis.

At dumating ang panahong hindi mamamalagi ang tao sa kataasan, hinahagupit ng kalikasang nagpupuyos na hindi maaaring mapigil ng alin mang marunong at ng higit na marunong ng tao kung hindi ihahayag ang katotohanan ng isang Amang Makapangyarihan sa pamamagitan ng pagpupuyos ng kalikasan.

At ang taong maalam, ang dumalangin ng paulit-ulit at ng isang pananalangin mawala ang buhay na iyan upang makilala ang katotohanan ng taong ang kalooban ng Ama ang matutupad at hindi ang karunungan ng tao.

Mga iniibig na kapatid, malaon ng araw, panahon na upang kayo ay magising na sa katotohanan sapagkat hindi lamang sa panahong ito gugunitain ng tao, mahahayag ang pagpapakasakit at pagtitiis sapagkat sa inyong pagkakilala at sa inyong katawang-lamang iyan at katauhan, simula ng minana ninyo ang liwanag at sumibol kayo sa sinapupunan ng inyong ina ay nagkaroon na ng kahayagan ang Kristo sa inyong mga pagkatao.

Mga Adan at Eba kayong magmula ng makilala ninyo ang liwanag at nang kayo ay mayroong ng sapat na gulang ay nakilala ninyo ang katotohanang hindi kayo mananatiling hindi gagawa at magtitiis, magpapasan ng higit na hirap sapagkat ang hirap na ito ang maging daan ng inyong pananagumpay sa inyong pakikitalad sa inyong sanglibutang kinadoroonan.

Binabalik ko, mga minamahal na kapatid na bagaman at ang pagpupuyos ng kalikasang iyan ay isang haplit sa sangkatauhan ay hindi nangangahulugang kayo ay pinarurusahan kung hindi ang bawat hakbang ng tao at bawat kamatayan ng tao ay mayroong isang kadahilaang maaaring maganap upang makita ang katotohanang hindi mamamatay ang tao ng walang kadahilanan kung hindi maliligtas kayo sa isang makatotohanang pagkakasala.

Ngunit katotohanang katotohanang sinasabi ko ang hindi maliligtasan ng tao ang kamatayan sa alinmang kadahilanan ay magiging daan ng kamatayan ng tao. Buong pusong yayakapin at tatanggapin ng isang hindi luluha kung hindi idadalangin ang taong sa antas ng kanyang pagkakilala ng laman na iyan ang isang pagtaas ng kaluluwa sa sandaling tanggapin ng tao ang isang uri ng kamatayang kinatatakutan ng maraming nilikhang nabubuhay sa daigdig ng luha at pagpapakasakit.

Mga iniibig na kapatid, sinupin ninyo ang mga kataga ng kabatlayaan, huwag ninyong dalhin ang katagang iyan sa ibang hindi nakakikilala ng walang kabuluhan sapagkat ito ang magiging mabisang gamot sa inyong mga nauuhaw na pagkakilala sa inyong kawalan ng pagsisikap na makilala at maunawaan ang pinakadiwa at batas ng Espiritismo.

Hindi kayo kailanman pinabayaan, ngunit kung dumarating na ang panahon na hatulan ang pagkakamali ng tao ay saka nagkakaroon ng katagang “hindi ako naniniwalang mayroong isang Amang Makapangyarihan, at bakit sa simula a lamang nang ako ay nagkaroon ng buhay at lakas ay puro pagpapakasakit na lamang ang aking tinatanggap”.

Ngunit ang katotohahan, mga minamahal na kapatid, sa sandaling manalangin ang tao ay hindi pagdaka ay pananalanging ibigay ang biyaya. Kailangang kumutan at gamitin ang pag-iisip ng tao at lakas ng buhay upang masumpungan niya ang tunay na biyayang hindi lamang sa dagliang pagkuha sa pamamgitan ng panalanging paulit-ulit sapagkat ang batas ng katarungan ay tinitimbang sa talaro ng timbangan ng Panginoon.

Kung ano ang laki ng hinihingi ay siyang ibibigay. At kung ikaw ay ang kulang ay lalo kang daragadagan sapagkat ang karagdagan ng pagtitiis ng tao ay isang kahayagan ng pagpapakasakit at daan ng pananagumpay ng tao tungo sa ikalilinang ng tunay na pagkakilala ng kanyang pagkatao. Mahabang salaysayin sapagkat hindi lamang sa pamamagitan ng pag-awit nahahayag ang pag-alaala sa dakilang Kristo.

Hindi lamang minsan sa isang taon aalalahanin ng tao ang maging mahal na araw kung hindi bawat kabanata ng buhay ng tao na mayroon nagaganap na pag-ibig nakapag-aangat sa kanyang kapwa at kababaang kinaroroonan at nakapagtututo ng higit na kabutihang aral at katwiran ay isang kabanalang nahahayag sa kanyang pagkatao.

Sapagkat diyan nagkakaroon ng kahayagan ang batas ng Panginoon ay magbubunyag at mahahayag sa pamamagitan ng isang tunay na Kristong maalam tumanggap ng kabiguan, maalam tumanggap ng kamalian, hindi nagdaramdam sa kanyang kalagayan sapagkat nauunawaan niyang sa hayag na pagpapakasakit ng kanyang pagkatao at nagkaroon siya ng isang nilikhang sususbok sa kanyang kakayahan at diyan mahahayag ang kabanalan ng Kristo.

Mga iniibig na kapatid, kung magkagayon ay ano ang tungkulin ng dalawang katauhang pinapaghiwalay ng Isang Amang Makapangyarihan.

At gayon din ang isang tuksong tutukso sa magkasuyong wala nalalamang gawin kung hindi ang kalagayang kanyang kinadoroonan ay maging kasiyahan ng kanilang kalagayan sa buhay noon at sa buhay sa ngayon.

Dumarating ang Panginoon ang tunay na Kristiano ngunit marahil ang maninilang lobo (wolf) magkakalat ng maraming uri ng aralin.

Magpakatalino kayo mga minamahal na kapatid sapagkat pansamantala sa iba at ibang dako ay darating at magaganap ng lalo ng marurunong na tao upang maakit ang mangmang.

At matalino ay magpapakatalino sapagkat sa panahong ito ng inyong kinabubuhayan, didinig ang lalong maliit at dudumi ang lalong malinis upang magkaroon ng kahayagan ang daan ng dakilang Tao ng sangkatauhang inyong kinadoroonan.

Inuulit kong maging matalino kayo sapagkat ang matalino ay hindi magugutom at ma-uuhaw ngunit, ang katalinuhang iyan ay gagamitin ninyo na mayroon kalangkap na pananampalataya at maka-Diyos na alitigtigin sa buhay ninyo ngayon at sa buhay na darating.

Kapayapaan ang aking iiwan sa lahat at bawat isa ngayon at magpakailanman! La Roca dela Fe, Apostol Pedro.

 

1982-05-19, RR 

Ang liwanag at ang kapayapaan ang sumainyo lagi na ngayon at magpakailanman!

Mga iniibig na kapatid, napakadakila ang isang nag-aaral na nagtotoo sa kanyang pinag-aaralan sapagk't ang kanyang hinahanap ay kanyang natutuhan sa pamamagitan ng kanyang masigasig na paglandas sa tunay na landas ng Panginoon.

Mga minamahal, ang isang manlalakbay sa kapatagang-lupa ay kung mayroon siyang lakas ng pananampalataya ay kanyang nararating sa pamamagitan ng kanyang pagtitiyaga ang kanyang hinahanap.

Sa matapat na kanyang hangarin na kanyang matuklasan ang tunay na daan patungo sa dakilang Panginoon na kanyang matuklasan ang tunay na daan patungo sa dakilang Panginoon na kanyang hinahangad na matagpuan.

Ganoon din naman mga iniibig na kapatid, ang mga nagsisipag-aral sa alinmang paaralan sa kapatagang-lupa ay mayroon siyang lakas at tibay ng pananampalataya at masidhi ang kanyang paghahangad na kanyang matutuhang at matuklasan ang tunay na hinahanap ng kadakilaan ng kanyang buhay.

Na, matatagpuan sa matapat na paggawa at sa matapat na pagnanasa ay kanyang matatagpuan ang dakilang hangarin ng kaluluwa. Sapagkat ang kaluluwa ay kinakailangan na siyang magkaroon ng mga baunang kinakailangang mataglay ng bawa't nilalang sa kapatagang lupa.

Sapagkat ang kaluluwa ay kinakailangan na siyang nangangailangan na siyang magkaroon ng mga baunang kinakailangan mataglay ng bawat nilalang sa kapatagang-lupa.

Sapagkat ang kaluluwa ang siyang nangangailangan ng maraming pagkaing kanyang madadala sa dako pa roon upang sa ganoon, ay kung dumating na ang araw at panahon, na siya ay dumako sa dakong patutunguhan ay mayroon syang taglay na magiging kabusugan ng kanyang kaluluwa.

Iyan mga iniibig na kapatid, ang isang nag-aaral na kinakailangang mayroon ng lakas ng loob, pagtitiyaga sa pamamagitan ng paghahangad na matutuhan ang tunay na daan patungo sa kaluwalhatiang walang hanggan.

Mga kapatid na mga nag-aaral ng simulaing ito, napakadakila ngang bagay kung ang isang nag-aaral ay nakatataglay ng mga araling ibinababa ng kabatlayaan sa inyong kalagitnaan.

Ngunit kung ang isang nag-aaral ay wala siyang matataglay na anumang kataga na ibinababa sa inyong kalagitnaan, kahabag-habag ang isang nag-aaral na walang natutuhan sa mahabang panahong ng kanyang pakikipag-aral sa kabatlayaan.

Kaya nga at kinakailangan na ang bawat nag-aaral ay makapagtaglay ng mga araling dapat magawa sapagkat iyan ang kinakailangan na magiging silbing alalay sa inyong pagkabuhay; maging sa pamamagitan ng inyong matapat na hangaring ninyong matutuhan at maisagawa ang lahat ng mga ini-aaral ng kabatlayaan sa ganitong pagkakataon.

Sapagkat ang hinahangad ng kabatlayaan ay matutuhan ng isang mag-aaral kung papaano siya gagawa ng mga bagay na pangangailangan ng kanyang sarili, ngunit kung ang isang nag-aaral ay walang nagagawa, ano kaya ang kanyang matataglay pagdating ng panahon upang kanyang madala sa dako pa roon upang siya ay huwag magkaroon ng anumang mga bagay na hadlang sa kanyang buhay na kung siya ay lumisan at mag-iwan ng laman sa kapatagang-lupa?

 

1982-05-19,RR

Mga kapatid, napakadakila nga ang isang nag-aaral na alinmang simulain, hindi lamang ang simulain ng Espiritismo, kungdi ang lahat ng aralin ay kinakailangang makataglay ng biyaya at pagpapala at ng mga ini-aaral ng kabatlayaan sa ganitong kalagitnaan.

Mga iniibig ko, magpatuloy kayo sapagkat kailanman ay hindi kayo magsisisi kung dumating na ang panahon sapagkat kayo ay nakatupad, nakagawa sa inyong mga tungkulin at iyan ang kinakailangan na kayo ay makatulong lalo pa sa mga may karamdaman at gayon din naman sa mga kapatid na lalo't nangangailangan ng inyong tulong.

Iyan ang kinakailangang maganap at maisagawa ng isang nag-aaral sa pamamagitan ng kanyang matibay na pananampalataya at paggawa ng lalong mga kabutihan sa kapatagang-lupa. Sapagkat ang mga mabubuting gawa ay pinakikinabangan ng kanyang kaluluwa.

Iyan lamang ang aking iiwan at inaasahan ko sa marami nang nagbigay ng pagkakataon na aralin ay mayroon na kayong nataglay sa inyong mga sarili. Kapayapaan ang muli kong iiwan ngayon at magpakailanman. Paalam, Apostol Pedro


Comments

Popular posts from this blog

2023-11-27, Rebecca

2016-02-02, Rebecca

1981-1994, Koleksyon - Geronimo de Guia