1993-1994, LVS, Koleksyon - Apostol Pablo

 

 









 


1994-07-24, GPL

Managano kayo sa katotohanan at kadakilaang hinahangad ng inyong mga diwa ngayon at magpakailanman!

Sa buhay at pag-aaral ng tao ay lagi nang pagnanasa ng mga bagay na mabuti, ang hinahangad ng lahat at bawat isa subalit sapagkat kayo ay mahihina pa sa iyong mga pagkakilala ay hindi managumpay ang katotohanan at kadakilaang hinahangad nginyong pagkatao.

Nadadaig kayo ng kahinaan at pagkakilala samantalang ang kabatlayaan ay walang humpay ng paghasik at pagtuturo kung saan ang daan patungo sa katotohanan.

Mga kapatid, sa haba ng lakbayin ng tao ay lagi nang, tulad din ng dakilang Panginoon, Siya ay dakila at banal sa kanyang paglalakbay sa kapatagang ito ay nagtamo ng mabibigat na parusa, nadadapa at nasusubasob.

Ganyan din ang tao sa kapatagang ito na kinakailangang tatagan ang bawat sarili upang ang haplos ng kahinaan ay hindi manaig sa kanyang diwa.

Kinakailangang kung papaano nagtuturo ang kabatlayaan at pinaninindigan ng bawat sarili ang mga banal na aral ng Panginoon ay kinakailangang maisakatunayan.

Huwag kayong padadala sa mga kahinaan ng inyong mga sarili sapagkat ang kahinaan ang magdadala sa tao sa pagpapalawit ng kanyang kaluluwa.

Kinakailangang panindigan ng bawat sarili ang pag-aaral na ito at ang mga turo ng kabatlayaan ay isa-alang-alang at isakatunayan ang mahalagang tungkuling dapat gampanan ng bawat nilikha sa daigdig na ito ng mga pagsubok.

Kayo ang mga manggagawa ng Panginoon, lagi nang tinatawagan at hindi pinababayaang maglunoy sa kawalan ng pag-asa.

Laging naka-alalay ang kabatlayaan sa lahat at bawat isa sa inyo at nanalasang paninindigan ang katotohanan at kadakilaang inyong natutuhan sa gani-ganitong pagkakataon.

Huwag kayong magpapabaya sa mga bagay na inyong natutuhan. Panindigan ninyo ang katotohanan sa gawa ninyog mabuting bagay na kinakailangang magampanan ng inyong mga sarili.

At kayong mga kapatid na lagi na ay natutukso, kung tawagin, bayaan ninyo na pag-aralan na siya ninyong mapanindigan.  Huwag kayong padaig sa kahinaan. Sapagkat ang kahinaan ang mabubulid sa inyo sa dagat ng kawalang-pag-asa.

Manindigan kayo at lumangoy sa daigidg na ito ng mga hugis na pawang pagsubok ang nakahandulong sa inyong mga sarili. Manindigan kayong isang manggagawa ng Panginoon na marunong umunawa at magpawalang-halaga sa mga bagay na walang kauuwian sa inyong mga sarili.

Mga iniibig na kapatid, magpapatuloy kayo sa inyong pag-aaral sapagkat ang kabatlayaan ay hindi nagsasawa na umunawa at umalalay sa mga kapatid na naninindigan at humihingi ng tulong sa kabatlayaan.

Upang alalayan siya sa kanyang sarili para hindi siya magkamali at ipagpatuloy ng tao sa daan ng katotohanang hinahanap ng isang kaluluwa upang makarating sa daungan o batisan ng Panginoong siyang kadluan ng maraming katotohanang magpapapalamig sa isang kaluluwang nagnanasang makarating hanggan sa pilin ng Amang Makapangyarihan.

Kapayapaan ag inilalagak ko sa inyo ngayon at magpakailanman! Paalam, Apostol Pablo.

 

1993-12-26,  GPL 


Biyayaan kayo ng kapayapaan at kaliwanagan, kinakailangang maghari sa lahat at bawat isa ngayon at magpakailan man!

Mapalad ang mga dakilang araw na ito sapagkat ang daigdig ay ginising ng isang katauhan upang mahayag at muling mabuhay sa diwa ng bawat isa ng mga dakilang araw ng pagsilang ng dakilang mananakop at mahayag ang katotohanan na ang tao kinakailangang manampalataya at gumawa alang-alang sa mga dakilang halimbawang iniwan ng Dakilang Panginoon.

At sa inyong sariling pagkakakilala at pananampalataya mahayag at nagising ang mga bagay ng kabutihan nang nahayag at inihayag ng Dakilang Panginoon.

At sa inyo kayang pagkakilala at paglakip ng inyong mga diwa ay naroon kaya ang isang katotohanan ng kadakilaang hinahangad ng bawa’t tao na tumupad ng mga halimbawang iniwan ng Dakilang Panginoon?

Mayroon kayang nagnanais na pag-aralan ang inyong mga sarili sa katunayan ang mga dakilang aral na ito at ganapin ng mga tungkuling kailangang magdala upang ang inyong mga diwa o kaluluwa.


Magkaroon ng bahaging natitipon sa mga dakilang sandali at sa mga pagsalubong ng inyong mga diwang marunong ay naipakilala na kaya ng bawat sarili ang kahalagahan ng tungkulin at pag-aaral ng tao upang ganapan naimpok ang inyong mga sarili mayroong naitabi ng mga bahagi ng mga nagawa ng inyong pagkatao.

Hindi kaya kayo nagpakalasing sa isang kapatagang ito upang magpaindayog ng kahigitan ng inyong sarili kaysa sa inyong mga kapwa? Kayo kaya ay nagbigay at naawa sa mga taong hindi makabangon sa kanilang kalagayan sa ibabaw ng lupa?

Mga minamahal na kapatid, kung kayo ay nakatupad ng inyong tungkulin, kung ang inyong mga diwa ay nalagay sa isang kababaan at pagkahabag sa mga kapatid na nangangailangan ng tulong, marahil mayroon na kayong naitabi ng nauukol sa inyong kaluluwa.

At ito ang bahagi ng pag-aaral upang salubungin ninyo ang bagong taon ng isang kasiglahan at kaganapang maipangangako ang isang tungkuling ganapang makagawa at maipakilalang ang mga kadakilaang hinahangad matutuhan ng bawa’t tao ay upang maging ganap ang kanilang pag-aaral.

Tungkulin ang umunawa at magkawangga at makagawa ng mabuti sa kanyang kapwa at mapatawad ang sa kanya ay nagkasala.

Mga na kapatid, maging mga anak kayong magpapaumanhin sa inyong mga kapwa, kung ang inyong mga bunso ay hindi makaunawa ay, kayo ang ina ng sangkatauhan na nagdadala ng tunay na bigat upang ang kabigatang siyang naghahari sa inyong mga puso ay gumaan.

Kayo ang gagamot sa mga sugat ng inyong diwa, kayo ang maglagay ng masarap na pagkain ng kaluluwa sapagkat mabigat ang nag-iisa. Mabigat ang dalahin ng isang ina sapagkat ang ina, siya ang ina ng kapayapaan at siya rin ang Amang Makapangyarihang naghahandog sa tunay na pag-ibig at kabanalan sa tuwina.

Mga kapatid, nasisiyahan ako sapagkat ang sangkatauhan ay nasisiyahan subalit lalo akong maliligayahan kung makikita ko na nagtotoo ang bawat tao sa kanyang tungkulin gumanap ng mga bagay na mabuting pangangailangan ng bawat nilikha sa kapatagang lupa.

Mga kapatid magpatuloy kayo, hugasan ninyo ang inyong mga diwa upang salubungin ang panibagong taon. Dagdagan ninyo ang pagkaunawa at paggawa upang ang inyong pag-aaral patuloy na isakatunayan ng manggagawang nagpapatuloy na gumagawa sa pataniman ng Panginoon upang makapag-ani kayo ng masagana sa mga dakilang araw na ito.

Kapayapaan ang inilalagak ko ngayon. Paalam, Apostol Pablo



1993-12-19, RAD 


Sumainyo ang mga biyaya at pagpapalang nagmumula sa Amang Makapangyarihan ngayon at magpahanggang sa wakas!

Sa buhay ng bawat tao naroroon ang bahagi ng pagtitiis at ito ang isang karapatan na ipinagkaloob sa bahaging kinakailangan na dumaan sa palihan.

At gaano kagaan ang makamit ang bahagi ng karanasan, gaano kagaan ang makintal sa puso ng bawat tao ang pintigin ng kabanalan o pagpapakabanal. Kasing gaan kaya ng pagbuhat ng isang tabong tubig na nang dahil sa kanyang kagaangan ang lahat ay hindi maaari na hindi tumalima at hindi makaya ang timba ng tubig?

Kung ganito kagaan at magiging magaang ang pagkakapitas ng “perpeksiyon” walang pagpapakabanal sa bahagi ng buhay ng tao, marahil hindi maitala sa kasaysayan na sa isang sabsaban kumatok ang mag-anak upang doon isilang ang Mesiyas.

Samaktwid ipinakikita at ipinadadama sa bawat nilalang sa buhay ng isang Hesus ang kalagayan na dadaanan ng isang kaluluwa na papalihin, huhubugin, pakikinisin at magtatamo ng kanilang kawagasan.

Dahil dito ay iugnay ngayon ninyo sa inyong kabuuan maging mapalad kaya ang pagkakataong ito upang madama ninyo na kayo ay pinupukpok, na kayo ay kinakatok. Sapagkat naroroon na ang isang antas ng kamalayan upang gisingin ang kaunawaan sa isang tungkulin na kinakailangang makabuo ang isang kaluluwa ng mga silahis ng kaliwanagan na siyang magpapatotoo nakamit ang tagumpay laban sa hibo ng isang laman.

Kung natamo ang mga ito kayo pala ang tatanggap o kayo ang magtatala ng inyong natutunan sapagkat hindi kaya ng isang pagkatao na manindigan sa kabanalan ng kanyang simulain.

Kung kayo ang katulad ng larawan ng kasaysayan na tumanggi na sa kanyang tahanan na isilang ang isang Hesus o ang isang Mesiyas naroroon pa rin ang pagsusuri at malalim na pagtakal ng kanyang sarili sa dala-dala na kaunawaan ng kanyang kalagayan.


Sapagkat kung ito ang isang patotoo na ang bahagi ng pagsilang ng isang Mesiyas ay paghahayag at paghahantad ng isang kaangkinan na mayroon na ng katatagan ng isang kaangkinan.

Na mayroon na ng kalinisan, ng isang kaangkinan na mayroon na ng kabusilakan at kapinuhan ng kanyang tibukin marahil ang lahat ay magsasabi, kung ilalagay sa isang pangungusap, "Panginoon, naririto ako at handang tumanggap," bagaman ang katumbas nito katulad ng larawang nakita at nabadha na katulad ng inyong narinig kahirapan at tiisin ang dala-dala ng sanglibutang ito sa kanyang kaluluwa.

Ito ang madadama, ito sadyang kinakailangang na makita ng isang nilikha na naroroon na sa antas na kinakailangang magpatotoo ang kanyang kaluluwang siya nga ang pinali ng karanasan, siya ang ay pinanday ng bawat pangyayari na dahil dito ay hubog na ang kanyang kaunawaan upang kilalanin ang kanyang tungkulin at kaakibat nito ay ang bahagi ng tiisin.

Hindi ba iyan ang makasulat, sa pamamagitan ng tiisin ay maipagwawagi ninyo ang kaligtasan ng inyong kaluluwa? At kung ang pinakamaliit ng tiisin ay naririto ang mayroon ng kabanalan sino ngayon ang nanaisin na gumanap ng kalagayang ito?

Hindi ba ang isang nilalang na naroroon pa sa kabuuan ng kanyang sarili doon sa paghanap ng nauukol sa isang mariwasa at ng isang ginhawa ng isang lamang nakikipamuhay sa ibabaw ng lupa. Hindi doon isisilang sa isang kalagayan ng tao na hanggang ngayon, ay pinid pa ang kaisipan upang tumanggap ng kanyang kamalian.

Hindi doon isisilang ang kaliwanagan at doon sa kabanalan sa isang nilikha na hanggang ngayon ay pinid pa rin ang damdamin upang damahin ang pangangailangan ng lamang kapwa.

Hindi doon isisilang ang mga bahaging ito ang magbibigay ng “perpeksiyon”. Kung ang mithi at pinakamimithi sa pagsasagawa ay naka-ukol sa sanglibutan.

Kaya nga, saan hahantong ang isang kasaysayan sa isang sabsaban at kung ang sabsabang hinigan at kinasadlakan ng pinong katawan ng isang Mesiyas ay binubuo ng mga dayami.

Na ang dayaming ito ay nagmula doon sa tangkay o uhay ng mga butil ng biyaya, hindi baga iyan ang pagpapatotoo na walang katumbas na kung saan ang tao ay matututo na ng maghubad at mag-aalis na karumhan ng kanyang sarili.

Na ang tao ay matutuo ng mag-alis ng kapalaluan sa kanyang kalagayan na ang tao ay makaunawa na sa simulain ng kanyang espiritu bakahin ang maling paniniwala at kamangmangan.

Kung naririto na ngayon ang antas at kalagayan ng isang kaluluwa, hindi maaaring hindi isilang ang isang kaliwanagan at nang dahil sa kaliwanagang ito makikita ngayon kung ano ang kabuuan ng kanyang daan na kanyang kinakailangang tahakin. Nakikita niya ngayon kung ano ang kahalagahan ng kanyang tahanan na kinakailangan buoin.

Dahil dito, sa bahaging iyan ang kaunawaan ang mag-aatas upang hanapin ang isang sanggol, ang kanyang kamalayan sa katotohanan ang siyang magbubunsod upang hanapin at mapasakamay niya ang kadakilaan ng isang sanggol.

At kung ang kasaysayan ay magbadya at naglarawan na nang dahil sa paghahanap na ito ay maraming buhay ng mga walang malay ay kinitil upang ang sadyang maganap at kinakailangan maganap.

Sapagkat kung ang musmos na kinitil ay katumbas ng kawalang malay ng tao sa kanyang tungkulin na ang kamusmusan ng tao sa kanyang paninindigan sa kanyang tuparin, hindi baga iyan ay kinakailangang alisin? Hindi baga kinakailangang putulin?

Sapagkat ang isang nilikha at isang mag-aaral na nagsagawa nang naayon sa kabanalan ang tungkulin ay hindi kinakailangang maging mahina sa kanyang paninindigan.

Hindi kinakailangang maging mabuway sa kanyang pananampalataya at lalong hindi kinakailangang maging musmos sa kanyang pagkakilala sapagkat sa pagiging musmos ay naroroon ang pagtataglay ng dalawang akala na siya ay mayroon na kabuwayan sapagkat kulang sa paninindigan.

Ito ay mga bahagi na inihahantad ng kasaysayan ito ay mga bahagi ng dala-dala at binubuksan ng paulit-ulit na pagsasagawa ng tao. Ngunit alin ang bahaging nabubuksan na kaunawaan at kaisipan ng bawat nabubuhayan ang pagtanggap ng mga handog na materyal ang pagtanggap ng mga kumikinang, ang pagtanggap ng bawat bahagi na tinuon ang kanyang pagbibigyan.

Paulit-ulit na pagkakilala, paggawa sa kaalaman at karunungan upang marating ang perpeksyon

Dahil dito, sadyang kinakailangang ulit-ulitin ang kasaysayan sapagkat sa pamamagitan ng pag-uulit ulit ng kasaysayan, doon ay magkakaroon ng kasanayan katulad sa isang gawain marating ang kanyang “perpeksiyon.” 

Sa paulit-ulit na pagkakilala, sa paulit-ulit na paggawa ng tao sa kaalaman at karunungan sa kaisipan sa damdamin at sa kalooban ng tao na siyang kabuuan ng isang kaluluwa.

Ang pagkabukas ng kaunawaan sa bawat pag-uugnay ay nabubuksan  ang kalihiman ng buhay

Dahil dito, magiging madali ang pagkabukas ng kaunawaan. Kung ang bawat bahagi ng kasaysayan ay inilalagay ninyo at ini-uugnay ninyo sapagkat sa bawat pag-uugnay ang binubuksan ninyo ay ang kalihiman ng inyong buhay.

Ang pagsasandugo ng isipan damdamin at kalooban sa pagbukas ng kalihiman ng buhay

At sa pagkabukas nga kalihiman ng inyong buhay naroroon hindi maaaring hindi gigitaw ang lahat na ibinibigay at ipinagkakaloob ng Panginoon. At sa paggitaw na ito mag-iisa, magsasandugo, magbibigkis ang kaangkinan ng inyong kaluluwa sapagkat iyan ay kinakailangan sa sandali ng kanyang pagsasagawa, kaisa ang pag-iisip, ang kanyang damdamin.

Kinakailangang maging kaisa ng pag-iisip at ng kanyang damdamin ang kanyang kalooban at ang tatlong ito ay kailangang dumoon sa kanyang layunin sa pagsilang sa ibabaw ng lupa at kung ang layunin ng bawat kaluluwa ay maabot at marating ang kawagasan katulad ng aking ipinangusap sa simula ang “perpeksiyon”.

Dito ngayon kikilos at dito ngayon gagalaw ang bawat pangyayari at bawat karanasan nasasa isang tao at nang dahil diyan naroroon ang kaunawaan na hindi magiging mahirap at hindi magiging mabigat, hindi magiging mahirap at hindi magiging mabigat ang kanyang pakikitalad sa ibabaw ng lupa sapagkat hindi hahanapin ang kaginhawahan na dadamhin ng isang laman.
 
Hanapin ang kariwasaan ng kaluluwa na tumutubo at lumalago

Hindi hahanapin ang kariwasaan ng isang pagkatao ng higit sa pangangailangan ng kanyang kaluluwa sapagk’t ang lahat ay maaaring mawala, marring mabulok, maaaring manakaw. Ang isang dala-dala at madadala na kaalaman ng isang kaluluwa ay tumutubo, umuusbong, lumalago, sumusulong na dahil dito naririyan ang pinakadakilang kayamanan na kinakailangang kunin at pagpitayahan ng bawa’t nabubuhay.

Kung gayon, sa bahaging iyan tanungin ninyo ngayon ang inyong sarili, kayo kaya ay mapalad sa sandali sapagkat isisilang na inyong kabuuan ang isang Mesiyas sa magpapabago ng inyong galaw at sa pagbabago ng inyong galaw.

Iisa ang kanyang tutunguhin, ang daan patungo sa kanyang ikababanal na dahil dito, ang saplot na nasasa kanya ay sadyang mahuhubad at sa kanyang paghuhubad, naroroon ang dakilang patotoo ito nga ang sandali at pagkakataon na kung saan tinanggap ng kanyang tahanan ang kabuuan ng dakilang liwanag na naroroon ang lahat ng lakas na magiging gabay at timbulan ng isang kaluluwa sa pakikipamahayan sa ibabaw ng lupa.

Ito ang mga bahagi na akin sa inyo ay iniiwan na nawa maukit sa pinakamalalim na bahagi ng inyong pagkatao upang hindi mawala, hindi mawaglit kundi manatili laging buhay katulad ng diwa na nagbibigay ng buhay at ang katitikan ay pumapatay.

Maghari nawa sa inyong mga puso sa lahat ng tao ang pag-iibigan, kababaang-loob, pagkakawanggawa, kaliwanagan ng pag-iisip, kapayapaan ng isang kaluluwa ngayon at magpakailanman! Paalam, Apostol Pablo.

palihan


papalihin

pinali

magbadya

hibo

1993-11-24, GPL

Managano kayo sa katotohanan at kadakilaang hinahangad ng lahat at bawat isa sa inyo ngayon.

Sa pag-aaral ng lahat at bawat isang nagnanasang makapagpatuloy upang ang halina ng kabatlayaan ay maisagawa ng tao taon-taon.

At sa bawat sandali hinahangad ng kabatlayaan gisingin ang inyong mga diwa upang ang kahalagahan ng tungkulin at pag-aaral ay makapagpatuloy subalit sadyang ang mga manggagawa ng Panginoon ay tinaguriang mga tamad na manggagawa sapagkat nauukol sa pag-aaral at pananampalataya wari ay tamad ang tao sa pagpapatuloy sa pag-aaral na ito.

Laging libang at hindi maiwasan ang mga bagay na pangkapatagan lagi nang humahalina sa kanilang mga sarili kaya’t ang sangkatauhan ay muli at muli ay ginigising ng kadakilaan ng Panginoon upang ihayag ang katotohanan sa haba ng inyong mga lakbayin at naglalakbay hanggang ngayon ay hindi pa kayo nakararating sa lundo ng inyong pag-aaral. Hanggang ngayon ay kulang at kulang ang natutuhan ang tao.

Kailan ang tao ay naging matatalino subalit ang iba ay naliligaw at ginagawang sangkalan ang kadakilaan ng isang Amang Makapangyarihan nagbibigay ng buhay at ng Kanyang Anak upang mahayag ang katotohanan ng kababaang-loob at pag-ibig.

Subalit ang tao ay kani-kaniyang kaalaman at naliligaw ang marami. Kung ang tao lamang ay dinadakila ang kanilang mga kaluluwa o Espiritu marahil ay hindi maliligaw, ang marami at ang pinahahalagahan ay isang kalamnang siyang maiiwanan sa kapatagang-lupa.

Ang lahat ng mga bagay na mabuting itinuturo ang kabatlayaan hindi lubusan naisasagawa at nasusunod ng tao at ang layunin ng isang katawang laman na mahilig sa kalayawan ay siyang lagi nang pinahahalagahan ng tao.

At ang isang Espiritung babalik sa kanyang pinaggalingan o sa Amang Makapangyarihan hindi makapagpatuloy ang tao sa kadakilaan ng kanyang pag-aaral at pananampalataya, paglilingkod, kababaang-loob at pag-ibig ang siyang inihayag ng dakilang Berbo sa isang hamak na sabsaban isinilang ito at hindi sa magagandang antas ng kalagayan ng tao.

Subalit sa haba na panahon, magpahangga ngayon ay hindi pa ito at wala pang nakatatanggap sa mga tao na sa kababaang-loob at pag-ibig ay siyang manatili sa kanilang katauhan at maipagpatuloy ang kadakilaang iniwanan ng dakilang Panginoon upang maging ganap na katotohanan ang kadakilaang hinahangad ng lahat at bawat isa.

Mga kapatid, hanggang kailan pa magigising ang bawat diwa? Hanggang kailan pa makapagpapatuloy ang mga nilikha sa magagandang nasain ng kanilang mga kaluluwa at pag-aaral?

At hindi na lagi na lang ang katawang lamang ito ang siyang binibigyan ng halaga inilalagay sa pedestal ng kataasan ang pagkakilala subalit sinasabi sa Banal na Aklat na ang mataas ay ibababa at ang nasa ibaba ang siyang matataas.

Mga kapatid, mag-aaral pa kayo ng dakilang katotohanan. Dagdagan ninyo ang inyong mga paggawa at kababaang-loob at pag-ibig ang lagi nang nakahandulong sa inyong mga puso. Ipagpatuloy ninyong isagawa upang maging dakila ang inyong kaluluwa kung dumating ang mga dakilang araw ng Panginoon.

Hanggang kailan kaya, matatanggap ng tao ang katotohanan at kadakilaang iniwan ng dakilang Panginoon, magpahanggang ngayon nanunuluyan pa ang mahal na Ina sa inyong mga puso upang doon masilang ang dakilang Berbo.

Magising sa katotohanan ang mga nilikhang sa isang kaabahan ay naroroon ang dakilang Anak ng Tao at magpahangga ngayon ay marami ang hindi matanggap ang dakilang Ina upang doon masilang sa kanyang puso at diwa ang mahahalagang tungkuling dapat gampanan ng lahat at bawat isang nananampalataya sa kanyang pag-aaral.

Mga kapatid, magpatuloy kayong mag-aral, magpatuloy kayong umunawa, upang ang diwa ng isang kapaskuhan ay maging maligaya sa inyong mga pagkatao kung matanggap na ninyo ang dakilang Berbo sa inyong mga puso.

Kapayapaan ang inilalagak ko sa inyo ngayon at magpakailanman, Paalam, Apostol Pablo.

1993-11-21, RAD

Sumainyo ang biyaya at kapayapaang nagbubuhat sa mga langit, ngayon at hanggang sa wakas!

Ang tao ay binuo, nilalang ng Diyos na malinis, husto sa bawat kaangkinan na kanyang tinataglay. Mayroon nang kalinisan sa kanyang kabuuan. Datapwat sa bahaging ito, upang ipadama ang kanyang karunungan, ang kanyang pag-ibig may batas, may ilaw upang galawan ng tao.

At buhat sa mga ito, doon lumapi ang salitang “pagsulong”. Na nang dahil diyan ang kalinisang dala-dala at taglay-taglay ng tao ay narumhan sapagkat kinilala mayroon ng kalayaan. Kaya nga, upang matupad ang kanyang pag-ibig na kung sa malinis doon nasimula doon din babalik.

Ibinigay ang mga aral na karapat-dapat panghawakan at maging gabay ng tao na kanyang binigyan ng buhay. Katulad na ngayon ay kinapapalooban ng sandaling ito na ang wika ng pangungusap “magpakatibay ang bawat isa at panghawakan ang aral na itinuturo maging ito ay sa salita o maging ito ay sa sulat."

Hindi baga ang bahaging ito ng pangungusap ay nagdadala at nagbibigay ng pag-ibig?Sapagkat naroron inilalarawan sa kabuuan ng tao ang lahat ng kanyang haharapin, ang kanyang pamumuhay na kanyang dadanasin?

Na sapagkat ang lahat ay nakapaloob sa batas ng pagsulong hindi iisang landas ang tatahakin ng lahat at bawat isa. Kungdi iba at ibang uri ayon sa kani-kaniyang palihan, sa kani-kaniyang kautusan kaya at ang wika, “mangagpakatibay kayo”. Bakit?

Upang ipakilala, kayo nga ang magdadala ng kaangkinan ng isang Diyos. Kayo rin ang nagmula sa isang kalinisan at kawagasan. Kayo nga ang binigyan ng buhay upang magpatotoo sa kanyang karunungan at sa kanyang pag-ibig.

Saan kayo kinakailangang maging dakila? Hindi baga sa bahagi ng mga araling kinakailangang unawain ng lahat at bawat isa. Dahil dito, upang ito ay matupad, naroroon ang patotoo maging gabay ninyo ang aral na sa inyo ay itinuturo.

Dahil dito, ano ang mga bahaging ito upang makapagbigay ng katatagan at katibayan sa pagkakatayo at pagkakatindig ng bawat isa. Ang wika, “mapalad ang inaabot ng sari-saring tukso at mga pagsubok sapagkat sa isang sandali na ito ay kanyang mapagtagumpayan ay tatanggap ng putong ng bukas.

Kung ito ngayon ang pangungusap na naroroon ang aral na kinakailangang gabay panghawakan ng lahat at bawat isa saan ninyo ilalagay ang kabuuan ng inyong kaluluwa?

Doon baga sa mabigat na pagsubok na sa inyo ay dumarating upang kayo panghinain?Doon baga sa maliit na suliranin upang maging mabuway ang pananampalataya ng bawat isa? Kungdi doon sa bahagi ng patuturo na dala-dala ng mga ito upang matanggap na ang lahat ng ito ay kinakailangan na kanyang panagumpayanan.

Diyan ngayon siya magpapakatibay sa hibo, sa pintiging dala-dala sa magaspang na lakas na kaakibat ng suliranin, kaakibat ng pagsubok, kaakibat ng bawat karanasan na nangingibabaw sa ibaba ng lupa. Kung saan ang punto naliligatig ang tao, kung ang kaluluwa na siyang magiging gabay upang makilala niya ang landas na kinakailangan na kaniyang tahakin at daanan.

Ang kaliwanagan ng pag-iisip sapagkat sa isang sandali makilala niya na ito ay dumarating upang itaas ang kanyang pagkakilala iangat ang kanyang kamalayan, ibigay ang bahagi ng pagsulong para sa kanyang diwa sapagka’t narorooon ang katotohanang na sa kanya ay makapagpapalaya.

Hindi baga iyan ay putong ng buhay na napakadakilang kapangakuang ibinigay sa lahat at bawa’t isa? Ang pag-ibig sa kanyang puso, nananatiling naroroon hindi nagdaramdam kahit siya ay nasasaktan, hindi nagagalit kahit siya ay ginagawan ng hindi karapat-dapat.

Hindi napopoot kung ang binabata na buhat sa kanyang kapaligiran sa kanyang sariling tahanan, sa kanyang sariling kabuuan ay nagwawasak ng kanyang kapyapaan sapagka’t ang pag-ibig ang namamahay sa kanyang sarili.

Ito ang dala-dala ng bawat suliranin, ito ang binubuksan ng bawat pag-iimpok kaya nga at ang wika, “magpakatibay kayo”.

Diyan nararapat na maninindigan ang bawat isa, kung ang tanging aral na kailangan idalangin upang inyong maging gabay, ang wika ng pangungusap, “sa pamamagitan ng tiisin ay maipagwawagi ninyo ang inyong kaluluwa”.

Bakit kayo gumagawa npinakamabuti na inyong ginagawa? Bakit kayo naghahangad na makapag bagong-buhay? Bakit ninyo hinahangad at inaadhika na kayo ay maka-ahon sa kamangmangan na inyong kinalalagyan, hindi baga nang dahil sa kaligtasan na tatamuhin ng inyong kaluluwa? Paano ninyo ito maipagtatagumpay iyang pangungusap, "sa pamamagitan ng tiisin maipagwawagi ang inyong kaluluwa”?

Kung ito ngayon ang inyong panghahawakan, alin ang inyong katatakutan? Kung ito ang inyong magiging gabay, ano ang makapagbibigay kaligayahan sa inyong damdamin? Alin ang makapagligaw sa inyong damdamin? Aling ang makapagpapahina sa inyong pananampalataya, hindi baga wala?

Sapagkat nauunawaan ninyong lahat ng iyan ay baitang sa pagsulong, lahat ng iyan ay kasangkapan upang magpatotoo at magpakilalang ang isang kaluluwang siya ay anak ng Diyos. Siya ay nagbuhat sa isang kawagasan, siya ay nagmula sa isang kaluwalhatian, siya ay magmula sa isang “perpeksyon”.

Dahil dito, ang lahat nang iyan ang diwa na sa inyo ay magbibigay ng buhay. Na dahil dito sa bawat sandali, sa bawat pagkakataon, sa bawat kalagayan ng inyong sarili hindi mawawala at hindi mawawaglit ang gabutil na mustasang pananampalataya upang mapalipat ninyo ang lundo sa kabilang ibayo ng dagat.

Ang guho, ang lahat ng pintigin na siyang nagpapa-untol sa pagsulong ng isang diwa ang lahat ng hangaring na umaakay sa bawat nabubuhay upang siya ay magkasala, ang mga kaugalian na lihis at sinsay sa batas ng pag-iibigan.

Sa pamamagitan ng inyong kaunawaan, naroron kaagapay ang inyong pananampalataya “ang maililipat ninyo sa kabilang ibayo ng dagat”. Na ang ibig sabihin, magagawa ninyo na ito ay magsangkapan sa inyong pakikipamuhay kung hindi ang inyong kaunawaan ang susupil sa bahagi ng xxxx.

Dahil diyan, ang larawang inyong ihahantad, ang larawan ng tunay na larawan sa ubasan ng Diyos. Ang larawan ng isang kaluluwa na nabuksan ang kanyang kamalayan sa pakikipamuhay sa ibabaw ng lupa. Ang larawan ng isang nilalang na mayroon ng matatag at matibay na pagkakilala na wala siyang magagawa maliban ang ipagkaloob sa kaitaasan.

Hindi baga iyan ay mga aral na kinakailangang inyong panghawakan na narooron ang kahalagahan, ang katibayan, ang ibinibigay sa lahat at bawat isa. Dahil dito, nabubuhay kayo sa isang kalagayan na mayroon nang saligan, mayroon nang batayan, kaya nga at sa inyong paglalakad mayroon kayong napulot sapagkat nagagawa ninyong damhin ang kahalagahan at kadakilaan ng inyong narinig.

Hindi na kayo ang mangmang na gumagawa at gumagalaw nang hindi nauunawaan ang layunin na kanyang nagawa. Hindi na kayo ang mangmang na ang pinanatili, “ako ay tao na may kahinaan kaya at nagkakamali at nagkakasala”.  Hindi ang mga ito, ang kalinisan ng inyong puso na siyang nagbibigay at nagkakaloob ng karapatan upang makita ninyo ang muhka ng Diyos.

Dahil dito,  sapagkat bilang kabataan, kayo ang katali tinataon ng kinabukasan. At kung kayo ngayon ang katali, kinakailangang iyan ay magkaroon ng laman na magiging kapakinabangan ng sandaigdigan. Kabahagi ng mga kabahagi na nagtataglay ng kalinisan sapagkat ang dala-dala ang liwanag at pag-ibig.

Dahil dito sa bahaging ito, kilalanin ninyo ang inyong sarili. Suriin ninyo at siyasatin upang madama, kayo nga ang tinuturuan ng katotohanan. Kayo nga ang mga nilalang na pinili at hinirang sa sanglibutan upang maging huwaran.

Na dahil dito ay nagpapatototoo nabuksan ang isang kamalayan upang gamitin ang kaangkinang dala-dala ng inyong kaluluwa na sa pamamgitan ng mga ito ipinakikilala ninyo ang kahalagahan ng inyong tuparin.

Ang kadakilaan ng inyong tungkulin na kung saan kayo kinakailangang dumoon, doon kayo bumubuo ng isang matibay na paninindigan, kung saan dadalo at paparoon na kung alin ang hindi karapat-dapat na sa inyo ay nasilayan at mamasadan.

Doon din kayo bubuo ng isang paninindigang hindi ito ang larawan na sa akin ay ibinuo at binubuo ng kaitasan. Dahil dito, sa isang sandali na maging kalagayan ng lahat at bawa’t isa binubuo ang mga xxx.

Na dahil dito naririyan ang lakas. Katulad ng pag-ibig na ibinigay sa kasaysayan ng isang Hesus sa kanyang pagkabayubay sa krus, nagpatototoo ito nga ang anak ng Diyos. Ganyan kayo sa inyong kalagayan, ganyan kayo sa inyong kaunawaan at ganyan din kayo kinakailangan sa inyong paggawa.

Dahil dito, bawat sandali na mayroon ng pagkakataon ang inyong sarili upang ipakilala kayo ay nakauna ng inyong tungkulin. Hindi na rin magpapabaya sapagkat malapit na ang panahon upang ang lahat ay gumawa sapagka’t kinakailangang may patay na mabuhay at bumangon.

Ito nga ang mga bahagi na sa inyo ay iniiwan, maghari nawa sa inyong mga puso ang pag-ibig at kababaang-loob at kawanggawa.

Kapayapaan ngayon at magpasawalang hanggan. Paalam, Apostol Pablo.


lumapi


1993-10-10,  GPL

Nag-aaral ang tao upang mapahalagahan ang kanyang pananampalataya sa ngalan ng dakilang Amang Makapangyarihang lagi nang naghahangad ang tao na makatipon ng banal na gawa laign napag-aaralan sa ganitong pagkakataon.

Subalit bakit kung dumarating ang mga dakilang araw na ito ay marami ang nagwawalang bahala at nanghihinamad at ang kaunting bagay ay nagiging dahilan upang hindi makapag-ugnay sa kabatlayaan.

Sapagkat kayong mga tao na mahihina pa sa paninindigan ng inyong mga sarili lagi nang pinahahalagahan ang isang kalamnang naghahayag ng kababaan at kahinaan samantalang ang kaluluwang nasa inyong pagkatao ay naninindigan sa inyong mga sarili inuukilkil ng mga dakilang araw ng ito na pinaiilanlang sa kahigian ng inyong kaluluwa.

Kung bakit pinahihigitan ng tao ang kalamanang mabubulok at maiiwanan sa kapatagang lupa kaysa sa isang kaluluwang banay banay na gagawa ng kabutihan upang makarating at makasunod sa mga dakilang aral na iniwanan ng dakilang Panginoon.

Hanggang kailan kaya matatagpuan ng kabatalayaan ang kadakilaang hinahangad ng inyong mga diwa. Hanggang kailang kaya magagawa ng tao na ang pag-aaral ay huwag ipagwalang-bahala kungdi panayang isakatunayan ang pag-aaral at paggawa na nauukol sa kanyang kaluluwa.

Banay-banay ay itinuturo ng kabatalayaan kung papaano ang mga hakbang na inyong gagawin upang managumpay ang inyong mga diwa subali't ang tao ay nagwawalang-bahala kung ang kalikasan man ay inaantig ang sangkatauhan.

Sa iba ibang dako ay nagaganap ang kalamidad at kayo namang naririto sa mga lugar na ito ay hindi nadarama ang mga salaghati at dinadanas ng inyong mga kapwa sana ay maging alalay ang inyong mga diwa upang mga handog na nagmumula sa kaitaasan ay maipadama at maipadala sa inyong mga kapatid na inaabot ng salaghati sa buhay laman.

Ito ang batayan, ito ang palihan ninyong mga tao napag-aralan ang mga bagay na dumarating sa inyong pali-paligid sapagkat ang lahat ng bagay ay may kabuluhan, walang kabuluhan sa daigdig sapagkat ang kasamaan kapag ito ay kasamaan ay ang titignan ninyo at gagawin ang kabutihan. Iyan ang lagi nang magka-agapay sa daan ng katotohanan sa inyong mga naka-uunawa ng pag-aaral.

Dilim at liwanag, lagi nang magka-agapay sapagkat kayo ang pipili kung alin ang mga bagay na kinakailangang gawin ng bawat nilikha. Kadiliman naghahayag ng kababaan at liwanag na naghahangad ng kadakilaan at kahayagan ng isang dakilang pagkakilala sa inyong mga isipan, kaya at kayo ang pipili.

Kalamidad na siyang kinatatakutan ng marami subalit sa mayroon ng mahihinang pagkakilala ay lalong naglulunoy sa kalamidad na ito kung papaanong kinakailangang bigyan ng tulong ang ina-abot ng kasakunaan ay ang mga nagbibigay pa ang siyang nagpapahirap sapagkat hindi nakakarating sa dapat tulungan ang ibinibigay ng mga kapatid at ng pamahalaan sa kanila.

Mga kapatid, kinakailangang mag-ayos pa ang tao. Matatalino ang tao ng na-uukol sa kanyang sarili, subalit sapat na lahat ay katalinuhan ay nalulugmok sa kasawian ang kanilang mga kaluluwang lagi nang uhaw sa katotohanan at kadakilaang hinahangad ng lahat at bawat isa.

Mga kapatid, magpatuloy kayo at huwag kayong magsasawa, bagaman at paulit-ulit ang banggit ng kabatlayaan, subaybayan ninyo at mayroon kayong maitatabi kung kayo ay marurunong umibig at umunawa sa lahat ng kataon ng pag-aaral sapagkat ang mga gintong butil na maitabi ng isang mag-aaral at maisagawa ay isang kadakilaan ng kanyang kaluluwa habang panahon dadanasin kung dumating ang dakilang araw ng Panginoon.

Kapayapaan ang inilalagak ko sa inyo ngayon at magpakailanman. Paalam, Apostol Pablo.

1993-10-03, RAD

Sumainyo nawa ang biyaya at kapayapaang nagbubuhat sa mga langit ngayon at hanggang sa wakas.

Maging isa kaya na pag-aaral kung ipangusap ang nakasaad sa Banal na Aklat, na ang wika, Walang marunong, wala, wala kahit isa; Walang matuwid, wala, wala kahit isa. (Roma 3:10-11)

Sa bahaging ito, ano ang nakapaloob sa ganyang uri ng pangungusap? Bakit naging bahagi ng isang tala ang kalagayang ito? Aking uulitin, “walang marunong, wala, wala kahit isa; walang matuwid, wala, wala kahit isa.”

Ang ipinadadama kaya at ipinakikita sa tao ay upang mawalan ng pag-asa? Upang bigyan ng kahinaan ang kanyang sarili? Upang dalhin sa isang kalagayan na walang pagsulong? Upang saktan kaya ang isang damdamin sapagkat ipinadadama walang tinataglay ang bawat isa?

Ganito ang aking ibinigay at ipinagkaloob upang makita ngayon ninyo ang kabuuan ng inyong sarili; upang madama ninyo kung ano ang inyong pinagmula; kung ano ang inyong pinanggalingan, na kinakailangan ninyong pahalagahan sapagkat sa inyong pinagmulan at pinanggalingang ito ay naroroon ang pagbubukas sa kaangkinan ng bawat isa.

Nagmula ang tao sa kalinisan

Ang pinanggalingan ng tao ay ang isang perpeksyon. Ngunit sa pagtanggap ng buhay kalakip ang galaw ng isang laman, sinira, winasak, ginutay ang perpeksyong ito dahil sa Kanyang katarungan na ibig ipadama ng isang Diyos.

Ang patotoo ng kasaysayan, na ang isang Adan at isang Eba, na kung iyan ay sagisag ng kaluluwa at espiritu ipinakitang naroroon ang kalayaan, ang kapayapaang walang hanggan; ang kaliwanagang tinataglay; walang kamalayan sa lahat ng bagay.

Ngunit upang matupad na ang tao ay kinakailangang bumuti sa kanyang sarili, umangat sa kanyang kalagayan sa pamamagitan ng kanyang sariling pagsisikhay, ibinigay ang isang ahas. Sino ang ahas na ito sa kabuuan ng kasaysayan?

Hindi baga ito ang inyong karanasan na nagtuturo at nagpapakilala, alin ang tama? Alin ang karapat-dapat? Alin ang matuwid? Alin ang liko? Alin ang kabaluktutan? Hindi ba iyan ang dala ng bawat karanasan?

Ngayon, sa bahaging ito, paano nakikita ng tao at nadadama ang mabuti sa kanyang puso? Paano nakikilala na ito pala ang tama? Ito pala ang matuwid? Ito pala ang karapat-dapat? Hindi baga malibang makilala ninyo ang masama? Kung ano ang gagawaing baluktot? Makilala ninyo ang gawaing hindi matuwid?

Ito ang kanyang magiging puhunan sapagkat siya ay gumawa at nakapagbagong buhay? Kaya at ang dalawang bahaging iyan ay kasama ng tao, kalakip ng tao sa kanyang pakikipamuhay sa ibabaw ng lupa. Kapwa ito may lakas upang pagalawin ang laman. Kapuwa maykapangyarihan na nag-uutos sa sandali ng pagsasagawa ng laman.

Ngayon, ang mga bahaging ito ang siyang dahilan kung bakit may mga pangyayari na sa pagkakilala, sa pananaw at sa pandama ng tao ay napakapait, waring nag-aalis ng katarungan ng Diyos.

Waring nag-aalis ng Kanyang pag-ibig katulad ng inyong narinig, ang lahat ay hindi mapagkasala? Hindi ang lahat ay gumagawa ng liko, bakit nadamay sa panahong ibinibigay ng kalikasan? Naririyan ang pag-aaral ng bawat kaluluwa.

Oo, karma kolektiba, na kung saan naroroon ang pagbabayad ng isang kaluluwa sa kanyang pagkakautang sa ganoong uri ng kaparaanan, na kung saan ay naroroon din ang pagpapatotoo sa mga tao kung ano ang kalooban ng Diyos na kinakailangang matupad.

Na kung saan ay naroroon din ang pagtakal sa pananampalatayang tinataglay ng isang taong nagpakabuti; na kung saan ay tinataya rin kung hanggang saan ang kaunawaan ng bawat nilalang sa katarungan at pag-ibig ng iisang Diyos.

Mapait na kanarasan tagapagbukas ng isang kamalayan, nagpapasulong sa isang diwa

Lahat ng ito ay nag-aangat sa isang pagkakilalang mapait man sa isang damdamin, lahat ng ito ay nagpapasulong sa isang diwa upang marating ang isang hangganan, ang katumpakan. Lahat ng ito ay magbubukas ng isang kamalayan upang makilala, no at alin ang katotohanan na dapat taglayin upang bigyan siya ng kalayaan?

Sino ang makatatanggap ng bahaging ito? Hindi baga maliban lamang ang may pagka-unawa at pagkakilala sa kalihiman ng buhay? Hindi baga ang may sapat na kaalaman sa kanyang sarili? Hindi baga may kaliwanagan ng kanyang diwa at ng kanyang kabuuan?

Dahil dito, ipagpasalamat ninyo ang mga bahagi na nasasa inyo. Ipagpasalamat ninyo ang kalagayan ng inyong dinadama sapagkat sa pamamagitan ng ganyang uri tinutulungan ang daigdig upang ito ay huwag mawala.

Upang ito ay mabuo sapagkat ang pagsabog ng bulkan ay isang bahagi at isang kalagayan na tumutulong upang ang napunit na kinilala ninyong ozone layer ay muling manauli sa dati.

Sinong tao ang makagagawa ng bahaging ito? Lahat ng iyan ay mga kalihimang ibinibigay upang ipakilalang ang pag-ibig ng Diyos ay walang hanggan. Ngunit kinakailangang dumama ang tao ng bigay ng kanyang ganting galaw.

Kinakailangang madama ng tao ang bunga ng kanyang mga gawa; kinakailangang mamulat ang tao sa bawat karanasan na sa kanya ay dumarating upang makilala ng kanyang sarili na mayroon pala siya ng nilalabag, mayroon pala siya ng nasisinsay, mayroon pala siya ng nasisira sa batas ng pag-iibigan.

Dahil dito, lahat ng iyan ay bahagi ng buhay. Lahat ng iyan ay may karunungang idinaragdag sa kaalaman ng bawat isa. Kaya nga sa bawat karanasan hindi baga namumulat ang pagkakilala ng tao upang kilalaning mayroon pala siya ng kinakailangang bigyan at bahaginan ng kanyang pag-ibig.

Hindi baga sa bawat karanasan ay umu-unlad ang kanyang kaisipan upang makilalang mayroon pala siya ng hindi karapat dapat na nagawa? Alisin mo ang lahat ng ito at walang silbi ang karunungang dala-dala ng isang diwa. Alisin mo ang lahat ng ito at walang halaga ang pananampalatayang dala-dala ng isang kaluluwa.

Alisin mo ang lahat ng ito at lalong walang kabuluhan ang kadalikalaan ng pag-ibig sapagkat wala ng bibigyan, wala ng aalayan, wala ng pagkakalooban at lalong wala ng tatanggap sapagkat ang lahat ay naroroon sa isang kalagayan.

Dahil dito, kung nauunawaan lamang ng lahat at bawat isa na iyan ay bahagi ng pagsulong, na iyan ay bahagi ng pag-unlad ng isang kaluluwa, ang lahat ay buong kapayapaang mabubuhay sa lipunan na kanyang ginagalawan. Ang lahat ay buong kaliwanagang tatanggap sa bawat pangyayari na hindi hahanapin ang pagkakamali sa kabuuan ng kanyang kapwa.

Ang lahat ay mabubuhay na may pag-ibig sa kanyang puso upang ang pagkakasala ay hindi ibigay at ipagkaloob sa gawa ng kanyang kapwa kung hindi ipagkaloob sa kabuuan ng kanyang sarili katulad ng kasaysayang ipinakikita ng Banal na Aklat, na naririto ang isang pagtuturo at liwanag na binuksan sa mga tao upag sa kanyang pakikipamuhay ay makilalang siya at ang kanyang kapwa ay iisa.

Siya at ang kanyang kapwa ay iisa sa layunin, sa adhikain, sa mithiing maipagwagi ang kaligtasan ng kanyang kaluluwa sa pagkakasala. Hindi ba iyan ang ibinibigay at itinuturo ng isang ahas sa dalawang nilalang na ito?

Ito ang tao sa kabuuan ng kanyang sarili sapagkat may isang lakas na kinakailangang gumalaw sa kanyang kalagayan. Sa sandali ng karanasan naroroon ang bawat bahati ng kanyang kaantasan, ng kanyang kakayahan, ng kanyang kaangkinan ay kinakailangang gumalaw, ihantad, ihayag, sapagkat sa ganoong bahagi ay may matang mabubuksan.

Kaya nga sa paggawa ng kamalian nasaan ang diwa ng tao? Ang wika ng isang Adan, “Dahil po sa isang Eba kaya ko ginalaw ang bunga.” Ang wika ng isang Eba, “Dahil po sa isang ahas kaya ako ay nakagawa ng bagay na labag sa inyong ini-uutos.”

Ang ahas, kanino ibibigay ang pagkukulang? Ang isang ahas, kanino ibibigay ang kanyang pagkakamali? Hindi ba ganyan ang gawa ng tao? Hindi ba iyan ang larawan ng buhay? Ngunit sa siang nag-aaral na kagaya ninyo, iyan ang binubuksan upang makilala na bawat galaw ay may ganting galaw.

Samakatuwid, hindi ang iyong kapwa ang dahilan kung bakit tinatanggap mo ang ganyang uri ng karanasan. Hindi ang iyong kapwa ang dahilan kung bakit ka nakagawa ng mabigat na pagkakasala.

Kung hindi ang kabuuan ng iyong sariling nagkulang sa pagkaka-angkop upang makilalang ang kaliwanagan pala ay naghahantad ng lahat ng sukal, ng lahat ng dawag, ng lahat ng karumhan hindi upang ikaw ay akitin sa pagkakasala kung hindi upang madama mong iyan ang paggagamitan ng iyong karunungan.

Dahil dito, diyan kayo pinatatalino ng bawat pagtuturo upang madama ninyo ang pangungusap, “Walang marunong, wala, wala kahit isa; walang matuwid, wala, wala kahit isa.”

Samakatuwid, ang itinuturo sa tao walang sinuman na may karapatan upang magsabing siya ay mabuti at ang kanyang kapwa ang masama. Siya ang matuwid at ang kanyang kapwa ang liko. Siya ang tumpak nakagagawa ng karapat-dapat at ang kanyang kapwa ay naroroon sa kamalian na humahangga sa pagkakasala.

Bakit mo nakita ang kalikuan? Sapagkat nagdaan ka na doon o naroroon ka pa rin sa kalagayang yaon? Paano mo nakilalang mali ang isinagawa ng iyong kapwa? Paano mo nadamang pagkakasala ang isinagawa ng iyong kapwa malibang ito ay iyong naging karanasan at maliban pa rin ang nilalakaran ng iyong buhay ay iyon pa rin?

Sino ngayon ant marunong upang magwika nang hindi karapat-dapat sa kabuuan ng gawa ng kanyang kapwa? Sino ngayo ang matuwid upang humatol sa liko na kanyang namamasdan? Sino ngayon ang matuwid upang hatulan ang kalagayan, kababaan at kahinaang taglay ng tao sa kanyang kapaligiran? 

Marahil ay wala. At kung ito ngayon ang mabubuksan sa inyong puso ang lahat ay lalakad sa iisang kalagayan, gagawa sapagkat nababatid niyang ito ang hangganan at kinakailangang marating ng lahat ng taong naghahangad sa buhay na walang hanggan.

Kukunin ang lahat ng mali na nakikita. Kukunin ang lahat ng hindi matuwid na kanyang nadarama; kukunin at titignan ang lahat ng pagkakasalang kanyang nakikitang nagaganap sa kapaligiran.

Hindi upang siya ay dalhin sa pagkakasala kung hindi upang buuin ang kanyang pinanggalingan na sinira at winasak nang dahil sa katarungan ng kinakailangang madama ng lahat at bawat isa.

Dahil diyan nagkakaroon ng halaga ang bawat kaangkinan ng tao nagkakaroon ng kadakilaan ang bawat sangkaping dala-dala ng isang laman: ang kanyang panining, pandinig, pang-amoy, pandama at ang kanyang panlasap.

Lahat ng iyan ay nakilalang mahalaga at dakila nang dahil sa mga kakalagayang ito. Ano ang halaga na may liwanag na tinataglay ang mga mata kung iisang bahagi lamang ang kanyang nakikita? Ano ang halaga na may pandama kung iisang bahagi lamang ng damahin ang nalalasap at nadadama?

Wala, sapagkat hindi natitinag ang karunungang ibinigay ng Diyos at ito ang hininga ng buhay: karunungan, ang pananampalataya, ang pag-ibig, ang katwiran. Iyan ang hininga ng buhay na ibinigay kaya tinawag na kaluluwang may buhay. Alisin mo ang mga ito at magiging isang limpak lamang, gumagalaw, oo, ngunit walang kabuluhan.

Dahil dito, ang lahat ng iyan ay mga bahagi at mga kalagayang binubuksan upang kayo ay mamulat sa iisang katotohanan. Madama ninyong sa pagiging anak ng Diyos kinakailangang kayo ay dumaan sa isang salaan. 

Kinakailangang kayo ay dumaan sa isang gilingang upang sa pagdaan sa gilingan ay buong-buo ninyong matanggap, “ito pala ang halaga ng buhay. Ito pala ang kadakilaan ng bawat pangyayari. Ito pala ang katarungan na sa akin ay ibinigay.”

At sa isang sandaling ito ay madama ng buong-buo at matanggap ng buong kaliwanagan ng bawat nabubuhay, wala ng sa kanya ay makapag-uutos at wala ring makapagpapagalaw at walang kapangyarihang nakapagkakaloob upang labagin ang kautusan ng mabuti sapagkat nadama, naunawaan ng kanyang sarili sa pamamagitan ng karanasan.

Ito ang mga bahagi na nawa ay makagising sa inyong damdamin upang sa halip na kayo ay magtanong, “Bakit ganito? Bakit ganoon? Bakit ito ang siyang naganap?” ang inyong ipangungusap, ito pala ang karapat dapat. Ito pala ang kaliwanagan. Ito pala ang katotohanan.

Dahil dito, naririto po ako bilang isang lingkod na handang gumanap ng iyong kalooban sapagkat ito ang layunin ng pagbibigay mo ng buhay.” Kung yan ang siyang magaganap tunay nga, na kayo ang hinirang mula sa sanglibutan na nakatatanggap ng katotohanan.

Ito ang mga bahagi na aking sa inyo ay iniiwan. Maghari nawa sa inyong mga puso at sa lahat ng tao ang pag-iibigan, kababaang-loob, pagkakawanggawa, kaliwanagan at kapayapaang nagbubuhat sa mga langit ngayon at magpasawalang hanggan.

Paalam, Apostol Pablo.


nasisinsay

1993-06-23,  GPL

Ang tao makatupad sa mga tungkuling dapat gampanan ng kanilang sarili sa bawat sandali ay ninanasa ng lahat at bawat isa makatupad sa kani-kanilang mga tungkulin.

Kung kaya at sa mga sandaling tulad nito ay binibigyan ninyo ng pagkakataon ang inyong mga sarili makadampot ng mga bagay na ini-aaral ng kabatlayaan sapagkat nalalaman ninyong sa pamamagitan ng paggawa ng tao ng mabubuting bagay ay doon magkakaroon ng kadakilaan ang inyong mga sarili.

Kaya at sa mga sandaling ito ay nagsisikap bagaman at ang iba ay naglilimayon kayo sa inyong mga sarili binibigyan ninyo ng pagkakataon na mga sandaling tulad nito ay bigyan ninyo ng halaga ang mga bagay na ninanasa ninyong matipon sa inyong mga sarili.

Ang mga paggawang siyang kinakailangang matupad ng tao hindi lamang sa pamamagitan ng kanyang mga kataga kung hindi sa mga paggawa nakikilala ang tao kung hanggang saan ang kanyang natutuhan sapagkat madali ang magsalita subalit sa paggawa ng tao ay lagi nang may ka-akibat na pumipigil at hindi karakarakang maipag-patuloy ang paggawa ng mabubuting ninanasa ng kanyang diwa o kaluluwa.



Mga iniibig na kapatid, sa haba ng pagnanasa ng taong makapagpatuloy sa landas ng tinatahak ng kanyang diwa at malayo na ang naabot ng inyong mga diwa. Alam na alam na kung papaano maisasakatunayan ang mga banal na adhikain ng inyong kaluluwa sapagkat ninanasa ninyong makatipon ng mga butil ng pag-aaral na kung dumating ang mga dakilang araw ay mayroon kayo ng mga baunang masarap na pagkain ng inyong kaluluwa.

Subalit bakit kaya ang tao lagi nang naglilimayon lalo na sa mga oras ng ito ay hungkag ang mga upuan ng mga mag-aaral subalit ang kabatlayaan ay walang sawang dumarating at nagbibigay ng kanyang mga aral.

Sapagkat nalalaman ang mga kaluluwang nasa likod ng libingan ay huhugus-hugos na dumadalo sa ganitong pagkakataon sapagkat doon sila nagkakaroon ng kaunting liwanag upang ang kanilang mga kaluluwa ay magkaroon ng pag-aaral at makatulong sa mga lalong nangangailangan ng tulong.

Mga kapatid, dakila ang inyong simulain at lalong dakila ang inyong pag-aaral sapagkat sa unti-unting hamog na ibinibigay ng kabatlayaan nakadarama ang mga kaluluwang ito ng kaginhawahan at kaunting liwanag.

Sapagkat kapag ang tao ay wala na sa katawang-laman na siyang pumipigil sa kabutihan ay nagagawa na ang isang kaluluwa ay walang patid na pag-aaral at ang daloy ng mga aral at kabutihang lagi nang nasasa ganitong pagkakataon nadarama ng kabatlayaan ang isang kalamigan ng kanilang kaluluwa.

Mga kapatid, mapapalad kayong lagi nang naghahangad na madampulayan ng kabatlayaan ang inyong mga diwa sapagkat hindi kayo magsisisi kung dumatng ang mga dakilang araw ng Panginoon sa inyong buhay sapagkat nakatipon na kayo ng Kanyang mga banal na aral at nakagawa na kayo unti-unti sa inyong pagnanasang maitaguyod ang isang dakilang simulain ng kadakilaan ng AMA inihayag at iniwan sa kapatagan.

Kapayapaan ang inilalagak ko sa inyong mg puso ngayon at magpakailanman!  Paalam, Apostol Pablo.

1993-06-23,  RAD

Sumainyo ang biyaya at kapayapaang nagbubuhat sa mga langit ngayon at hanggang sa wakas!

Lahat ng tao ay mayroon ng katangian na hanapin ang ika-uunlad ng kanyang kalagayan kaya nga at ang lahat kung may kulang na nadadama humahanap ng kaparaanan kung papaano ang kulang ay maragdagan o mapunan lalo na sa bahagi ng isang mahirap na nang dahil sa kanyang kawalan ang lahat ng panahon ay ginagawa sa sandali ng paggawa.

Ang araw ay ginagawang gabi, ang gabi ay ginagawang araw pa rin para sa kanya. Kung ito ay nagagawa ng tao nang dahil sa paghahanap sa kakulangan sa bahagi ng kabuhayang panglupa marahil lalong magagawa na hanapin ang lahat ng kaparaanan kung nadarama na ang kinukulang o ang nagkukulang ang bahagi ng nauukol sa kaunlaran ng kanyang kaluluwa.


Dahil dito, ang lahat ay isinasagawa upang madama na mayroon ng magdaragdag sa bahagi ng kanyang diwa na ang karagdagang ito ay makapagbibigay ng lalong lakas upang magkaroon ng katatagan at katibayan ang kanyang pananampalataya na patuloy na umaasa at mananalig ang lahat ng kanyang gagawin naroroon ang gabay at patnubay ng Ama at ng Panginoon.

Dahil dito, kaya nga mayroon ng pag-aaral na ibinigay sa bawat tao, mayroon ng pananampalataya na sa kanya ay binuksan upang madama sa daigdig na ito kung kinikilala na ito ay daigdig ng luha at pighati, samakatwid, walang mahirap o walang magaan na daranasin ang tao.

Hindi maaari na hindi sumakanya ang bigat ng buhay, hindi maari na hindi siya dumaan sa isang karanasan a kung saan at tatakalin ang kanyang kakayahan. Hindi maaari na siya ay hindi humakbang sa isang kalagayan na kung saan susukatin ang kanyang pananampalataya sa katotohanan.

Kaya nga, sa mga bahaging ito naririyan ang kahalagahan ng isang pag-aaral. Sapagkat nang dahil sa pag-aaral na sa inyo ay binuksan, nang dahil sa simulain na sa inyo ay iminulat, nang dahil sa kaliwanagan na sa inyo ay ipinagkaloob nakikita ninyo, nadarama ninyo anoman ang dumating may gaan na ibinibigay sa inyong buhay.

Sapagkat naroroon sa sandali ng mabigat na tiisin, sa sandali ng mabigat na pagsubok ang kamay ng Panginoon ang kamay ng dakilang Ama ang siyang sa inyo ay nagkukupkop, ang siyang sa inyo ay nakahawak, ang siyang sa inyo ay nagpapala sapagkat ito ang kanyang kapangakuan. Siya rin ang gagawa ng kaparaanan kung dumating na ang tiisin ay hindi na makakayang dalhin ng tao.

Ngayon, ano ang kinakailangang sa bawat isa, hindi baga ang kababaang-loob ang kabuuan ng puso upang matutuhang tumalima at umalinsunod sa hinihingi ng mabuti. Ang kababaang-loob upang tumanggap ng kanyang pagkakamali, ang kababaang-loob ang kinakailangang upang matuto na siya ay yumuko. Upang huwag siyang mauntog.

Ang kababaang-loob ang kinakailangan ng tao upang ang pa-ibig na naroroon sa kanyang puso ay mabuhay at magawang ito ang maging gabay na isang pagkatao sa kanyang paglakad sa mundong lupa. Kung wala ang tao ng bahaging ito, laging dumuroon ang kabiguan, laging dumuroon ang bigat ng damdamin, laging dumuroon ang kaligaligan ng kanyang pag-iisip, lagi nang naroon ang kagulumihanan ng kanyang puso.

Ngunit sa sandali na ito ay matamo ng bawat isa, ang lahat ay natatanggap ang lahat ay nababata, ang lahat ay natitiis sapagkat ang nabubuhay sa kanyang diwa siya ay kasangkapan lamang ng katotohanan. 

Siya ay isa lamang kasangkapan na kinakailangang sumunod at tumalima sa mabuti na sa kanya ay hinihingi siya ay isang kasangkapan na kinakailangang magpatotoo na ang karapatan at kaangkinan na sa kanya ibinigay ay kanyang pinahahalagahan at kanyang dinadakila.

Ngayon sa mga bahaging ito, kung ang lahat ay pagsubok makikita ang bunga sa sandali ng kanyang pagsasagawa. At kung ito ngayon ay nagaganap at nahahayag na, kilalanin ninyo at suriin ang bunga na mahantad upang buhat doon matutuhan ninyong itaas at iangat ang inyong pagkakilala, matutuhan ninyong iangat at mabigyan ng kaunlaran ang inyong pagkaunawa sapagka’t sa haba ng inyong pakikipag-aral na isinasagawa marami ang susunod na bahagi sa karapatan ng inyong kaluluwa.

Dahil dito, naririyan ang kalagayan ng isang nag-aaral sa kalihiman ng buhay, kaya at sa bawat sandali at sa bawat saglit sa bawat panahon sa bawat kalagayan ng kanyang pakikipamuhay lagi na kung nakatuon ang kanyang pag-iisip, ang kanyang damdamin, ang kanyang kalooban sa mabuti na bahagi na kanyang sarili ang lahat ng kaparaanan ay isasagawa upang ang mabuting ito ay huwag magapi ng kamangmangan ng tao.

Dahil dito, ang isang manggagawa sa ubasan ng Panginoon habang tumataas ang kanyang kalagayan, habang umuunlad ang kanyang kaalaman, habang lumalawak ang kanyang nauunawaan, lalong kinakailangang magbigay ng patotoo na kanyang paninindigan ay naroroon sa katwiran, na ang kanyang paninindigan ay naroroon sa ikabubuti ng lahat at ng hindi sa iisa, na ang kanyang paninindigan ay naroroon sa ikabubuhay ng pag-iibigan.

At kung ito ngayon ang kinakailangang maging bahagi sa kalaganapan ng isang tahanan, ang bawat isa, aking uulitin ay may kababaang-loob, mayroon ng maamong puso, sa halip na hatulan ang isang pagkakamali, ang pagkakamaling ito ay itutuwid, binibigyan at dinadagdagan ng kaliwanagan, ipinagkakaloob ang kapayapaan upang mamaibabaw at siyang mangyari ang utos ng Panginoon, “mag-ibigan kayo sa isa at isa”.

Dahil dito, madarama ngayon ninyong kayo pala ay iisa na katulad ng mga kawil ng isang kadena, na sa isang sandali na ang isang kawil ay maputol ang bawat kawil ay umaalinsunod sa pagkaputol hanggang sa ito ay magkahiwalay at mangalat ang lahat.

At kung ito ngayon ang nagaganap at magaganap ang pagbubuo ay hindi magiging magaan, ang pagbubuo ay hindi magiging madali ang pagkukumpuni ay hindi maaari na hindi makapagbigay ng bigat sa isang tungkulin.

Ngunit sa pamamagitan ng pag-ibig ng bawat isa sa kanyang tungkulin, sa pamamagitan ng pag-ibig ng bawat sa kanyang karapatan ano man ang kapakapakinabang naroroon ang pagtutulungan ang pagdadamayan ang pagkakaisa ng lahat ng nag-aaral.

Dahil dito, ang punit ay hindi lumalaki, ang bitak ay hindi lumalawak, ang hukay ay hindi lumalalim kung hindi nananatili sa kanyang kalagayan upang sa sandali ng pagkakamali, maliit lamang ang hihingin na pagsasagawa sa bawat isa.

Dahil dito, aking uulitin, sa lahat ng kagalingan na nagaganap, sa lahat ng kagulumihanan na nangyayari, sa pagtatagisan ng bawat damdamin, iisa ang ipanglulunas at pinakamabisang lunas na maibibigay ng tao at ito ay ang pag-ibig sa mabuti, pag-ibig sa tunay na katwiran, pag-ibig sa katotohanan, at sa pag-ibig sa kaligtasan ng bawat kaluluwa sa pagkakasala.

Wala nang iba na maaari na ibahagi ang tao kung hindi ang kalagayang ito sapagkat naroroon ang pagbuo sa lahat ng nawasak, upang kung ito man ay nadurog ang labi ang siyang maging simula ng pinakamaganda na mangyayari at magaganap sa kalaganapan ng isang samahan sapagkat nakita at nadama kung nasasaan ang kulang, kung nasasaan ang kahinaan at kung nasaan ang ugat ng lahat ng pangyayari na nagdulot ng pagkawatak-watak at pangangalat ng bawat isa.

Ito ang bahagi na akin sa inyo ay ipinagkakaloob upang maging mabisang lunas na mag-aalis ng anomang uri na nananahan sa kaangkinan ng inyong kaluluwa sa kabuuan ng inyong pagkatao, sapagkat hanggang hindi ito naalis ano man ang liwanag na ibinibigay ay nagiging katulad lamang ng hanging dumadaan pagkatapos ay nawawala at napapawi.

Kailangang manuot sa kaibuturan ng inyong puso ang kadakilaan ng katotohanan sa inyo ay ibinibigay, kailangang tumagos sa inyong damdamin, sa inyong kalooban ang pag-ibig nasa inyo ay ipinadadama ng kaitaasan, kailangan na mabuhay ang pakiramdam ng bawat isa upang madama nasasa kanya at nasasa inyo ang kulang na kinakailangan na maging karagdagan ng bawat isa.

Huwag ninyong ipagkait ang bahaging nasasa inyo upang ang wala ay magkaroon. Huwag ninyong ipagdamot ang pag-ibig na naririyan sa inyong puso upang ang naliligaw ay muling pinanggalingan.

Huwag ninyong ipagkait ang liwanag na nasa sa inyong diwa upang ang naroroon sa kadahilanan ay mahango at maalis sa kanyang kalagayan. Ang bawat isa ay anak ng Diyos, at kung anak ng Diyos ang bawat isa ay mayroon ng kaugnayan sa isa at isa. At kung mayroon ng kaugnayan sa isa at isa ang sakit ng buong kalingkingan ay sakit ng buong katawan.

Samakatwid, kung ito ang kalagayan ng isang samahan ang bawat isa ay magiging gamot sa karamdaman na tinataglay. Kung kayo ngayon ay gamot at kalunasan sa karamadamang lumalaganap sa kabuuan ng isang samahan, walang bitak na hindi mabubuo, walang butas na hindi matatakpan, walang punit na hindi muling mabubuo.

Dito ninyo ngayon ibigay ang inyong pag-iibigan, dito ngayon ninyo ilagay ang inyong buong kakayahan at buong kaalaman upang muling maging matibay ang isang pananampalataya.At sa katibayan at katatagan ng isang pananampalataya bawat isa ay hahakbang lalakad at sa kanyang paglakad maka-sumpong ng tunay na katotohanan na naroroon ang pagtatamo ng kalayaan sa kamangmangan.

Dahil dito, nawa sa inyong pag-uwi madama ninyo na ang pagpapala ay laging ibinibigay. Sa inyong pagtulog madama ninyong hindi inaalis ang buhay at kung hindi inaalis patuloy na kinakailangang gumawa ang isang kaluluwa.

Patuloy na kinakailangang bumuo ang isang kaluluwa, patuloy na kinakailangang magtatag at magtayo ng bantayog na kung saan doon titignan at doon susukatin, gaano ang pagdakila ng isang mag-aaral sa lahat ng biyaya na sa kanya ay ibinibigay.

Ito lamang ang aking ibinibigay at ipinagkakaloob sa lahat at bawat isa. Maghari nawa sa inyong mga puso at a lahat ng tao ang pag-iibigan, kababaang-loob, pagkaka-wanggawa ngayon at magpahanggang sa wakas. Paalam, Apostol Pablo.

1993-06-06, GPL

Managano kayo sa kapayapaan at kadakilaan hinahangad ngayon at magpakailanman.

Mga araw ng pagnanasa ng mga nilkhang diligin ang kanilang mga diwa sa ngalan ng Panginoon at maipagpatuloy ang manggandang nasain ng bawat sariling mapangalagaan ang kanilang diwa kaluluwa kung kaya sa mga sandaling ito nag-aksaya kayo ng panahon sapagkat nalalaman ninyong sa likod ng katotohanang naroon ang diwa ng pag-aaral at kadakilaang hinahangad ng lahat at bawat isa.

Mga manggagawa kayo ng Panginoon lagi nang tinatawagan upang sa kanyang ubasan ay patuloy kayong gumagawa upang ang katotohanan ay managano sa inyong mga diwa.

Mga kapatid mahaba ang lakbayin subalit lalong hahaba ang lakbayin ng diwa. Sapagkat ang diwang ito ang siyang magdadala ng katotohanan at kadakilaang hinahangad na lahat at bawat isa.

Ikampay ninyo ang inyong mga bisig upang maisakatotohanan ang kadakilaan ng inyong pagnanasa at pag-aaral sapagkat kung walang gawa ang tao ay walang madadala sa dako pa roon.

Kinakailangan ang tao hindi sa pamamagitan ng mga labi sasabihin ang mabubuting bagay mga katagang lumilipas. Subalit ang kadakilaan nagagawa ng tao at naisasakatunayan ay siyang mga banal na aral na madadala ninyo kung dumating ang dakilang araw ng Panginoon.

Sapagkat ang mundong ito ay palihan ng lahat ng bagay na kabutihan upang maisakatunayan subali't kayo ay mahihina sa inyong mga sarili, madadaig kayo ng kahinaan sapagkat napakaganda ng tanawin, napakasasarap ng pagkain, at diyan naliligaw ang tao sa mga tuksong humahalina at umaaliw sa sanglibutang ito.

Subalit kinakailangan sa mayroon na ng pagkaunawa ay kailangang higit na itindig ang kadakilaan ng inyong pag-aaral at pananampalataya sa pamamagitan ng paggawa, kababaang-loob at pag-ibig na lagi nang sagisag ng pananagumpayan ng isang kaluluwa subalit nanghihina ang tao.

Hindi maikampay ang mga bisig, hindi maiabot ang isang halaga sa kanyang sa kanyang nais na tulungan sapagkat at inaagaw ng kahinaan ng kanyang diwa samantalang ang mga banal na alagad ng Panginoon lagi nang nakahandulong sa inyong mga diwa at itinuturo kung papaano maisasakatunayan ang mga dakilang gawain kinakailangang magawa ng tao at maipagpatuloy.

Mga kapatid, napakahaba ang lakbayin, napakadakila ang gumawa kung nanaisin ng tao subalit ang mga labi lagi nang nabibigay kasalanan sa tao siyang hindi mapigil ng tao sa pagsasaysay ng mga walang bagay o mga walang mga kabuluhang mga katagang siyang naghahari. Samantalang ang isang nag-aaral ay kung bakit hindi mabilang ang mga katagang dapat mamutawi sa kanyang mga labi.

Mga kapatid, magpapatuloy kayo, huwag kayong magsasawa sapagkat sa dulo ng landas na ito ay naroroon ang diwa at kahalagahan ng pag-aaral.

Ang makatupad ng tungkulin at maisagawa ang mga bagay na mabuting ninanasa ng inyong kaluluwa sapagkat ang mga banal na alagad ng Panginoon laging nakahandulong sa inyo sa bawat sandali at itinuro ang mga bagay na kinakailangang gawin ninyong mag-aaral upang maging dapat kayo sa kadalikaan ng Pangioon.

Kapayapaan ang iniiwan ko, ngayon at magpakailan man. Paalam, Apostol Pablo.

1993-05-23,  RAD

Sumainyo nawa ang biyaya at kapayapaang nagbubuhat sa mga langit, ngayon at hanggang sa wakas.

Pagpapahalaga ng tao at pagtingin sa moral na kinakailangang tangkilikin ng kanyang sarili

Ang lahat ng tao ay may bahagi ng pagka-espiritu ng Diyos at dahil sa kalagayang ito, ang lahat ay mapalad.

Datapwat lalong magiging mapalad ang tao kung ang bahagi ng pagka-Diyos na kanyang tinanggap ay nalalarawan at nahahantad sa kanyang mga galaw, sa kanyang mga gawa na siyang nagpatotoo ang lahat ay anak ng Diyos.

Kung ang lahat ay anak ng Diyos, samakatwid, ang lahat ay may karapatan sa kaligtasan; ang lahat ay may karapatan sa kawagasan; ang lahat ay may karapatan upang tanggapin ang bahagi ng kanyang kapangakuan. 

Hindi dahil sa ikaw ay nasalilong sa isang uri ng pananampalataya ang kaligtasan ay nasasa iyo na. Hindi dahil sa ikaw ay walang kinaaanibang pananampalataya, ang kaligtasan ay wala sa iyo. Kaanib man o hindi sa pamamagitan ng iyong paggawa, pagdadala ng iyong buhay doon nakasalalay ang inyong sariling kaligtasan.

Datapwat ang pananampalataya na inyong kinaaniban ay iyong katuwang upang buksan ang iyong pagkakilala at pagka-unawa nang na-uukol sa katotohanan ng buhay.

Dahil dito, kayo ngayon sa lipunan na inyong ginagalawan, kung tinatanggap ninyo na kayo ay mapalad, magagawa na kaya ninyo ngayong unawain hindi lamang sa kanyang pinakamababaw na pagka-unawa sa diwa, “unahin ang kaitaasan, ang sa lupa ay karagdagan”, kung hindi sa pinakamalalim na diwa ng kataga.

Ang pagka-unawa ng bawat isa at ng nakararami sa bahaging ito ay naroroon sa pagbibigay at pag-uukol ng isang araw upang maging bahagi ng kanyang pananampalataya at sukat na sa katuruang Espiritismo.

Hindi lamang ito at hindi lamang dito natatapos ang kanyang diwa kung hindi nangungusap at nagbibigay na sa isang sandali na ang isang mananampalataya ay pabutihin ang kanyang kaugalian, pawagasin ang tibukin ng kanyang damdamin, at pakalinisin ang kanyang puso, at binibigyan ng kaliwanagan ang kanyang isipan ay isang uri ng pang-una sa kaitaasan upang idagdag sa kalupaan.

Sa isang sandaling matutuhan ng taong pabutihin ang kanyang kaugalian mula sa kanyang iniisip hanggang sa kanyang sinasalita, iginagalaw at ikinakampay ng kanyang mga kamay ay naroroon ang kahayagan ng kabutihan; naroroon ang bahagi ng tunay na pag-ibig na hindi nagliligaw at hindi rin nag-aalis sa takip ng tunay na pananampalataya.

Dahil dito, nagagampanan ng tao ang pagbibigay ng kanyang sarili sa isang araw upang maging bahagi ng katuparan ng kanyang pananampalataya ngunit pagkatapos nang pagbibigay at pag-uukol ng isang kalagayang ito saan nakagawi ang kaisipan ng tao? Saan nakalagak ang tibukin ng kanyang puso? Saan higit na naroroon ang laman ng kanyang damdamin?

Nasa pangangailangan ng kanyang laman na kinakailangang mabuhay at kung salat ang tao sa tunay na kaliwanagan at kaalaman nang nau-ukol sa ikababanal ng kanyang sarili, ang kaparaanan ay hinahanap sa maling paraan at maling daan.

Dahil dito, ay nagkakasala ang tao; nagkakasala ang marami. Ngunit ang lahat ay naka-uunawang kinakailangang unahin ang kaitaasan bago ang sa kalupaan.

Kaya ang Espiritismo ay nagtatagubilin na kilalanin mo at unawain ang iyong sarili sapagkat sa pamamagitan ng pagkilala mo at pagka-unawa sa iyong sarili ay madarama mo kung ikaw nga ay tunay na anak ng Diyos.

Kung ikaw nga ay tunay na naroroon at nalalagay sa daan ng kaliwanagan; kung ikaw nga ay anak ng Diyos na nakapagbibigay ng magandang halimbawa na kinakailangang tularan ng maraming naghahanap sa kabuuan ng Diyos. Kung kayo ngayon ay mapalad sapagkat ang lahat ng ito ay dinidiwa, damhin ninyo ang inyong mga puso.

Dala-dala pa baga ninyo ang hinanakit sa buhay? Dala-dala pa baga ninyo ang sakit na idinulot ng kabiguan? Dala-dala oa baga ninyo ang bigat ng damdamin bunga ng salitang tinanggap ninyo sa inyong kapwa? Dala-dala pa baga ninyo ang bahagi ng sanlibutan?

Samakatwid, kulang ang liwanag na kinakailangang maipon ng inyong sarili upang kayo ay dalhin sa tunay na paggawa. Dahil dito, gaano man ang taas ng nalalaman at nakikilala ng tao sa katitikan ng Banal na Aklat hanggang hindi isinisabuhay at inilalagay ang kanyang sarili sa kahalagahan at kadakilaan ng katitikang ito ay baog ang isang paggawa.

Kaya nga at sa bawat sandali naririyan ang ugat ng lahat ng bagay; ugat ng tagumpay at ugat ng kabiguan; ugat ng kaligayahan at ugat ng kalungkutan ay nasa pagpapahalaga at pagdakila ng tao doon sa kanyang moral.

Sapagkat sa isang sandaling maging mababa ang pagpapahalaga ng tao at pagtingin sa moral na kinakailangang tangkilikin ng kanyang sarili, nauunawaan man at nakikilala ang kautusan at aral ng Diyos, sapilitang ito ay lalabagin.

Sa isang sandali, na ang tao mayroon man ng iba at ibang uri ng pananampalataya ay nagkakaroon ng mataas na pagtingin at pagdakila sa moral na kinakailangang tangkilikin ng kanyang sarili.

Sapagkat siya ay anak ng Diyos, hindi maaaring hindi gumalaw na naroroon ang kabuuan ng tunay at wagas na pag-ibig sapagkat ito lamang ang siyang iginagalaw, isinasagawa at isinasakatuparan at nagging buhay ng Panginoon na binabakas at tinutularan ng lahat ng tao, ang PAG-IBIG.

Mula sa Kanyang pagsilang hanggang sa Kanyang pagpapatuloy at hanggang sa Kanyang kamatayan, ang kadakilaan at kawagasan ng pag-ibig ang ibinigay at ipinagkaloob sa sangkatauhan.

Ganito rin sana ang maganap sa lahat at bawat isa. Pag-ibig hindi para lamang sa kapakanan ng sarili kung hindi pag-ibig alang-alang sa kaligtasan ng lahat ng kaluluwa sa kanilang ipagkakasala.

Ito ang kabuuan ng lahat ng katotohanang hinahanap ng tao. Ito ang kabuuan ng kapayapaan na nawawala sa sandaigdigan. Ito ang kabuuan ng kaliwanagan na nagkukulang sa bawat kalagayan ng tao.

Kung ito ngayon ang inyong matatagpuan, samakatwid, kayo nga ang makapagtataas ng kamay at maksisigaw na, “Ako ang tunay na anak ng Diyos na ibinaba sa lupa upang makapagbigay ng magandang halimbawa.”

Ito ang mga bahagi na akin sa inyo ay iniiwan at diyan nawa matutong tumindig ang inyong sarili. Diyan nawa matutong bumangon.

Diyan nawa matutuong gumising at diyan din ninyo imulat ang inyong mga mata upang bawat pangungusap ay magkaroon ng kahalagahan at kadakilaan at kabuluhan sapagkat lahat ng iyan ay ilalagay sa larangang ng tunay na paggawa.

Maghari nawa sa inyong mga puso at sa lahat ng tao ang pag-iibigan, kababaang-loob, pagkakawang-gawa at kapayapaan ngayon at magpasawalang hanggan. Paalam, Apostol Pablo.

1993-05-12,  GPL 

Managano kayo sa katotohanan at kadakilaang hinahangad ng lahat at bawat isa ngayon at magpakailan man.

Sa bawat sandali ang tao ay nagnanasang makagawa ng mabuti sa kanyang mga kapwa alang-alang sa kadakilaang kanyang pinag-aaralan at hinahangad na maipagpatuloy ang kadakilaan ng kanyang kaluluwa.

Mga iniibig na mag-aaral, mapalad kayo sa mga sandaling ito ay binigyan ninyo ang mga sandali at oras upang busugin ang inyong diwa at makatikim ng pagkain ng inyong kaluluwa. 

Ang kabatlayaan ay walang sawang tumutulong at naghahayag ng katotohanan kung papaano isasadiwa at ipagpapatuloy ang mahalagang tungkulin ng tao.

 Pagkakawanggawa na may katalinuhan

Pagkakawanggawang may kalakip ng katalinuhan sapagkat hindi ang lahat ng pagkakawanggawa sa laman at sa diwa sapagkat ang diwang ito ang siyang nagdadala ng katotohanang hinahangad ng lahat.

Ang diwang ito ang siyang mananagot sa Amang Makapangyarihan ng mga bagay na pagkakamali ng tao at siya ring nagdadala ng mga kabutihan ng tao sa daigdig na ito ng hugis.

Mga kapatid, mahaba ang lakbayin ng tao. Mahaba ang pag-aaral at sa inyong pag-aaral at pagnanasang makagawa nang mabuti laging nau-untol. Kung bagaman at nakagagawa kayo ng mabuting bagay sa sandaling ang tao ay malingat ay nagkakaroon ng pagkakamali, nadadapa ang tao at hindi makaigpaw ang kadakilaang hinahangad ng kanyang kaluluwa upang maisakatunayang lahat ang natutuhan sa palatindigang ito.

Lagi nang nagkakamali ang tao bagaman at ang tao ay punong-puno ng pagnanasa ang kanyang diwa na maipagpatuloy ang paggawa at pag-ibig na laging sinasabi sa palatindigang ito. Laging nauuntol, laging ang kahinaan ng kalamnang ito ang siyang dahila upang hindi makapagpatuloy sa adhikain ng kanyang kaluluwa.

Mga kapatid, magpasalamat kayo at natagpuan ninyo ang ang patanimang ito ng Panginoon. Dito ay binabanghay ang ukol sa diwa at isinasadiwa kung paano ang mga butil ng pag-aaral ay dahan-dahang ipagpapatuloy ng tao at maiwasan ang mga walang kabuluhang bagay na laging nakahandulong sa inyong isipan.

Kung kayo ay nag-aaral, bakit laging nakapamamayani ang kahinaan ng pag-aaral? Laging nauusyami ang pagkakamali at hindi makapagpatawad ng sa kanya ay nagkasala?

Laging binibigyan ng kabuuan at hindi maipailalaim ang mga kataga upang umigpaw and kadakilaang hinahangad ng kanyang pag-aaral?

Mga kapatid, magpatuloy kayo. Huwag kayong magsasawa sapagkat bagaman at paulit-ulit ang banggit ng kabatlayaan hindi ninyo maisakatunayan sa inyong sarili ang mga bagay ng kabutihang inyong natutuhan.

Upang kung dumating ang araw ng Panginoon ay mayroon kayong baunang magiging dala-dala ng inyong kaluluwa at makikita doon sa tala ng Panginoon ang mga gawang maitaguyod at maipanagumpay bagaman at mayroon kalaban sa daigdig ng kabutihan.

Kapayapaan ngayon at magpakailan man. Paalam, Apostol Pablo.

1993-05-05,  GPL

"Dagdagan ang mga bagay na mabuting laging nakahandulong sa inyong diwa." Saganain kayo ng kapayapaan at kadakilaang hinahangad ng bawa't isa ngayon at magpakailan man.

Sa pagnanasa ng taong makapagpatuloy sa hangarin ng pananaliksik, didiligin ng mga banal na aral ng Panginoon ang kanyang diwa. 

Sa sandaling ang tao ay magkaroon ng pagkakilala sa kadakilaan ng pagtuturo lalong ina-antig ang kanyang sarili. Ang kanyang diwa ay laging kaulayaw ang mga banal na pagnanasang nakatuon sa kadakilaang hinahangad ng bawat isa.

Mga iniibig na kapatid, sa pamantayan ng pag-aaral ng katotohanang ito ay marami ang nagnanasa at naghahangad na matalunton ang landas ng katotohanan, subalit kalimitan ay nauusyami sa bawat isa ang mga pagnanasang ito.

Kinukulang ang mga tao sa kadakilaan ng kanyang pag-aaral at pananampalataya at hangaring makapagpatuloy sa pagawa ng mabuti sa kanyang kapwa.Hindi maisakatunayan ang mga bagay na kanyang ninanasa, kababaang-loob at pag-ibig.

Samantalang ang kabatlayaan ay lagi nang naghahandog ng tulong sa bawat isa sa inyo. Inaalalayan kayo at laging sinusubaybayan ang inyong isipan upang hindi tuluyang makapanaig ang kahinaan ng pagkatao.

Subalit sadya yatang ang pag-aaral ng nauukol sa kababang-loob at pag-ibig ay hindi pa nauunawaan ng kanyang pag-iisip na maipagpatuloy ang lahat ng magagandang aral na itinuturo ng kabatlayaan.

Mga kapatid, muling nananawagan ang kabatlayaang dagdagan ang mga bagay na mabuting laging nakahandulong sa inyong diwa.

Kung ang lagi nang nasasa isip ng inyong diwa ay maisasagawa, marahil malapit na kayo sa kadakilaang hinahangad ng inyong kaluluwa, subalit sadyang may pamantayan ang pagawa ng tao.

Lagi ng nanghihina ang tao sa pagawa ng nau-ukol sa kabanalan. Hindi maitindig at maisakatunayan ang udyok ng kabanalan upang maging dakila ang inyong pagawa.

Mga kapatid, nalalaman ninyong ang buhay na ito ay pamantayan ng kabutihan, pamantayan ng talino at pagkakilala subalit bakit hindi tuwirin ang inyong landas na makagawa ng mga bagay na laging nakahandulong sa inyong diwa? Bakit ang laging itinuturo ay ang pagwawalang-bahala sa mga bagay na makapagpapa-untol?

Ang laging sinasabi ng kabatlayaan upang hindi makapanaig ang mataas na pagkakilala sa sarili ay laging ilalagay sa inyong talampakan ang mga bagay na walang kabuluhan at itataas ang mga bagay na lagi nang itinuturo sa inyong magkakapatid.

Mga kapatid, magpapatuloy kayo. Huwag magsasawa. Pabayaan ninyong ang udyok ng kabatlayaan ay mamalagi upang maging dakila ang inyong kaluluwa.

Huwag kayong magsasawa sapagkat ang nagsasawa sa paggawa ng mabuti ay hindi makararating sa kanyang paroroonan.

Kinakailangan ang tao ay dagdagan ang bagay na na-uukol sa kanyang kaluluwa upang kung dumating ang mga araw ay mayroon kayong maging baunan.

Iyan ang aking inihahatid at nawa ay pagpalain kayo ng Diyos at Panginoon. Paalam, Apostol Pablo.

 1993-03-07, GPL

Saganain ng kadakilaang nagbubuhat sa Panginoon ngayon at magpakailan man!

Sa mundo ng buhay at pag-aaral ng tao ay lagi nang nakasalaylay sa pagkatao ang kadakilaan na ipagpatuloy ang kaluluwa na mabuhay sa kapatagan. Ang kapatagan ay palihan ng buhay upang ipakilala ang isang espiritung galing sa AMA na kailangang ipagpatuloy ang gumawa ng mabuti.

Kailangang ibigin ang kapwa tulad ng sa sarili. Subalit mabigat isakatunayan ang bagay na ito kaya banay-banay. Ang kababaang loob, ang kadakilaan sa pag-aaral upang isakatunayan ang aral ng Panginoon.

Ang Kristo ay dumaing na siya ay nauuhaw - nauuhaw sa paggawa ng tao ng mabuti sapagkat ang tao ay hindi pa lubusang gumagawa ng buti sa haba ng mga siglo ng panahon.

Lagi ng sahol ang tao sa paggawa at ligaw sa mga bagay na pangkapatagan. Isang kaluluwang kailangang busugin ng mga banal upang maging dakila at mabigyan ng halimbawa upang di maligaw ng landas nanawagan na maisakatunayan ang paggawa ng mabuti na madadala ng tao pagdating ng mga dakilang araw.

Hindi nagsasawa ang kabatlayaan sa paggunita sa mga aral. Tulad ng Panginoon na sa pagtupad ng tungkulin ay madadapa, masusubsob. Ganyan kayo mga kapatid, na kung kayo'y nakagawa ng pagkakamali, balikan ninyo pasanin ninyo ang paghihirap.

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo ngayon at magpakailan man! Apostol Pablo.

1993-02-21,  RAD

Biyaya at kapayapaan ang sumainyo ngayon at hanggang sa wakas!

Mula sa pasimula ay ibinigay na ang lahat ng pangangailangan ng tao nguni't patuloy na nangangailangan ang tao sapagka't ang buhay ay paggawa. Sa bahagi ng tungkulin, hindi maaaring hindi makasumpong ng balakid o sagwil upang patunayan ang kanyang paninindigan sa kanyang tungkulin.

Ang talinhaga ng 'asin sa lupa'

Dahil dito, naroroon ang kaugnayan kung bakit kinakailangan magpakatatag ang tao sa kanyang tungkulin. Kayo ang asin ng lupa. Samakatuwid, mahalaga ang lipunan na may kaunawaan sa kahalagahan ng kanyang ginagawa at kadakilaan ng kanyang itinataguyod. 

Alisin mo ang asin at madarama mong kulang ang lahat ng bagay lalo ang pagkain na binibigyan ng lasa. Gaano kaya kaganda sa paningin at kasarap ng pananaw ang isang uri ng pagkain na sa isang sandali na ito'y lasapin ay wala nang asin? 

Ang kagandahan at kasarapang natatanaw ay nawawalan ng kabuluhan. Kung kayo ang asin, samakatuwid kayo nga ay mahalaga. Kayo ang makabuluhan sapagkat sa pamamagitan ng inyong kaunawaan at kaalamang inyong tinataglay ay magawa ninyong makapagbigay at makapaghandog ng dagdag na liwanag sa daigdigan upang maalis at mahango ang maraming kaluluwa nagpupunta sa kadiliman at pagkakasala.

Ang nalalabi kung ang asin ay tumabang, at ano ang ipampapaalat?

Walang nalalabi kung hindi ito ay itapon sa labas ng pintuan at yurakan ng tao. Hindi ba't ito kung inyong dadamhin at susuriin ang maaaring ligayang ipagkaloob ay maunawaan ninyo, "Kailangan nga pala ang manindigan sa aking tungkulin. Kailangan ko nga palang maging matatag sa aking pagkakatayo sapagka't naririto ako upang maging manggagawa ng katotohanan."

Ano ngayon ang nakapaloob sa bahaging ito? Paano mananatili ang alat, na siyang nagbibigay nang kabuluhan kaya naging mahalagang sangkap sa san-daigdigan? Paano rin ito tumatabang upang mawalan ng kabuluhan?

Hindi baga sa pamamagitan ng narinig, hindi sa lahat ng pagkakataon ay naunawaan kung ano ang isasagawa; kung ano ang gawaing kinakailangang ipagpatuloy; kung ano ang paggawa na makapagbibigay ng kaligtasan sa pagkakasala?

Mga bahagi na kung malalaman buong ningning na maabot ng pag-aaral. Nguni't sa isang sandali na ilagay sa kanyang mga kamay upang makabuo, ang kaunawaan ay nababaog. Halimbawa, kayo ay nakadarama ng kapayapaan kung nasasa kaligayahan. Datapuwa't sa sandali na dumama ng karanasan, nagsisiklab, nag-aapoy, nag-iinit ang damdamin ng tao.

Maging ang isang mag-aral na may kaunawaan sa bahagi ng katotohanan. Kung ito ngayon ang siyang magaganap, ito ngayon ang siyang mangyayari, ano ang itinuturo ng pagka-kilala at pagka-unawa ng isang mag-aaral lalo na ang isang kabataan sa kadakilaan ng paggawa na naroroon ang pangungusap, "Sa pamamagitan ng gawa doon ka hahatulan, doon ka susukatin".

Dahil dito, ang lahat ng iyan ay lalo ninyong higit na kinakailangang maunawaan sapagka't kinakailangang pagtagumpayan ninyo ang inyong tungkulin, ang inyong layunin alang-alang sa inyong mga kaluluwa na binigyan ng karapatan upang magkaroon ng kaluwalhatian. Sa isang sandali hindi maibigay ng tao ang bahaging ito na kanyang naunawaan, hindi baga't ito ay isang daan upang ang asin ay tumabang?

Kung ito ngayon ay tumabang, nakanino ang paghatol? Ang pagpintas? Nakanino ang pagpula? Hindi lamang sa taong gumagawa ng labag sa batas ng katotohanan, sa batas ng simulain, sa harap ng kanyang katuruan kung hindi maging ang kadakilaan ng simulain at katuruan ay hinatulan at pinupulaan. Hindi baga iyan ang katulad, inilalabas sa pintuan upang yurakan ang tao?

Kung ang mga bahaging ito ang makikilala, walang pag-aaral na mananatili sa mababang kalagayan sapagka't matatakot na gumawa ng pinakamaliit ng pagkakasala. Susupilin ang kanyang sarili, ang mababang pagtingin, ang magaspang na lakas na dala-dala ng kanyang pagkatao. Kung ito lamang ay inyong maisasagawa, hindi baga naruroon na ang isang tagumpay ng isang kaluluwa at ang tagumpay ng ito ang siyang patuloy na magdaragdag at magsasagawa upang manatiling asin ng lupa na may alat.

Mananatiling nasa sainyo ang alat, kaya hindi maaaring hindi tingnan, hindi maaaring hindi kilalanin ang inyong nagagawa; hindi maaring hindi tanggapin ang mabubuo ng inyong mga kamay sapagka't iyan ay para sa Panginoon at iyan ay sa Panginoon.Ito nawa ang manatili sa inyong mga puso, mga kataga ng katotohanan.

Pangungusap ng kaliwanagan na magiging gabay ng isang mag-aaral sa sandali ng kanyang paninindigan, sa sandali ng kanyang pagka-unawang mayroon siyang dala-dalang tungkuling kinakailangang itindig. Ang karapatang ito ngayon na ibinibigay sa isang kaluluwa ang siyang magaganap upang siya ay maging mapalad sa buhay na kanyang nilalandas.

Ang mga bahaging ito ng karapatan lalo't inilalagay sa kahayagan ang siyang magbibigay ng kaganapan sa kanyang kaluluwa. Muli kong uulitin, "Kayo ang asin ng lupa, kung ito'y tumabang, ano ang ipampapa-alat?

Kung dito kayo makala-labag, iisa ang patutunguhan nang may kaunawaan, itatapon sa labas sapagka't walang kabuluhan at yuyurakan ng tao.

Nawa'y huwag maganap ang bahaging ito sapagka't kahina-hinayang ang inyong natipon na kaalaman na nang dahil sa natipong ito kayo ngayon ay tumatayo; kayo ngayon ay tumitindig; kayo ngayon ay nabubuhay sapagka't kayo ang mga patay na hinango at ititindig mula sa gayong kalagayan.

Kung ito ngayon ay buhay na idinidilig, nawa'y araw-araw kayo ay mga buhay na kumikilos at gumagalaw, nag-iisip at naghahanda upang ipakita at bigyan ng patotoo kayo nga ang pinili sa sanglibutan sapagka't kayo ang nakatatanggap ng katotohanan.

Ito ang mga bahagi ng pag-ibig na aking sa inyo'y iniiwan.

Maghari nawa sa inyong mga puso at sa sangkatauhan ang kaliwanagan ng diwa at pag-ibig sa kanyang tungkulin upang maging mapalad. Paalam,

Apostol Pablo

 1993-02-14, RAD

Sumainyo nawa ang liwanag na nagbubuhat sa mga langit ngayon at magkailanman!

Sa kabuuan, marami ang hinahangad, hinahanap nga tao, mga bahagi at kalagayan ng lahat ay kapakipakinabang. Bawa't bahagi ay mayroong dala-dala ng kaalaman at karunungan, handang magbukas ng isang diwa makapag-angat sa kalagayan ng isang kaluluwa maging ito sa pananaw ng tao ay may matuwid. Kapakinabangan pa rin sa isang kaluluwa, sangkap na dapat pagyamanin ng tao.

Hindi nangangahulugang ang laman ay hindi mamatay at di mabubulok ang pag-ibig sa inyong puso. Ang kaalaman ng isang tao hindi kailanman lilipas, mawawala sa isang sandali na laging tinatangkilik ng bawa't isa.

Ang buhay ay walang hanggan kaya't hindi tumitigil, mabubuhay sa kaliwanagan, nag-aaral at ginagawa ang salita ng Diyos. Lahat ng ito'y dala-dala ng kabuuan ng tao. Bakit naroroon ang kabuktutan, nababaog, sa dakilang layunin. Ito'y nagbibigay ng kapayapaan o kaligaligan.

Gaano kahalaga ang kapayapaan? Ano ang kapayapaan? Ang mga pangungusap ng Panginoon gabay sa pananampalataya kapayapaan ng isang Panginoon o kapayapaan ng sanglibutan.

Kapayapaan kung wala sa inyong sarili, hindi ninyo matatanggap ang dumadating sa inyong mga sariling mayroong mabuting la-yunin at mithiin. Ano ang la-yunin ng Diyos? Ano ang adhikain ng kaitasan sa mga pangyayari sa kanyang buhay?
Lahat ng ito'y bahagi ng kaluluwa ng isang tao. Walang pinakamahalaga, nasa tao ang pinakamataas na antas ng kinalaman. "Ako pala ay nilalang na maganda, ako pala ang nilalang na mabuti, at ako'y mabuti at maganda sa pagkakalalang ay ano ang aking gawain at ako'y may kakulangan?" Hindi ba mamulat sa pagkakilala kung gaano kayo kahalaga dahil kayo ay manggawa ng Panginoon?

Ang tao ay may bahagi na may kadakilaan dalhin niya ang kanayang sarili. Gaano ang pagpapahalaga ng Diyos sa akin? Gaano ang pag-ibig sa akin? gaano kaliit, kabigat ang aking paggawa upang ihambing sa pagpapala na patuloy na pinagpala ng Panginoon sa pamamagitan ng banal na Espiritu. Lahat ng iyan ay magaganap. Iyan ang liwanag upang buksan ang inyong mata, sa pamamagitan ng gawa at galaw ng kabuuan na siyang nadarama.

Dahil dito, bawa't galaw ay may ganting galaw. Lumakad ka nang marahan, matitinik ka ng mababaw, lumakad ka ng matulin matitinik ka nang malalim. Walang bunga na di maibibigay, pag-iibig at pagpapasiya.

Kailangan ba akong lumakad ng mabagal o matulin? Iyan ang inyong kilalanin at unawain sa bahagi ng inyong pagsisiyasat. Hindi lamang buhay, kung hindi ang buhay ay may dalawang kulay. Ang itim ay isinasama sa ibang kulay, na ito pala ang larawan ng buhay.

Sa kabuuan ay ibabalik ang hinahangad upang matamo ang kapayapaan ng sanlibutan, hindi ng kapayapaan ng Panginoon. Kapayapaang nag-aakay ng kaligayahan, naglilinis ng buong pagkatao.

Malanlantad na ang may malinis na puso ang makakakita sa Diyos. Ito ang dakilang karapatan ng tao dahil dito ibinigay ng maliit na kapangyarihan, gumabay at hindi mang-api, magmahal, umunawa sa kapwa. Walang ibang mabuti kung hindi ang galing sa AMA.Kayo ngayon sa sandaling ito ay mga sisidlan na may tibay ng paniniwala, buo upang sa kanyang pagtanggap ay mayroon ng liwanag.

Maghari nawa sa inyong puso at sa lahat ng tao ang pag-ibig, kababaang-loob, kaliwanagan at kapayapaan ngayon at magpakailanman! Apostol Pablo

Comments

Popular posts from this blog

2023-11-27, Rebecca

2016-02-02, Rebecca

1981-1994, Koleksyon - Geronimo de Guia