1977-1993, Koleksyon - Batlaya-Patnubay


 






1993-12-12 BATLAYA-RAD

Ang biyaya at kapayapaang nagbubuhat sa mga langit ang sumainyo ngayon at hanggang sa wakas.

Simula sa pagsilang ng tao, sa pamamagitan ng pag-aandukha ng mapagpalang magulang, iminulat ang paniniwala pagkakilala at kamalayan ng isang bata sa iisang Diyos na ang pagmumulat na ito ay pinatitibay at pinatatatag ng iba't ibang uri ng pananampalataya na kanyang kinagilangan hanggang sa ang tao ay maghanap sa kanyang sarili kung ano ang tunay na katotohanan.

Datapwat sa bahaging ito, katulad ng inyong narinig bagaman may tinataglay na kaalaman at karunungan ang isang kaluluwa ng binigyan ng isang laman na makikipamuhay sa lupa, salat pa rin at kapos ang nagiging ka-unawaan at kaaalaman kung ang hinihingi ay ang kalakhan ng kabuuan ng isang Diyos.

Dahil dito, yan din ay ipinamulat at ipinakilala ng isang Hesus sa pamamagitan din ng inyong narinig na siyang tala at nakasaad sa banal na aklat, na kung saan iyan ang tao, iyan ang kanyang bahagi, iyan ang kaugalian ng lahat at bawat isa na naghahanap ng kalakhan ng isang bagay, naghahanap ng kalaliman ng buhay, ngisang kaalaman ngunit hindi nakikita ang dala-dala ng kanyang kabuuan.

Hindi nakikita ang bahaging naroroon sa kanyag, na ang bahaging ito ay ang siya ring kabuuan ng kanyang hinahanap; na ang nasasa kanya at dala-dala ng kanyang sarili ang siya ring larawan na kanyang iniibig na matunghayan. Kaya nga at ang tagpo ng isang Felipe at ng isang Hesus na nagtanong, “ipakita mo sa amin ang Ama at sukat na ito sa amin”.

Nangangahulugan lamang na ang tao ay nagsisikap na abuting ang pinamatayog na kaaalaman ngunit ang karapatdapat na maging pasimulan laman ngunit ang karapatdapat na maging pasimula upang madama ang katotohanan ng bahaging ito ay hindi nadadama at hindi nakikita.

Kaya't ang pangungusap na isang Hesus, “Diyata at matagal mo na akong kasama hindi mo pa ako nakikilala? Ang nakakita sa akin ay nakakakita sa Ama, paanong sinasabi mong ipakita mo sa amin ang Ama?

Kung ito ngayon ay kinikilala ng sangkatauhan, katotohanan na sa pisikal ng kaanyuan ang isang Hesus ay tao sapagkat nakipamuhay sa ibabaw ng lupa, may laman, may buto, may dugo na dumadaloy sa kanyang katawan.

Tao, sapagkat nakikita, nahihipo, nadadama ngunit ang dala-dala ng lamang iyan, ang naroroon sa kabuuan, ang pagka-espiritu ng Diyos. Kaya hindi baga nangusap din, “Ako at ang Ama ay iisa.”

Na kung ang katitikan at literal na kataga ang pagbabatayan, Siya ang anak, Siya rin ang Diyos. Ngunit iyan ay kataga na nakapaloob doon sa pangungusap, “Ang titik ay pumapatay ngunit ang diwa ang nagbibigay buhay.”

Kaya nga at alin ang dapat tignan ng bawat isa? Ang kahayagan ng Kanyang gawa. Ang larawang kanyang ibinibigay at inihahanda sa kalaganapan ng sandaigdigan.

Ito ang magpapakitang Siya at ang Ama ay iisa. Iisa sa layunin, iisa sa adhikain, iisa sa mithiin at sa prinsipyong tinataglay na kinakailangang ipakilala at ihantad sa sandaigdigan....


1993-12-12 BATLAYA-FBT

Pagpalain kayo ng Panginoon, maghari ang kapayapaan ngayon at magpakailanman.

Mga pinakamamahal ng kapatid, magmula sa mga naunang banggit na akin sa inyo ay ipinakaloob ay madadama ninyo at ma-uunawaan na kayo at lahat ay pinakamamahal ng kabatlayaan hindi lamang ang mga nilikhang nakatutupad ng tungkulin.

Hindi lamang iyong mga nilikha na maaaring makapagbigay ng kanilang kaya sa ngalan ng kawanggawa at pag-ibig hanggang doon sa pinakakahuli-hulihang nilalang na mayroon na ng maraming pagkukulang hanggang doon sa mga kapatid na hindi pa napalulukob ang katauhan sa pag-aaral ng katotohanan.

Pinakamamahal kayo ng kabatlayaan sapagka't nasasainyo ang tunay na buhay ng paggawa ng naayon sa batas ng Panginoon at sa batas ng tao. Kung wala kayo ay walang mabubuong lipunan, kung wala kayo ay walang magtatagisan ng talino sa pag-aaral.

Kung walang mga nilalang na nagkamali at naligaw ng landas ay walang pag-aaralan ang maraming nilalang na magpakatuwid at kung walang may karamdaman ay mawawalang kabuluhan ang mga manggagamot. Kung wala ng bulag ay wala ng matutuong mag-akay, ano pa at ang lahat ay mayroon ng kani-kaniyang kakambal na kahayagan at katotohanan ng pag-aaral kung walang nagkakamali ay walang magpapakatuwid.

Mga minamahal na kapatid, hanapin ninyon ang katotohanan sa inyong mga sarili at kung kayo sa inyong pagkatao ay makapagbigay ng isang katotohanan pagkakawanggawa kung sa inyong mga sariling makapagbigay kayo ng makatotohanang pag-ibig na walang pagkukunwari doon pa lamang kayo magkakaroon ng lakas na magaganap sapagka't hindi lahat ng bagay na nawawala ay nahahanap ng tao at maraming nagkakamaling hangarin ang kabaitan sa kanyang kapwa nguni't wala kungdi sa kanyang sarili wala ang kabaitan.

Paga-angin ninyo ang ipinaliliwanag sa mga kapatid ang kulay na puti ay busilak kung walang kulay ng pagkatao ay ang isang naging makulay, ano ang makikita sa inyo ng mga kapatid?

Paano ninyo maipaliwanag ang simulain ng Espiritismo ay binubuo ng karunungan at pag-ibig, kung sa inyong katayuan magsisimula ang paghiling sa kanyang kapatid? Kung ang inyong mga pagkatao wala ang pagkakamali at pagpapatawad. Hanggang kailan kayo maghahanap na kapayapaan?

Sasayangin ba ninyo ang lakas at buhay ninyong inangkin sa kapatagang lupa kung wala kayong masusulit na mga nagawa na niyang pagkataong bagay sa kautusan ng manglilikha?

Paano kayo maghihintay ng pag-ibig at paggalang na magmumula sa inyong mga kapwa kung kayo ang hindi umuunawa at hindi umiibig sa inyogn mga kapatid alang-alang sa dakilang simulain na inyong tinataguyod at malaong pinag-aaralan?

Bigyan ninyo ng kahayagan ang lahat ng ito hindi lamang habang kayo ay nasa loob ng lunduyan magkaroon kayo ng matamis na tinig sa inyong mga kapatid. Hindi lamang habang kayo ay nasa loob ng lunduyan ay mamalas ninyo ang pagkalinga sa inyong mga kapwa.

Manapa ay kinakailangan ninyong ilabas magmula sa lunduyan hanggan sa mga lansangan sa mga nilalang na inyong makakasalubong sa landas ng buhay ipadama ninyo ang pag-ibig sa dakilang Panginoon na inyong ibabahagi sa inyong mga kapwa.

Magmula sa unang sandali na kayo ay tumanggap ng inyong mga tungkulin bilang tagapagtaguyod at maalam magtaguyod.

1993-09-26,  FBT 

Sumainyo ang pagpapala ng dakilang Panginoon at nawa ay maghari ang kapayapaan ngayon at magpakailanman!

Ang may paggawa, hindi binibigla ang manggagawa na-uuna kaysa mga may-ari. Kung mamatyagan nagawa ay saka pa lamang babangon ang mga manggagawa at doon ay nababayaan kung ano ang uri, kung ano ang kaayusan ng mga bagay na paghahabin-hambingin pagdating ng panahon.

Bagaman at maliit ang inyong bilang kung ang lahat at bawat isa sa inyo ay magtotoo hindi sa pamamagitan ng pangungusap kung hindi sa larangan ng paggawa, ang maliit na kabusugan ay makapaghahasik ng maraming binhi sa malawak na bukirin sapagkat sipat ang tinutuunan namin, tiyaga at katapatan ng bawat isa.

Kinakailangang magpakatalino ang inyong kaliligdan mga iniibig na kapatid. Huwag ninyong babayaan na ang inyong maliliit na kaalaman na inihahatid sa inyo ng kabatlayaan sa munti ninyong pagkatuto ay babayaan ninyong malaglag sa lupa.

Kinakailangang ang maliit na kaalaman na sumainyo ay inyong mapagyaman at higit sa lahat mabigyan ninyo ng magandang larawan na ika-aakit ng inyong mga kapatid. Huwag ninyong bayaan, ang binubuklod ng kaitaasan at inyong binubuklod ay inu-utos sapagkat kakailanganin ninyo ang lahat at bawat isa.

Kung ang kawikaan ng tao ay kinakailangang tumindig ang isang nilalang sa kanyang mga sariling paa, pag-aralan din ninyong maunawaan na ang isang nakatindig ay kinakailangan ng kanyang kapaligiran at ang kanyang mga kabig bibigyan ninyo ng lalong makaka-akit na kilos na may kabanalan. Binibigyan ninyo ng lalong lakas ng pagkakilala ang mga nag-aaral sa kasalukuyan.

Huwag ninyong pababayaan na ang simulaing ito na inyong pinagsasakitang itaguyod ay hindi maunawaan ng maraming nilalang.

Ito na ang pinakamagaang at madaling maunawaang simulain sapagkat ang lahat ng aralin ay kaalinsabay ng inyong pang-araw araw ng kabuhayan. Katulad, kung kayo ay kumakain, nanalangin kayo upang ang biyaya na inyong ikabubusog ay ikalakas ng inyong katawan laman at ng sa gayon ay makagawa kayo ng mabuti , makapaglingkod kayo sa inyong mga kapwa.

Ang bawat isa sa inyo sa panahon ng kanyang pagtupad ay lagi ninyong idalangin sa Panginoon na nawa ang mga katagang magmumula sa inyong mga labi ay makabubusog sa mga uhaw na kaisipan upang sa gayon ang inyong mga ihahatol na pangungusap ay inyong matatanggap at madadama ng inyong mga kapatid kaalinsabay ng kanilang mga paggawa sapagkat hindi karakarakang makaggagawa ang isang tao ng wala siyang pasimula at wala siyang balangkas sa kanyang sarili.

Habaan ninyo ang pisi ng pang-unawa, lawakan ninyo and kaalamang may kabanalan. Palinisin ang mga landas na maaaring kilalanin ng hindi karapat-dapat at ikasisiya ng inyong mga kapwa.

Pag-aralan ninyo ang aking mga banggit at bago ako lumisan, ito ay isang pangungusap sa mga kapatid, lalong-lalo na ang nakikipag-aral at gayun din ang mga kapatid na nakalilim sa mga bubong na dito ay inyong pinagtutulungan nais kong kanilang maunawaan na ang mga mithiin na pansamantala ay bigyan nila ng pagpapahalaga ang buhay na iyan.

Iiwasan ang mga kataga na hindi kaibig-ibig, iiwasan din ang mga bagay na hindi magiging kaibig-ibig sa paningin ng inyong mga kapwa. Pag-ibig, pagkakaunawaan at higit sa lahat kababaang-loob na may katalinuhan ang nawa ay siyang lumagom sa lahat at bawa't isa sa aking mga kapatid.

Iyan lamang, nawa ay maghari ang ganap na kapayapaan. Ang inyong Patnubay.

 

1993-08-08,  GPL

Saganain kayo ng kadakilaang nagmumula sa Amang Makapangyarihan ngayon at magpakailan man.

Sa landas ng kadakilaan at pagkakilala ng mga nilikha sa isang Amang Makapangyarihang nagbibigay ng buhay at paggawa. Binigyan ng buhay ang lahat ng nilikha sa kapatagang lupa subalit kakaiba ang ibinigay na buhay sa mga taong binigyan ng kaluluwa na may talino at may paggawa.

Sapagkat sa pamamagitan ng katalinuhan at paggawa ng tao nadarama ang kadakilaan ng pag-aral at pananampalataya sapagkat ang pananampalatayang walang gawa ay baog. 

Iyan ang kataga kaya at kayong mga manggagawa ng sanlibutan ay magsikap sa paggawa tungo sa sinasabi ng taong siya ay nanampalataya at umiibig samantalang ang Diyos ay hindi nakikita kaya't sinabi ng Panginoon, "ang ginawa ninyo sa inyong mga kapwa tao ay ginawa ninyo sa akin."

Subalit sa namamalas ng kabatlayaan binabanggit ng tao ang kadakilaan ng pag-aaral at pananampalataya, ang pag-ibig sa Diyos ay lagi nang nakahandulong sa inyong mga kaisipan. 

Subalit hindi ninyo maisagawa ng lubusan ang pag-ibig ninyo sa inyong mga kapwa samantalang ang ginawa ninyo sa inyong kapwa ay mga katagang hindi na kailangang namnamin ng lahat at bawat isa sapagkat tadtad na, hubad na sa gawi ng kawalang-malay, sa kanyang pagkakilala at paggawa upang maisakatunayan ang mga bagay ng nauukol sa inyong diwa.

Sapagkat ang diwang ito ang siyang magsasagawa tulad ng may mga karamdaman tinutulungan sa pamamagitan ng mga dakilang alagad ng Panginoon binibigyan ninyo ng pasubali ang alam din ang dakilang Mananakop ay naririto pa sa kapatagang lupa.

Hindi ba nakita ng Dakilang Panginoon ang sa Kanya ay may lumapit na babae na nagpapagamot na tisis sa matris, "magtindig ka babae, at sa pamamagitan ng iyong pananampalataya ay gumaling na ang iyong karamdaman."

Mga kapatid, kung gumaling nga ang inyong mga karamdaman, subalit ang karamdaman ng inyong mga kaluluwa ay hindi naging matahimik sapagkat hindi pa kayo nakagawa ng mabuti. Paalam...

 

1993 March 28 

Sa Tuwiran – Kap. Baby Dungo

Sumainyo ang biyaya na nagbubuhat sa mga langit ngayon at hanggang sa wakas!

Sa bawa’t bahagi ng kalagayan ng tao, umuugnay ang pag-ibig na ibinabahagi ng Diyos, madadama na sa kanyang kalagayan tumutulong, nagsu-sulong upang marating ang katuparan ng iniibig ng kanyang kaluluwa.

At sa bahaging ito, kung pag-aaralan at uunawain mula sa pasimula hanggang sa kasalukuyan laging naroroon ipinadadama sa sangkatauhan ang pag-ibig ng isang Diyos.

Sapagka’t ang lahat ay humihingi na makawala at makakalag sa tali ng kawalang muwang sa paggawa ng nauukol sa kabanalan. Ang daan na iniibig na makakalag sa tali ng kamangmangan na siyang dahil kung bakit, kung ano ang hinihingi na mabuti na kanyang isagawa ang hindi na nagagawa at kung ano ang ayaw niya, ito ang kanyang nagagawa.

Ang wika, dahil sa kasalanan tumitira at nananahan sa kabuuan ng tao. At ito ay bunga ng kamangmangan na naroroon sa kanyang kalagayan.

Kaya nga at kung magkaminsan ay nagiging kabuuan ng kanyang tuparin sa halip na kaligtasan ay kanyang kapahamakan. Sa halip na kaligayahan ay kalungkutan ang ibinibigay. Sa halip na kapayapaan ay kaligayahan ang idinudulot sa kanyang buhay nang dahil sa kamangmangan na naroroon sa kanyang buhay.

Nguni’t kung kina-kailangang makakalag at maka-alis ang tao sa bahaging ito na nagbibigay daan upang maligaw sa kanyang landas, ano ang kinakailangang makilala, maunawaan ng bawa’t isa?

Hindi baga naroroon sa bawa’t katanungan kung dadamhin naroroon ang susi ng isang tagumpay. Sino ako? Saan ako nanggaling? Saan ako paroroon? At ano ang aking tungkulin?

Mga katanungan na tumatakal at sumusukat sa kakayahan ng isang nabubuhay na sa isang sandaling magkaroon ng kasagutan at katugunan sa kanyang sarili, maaari na hindi makakawala at hindi makakalag sa kawalang-muwang at kawalang malay na nauukol sa tunay na katotohanan.

Sino ako? Nakikilala baga ng tao kung sino siya? Oo, sapagka’t doon hinahangad na kapagka inyong tinanong, sino ka mangungusap at tutugon, ibinigay ang kanyang pangalan, ang kanyang katayuan sa buhay na kanyang ginagalawan. Ang kanyang kalagayan sa lipunan na kanyang kinabibilangan.

Nguni’t hindi ito ang daan upang makakalag ang tao sa kamangmangan na kinakailangang bakahin ng lahat at bawa’t isa. Sapagka’t kinakailangang maunawaan ng tao sa kanyang pakikipamuhay ay mayroon siya ng tatlong sarili na kinakailangang kanyang unawain sapagka’t dito nakasalalay ang uri ng kanyang galaw na kinakailangang ilarawan sa gitna ng sangdaigdigan.

Ang tao ay mayroon ng kahapon na kanyang pinanggalingan, sa kahapon na kanyang pinanggalingan ay doon ngayon naroroon ang kabuuan ng kalagayan ng isang kaluluwa.

At kung sa pakikipamuhayan ng bawa’t isa ay maunawaan na mayroon pala ng kahapon na pinagdaanan na bahagi ng kanyang kasalukuyan madadama na ang kanyang kapwa ay kanyang salamin.

At kung mauunawaan na ang kanyang kapwa ay kanyang salamin, samakatwid, ang lahat ng galaw at larawan na kanyang makikita ay inihahayag at inihahantad ng kanyang kapwa ay ang kabuuan ng kanyang sarili sapagka’t ito ang kanyang kalagayan.

At kung madama at maunawaan na iyon pala ang kabuuan ng kanyang sarili na siyang maghahantad ng kahapon na kinakailangang magkaroon ng bahagi sa kanyang kasalukuyan ang tao ay madaling turuan at maalis sa tali ng kapootan, sa tali ng kabaitan, sa tali ng mga bahagi ng gawain na ang idinudulot ang mga lakas na ang-aalis na kapayapaan sa kanyang sarili.

Kung ito ngayon ay iyong kaunawaan at inyong madarama, ano ang ibabahagi ninyo at ibibigay sa inyong kapwa, hindi baga ang katulad ng inyong narinig, kababaang-loob na sa isang sandali na ito ay kanyang taglayin, ang tao ay marunong ng magpakahinahon sa gitna ng mga karanasan na sa kanya ay dumarating.

At kung ang tao ay marunong ng magpakahinahon sa mga karanasan na sa kanya ay dumarating magiging maliwanag ang kanyang isipan upang kilalanin, suriin, pag-aralan at unawin kung ano ang bahagi ng kaalaman na sa kanya ay ibinibigay.

Na dahil dito, naririyan ngayon ang puwang upang makilala ang kamangmangan na tumatahan sa kanya. Nauunawaan ng tao na kinakailangang siya ay umibig sa kanyang kapwa.

Datapwa’t ano ang bahagi nito sa larangan ng pagsasagawa samantalang ang winiwika at ipinangungusap ng kasulatan, “kung sinasabi mong iniibig mo ang Diyos, nguni’t napopoot ka sa iyong kapwa, ikaw ay nagiging sinungaling.

Samakatwid, sa bahagi lamang na ito naroroon na nakatali ang tao sa kamangmangan. Paano ngayon aani at magbubunga na kapighatian?

Ano ngayon ang bahagi ng katuruan na Espiritismo sa kamangmangan na dala-dala ng lahat at bawa’t isa. Hindi baga upang umalis upang magbigay ng liwanag, na ang tao ay magkaroon ng linaw at liwanag ang kanyang mga mata upang makakita at maka-alis sa kabulagan.

Sapagka’t ang tao, bagaman mayroon ng dalawang mata ay lumalakad sa kabulagan at kadiliman. Samakatwid, hindi nakikilala at nauunawaan lihis siya sa sandaigdigan na kanyang ginagalawan.

Saan kayo nanggaling? Ang kinikilala ang ama at ang ina, na buhat sa pag-ibig, sa pag-uugnay nakabuo ng isang buhay, nguni’t ang buhay na ito ay ano ang pinagmulan?

Hindi baga kinakailangang iyan ay maunawaan ng tao upang bawa’t kanyang igalaw ay naroroon bahagi nga ang katotohanan ng Diyos?

Bawa’t kanyang ikikilos at kanyang ihahakbang ay naroroon ang pag-ibig ng Diyos, naroroon ang liwanag na ibinibigay ng Diyos upang makita ang bawa’t lalakaran at dadaanan ng kanyang sarili.

Ang tao ay nanggaling sa isang kabuuan, walang lamat, walang dungis, walang kasiraan. Kung iniinda ng tao ang kawikaan, "ang hindi limingon sa kanyang pinanggalingan ay hindi makararating sa kanyang paroroonan".

Kilalanin at sisikaping unawain saan kayo nanggaling. Kung mauunawaang ang kanyang pinanggalingan ay isang kabuuan at ito ngayon ay kanyang pag-iingatan upang ito ay huwag mawasak.

Kung nauunawaang ang kanyang pinanggalingan ay isang kalinisan at isang kawagasan, dito ngayon niya susupilin ang kanyang sarili upang hindi makagawa ng ipagkakasala ng kanyang kabuuan sapagka’t ito ang sisira sa kalinisan at kawagasan na kanyang tinataglay.

Kapag nilingon ng tao ang mga bahaging ito maaari na siya ay makarating sa kanyang paroroonan. Ano ang paroroonang ito ang kina-kailangang marating ng tao?

Ang kawagasan, ang kaluwalhatian at makararating lamang kung nakakalag na at makalaya na sa tali ng kamangmangan. Ano ang aking tungkulin?

Ang tao ay gumagalaw sa dalawang bahagi ng buhay kung doon ng laman sa lupa na kanyang ginagalawan. At sa pagtupad ng laman na ito ng kanyang tungkulin sa ibabaw ng lupa naroroon at kaugnay ang dala-dala ng isang kaluluwa at sa dala-dalang ito ng isang kaluluwa naka-ugnay sa bahagi ng mga tungkulin ng isang laman. Ang naging katumbas at naging kalagayan dalawang bato na nag-uumpugan.

Datapwa’t sa pag-uumpugan ng dalawang batong ito masdan ninyo kung ano ang inyong mabubuo, ang kislap ng liwanag.

At sa pamamagitan ng kislap ng liwanag na iyan may karunungan at kaalamang ibinibigay at kung ito ngayon pagpalain at kukunin ng lahat at bawa’t isa, hindi maaari na hindi makalag sa pinakamaliit na tali ng kamangmangan naroroon sa kanyang sarili.

Kaya nga sa paglalaban na iyan ng laman at isipan ng isang kaluluwa, doon ngayon nagiging mahalaga at doon nagiging dakila ang kaalamang inyong matatamo at ibinibigay ng kaitaasan sa pamamagitan ng katuruan ng Espiritismo.

Ngayon, sino ang hindi nag-iibig na marating ang lahat ng mithiin? Sino ang hindi nag-iibig at nag-aadhika na makakalag sa lupa?

Marahil ang lahat ng tao sapagka’t may buhay na tinataglay kung hindi ang bahaging ito ay maganap sa kanyang sarili.

At kung ito ngayon ang inyong iniibig upang makilala ninyo ang inyong kabuuan at inyong kalagayan iugnay natin ang naroroon sa Banal na Kasulatan, ang wika, “ang sanga na nakakabit sa puno ng ubas ay laging nililinis upang magbunga”.

May isang sanga na matutuyo inaalis at pinipigtal sa pagkakakabit upang ito ay ihagis at igatong sa apoy.

Itanong ninyo ngayon sa inyong sarili, kayo na ba ang mga sanga na nakakakabit sa puno ng ubas na ang mga karanasan na inyong dinadama ay upang ipakilala at ipaubaya sapagka’t kayo ay nililinis upang lalong magbunga.

Kung ganyan ang inyong kalagayan samakatwid, mananatiling naroroon ang inyong kapayapaan, mananatiling naroroon ang kalinisan, at kaliwanagan ng inyong isipan, nananatiling naroroon ang katiwasayan ng inyong damdamin at katahimikan ng inyong kalooban upang sa kalagayang iyan makilala ninyo kung ano ang landas ng kinakailangan na inyong tahakin bilang manggagawa sa ubasan ng Panginoon.

At kung sa inyong pagdidili-dili madama ninyo na kayo pala ang natutuyong sanga na pinipigtal at inaalis sa pagkakabit sa puno upang ihagis at igatong sa apoy bago ninyo matatanggap ang bawa’t karanasang sa inyo ay dumarating sapagka’t ito ang bunga ng inyong iginalaw. Ano ngayon ang kalagayan ng isang mag-aaral?

Hindi baga napakahalaga, napakadakila sapagka’t ang lahat ng kanyang pangangailangan ay ibinibigay. Ang lahat ng ikatitiwasay at ikapagkakaroon ng kanyang kapayapaan ay ipinagkakaloob upang manatili kayo ay gumanap tumutupad ng inyong tungkulin sapagka’t iyan ang karapat-dapat na maging buhay ng lahat at bawa’t isa.

At sa kasalukuyan, ito ngayon ay nabuhay ang larawan ng isang Hesus na ginawang batayan at ginagawang batayan ng tao lalo na sa pagsasagawa ng ikabubuti at ikasasama ng kanyang sarili. Nguni’t ang kaparaanan ng pagsasagawa naroroon pa rin at kaalinsabay ang kabuuan ng isang laman na naroroon sa sanglibutan.

Dahil dito, paano kayo maliligtas sa katulad ninyo na mga nilalang na gumugunita at gugunita sa buhay at kasaysayan.

1993-03-28,  EB, Batlaya

Sumainyo ang biyaya na nagbubuhat sa mga langit ngayon at hanggang sa wakas.

Sa bawat bahagi ng kalagayan ng tao, umuugnay ang pag-ibig na ibinabahagi ng Diyos, madadama na sa kanyang kalagayan tumutulong, nagsu-sulong upang marating ang katuparan ng iniibig ng kanyang kaluluwa.

At sa bahaging ito, kung pag-aaralan at uunawain mula sa pasimula hanggang sa kasalukuyan laging naroroon ipinadadama sa sangkatauhan ang pag-ibig ng isang Diyos.

Sapagkat ang lahat ay humihingi na makawala at makakalag sa tali ng kawalang muwang sa paggawa ng nauukol sa kabanalan. Ang daan na iniibig na makakalag sa tali ng kamangmangan na siyang dahil kung bakit, kung ano ang hinihingi na mabuti na kanyang isagawa ang hindi na nagagawa at kung ano ang ayaw niya, ito ang kanyang nagagawa.

Ang wika, dahil sa kasalanan tumitira at nananahan sa kabuuan ng tao. At ito ay bunga ng kamangmangan na naroroon sa kanyang kalagayan. Kaya nga at kung magkaminsan ay nagiging kabuuan ng kanyang tuparin sa halip na kaligtasan ay kanyang kapahamakan.

Sa halip na kaligayahan ay kalungkutan ang ibinibigay. Sa halip na kapayapaan ay kaligayahan ang idinudulot sa kanyang buhay nang dahil sa kamangmangan na naroroon sa kanyang buhay.

Ngunit kung kinakailangang makakalag at maka-alis ang tao sa bahaging ito na nagbibigay daan upang maligaw sa kanyang landas, ano ang kinakailangang makilala, maunawaan ng bawat isa?

Hindi baga naroroon sa bawat katanungan kung dadamhing naroroon ang susi ng isang tagumpay, “Sino ako? Saan ako nanggaling? Saan ako paroroon? At ano ang aking tungkulin?”

Mga katanungan na tumatakal at sumusukat sa kakayahan ng isang nabubuhay na sa isang sandaling magkaroon ng kasagutan at katugunan sa kanyang sarili, maaari na hindi makakawala at hindi makakalag sa kawalang-muwang at kawalang-malay na nauukol sa tunay na katotohanan.

Sino ako? Nakikilala baga ng tao kung sino siya? Oo, sapagkat doon hinahangad na kapagka inyong tinanong, sino ka mangungusap at tutugon, ibinigay ang kanyang pangalan, ang kanyang katayuan sa buhay na kanyang ginagalawan. Ang kanyang kalagayan sa lipunan na kanyang kinabibilangan.

Ngunit hindi ito ang daan upang makakalag ang tao sa kamangmangan na kinakailangang bakahin ng lahat at bawat isa. Sapagkat kinakailangang maunawaan ng tao sa kanyang pakikipamuhay …..ay mayroon siya ng tatlong sarili na kinakailangang kanyang unawain sapagkat dito nakasalalay ang uri ng kanyang galaw na kinakailangang ilarawan sa gitna ng sangdaigdigan.

Ang tao ay mayroon ng kahapon na kanyang pinanggalingan, sa kahapon na kanyang pinanggalingan ay doon ngayon naroroon ang kabuuan ng kalagayan ng isang kaluluwa.

At kung sa pakikipamuhayan ng bawat isa ay maunawaan na mayroon pala ng kahapon na pinagdaanan na bahagi ng kanyang kasalukuyan madadama na ang kanyang kapwa ay kanyang salamin.

At kung mauunawaan na ang kanyang kapwa ay kanyang salamin, samakatwid, ang lahat ng galaw at larawan na kanyang makikita ay inihahayag at inihahantad ng kanyang kapwa ay ang kabuuan ng kanyang sarili sapagkat ito ang kanyang kalagayan.

At kung madama at maunawaan na iyon pala ang kabuuan ng kanyang sarili na siyang maghahantad ng kahapon na kinakailangang magkaroon ng bahagi sa kanyang kasalukuyan ang tao ay madaling turuan at maalis sa tali ng kapootan, sa tali ng kabaitan, sa tali ng mga bahagi ng gawain na ang idinudulot ang mga lakas na ang-aalis na kapayapaan sa kanyang sarili.

Kung ito ngayon ay iyong kaunawaan at inyong madarama, ano ang ibabahagi ninyo at ibibigay sa inyong kapwa, hindi baga ang katulad ng inyong narinig, kababaang-loob na sa isang sandali na ito ay kanyang taglayin, ang tao ay marunong ng magpakahinahon sa gitna ng mga karanasan na sa kanya ay dumarating.

At kung ang tao ay marunong ng magpakahinahon sa mga karanasan na sa kanya ay dumarating magiging maliwanag ang kanyang isipan upang kilalanin, suriin, pag-aralan at unawin kung ano ang bahagi ng kaalaman na sa kanya ay ibinibigay.

Na dahil dito, naririyan ngayon ang puwang upang makilala ang kamangmangan na tumatahan sa kanya. Nauunawaan ng tao na kinakailangang siya ay umibig sa kanyang kapwa.

Datapwat ano ang bahagi nito a larangan ng pagsasagawa samantalang ang winiwika at ipinangungusap ng kasulatan, “kung sinasabi mong iniibig mo ang Diyos, ngunit napopoot ka sa iyong kapwa, ikaw ay nagiging sinungaling.

Samakatwid, sa bahagi lamang na ito naroroon na nakatali ang tao sa kamangmangan. Paano ngayon aani at magbubunga na kapighatian?

Ano ngayon ang bahagi ng katuruan na Espiritismo sa kamangmangan na dala-dala ng lahat at bawat isa. Hindi baga upang umalis upang magbigay ng liwanag, na ang tao ay magkaroon ng linaw at liwanag ang kanyang mga mata upang makakita at maka-alis sa kabulagan.

Sapagkat ang tao, bagaman mayroon ng dalawang mata ay lumalakad sa kabulagan at kadiliman. Samakatwid, hindi nakikilala at nauunawaan lihis siya sa sandaigdigan na kanyang ginagalawan.

Saan kayo nanggaling? Ang kinikilala ang ama at ang ina, na buhat sa pag-ibig, sa pag-uugnay nakabuo ng isang buhay, nguni’t ang buhay na ito ay ano ang pinagmulan? Hindi baga kinakailangang iyan ay maunawaan ng tao upang bawa’t kanyang igalaw ay naroroon bahagi nga ang katotohanan ng Diyos?

Bawat kanyang ikikilos at kanyang ihahakbang ay naroroon ang pag-ibig ng Diyos, naroroon ang liwanag na ibinibigay ng Diyos upang makita ang bawat lalakaran at dadaanan ng kanyang sarili.

Ang tao ay nanggaling sa isang kabuuan, walang lamat, walang dungis, walang kasiraan. Kung iniinda ng tao ang kawikaan, "ang hindi limingon sa kanyang pinanggalingan ay hindi makararating sa kanyang paroroonan".

Kilalanin at sisikaping unawain saan kayo nanggaling. Kung mauunawaang ang kanyang pinanggalingan ay isang kabuuan at ito ngayon ay kanyang pag-iingatan upang ito ay huwag mawasak.

Kung nauunawaang ang kanyang pinanggalingan ay isang kalinisan at isang kawagasan, dito ngayon niya susupilin ang kanyang sarili upang hindi makagawa ng ipagkakasala ng kanyang kabuuan sapagkat ito ang sisira sa kalinisan at kawagasan na kanyang tinataglay.
Kapag nilingon ng tao ang mga bahaging ito maaari na siya ay makarating sa kanyang paroroonan. Ano ang paroroonang ito ang kinakailangang marating ng tao?

Ang kawagasan, ang kaluwalhatian at makararating lamang kung nakakalag na at makalaya na sa tali ng kamangmangan. Ano ang aking tungkulin?

Ang tao ay gumagalaw sa dalawang bahagi ng buhay kung doon ng laman sa lupa na kanyang ginagalawan. At sa pagtupad ng laman na ito ng kanyang tungkulin sa ibabaw ng lupa naroroon at kaugnay ang dala-dala ng isang kaluluwa at sa dala-dalang ito ng isang kaluluwa naka-ugnay sa bahagi ng mga tungkulin ng isang laman. Ang naging katumbas at naging kalagayan dalawang bato na nag-uumpugan.

Datapwat sa pag-uumpugan ng dalawang batong ito masdan ninyo kung ano ang inyong mabubuo, ang kislap ng liwanag. At sa pamamagitan ng kislap ng liwanag na iyan may karunungan at kaalamang ibinibigay at kung ito ngayon pagpalain at kukunin ng lahat at bawat isa, hindi maaari na hindi makalag sa pinakamaliit na tali ng kamangmangan naroroon sa kanyang sarili.

Kaya nga sa paglalaban na iyan ng laman at isipan ng isang kaluluwa, doon ngayon nagiging mahalaga at doon nagiging dakila ang kaalamang inyong matatamo at ibinibigay ng kaitaasan sa pamamagitan ng katuruan ng Espiritismo.

Ngayon, sino ang hindi nag-iibig na marating ang lahat ng mithiin? Sino ang hindi nag-iibig at nag-aadhika na makakalag sa lupa? Marahil ang lahat ng tao sapagkat may buhay na tinataglay kung hindi ang bahaging ito ay maganap sa kanyang sarili.

At kung ito ngayon ang inyong iniibig upang makilala ninyo ang inyong kabuuan at inyong kalagayan iugnay natin ang naroroon sa Banal na Kasulatan, ang wika, “ang sanga na nakakabit sa puno ng ubas ay laging nililinis upang magbunga”. May isang sanga na matutuyo ina-alis at pinipigtal sa pagkakakabit upang ito ay ihagis at igatong sa apoy.

Itanong ninyo ngayon sa inyong sarili, kayo na ba ang mga sanga na nakakakabit sa puno ng ubas na ang mga karanasan na inyong dinadama ay upang ipakilala at ipaubaya sapagkat kayo ay nililinis upang lalong magbunga.

Kung ganyan ang inyong kalagayan samakatwid, mananatiling naroroon ang inyong kapayapaan, mananatiling naroroon ang kalinisan, at kaliwanagan ng inyong isipan, nananatiling naroroon ang katiwasayan ng inyong damdamin at katahimikan ng inyong kalooban upang sa kalagayang iyan makilala ninyo kung ano ang landas ng kinakailangan na inyong tahakin bilang manggagawa sa ubasan ng Panginoon.

At kung sa inyong pagdidili-dili madama ninyo na kayo pala ang natutuyong sanga na pinipigtal at inaalis sa pagkakabit sa puno upang ihagis at igatong sa apoy bago ninyo matatanggap ang bawat karanasang sa inyo ay dumarating sapagka’t ito ang bunga ng inyong iginalaw. Ano ngayon ang kalagayan ng isang mag-aaral?

Hindi baga napakahalaga, napakadakila sapagkat ang lahat ng kanyang pangangailangan ay ibinibigay. Ang lahat ng ikatitiwasay at ikapagkakaroon ng kanyang kapayapaan ay ipinagkakaloob upang manatili kayo ay gumanap tumutupad ng inyong tungkulin sapagkat iyan ang karapat-dapat na maging buhay ng lahat at bawat isa.

At sa kasalukuyan, ito ngayon ay nabuhay ang larawan ng isang Hesus na ginawang batayan at ginagawang batayan ng tao lalo na sa pagsasagawa ng ikabubuti at ikasasama ng kanyang sarili. Ngunit ang kaparaanan ng pagsasagawa naroroon pa rin at kaalinsabay ang kabuuan ng isang laman na naroroon sa sanglibutan.

Dahil dito, paano kayo maliligtas sa katulad ninyo na mga nilalang na gumugunita at gugunita sa buhay at kasaysayan ng isang HESUS?...

 

 

 

 

1993-03-28,  RAD

Sumainyo ang biyaya na nagbubuhat sa mga langit ngayon at hanggang sa wakas!

Sa bawat bahagi ng kalagayan ng tao, umuugnay ang pag-ibig na ibinabahagi ng Diyos, madadama na sa kanyang kalagayan tumutulong, nagsu-sulong upang marating ang katuparan ng iniibig ng kanyang kaluluwa.

At sa bahaging ito, kung pag-aaralan at uunawain mula sa pasimula hanggang sa kasalukuyan laging naroroon ipinadadama sa sangkatauhan ang pag-ibig ng isang Diyos.

Sapagkat ang lahat ay humihingi na makawala at makakalag sa tali ng kawalang muwang sa paggawa ng nauukol sa kabanalan. Ang daan na iniibig na makakalag sa tali ng kamangmangan na siyang dahil kung bakit, kung ano ang hinihingi na mabuti na kanyang isagawa ang hindi na nagagawa at kung ano ang ayaw niya, ito ang kanyang nagagawa.

Ang wika, dahil sa kasalanan tumitira at nananahan sa kabuuan ng tao. At ito ay bunga ng kamangmangan na naroroon sa kanyang kalagayan.

Kaya nga at kung magkaminsan ay nagiging kabuuan ng kanyang tuparin sa halip na kaligtasan ay kanyang kapahamakan. Sa halip na kaligayahan ay kalungkutan ang ibinibigay. Sa halip na kapayapaan ay kaligayahan ang idinudulot sa kanyang buhay nang dahil sa kamangmangan na naroroon sa kanyang buhay.

Ngunit kung kinakailangang makakalag at maka-alis ang tao sa bahaging ito na nagbibigay daan upang maligaw sa kanyang landas, ano ang kinakailangang makilala, maunawaan ng bawat isa?

Hindi baga naroroon sa bawat katanungan kung dadamhin naroroon ang susi ng isang tagumpay. Sino ako? Saan ako nanggaling? Saan ako paroroon? At ano ang aking tungkulin?

Mga katanungan na tumatakal at sumusukat sa kakayahan ng isang nabubuhay na sa isang sandaling magkaroon ng kasagutan at katugunan sa kanyang sarili, maaari na hindi makakawala at hindi makakalag sa kawalang-muwang at kawalang malay na nauukol sa tunay na katotohanan.

Sino ako? Nakikilala baga ng tao kung sino siya? Oo, sapagkat doon hinahangad na kapagka inyong tinanong, sino ka mangungusap at tutugon, ibinigay ang kanyang pangalan, ang kanyang katayuan sa buhay na kanyang ginagalawan. Ang kanyang kalagayan sa lipunan na kanyang kinabibilangan.

Ngunit hindi ito ang daan upang makakalag ang tao sa kamangmangan na kinakailangang bakahin ng lahat at bawat isa. Sapagkat kinakailangang maunawaan ng tao sa kanyang pakikipamuhay ay mayroon siya ng tatlong sarili na kinakailangang kanyang unawain sapagkat dito nakasalalay ang uri ng kanyang galaw na kinakailangang ilarawan sa gitna ng sangdaigdigan.

Ang tao ay mayroon ng kahapon na kanyang pinanggalingan, sa kahapon na kanyang pinanggalingan ay doon ngayon naroroon ang kabuuan ng kalagayan ng isang kaluluwa.

At kung sa pakikipamuhayan ng bawat isa ay maunawaan na mayroon pala ng kahapon na pinagdaanan na bahagi ng kanyang kasalukuyan madadama na ang kanyang kapwa ay kanyang salamin.

At kung mauunawaan na ang kanyang kapwa ay kanyang salamin, samakatwid, ang lahat ng galaw at larawan na kanyang makikita ay inihahayag at inihahantad ng kanyang kapwa ay ang kabuuan ng kanyang sarili sapagkat ito ang kanyang kalagayan.

At kung madama at maunawaan na iyon pala ang kabuuan ng kanyang sarili na siyang maghahantad ng kahapon na kinakailangang magkaroon ng bahagi sa kanyang kasalukuyan ang tao ay madaling turuan at maalis sa tali ng kapootan, sa tali ng kabaitan, sa tali ng mga bahagi ng gawain na ang idinudulot ang mga lakas na ang-aalis na kapayapaan sa kanyang sarili.

Kung ito ngayon ay iyong kaunawaan at inyong madarama, ano ang ibabahagi ninyo at ibibigay sa inyong kapwa, hindi baga ang katulad ng inyong narinig, kababaang-loob na sa isang sandali na ito ay kanyang taglayin, ang tao ay marunong ng magpakahinahon sa gitna ng mga karanasan na sa kanya ay dumarating.

At kung ang tao ay marunong ng magpakahinahon sa mga karanasan na sa kanya ay dumarating magiging maliwanag ang kanyang isipan upang kilalanin, suriin, pag-aralan at unawin kung ano ang bahagi ng kaalaman na sa kanya ay ibinibigay.

Na dahil dito, naririyan ngayon ang puwang upang makilala ang kamangmangan na tumatahan sa kanya. Nauunawaan ng tao na kinakailangang siya ay umibig sa kanyang kapwa.

Datapwat ano ang bahagi nito sa larangan ng pagsasagawa samantalang ang winiwika at ipinangungusap ng kasulatan, “kung sinasabi mong iniibig mo ang Diyos, ngunit napopoot ka sa iyong kapwa, ikaw ay nagiging sinungaling.

Samakatwid, sa bahagi lamang na ito naroroon na nakatali ang tao sa kamangmangan. Paano ngayon aani at magbubunga na kapighatian?

Ano ngayon ang bahagi ng katuruan na Espiritismo sa kamangmangan na dala-dala ng lahat at bawat isa. Hindi baga upang umalis upang magbigay ng liwanag, na ang tao ay magkaroon ng linaw at liwanag ang kanyang mga mata upang makakita at maka-alis sa kabulagan.

Sapagkat ang tao, bagaman mayroon ng dalawang mata ay lumalakad sa kabulagan at kadiliman. Samakatwid, hindi nakikilala at nauunawaan lihis siya sa sandaigdigan na kanyang ginagalawan.

Saan kayo nanggaling? Ang kinikilala ang ama at ang ina, na buhat sa pag-ibig, sa pag-uugnay nakabuo ng isang buhay, ngunit ang buhay na ito ay ano ang pinagmulan?

Hindi baga kinakailangang iyan ay maunawaan ng tao upang bawat kanyang igalaw ay naroroon bahagi nga ang katotohanan ng Diyos?

Bawat kanyang ikikilos at kanyang ihahakbang ay naroroon ang pag-ibig ng Diyos, naroroon ang liwanag na ibinibigay ng Diyos upang makita ang bawat lalakaran at dadaanan ng kanyang sarili.

Ang tao ay nanggaling sa isang kabuuan, walang lamat, walang dungis, walang kasiraan. Kung iniinda ng tao ang kawikaan, "ang hindi limingon sa kanyang pinanggalingan ay hindi makararating sa kanyang paroroonan".

Kilalanin at sisikaping unawain saan kayo nanggaling. Kung mauunawaang ang kanyang pinanggalingan ay isang kabuuan at ito ngayon ay kanyang pag-iingatan upang ito ay huwag mawasak.

Kung nauunawaang ang kanyang pinanggalingan ay isang kalinisan at isang kawagasan, dito ngayon niya susupilin ang kanyang sarili upang hindi makagawa ng ipagkakasala ng kanyang kabuuan sapagkat ito ang sisira sa kalinisan at kawagasan na kanyang tinataglay.

Kapag nilingon ng tao ang mga bahaging ito maaari na siya ay makarating sa kanyang paroroonan. Ano ang paroroonang ito ang kinakailangang marating ng tao? Ang kawagasan, ang kaluwalhatian at makararating lamang kung nakakalag na at makalaya na sa tali ng kamangmangan. Ano ang aking tungkulin?

Ang tao ay gumagalaw sa dalawang bahagi ng buhay kung doon ng laman sa lupa na kanyang ginagalawan. At sa pagtupad ng laman na ito ng kanyang tungkulin sa ibabaw ng lupa naroroon at kaugnay ang dala-dala ng isang kaluluwa at sa dala-dalang ito ng isang kaluluwa naka-ugnay sa bahagi ng mga tungkulin ng isang laman. Ang naging katumbas at naging kalagayan dalawang bato na nag-uumpugan.

Datapwat sa pag-uumpugan ng dalawang batong ito masdan ninyo kung ano ang inyong mabubuo, ang kislap ng liwanag. At sa pamamagitan ng kislap ng liwanag na iyan may karunungan at kaalamang ibinibigay at kung ito ngayon pagpalain at kukunin ng lahat at bawat isa, hindi maaari na hindi makalag sa pinakamaliit na tali ng kamangmangan naroroon sa kanyang sarili.

Kaya nga sa paglalaban na iyan ng laman at isipan ng isang kaluluwa, doon ngayon nagiging mahalaga at doon nagiging dakila ang kaalamang inyong matatamo at ibinibigay ng kaitaasan sa pamamagitan ng katuruan ng Espiritismo.

Ngayon, sino ang hindi nag-iibig na marating ang lahat ng mithiin? Sino ang hindi nag-iibig at nag-aadhika na makakalag sa lupa? Marahil ang lahat ng tao sapagkat may buhay na tinataglay kung hindi ang bahaging ito ay maganap sa kanyang sarili.

At kung ito ngayon ang inyong iniibig upang makilala ninyo ang inyong kabuuan at inyong kalagayan iugnay natin ang naroroon sa Banal na Kasulatan, ang wika, “ang sanga na nakakabit sa puno ng ubas ay laging nililinis upang magbunga”.

May isang sanga na matutuyo inaalis at pinipigtal sa pagkakakabit upang ito ay ihagis at igatong sa apoy. Itanong ninyo ngayon sa inyong sarili, kayo na ba ang mga sanga na nakakakabit sa puno ng ubas na ang mga karanasan na inyong dinadama ay upang ipakilala at ipaubaya sapagkat kayo ay nililinis upang lalong magbunga.

Kung ganyan ang inyong kalagayan samakatwid, mananatiling naroroon ang inyong kapayapaan, mananatiling naroroon ang kalinisan, at kaliwanagan ng inyong isipan, nananatiling naroroon ang katiwasayan ng inyong damdamin at katahimikan ng inyong kalooban upang sa kalagayang iyan makilala ninyo kung ano ang landas ng kinakailangan na inyong tahakin bilang manggagawa sa ubasan ng Panginoon.

At kung sa inyong pagdidili-dili madama ninyo na kayo pala ang natutuyong sanga na pinipigtal at inaalis sa pagkakabit sa puno upang ihagis at igatong sa apoy bago ninyo matatanggap ang bawat karanasang sa inyo ay dumarating sapagkat ito ang bunga ng inyong iginalaw. Ano ngayon ang kalagayan ng isang mag-aaral?

Hindi baga napakahalaga, napakadakila sapagkat ang lahat ng kanyang pangangailangan ay ibinibigay. Ang lahat ng ikatitiwasay at ikapagkakaroon ng kanyang kapayapaan ay ipinagkakaloob upang manatili kayo ay gumanap tumutupad ng inyong tungkulin sapagkat iyan ang karapat-dapat na maging buhay ng lahat at bawat isa.

At sa kasalukuyan, ito ngayon ay nabuhay ang larawan ng isang Hesus na ginawang batayan at ginagawang batayan ng tao lalo na sa pagsasagawa ng ikabubuti at ikasasama ng kanyang sarili. Ngunit ang kaparaanan ng pagsasagawa naroroon pa rin at kaalinsabay ang kabuuan ng isang laman na naroroon sa sanglibutan.

Dahil dito, paano kayo maliligtas sa katulad ninyo na mga nilalang na gumugunita at gugunita sa buhay at kasaysayan ng isang Hesus.

1993-03-07, RAD

Sumainyo ang biyaya ng Panginoon ngayon at magpakailan man!

Ang pag-aaral, lalo na ng nau-ukol sa katotohanan, noong panahon ng pagsusulit sa malawak na pagkakilala sa sarili. At sa bahaging ito, bilang mag-aaral, ay damhin ninyo sa pamamagitan ng isang katanungang ang tao baga ay kailangang manatili sa isang kalagayan, mananatili sa isang landasin?

Ay hindi nga, sapagkat hindi gayon, at kung walang pagsulong ang bawat isa, ano ang kahalagahan ng pagsisikap ng bawat isa. Dahil dito, kailangang madama ng tao na siya ay umangat at sumulong. Ang pagsulong ang magdadala sa katotohanan na nandoon ang kaligayahan ng tao.

Ang tao ay kailangang sumulong, mula sa kay Adan at Eba na noon ay walang kaligaligan sapagkat lahat ay kapayapaan sa sarili. Isang kalagayan na may pagkakilala ang marami na may ginawang makasaysayang ahas.

Kung hindi ipinahintulot ng pagkakataon ay hindi magaganap ang pagkakasala ng tao. Kailangang sumulong at umunlad upang paunlarin ang kanyang karunungan, paunlarin ang kaunawaan. Isang katotohanan ng kadakilaan ng pagka-Diyos.

At dahil sa ahas sila ay natukso, napansin nilang sila pala ay hubad. Sila'y sumuway sa batas ng Panginoon at sila'y nagkaroon ng karunungan upang humanap ng itatakip sa katawan. Ang karunungan upang ang kawalang-muwang ay sumulong.

Noong siya ay bata, nag-iisip tulad ng isang bata, gumagalaw natulad ng isang bata, kumikilos tulad ng isang bata. Nguni't iniwan niya ang kanyang pagkabata, kailangan ninyong iangkop ang kanyang kalagayan.

At diyan inu-ugnay ang pagkilos nariyan ang pangungusap at karunungan patungo sa Diyos. Ang bata ay kulang sa paninindigan, kulang sa pagkaunawa ng nau-ukol sa kaluluwa. Ang bata binibihisan ng iba, pinakakain ng iba.

Nang dahil dito, ang bawat makita nagkakaroon ng kahulugan sa kanyang sarili, kaya't sakit at sama ng loob. Ang paghatol sa bawat galaw, panangga sa kanilang kapwa.

Nagkukulang sa pag-ibig, nagkakawatak-watak ang mga samahan ng bawa't lipunan. Ang karunungan ang magtuturo sa mga daan upang matamo ang kapayapaan ng kaluluwa.

Kung kayo ay hiranging isang Sireneo na tutuwang sa pagdadala ng krus ng Panginoon, hindi siya tatalikda dahil narito ang katotohanan. Katotohanan na sa pagtitiis ay makakamit ang buhay na walang hanggan.

Ang mga bahagi ay katimbang sa bawat kakulangan kung matutung magtiis, lumuha, mag-ipon sa mga kaban, patuloy na mabubuhay, gumagalaw, gumagawa upang makita ninyo ang sarili na nakatindig, mga patay na binuhay upang tumayo.

Kababaang-loob, pagkakawanggawa at kapayapaan ng diwa ang sumainyo ngayon hanggang sa wakas.

 

 

 

1992-08-08, RR

Saganain ang lahat sa mga biyaya't pagpapala ng mga langit, maghari ang kapayapaan sa lahat at bawat isa ngayon at magpakailanman!

Mga minamahal na kapatid, sana ay magkaroon ng lakas at tibay ng paninindigan ang mga nangungulo at ang mga kasama sa pag-aaral upang sa gayon ang maipakilala ninyo ang tunay na katotohanan na kayo ay sumusunod at tumutupad sa inyong mga tungkuling sa inyo ay ibinigay ng kabatlayaan.

Upang sa gayon ay maipakilala ninyo sa mga kabatlayaan sa kasalukuyang nag-aaral ng kapanahunang ito na kayo ay mga tunay na nag-aaral at nagpapalaganap ng mga bagay na kabutihan at kabanalan. Kinakailangang kayo ang pagsumundan ng maraming kabataan sa kapanahunang ito.

Upang ang inyong mga pagpapalakad ay maipalaganap ninyo ng boong lakas ng pananalig at pananampalataya. Upang sa gayon ay maipakilala ninyo na kayong mga tunay na mag-aaral ng pag-ibig at kabanalan kaya't kinakailangang kayong mga katandaan sa kapanahunang ito ang magpakilala na kayo ang mga tunay na matibay sa inyong mga tungkulin.

Upang sa gayo'y kayo ay pagsumundan ng maraming kabataan sa kasalukuyan ay nagsisipag-aral upang kung kayo ay kakikitaan ng magandang katuparan ng inyong tungkulin ay iyan din ang pagsusumundan ng mga kabataan sapagkat kinakailangan na, mga minamahal kong mga kapatid.

Ang mga kabataang iyan ay magkaroon ng lakas at tibay sa paninindigan sa kanilang mga pinag-aaralan upang sa gayon kung dumating na ang panahon at araw kung kailan kayong mga katandaan ay wala na at lumipas.

Sino sa inyo ang susunod kung hindi ang mga kabataan. Kaya kinakailangan kayong mga katandaan ang manguna sa magandang mga pag-aaral upang makita ng kabatlayaan ang tunay na katotohanan na kayo nga ang mga tunay na naumumuno at nagbibigay halimbawa ng inyong mga aral.

Ngunit kung ang katandaan ay kinamamalasan ng hindi magandang pagasamahan ng hindi magandang pag-uunawaan, samakatwid mga kapatid, iyan ang mamamalas ng mga kabataan na kung papaano ang inyong mga likhain ay ganyan dinang kanilang gagawin.

Kaya nga at inaasahan ko rin naman na hindi kayo magpapabaya, mga minamahal na kapatid, na may tungkulin sa kasalukuyan panindigan ninyo ang inyong matibay na pananalig at pananampalataya na kayo ay mga tunay na mayroong mahigpit na tungkulin sa inyong pinag-aralang.

Upang sa gayon ang mga kabataang iyan ay mahalin ninyo at maaba ng lubusan sa magandang patakaran sa magandang pagsasamahan at sa magandang pag-uunawaan ngunit kung ang katandaan ay kakikitaan ng kabatlayaan ng hindi magandang pagsusunuran, ano ang gagawin ng mga kabataan?

Kaya mga kapatid, ito ang aking binuksan sa inyo sa mga sandaling ito upang sa gayon ay magkaroon ng katibayan at matibay ang mga kabataang upang siyang magpapalaganap ng tunay na aralin ng pag-ibig at kabanalan.

Sapagkat kinakailangan na ang mga kabataan sa kapanahunang ito ay manindigan ng lubusan upang sila ay makapagpatuloy sa kanilang mga tungkuling dapat nilang gampanan habang sila ay may lakas na ginagamit sa kapatagang iyan.

Iyan, mga minamahal ko, ang aking iiwan sa inyo at inaasahan kong kayo naman ay mayroon na ring matibay na pananalig at pananampalataya, mayroon na rin naman kayong matibay na panindigan sa inyong mga tungkulin na tinanggap na mula pa sa kaitaasan.

Ito ay isang pagpapalaala at pagpapgunita upang sa gayon ay maipakilala ninyo sa mga kabataan ang tunay na katotohanan at ang tunay na paggawa ng mga bagay ng kabutihan at kabanalan at diyan kayo makilala ng kabatlayaan na kayo ay mga tunay na manggawa ng Panginoon.

Iyan, mga minamahal ko ang aking sa inyo ay iniiwan. Paalam,

 1992-08-05, RR

Saganain ang lahat sa mga biyaya't pagpapala ng mga langit, maghari ang kapayapaan sa lahat at bawat isa ngayon at magpakailanman!

Mga minamahal na kapatid, sana ay magkaroon ng lakas at tibay ng paninindigan ang mga nangungulo at ang mga kasama sa pag-aaral upang sa gayon ang maipakilala ninyo ang tunay na katotohanan na kayo ay sumusunod at tumutupad sa inyong mga tungkuling sa inyo ay ibinigay ng kabatlayaan.

Upang sa gayon ay maipakilala ninyo sa mga kabatlayaan sa kasalukuyang nag-aaral ng kapanahunang ito na kayo ay mga tunay na nag-aaral at nagpapalaganap ng mga bagay na kabutihan at kabanalan. Kinakailangang kayo ang pagsumundan ng maraming kabataan sa kapanahunang ito.

Upang ang inyong mga pagpapalakad ay maipalaganap ninyo ng boong lakas ng pananalig at pananampalataya upang sa gayon ay maipakilala ninyo na kayong mga tunay na mag-aaral ng pag-ibig at kabanalan.


Kaya't kinakailangang kayong mga katandaan sa kapanahunang ito ang magpakilala na kayong mga tunay na matibay sa inyong mga tungkulin upang sa gayo'y kayo ay pagsumundan ng maraming kabataan sa kasalukuyan ay nagsisipag-aral.

Upang kung kayo ay kakikitaan ng magandang katuparan ng inyong tungkulin ay iyan din ang pagsusumundan ng mga kabatan sapagka't kinakailangan na, mga minamahal kong mga kapatid.

Ang mga kabataang iyan ay magkaroon ng lakas at tibay sa paninindigan sa kanilang mga pinag-aaralan upang sa gayon kung dumating na ang panahon at araw kung kailan kayong mga katandaan ay wala na at lumipas.

Sino sa inyo ang susunod kung hindi ang mga kabataan. Kaya kinakailangan kayong mga katandaan ang manguna sa magandang mga pag-aaral upang makita ng kabatlayaan ang tunay na katotohanan na kayo nga ang mga tunay na naumumuno at nagbibigay halimbawa ng inyong mga aral.

Ngunit kung ang katandaan ay kinamamalasan ng hindi magandang pagasamahan ng hindi magandang pag-uunawaan, samakatwid mga kapatid, iyan ang mamamalas ng mga kabataan na kung papaano ang inyong mga likhain ay ganyan dinang kanilang gagawin.

Kaya nga at inaasahan ko rin naman na hindi kayo magpapabaya, mga minamahal na kapatid na may tungkulin sa kasalukuyan, panindigan ninyo ang inyong matibay na pananalig at pananampalataya na kayo ay mga tunay na mayroong mahigpit na tungkulin sa inyong pinag-aralan.

Upang sa gayon ang mga kabataang iyan ay mahalin ninyo at maaba ng lubusan sa magandang patakaran sa magandang pagsasamahan at sa magandang pag-uunawaan ngunit kung ang katandaan ay kakikitaan ng kabatlayaan ng hindi magandang pagsusunuran, ano ang gagawin ng mga kabataan?

Kaya mga kapatid, ito ang aking binuksan sa inyo sa mga sandaling ito upang sa gayon ay magkaroon ng katibayan at matibay ang mga kabataang upang siyang magpapalaganap ng tunay na aralin ng pag-ibig at kabanalan.

Sapagkat kinakailangan na ang mga kabataan sa kapanahunang ito ay manindigan ng lubusan upang sila ay makapagpatuloy sa kanilang mga tungkuling dapat nilang gampanan habang sila ay may lakas na ginagamit sa kapatagang iyan.

Iyan, mga minamahal ko, ang aking iiwan sa inyo at inaasahan kong kayo naman ay mayroon na ring matibay na pananalig at pananampalataya, mayroon na rin naman kayong matibay na panindigan sa inyong mga tungkulin na tinanggap na mula pa sa kaitaasan.

Ito ay isang pagpapalaala at pagpapagunita upang sa gayon ay maipakilala ninyo sa mga kabataan ang tunay na katotohanan at ang tunay na paggawa ng mga bagay ng kabutihan at kabanalan at diyan kayo makilala ng kabatlayaan na kayo ay mga tunay na manggawa ng Panginoon.

Iyan, mga minamahal ko ang aking sa inyo ay iniiwan.

1992-08-02 RR 

Pagpalain ang lahat ng Dakilang Panginoon maghari ang kapayapaan sa lahat at bawa't isa ngayon at magpakailanman!

Mga minamahal na kapatid na mga nag-aaral ng simulaing ito ng Espiritismo, inaasahan kong kayo ay matitibay na at marami na kayong lubhang natutuhan sa mga aral na ibinibigay ng kabatlayaan. Kaya't inaasahan ko rin ang bawa't natatanggap lalo na ay ang mga bagay ng kabutihan ay maisagawa ng tao upang sa gayo'y maging karapat-dapat siya na tunay na mag-aaral ng simulaing ito ng kabanalan.

Sapagka't ang simulain ng kabatlayaan ay napakadakilang bagay, mga minamahal na kapatid, sapagka't iyan ang mga aral na ibinibigay ng kabatlayaan na kinakailangang matutuhan at maisagawa ng bawa't nag-aaral nguni't kung ang isang nag-aaral ay wala ring nadadala at natutuhan sa matagal na niyang pag-aaral ay sayang mga kapatid ang mga aral na ibinababa ng kabatlayaan na kung hindi matanggap ng mga mag-aaral sapagka't ito ang kailangan na makapagbigay rin ng magagandang bagay sa kanilang mga natutuhan upang kanilang maipalaganap at maipaunawa sa mga taong labas sa inyong pag-aaral.

Nguni't kung ang bawa't nag-aaral, mga minamahal na kapatid ay hindi naman nakadadala ng lahat ng mga bagay na inia-aral ng kabatlayaan lalo pa ay sa gawi ng kabutihan at pag-ibig sa kapwa sapagka't iyan ang pinakadakila, mga minamahal ko sapagka't ang wika ng Panginoon, "kung ako ay iniibig ninyo ay iibigin din ninyo ang inyong mga kapwa. Samakatwid, mga kapatid kung ang tao ay hindi makai-ibig sa kanyang kapwa sa Diyos man ay hindi rin makai-ibig.

Kaya't kinakailangang sa panahong ito na pag-aralan ng lahat at bawa't isa ang mga gawaing nauukol sa kabutihan at kabanalan sa siyang itinuturo ng kabatlayaan sapagka't ang Panginoon ay nagbaba ng magagandang araling nau-ukol sa kabutihan at kabanalan na kinakailangang matutuhan ng taong nag-aaral.

Kaya't huwag sanang masayang, mga minamahal na kapatid, ang mga aral na ibinibigay ng kabatlayaan sa inyong kalagitnaan ay sana ay maisagawa at matanggap upang sa gayon ay maging karapat-dapat kayong mga tunay na mag-aaral ng dakilang Panginoon sapagka't Siya ang kinakailangan ninyong tawagan sa lahat ng sandali ng inyong mga pangangailangan, sa lahat ng mga bagay, maging kayo ay sumapit sa pagsubok, maging kayo ay sumapit sa matinding karamdaman, maging kayo ay sumubok sa lahat ng mga bagay na kapansanan ng inyong mga sarili.

Saan kaya kayo tumatawag, mga kapatid, kung hindi ang wika nga ay "Panginoon, Panginoon, huwag Mo po akong pabayaan. Nguni't ang wika ng Panginoon, kailanman at kayo'y hindi nakalilimot ay hindi rin kayo kalilimutan. Kaya't kinakailangang sagisagin ng tao ang pag-aaral, hindi lamang sasabihin, hindi lamang iisipin, kung hindi kinakailangang magawa ang mga bagay na ini-aaral ng kabatlayaan. Sapagka't saan nagmumula ang mga aral na ibinibigay ng kabatlayaan. Hindi baga at nagmumula sa mataas...

 

1992-02-05, LL

Ang liwanag na Espiritu Santo at ang kapayapaan ang tumanglaw sa lahat at bawat isa ngayon at magpakailanman!

Mga minamahal na kapatid, ano ang pagkain ng diwa? Ang pagkain ng diwa ay ang tala na makakilala ng mabuti at masama. Ang bigkas ng kaalaman upang kayo ay matuto at makagawa, magbalik sa inyong nakaraan.

Sapagkat ang bawat isang nagnanais na magkaroon ng kapayapaan sa kanyang diwa ay lagi nang humahanap ng paraan upang makita ang kaparaanang iyan ay kinakailangang matutuhan ninyo kung ano ang unang dapat pagtuunan ng tao.

Ang nararapat, kabutihan ng tao, ay ang kanyang makilala at makakilala ng inyong nakikita at ito ay ang kabaitang hindi nagpaparangalan at hindi nagpapakitang-tao lamang. Sapagkat anumang pagnanais ng tao at pagnanasang marating ay nabibigo sapagkat hindi pakikinabangan ng isang nilikha.

Ano ang dapat malaman ng tao? Ang kapangyarihan ng tao ay kinakailangang maka-akit ng kanyang kapwa tao sapagkat ang tao ay manggagaling sa mababa upang siya ay sumulong at sumilang, mag-aral upang matutuo, makakilala upang maging matalino. At ang gumagawa ay magtatagumpay.

At ang pagkalinis ng laman ay hindi ito nakukuha ng panalangin. At ito ay paghihirapan sa dambana ng Panginoon kung hindi kinakailangang kayo ay umusad at gumawa upang sa darating na panahon ay hindi kayo maririnig at makikita sa inyong mga gawa.

Mga minamahal na kapatid, sadyang ganyan na habang mahigpit ang pag-aaral, madadama at nagsusumiksik at wari ay nakikipag-unahan ang kalaban lalo pa at kung kayo ay maraming inaalagata hindi hinahayaang magtagumpay sapagkat kung madalas ang pagliban ng mga sanayan ay sadyang mahirap tumanggap ng banal na kataga ng kabatlayaan.

Ito ang madalas na nagpapahirap sa mga kasamahan, ang medyum na tumupad, ang medyum na hindi na kinakailangang akaying muli, hindi paminsan-minsan lamang kung kaya at nagkakaroon ng liwanag ng Espiritu Santo at ang kapayapaan ang magharing muli sa lahat at bawat isa ngayon at magpakailanman!

Paalam, Protektor,

 

1977-12-22, GPL

Ang kapayapaan ang inilalagak ko sa puso at diwa ng lahat at bawat isa sa inyo.

Mga iniibig na kapatid, mapapalad kayo na naghahanap ng ikaliliwanag ng inyong mga sariling pagkatao sapagkat sa inyong pagtitiyaga at pagsasaliksik ng tunay na karungan at kabanalan matatagpuan ninyo sa dulo ng landas na pinagtagpuan ng isang ina at isang anak na nagtalik sa pamamagitan ng paghahanap ng kanyang ina sa malawak na lakbaying ay dumating ang panahon at araw na sila ay nagkaroon ng pagkakataon.

Kaya, at mga kapatid ko na naghahanap sa dakilang Panginoon na nasilang na at isisilang pa, marahil ko ay sa inyong pagpapagod at pagpapakasakit upang inyong matagpuan ang tunay na muling pagsilang nd dakilang Guro ng sangkatauhan kung kaya at kayo ay natitipon sa loob ng simulaing ito ng buhay ay hinahanap ninyo ang bakas ng isang Panginoon na siyang nagbigay ng mga bagay na pangangailangan ng sangkatauhan.

Siya ang tumulong, Siya ang nagbigay ng mga biyaya at pagpapala na hinahanap ng sangkatauhan sa kapatagang-lupa magpahangga ngayon. Ito kaya, mga kapatid, sa matagal ng pagpapahanap at pagsisikhay ng maraming nilkha, mayroon na kayang isang nakatuklas ng kanyang muling pagbabalik at pagkabuhay sa kapatagang-lupa?

Na ngayon ay Siya naritito sa kalagitnaan at nagmamalas na kung papaano ang mga nilkhang nabubuhay mayroon na sa kanyang sariling angking kabaitan at kabanalan sapagkat ang wika nga ang lahat ng aking ginawa na iniwan sa kapatagang-lupa winika ko nawa madulang at mapag-aralan at matalunton ang landas na dinaanan at nilakaran ng Kanyang sarili.

Kung totoo, mga kapatid, na sa inyong pag-aaral at paghahanap ng tunay na landas na dinaanan ng Panginoon ay ito na nga na inyong tinutuklas sa kasalukuyan ay hinahanap ko sa ibang mga kakapatid na kung papaano at bakit nababalam ng paghahanap sa landas na dinaanan ng dakilang Guro ng sangkatauhan.

Mga kapatid, wiwikain ninyo at babanghayin sa inyong mga palatindigan na ang dakilang Guro ng sangkatauhan naghahanap sa kanyang mga alagad na iniwanan makalimot at hindi makatupad ng kanilang mga tungkulin.

Kaya at sa tuwina naririto ang mga isinusugo ng Panginoon sa inyong kalagitnaan upang buhayin at muling banggitin sa inyong mga sarili na kung papaano ang kanyang pagsisikap noon Siya nabuhay na mayroon laman upang Siya ay tumupad ng Kanyang tungkulin, gayon din sana ang wika, ang aking mga alagad na iniwanan sa kalagitnaang ito.

Ano, mga kapatid, ang wiwikain ng Guro na mga alagad na kanyang iniwanan kungdi kayo mga matitipon sa kasalukuyan sa ilalim ng bubong ng paalarang ito kung kaya at ang isang dakilang Mananakop hindi nagpipigil ng kanyang pagyao dito upang Kanyang masumpungang muli ang Kanyang mga alagad na iniwanan kung tunay ngang nakatutupad ng kanilang mga tungkulin.

Ang guro ng sangkatauhan kailanman hidi natitigil sa isang lugar kundi ito ay naghahayag ng Kanyang mga dakilang misyon na iniwanan sa kapatagang-lupa na upang sa gayon ay huwag mapawi at maparam sa gunita at ala-ala ng bawa't nilikhang sa Kanya sumasampalataya.

Kaya at lahat ng mananampalataya sa kapatagang-lupa walang hinahanap kungdi ang abang Guro ng sangkatauhan, papaano kaya matutuklasan sa kanyang kalagayan kung ang isang naghahanap ay lagi nang naliligaw ng kanyang landasin, at kung sa isang panalanging binibigkas lamang ng kanyang mga labi ay hindi makakarating sa Kanyang kinaroroonan?

Ang panalangin ay bigkasin man at hindi at nasa kanyang malinis na kaisipan ang tao nakatatanggap at tumatanggap ng biyaya sa Diyos na sa kanyang ipinagkakaloob. Kaya at sa pamamagitan ng inyong mga pananawagan at pagbanggit ng Kanyang mga pangalan nawa matuklasan ninyo ang kanyang kinaroroonan upang sa gayon ang biyaya at pagpapala maipagkaloob sa inyo ngayon at magpakailanman.

Mga minahal na kapatid, ang Panginoon walang tigil na paghahanap sa Kanyang mga alagad ngunit ang Kanyang mga alagad na ito sa tuwina ay naliligaw ng landas kung kaya at matiyagang paghahanap at pagdulang ng kanyang mga biyaya ipinagkaloob sa lahat hindi ang lahat nakakatagpo at nakatutuklas kungdi yaong matapat na hangaring mayroon magandang kalooban at malinis na puso ang siyang kina-uuwian ng biyayang ipinagkaloob ng dakilang Maykapal.

Iyan lamang, mga kapatid, at sa tuwina ini-aambil ng lahat at bawat isa sa inyo ang tunay na kapayapaan at sa pamamagitan ng pagsilang ng dakilang Mesiyas sa inyong kalagitnaan mabuksan sa puso at diwa ng mga kapatid at nilkhang nadidiliman ng isipan at maano nawa ang liwanag ng tala ay nakapagbigay ng kasiyahan, nakapagbigay na ng lalong kaliwanagan sa mga nilikhang iyan lagi na lumilkha ng mga kaguluhan sa inyong bayan. 

Ang inyong kapatid sa simulain...

1973-02-14, EB Batlaya

Biyaya at kapayapaan ang sumainyo ngayon at magpakailanman!

Mga minamahal ng kapatid, sa mga sandaling ito ng inyong pag-aaral ay naibigay na ninyo ang sandali ng pamamahinga ng inyong pag-iisip upang ang aralin ng kabatlayaan ang siyang magkaroon ng puwang sa inyong pagkatao.

Sapagkat sa maraming dalahin ng inyong mga buhay ay hindi kayo makagagawa ng mga dakilang bagay sa inyong mga kapaligiran kungdi sa pamamagitan ng subaybay at araling itinuturo ng kabatlayaan.

Sapagkat ang tao kung mahina ang kalooban sa mga dalahin nakababaw sa kanyang balikat ay nawawala ang pananampalataya at ang nananaig ang kasaligutgutan ng pag-iisip.

Subalit sa mga sandaling ito, mga minamahal na kapatid, ibinubudbod ng kabatlayaan, itinatanim sa puso ng bawat isa sa inyo upang tumiim ang isang dakilang pagkakilala na ang tao may mabigat na tungkulin na hindi maibababa kungdi sa pamamagitan ng masikap na pag-aaral at sa pagdadala ng bigat ng kanyang tungkulin, magmula sa kabilugan ng tahanan at sa kanyang kapaligiran.

Mga minamahal na kapatid, labis ang kasiyahan ng kabatlayaan kung sa bawat isa sa inyo makasumpong ng mataimtim na pananalig na hindi kayo pababayaan kailanman at gayon din ang inyong mga kahinlog na hindi lamang sa buhay may laman nakakapiling kungdi sa mga sandaling ito ng inyong pag-aaral nangaririto at kaalinsabay ng pag-aaral na isinasagawa ninyo sa ngayon.

Mga kapatid, pinuputol ko ang aking mga katagang ibinibigay sa inyo sapagka't di man panahon ng mga espiritung sumalikod ng libingan, may isang kapatid na nagnanasang makipag-aral sa inyong kabilugan.

Kapayapaan ang aking iniiwanan ngayon at magpakailanman! Paalam.

1977-09-25, GPL

Saganain kayo ng dakilang pagpapala ng Panginoon, maghari ang kapayapaan!

Mga iniibig na kapatid, magpapatuloy ako na hanapin ang karagdagan ng pag-aaral sa paturuang Espiritismo.Isang dakilang layunin ng inyong mga diwa sapagkat kayo ang mananampalataya na naghahanap kung papaano madadala ng inyong mga sarili ang kadakilaan ng inyong kaluluwa.

Sapagkat kayo ay mga taong mayroon ng laman na hindi makaya ng inyong isipan ang isang karamdamang siyang dala-dala ng inyong kaluluwa, karamdamang ayaw magpagitaw sa sarili upang ang kadakilaan ng pag-aaral ay magpatuloy.Natatakot sa karamdaman sapagkat nalalaman ang karamdaman, kung malala na ay magbunga ng kamatayan.

Mga minamahal, ang kamatayan ay dakilang panauhin, subali't sa walang pag-aaral, ay kinatatakutan.Subalit kung handa na at naihanda ang kanyang sarili sa paglilingkod.Handa ang kanyang sarili sa kamatayan sa pagharap sa Ama.

Mga kapatid, magpatuloy kayong gumawa at makagawa upang ang mga kagamutan ng katawang laman ay magpatuloy. Alisin ang mga kabugnutan ng sarili, iwasan sapagkat ito ay nagbibigay ng karamdaman sa tao.

Ang masasamang pagtingin sa kanyang paligid, ang mga maling alitigtigin lalong-lalo na ang mga kainggitan sa sarili sapagkat ang tao sa kapatagan ay laging naninibugho sa kanyang sarili. Paalam,



 

Comments

Popular posts from this blog

2023-11-27, Rebecca

2016-02-02, Rebecca

1981-1994, Koleksyon - Geronimo de Guia