2023, Rebecca,Koleksyon-Apostol Pablo

 

 

 

 

 

 

 

 


2023-10-16 APO PAB-RAD

Sumainyo nawa ang biyaya at kapaypaan buhat sa mga langit ngayon at hanggang sa wakas.

Ang nagtataguyod at nagbibigay ng lakas sa sangkapin ng bawa’t tao ay pagkain, sapagka’t naroroon ang lahat ng pangangailangan upang maitaguyod ang bawa’t buhay. Datapuwat sa pagkaing ito, kung hindi magiging sapat ang kaalaman at karunungang matataglay, maaaring ito ay makapagbigay ng kalusugan. Nguni’t maaari ring ito ay makapinsala sa kaniyang katawan.

Ganito kaya ang larawang ipinatunghay doon sa isang sandali nang ang Panginoon ay nagpakain sa maraming tao? Na sa pagkaing Kaniyang inihain nabusog na, ngunit may lumabis pa. Ang gawaing ito kung itutulad at iwawangis na sa inyong pagkakatipon-tipon may pagkain kayong pagsasaluhan na ang layon kayo ay mabusog, ang hangarin kayo ay lumakas.

Ang kaniyang iniibig magampanan ng bawa’t isa ang ibig niyang gawin, sapagka’t ang lakas ay ibinigay at inihandog sa kaniya. Na, kung kayo ngayon sa inyong pagkuha ang lahat ay umaalinsabay doon sa kalikasan na pinipili ang uri ng pagkaing nakahain na kakaninin.

Datapuwa’t larawan din ng kalikasan na bagaman at pinili ang pagkaing kaniyang makakain, sa sandali na ibinabalik ang sisidlang pinaglagyan ng pagkain, makikitang may natira upang mauwi sa pagkapanis. Nguni’t ang lahat ay may kabuluhan sapagka’t walang matatapon na hindi may pagbibigyan. Walang labi na hindi may paggagamitan. Walang anomang inihain na hindi may ipagiging makabuluhan sa lahat at bawa’t isa.

Kung gayon, pipiliin ninyo ang pagkaing angkop at ayon sa inyo. Ang aralin ng buhay sa inyong pagpili at sa inyong pagkuha may ititira ba kayo upang ito ay mapanis at mabulok at mauwi lamang sa kawalan?

Sapagka’t naririyan katulad ng aking ipinangusap, lakas ang ibinibigay, kasiglahan upang makagnap ng kaniyang tungkulin ang lahat at bawa’t isa, nguni’t katotohanan din na upang makita o makuha ang lakas na ito sa kaniyang pagkain kinakailangang ito ay madurog, mailagay sa kaniyang kapinuhan.

Ito ay masunog sapagka’t sa sandaling ito ay masunog, doon lamang makapagbibigay ng enerhiya at lakas ang pagkaing kinain ng bawa’t tao. Paano ang pagpino sa bawa’t aralin bilang pagkain ng inyong kaluluwa?

Paano ang pagdurog upang matamo ninyo ang lakas? Paano ito susunugin at sinusunog upang ang kaniyang layong makapagbigay at makapagdagdag ng enerhiya sa buhay ay inyo ngayong matamo at makamit?

Ganyan mag-aaral, ganyan kikilala, ganyan magsusuri, magpapakatatag at maninindigan ang lahat at bawa’t isa upang walang masayang na pagkain sapagka’t ang Diyos ang naghahain. Panginoon ang siyang nagbubuo, ang siyang naghahandog upang ang lahat ay mabuhay sa kapayapaan.

Kaya nga at mahalaga ang bawa’t paggalaw ng tao. Mahalaga ang bawa’t pagtibok ng kaniyang pag-iisip. Mahalaga ang bawa’t paggitaw ng kaniyang damdamin. Mahalaga ang bawa’t pagkagising at pagkamulat ng kaniyang pagkatao.

Sapagka’t nang dahil sa mga kalagayang ito ay makakasama niya ang Panginoon sapagkat ito ay Kaniyang pangungusap: Malaon ko na kayong nakasama mula pa noong una. Sa ganyan ngayon ninyo itindig ang inyong mga pagkatao upang laging naroroon buhay, gising, masigla ang bawa’t adhikain ng bawat isa. Na, sa bawa’t araling kaniyang maririnig may buhay na sa kaniya ay idaragdag upang ang kahuli-hulihang kaaway na lalabanan ng tao at ito ay ang kamatayan ay kaniyang mapagtagumpayanan.

Ito ang aking sa inyo ay inihahandog upang ipadama walang anomang pagsisikhay at pagpupunyagi na hindi may ibabalik at ibibigay sa bawa't nabubuhay. 

Hanggang dito ako, muli sumainyo ang biyaya at kapayapaan buhat sa mga langit ngayon at hanggang sa wakas. Apostol Pablo, paalam.


Centro Ilaw ng Sanlibutan

Talaytayan, Kapatid, Rebecca Dungo



 

2023-09-10 APO PAB -Joji


Liwanag sa Espirito Santo ang siyang maghari gayon din sa inyong pagkatao sa bawat sandali ng inyong buhay ngayon at magpasawalang hanggan.

Sa pagpapatuloy ng bawat aralin na sinisikhay na inyong maunawaan ay naroroon ang isang pagpapatanaw ng kaitaasan sa bawat isa. Na kung ganitong pagkakataon na kayo’y managumpay upang matupad, ganapin ninyo ang inyong mga dakilang tungkulin ay hayaan ninyo na muli na ito’y idagdag sa inyong kaalaman.

Na kayo’y makabuo ng pagbubuklod ng inyong mga pagkatao upang ang layon ay doon ay manikit upang kung ito’y maging pangangailangan ninyo ay magiging pati ang mundo na madala na magaan, ang ano mang hamon sa buhay.

Pangangailangan na sa ganitong pagkakataon na kayo’y nakikipagka-isa ay taglayin ninyo ang malinis na kaisipan upang siyang magpasiya at matanaw, ‘ito ang karapat-dapat kong lakaran.’

Kaalinsabay din na may damdamin na makadama na naroroon ang kapayapaan upang anumang emosyon na kanyang madama hindi makapangingibabaw upang siyang maging dahilan niya na kung ano ang ipinasya na mabuti ng kanyang pag-iisip siyang maghari at maganap sapagkat sila’y magsasama.

Na naroroon din ang pagtitimbang ng isang kalooban upang kung sa tuwina’y dala-dala niya ang katiwasayan at kapayapaan ano man ang igagalaw ng isipan at damdamin tungo sa inaadhika niyang pagka-unawa sa buhay sila’y mapunpon na tatlo upang ang pagpapahalaga ng inyong ginawa at kayo’y managumpay na tupdin ang dakilang layon ng inyong mga kaluluwa’y siya ninyong kamtin.

Ito ang aking pagpapasimula sapagkat dito napapaloob yaong aralin na sa inyong pagpapatanaw at ilalarawan na doon ninyo ngayon madama na pagalawin ang inyong isipan, bitbitin ang damdaming may katatagan upang ang kalooban ang siyang magbigay ng katarungan.

Maging mapalad kayo sa bawat araw na kung kayo ay nakikipag-isa sa kaitaasan maging kagamitan ninyo dito sa lupa upang ang buhay ay madama ninyong tunay na maganda at mabuti.

Sa ganitong larawan, bilang siyang kasaysayan ang aking sa inyo’y pagpapasimula, na kung bukas na ang isipan upang kumuha ng aralin ay mapalad kayo sapagkat siya sa inyo’y gagabay at magsisilbing kasangkapan upang ang buhay ay maitaguyod ng buong lugod ng isang kaluluwa.

Pagpapasimula sa kasaysayan na naroroon natala at nakasulat sa Banal na Aklat, na ang Panginoon sa sandaling panahon na kanyang tuparin sa pagpapagaling ng may mga karamdaman, na siya’y dumako sa isang lugar na naroroon ang maraming tao na naghahangad na ang kanilang mga karamdaman ay mapagaling ng isang Panginoon.

Na mayroon ng mga kalalakihan na may dala ng isang may karamdaman, nakahiga, sapagkat siya’y lumpo. Ang taong ito’y bitbit ng apat na lalaki na nakahiga sa isang higaan o papag.

Sapagkat sa karamihan ng tao hindi mailapit ng mga kalalakihan ang lumpong ito na ibig nilang ito’y gumaling, kung kaya nga at kung isang kaparaanan ay ginaganap nila, inakyat sa bubungan, doon ibaba ang lumpong ito at mailapit sa Panginoon.

At ito nga ang nangyari na nailapit nila ang lumpong ito sa Panginoon na naroroon. Sa pagmamasid ng Panginoon, natanaw kung gaano kasidhi hindi lamang ng lumpo na may sakit na ibig na gumaling.

Ang kasidhian na tamuhin niya ang kagalingan kungdi ang apat na sa kanya’y nagdala, bumitbit ng kanyang higaan at siya’y mailapit sa Panginoon ang Kanyang tuparin na magtamo ng kagalingan ang lumpong ito sa kanyang dinadala na at naroroon ipinangusap, “pinatawad na ang iyong pagkakasala.”

Sa ipinangusap na ito ng Panginoon, ang mga naroroon tulad ng mga saserdote ay nagsang-usapan na nagwika, “Ano ang ipinangusap ng taong ito at siya’y nagpatawad ng kasalanan ng maysakit na ito. Hindi baga ang Diyos lamang ang mayroon ng pagpapatawad sa bawat may kasalanan?”

Sa ganoon, pagkarinig ng Panginoon ay sumagot at nagwika, “ano ba sa inyo ang magaan at sabihin, ipatawad ang inyong kasalanan o ang buhatin mo ang iyong higaan at ikaw ay umuwi sa iyong bahay?”

Sa ganito ngayon ng kasaysayan, alin sa inyo ay inihahalayhay, madama ngayon ninyo kung papaano tinatanggap ng may isang karamdaman ang iniibig at minimithi niyang kagalingan.

Na bagaman sa larawang nahahantad hindi lamang ang kasidhian, hindi lamang ang malalim at maalab niyang ibig na gumalaing ang kanyang karamdaman. Sapagkat ibig niya mayroon siyang maging bahagi sa kanyang buhay, ang siya’y makalakad sapagkat ang karamdaman iniibig niyang gumaling sapagkat siya’y lumpo ang siya’y makalakad. Ano ba ang magagawa kung ang paa’y magkaroon ng karamdaman?

Mayroong ibig ang isang pagkatao o ang isang isipan na gawin, datapwat nagkukulang ang kanyang mga sangkapin sapagkat ang mga paa ang siyang nagdadala, ang kanyang mga paa ang siyang nagbuhat, ng kanyang buong katawan kasama ang kanyang pagkatao.

Datapwat kung ito ang siyang magkaroon ng kasiraan, ibig man, oo na naroroon ang kabuuang matatanaw na may ulo na buo at sa ulo ay naroroon ang kaisipan. Na kung ang kaisipan ay magnanasa nang mabuti na ibig niyang magkawanggawa sa kanyang kapwa sapagkat natanaw ng kanyang mga mata dinala sa isipan na naroroon sa kapighatian.

Haplos ng mga kamay nakapagpapagaan ng dinadala ng kapwa

Ibig niya ito na siya’y lumakad at tunguhin datapwat ang kanyang mga paa’y may kadahilanan na hindi makalalakad, ano ngayon ang magiging saysay ng isang adhikain at pagnanasa?

Ng ibig niyang daluhan ang kanyang kapwa upang ang kanyang kamay na sapagkat buo at malakas at ibig niya itong ipadamang humahaplos sa kabuuan ng doon ay ibig niyang magpadama na siya’y may pag-ibig at handang mag-alay ng kanyang kabuuan, upang ang dinadala ng kanyang kapwa sa pamamagitan ng init ng kanyang mga kamay, kung ito’y hahaplos makapagpapagaan sa dinadala ng kanyang kapwa.

Ano ngayon ang layon upang sa pagpapatanaw sa pasimula ng kasaysayan ay naroroon ang bahagi na siyang naging dahilan upang ang doon ay makatanaw, lalo na sa ipinangusap ng Panginoon, “pinatawad na ang iyong kasalanan.”

Nagpatanaw ba na ang kanyang pinagmulang karamdaman ay mula sa kanyang ipinagkasala, sa nang dahil sa mga bahagi na hindi nabatid, hindi naging sapat ang tunay na pagka-unawa, ang buhay niya ay napuspos ng kanyang ipinagdaramdam?

Datapwat naroroon ang pagpapatanaw na walang karamdaman ang hindi magtatamo ng kagalingan, walang iniibig ang tao na kung siya’y naroroon sa kahinaan na kung ito’y itutulad siya’y may karamdaman, hindi ito magtatamo ng kanyang kalakasan kungdi dahil sa kasidhian.

Kasidhian ng pagnanais ng taong may karamdaman at ng sa kanya ay tumutulong

Tulad ng pagpapatanaw ng kasaysayan hindi lamang nanggaling ang kasidhian na siya’y gumaling doon sa may karamdaman kung hindi kaakibat sampu ng sa kanya ay nagdala ang kasidhian na siya’y ibig na magtamo ng kalakasan.

Sa ganito ba ngayon nagpapatanaw ang pagtuturo? Sa ganoon ba ngayon nagpapadama na kung naroroon ang pagkasidhi ng inyong mga ibig na ang kaalaman ay lumaki, sumagana, ang kaalaman ay maging bahagi ng buhay?

Ang kaalaman na buhat sa karunungang sa tuwina ay ibig ninyo na lumaganap at hindi lamang ang isipan ang magdala kung hindi ang kabuuan: paa, kamay, ulo at puso hanggang mga ito ay mag-isa, naroon tunay sa bawat paghakbang ninyo makikitang may katatagan.

Dito ba kayo ngayon binubuhay, o sa malapit na pangungusap ang pagkagising ang doon ay pangangailangan, siyang tunay, siyang mabuti, siyang karapat-dapat na nawa ay patungo at tunguhin ang bahagi ng inyong pagka-alam upang sa ngayon?

Siya ngayong nagbabadya ng panahon, panahon na upang kayo ay umani, panahon na upang ang nagdaang inyong pagtatanim na ibinigay ninyo ang inyong lakas mabuksan ang inyong mga mata?

Naroroon na ang panahon upang maani ninyo ang mga inyong pinagpagalan, malasap ninyo ang doon ay inyong pagsusumakit, pagsisipag upang ang kapangakuan ng Ama ay malasap ng isang kaluluwa ang doon ay nakahalayhay upang sa bawat hakbang ng inyong mga paa na ito’y pinatatag.

Anomang kapaguran ang siyang madama hindi maging dahilan upang magtila ang isang kaluluwa sa pagnanasa na siya’y maging kabuuan ng mabuti, matanaw ang kanyang mga paang may mga matatag na paghakbang, na ang nilalakaran ay ang matwid na daan.

Ito ang doon ay amin sa inyo ay ipinadadama kaya sa pasimula pa lamang ay ang layon ay mabuksan ang inyong mga puso, upang kung ito’y mabuksan, may damdaming makadama ng kaligayahan.

May damdamin na kung dumarama ng kapighatian, lalo niyang hangarin ang mga bahagi ng kanyang paggawa na iniwan sa kanya ay naging ligaya ng kanyang kaluluwa siyang maging bahagi ng kanyang pagpapatuloy.

Sapagkat sa sandali na siya’y nagpapatuloy may maluwag na puso na handang magkaloob sa kanyang kapwa, sa kanyang kapatid, sa kanyang mga bahagi ng buhay, lalo’t higit sa kanyang magiging kaaway.

Handa niyang ibigay ang kanyang puso na naroon ang dala nito’y ligaya na kung ito’y maibigay naroroon sa pagtatagpo, naging bahagi niya ang kanyang mga naunawaan at kaalaman na siya ngayong sa kanya ay nagpapalawak upang ang buhay ay madala at maitaguyod ng buong kaluwalhatian.

Lakas, kagalingan, nasain maka-alis sa ikapagkakasala upang maka-uwi sa bahay na muling babalikan

Ito ang sa akin sa inyo ay pag-ibig na naroroon kung sa pasimula, ipinatanaw sa bawat nag-aadhika na siya’y magtamo ng lakas at kagalingan, naroroon ang kanyang pupuhunanin: ang matibay niyang pananampalataya, ang nasain niyang maka-alis sa bawat kanyang ikapagkakasala, at lalo’t higit madala niya ang ipinangusap ng Panginoon, “mabuhat ng bawat isa ang kanyang higaan at siya’y makauwi ng matiwasay, may kaluwalhatian sa bahay na muli niyang babalikan.”

Ang akin sa inyo, muli sumainyo ang liwanag na naroroon siyang magsilbing gabay, siyang magsilbing tanglaw sa daan, upang ang mga paa na pinatibay, ang mga paa na naroroon ipinagkaloob ang katatagan, matanaw, tunay na kung siya ay lumpo dati, ngayon, dala na niya ang buo niyang pagkatatao at handa naniyang ilakad sa lansangan ng buhay upang sa bawat kanyang paglakad may mahalina siya na kanyang kapwa na makaalis sa kadiliman.

Ako, ang sa inyo ay nagpapa-alam, Apostol Pablo, Paalam.


Keyword:

paa sagisag ng pananampalataya, pananalig, paniniwala



2023-07-01 APO PAB-JA

Habag ang ibig ko at hindi ang hain.”

Tanggapin ninyo ng buong-puso ag pag-ibig inihahandog ng Panginoon sa lahat at bawat isa ngayon at sa magpasawalang hanggan.

Sa buhay ng bawat isa kapag ang sumibol ay ang malalim na pagnanasa na ibig niya, na sa buhay niya, ay dumatal walang hindi siyang gagawin, kaalinsabay, walang hindi tiisin upang ang malalim na ibig niya na dumating kanya itong tamuhin.

Ang lahat ng kanyang kabuuan ay may pangangailangan, iyan ang mailagay sa mga kaparaanan upang ang ibig niya ay kanyang makamtan. Ang lahat ay babatahin tulad ng pag-ibig na nangungusap, ang lahat ay babatahin alang-alang sa pag-ibig na ibig niyang malasap, ibig niya na tunguhin at paroonan.

At kung dito ngayon ipapaloob yaong kalagayan ng pag-aaral na inyong ginagampanan na kung inyo ngayong tanawin ang larawan unti-unti mamasdan dumadako na pala ang isang kaluluwan sa malalim niyang adhikain.

Sapagkat may nagagawa na kayo na iwan, may nagagawa na kayo na kunin, may unti-unti na kayong napapatunayan na magiging mahalaga para sa pag-unlad ng siyang nasain ng isang kaluluwa.

May nagagawa ka kayong iwan na bagaman ito ay mahalaga sa inyong buhay sapagkat ito ay pangangailangan na kung naroroon ang pagkakataon, kung ito ay sa buhay sa lupa, kayo ay uunlad. 

Hindi baga kung magkaminsan sa malalim na ibig ninyo na ito ay may sa inyo dumating, mayroon na kayong maiiwan at mayroon na kayong nakahihigit na kunin? Ito kaya ngayon ang bahagi ipinangungusap na siyang aralin na siyang nakapaloob na winika ng Panginoon, “habag ang ibig ko at hindi ang hain.”

Ano ba yaong hain na siyang ipinatatanaw sa tao?

Hain, na ito ba yung may bigay na naroroon ang kanyang kongkreto na larawan na siyang hinahain ng sanlibutan, yaong kanyang mga yaman, yaong kanyang ipagkakaloob na magiging karangalan na kukunin ng tao upang siya ay tingalain? Maaari din kaya kung ito ay ilalagay na hain na siyang naroroon upang ibigin ng tao na mapasa kanya lalo at higit ang kapangyarihang naroroon sa sanlibutan?

Kung ito ngayon ang bahagi sa maliit at mababaw na pagtanaw, bakit nakapaloob kung ito ay tamuhin at kamtin ng tao ang kasunod at ang ibig ng Panginoon na ang habag dahil baga naroroon ang malinaw na pagtanaw na sa sandali ng tinamo ng bawat tao ang kalagayang materyal na naroroon ang yamang-lupa?

Karangalan at kapangyarihan datapwat naroroon ang magiging katambal nito, kung saan siya dadalhin lalo na pa sa isang sandali magkukulang, magsasalat at walang kaalaman ang tao upang kung ito ay dalhin siya ay dadalhin nito sa hindi magiging mabuting kanyang paggawa.

Kaya nga at ang magiging bahagi ang habag sapagkat naroroon ang dadamhin ng isang kalagayan ng tao sa sandali na siya ay dalhin ng mga bahagi ito doon sa hindi niya ibig sa kanya ay pagdadalhan, ang siya ay magkasala.

Katotohanang habang may habag na dadaldhin ang isang kaluluwa sa kanyang kalagayan sapagkat siya ay sisinsay sa pag-ibig ng Diyos o ng Panginoon sapagkat ang pag-ibig ang siyang doon ay mawawalan o magkakaroon ng bahagi upang sa talaro ng timbangan siya ay hindi magtitimbang kung hindi siya ay bababa sapagkat ang talaro ng timbangan kung ano ang doon ay magiging mabigat sa kanyang pagtitimbang siyang aakyat at siyang magiging buhay ng bawat isa.

Ito kaya ang doon ay nakapaloob upang matanaw ng tao kung mayroon ng habag sapagkat ang habag ay pag-ibig sapagkat ang habag ay pagka-awa, ang habag ay bahagi ng isang damahin ng puso na naroroon ang kanyang patutunguhan ay hindi magiging kaayon sa malalim niyang inadhika siya ay umunlad at sumulong.

Kaya nga ba na ipinangusap na doon, “habag ang ibig ko,” sapagkat naroroon kung ito ang mangibabaw sa puso ng bawat isa bagaman,oo, hindi inaalis sapagkat pangangailangan ng hain.

Datapwat sa talaro nga ng timbangan kung ito ay magiging timbangang hain at habag ay mayroon ng hindi magiging bahaging tatamuhin, subalit kung sa bigat at ang maging kaganapan ay ang hain kung ito nga ay kongkretong kalagayan sa materyal: saan ba dinadala ang tao nito, saan ba siya patutungo, ano ba ang magiging kalagayan kung ang maging bigat ng hain ay lupa?

Saan dadalhin ang tao, saan siya patutungo kung ang bigat ng hain ay pag-ibig

Hindi ba naririyan ngayon ang inyong pag-aaral na kung sa maliit na larawan maipagpalit ba ninyo ngayon na kung inyong natutunan ang habag; kung ito ay pag-ibig ang siyang maiipon ng puso, katulad din siya ng hain?

Datapwat hindi sa materyal na bagay kung hindi ay naroroon, hain ng kanyang puso na maibigay niya ng buong-puso sa kanyang kapwa ang pang-unawa, ang pagpapatawad. Ang pagkakaloob sa kanyang kapwa na naroroon kung ang kababaang-loob ay nasasa kanyang puso ang lahat ay gagawin ng kanyang kapwa na sinsay sa kanyang pananaw naroroon, kung naroroon sa puso ang pag-ibig?

Sapagkat habag ang laman nito, hindi ba at ang kanyang ipupukol sa galaw ng kanyang kapwa ay ang pag-ibig na laman ng kanyang puso na siya ay handang umunawa. Hindi ang hatol o kahatulan na ipupukol ng kanyang pangungusap, hindi ang bahagi na hindi magandang narinig ng kanyang taenga ang siyang bubuo upang ang maiiwan sa puso ay galit, poot, o ano mang kahatulan ang doon ay kanyang ibabahagi?

Kung hindi, kung may habag, ang pag-ibig ang siyang naroroon, mabubuo at kung ito ay pag-ibig mauunawaan niya ang galaw ng kanyang kapwa, maibibigay niya ang laman ng kanyang puso kahit man sapitin na pangungusap at kung ito ay dalangin, mai-aambil niya sa kanyang kapwa upang ang munting liwanag bilang ambil, naroroon matamo, madama, maramdaman ng kanyang pinagbigyan? At ganito kaya na mababaw na pagtuturo upang dalhin ng isang isipan na kung sa tuwina nanunuot ang pangungusap na ito, huwag mawala ang habag sa kanyang puso?

Lagi na itong may dalang kababaan upang sa bawat galaw mamamasdan ng kanyang mga mata, sa galaw ng daigdigan lagi nang may handang kapayapaan sa kanyang sarili. Lagi nang may handa siya ng pang-unawa upang sa kanyang kalagayan unti-unti nakapag-iipon siya ng doon ay malalim na adhikain?

At kung maipon ang malalim na adhikaing ito tungo sa maging kanyang pag-unlad, hindi baga sadya ito ang kanya niyang siyang dadalhin sapagkat doon siya gagalaw sa pagkakawang-gawa?

Doon siya gagalaw sa pagbibigay ng maliit na pang-unawa, doon siya gagalaw upang ang kanyang bawat natutunan na karunungan na mayroong dalang kaalaman, nagagawa niya na ang lahat sa kanyang paningin ay mabuti at maganda sapagkat kaalinsabay nito ang karunungang doon kanyang natututuhan, natutunan.

Ito ang munti na bahagi ng pagpapatuloy upang kung papaano sa pagpapasimula ng aking kahayagan magpapatuloy kayong mag-adhika, magpapatuloy magpalalim nito, matuto kayong magpatibay nito, upang sa karanasang daratal hindi kayo talunin ng bawat doon ay manghahabol.

Kung hindi, mapatunayan ninyong tulad ng ugat ng punong-kahoy malalim na pala ang kanyang nararating. Kaya nga, at anomang dapyo ng kalikasan mananatili ang puno ay nakatayo.At ito kayo ngayon; mananatiling nakatayo, mananatiling tumatayo, mananatiling tatayo upang ang bawat doon na inyong sinimpan, tunay, dadalhin kayo sa inyong puso upang siya ninyong ibigay tulad ng pangungusap ng Panginoon, siya ninyong maipadama sa bawat isa, sa lahat at bawat isa.

Ito ang akin sa inyo ay pasimula at muli, sumainyo ang liwanag na naroroon siyang magiging matibay na gabay ng bawat isa sapagkat siyang tatanglaw sa daan na inyong lalakaran patungo sa tagumpay ng inyong mga kaluluwa.

Ako ang sa inyo ay nagkaloob ng aralin, Apostol Pablo, paalam.

 

2023-06-19 APO PAB-RAD


Ang buhay ay isang tungkulin at ganapin ng isang sarili

Sumainyo nawa ang biyaya at kapayapaan buhat sa mga langit ngayon at hanggang sa wakas.

Gumagalaw at gumagawa ang bawat tao sapagkat dala-dala niya ang buhay. At ang buhay na ito kapag naunawaan na isang tungkulin at isang ganapin ng kanyang sarili, maghahanap siya ng kaalaman at karunungan upang maitaguyod niya ang tungkulin at ganapin sa tamang kaparaanan.

At kung kulang ang kaunawaan ng tao sa matuwid na kaparaanan ng pagsasagawa at pagdadala ng kanyang buhay dito ngayon may idudulot na larawan upang kanyang makita saan siya patutungo at saan din siya ihahantong ng kanyang mga gawa.

Kaya nga naisasagawa ng tao ang tama, ang maayos at tumpak na paggalaw sapagkat nagiging angkop ang kanyang kakayahan at kaalaman doon sa bagay na kanyang isasagawa at isinasagawa, nagtitimbang upang makitang naroroon ang larawan ng reyalidad at katotohanang daladala ng buhay.

Ang mag-aaral ng buhay

Samakatuwid, kung ang tao sa mundong ito ay mga mag-aaral, ano ang kailangan? Hindi kaya ang maunawaan niyang sapagkat ikaw ay mag-aaral, kinakailangan mong mag-aral? Mag-aaral kang may layunin sa iyong sarili na ikaw ay matuto.

Mag-aaral ka sa iyong sarili upang ang iyong gagawing pag-aaral ay maging kapaki-pakinabang. Isang mag-aaral sa buhay na ang naroroon sa kanyang puso, ibig kong mabuhay sapagkat ang buhay ang siyang magbibigay ng landas upang madama ang halaga ng bawat likha ng iisang lakas.

Ibig ko ang mabuhay sapagkat naroroon ang magiging katuparan kung ano ako kahapon, at kung ano ako ngayon, at kung ano baga ako sa kinabukasan. Ito ang mga bahagi na tulad ng panuro na siyang ngayong magdadala upang hindi ka maligaw sapagkat dadalhin ka sa daan na dapat mo ngayon na tugpahin upang makarating ka sa layon ng iyong sarili na idadako ka sa dapat mo na kalagyan.

Kung gayon, dito ba nagmumula ang iba’t ibang uri ng pighati at dalamhating tinatamo at tinataglay ng tao? Sapagkat sa kanyang pagiging mag-aaral ay nilayon ang karunungan, ngunit ano ang magiging bahagi ng pag-aaral?

Dala ang karunungan ngunit kulang ng pagka-unawa sa gampanin ng kaluluwa

Dala-dala niya ang karunungan, dinidinig datapuwat kulang ng pagkaunawa, at kung kulang ng pagkaunawa, masasapol baga ang diwa na sa kanya’y magbibigay ng buhay upang maunawaan niya ang bawat kanyang ginagawa?

Naririyan ang pagsusuri at pagkilala na kinakailangang mabuksan sa lahat at bawat isa, sapagkat sa mga ganitong kalagayan doon malalasap ang tunay na kaligayahang hindi lamang ang laman ang siyang dadama kung hindi lalo’t higit ang kabuuan ng kanyang kaluluwa.

Sapagkat ito ang humahapit, ang humahalina, ang siyang humuhubog sa isang pagkatao upang ang kanyang minimithi dahil naroroon ang kanyang pagka-unawa ay magiging sapat upang dalhin siya sa magandang kinabukasan na ang kanya ngayong ibibigay,paggalang, pagpipitagan at pagpapahalaga sapagkat ito ang uugit ng kanyang buhay.

Dahil diyan, kung tutuusin at lilimiin walang karapatan ang tao na dumaing sa kanyang sarili. Walang karapatan ang taong maghinagpis sa kanyang sarili. Walang karapatan ang tao na humingi sa kanyang sarili sapagkat ang bawat kanyang hinihingi, at minimithi, siya ang magbibigay sa kanyang sarili bagaman naroroon ang gabay ng iisang lakas na kinilala ninyong wala ng kapintasan, wala ng kakulangan sapagkat ito ay perpekto.

At iyan ang kadahilanan bakit kayo ay nagsisikhay na matamo ang karunungang may pang-unawa, sapagkat doon ninyo bibigyan ng tunay na diwa ang bawat makikita ng inyong mga mata. Doon ninyo bibigyan ng diwa ang bawat maririnig ng inyong teynga. Doon ninyo bibigyan ng diwa ang bawat ipangungusap ng inyong mga labi, at doon din ninyo bibigyan ng diwa ang bawat dinarama ng inyong mga katawan.

At kung iyan ay magiging malinaw at maliwanag sa isang mag-aaral, ang bawat sandali na siya’y nakapaloob sa isang pag-aaral ay tulad ng isang masarap na pagkain,ito’y kanyang kasasabikan, Datapuwat sa bahaging ito kung ang pagkaing masarap ay ibig na tunay na malasap, kapag ito’y kanyang isinubo, hindi niya agad na lulunukin kung hindi ito’y nanamnamin, lalasapin ng kanyang dila upang sa kanyang sarili’y makapagbigay ng patotoo tunay nga na napakasarap ang pagkaing inihain sa hapag ng kainan.

Pag-angat ng tao sa kanyang kaulangan sa pagka-unawa

Sa ganito ngayon unti-unting nai-aangat ng tao ang kanyang mga kakulangan upang mula doon sa kakulangan ng pagka-unawa siya ay umigpaw, siya’y makabangon, siya’y makapagbalikwas at maunawaan niyang walang bagay dito sa sandaigdigan na hindi mayroon ng halaga bagaman ito ay may kani-kaniyang kahayagan at kaganapan sa buhay ng bawat tao.

Kaya nga sa kalagayang ito, tanawin ngayon ninyo ang inyong naabot upang madama at matimbang ng inyong mga sarili kung sapat na ba upang sa kanyang kasapatan maunawaan ninyo kaya na ninyong magbigay sapagkat mayroon na kayong maibibigay.

Ang pagpapalaya sa sarili at kanyang kaluluwa

At kung maunawaan at madamang kulang pa, sapat din baga na kayo ay kukuha doon lamang sa iisang sisidlan o ang kinakailangan madama ninyong maraming sisidlan sa sandaigdigan na kailangan at magiging pangangailangan na, kapag kinunan mayroon kayo ng maipupuno at maidaragdag sa inyong sisidlan?

Kung gayon, iyan ang pagpapalaya sa kanyang sarili. Iyan ang pagpapalaya sa kanyang pag-iisip, damdamin at sa kanyang kalooban. Kaya nga’t ibinigay ng Diyos na ang tao’y gagalaw dala-dala ang kalayaang sa kanya’y ibinigay, sapagkat sa kalayaang ito’y doon lalawak ang kaalaman ng tao.

Sa kalayaan magtatamo ang mag-aaral ng liwanag

Sa kalayaang dala-dalang ito, doon ngayon magtatamo ng liwanag ang kanyang paningin upang kanyang makita na sa magkabila, sa kanan at sa kaliwa ay laging nakalagay ang tama at ang mali, ang matuwid at ang liko upang sa pagkakahayag nito, ito’y mailagay niya sa iisang kalagayan, ang tutunguhin ay katumpakan katulad ng ipinangusap ng iisang Panginoon,”Ako at ang Ama ay iisa.”

Naririyan ang lawak ng buhay na kapag ito ay inyong tinuldukan, hindi baga ang ipinahihiwatig sapagkat tuldok, tapos na mula sa simula hanggang marating ang kanyang hangganan. At iyan ngayon ang aking sa inyo’y iiwan upang magawa ninyong buksan ang inyong sarili.

Ang pagbubukas ng kamalayan ng isang mag-aaral

Sapagkat sa pagbubukas, doon dadaloy ang masaganang tubig; doon magkakaroon ng puwang na may maipupuno sa bawat kalagayang inyo ngayong ginagalawan. Ang araling aking sa inyo’y iiwan, isang napakababaw, walang talinghaga ngunit hindi nakasalig sa Banal na Kasulatan sapagkat ito’y isang kalagayan at sitwasyon na, ang hinihingi ang tao sa pang araw-araw na kanyang paggalaw.

Kapag bukas ang pag-iisip, bukas ang damdamin, at kalooban anoman ang sa kanya’y dumating, nagiging magaan na pasanin at nagiging magaan na dalahin sa kanyang buhay. Ang kasabihan na natutuhan ng bawat isa na ang pangungusap,”Ang hindi lumingon sa kanyang pinangalingan ay hindi makararating sa kanyang paroroonan.”

Ito ang araling aking sa inyo’y ibinibigay upang i-angkop ninyo at itugma ninyo ang bawat natutuhang karunungan na inyong sinisimpan. Ano ang pinanggalingan ng tao na kinakailangang kanyang lingunin?

Ano rin ang kanyang mararating at patutunguhan kapag nilingon niya ang kanyang pinanggalingan? Bakit kinakailangang lumingon ang tao sa kanyang pinanggalingan? Anong pagsulong at pag-unlad ang maipagkakaloob nito sa isang mag-aaral na naroroon tinanggap ang kanyang tungkulin, tinanggap ang kanyang gampanin nang buong-puso, nang buong pag-iisip, nang buong kaluluwa?

Ang mag-aaral ang humahalina at humahapit ng kanyang lakas

Ito ang aking sa inyo’y inihahandog sa dakilang pagkakataong ito upang maunawaan ng lahat at bawat isa na ang tao ang humahalina ng kanyang lakas. Ang tao ang humahapit ng lakas na kanyang gagamitin sa kanyang pakikipamuhay at pakikitalad sa sandaigdigan. Kung gayon, naririyan ang sanhi at kadahilanan bakit bahagi ng lahat at bawat isa ang hindi maganda, ang hindi nagiging marapat sa bawat isa upang maging karanasan ng sangkatauhan.

Muli ay tanggapin ninyo ang biyaya at kapayapaan buhat sa mga langit ngayon at hanggang sa wakas.

Apostol Pablo, Paalam


Centro Ilaw ng Sanlibutan

Talaytayan, Kapatid, Rebecca Dungo



2023-05-28, RAD

Sumainyo ang biyaya at kapayapaan buhat sa mga langit ngayon at hanggang sa wakas!

Ang pananampalataya sa Di-Likha

Ang bawat tao, mula sa simula na nabuksan ang puso at isipan sa pananampalataya sa Di-Likha ay nagsimula na rin na buksan ang kanyang kamalayan upang maunawaan ang batas at kautusan ng pag-iibigan.

Sapagkat ito ang tungkuling lalakaran at gaganapin ng bawat mananampalataya sa Ama at sa Panginoon. Ngunit papaano bibigyan ng patotoo ang pananampalatayang kinakailangan na i-alinsabay sa matuwid na paggawa, sapagkat naririto ang magiging buhay ng pagbubuo sa kanyang sarili?

Sapagkat nang dahil sa kanyang pananampalataya magha-hangad at magmimithi na mula sa kanyang kasiraan, siya ay mabuo, mula sa kanyang pagkakalugmok siya ay makatayo at makabangon, mula sa kadiliman ng pakakilala ay magtamo ng liwanag upang makita niya ang tunay na landas na kinakai-angan na kanyang tahakin.

Paano panghahawakan ang pananampalataya at paggawa

Sa ganito hinuhubog ang mga anak ng Diyos sapagkat iisa ang simulain na ikinintal at itinatak sa bawat puso, walang iba kungdi pag-ibig, na katulad ng pag-ibig na inilarawan at inihandog ng bugtong na Anak ng iisang Diyos.

Kaya nga ang pagpapatotoo ang siyang magbibigay ng buhay ay kulay sa pananalig at pananampalatayang nasimpan at natuklasan ng bawat tao at iyan ang ginanap ng mga tauhan sa Banal na Kasulatan. 

Katulad ng isang Abraham na humingi ng patotoo sa kanyang pananalig at pananampalataya sa iisang Ama na hingin, ihandog ang buhay ng kanyang anak.

At nang dahil sa kanyang pananampalataya’y nanangan na iyan ang karapat-dapat na kanyang dapat na alinsunurin at binigyan din ng patotoo na hindi kailangang siya ay pumatay kaya’t ibinigay ang isang hayop upang siya nga na i-alay sa dambana, bilang paghahandog ng Diyos.

Ganito rin ang naging kalagayan ng isang Job, na kailanaman ay hindi iniwan at tinalikdan ang kanyang pananam-palataya sa Diyos kaya nga at nangusap sapagkat naroroon ang kanyang kabiyak na sa kanya ay nag-aatas iwan ang kanyang Diyos. 

Na bagaman naroroon na ang karamdaman, tulad ng sugat umaalis na ang uod, kinjkuha pa at muli pa niyang ibinabalik. Gaano ngayon kalaki at kalawak ang pangpapaunawa sa bawat tao kung papaano paninindigan ang kanyang pananampalataya?

Kaya nga at muling nangusap ang Espiritu ng isang Job, “di yata baga na ako ay tumatanggap ng mabuti ngunit ang masama ay hindi.” Kaya nga bawat tao inilalagay doon sa isang kalagayang kinakailangang makita niya ang bawat bahagi ng buhay. Sapagkat sa pamamagitan ng bawat bahaging ito ng buhay ay doon mabubuksan at alawak ang kanyang pang-unawa sa tunay na katotohanang dala-dala at inilalapat sa reyalidad ng bawat paggawa at buhay ng tao.

Hindi baga iyon din ang pagpapatotoo na ipinagkaloob at ibinigay ng isang babaeng inaagasan na kung saan nagmimithi at nag-adhika sa kanyang sarili na mahipo lamang ang laylayan ng Dakilang Panginoon, siya ay gagaling?

Kung ito ang magpapatotoo at magiging bahagi ng bawat isa, papaano ngayon mauunawaan at makikilala ng bawat mag-aaral kung sumusulong at umuunlad ang bawat pananam-palataya na sa inyo ay nagbubuo at humuhubog?

Saan ito kinakailangan na ilagay? Paano ito matitimbang upang sa bawat paggawa, sa bawat paghakbang ng inyong mga paa naroroon ang magiging katatagan katulad ng mga haligi sa loob ng isang tahanan na siyang nagbibigay nga katibayan at katatagan upang hindi mawasak ang kabuan ng isang tahanan?

Sa ganito ngayon, kayo, pinagiging mapalad sapagkat nauunawaan na ninyo kung paano hahawakan ang inyong pananampalataya, kung paano ito magbibigay ng kapakinabangan at kabuluhan sa inyong bawat paggawa sapagkat kayo rin ang nakauunawa na ang pananam-palatayang walang gawa ay patay.

At sa bawat paggawa naroroon ngayon ang magiging pakinabang yayamang nangusap sa gawa, doon kayo susukatin, sa gawa doon kayo ngayon hahatulan at iyan ang kahayagan ng pag-ibig. Kaya nga walang ibang ginaganap ang Panginoon kung hindi ang pag-ibig.

At ang pag-ibig ang siya ring kabuuan ng kaalaman at karunungan na makapagpapalaya sa diwa sa kabuuan ng inyong mga puso, sa inyong mga damdamin upang tunguhin ang tunay na tanglaw ng liwanag na mula doon makikita ng bawa isa ang halaga ng paglikha ng Ama at ang halaga at kadakilaan ng pagkakalalang sa bawat tao na dahil diyan, ibinigay ang Kanyang bahagi ng pagka-Espiritu.

Diyan ngayon ninyo pahalagahan ang bawa kaalaman na sa inyo’y hinahandog sa pamamagitan ng paglalagay sa puso upang pagkatapos ilagay sa bawat inyong dadaanan upang maging katumbas ng liwanag sa takalang na hindi ilalagay sa ilalim kungdi doon sa ibabaw upang ang naliligaw magkaroon ng tanglw ng liwanag at muling makabalik sa kanyang tunay na pinanggalingan.

Ito ang akin sa inyo ay inihahandog sa dakilang pagkakataong ito upang ang kabuuan ng lahat at bawat isa ang siya ninyo ring madama sapagkat ang kabuuan ay siyang pasimula ng pagkatuto.

Maghari nawa sa inyong mga puso ang biyaya at kapayapaang buhat sa iisang Ama at sa Panginoon, ngayon at hanggang sa wakas. Ako, Pablo Apostol, paalam.

 

 

 

2023-05-07, RAD

Sumainyo ang liwanag na naroroon yaong kapayapaan ng inyong mga pagkatao ngayon at hanggang sa wakas.

Ang pangangailangan sa bawat ganitong sandali na kayo ay humaharao sa dakilang Panginoon, ay ang magkaroon at makabuo ng pagbubuklod ang kaangkinan ng inyong mga kaluluwa: pag-iisip, damdamin at ang kalooban.

Nang sa gayon kung ito ay magkaroon ng kabuuan, ang bawat aralin at karunungang matutunghayan mailagay niya mailalagay niya sa kanyang palad upang ito ay magkaroon ng lakas tungo sa paghakbang.

At dito ako magpapasimula sa kalayagayan na sa tuwina ay inyong ginaganap, ang tunghayan at doon ay alamin ang bawat katitikan ng Banal na Kasulatan. At ito ay mauunawaan sapagkat ito ay magbibigay sa inyo ng gabay upang ang pakikipamuhay sa mundong ito.

Dalhin kayo sa pangungusap ng Ama na aniya ay mabuti at maganda ang doon ay makasulat na aniya ay ipinangusap ng Panginoon, “hindi ko na kayo tatawaging mga alipin sapagkat ang alipin ay hindi nalalaman kung ano ang ginagawa ng kanyang Panginoon. Kung tatawagin ko kayong mga kaibigan sapagkat ang mga narinig ko sa Ama ay ipinakilala ko sa inyo.”

Iyan ay pangungusap na doon ay nakasulat, at sa aralin ng buhay ito ay mahalaga sa lahat at bawat isa na ang kanyang pagiging mahalaga ay mapag-unawa, mabatid na ito ay kanyang giya upang sa buhay sa mundong ito sa kanyang pakikipamuhay laging dala ng kanyang kaluluwa ang dignidad upang siya ay mabuhay hindi lang sa pagiging alipin.

Sapagkat ang pangungusap na aking binanggit ay pagpapadama na pangangailangan na ng bawat kaluluwa na makalaya sa pagiging alipin. Maka-alis sa piitan o bilangguang kinalalagyan ng isang pagkatao, maka-alis at mapatid ang nakatali sa kanyang mga kamay at paa ang kamangmangan sapagkat ang kasunod na pangungusap ipinakilala na ang bawat pag-ibig at karunungan ng Dios.

Hindi ba ito ang katotohanan sa inyong mga kalagayan sapagkat marami ng araw, mga pagkakataon mga sandali, mga panahon na kayo ay nagsisikhay ng karunungang nagpapalawak?

Ang bawat isa ng kanyang kaalaman sapagkat ang araling inyong natutuhan; aralin na siyang tunay na buhay, aralin ng isang kaluluwa at Espiritu ay siyang nakatira sa laman upang kanyang ipakipamuhay sa daigdigang ito?

Kung gayon, sadya kayang pangangailangang umalis o sumagi sa inyong mga diwa tanawin ang nagdaan o kung ito man sa kasalukuyan dala pa rin, saan ba kayo inaalis? Sapagkat ang wika ay, “hindi ko na kayo tatawaging mga alipin.”

Sino ba at ano ba ang sa inyo ay umaalipin? Sanglibutan, ang siyang sa inyo ay umaalipin? Gayong pangungusap, “di ko pa kayo inaalis sa sanglibutan, ngunit kayo ay aking inililigtas mula dito sa sanglibutan.”

Kung gayon, ano ang buo na ini-aalay ng Panginoon? Taglay ito ang tamuhin ang pasimula ng inyong kapatid, ang katarungan na sa inyo ay iginagawad ang kayo ay maging malaya. Gaano kaligayahan ang maging malaya, walang tali ang paa, walang tali ang kamay, lalo at higit walang tali upang hindi pagbubukludin ang damdamin, ang kalooban, ng pag-iisip.

Kung hindi ito na ang sadyang karapat-dapat na maganap upang sa kanilang pagbubuklod; dumating man ang pagpapasiya sa pagpili ng mabuti, ng matuwid, ng liko at ang mali sa pagpapasiya; doon kayo malagay sa tunay na dapat kalagyan ng kaalaman ang sa inyo nang pinaghihirapan ang mabuo.

Dito ba kayo namin dinadala? Ang sa inyo ay pagpapadama na marami nang panahon na ang pagkakataon ay dumarating sapagkat panahon lang ang igawad sa inyo ay kalayaan. Ang igawad sa inyo ay tunay na daang lakaran ng isang kaluluwa.

Masasayang ba ang bawat inyong naiipon, mawawalan ba ng kabuluhan ang pagpu-punyagi ng bawat inyong kaluluwa na kung dumarating ang ganitong sandali may iniiwan kayo, may dadamputin kayo, may kukunin kayo sapagkat iyon ay panga-ngailangan sapagkat ang adkihain ng isang kaluluwa ay maka-alis?

Tunay madama siya na ang buhay na ito ay ipinahiram sapagkat ito ay ipahihiram muli sa kanya ay ibabalik; at kung sa pagbabalik may ngiti ang labi, may ngiti ang isang kaluluwa sapagkat nagawa na niya ang doon ay atas, nagawa niya ang bawat kaalamang kanyang natutuhan, nagawa niya.

Tunay ang pangunahing sapagkat siya ay makalaya sa kamangmangan, ang timpan ng kanyang kaluluwa ay ang pag-ibig, katulad ng pag-ibig ng Panginoong siyang naiiwan dito sa sanglibutan sa maraming kaalaman na sa bawat ganitong sandali hindi ninyo pinababayaang walang masilid sa inyong lukbutan.

Hindi kayo nagpapabaya na walang maiwan na magiging mahalagang kagamitan ng inyong pag-iisip sapagkat katotohahang ito ay magiging kagamitan ninyo sa pakikipaglimpi, magiging kagamitan ninyo sa inyong pagkatao.

Upang kung kayo na ang nasa ilalim ng batas ng Dios, hindi makita sa inyo ang sa tuwina ay paghihimagsikan, kung hindi ang doon ay matanaw sapagkat natatalian ninyo hindi doon sa kalagayan ng sanglibutan kung hindi nakapagtatali kayo ng ukol sa kaitaasan.

Kaya nga at ang pangungusap, “ang nagtatali sa kaitaasan ay siya ring nagtatali dito sa lupa.” Ano ang inyong dito ay tinatalian? Hindi baga ang mga galaw, ang mga kilos, ang mga bahagi ng kaalamang ang naroroon marahil ay nasimpan hanggang ngayon ay dala ng inyong nasimpan sa panahon o sa buhay na pinagdaanan na ang doon ay kulang at salat pa sa tunay na karunungan.

Kaya nga, sa panahong nagdaan lumaya kayo doon sa mga gawang hindi matuwid sapagkat ito ang doon ay nasimpan pa ng isang kaluluwa. Datapwat sa kasalukuyan pang ito ay gusto pa ba ninyo na dala ito, gayong nadama na ninyo kung gaano kabigat ang dalahin ng puso sa sandali na kinikimkim nito ay mga kagulumihanan, sapagkat siya ay wala ng bisa sa sanglibutan?

Gusto pa ba ninyong lagi nang sa tuwina ang dala ng pag-iisip ay kawalan ng katiwasayan at ang laman ay kagulumihanan; kung ano ang dadalhin, kung ano ang malaking bahay na ibig niyang tirhan, kung ano ang mga bagay na nahahawakan sa kanyang mga kamay?

Mga nakikita na doon pumapaloob sa kanyang pananampalatayang kanyang pangangailangan? Oo, ito ay katotohanan, datapwat sa araling sa inyo ay ibinibigay hanggang ngayon pa ba ay doon kayo nahihirati?

Mga pagtatanong lamang hindi upang kami ay makasakit ng inyong mga damdamin, pagtatanong upang matugon ninyo may katotohanan ba ang pangungusap na naririnig ng isang mag-aaral?

Mayroon ba ng kirot at sakit ang puso sapagkat ito ay nakurot sa mga bagay na hanggang sa kasalukuyan ay tinutuntungan pa sa inyong mga paa? Ano ngayon ang layon, na kung paano ang aming pagpapasimula ay alisin kayo sa pagka-alipin, madala kayo sa kalayaan?

Madama ninyo kailanpaman na ang pangungusap na maganda at mabuti siyang karapat-dapat para sa isang kaluluwa, para sa isang buhay, sapagkat ang buhay ay nanggaling sa Ama, katangian ng Ama ang dala ng buhay na sa inyo ay ipinahiram.

Tanggapin ninyo ng buong puso sapagkat kayo ay papailalim sa Kanyang kalooban

hindi lamang kayo ay pumapailalim sa gusto lamang ng inyong mga sarili, kung hindi ang “masunod Ama ang kalooban mo sa tuwina at huwag ang sa akin.” Hindi ba iyan ang katarungan kung papaano ipinangusap ng Panginoon, “tinatawag ko kayong mga kaibigan,” sapagkat nalalaman na ninyo kung ano ang ginagawa ng ating Panginoon.

Pagbubukas ba ito ng inyong mga mata, pag-aalis ba ito ng tanikala na sa inyong mga puso, pagpapadama ba ito na ang kaalaman bilang kamalayan sa inyo ay nabubuksan ay unti-unti nang nasasa inyo? Mga kalagayan ba ito kung bakit kapag ganitong pangungusap, kami nangungusap?

Sapagkat ang laman ng bawat aralin ay pag-ibig, ang laman ng bawat aralin ay ang karunungan sa paglaya sa kamangmangan. Doon ba kayo tatanaw, kung gaano kayo kadakila sa mata ng Panginoon, kung gaano kayo kahalaga sa nilalang ng Dios?

Ito ba ang tali sa inyong pagpapatanaw ang sino na kayo? Kung ano na kayo sa mundong ito, kung gaano na kayo nagsisikap sa maliit na kakayahan na kung ang maliit na kakayahang ito ay nagpatuloy ang tatamuhin ay kaligayahan? Ayaw ninyo ba ng kaligayahan?

Walang hindi nag-iibig na sa tuwina sa kanyang buhay ay madama ang kaligayahan at kung ito ngayon ang layon, buksan ngayon ninyo ang inyong mga mata sa pagpili ng daan, sa pagpili kung papaano ang pagpapahalaga ng bawat aralin.

Sapagkat ito ay nasain ng kaitaasan sa sandaling maging mahalaga sa bawat isa ang karunungan at pag-ibig doon siya nito dadalhiin, siyang katotohanan sapagkat mapupuno ang kanyang puso ng pag-ibig.

At kung ito ay mapuno, hindi ba pangangailangan na ito ay maging kagamitan sa pagkakawanggawa, hindi man sa materyal, datapwat sa bahagi ng Espiritung doon ay magpapagalaw tiyak ang hahanapin ng isang kaluluwa, siya ay maging tagapaglingkod ng Dios.

Hindi ba magandang bahagi sa inyo iniaalay na bukas ang pintuan ng Panginoon upang kayo ay tawaging kanyang mga tagapaglingkod. Masarap damhin ang bahaging ito sa sandali na ang kaalaman sa kanya ay nagpapalawak sa sandali na kung humarap sa hamon ng buhay alam niya sapagkat siya ay tagapaglingkod ng Dios.

Ito ang kanya ngayong lalakaran, magpapabaya ba ang Panginoon? Magpapabaya ba ang bahagi sa pag-uri ng Panginoon sa lahat at bawat isa ay Kanya nang kaibigan? Kaibigan na hanggang naroroonang pagdamay, na kayo man sa inyong kalagayan kung ang kaibigan ang sa inyo ay turing, kaibigan ngayon ang ituturing ninyo sa inyong kapwa, maging sa inyong mga kaaway; hindi na kaaway kung hindi kaibigan na rin.

Nakapagbubukas tulad ng pintuan sapagkat sa sandaling nagbukas ang pintuan ay di katulad kung ito ay sarado, walang natatanaw kung ano ang nasasa loob ng pinto. Datapwat ang layon ng pagtuturing kapag ang pintuang bukas upang matanaw ninyo ano ba ang doon sa loob ay iniaalay?

Natanaw ninyo na nasasa loob makawala ang liwanag sapagkat ang doon ay dilim; sapagkat walang liwanag na magkaroon upang siya ay pumaloob. Datapwat sa sandali kung ito man ang inyong kalagayan, nasa tuwina ay magbubukas ng kanyang kaalaman.

Makikita niya ang liwanag pala ang doon sa kanya ay ibinibigay upang sa sandaling may pangangailangan ng liwanag handa siyang maglingkod, ibigay ang liwanag. Sapagkat ito ang kanyang sinisimpan, ito ay tulad ng damit na kanyang iniipon sa kanyang ilawan upang hindi siya lamang ang dito ay makinabang kung hindi higit ang naroroon sa kadiliman.

Iyan ang pagpapanalo, iyan ang bahagi upang sa pagbubukas ng inyong mga mata, mga tanawin na inyong makita, malinaw kung saan kayo ngayon magbibigay, lakip na may karunungan at may pag-ibig.

Ito ang sa iyo ay aming pagpapamulat upang katulad kung ang wika ay hindi ko na kayo tinatawag na alipin, maka-alis na kayo sa kaalipinan, ng kamusmusan sa pagiging alipin, ang kawalang-malay, maka-alis sa pagka-alipin ng sanlibutan kung hindi maging kaibigan kayo ng sanglibutan na hindi kayo nito dalhin upang ang layon ng isang kaluluwa ay kanya nang mapagtagumpayan.

Naroroon ba ito ngayon na masisimpan ng inyong mga diwa? Naroroon na kayo ngayon ang bahagi upang ang mga paang nagsisimula ng lakadin ang hangganan, na ang hangganan ay kaluwalhatian ay magagawa ba ninyong ipagpatuloy? Marahil ay oo, ang tugon ng lahat at bawat isa sapagkat naroroon na, nagsisimula nang maglinis ng mga agiw ng paninisi lalo at higit, hindi ninyo inaalis ang katiwasayan ng inyong kalooban sapagkat ito ang mga pagkukunan ninyo ng mga kaparaanan upang mabuhay sa mundong ito na ang pangungusap, maganda at mabuti.

Ito ang siya nawang makintal sa inyong mga pag-iisip, na huwag ninyong kaligtaan na manatili lamang sa isipan, kung hindi ito ay magpatuloy sa puso sapagkat doon naninirahan ang pag-ibig.

Magpapatuloy sa isang damdamin na makalaya ang kahinaan na dala ng damdamin at ang doon ay makita malaya siya na tanawin ang lahat hindi upang humatol, matanaw ang maraming karanasang naroroon sa lansangan, hindi upang hatulan kungdi upang magbigay ng hustisya at katarungan.

Ang umunawa sapagkat ang pang-unawa ay pag-ibig at upang ito ay maganap, naroroon ang pagpapatuloy katulad ng pangungusap, sa tuwina ay ipinakikilala ng Panginoon, kung ano ang Kanyang mga narinig at nagawa ng Kanyang Ama.

Ang alay sa inyo ay pagkakaloob ng araling ng tunay na buhay siya ninyong sinupin; siya ninyong pahalaghan, siya ninyong payabungin upang kung ito ay yumabong, katulad ng puno; kayo nanagtanim, kayo na nagsikap, kayo na nag-alaga, hindi baga ang pangungusap, “siyang nagtanim, siyang unang aani ng bunga ng kanyang itinanim.” Lasapin ninyo ang ligayang dulot ng inyong pagpupunyagi.

Iyan lamang ang sa inyo ay ipinagkakaloob at muli sumainyo ang biyaya, kaalinsabay ang dala nito ay pagpapala na sa bawat pagpapala na inyong nakamit, nalalasap, katotohanang walang kahulilip na kaligayahan ang nadarama, walang tila ang pasasalamat ng isang kaluluwa. 

Ako ang sa inyo ay nag-iiwan ng pag-ibig, Apostol Pablo, paalam.

 

 2023-01-14, RAD

Ang biyaya at kapayapaan buhat sa mga langit ang sumainyo ngayon at hanggang sa wakas.

Sa lahat ng uri ng buhay na kinaharap at pinagpunyagian ng bawat tao, laging naroroon ang patuloy na paghahanap sa kanyang sarili. Mga paghahanap na ang marami ay ang nauukol sa yamang panlupa, sapagkat ito ang inakala na siyang ugat at daan upang patuloy na matamo ang kaligayahan at kapayapaan.

Hinahanap ayon sa kani-kaniyang kaalaman at kaparaanan na, ang marami nang dahil sa kasalatan at kakulangan sa tunay na pagkaunawa naliligaw, nalalagay sa kapahamakan at kadalasan siyang nagiging sanhi upang ang tao ay makagawa ng kanyang ipagkakasala na, hindi nauunawaan ang bawat gawang ito'y pananagutan ng kanyang kaluluwa.

Samakatuwid, ito ang halaga at kadakilaan na may karunungan at kaalaman na nasisimpan ang bawat isa, sapagka't siya niyang magiging gabay upang ang piliin bagaman may pagpapakasakit, may mahirap na madarama, ang makipot na pintuan at hindi ang maluwang na pintuan na kung dumaraan man sa pagpapakasakit at mga hirap, ang may pagkaunawa ng ukol sa katotohanan at kaliwanagan naroroon ang karunungang na kanyang naipon ang mangungusap katotohanang may pagtitiis nguni't ang pagtitiis ang siyang sa kanya'y magbibigay ng kaligtasan.

Ganito inaakay at hinuhubog ang bawa't mag-aaral sa karunungan at pag-ibig, sapagka't may kamalayan ng nabuksan sa kanyang diwa: ang kamalayan ng ukol sa pagpapakabuti, ang kamalayan ng ukol sa pagpapakawagas, ang kamalayan ng ukol sa kanyang tungkulin bilang isang anak ng Diyos, ang kamalayan kung papaano magiging karapat-dapat upang makapasok sa kaharian ng Dios.

At kung ito ngayon ang siyang magiging kabuuan at kadakilaan ng pag-ibig na sisibol sa bawa't puso, katotohanan nakalugmok man sa mga suliranin at pagsubok hindi niya ito madarama sapagka't nagiging magaan ang kanyang buhay nang dahil sa karunungan at kaalaman na inihahandog bilang aralin sa kanyang Espiritu.

Na dahil doon, ang pagpapahalaga sa kanyang sarili, ang pag-iingat at pangangalaga sa kanyang kaluluwa ang siyang laging buhay sa kanyang isipan na siyang nagtuturo upang kung dumating, na naghahanap sa mga bahaging ibinibigay ng sanlibutan na ang dulot ay pansamantalang kaligayahan, ang karunungang kanyang nauunawaan ang siyang tulad ng pisi na sa kanya ay gagapos upang hindi makagawa ng kanyang ipagkakasala.

Naroroon ang pang-unawa katulad ng isinaad ng kasulatan: Ang talian sa lupa ay tatalian sa mga langit; ngunit ang kalagan sa mga langit ay kakalagan sa lupa." 

Na dahil dito, kung ang pag-ibig, paglilingkod, pagkakawanggawa, at pagdadala ng kabutihan sa kanyang puso ang itatali niya sa kanyang sarili, hindi baga ang itatali ng kaitaasan, ang lagi niyang madala at matamo ay ang katatagan at katibayan ng isang pananampalataya upang sa pagharap sa pagsubok hindi siya malulugmok.

Ang itatali ng kaitaasan, ang laging mataglay ang kaliwanagan ng kanyang pag-iisip upang sa bawat kanyang isasagawa ay laging naroroon ang pang-unawa na sa bawat kanyang igagalaw ay may kaukulan at ganti na bungang sa kanya'y ibibigay.

Naroroon din na, kailanman ay hindi madaramang nawala ang kapayapaan sa kanyang kaluluwa sapagka't ang kanyang kinuha at itinali ay ang kapayapaan na ibinigay at siyang inihahandog ng sanlibutan kundi ang kapayapaang ibinibigay at iniiwan ng Panginoon.

Ganito ngayon ang bahagi ng buhay na inyong tinatahak upang ang bunga ng Espiritu ang siyang mataglay ng inyong mga puso na, siya ngayong magbibigay ng daan at siyang magiging landas upang sa bawa't paghakbang ng inyong mga paa madama ninyong mayroon man ng pagpapakasakit, mayroon man ng tiisin, mayroon man ng salaghati at kasawiang sa inyo ay dumarating, ang puso ay nananatili sa kaligayahan at kapayapaan.

Sapagka't kanyang nababatid may pangako ng buhay na walang kamatayan ang magiging kapalit ng lahat ng mga tiisin, suliranin at pagsubok na kanyang dinadama sa bawa't karanasan sa pangaraw araw na kanyang kabuhayan.

Kung gayon, ang bawa't sandali sa isang mag-aaral ba nakapagpasibol na sa tunay na karunungan at kaalaman ukol sa kanyang paglaya sa kamangmangan naghahanap man at magmithi nagiging mahigit ang paghahanap at pagmimithi doon sa magiging yaman ng kanyang kaluluwa?

Kaya nga, bantayan ninyo ang inyong mga sarili upang ang bawa't adhikain ng mabuti ang siyang maghari at mamaibabaw sa bawa't paglakad ng panahon ba na ang buhay laging naka-ugnay sa pag-ibig, sa liwanag, sa pananampalataya, sa kapayapaan na siyang sandigan at timbulan ng bawa't Espiritu.

Ito ang aking sa inyo ay inihahandog bilang pag-ibig na siyang pinasibol, inilakad at naging buhay ng iisang Anak ng Dios na ang naging hangganan ay ang kanyang kaluwalhatian.

Maghari nawang muli ang biyaya at pagibig mula sa mga langit ngayon at hanggang sa wakas.

Apostol Pablo, Paalam.

Centro Ilaw Ng Sanlibutan

Rebecca Dungo


 

 

 


Comments

Popular posts from this blog

2023-11-27, Rebecca

2016-02-02, Rebecca

1981-1994, Koleksyon - Geronimo de Guia