2021-12-19, Rebecca
2021-12-19, ARK RAF-RAD
Ang liwanag ng Espirito Santo ang sumainyo.
Mahirap ba o mabigat ba na maging problema ang kamatayan? Kung gayon, dapat bang buhayin ang patay? Ngunit paano ang kamatayan ay tatanggap ng buhay? Dapat ba na bumangon ang buhay sa loob ng kamatayan? Ang buhay at kamatayan ay dalawang kalagayang bahagi na ng bawa't isa. Ano ang maaaring bumuhay sa kamatayan?
Ngunit may namamatay ba? O ang dapat na sabihin nagbabagong anyo o hugis lamang? Sa ganyang kalagayan at halayhay ng aralin ay madarama at malalarawan na may talinghaga ang buhay.
Tulad din naman ng saad sa kasulatan na tanging si Hesus ang walang kamatayan, nananahan sa liwanag na di malapitan; na di nakita ng sinomang tao o makita man, kaya nga ang buhay ay sumisibol sa sandaling mahayag ang kamatayan.
Samakatuwid kailangang may mamatay upang may buhay na bumangon. Dalawang kapangyarihan na bahagi ng bawat tao, umiiral, naghahari, gumagawa ng kani-kaniyang daan upang managumpay. Diyan nakatali ang talinghaga ng buhay ng bawa't Espirito.
Muli ay ang liwanag ng Espiritu Santo ang sumainyo. Arkanghel Raphael, Paalam.
Comments
Post a Comment