2021-12-12, Rebecca

2021-12-12, ARK RAF-RAD

Sumainyo ang pag-ibig, liwanag at kapayapaan hatid ng Ama at ng Anak ngayon at magpakailan paman.

Isang katanungang ng kamusmusan, paano maiiwasang hindi magkauling ang kawali kapag isinalang sa apoy? Ang tanong bang ito ay makapagpapataas ng inyong mga kilay? Makapagpapakibit din ba ng inyong mga balikat? O makabubuo ng pangungusap, "Anong klaseng tanong ba iyan? May isinalang ba sa apoy na kagamitang panluto na hindi mauulingan?"

Kung ang panimulang ito ay ang katotohanang mabubuksan sa kalagayan ng buhay ng bawa't anak ng Diyos, na kayong mga tao ang kawali at ang bawa't karanasan ay siyang apoy, kaya ba ninyong hindi mauulingan? Paano mababahiran ng uling ang tao sa pamamagitan ng mga karanasang kanyang kinakaharap sa araw araw?

At kung mabahiran may paraan ba upang ito ay mapalis at muling maging malinis? Sa buhay ninyo, nang dahil sa kasalatan ng kaalaman sa inyong pakikitalad sa lupa bawa't isa ay mauulingan sa sandali ng kanyang paggawa. 

Datapuwat, gayon man ang magiging pangyayari may pintig sa puso na nagmimithing siya ay makabalik sa kanyang malinis na pinagmulan. Ano ang nagtutulak sa tao upang hangaring makabalik sa kanyang malinis na pinagmulan?

Diyan ngayon nagiging mahalaga ang bawat baitang ng pagsulong na dadaanan ng inyong mga Espirito. Kung gayon, ano ang gagawin ninyo at marapat na gawin upang pagkatapos na mauulingan ay muli kayong maging malinis?

Ito ang aking sa inyo ay iniiwan upang muli ay maghari sa lahat ang pag-ibig, at liwanag ng Espirito Santo ngayon at magpasawalang hanggan. Arkanghel Raphael, Paalam.


Comments

Popular posts from this blog

2023-11-27, Rebecca

2016-02-02, Rebecca

1981-1994, Koleksyon - Geronimo de Guia