2021-10-31, Rebecca

2021-10-31, ARK RAF-RAD

Ang liwanag ng Espirito Santo ang sumainyo!

Sisimulan ko ang aralin ng buhay na ako ay magmimistulang musmos na nagtatanong, "Is there a perfect life on Earth?"

Kung mayroon nga ano ang ikinapaging perpekto nito samantalang batid ng lahat na walang hindi nagkamali, walang hindi naligaw ng kanyang landas, walang hindi nalugmok at nabulid sa marawal na buhay at lalong walang hindi nakagawa ng paglabag sa batas at kautusan ng Diyos.

Ano ba ang kahulugan ng pagiging perpekto? Ano ba ang tunay na larawang inihahantad ng perpektong buhay? Yoon bang nasa rurok ng kanyang tagumpay? Yoon bang sinusuob ng papuri at pinagkakalooban ng karangalan? Yoon bang naroroon sa mariwasang buhay?

Paano yung nasa kadahupan, sa karalitaan? Paano ung lugmok sa suliranin, pagsubok, mabigat na pasanin sa buhay, yoong nasa kalagayan na bigo sa lahat ng kanyang mithiin sa buhay na ito?

Wala ba sa kanila ang perpektong buhay? Ano ba ang dapat na batayan upang masabing perpekto ang isang bagay, pangyayari, kaganapan sa buhay, o maging ang tao?

Ang lahat ng bagay may ikinakabit, idinaragdag, ini-uugnay kapag nakikitang ito ay nangangailangan ng katatagan. Halimbawa, ang bahay upang tumatag o tumibay may suhay na inilagay.

Ang bangka ay may katig: ang puno ay tinutukuran upang hindi humapay o mabuwal: paano ang lakas ng tao saan ito kukunin? Ang pisikal na katawan sa pagkain, ehersisyo, sapat na tubig na iinumin, sapat na tulog. Anupa at may mapagkukunan upang manatiling malusog, malakas ang katawan. Gayundin kaya ang kaluluwa at Espirito?

Ang pisikal na katawan dahil sa mga madlang gawa ukol sa lupa ay nakadarama ng kapaguran o panghihina. Ang kaluluwa, paano at saan nagaganap ang kanyang kahinaan? 

Ang Espirito ba ay tulad ng kaluluwa na nanghihina at nalulugmok? Kung ito'y dumating sa kalagayan ng kaluluwa, paano babawiin o ibabalik and kanyang lakas?

Ano ano ang mga lakas na sa isang kaluluwa ay nakapagpapahina? Paano niya nakukuha ang kahinaan at paano niya ibabalik ang lakas na nawala? Saan nanghihina ang kaluluwa upang maunawaan niya kung paano ito ibabalik at saan niya kukunin ang lakas na nawala?

Ang ganito bang aralin ang nagbabadya sa katanungang, may perpekto bang buhay sa lupa? Kung mayroon nga ano ang ikinapaging perpekto nito samantalang ang lakas ng katawan ay naglalaho, nauubos, at kung minsa ay nawawala.

Ang lahat ng tao ay nagkamali, naliligaw, lumiliko ng landas, walang hindi nalugmok at nabulid sa marawal na buhay at lalong walang hindi nakagawa ng paglabag sa batas at kautusan ng Diyos maging sa batas at kautusan ng mga taong nabubuhay sa lupa.

Ano ang pagiging perpekto? Ang pagtataglay ba ng lakas ng pangngatawan? Ang pagkakaroon ng talino o karunungan? Ano ba ang tunay na larawang inihahantad ng perpektong buhay?

Yoon bang nasa rurok ka ng tagumpay at sinusuob ng papuri? Yun bang nagtataglay ka ng lakas na animo ay tulad ng anak ng Diyos na, si Samson? Yoon bang nasa mariwasang buhay na namulat na may gintong kutsara sa bibig?

Paano ung mahina, ung maralita o mahirap? Yoong lugmok sa suliranin at mabigat na pasanin sa buhay? Yoong nasa kalagayang bigo, sawi? Wala ba sa kanila ang buhay na perpekto?

Ano ang dapat na batayan upang masabing perpekto ang isang buhay, isang pangyayari, isang kaganapan sa buhay, o maging sa kalagayan ng buhay ng mga tao? Ito ang mga ugnay-ugnay na halayhay upang matugunan ang kahingian ng perpektong buhay at pakikipamuhay.

Tanggapin ninyo ang liwanag ng Espiritu Santo ngayon at magpasawalang hanggan. Raphael Arkanghel, Paalam.



Comments

Popular posts from this blog

2023-11-27, Rebecca

2016-02-02, Rebecca

1981-1994, Koleksyon - Geronimo de Guia