2021-10-24, Rebecca
2021-10-24, ARK RAF -RAD
Ang liwanag ng Espiritu Santo ang sumainyo.
Nadarama mo bang nasa iyong puso, isipan at diwa ang presensya ng Diyos? Kung nadarama mong nasasaiyo ang kanyang presensya, ano ang dapat mong makita? Ang kailangan mong makita at hindi mo kailangang makita?
Sa makikita mo magugunita mo ba kung sino ka? Ano ang dahilan ng buhay bakit ipinahiram Ito sa iyo? Magagawa mo rin bang sagutin bakit ka isinilang? Sasa iyo rin bang puso ang kaalamang upang magawa mong unawain sino at ano ang Diyos?
Mga katanungang wari ay nakalilito sa diwa nguni't siyang magiging daan tungo sa tunay na pagkaunawa sapagka't siyang magiging behikulo upang mabuksan ang kamalayan ukol sa tunay na buhay.
At iyon ay ang kahalagahan ng paglalang, ang kabuuan ng pagiging tao na iwinangis sa larawan ng Diyos. Kaya at ipinangusap, at lalangin natin ang tao ayon sa ating wangis at larawan.
Kung gayon ano ang sa iyo ay makatutulong? Ang pumikit? Nguni't katiting lang na liwanag ang masisilayan mo? Ang pagdilat kaya? Oo, naroroon ang liwanag, nguni't nakasisilaw kaya at pansamantala ipipikit mo rin ang iyong mga mata.
Datapuwa't, ang kailangan, kung ibig mong may makita dumilat ka ngayon kung ibig mong hindi ka maging bulag sa pang habang panahon. Sa kahayagang ito, laging magka-alakbay ang dalawang bahagi ng buhay.
Sumainyong muli ang liwanag ng Espiritu Santo ngayon at magpasawalang hanggan.
Comments
Post a Comment