2016-01-17, Rebecca
2016-01-17, PRO ISA-ARK GAB-RAD
Tanglawan kayo ng liwanag upang matutuhan at masumpungan ang landas patungo sa kaharian ng Diyos.
Sadya lamang dinadala ang isang katotohanan na kung ibig mo na masundan at malaman kung may nai-angat at may naidagdag sa ikatutupad ng layunin ng inyong kaluluwa.
Maging sa lupa ay gumawa kayo ng isang tala-takdaan o tala-arawan, sapagka’t, dito ay ipinatatanaw ang pagtutuon sa bawa’t magiging paghakbang at paglakad ng inyong kalagayan sa paggawa sa pang araw-araw na pakikipamuhay sa lupa.
Na, ang pagtutuos sa sandaling naroroon ang kapayapaan at katahimikan ng inyong kalagayan bilang tao, ang pohas ng papel na inyong sinulatan ang naging gampanin at tuparin ninyo.
Mula sa paggising sa umaga hanggang dumating ang gabi nang pamamahinga ay makikita at masisilayan kung ito ay umayon sa layunin at adhikain upang ang maganap at mangyari ay ang daladala ng inyong puso…ang pagpapakabuti.
Saan ba ito nahahayag at sino ang unang maghahayag na ito ay bahagi nang pagpapatotoo na sadyang tapat ang inyong kabuuan na ibig ninyong kayo ay sumulong at umunlad?
Ito ang ipinakita sa Banal na Kasulatan, na kung saan, ang Banal na Kasulatan ay kasaysayan ng isang kaluluwa, baitang na hiningi at inadhika ng isang Espirito na kanyang maabot mula sa kanyang mababa na baitang hanggang sa marating ang kasukdulan sapagkat nasa kasukdulan ang perpeksyon at ito ay naganap sa panahon ng pagkabuhay ng isang Espirito.
Nagsimula ang tala-arawan at ang tala-takdaang ito na mga gagawin ng Ama na siyang lumikha ng lahat ng bagay na kung ito ay ukol sa lupa na gagalawan ng isang kaluluwa ang unang ipinamalas at ipinadama ng Ama na dito ngayon daraan, lalakad, hahakbang at gagawa nang landas, ng panuntunan ang isang kaluluwang kukuha at gagamit ng laman upang pagkatapos makitang nagtatambal sapagka’t kinakailangang mag-angkupan, mag-ugnayan, magtimbang sapagka’t ang lahat ang kailangan ay timbang.
Mula sa kadiliman, binubuksan ang kalagayan at baitang ng pagkatuto
Kaya nga, alin ang simula? Hindi ba ang makita at tanggapin upang ipakilalang iyon ang una, ang dilim? Na, mula sa kadiliman doon binubuksan ang kalagayan at baitang ng pagkatuto ng isang kaluluwa o ng isang Espirito ?
Nang dahil sa kadilimang ito hindi ba naroroon, ano ang hangarin? Ang makita at matamo ang liwanag sapagkat sa liwanag doon magiging maayos ang paghakbang; doon magiging maayos ang paglakad at doon din mabubuksan ang isang pananaw na kung saan ay doon din makikita at matatanggap kung ito ay; may pag-angat, may pagbangon, kung may pagkalugmok, kung nagtamo ng buhay o ang naging hantungan ay kamatayan.
Kaya nga, nang ito ay makita katulad din ng buhay ng bawat tao na; kung ang pasimula ay kawalan, kung ang pasimula ay kamusmusan, kung ang pasimula ay kadahupan upang maunawaan ang kabuuan ng kanyang sarili, ang bumubuo sa kanyang kalagayan; ang nagiging kabuuan bilang kawangis at kalarawan ng Diyos.
Bilang tao na nakikipamuhay sa sanglibutan doon bubuksan at iyan ang una na pagbubukas na kinakailangang maganap sa bawa’t isa na may adhikaing, “Ibig ko na ako ay magkaroon ng karagdagan ng karunungang madadala upang maging gabay ko sa aking pakikipamuhay sa ibabaw ng lupa.”
Ang tala-arawan at tala-takdaan
Iyon ang layon upang ikaw ay makagawa ng isang tala-arawan at doon din ngayon ipagkakaloob ang isang tala-takdaan: Ito ang una kong gagawin mula sa umaga, sa oras na ito, sa araw na ito, sa sandaling ito. Kaya nga at, ang bawa’t panahon ay may kani-kaniyang bahagi na binubuo at siyang bubuo upang mahusto at makumpleto ang inog ng buhay ng bawa’t tao.
Kung gayon, hindi ba iyan ang katumbas ng binubuksan ng Diyos? Na, siya ring isinagawa at inilapat ng tao sa kanyang kabuuan upang madamang may isang kaluluwang nagmithi ng kanyang pagsulong?
Ang panimula ng pangungusap na nakapaloob ang adhikain, ngunit isang adhikain na kung ito ay sa tao ay kulang ng pagsusuri, kulang ng pag-aaral, kulang ng pagsisiyasat at pagsasaliksik sapagka't ito ay waring bulaklak lang ng dila ngunit naroroon ang kataimtiman ng mithiin ng isang kaluluwa, ng isang Espirito.
Kaya nga at ipinakitang sa pamamagitan ng pangungusap, ng salita ay mabuhay ang lahat ng pangangailangang gagamitin ng tao para sa lupa, “Ibig ko magkaroon ng liwanag. Ibig ko na dito ay magkaroon ng palatandaan upang hatiin ang araw at gabi na may tanglaw na ibibigay upang maging gabay. Ang araw kung umaga, ang mga bituin at buwan kung ito ay gabi at naroroon ang kadiliman. Ibig ko tubuan ang kalupaan ng iba at ibang uri ng halaman hanggang sa ito ay magkasunod-sunod ayon sa kanyang pangangailangan.”
Na, kung ito ngayon ay dadamhin hindi ba iyan ang kalagayan ng buhay ng bawa’t tao na diyan ngayon gumagawa ng aksyon ang bawa’t isa? Diyan nagpapadama ang isang kaluluwa o isang Espirito?
Na, siya ay may layon sa buhay na kanyang dinadala nguni’t nagiging bulaklak lamang ng dila nguni’t naroroon nakaalinsabay ang adhikain at matapat na layunin ng isang kaluluwa na siya ay may matutuntungan, may mga baitang na mag-aangat ng kanyang antas sapagka’t ito ang sa kanya ay nakaharap?
Ito ang tungkulin at dahilan bakit may buhay na ipinakikipamuhay sa lupa. Kaya nga at, nangusap ang isang buhay na diwa sapagka't nagpapamalay ang isang kaluluwang unti-unting binubuksan upang maunawaang hindi siya iisa kung hindi sila ay dalawa.
Sa pagiging dalawa kailangang sila ay magkaisa, magkaroon ng kaisahan. Kaya nga at nangusap sapagka’t dumoon ang pinakamaliit na liwanag, humingi ang tao, “Ibig ko nang gawin ito! Ibig kong takasan ito! Ibig kong huwag nang manatili rito! Ibig kong dumoon na ako sa matuwid na landasin, sa tamang paghakbang, sa matuwid na paggawa ukol sa tunay na buhay.”
Hindi ba iyan ay kahalintulad, sa pamamagitan ng salita ay sinabi at ipinadama sa kanyang sarili na siya y kulang at salat sa pananampalataya, sa pagpapatotoo? Hindi ba at nagiging bulaklak lamang ng dila, hinahangad nguni’t nabibigo?
Datapuwa’t, ang karanasan ay guro na nagtuturo. Kaya nga at bahagi ng bawa’t buhay ang iba at ibang uri ng karanasan sapagka’t ito ay katulad ng gilingang siyang papali, papanday, at lilinang at magpipino sa dala-dala sapagka’t ikaw ay kawangis at kanyang kalarawan.
Kaya nga at may pagsusuri, pagsisiyasat at nakapaloob ang kabuuan ng pag-ibig, kaya nga at “Lalang”--- Lala ( Weave) na, kung ito’y isang banig, hindi sukat na pinagugpong; hindi sukat na sila ay pinagdikit kung hindi ipakikitang mula sa paghahabi ay ia-angkop ang kanyang katibayan at katatagan, ang uri upang kung ito ay habihin, lalahin makitang maganda at mabuti, kaya nga at ang pangungusap ng Diyos nang ito ay Kanyang masilayan “Maganda at Mabuti” ang kabuuan ng tao.
Hindi ba iyan ang bahagi ng talaarawan ng buhay? Bahagi ng talaarawan o kasaysayan ng isang kaluluwa? Pagkatapos nito, hindi ba ibinigay ang kalayaan upang gamitin ito ayon sa pagkakamulat, sa pagbubukas, sa pagpapatotoo na kayo ay kinakailangang makakuha at makatuklas ng mga bagay na ito?
Iyon ngayon ang kalagayan ng paraiso na sa kalagayan ng paraiso ay laging may hamon, may katapat na paglalaban o pagpipingkian sapagka’t dalawa ang magkasama: laman at kaluluwa na binigyan ng kani-kaniyang karapatan upang kunin ng laman ang para sa kanyang sarili at ang tungkulin ng isang kaluluwa para sa kanilang kaligtasan.
Samakatuwid, naroroon na ang igting ng paglalabanan, kaya nga, may ahas na isinugo upang maging tanda ng pagbubukas at karungang taglay ng isang Espirito. Iyon ang gabay at doon nabuksan ang kamulatan ng isang Adan a ng isang Eba upang kilalanin kapag ginalaw ang puno ng pagkakilala nang mabuti at nang masama sila’y mamamatay. Alin ang mamamatay?
Ang laman baga? Hindi, sapagka’t, hindi pa nilalagyan ng laman na magagamit ng isang kaluluwa sa paggawa. Anong laman ang mamamatay samantalang ang isang Adan at isang Eba ay naroroon pa sa kalagayan ng pagiging Espirito?
Hindi ba iyan ay bahagi ng isang malawak na pag-aaral? Kailan lamang ipinakitang may laman na gagamitin? Nang sila ay palayasin sa paraiso sapagka’t ang pagpapalaya at pagpapaalis sa paraiso ang kahulugan ay may mabubuo, may isisilang.
Sa kaayusang ito ay ibinigay ang isang pahiwatig, ang giya na laging dalawa ang ihahayag at ihahantad ng tao sa katauhan; ng isang Cain at isang Abel, ng isang liwanag, at ng isang kadiliman, nang isang matuwid at ng isang liko.
Bawat kalagayang ito ay may hamon na kinakailangang inyong pagtagumpayanan upang umigting ang kaalaman at karunungang sa inyo ay binubuksan noong ng pangungusap na nakapaloob ang adhikain.
Nguni’t, isang adhikain na kung ito ay sa tao ay kulang ng pagsusuri, kulang ng pa-aaral, kulang ng pagsisiyasat at pagsasaliksik sapagka’t ito ay waring bulaklak lang ng dila nguni’t naroroon ang kataimtiman ng mithiin ng isang kaluluwa, ng isang Espirito.
Kaya nga at, ipinakitang sa pamamagitan ng pangungusap, ng salita ay mabuhay ang lahat ng pangangailangang gagamitin ng tao para sa lupa, “Ibig ko magkaroon ng liwanag. Ibig ko na dito’y magkaroon ng palatandaan upang hatiin ang araw at gabi na may tanglaw na ibibigay upang maging gabay. Ang araw kung umaga; ang mga bituin at buwan kung ito’y gabi at naroroon ang kadiliman. Ibig ko tubuan ang kalupaan ng iba’t ibang uri ng halaman hanggang sa ito’y magkasunod-sunod ayon sa kanyang pangangailangan.”
Na, kung ito ngayon ay dadamhin hindi ba iyan ang kalagayan ng buhay ng bawa't tao na diyan ngayon gumagawa ng aksyon ang bawa’t isa? Diyan nagpapadama ang isang kaluluwa o isang Espirito?
Na, siya ay may layon sa buhay na kanyang dinadala nguni’t nagiging bulaklak lamang ng dila nguni’t naroroon nakaalinsabay ang adhikain at matapat na layunin ng isang kaluluwa na siya ay may matutuntungan, may mga baitang na magaangat ng kanyang antas sapagkat ito ang sa kanya ay nakaharap?
Ito ang tungkulin at dahilan bakit may buhay na ipinakikipamuhay sa lupa. Kaya nga at nangusap ang isang buhay na diwa sapagka’t nagpapamalay ang isang kaluluwang unti-unting binubuksan upang maunawaang hindi siya iisa kung hindi sila ay dalawa (2).
Sa pagiging dalawa (2) kailangang sila ay magkaisa, magkaroon ng kaisahan. Kaya nga at nangusap, sapagka’t, dumoon ang pinakamaliit na liwanag, humingi ang tao, “Ibig ko nang gawin ito! Ibig kong takasan ito! Ibig kong huwag nang manatili rito! Ibig kong dumoon na ako sa matuwid na landasin, sa tamang paghakbang, sa matuwid na paggawa ukol sa tunay na buhay.”
Hindi ba iyan ay kahalintulad, sa pamamagitan ng salita’y sinabi at ipinadama sa kanyang sarili na siya ay kulang at salat sa pananampalataya, sa pagpapatotoo? Hindi ba at nagiging bulaklak lamang ng dila, hinahangad ngunit nabibigo?
Datapuwa't, ang karanasan ay guro na nagtuturo. Kaya nga at, bahagi ng bawa't buhay ang iba at ibang uri ng karanasan sapagka't ito ay katulad ng gilingang siyang papali, papanday at lilinang at magpipino sa magaspang na dala-dala ng lahat at bawa’t isa.
Kung ito ngayon ang layunin ng isang karanasan, hindi ba ngayon kinakailangang sadya na makuha ang bawa’t aral na inihahatid ng karanasan at makukuha ang bawa’t aral, ang gintong aral ng bawa’t karanasan kung kayo ay may tala-arawang susulatan--- Ito ang aking ginawa mula sa umaga hanggang sa gabi ng aking pagtulog.
Oo, sasabihin ninyo hindi praktikal ngunit iyan ay isang pagpapatotoo sa inyong sariling matibay na ang hangarin ninyo at naroroon na ang katapatan sapagkat hindi ninyo inibig na mayroon kayong matalikdan o maiwan, malimot na pinakamaliit na bagay na kinakailangang isangkap.
Sapagka’t, nagkaroon nang kaayusan ang inibig ng inyong pagkatao na katumpakan bagaman ang isipan ay napakahirap na hawakan at napakadaling makalimot. Nguni’t kung mayroon ka ng tala-arawan o tala-takdaan mababalikan mo ang lahat.
Panlupa, oo, nguni’t hindi ba iyan ay naroroon din at nagagamit ng isang kaluluwa na kung saan ay ipinadarama at ipinakikita bilang isanag uri ng salamin na kapag nakita mo, “Dito pala ako nagkulang ng paggawa. Dito pala naging lisya ang kaalaman ko ukol sa mabuti. Dito ko pala hindi nagamit ang aking pananampalataya. Dito pala ako nabigo.”
Kung mayroon kayo niyan, hindi ba ang susunod na pohas ng papel ay ilalagay ninyo ngayon sa inyong talaarawan, “Ito ngayon ang talatakdaang susundin at tutuparin ko sa kinabukasan sapagka’t naroroon ang magiging karagdagan.”
Sa pamamagitan ng tala-arawan, oo katitikan nguni’t nakapaloob ang mga kaparaanan kung paano aangat, kung paano iigpaw, kung paano babangon, kung paano ang antas sa pagsulong ay malalarawan sa lahat at bawa’t isa na mayroon pala kayong kinakailangang marating.
Pagkatapos nito, hindi baga ang inyo pang sinasambit, “Ibig kong magpakabuti. Ibig ko nang magbago. Iiwan ko na ang gawang ito sapagkat wala itong idudulot na kaligayahan, na kaliwanagan sa akin bilang isang tao na nakikipamuhay sa lupa.”
Hindi ba naroroon ang pagsusuri, ang pagsasaliksik, ang pagsisiyasat? Kaya nga ang Diyos ay ipinadama at inilarawan pagdating na sa paglalang hindi na salita ang ginamit lamang kung hindi ang kabuuan ng Kanyang pagsisikhay, ang kabuuan ng lahat ng karunungan, ng Kanyang pagmamasid.
Ang lahat ng nangyari, aking sasambitin, “Eksperimento” ng Diyos sapagka’t naririyan ang kahayagan ng tunay na Agham, ang Agham na nakapaloob ang kasaysayan ng buhay ng isang Espirito. Ang Agham ng simulain ng karunungan at pagibig. Ang Agham ng pag-uugnay at pag-aangkop. Ang Agham, ang siyensya na nakapaloob ang buhay at kamatayan.
Hindi ba naririyan, kaya nga, ang wika, “Lalangain natin ang tao ayon sa aking wangis at larawan” Naroroon; ang pag-angat, ang pagsulong, ang baitang na ipinadarama, kung saan pagkatapos na mamasdan ninyo, pagkatapos na madama ninyo, pagkatapos na matanggap ninyo, ito pala ang bahagi ng sanlibutang aking ginalawan na kinakailangang doon ako gumawa, doon ako bumuo, doon ako maglapat ng isang tunay at tapat na paninindigan.
Iyon pala ang kinakailangang matupad na hindi kinakailangang muling balikan ang mga bahagi sa talaarawan mong tinanggap mo na iyon ay kulang, sapagka’t hindi naging maayos, sapagka’t muli mo ngayon itong hahakbangan, lalakaran, tutugpahin at siya muling magiging gampanin at tuparin ng iyong sarili.
Kailangan ngayong; gumawa ang tao, makakalag sa kasawian, sa kadalamhatian, sa kahapisan, sa kabiguan samantalang iniwan mo na at sinisikap na iwan nguni’t nananatili ka sa pagbabalik doon ka pa rin naghahangad na magkaroon ng buhay. Hindi ba iyan ang katumbas?
Kaya nga at nilalang ang tao na kayang kawangis at kalarawan at nangangailangan; ng pagsulong, ng pagbubuo, ng paggawa at ngayo, ay hinahanap mo ang landas. Hahawanin mo ang landas na iyong pinagdaanan upang pagkatapos makita mong; katuwang ka pala sa pag-ugit ng buhay, katuwang ka pala ng Diyos sa pamamahala ng buhay, katuwang ka pala at kinakailangang maging katuwang ng Diyos sa paglikha at paglalang.
Kung ito ngayon ay mauunawaan ng lahat at bawa’t isa, tatanawin ninyo ang inyong sarili, hindi ba at ang tinutupad ninyo ay ang paglikha, na karapatang ibinigay ng Ama, lilikha kayo ng inyong sariling daan, sariling tugpahin.
Lilikha kayo ng inyong sariling kayarian upang makita ninyo ang bunga nito ay naroroon ang kahayagan at kaganpan nang kamalayang sa inyo ay ibinigay ng Diyos. Gumawa ka ayon sa iyong kaantasan, ayon sa iyong kaalaman at karunungang tinataglay.
Maghari sa inyong mga puso at sa kalaganapan ng sangkatauhan ang alab ng damdamin upang siyang maging simula ng mga titik na isusulat ninyo ang mga gintong aral ng karanasang sa inyo ay ipinadama.
Isaias, Arkanghel Gabriel, paalam.
Lunduyang El Espiritismo
Parlante – Kapatid Rebecca A. Dungo
Comments
Post a Comment