2001-2020, Koleksyon - Arkanghel Raphael
2020-02-21, RAD
Liwanag at pag-ibig ang maghari sa lahat at bawat isa ngayon at magpasawalang hanggan.
Kung tutukuyin ang uri ng pag-ibig na dapat dalhin, dapat na maging pamantayan ng isang manggagawa sa ubasan ng Panginoon sa isang kabuuan ng pangungusap na ang lagom upang ipakita at bigyang larawan ang uri ng pag-ibig na dapat mataglay ay ito…. “WALA KA NANG MAKIKITA PA NA IYONG IPAGKAKASALA”.
Iyan ang uri ng pag-ibig sa kanyang kabuuan na dapat mabuo at taglayin ng isipan, ng damdamin at kalooban. Sapagkat ganyan ang kahayagan at larawan ng kalooban ng Diyos. Hindi nagbibigay ng larawan upang ang kanyang mga anak ay makakita at makagawa ng kanyang ipagkakasala.
Kaya nga ang kasaysayan ng bugtong na anak ipinadama ang bahaging ito, binuksan ang bawat puso at bawat diwa nang Siya ay dumadama ng mga pasakit na ibinibigay ng Tao noong Siya ay nasa kapighatian, sa paningin ng sangkatauhan ngunit hindi sa kanyang kabuuan sa sandali na Siya ay nagpapasan ng krus, ipinapako sa krus. Na, ipinahihiwatig na bigyan ng buhay ang pag-ibig na ito; na, hindi ka na kailangang makakita pa ng iyong ipagkakasala.
Kaya nga at sa kabila nang sa Kanya ay ibinigay at Kanyang tinanggap ano ang binigyan Niya ng buhay? “Ama patawarin mo po sila sapagkat hindi nila nalalaman ang kanilang ginagawa.”
Hindi ba naroroon ang pagpapakilala at pagpapaunawang hindi adhika ng tao na siya ay makapaminsala; na siya ay maging sanhi ng kapahamakan ng kanyang kapwa; na siya ay maging dahilan ng paghihirap, ng pasakit at salaghati na magiging bahagi ng kanyang karanasan, kung hindi, ang binigyan ng daan ay hindi nila nalalaman ang kanilang ginagawa kaya sila ay nakagawa ng labag sa batas ng pag- iibigan.
Ano pa ang Kanyang ipinagkaloob? Ang pagpapaunawa na ang lahat ay may mabuting naroroon sa kanyang puso na makikilala at mauunawaan lamang kapag dumating na doon sa isang kalagayang nabuksan na ang kanyang kamalayan katulad ng kanyang kasama na naroroon sa bundok ng Golgota na nangusap, “Ipagsama mo ako pagdating mo sa iyong kaharian.”
Na, ang uri ng pag-ibig ay hindi kinakailangang makita na siya ay naging makasalanan, siya ay magnanakaw, na marami na ang kanyang ipinagkasala kung hindi naroroon bawat kanyang ginawa ay pangangailangan upang ang kanyang landas ay ay tumungo at mapatungo doon sa perpeksyon sapagkat iyan ay pagbubukas sa kamalayan ng isang kaluluwa o ng isang espiritu. Kaya nga at ang naging kasagutan, “Ngayon din kakasamahin kita at ipagsasama sa aking paraiso.”
Iyon ang pag-ibig na nagpapadamang hindi dapat na makakita at bigyan ng higit na pahalaga sa kanyang ipagkakasala kundi upang magbigay ng liwanag; upang mag-akay mula sa kadiliman at madala sa kaliwanagan. “Ngayon din ay ipagsasama kita sa aking paraiso.” Naroroon din ang bahaging kung saan upang ito ay maganap at maunawaan ng bawat tao ang kalagayan, ang kakayahan, ang dala-dala ng kanyang kabuuan kaya nga at sa sandali ring iyon ipinakita ang dalawang magkasama, ang isang ina at ang isang anak na binigyan ng larawan kung papaanong ito ay kailangang maunawaan na dapat tayahin. Kaya nga ipinangusap, “Ina narito ang iyong anak; anak narito ang iyong Ina“.
Mga bahagi ng kalagayang ang ipinakikita ay kahayagan ng isang gawa na ibibigay mo ang dakila at malinis na pag-ibig na wala ka nang sasabihin, “mapagkasala kang Ina, mapagkasala kang ama” kung hindi ang bawat isa ay may kakayahan, may yugto at baitang na kinalalagyan.
Kapwa mo ito tanawin, kapwa mo ito pag-aralan, kapwa mo ito timbangin sapagkat ang pag-ibig hindi nagtatangi at hindi kailangang magtangi upang mayroon kang itakwil at mayroon kang lingapin at arugain kung hindi lahat ng ito kukunin mo sapagkat ang lahat ay may halaga at may kabuluhan sa ibabaw ng lupa.
Kaya nga at may iisang batas na kinapapalooban: ang batas ng pagsulong. Naroroon pa rin upang bigyan ng susog na ang uri ng pag-ibig ay hindi kinakailangang makakita ng iyong ipagkakasala; hindi ka hahatol; hindi ka susukat. Kaya at ano ang pangungusap, sa hatol at panukat na iyong ibibigay doon ka rin susukatin at doon ka rin hahatulan.
Mga bahagi at kalagayan ng iisang kaalaman at karunungang nagbibigay at bumubuo upang bigyan ng timbang at halaga ang bawat galaw ng tao na kung saan madarama at makikita kung nagkukulang… tanawin mo ang iyong sarili hindi ka ba nagkukulang? Wala ka bang pinagkukulangan? Kaya’t doon sa babaing iniharap na ipatutupad ang batas na ang magkasala ay babatuhin hanggang sa ito ay mamatay, ano ang ipinakita upang ipadama?
Ang uri ng pag-ibig na kinakailangang dalhin at ibigay ng tao, “Kung sino ang walang bahid dungis sa inyo kumuha ng bato at batuhin ang babaing ito.” Kung gayon, diyan napapaloob ang bawat igagalaw kung may kaunawaan at may bukas nang kamalayan ang bawat anak ng Diyos. Kaya at maging sa kautusan, ano ang ibinigay? Mag-ibigan kayo sa isa at isa.
Na, kailanman di ipinamatang siya ay kaaway mo, huwag mo siyang ibigin. Siya ay gumawa sa iyo ng hindi karapat-dapat. Kailangang siya ay itakwil. Siya ang umiibig sa iyo. Siya ang gawan mo ng mabuti at siya mong pakitaan ng pag-ibig… kung hindi ang pangungusap: mag-ibigan kayo sa isa at isa. Naroroon pa rin ang pagpapatotoo, kapag binato ka ng bato gantihan mo ng tinapay.
Lahat ay ipinadamang hindi kailangang makakita ka ng iyong ipagkakasala sa galaw, sa gawa, sa kilos ng iyong kapwa ay mapopoot ka, magagalit ka, magdaramdam ka, magtatanim ka ng sama ng loob, kikimkimin mo at kikipkipin sa iyong isipan na itatangi mo ang iyong sarili at itatakwil mo ang mabuting naroroon sa puso ng iba.
Masama ang kanyang ginawa; hindi karapat-dapat ang kanyang ginawa; wala sa katwiran at wala sa matuwid ang ibinigay ng iyong kapwa. Kaya at ang pangungusap, “Hindi lamang ang umiibig sa iyo ang iibigin mo kung hindi iibigin mo sampu ng iyong kaaway.”
Hindi ba iyan ay mga katotohanan at larawang nagpapatotoo at nagpapatibay sa uri ng pag-ibig na kinakailangang matanaw sapagkat sa bawat iyong makikita, sa bawat kahayagang magaganap sa sandaigdigan, sa iba at ibang uri ng galaw at gawa ng tao makita mo man ito kailanman hindi mo na makikita pa ang iyong ipagkakasala. Kaya nga maibibigay na nang buong- buo ang pag-ibig na bukal sa iyong puso, nang walang pag-aalinlangan, kaya mo na siyang paglingkuran, kaya mo na siyang lingapin, kaya mo na siyang arugain bagaman ikaw ay ginawan nang hindi matuwid sapagkat ang pag-ibig na dala mo, anoman ang makita mo, anoman ang ibigay sa iyo hindi magiging sapat upang ikaw ay magkasala.
Naririyan ang malinis na puso, naririyan ang matuwid na pag-iisip, naririyan ang matimyas na dala ng damdamin na hindi nakasalig sa mababang alitigtigin; naririyan ang bukas na kamalayan na ang bawat isa ay anak ng Diyos, na ang bawat isa ay nilalang ng Diyos may bahagi ng kanyang pagka espiritu.
Na kaya lamang nakagagawa nang hindi naaayon sa panlasa, sa paningin, sa pandama ng iyong kapwa ay sapagkat may kani-kaniyang antas at kani-kaniyang kakayahan na dala-dala bilang baitang ng kanyang karunungan at kaalaman at ng magnetismo o lakas na kanyang tinataglay. Kaya’t iisa ang kahingian ng isang Jesus o ng bugtong na anak, “Patawarin mo po sila sapagkat hindi nila nalalaman ang kanilang ginagawa.”
At ito ay dumating nang Siya ay nauhaw na bagaman naroroon sa isang mataas na kaantasan ay ipinadama pa ring ang pintigin ng laman ang iiral, ang Kanyang wika,” Ako ay nauuhaw.” Na, sa Kanyang sarili at sa Kanyang kabuuan ay kumpleto sa Kanyang paglalarawang hindi na kailangang makadama at hindi na kailangang ipamalay na magigising ang makalupang damdamin at alitigtigin sapagkat alam Niyang hindi maibibigay at hindi matatanggap kung ano ang ibig mo siya mong tatanggapin.
Kaya at ang bahagi ng pag-ibig na ipinangusap bilang magandang katangian, hindi hinahanap ang kanyang sarili. Ano ang ipinagkaloob sa kanya? Ang suka at ang apdo na siyang naging bahagi ng Kanyang pangungusap, ” Ama naganap na.”
Ganito ang kanyang kahalagahan kaya at kung mauunawaang ito ang kabuuan at uri ng pag-ibig na kinakailangang mataglay ng bawat isa, sino pa ang maliligaw! Sino pa ang gagawa ng liko? Sino pa ang mananatili sa kadiliman!
Marahil ay wala na sapagkat ang kabuuan ng kaangkinan at katangian ng isang espiritu pumapantay na at nakikipagkaisa na sa pag-ibig na dala-dala ng Ama at ng Panginoon na kailanman wala nang makikita na dapat ipagkakasala.
Sa ganyan ko ngayon nilalagom ang uri ng pag-ibig upang sa inyong karanasan sampu ng ganyang kalagayan madama ninyo at may mabuo kayong saligan kung makita ninyo ang bawat pangyayari hindi na ninyo gigisingin ang inyong damdamin, ang inyong isipan upang kayo ay makabuo ng mababang alitigtigin na siyang magtutulak upang ang tao ay makagawa ng hindi karapat-dapat at sa huli upang mabigyan ng katatagan ang uri ng pag-ibig na ito, “Ama sa mga kamay mo inihahabilin ko ang aking espiritu“.
Sa ganyan ngayon nabubuo kaya at sa inyong karanasan kung ito ay i-aangkop, ano ang mawawala at kinakailangang mawala upang maganap ang uri ng pag-ibig na kailanman hindi na ninyo makikitang iyon ay mali, iyon ay liko kung hindi iyon ay karapat-dapat sapagkat naroroon pa siya sa panimulang baitang kaya’t iyon ang kanyang nagawa.
Na, iyon ay pagpapatotoo at pagpapamalay na nakikita ninyong hindi karapat-dapat sapagkat wala na kayo sa ganoong baitang na hindi mo kailangang pumantay at umagapay upang humatol na ipagkakasala mo sapagkat magigising ang isang pintiging mapopoot ka, ano ang gagawin mo?
Maghihiganti ka. At ang paghihiganti ay hindi mabuti ang iyong mabubuo kung hindi ang iyong paghihiganti ay doon din sa liko sapagkat dala mo ang galit, dala mo ang poot, dala mo ang lahat ng hindi magandang pakiramdam.
Hindi ba magiging maliwanag ang iyong isipan; wala nang bigat na dadalhin ang iyong kalooban; ang iyong puso; sapagkat natatanggap ninyong ang isinasagawa, ang iginagalaw ng iyong kapwa?
Kaya at ang bahagi ng kaangkinan at katangian ng pag-ibig… ang wagas na pag-ibig ang lahat ay tinatanggap, ang lahat ay binabata; hindi kailanman nagiging palalo; hindi kailanman nagtatangi; sapagkat bawat bahagi binibigyan ng magandang larawan at binibigyan ng kani-kaniyang katwiran upang kung tumanggap ng matuwid ang isa, tatanggap din ng matuwid ang isa. At mula doon ang pagtitimbang sa kapwa ay nilalagyan ng magandang kadahilanan at iyan ang pag-ibig ng Diyos.
Kaya nga ang masama at mabuti kapwa binibigyan at tumatanggap ng Kanyang dakilang biyaya. Ito ang aking sa inyo ay inihahatid bilang isang mababaw na lagom upang maunawaan ninyo kung ano ang mababaw na uri ng pag-ibig ayon sa paggamit ninyo sa inyong pakikipamuhay sa sanglibutan.
Maghari nawa sa inyong mga puso at sa kalaganapan ng bawat tao ang tanglaw ng liwanag, kababaang loob at kapayapaan ngayon at magpasawalang hanggan. Paalam
Arkanghel Rafael
Lunduyang Lualhati sa Dios sa Kataastaasan
2020-02-21, RAD
Liwanag at pag-ibig ang maghari sa lahat at bawat isa ngayon at magpasawalang hanggan.
Kung tutukuyin ang uri ng pag-ibig na dapat dalhin, dapat na maging pamantayan ng isang manggagawa sa ubasan ng Panginoon sa isang kabuuan ng pangungusap na ang lagom upang ipakita at bigyang larawan ang uri ng pag-ibig na dapat mataglay ay ito…. “WALA KA NANG MAKIKITA PA NA IYONG IPAGKAKASALA”.
Iyan ang uri ng pag-ibig sa kanyang kabuuan na dapat mabuo at taglayin ng isipan, ng damdamin at kalooban. Sapagkat ganyan ang kahayagan at larawan ng kalooban ng Diyos. Hindi nagbibigay ng larawan upang ang kanyang mga anak ay makakita at makagawa ng kanyang ipagkakasala.
Kaya nga ang kasaysayan ng bugtong na anak ipinadama ang bahaging ito, binuksan ang bawat puso at bawat diwa nang Siya ay dumadama ng mga pasakit na ibinibigay ng Tao noong Siya ay nasa kapighatian, sa paningin ng sangkatauhan ngunit hindi sa kanyang kabuuan sa sandali na Siya ay nagpapasan ng krus, ipinapako sa krus. Na, ipinahihiwatig na bigyan ng buhay ang pag-ibig na ito; na, hindi ka na kailangang makakita pa ng iyong ipagkakasala.
Kaya nga at sa kabila nang sa Kanya ay ibinigay at Kanyang tinanggap ano ang binigyan Niya ng buhay? “Ama patawarin mo po sila sapagkat hindi nila nalalaman ang kanilang ginagawa.”
Hindi ba naroroon ang pagpapakilala at pagpapaunawang hindi adhika ng tao na siya ay makapaminsala; na siya ay maging sanhi ng kapahamakan ng kanyang kapwa; na siya ay maging dahilan ng paghihirap, ng pasakit at salaghati na magiging bahagi ng kanyang karanasan, kung hindi, ang binigyan ng daan ay hindi nila nalalaman ang kanilang ginagawa kaya sila ay nakagawa ng labag sa batas ng pag- iibigan.
Ano pa ang Kanyang ipinagkaloob? Ang pagpapaunawa na ang lahat ay may mabuting naroroon sa kanyang puso na makikilala at mauunawaan lamang kapag dumating na doon sa isang kalagayang nabuksan na ang kanyang kamalayan katulad ng kanyang kasama na naroroon sa bundok ng Golgota na nangusap, “Ipagsama mo ako pagdating mo sa iyong kaharian.”
Na, ang uri ng pag-ibig ay hindi kinakailangang makita na siya ay naging makasalanan, siya ay magnanakaw, na marami na ang kanyang ipinagkasala kung hindi naroroon bawat kanyang ginawa ay pangangailangan upang ang kanyang landas ay ay tumungo at mapatungo doon sa perpeksyon sapagkat iyan ay pagbubukas sa kamalayan ng isang kaluluwa o ng isang espiritu. Kaya nga at ang naging kasagutan, “Ngayon din kakasamahin kita at ipagsasama sa aking paraiso.”
Iyon ang pag-ibig na nagpapadamang hindi dapat na makakita at bigyan ng higit na pahalaga sa kanyang ipagkakasala kundi upang magbigay ng liwanag; upang mag-akay mula sa kadiliman at madala sa kaliwanagan. “Ngayon din ay ipagsasama kita sa aking paraiso.” Naroroon din ang bahaging kung saan upang ito ay maganap at maunawaan ng bawat tao ang kalagayan, ang kakayahan, ang dala-dala ng kanyang kabuuan kaya nga at sa sandali ring iyon ipinakita ang dalawang magkasama, ang isang ina at ang isang anak na binigyan ng larawan kung papaanong ito ay kailangang maunawaan na dapat tayahin. Kaya nga ipinangusap, “Ina narito ang iyong anak; anak narito ang iyong Ina“.
Mga bahagi ng kalagayang ang ipinakikita ay kahayagan ng isang gawa na ibibigay mo ang dakila at malinis na pag-ibig na wala ka nang sasabihin, “mapagkasala kang Ina, mapagkasala kang ama” kung hindi ang bawat isa ay may kakayahan, may yugto at baitang na kinalalagyan.
Kapwa mo ito tanawin, kapwa mo ito pag-aralan, kapwa mo ito timbangin sapagkat ang pag-ibig hindi nagtatangi at hindi kailangang magtangi upang mayroon kang itakwil at mayroon kang lingapin at arugain kung hindi lahat ng ito kukunin mo sapagkat ang lahat ay may halaga at may kabuluhan sa ibabaw ng lupa.
Kaya nga at may iisang batas na kinapapalooban: ang batas ng pagsulong. Naroroon pa rin upang bigyan ng susog na ang uri ng pag-ibig ay hindi kinakailangang makakita ng iyong ipagkakasala; hindi ka hahatol; hindi ka susukat. Kaya at ano ang pangungusap, sa hatol at panukat na iyong ibibigay doon ka rin susukatin at doon ka rin hahatulan.
Mga bahagi at kalagayan ng iisang kaalaman at karunungang nagbibigay at bumubuo upang bigyan ng timbang at halaga ang bawat galaw ng tao na kung saan madarama at makikita kung nagkukulang… tanawin mo ang iyong sarili hindi ka ba nagkukulang? Wala ka bang pinagkukulangan? Kaya’t doon sa babaing iniharap na ipatutupad ang batas na ang magkasala ay babatuhin hanggang sa ito ay mamatay, ano ang ipinakita upang ipadama?
Ang uri ng pag-ibig na kinakailangang dalhin at ibigay ng tao, “Kung sino ang walang bahid dungis sa inyo kumuha ng bato at batuhin ang babaing ito.” Kung gayon, diyan napapaloob ang bawat igagalaw kung may kaunawaan at may bukas nang kamalayan ang bawat anak ng Diyos. Kaya at maging sa kautusan, ano ang ibinigay? Mag-ibigan kayo sa isa at isa.
Na, kailanman di ipinamatang siya ay kaaway mo, huwag mo siyang ibigin. Siya ay gumawa sa iyo ng hindi karapat-dapat. Kailangang siya ay itakwil. Siya ang umiibig sa iyo. Siya ang gawan mo ng mabuti at siya mong pakitaan ng pag-ibig… kung hindi ang pangungusap: mag-ibigan kayo sa isa at isa. Naroroon pa rin ang pagpapatotoo, kapag binato ka ng bato gantihan mo ng tinapay.
Lahat ay ipinadamang hindi kailangang makakita ka ng iyong ipagkakasala sa galaw, sa gawa, sa kilos ng iyong kapwa ay mapopoot ka, magagalit ka, magdaramdam ka, magtatanim ka ng sama ng loob, kikimkimin mo at kikipkipin sa iyong isipan na itatangi mo ang iyong sarili at itatakwil mo ang mabuting naroroon sa puso ng iba.
Masama ang kanyang ginawa; hindi karapat-dapat ang kanyang ginawa;
wala sa katwiran at wala sa matuwid ang ibinigay ng iyong kapwa. Kaya at
ang pangungusap, “Hindi lamang ang umiibig sa iyo ang iibigin mo kung
hindi iibigin mo sampu ng iyong kaaway.”
Hindi ba iyan ay mga
katotohanan at larawang nagpapatotoo at nagpapatibay sa uri ng pag-ibig
na kinakailangang matanaw sapagkat sa bawat iyong makikita, sa bawat
kahayagang magaganap sa sandaigdigan, sa iba at ibang uri ng galaw at
gawa ng tao makita mo man ito kailanman hindi mo na makikita pa ang
iyong ipagkakasala.
Kaya nga maibibigay na nang buong- buo ang pag-ibig na bukal sa iyong puso, nang walang pag-aalinlangan, kaya mo na siyang paglingkuran, kaya mo na siyang lingapin, kaya mo na siyang arugain bagaman ikaw ay ginawan nang hindi matuwid sapagkat ang pag-ibig na dala mo, anoman ang makita mo, anoman ang ibigay sa iyo hindi magiging sapat upang ikaw ay magkasala.
Naririyan ang malinis na puso, naririyan ang matuwid na pag-iisip, naririyan ang matimyas na dala ng damdamin na hindi nakasalig sa mababang alitigtigin; naririyan ang bukas na kamalayan na ang bawat isa ay anak ng Diyos, na ang bawat isa ay nilalang ng Diyos may bahagi ng kanyang pagka espiritu.
Na kaya lamang nakagagawa nang hindi naaayon sa panlasa, sa paningin, sa pandama ng iyong kapwa ay sapagkat may kani-kaniyang antas at kani-kaniyang kakayahan na dala-dala bilang baitang ng kanyang karunungan at kaalaman at ng magnetismo o lakas na kanyang tinataglay. Kaya’t iisa ang kahingian ng isang Jesus o ng bugtong na anak, “Patawarin mo po sila sapagkat hindi nila nalalaman ang kanilang ginagawa.”
At ito ay dumating nang Siya ay nauhaw na bagaman naroroon sa isang mataas na kaantasan ay ipinadama pa ring ang pintigin ng laman ang iiral, ang Kanyang wika,” Ako ay nauuhaw.” Na, sa Kanyang sarili at sa Kanyang kabuuan ay kumpleto sa Kanyang paglalarawang hindi na kailangang makadama at hindi na kailangang ipamalay na magigising ang makalupang damdamin at alitigtigin sapagkat alam Niyang hindi maibibigay at hindi matatanggap kung ano ang ibig mo siya mong tatanggapin.
Kaya at ang bahagi ng pag-ibig na ipinangusap bilang magandang katangian, hindi hinahanap ang kanyang sarili. Ano ang ipinagkaloob sa kanya? Ang suka at ang apdo na siyang naging bahagi ng Kanyang pangungusap, ” Ama naganap na.”
Ganito ang kanyang kahalagahan kaya at kung mauunawaang ito ang kabuuan at uri ng pag-ibig na kinakailangang mataglay ng bawat isa, sino pa ang maliligaw! Sino pa ang gagawa ng liko? Sino pa ang mananatili sa kadiliman!
Marahil ay wala na sapagkat ang kabuuan ng kaangkinan at katangian ng isang espiritu pumapantay na at nakikipagkaisa na sa pag-ibig na dala-dala ng Ama at ng Panginoon na kailanman wala nang makikita na dapat ipagkakasala.
Sa ganyan ko ngayon nilalagom ang uri ng pag-ibig upang sa inyong karanasan sampu ng ganyang kalagayan madama ninyo at may mabuo kayong saligan kung makita ninyo ang bawat pangyayari hindi na ninyo gigisingin ang inyong damdamin, ang inyong isipan upang kayo ay makabuo ng mababang alitigtigin na siyang magtutulak upang ang tao ay makagawa ng hindi karapat-dapat at sa huli upang mabigyan ng katatagan ang uri ng pag-ibig na ito, “Ama sa mga kamay mo inihahabilin ko ang aking Espiritu“.
Sa ganyan ngayon nabubuo kaya at sa inyong karanasan kung ito ay i-aangkop, ano ang mawawala at kinakailangang mawala upang maganap ang uri ng pag-ibig na kailanman hindi na ninyo makikitang iyon ay mali, iyon ay liko kung hindi iyon ay karapat-dapat sapagkat naroroon pa siya sa panimulang baitang kaya’t iyon ang kanyang nagawa.
Na, iyon ay pagpapatotoo at pagpapamalay na nakikita ninyong hindi karapat-dapat sapagkat wala na kayo sa ganoong baitang na hindi mo kailangang pumantay at umagapay upang humatol na ipagkakasala mo sapagkat magigising ang isang pintiging mapopoot ka, ano ang gagawin mo?
Maghihiganti ka. At ang paghihiganti ay hindi mabuti ang iyong mabubuo kung hindi ang iyong paghihiganti ay doon din sa liko sapagkat dala mo ang galit, dala mo ang poot, dala mo ang lahat ng hindi magandang pakiramdam.
Hindi ba magiging maliwanag ang iyong isipan; wala nang bigat na dadalhin ang iyong kalooban; ang iyong puso; sapagkat natatanggap ninyong ang isinasagawa, ang iginagalaw ng iyong kapwa?
Kaya at ang bahagi ng kaangkinan at katangian ng pag-ibig… ang wagas na pag-ibig ang lahat ay tinatanggap, ang lahat ay binabata; hindi kailanman nagiging palalo; hindi kailanman nagtatangi; sapagkat bawat bahagi binibigyan ng magandang larawan at binibigyan ng kani-kaniyang katwiran upang kung tumanggap ng matuwid ang isa, tatanggap din ng matuwid ang isa. At mula doon ang pagtitimbang sa kapwa ay nilalagyan ng magandang kadahilanan at iyan ang pag-ibig ng Diyos.
Kaya nga ang masama at mabuti kapwa binibigyan at tumatanggap ng Kanyang dakilang biyaya. Ito ang aking sa inyo ay inihahatid bilang isang mababaw na lagom upang maunawaan ninyo kung ano ang mababaw na uri ng pag-ibig ayon sa paggamit ninyo sa inyong pakikipamuhay sa sanglibutan.
Maghari nawa sa inyong mga puso at sa kalaganapan ng bawat tao ang tanglaw ng liwanag, kababaang loob at kapayapaan ngayon at magpasawalang hanggan. Paalam
Lunduyang Lualhati sa Dios sa Kataastaasan
2018-11-24, RAD
Liwanag at pag-ibig ang maghari sa lahat at bawat isa ngayon at hanggang sa wakas. Anoman ang simula ng kalagayan at galaw sa kabuuan ng buhay ng bawat tao sa sandaigdigan hindi maari na hindi may panuntunan o dili kaya ay alituntunin.
Kung minsan ay patakaran na dapat sundin sapagkat kundi gayon, ang katumpakan, àng pagkakatimbang timbang at pag-aangkop-angkop ng mga bagay ay hindi magaganap at hindi magkakaroon ng katagumpayan.Samakatwid, gaano pa kung ang hinihingi ay ang bahagi at kalagayan ng sagisagin ng isang kaluluwa na, kaakibat ang pintigin o alitigtiging mayroon ang laman na kinakasangkapan ng isang kaluluwa.
Dito man ay may panuntunang ina-alinsunod kabilang ang bahagi ng kanyang kaugalian, ang paraan ng pagdadala ng kanyang sarili, ang pagkakaroon ng kagandahang asal. Kasama rin ang pinakikibagayan, ang kinamulatan o kinagisnan maging ang pinagmulang lahi, kultura bilang kabagayan ng buhay ng tao.
May proseso ba ang pag-ugnay ng isang talaytayan? Magkatulad ba ang pag-ugnay ng talaytayan sa pakikipagabot-diwa at talaytayang nanggagamot?
Ito ay mga sangkap at mga bahaging nangangailangang makilala at maunawaan ng isang gumaganap maging ito ay sa kahayagan ng panggagamot o pag-aabotsabi ng isang talaytayan may panuntunan at prosesong kapwa nilalandas, ang kalinisan ng puso, kalinisan at kapayapaan ng pag-iisip, kahandaan ng damdamin sa mga uri ng alitigtigin o pintiging nadarama.
Ang kanyang kalooban na nagsisimpan ng iisang layunin, ang siya ay maging karapatdapat upang panalaytayan ng lakas mula sa pag-ibig ng Ama at sa Panginoon gayundin sa sinomang sa kanya ay ipahihintulot ng Panginoon upang siya ay maging sisidlang hirang ng kabaitan at kabanalan. Ito ang iisang landas na ipinauunawa sa isang talaytayang uugnay.
Sapagkat kung ang kalinisan ng puso ay wala ano ang magaganap? Oo, kung sadyang mayroon ng natangkilik maging sa mga yugto ng nakaraang buhay na karapatan, anoman ang kalagayan ng kaugalian siya ay makapaghahayag, magagamit at mauugnayan ng lakas.
Ngunit anong uri ang mahahantad at mahahayag kung ang kalinisan ng puso at pagiisip, ang katiwasayan ng damdamin at kalagayan ng kalooban ay kulang at wala ng kalinisan?
Kaya nga ang isang gumaganap bilang talaytayan lagi ng ito'y isinasagawa sa pang-araw-araw na kanyang kabuhayan, sa pangaraw-araw ng kanyang pakikipamuhay sa lupa.
Dito ngayon napakahalaga ang tamang konsentrasyon, ang tamang pananahimik, ang paglalagay ng damdamin at kalooban doon sa tamang proseso ng pag-ugnay. Sapagkat kung ito ay lilihis ang pagsupil sa mababang pintigin at alitigtigin ng laman ay magiging isang malaking sagabal.
Kinakailangan ang madisiplina at mahawakan ng isang pag-iisip ang alitigtigin ng laman upang hindi magkaroon ng sagabal sa pag-ugnay ng talaytayang nag-aabotsabi at ng talaytayang nanggagamot.
Kung gayon ano ba ang tamang proseso na kinakailangang maunawaan upang talimahin at isagawa ng talaytayan sa sandali ng kanyang pagtupad? Paano ito gaganapin?
Ang una, maging mababang loob sapagkat sa pamamagitan ng kababaang loob magagawang iwaksi ang galit, ang sama ng loob, ang pagdaramdam sa halip babalutin ang puso ng pang unawa, pagpapaumanhin.
Matatanggap anoman ang masasakit na salita, ang uri ng galaw na sa kanya ay ibibigay ng dahil sa pagkakaroon ng mababang kalooban sapagkat mas makahihigit ang pagmamahal at pag-ibig na hindi magpapahintulot na kung siya ay sinaktan siya man ay mananakit din.
Iyan ay isang uri ng hakbang upang mapuno ang puso ng kalinisan. Kung iyan ngayon ay maganap magiging ugnay sa isang pag-iisip sapagkat ang laman ng puso ang siyang kinukuha, naihahatid at tinatanggap ng pag-iisip.
Datapwa at kung ang puso ay punong puno ng kadiliman ito ang dinadala sa isang pag-iisip at nakukuha ang lakas, ang bibrasyon na ipinagkakaloob sa isang pag-iisip.
At kung ito ngayon ay makuha magtitimbang ang uri ng dala ng puso ay titimbang din sa pag-iisip. At kung ano ang bahaging nakahihigit yon ang ihahayag ng pagkatao bilang kanyang isasagawa at kanyang lalakaran.
Kung ganito ang magiging kalagayan ng pag-ugnay ng isang talaytayan, sa marunong kumilala at magsuri sa uri pa lamang ng tinatanggap na aralin; sa hagkis at tono ng pangungusap, sa diin ng pagbibigay at paghahayag ng aralin madarama na ang prosesong kanyang nilakaran ay hindi angkop.
Hindi tugma hindi ugnay at hindi timbang sa proseso na ang kahingian ay ang kalinisan ng puso, kalinisan at kapayapaan ng pag-iisip sapagkat may talim,may kataasan na hindi bahaging daladala ng sinugong sa talaytayan ay kumakasangkapan na mahinahon.
Dito ngayon nasisinag kung paano ang naging paghubog ng isang talaytayan sa kanyang sarili na hindi isinasaalang alang ang kanyang kalagayan maging ang pisikal na katawan lalo na ang sagisagin ng kaluluwa. Ano ang nagiging daladala? Ang kataasan sa kanyang sarili at ito'y hindi prosesong kinakailangang lakaran ng isang talaytayan.
At ito ay bahaging nagiging maselan sapagkat nagaganap ang pandaraya at panlilinlang. Ngunit kaylanman hindi ang sinugo ang siyang nandaraya kundi ang kalagayan ng pag-iisip.
Ang kalagayan ng puso at kalagayan ng sagisagin ng kaluluwa na ang dahilan ang pintigin at alitigtigin ng laman ay hindi angkop sa kahingian bilang proseso na dapat isaalang alang ng talaytayan.
Kung gayon, gaano ito kahalaga? Ang pag-iisip sa sandali ng pag-ugnay naroroon ang kaalaman ng isang talaytayan na hawakan kahit kaunti alam niya kung paano disiplinahin ang kanyang pag-iisip.
Paano ito magagawa? Kung paano ang paglilinis sa puso ay kinakailangan din bilang isang proseso ang kalinisan ng pag-iisip. Paano ito mangyayari?
Sa sandali ng pag-ugnay at pananahimik ng isang talaytayan hindi sa oras lamang na gaganap doon lamang mananahimik, doon lamang sisimulang supilin ang kagulumihanan. Ang kaguluhan at kadiliman ng pag-iisip kundi sa araw-araw sinisimulan niyang bigyan ng disiplina ang kanyang pag-iisip.
Na, kung mayroon man itong daladalang bigat ukol sa buhay ito ang pagsisikapang pag-aralang matutuhan; ang pag-iisantabi at paglalagay ng bigat na ito doon sa isang kalagayang ang lahat ay isasalalay hindi sa kanyang magagawa lamang kundi doon sa magagawa ng kaitaasan.
Dito ngayon pumapaloob ang pananampalatayang hindi siya pababayaan; hindi siya ang gumaģawa, lalong hindi siya ang nag-iisip kung ano ang ibibigay at maibibigay na aralin sa mga mag-aaral.
Ito ang karaniwang nagaganap sapagkat hindi alam ang proseso na kinakailangang kanyang talimahin kaya at naghahanda sa kanyang sarili, nagbibihis sa kanyang sarili ng mga paksain at mga araling dadalhin ng kanyang pag-iisip.
Binubulay ng pag-iisip ang isang paksa na hindi kaloob kundi buhat sa kanyang sariling paksa. Hindi ito kabilang sa proseso ng pag-ugnay sapagkat ang tanging ihahanda ng isang talaytayan ay ang kapayapaan ng kabuuan ng katauhan.
Ihahanda at pagsisikhayan na mapagningning ang liwanag ng diwa; ihahanda sampu ng laman na walang dinadalangg sakit, labis na kapaguran at panghihina ng katawang laman sapagkat nagkukulang ng lakas upang maitaguyod ang pakikipag-ugnay.
Ang lahat ng ito ay kinakailangang kanyang ibaba upang hindi siyang mamaibabaw sa kanyang kalagayan. Kung gayon bahaging nagiging mabigat para sa isang talaytayan sapagkat ang mag-alis ka ng isang mabigat na alitigtigin.
Oo, sadyang mabigat ngunit kinakailangan sapagkat yan ay isang proseso o panuntunan kung ibig ng isang talaytayang magkaroon nang maayos at tumpak na pag-ugnay doon sa sinomang isusugo ng Panginoon, ito ang bahagi na sadyang hindi madaling isagawa.
Kaya nga ang isang talaytayan ay naglalaan ng oras para sa pananahimik. May ilalaan siyang panahon upang sanayin ang kanyang pag-iisip, damdamin at kalooban na maging matiwasay.
Iyan ay isang proseso, isang panuntunan bilang kahingian upang maging tama at ganap ang pakikipag-ugnay sapagkat ang inu-ugnayan, iba sa kanyang dala na may bahagi ng kagaspangan samantalang ang sa kanya ay uugnay nagdadala ng kadalisayan at pinong lakas.
Kaya nga at isang proseso ang pagbabawas ng magaspang na alitigtigin ng kanyang pagkatao. At ito ay nakukuha mula sa pagkilala sa kanyang sarili... kung ano ba ang kanyang inuugali, paano ba siya nakikitungo sa kanyang kapwa.
Paano ba siya nangungusap at nagbibigay ng pangungusap at salita sa kanyang kapwa? Paano ba siya nagbubuo sa pamamagitan ng kanyang pag-iisip sa bawat kanyang nakikita?
Paano ba niya inilalagay ang tungkulin ng pag-iisip, ng damdamin, ng kalooban upang maging timbang ang kalinisang kinakailangan ay siya ring maging repleksyon sa bawat sagisahin ng kanyang pagkatao?
At kung ito ngayon ay maging timbang; anoman ang kanyang makita, marinig, maamoy, madama maging ito ay magaspang pangit at hindi karapat-dapat ngunit ang sagisagin ng isang kaluluwa ay nasanay, napali, nalinang sa gawi ng pagpapakalinis at pagpapakadalisay anoman ang kanyang makita hindi kaylanman mahahayag.
Kung ito ay kapangitan hindi mahahayag ang kapangitan sapagkat ito ay napapalitan ng malinis na lakas at malinis na pusong siyang alitigtiging nagaganap sa isang talaytayan.
Kaya nga ang maging talaytayan ay hindi mabigat kung marunong tumalima, umalinsunod at unawain ang kahingian na dapat niyang gawin.
Kaya nga at bahagi pa rin ng proseso handa siyang magpakasakit; magsakripisyo ng kalayaan ng laman, kalayaan sa pangungusap na ang kanyang pagkakilala ay malaya na ipangusap ang lahat, malaya na ihayag ang laman ng kanyang pag-iisip anoman ito.
Naririyan ang pagpapakasakit, ang sakripisyo, sapagkat ibig mo man na ihayag kung ano ang laman ng iyong puso isasa-alang-alang ng isang talaytayan, makasasakit ka ba ng damdamin ng iyong kapwa?
Ano ba ang ibubunga ng pangungusap na iyong ibibigay sayong kapwa? Paano mo ba ibibigay at ipadarama ang hagkis ng iyong.pagiisip?
Iyan ay sakripisyo sapagkat sinusupil at pinag-aaralan na supilin ng isang talaytayan ang kanyang damdamin, ang laman ng kanyang puso, ang nabubuo sa kanyang pag-iisip sapagkat ang kinakailangang higit na mabuo ang pag-ibig.
Iyan ang higit na kinakailangang mataglay ng isang talaytayan at naroroon ang prosesong daladala bilang kahingian sa sandali ng paghanap ng isang talaytayan. Nag-uugnay ang karunungan at pag-ibig, nagtatambal ang karunungan at pag-ibig na kung ang gaganapin ay ukol sa abotsabi.
Karunungan ang siyang pinahihigit ngunit naroroon pa rin ang katimbang na pag-ibig dangan na nga lamang karunungan ang siyang nakahihigit sapagkat ang diwa ang nakikipag-ugnay sa isipan, diwa ang nakapaloob kaya nga karunungan ang siyang nakahihigit ngunit naroroon pa rin ang pag-ibig.
Ngunit sa isang gumagamot ang nakahihigit ay pag-ibig sapagkat ang ibibigay mo ay ang lakas upang maipagkakaloob ang tamang magnetismo, ang karapatdapat na kalunasan sa isang may karamdaman upang maibsan ang kirot na dinarama ng laman.
Kaya nga ang nakahihigit ay pag-ibig at ang kahigtan ng pag-ibig na ito ay siyang ipagiging produktibo upang ang lakas ay madama ng isang may karamdaman at siya ay tatanggap ng kaginhawahan.
Ngunit kalakip pa rin ang karunungan sapagkat sa bahagi ng pakikipag-ugnay naroroon ang karunungan, ang kaalaman at kabatiran ang siyang nakapaloob.
At sa isang gumagamot kailangan ito sapagkat sa pag-ugnay may iisang sangkap at iisang kalagayang hindi ginaganap ng isang talaytayan sa pamamagitan ng pakikipagabot-diwa.
Ano ang bahaging ito? Ang bahagi ng pakikipag-ugnay at pakikipag angkop sa kalikasan, sa kalagayan ng kapaligiran.
Na, dahil dito ang isang gumagamot gumagalaw sa tatlong bahagi. Umuugnay ang diwa doon sa mga lakas na buhat sa mga sinugo. Na, sa kanyang pag-ugnay ito ngayon ay ipinadadaloy at hinahayaan niya na makapanalaytay sa kanyang katauhan.
At kung ito ngayon ay madama na naroroon na ang pakiki-isa ng dalawang ito. Ang pakiki-isang ito ang siyang gagamitin upang makahalina at makabalani ng lakas sa kalikasan, sa kanyang kapaligiran.
Sapagkat iyon ang siyang sa kanya ay makapagbibigay ng daan upang mahapit at mahalina ang dapat na maging kalunasan na maipadadaloy at maipagkakaloob doon sa isang may karamdaman.
Kaya nga ang pangungusap ng iba, "bakit ganyan, parang tao ang siyang nangungusap at hindi ang Batlaya." Ito ay mga bahaging mababaw, napakarami pa. Isa lamang ang siyang sa inyo ay mabubuksan upang maging prosesong tatalimahin at aalinsunurin ng isang talaytayan.
Ngunit damhin ninyo sa inyong mga puso, kalinisan pa lamang ang nabuksan ngunit gaano na ang haba at lawak na kanyang sinaklaw? Kaya bang tapusin ng isang araw? Kaya bang gampanan at isagawa sa loob ng isang taon?
Hindi; habang may buhay, habang nasa puso mong ikaw ay gaganap bilang isang talaytayan hanggang kamatayan, hanggang sa kabilang daigdigan dala-dala mo ang prosesong ito, ginawa mo ang prosesong ito.
Isinabuhay mo ang prosesong ito kaya nga at sa bawat yugto ng buhay ng isang kaluluwa, ang kalinisan naroroon nadadalisay at iyan ay bahagi kung bakit ang pangungusap ng banal na aklat may bahaging mula pa sa kanyang pagsilang sapagkat nagampanan na naisagawa.
Na sa bawat yugto ang pagpapakasakit upang linisin, upang pawagasin ang kabuuan ng sagisagin ng kanyang kaluluwa na ito ay magiging repleksyon sapagkat siya ngayong ihahayag ng isang pagkatao na ito ay hindi maaring hindi makita.
Kung gayon, ang galaw ng isang laman mula sa pangungusap, sa kanyang pakikitungo sa kanyang kapwa nadarama mo ngayon ang kabaitan, ang kabusilakan at kalinisan sa kanyang puso sapagkat sa bawat yugto ay ginampanan at isinagawa ang proseso ng paghuhubad ng karumhan ng kanyang pagkatao.
Ito ang aking sa inyo ay iniiwan at hanggang dito ang akin sa inyo ay maibibigay. Maghari nawa sa lahat at bawat isa ang tanglaw ng liwanag, ang dalisay na pag-ibig ng Ama at ng Anak ngayon at magpasawalang hanggan. Paalam..
2018-11-18, RAD
Kapayapaan buhat sa mga langit ang maghari sa lahat at bawat isa, ngayon at hanggang sa wakas.
Ang paggawa sa buhay ng bawat tao anoman ang uri at kaparaanan nito ay maituturing na adhikain ng isang kaluluwa upang ang tunguhin ay ang mabuti. At kung itatanong sino ang mabuti ang sagot ng Banal na Kasulatan, walang mabuti. Wala. Wala kahit isa.
At kung ito naman ay ang matuwid ang ibig na ilarawan ang pangungusap din sa Banal na Aklat, walang matuwid. Walang matuwid. Wala. Wala kahit isa.
Dito ba ngayon ipapaloob ang kataga na paghatol at paghusga? Ang pag-angkin ng karapatan. Ang pagbubuo ng karangalan at katanyagan sa isang katauhan? Kung ito ang lalamnan at nilalaman ng kabutihan, bawat gawin ng tao, bawat adhikain ng tao at pangarapin ng tao na ibig nya na magawa lahat ng ito ay tatawagin karapat-dapat.Lahat ng ito ay maibibilang sa mabuting mga gawa sapagkat naroroon sa sandali ng paggawa ng tao ang kanyang kakayahan; ang kanyang kaantasan; ang kanyang kalagayan ng natutuhan at karunungan na tinataglay ang siyang papaloob sa paggawa na adhikain ng kanyang kaluluwa. Sino ngayon ang huhusga?
Hindi iyon matuwid. Sino ngayon ang hahatol? Hindi iyon karapat-dapat. Kaya nga at ang pangungusap, " Lahat ay mabuti. Lahat ay karapat-dapat." Sapagkat iyon ang antas at iyon ang kakayahan na kinalalagyan ng isang kaluluwa. Naglalaban? Oo. May pag-aalitan ang bawat pangungusap at karunungang sa inyo ay inihahayag? Oo.
Sapagkat ganyan ang pagbubukas ng kaunawaan upang makilala ng lahat at bawat isa walang hindi sa Diyos. Walang hindi sa Panginoon at iyan din ay inilarawan doon sa kasaysayan nang ang mga alagad ay lumapit sa Panginoon ukol sa pagpapagaling sa mga may karamdaman na ang wika sila po ay nagpapagaling hindi sa iyong pangalan. Ngunit ang sagot ng Panginoon, “ang hindi laban sa atin ay atin. Ano ngayon ang ipinadadama? Ang PAG-IBIG.
At kung ang pag-ibig ang ipinadadama at kinakailangan na isukli, wala ka ngayon na kikilalanin hindi iyon maganda; hindi iyon nararapat; hindi iyon ang mabuti; kung hindi ang sasa iyo iyon ay pagbubukas sa taglayin ng isang kaluluwa na naroroon pa sa antas na may tabing ang kanyang kaunawaan.
May tabing ang kanyang pagkakilala upang maabot ang higit na kapinuhan ng kanyang diwa; ng kanyang kaunawaan kaya at iisa ang kautusan na inilagda sa kalipunan ng marami o ng sangkatauhan na iba’t iba ang kanyang pananaw; iba’t iba ang kanyang alam; iba’t iba ang kanyang uri ng kabuhayang tinataglay sa iisa doon pinagtali at pinag buklod. Mag-ibigan kayo sa isa at isa.
Ito ngayon ang siyang sa inyo ay ipinamumulat. Ito ang sa inyo ay binubuksan upang madama ng inyong mga sariling walang hadlang. Sa katotohanan, walang sagabal, walang sagwil sa inyong dadaanan sapagkat iisaang batas na siyang dahilan kung bakit ibinigay ang buhay at doon itinali ang lahat at bawat isa, ang batas ng pagsulong. At kung dito ngayon inilagay at inilundo ang lahat sa batas ng pagsulong walang hadlang kung hindi ang mga iyan ay kasangkapan at instrumento upang buksan ang kamalayan ng bawat tao.
At kapag nabuksan ang kamalayan ng bawat tao, doon ngayon mabubuksan ang pagkakilala at pagka-unawa ng lahat at bawat isa upang tunguhin ang pinaka buod, pinaka diwa ng buhay. Na sa pinaka buod at pinaka diwa ng buhay na ito sa pamamagitan ng iba’t ibang uri ng karanasan na inyong sasalungahin doon ang kamalayan ng isang kaluluwa mabubuksan upang maunawaan dalawa ang kanyang buhay na ginagalawan. At ang dalawang buhay na ito na kanyang ginagalawan ay ang buhay ukol sa lupa at ang buhay ukol sa daigdigan ng mga espiritu.
At kung dito ngayon mabubuksan ang kaunawaan ng nakararami sa nabubuhay sa lupa na may buhay sa lupa, may buhay din sa daigdig ng espiritu maunawaan ngayon na ang kanyang dadanasin at karanasan na sa kanya ay darating dalawang bahagi rin at dalawang kalagayan din sapagkat doon ngayon tatamuhin ng bawat tao ang baitang ng kanyang pagsulong. Na kung maunawaan may buhay para sa lupa ang ukol sa lupa ay mangangailangan at maghahanap ng ukol sa lupa.
At kung hahanapin ng tao ang ukol sa lupa at siya ay maliligaw. Siya sa pamantayang nauunawaan ng may bukas ng kamalayan na iyon ay hindi karapat-dapat, ito ba ay maituturing na kasalanan? Ito ba ay maituturing na hindi nararapat para sa kanya? Samantalang ang bahagi na kanyang ginagalawan iyon ang antas na kinakailangan nyang unang tuntungan.
Iyon ang baitang na kinakailangang una niya na madama. Iyon ang unang baitang na kinakailangan nya na magkaroon ng bahagi ng kanyang karanasan upang mayroon sa kanya na maibigay na karunungan at ang maibibigay at mailalapat na karunungan doon ngayon magsisimula ang pagkatuto ng tao upang makilala at maunawaan ang pagkakaiba ng mali, ng tama; ng liko at ng matuwid. Nasaan ngayon ang masama? Nasaan ngayon ang maituturing na naging kanyang pagkakasala. Hindi.
Sapagkat iyon ay pagbubukas para sa kanya. Sapagkat sa gayung uri, sa gayung kalagayan doon siya aangat; doon siya matututo; doon siya uunlad. Doon mahahayag at mabubuksan ang kaalaman at karunungang dala-dala ng kanyang kaluluwa na may lamang ginagamit para ipakipamuhay sa lupa.
Ito ang kalihiman na itinuturing na hiwaga na hindi agad masasambot ng isipan. Hindi agad maipangungusap oo nga, totoo nga kung hindi naroroon habang inyong dinidinig at habang sa inyo ay ipinagkakaloob hindi ba naririyan nabubuksan ang isipan ninyo bakit ganoon? Iyon nga ba ang katotohanan? Ganun nga ba ang kalakaran ng buhay? Iyan ang halaga ng may bukal na pinagkukunan.
Sapagkat pag mayroon ka ng bukal na pinagkukunan ng mga aralin doon mo ngayon nadarama mula sa simpleng buto may karunungan at kaalamang sa iyo ay dumarating kailangang ito ay maparami ko; kailangang ito ay mapagbunga ko.
At sa pamamagitan ng gayung pangungusap na inilalagay ng tao sa kanyang puso bilang pagbubukas ng kanyang kamalayan upang maunawaan kung ano ang landas na kinakailangan mong tahakin upang makarating ka doon sa kaharian ng Diyos.
Magsisimula ngayon ang karunungan ay mahantad at mauunawaan ng tao kapag hawak mo lang ang buto hindi ito dadami sapagkat hindi ito tutubo na ang kailangan ito ay itubo mo, ihasik mo sa lupa sapagkat sa pamamagitan ng iyong pagtatanim sa munting butong iyan doon ngayon magsisimula ang panibagong buhay.
Doon sisibol ang buhay na siyang katuparan ng ipinangungusap mula sa kamatayan magtatamo ng buhay. Mula sa kasiraan tatamuhin ang kanyang kabuuan. Mula sa kadiliman doon ngayon darating ang liwanag; mula sa kaligaligan doon ngayon madarama ang halaga ng kapayapaan. Hadlang ba iyan? Maituturing ba na iyan ay mga sagabal? Maituturing bang ‘yan ay sagwil?
Doon sa kulang at hindi pagbuo para sa kanya, hadlang iyon. Ngunit sa mayroon na ng pinakamaliit na bukas na pagkakilala hindi niya ituturing na ito ay hadlang; hindi niya ituturing na ito ay sagabal; ni hindi niya ituturing na ito ay isang uri ng kalagayang sa kanya ay susupil kung hindi ituturing niyang ito ay isang hamon upang maglagay siya ng lakas ng determinasyon, lakas sa kanyang sarili upang mabuo, buhayin ang pinakamaliit na pananampalataya nadarama niya mayroon siya kaya nga at ang wika, "ang pinakamaliit na butil ng mustasa pananampalataya makapagbibigay ng kapangyarihan upang mautusan mo ang bundok lumipat ka sa kabilang ibayo ng dagat." Iyan ang katotohanan.
Ngunit kung laging ilalagay ng mayroon na ng pagkatuto at mayroon na ng tinanatanggap na aralin ukol sa tunay na liwanag na ang lahat ng sa inyo ay dumarating na hindi nagiging maginhawa sa inyong pakiramdam; hindi nagiging masagana sa inyong puso; lalong hindi nagiging mapayapa para sa inyong isipan, kailan kayo makaaalis sa mababa na inyong kinalalagyan; kailan ninyo mababaka ang inyong kahinaan; kailan ninyo mabubuo ang inyong kasiraan; kailan ninyo maitatayo ang buhay upang ang kamatayan ay ganap na maglaho. Kailan mababaka ng mayroon na ng pagkatuto ang kamangmangan na siya ngayong hiningi bakahin mo ang kamangmangan upang magpatuloy ang pagsulong.
Samakatwid, kapag may hadlang ano ang dala ng inyong puso? Takot na harapin ang pagsubok. Kapag nadarama ninyo na mayroon na ng dumarating na sa inyong pakiramdam kulang kayo ng kaalaman hindi ba nagugulumihanan na kayo? Nag-aalinlangan na kayo sa inyong natutuhan. Sinusukat na ninyo ang kakayahan ng inyong mga sarili.
Hinuhusgahan na ninyo at hinahatulan kung ano ang kaalamang mayroon kayo na iyon ngayon ang nagiging simula upang sumibol hindi ang katatagan ng pananampalataya bagaman ito’y kailangan kung hindi ang pag-aalinlangan may natutuhan na ba ako? Saan kayo nito dadalhin?
Iyan ay mga bahagi puta-putaki na kaalaman na waring hindi ninyo nakikilala; waring hindi ninyo nararamdaman ngunit naririyan hantad, hayag na sa inyo ngayon ay inilalarawan; sa inyo ay ipinadarama.
Samakatwid, ano ang unang baitang upang mabuksan ang inyong mga sarili at kayo’y makapag-impok ng katatagan at katibayan ng inyong pananampalataya upang mula sa inyong paniniwala doon kayo magbuo ng inyong adhikain sapagkat sa pagbubuo ng inyong adhikain mula sa paniniwala na inyo ngayung dala-dala doon sisibol ang pinakamaliit na pananampalataya.
At kapag sumibol ang pinakamaliit na pananampalataya doon ngayon dadating at aagapay ang lakas, ang kapangyarihan sapagkat ano ang pananampalataya kung walang lakas siyang magagamit; kung walang kapangyarihan na siya ay maibabahagi sa inyong paggawa. Kaya nga at lagi nang nagtatambal ang pananampalatayang walang gawa ay baog.
Ang pananampalatayang walang gawa ay patay, walang buhay at iyan ang mga munting kaalamang sa inyo ay inilalarawan, sa inyo ay ipinamamalay upang magkaroon kayo hindi lamang ng matibay na pagtitiwala at pananalig na may Diyos na sa inyo ay gumagabay kung hindi panaligan din ninyo, pagtiwalaan ninyo ang inyong mga sarili kakayayahan.
Sapagkat kung kayo sa inyong sarili ay hindi mananalig, hindi maniniwala na mayroon kayo ng kakayahan at may munti kayo kaalamang tinataglay hindi buhat sa inyo kung hindi buhat sa Diyos ano ang inyong magagawa. May magagawa ba ang isang ibig na magkawanggawa kung sa kanyang sarili hindi siya marunong na magbigay? Wala siya ng ibibigay.
Sino ang maaring makapagbigay ng wala sa kanyang sarili. Hindi ninyo alam kung papaano magmahal, paano kayo ngayon magbabahagi at maghahandog ng pagmamahal?
Hindi ninyo ibig na kayo ay tumanggap ng pagmamahal, paano ngayon ninyo dadamhin ang halaga ng pagmamahal na ibibigay sa inyo ng inyong kapwa samantalang kayo sa inyong sarili inaayawan ninyo na kayo ay makadama; kayo ay bigyan ng pagmamahal sapagkat para sa inyo hindi ninyo ibig na kayo ay kaawaan; hindi ninyo ibig na kayo ay kahabagan at ito ay tanda at simbolo ng kataasan.
Kung gayon sa bahaging ito naririyan ang magkakasama; kagandahang-asal na dapat matutuhan, magandang kaugalian na dapat mayroon sa bawat tao, magandang pananaw na sa pamamagitan ng kagandahang ito doon ngayon niya mauunawaan hindi lamang ang kanyang kapatid ang may kakulangan kung hindi siya rin sa kanyang sarili ay may nagagawa na pagkukulang at mayroon ng kakulangan hindi pa niya naibibigay sa kanyang sarili. Kaya nga ang paglalarawan ang iyong kapwa ay iyong salamin.
At kung ang iyong kapwa ay itinuturing mo na iyong salamin, bawat makita mo sa iyong kapwa hindi mo maaring ihiwalay ang iyong sarili mga gawa. Hindi mo maaring ihiwalay ang iyong anyo, ang iyong katauhan sapagkat ang iyong pagkakilala at pagka-unawa ang iyong kapwa ay iyong salamin na kung ano ang kanyang ginawa hindi mo man ginawa ngayon, ginawa mo ito kahapon.
At kung ito ay ginawa mo kahapon at siya ngayon sa inyo ay ipinakikita, siyang sa inyo ay inihahayag; siyang sa inyo ay inihahantad samakatwid iyon ang sapat at tamang panahon upang buksan ang isang kaluluwa upang kilalanin na siyang unang baitang ng pagkatuto, sino ka?
Kapag naunawaan ng tao ang buod ng araling ito sino ka hindi lamang sa pangalan na kanyang tinataglay; hindi lamang sa katayuan niya sa kanyang buhay na kinalalagyan; hindi lamang ng dahil sa kanyang mga magulang kung hindi sino ka sa kalagayan mo bilang tao na may bahagi ng pagka-Espiritu ng Diyos? Sino ka sa bahagi ng Diyos at ano ang mayroon ang Diyos na mayroon ka. Iyan ay mga tagapagbukas na upang maganap hindi maari na hindi may karanasang sa inyo ay ilalapat.
At sa mga karanasang ito na sa inyo ay ilalapat ito ang itinuturing ninyong hadlang; ito ang itinuturing ninyong tiisin; ito ang itinuturing ninyo na hirap at kahirapan ngunit sa katotohanan iyan ay mga baitang upang kayo ay dalhin sa inyong pagsulong. Iyan ay mga baitang na sa inyo ay inihahatid upang ihantad ang inyong sarili; upang hubaran ang inyong sarili; upang malapnot at mahapak ang tabing ng templo.
Kaya nga sa sandali ng paghihirap ng Panginoon, sa sandali ng Kanyang kamatayan isinama sa kasaysayan ang mga bahagi at iba’t ibang uri bilang bahagi ng buhay - may pagkulog, may pagkidlat, may sama ng panahon naroon ang malakas na pag-ulan, naroon ang pag-aalimpuyo ng hangin hindi ba iyan ay maitutumbas na inyo ring karanasan na mayroon ng mga uri ng sama ng panahon; uri ng hamon ng kalikasan na sa bahaging ito siyang nakapagbukas sa isang kaluluwa upang matanggap sa kanyang sarili tunay nga na ito ang anak ng Diyos.
Hindi ba ganyan din ang inyong nagiging kalagayan na malibang kayo ay dalhin sa ganyang uri ng karanasan na kung saan ay sumisigid, tumataas; dumarating sa pinakarurok ng pagtitiis, ng paghihirap, ng kapighatian doon ngayon may nabubuksan sa inyong puso, may nabubuksan sa inyong damdamin bagaman may nakikipaglaban ang isip, ang puso, ang paniniwala, ang pagkakilala naglalaban-laban ngunit iyan ay pangangailangan sapagkat walang bato na hindi mag-uumpugan at dadalhin sa pag-uumpugan upang pagkatapos nito makita may munting liwanag, may munting kislap na darating at sa pag-uumpugan ng dalawang bato mayroon ng makikita na kapinuhan dito.
Iyan ay bahagi ng buhay at sa pagiging bahaging ito ng buhay saan ninyo ilalagay ang inyong mga sarili doon ba isang kalagayang hindi kayo makatatayo upang hindi kayo makagawa? Saan ninyo ilalagay ang inyong sarili doon ba sa isang kalagayan na hindi kayo makatitindig upang hindi kayo makahakbang? Saan ninyo ngayon ilalalagay ang inyong diwa doon ba sa mga bahagi na susupilin, papatayin ang inyong munti na pagkakilala at munti na karunungan sapagkat kayo ay inilugmok at inilulugmok.
Kung dito ngayon ninyo dadalhin ang inyong sarili hindi ba kayo matatakot sapagkat iyan ang inyo ngayung dapat katakutan sapagkat ang pangungusap pa rin hindi ang pumapatay ng laman ang dapat katakutan kung hindi ang mga bahagi na hindi lamang laman ang pinapatay kung hindi sampu ng kanyang kaluluwa.
Na naroroon pa rin na dapat na maging malawak ang inyong pag-aaral at ang inyong pagsusuri sa kung saan ang ibinigay na halimbawa at sukatan ang nilandas at binigyan ng kani-kanyang kaantasan na may binigyan ng limang talento, may binigyan ng isang talento na ang wika, "iyong isa na nag-iisa na itinago pa, hindi na ipinangalakal itinago pa."
Paano ngayon ito lalawak; paano ito mapupunan; paano ito dadami; paano ito mararagdagan at mayroon ngayon ng ganting galaw at bunga ng kanyang ginawa na sa kanya ay babalik na hindi bigay at buhat sa Diyos kung hindi buhat sa kanyang pagkakilala. Ano ang pangungusap wala ka na, hindi ka na bibigyan sampu ng nasa sa iyo kukunin pa. Hindi ba iyan ay nakatatakot? Wala ka na sapagkat wala ka na ng tinanggap; wala ng sa iyo ay naipuno; wala ng nasa iyo ay naidagdag; wala ng kaalamang sa iyo ay lumago kukunin pa kung ano ang nasa sa iyo!
Ano ngayon ang matitira sa iyo hindi ba iyan ay kawalan? Kung ano ang pinakamaliit na kaunawaan at pagkakilala at ang maliit na pananampalatayang nasa sa iyo ito ay ipinagapi mo nang dahil sa kalagayan ng ukol sa lupa na kasangkapan ng isang kaluluwa upang mag-ipon ng kanyang yaman sadya bang ikaw ay kukunan, ang nasa sa iyo ay kukunin pa saan? Sa paanong paraan? Alin ang kukunin? Ang kapayapaan mo.
Kinukuhang buong-buo? Ang liwanag ng isipan mo binubunot ng buong-buo? Ang tanging pag-asa mo winawasak at sinisira ng buong-buo kaya nga ang tao alam kung ano ang labag sa batas at kautusan ngunit ito ay nagagawa sapagkat ang humahalili galit, poot iyon ang iyo ngayong nakuha sapagkat hindi ka na nabigyan ng kapayapaan.
Ssapagkat hindi mo ito ginamit sa iyong sarili hindi ka pa rin ngayon pinunan kinuha pa ang pinakamaliit mong pag-asa na ikaw ay mayroon na pagkakataon upang makatindig, makabangon, makapagbalikwas, makausad sa iyong sarili upang ikaw ay makagawa sapagkat naunawaan mo ngayon kung ano ang itinuturo bilang unang baitang upang mabuksan ang pagkatuto ukol sa hiwaga ng buhay, ukol sa kalihiman ng iyong buhay na naroroon ang dalawa, daigdigan na sinasabi dalawang laman na pinapag-isa.
Kung iyan ngayon ay inyong mauunawaan lalabas ba kayo ngayon sa lunduyan at sa lundong ito na hindi ninyo maitatayo ang pag-asa sa inyong sarili . Ano ang pag-asang ito? Na walang suliranin, walang problema na hindi may solusyon; na walang pintuan na hindi may kalapat na susi bagaman ito ay nakakandado; na walang madilim na tahanan kung mayroon ng liwanag na sa pamamagitan ng kanyang sangkap na mga kuryente kapag ito ay pinindot mo may liwanag na iyong makikita.
Walang nasungit na panahon na hindi natatapos. Walang masamang panahon gaano man ito kahaba na hindi natatapos. Lahat ng iyan ay natatapos sapagkat pagkatapos ng pusikit na kadiliman may sisikat na araw sapagkat may bukang liwayway.
At kung sa pagsapit ng dilim nawala ang inyo ngayung pag- asa, inilugmok ang inyong pananampalataya naroroon ngayon kapag naunawaan nyo kung sino kayo hindi pa tumitilaok ang manok madarama ninyo may pag-asa ng sa inyo ay nabubuhay, may pag-asa na sa inyo ay magtitindig; may pag-asa na sa inyo ay magbibigay upang iangat ninyo ang inyong mga paa, ihakbang ninyo, ilakad ninyo upang hanapin ang pinaka mabuti na ibig ninyo at adhikain ninyo na sa buhay ninyo ay mangyari.
Iyan ang sa inyo ay ipinagkakaloob kaya nga habang may buhay, may pag-asa. At kung ito ngayon ang siyang mawawala wala ng buhay at wala ng magiging buhay sa bawat tao sapagkat ang dadalhin nya ang kanyang kamatayan na kung saan doon siya ilalagay sa hukay sapagkat ang babangon ang kamangmangan.
Ganito ang pagtuturo; ganito ang pagbibigay ng linaw; ganito ang paglalarawan sa isang kaluluwa na nagbibigay ng pahintulot upang maging malaya ang kanyang pag-iisip, malaya ang kanyang damdamin, malaya ang kanyang puso na hindi niya itinatali doon sa hindi magandang karanasan na sa kanya ay dumarating.
Ibinibigay ng kanyang kapwa kung hindi binibigyan niya ng laya sapagkat ang nasasa kanyang katauhan lahat ng ito sangkap mga materyales upang ang kahingian sa batas ng pagsulong ay maganap sa kanyang pakikipamuhay sa bawat yugto na kanyang pinagdaanan. Ito ang akin sa inyo ay ipinagkakaloob.
Maghari nawa sa lahat at bawat isa ang tanglaw ng tunay na liwanag upang ang bawat aralin na sa inyo ngayon ay idinilig at inihandog maging isang uri ng pagkain na ang idadagdag lakas ng inyong kaluluwa na siya ngayon magbibigay upang ang laman pumaroon sa transpormasyon sapagkat ang tunay na pagbabago ang kanyang isasakatuparan.
Ako sa inyo ay nagpapaalam. Arkanghel Raphael, Paalam.
2011-11-17 ARK RAF-EB
Di lamang sa isang araw ginugunita ang kapaskuhan
Ang kapayapaan ng Panginoon ang sumainyo ngayon at magpakailanman.
Mga iniibig na kapatid, nananabik ang maraming nilikha pagdating ng araw ng pagsilang ng Mesiyas sa kapatagang-lupa subalit uhaw sa kabanalan ang mga nilikhang nasasabik upang itanyag lamang ang isang kapalaluan na dulot ng kayamanang panglupa.
Hindi pa maaaring sumilang sa isang nilikha ang isang kapaskuhan o kaarawan ng Dakilang Panginoon hanggang siya hindi nakakilala ng isang kababaang-loob at isang pag-aaral ng nau-ukol sa Diyos kungdi ang mag nilikhang nagkakaroon ng kadiliman.
Ito ang kinakailangang matutuhan ng mag-aral sa simulain ng dakilang Panginoon di lamang sa isang araw ginugunita and dakilang kapaskuhan kungdi ito ay nagugunita ng tao sa sandaling magkakaroon siya ng pag-ibig sa kanyang kapwa, ito ang siyang nagpapatotoo na sumilang na ang Panginoon sa kanyang pagkatao.
Walang panahon at walang araw isinisilang ang Panginoon sa mga nilkha hanggang hindi natututo at natutuklasan ang katuruang ito na inyong pinagaaralan. Kaya nga at mapapalad ang aking mga kapatid na nalilim sa dakilang simulain ng Espiritismo. Magpatuloy kayo, mga minamahal na kapatid sapagkat hindi kayo magsisisi sa inyong pinag-aaralan.
Iyan lamang at ang kapayapaan muli ang iniiwan ko sa lahat at bawat isa. Paalam.
2008-09-28, LTB
Sumainyo ang pag-ibig at ang kapayapaang nagbubuhat sa iisang Diyos, mula ngayon at magpakailanman.
Sa aking mga iniibig na kapatid sa pangalan ng Panginoon, ano nga kayang
nakikita niyang kaibahan sa bawat pakikipagniig niya sa mga kabatlayaan
sa mahabang panahong itong kanyang ginagawa?
May nadarama baga kayo aking mga iniibig na mga kapatid, mula sa inyong
mga sarili upang tunay nga ninyong nasain na ang bawat sandaling kagaya
nito ay maging __ sa inyong mga puso? Mayroon nga bang kaibahan ang
bawat pagtitipon?
Bawat bahagi ba ng tipan na tulad nito ay totoo ngang magiging bagong
kasuotan ng bawat isang mananampalataya sa iisang Diyos? Bakit ko ito
itinuran sa aking mga iniibig? Sapagkat hindi na nga nalilingid sa puso
at kaisipan ng bawat isa na kung ang mga bagay na inyong ginagawa ay __
mga tao, hindi baga kayo gumagawa lamang ng mga bagay na ito dahil sa
sinasabi ng inyong tradisyon? Sinasabi ng inyong kultura?
Sinasabi ng inyong matatanda? O ginagawa nyo baga ang pakikipagtipang
ito sapagkat naririto mahigit na mas malalim na kadahilanang umaakibat
sa isang pagkatao na ang bawat sandaling katulad nito ay tulad ng mga
panibagong hain, nakahanda ang bawat isang tumikim ng panibagong pagkain
nagmumula sa Diyos?
Ngunit ano nga ba ang bagong hain? Tulad ninyong mga tao aking mga
iniibig na mga kapatid,ano baga ang madalas ninyong nakikita sa hapag na
kainan kung saan kayo dumudulog? Ang kanin bang naihain niyong una ay
hindi pa rin ba kanin ang tawag kung maihahain ngayon?
Ito marahil ang kadahilanan, nasanay na lamang ang tao na ang kanin ay
laging nasa ibabaw ng kanyang mesa at lagi siyang nahahandang ito’y
kainin? Ngunit ano nga ba ang magigigng pananabik pa ng tao kung lagi
ang kanin ay nakahain sa hapag kainan?
Ganito rin niyo ba inaasahan ang bahagi ng katwiran ng Diyos, ang
kanyang mga aral? Inihandog ko ang bahaging ito na hinalintulad ko sa
hainan ng pagkain sapagkat ang salita ng Diyos ay ang pagkain ng isang
kaluluwa.
At kung ang isang tao sa kanyang pamumuhay sa laman ay hindi nagging
mapili sa mga bagay na sinusubo niya sa kanyang bibig, nalalaman niyo
kahit ang pagkain ay lubos ang sustansiya anumang labis ay nauunawaan
niyo at ito ay maaring magkaroon ng isang bahagi- ano nga kaya ang
salita ng Diyos kung ito man ay lumabis o magkulang? Ano ang kanyang
maibibigay sa bawat isang nakikipagisa?
Kumakain baga kayo ng tama aking mga iniibig? Kung makuha man ang sapat
na sustansiya ng bawat pagkain, nalalaman din niyong itoy kailangan
niyong igalaw upang ang mga sustansiya ay maging kapaki-pakinabang sa
inyong mga sariling laman.
Ano naman kaya ang sustansiya ng salita ng Diyos na inyong nakakai sa
panahon ng inyong pakikinig? Ito rin kaya ay naigagalaw at naisasagawa
ng isang tao upang maging kapakipakinabang naman sa kanyang kaluluwa?
Mga iniibig na kapatid sa pangalan ng Panginoon, lubha atang napakababaw
ng bahaging aking ibinibigay sa bawat isa. Sapagkat narito ang aking
paghahandog ay tila payak na hain.
Inihalintulad ko lamang sa mga bahagi na palagi ninyong ginagawa, ang
pagkain, ang pagdulog sa hapag. Ngunit ganito rin ba ninyo
pinapahalagahan at ginagawa ang pagdulog kung kayo ay nasa hapag ng
Panginoon?
Sapagkat hindi nga lahat ng panahon ay panahon ng pagaanyaya aking mga
iniibig na kung papaano winika ng dakilang Panginoon na Siya’y nagbigay
ng isang piging para sa kasintahang lalaki hindi lahat ng panahon ay
magiging piging at aanyayahan palagi ang bawat isa.
Kapag darating ang mga panahon na kayo man ay maghahain ng panibagong
piging alang alang sa inyong mga sarili, at dito sino ang inyong
pakakainin?
Sino ang inyong magiging pangunahing panauhin? Sapagkat kung sa
kapanahunan ng Panginoon ay marami ang tumanggi sa ibat-ibang
kadahilanan at kaparaanan, paano pa kaya kung kayo ang tumatawag?
Sino nga kaya ang dudulog sa hapag na inyong pinagpagalan?makakatikim
kaya sila ng kasiyahan sa bahagi na inyong binigay? At ang mga pagkain
na naihain kaya ay sapat ang kanilang mga sustansiya upang sinumang
tumikim ay walang kaluluwa na makakadama pa ng kakulangan sa kanyang
bahagi kundi bagkus ito’y magsisilbing sustansiya at lakas upang ang
sinumang makakain ay magpapatuloy hanggang sa wakas?
Ano nga ba ang pagkain na inihain ng Panginoon na dapat kainin ng isang
kaluluwa? Tunay nga bang ito’y matatagpuan lamang sa mga lunduyan?sa mga
bahay-dalanginan? Tunay nga aking mga iniibig na mga kapatid, ito’y
matatagpuan niyo kahit sa inyong mga sarili sapagkat kailanman noong
nilikha ng Diyos ang tao, hindi Niya ito binigyan ng bahagi na kulang,
binigay Niya ang kabuuan ng Kanyang sarili na tunay ngang kawangis ng
tao upang walang kaluluwang sinuma’y manumbat, siya’y binigyan Niya ng
kulang at ang kanyang kapwa ay labis.
Dito binigay ng Diyos ang Kanyang pag-ibig ayon sa pagkapantay-pantay sa
tunay na layunin ng pag-ibig at kung napagmamasdan ng bawat tao ngayon
ang pagkakaiba ng kanyang kalagayan, kaanyuan at anumang larawan, hindi
nangangahulugan na ang Diyos ay nagbigay ng labis sa isa at kulang sa
iba.
Kundi pinatutunayan lang ng Panginoon sa pagsisikap ng tao anumang
maliit na bagay na kanyang inihandog ay maari itong pagyamanin at sa
katamaran ng isang tao anumang bagay na mabuting inihandog ng Diyos ay
maaring mamatay sa kanyang sarili kung hindi niya bibigyan ng panahon na
ito’y pangalagaan.
Kaya nga, kung patuloy ang aral na inihain tulad ng isang kanin sa hapag
kainan, paulit-ulit na ibinibigay,harinawa nandun pa rin ang pananabik
ng isang manananalampalatayang makarinig ng salita ng Diyos,makadama
naman ng tunay na pag-ibig at kung ang lakas na iyan na humahagi sa
kanyang pagkatao, nandoon din ang kanyang sariling di napapagod gumawa
ng kabutihan alang-alang sa tunay na layunin ng Panginoon.
Mga iniibig na kapatid sa pangalan ng Panginoon, tunay nga, maraming
bagay ang inaaring katuwiran ng tao sa kanyang puso sapagkat lahat ng
katuwiran na ninasa ng tao ay lagi niyang ginagawa ayon sa kanyang
kaligayahan.
Ngunit kung ang tao ay mananaliksik ng malalim sa tunay na diwa na
kanyang pinag-aaralan, sa layunin ng dakilang sanlibutan,madarama ng tao
na ang layunin ng Panginoon ay gawin ang bawat isang maalam at matalino
upang kailanman ay hindi na siya magiging alipin ng kamangmangan.
Makikita niya ang katotohanan na hayag sa kanyang harapan na ang kanyang
isip ay magkaroon ng isang uri ng pananggap na nakakaunawa sapagkat
tunay ang winika ng Panginoon kahit kayo’y makakita ng isang libong
tanda kung hindi bubuksan ng langit ang inyong mga pang-unawa, hindi
magkakaroon ng lalim ang pag-aaral sa bawat isa.
Kaya nga ang laging dapat hinihingi ng bawat isang mag-aaral ay ang awa
at kahabagan ng Diyos,na sa gitna ng lahat ng mga nangyayari sa inyong
kapaligiran, mula sa inyong mga sariling buhay ay mabigyan Niya kayo ng
sapat na karunungan upang ito’y maunawaan at kung inyong maunawaan ay
magkaroon kayo ng pusong mapagyakap sa pagtanggap at ganun din ang mga
nagpapatuloy sapagkat kung nalalaman ninyo hindi doon Siya sa sumusuko
kundi doon Siya sa nagpapatuloy at walang hangad ang bawat isang Kanyang
sinusugo kundi ang bahaging ito ay maibukas palagi Niya inyo bilang
isang paalala tulad ng kanin na inihahain lagi sa inyong hapag kahit
ito’y iba’t-ibang uri ng kaparaanan ng kanyang paghain, nandoon pa din
ang pananabik ng tao, hinahanap ang lasa ng isang payak na kanin.
Ganyan din nawa niyong nasain, hanapin ang payak na aral ng Panginoon na
ang tanging layunin ay ibigay sa inyo ang tamang kabusugan, tamang
kalakasan sa bawat panahon na kayo’y nabubuhay.
Ito lamang ang aking bahagi sa aking mga iniibig na kapatid at mula sa
pag-ibig ng Diyos ay inihahandog ko muli ang Kanyang pag-ibig at ang
Kanyang kapayapaan mula ngayon at magpakailanman. Paalam, ako ang sa
inyo’y nakibahagi sa mga sandaling ito, paalam.
2008-05-18, LTB
Sumainyo ang kapayapaan ngayon at magpakailanman!
Mga minamahal na kabig ng Panginoon, kung naghahangad ang tao ng isang
paniniwalang makapagaahon sa kanyang pagkakasala ay hindi nangangako
kung hindi gumagawa sapagkat ang pangako ay natutupad ng tao kung ito ay
masagana. Hindi man karapat-dapat na banggitin ang aking pagkatao sa
inyong kalagitnaan, mga minamahal na kapatid.
Paos na ang tinig ng kabatlayaan. Wala na halos lakas kung ito man ay
may katawan laman nagiinda ng kahirapan at pagod.Bakit ko nasusumpungan
sa kalagitnaan ng mapalad na lunduyang ito na pinangarap ng maraming
kaluluwa, ang munti ang bilang. Salamat sa mga nilikhang taga-ibang
lugar nakararating at hindi iniinda ang mabawasan ang kaunting sentimo
sa kanilang lukbutan samantalang ito'y maibibili ng kanilang ikabubuhay
Hindi ako nanunumbat, kung hindi ako ay tumatakal ng mga bagay na maaari
ninyong maging pagkain pagdating ng panahon. Hindi ko sinusukat ang
kakayanan, kung hindi ako ay naghahangad na makita ko ang katotohanan
naiwan nakasalamin sa inyong sariling pagkakakilala.
Hindi ko sinisira na hindi kayo mananampalataya, sapagkat sumasampalataya ang tao upang maging matibay ang kanyang makilala kung sino siya at kung Sino ang higit na makapagyayaring hindi maaaring usigin ng alinmang batas ng tao.
Magpuri kayo at magpasalamat mga minamahal na mga kapatid. Gahol man ang panahon ng kabatlayaan sa lahat ng lunduyan, hindi ko kayo pababayaan mangulila sampu man nang kayo ay magkaroon ng kahirapan at sukatin ang kakayahan ng lahat at bawat isa’y hindi kayo pinabayaan kailanman.
Iniibig na mga kapatid, humayo kayo kung saan ninanasa ng inyong pang-unawa sa mga lunduyang kapos sa pang-unawa, nagkakampi-kampi, nagkakaroon ng patakarang ang Kristo, ang Diyos, ang siyang nagiging dahilan ng pagkakawatak-watak ng alin mang samahan natatag sa bansang inyong kinadoroonan.
Hindi ko kayo binibigyan ng panghina, kung hindi pinalalakas ko ang inyong pang-unawa. Sapagkat ang malakas ang pang-unawa ng tao ay maaaring maraming maakit, magmula sa loob ng kayang tahanan, hanggang sa kanyang kapaligiran. Naakit ng kanyang mga kilos at mga gawaing hindi maaaring pantayan ng kislap ng salapi na pinamumuhunan ng maraming buhay.
Ano nga ang karunungan na ginagamit sa panlalamang? Pakikinabangan ng tao ang karunungan kung ito ay gagamitin sa kabutihan. Ngunit bakit sa panahon ng paghihikahos ng tao’y nagkakaroon ng kasakiman ang marurunong? Naghahanda ng isang kinabukasang punong-puno ng pag-ibig na nagkukunwari. Saan naroroon ang pananampalataya ng tao? Wala mga iniibig na kapatid. Sapagkat kung ito ay mayroong batas na sinusunod sa likod at sa harapan lang.
Mga minamahal ko, katotohanang-katotohanang sasabihin kong ang lahat ng gutom ay nabubusog ng magandang pangarap ng tao, ang gutom ay napapawi ng magandang kinabukasang nagbibigay ng isang kaaya-ayang umaga.
Mga minamahal na kapatid, hindi ako pakakahaba sapagkat ang alin mang mahabang bagay ay kina-iinipan ng tao, kahit na ang daang patungo sa Panginoon, naiinip ang tao upang marating ang lugar na kinaroroonan ng Banal na Salita ng Panginoon “Tulungan mo ako”, sapagkat sa pagtulong mo sa akin Ama, naroroon ang kahalagahan ng salitang “Hindi kita pababayaan, at nga ay isasama ka pa sa langit.”
Mga iniibig na taong makatotohanan, suriin ninyo ang inyong sarili sapagkat baka kayo ay nalalapitan ng anay na walang tinatakwil na sirain, maging ang kamagong na kahoy, at sa tigas nito ay nauukit, nasisira ng anay na walang pagkakakilala sa mabuti at masama.
Kapayapaan ang aking iiwan sa lahat at bawat isa, ngayon at magpakailanman! Paalam,Arkanghel Raphael.
2008-05-05
Sumainyo ang kapayapaan ngayon at magpakailanman!
Mga minamahal na kabig ng Panginoon, kung naghahangad ang tao ng isang paniniwalang makapagaahon sa kanyang pagkakasala ay hindi nangangako kung hindi gumagawa sapagkat ang pangako ay natutupad ng tao kung ito ay masagana. Hindi man karapat-dapat na banggitin ang aking pagkatao sa inyong kalagitnaan, mga minamahal na kapatid.
Paos na ang tinig ng kabatlayaan. Wala na halos lakas kung ito man ay may katawan laman nagiinda ng kahirapan at pagod.Bakit ko nasusumpungan sa kalagitnaan ng mapalad na lunduyang ito na pinangarap ng maraming kaluluwa, ang munti ang bilang?
Salamat sa mga nilikhang taga-ibang lugar nakararating at hindi iniinda ang mabawasan ang kaunting centimo sa kanilang lukbutan samantalang ito'y maibibili ng kanilang ikabubuhay.
Hindi ako nanunumbat, kung hindi ako ay tumatakal ng mga bagay na maaari ninyong maging pagkain pagdating ng panahon. Hindi ko sinusukat ang kakayanan, kung hindi ako ay naghahangad na makita ko ang katotohanan naiwan nakasalamin sa inyong sariling pagkakakilala.
Sapagkat sa alin mang bagay na madama ng tao, kabusugan at kagutuman na hindi maaaring takasan ng anuman at sino ay daramasin ng tao upang makilala niya at makita ang tunay na daan, at ang tulay ng pag-ibig na maaaring isagawa ng tao na kung ito ay dumating na sa takdang panahon sa kapatagang lupa'y walang magagawa ang alin mang pananampalataya.
Hindi ko sinisira na hindi kayo mananampalataya, sapagkat sumasampalataya ang tao upang maging matibay ang kanyang makilala kung sino siya at kung Sino ang higit na makapagyayaring hindi maaaring usigin ng alinmang batas ng tao?
Sapagkat ang batas ng Panginoon ay batas na hindi maaaring mawala, kaunti man ang Kanyang kabig at sa abot nang kakayanan ng mga kabig ng Panginoon na nagiging matapat sa kanyang tungkulin hindi babayaang mawala sa tali.
Sapagkat ang tali ng Panginoon ay hinihila kung ito ay lumuluwag, at kung lumuwag na ito ay saan pupunta ang tinaliang nilikha? Hindi baga maghahanap ng maraming tibo ng pagkakasalang nakakalat sa sanlibutang inyong kinaroroonan.
Magpuri kayo at magpasalamat mga minamahal na mga kapatid. Gahol man ang panahon ng kabatlayaan sa lahat ng lunduyan, hindi ko kayo pababayaan mangulila sampu man nang kayo ay magkaroon ng kahirapan at sukatin ang kakayahan ng lahat at bawat isa ay hindi kayo pinabayaan kailanman. Kung hindi lagi kayong nabubusog sa espiritu, sa kaluluwa at sa lamang inyong ginagamit sa panahong ito.
Magpapatuloy kayo, mga iniibig na kapatid, hindi lamang kayo namanata ng kayo ay gumaling sa inyong mga karamdaman, kung hindi ang karamdamang iyan ang naging dahilan nang maraming pagtupad ng inyong tungkulin.
Sapagkat kung hindi daramahin ng tao ang karamdaman ay mawawala siya sa sarili at hindi na niya maaalalang ang kinabukasang maghahandog ng maganda at pangit na bagay na siyang kukunan ng magandang aralin sa buhay na iyan.
Iniibig na mga kapatid, humayo kayo kung saan ninanasa ng inyong
pang-unawa sa mga lunduyang kapos sa pang-unawa, nagkakampi-kampi,
nagkakaroon ng patakarang ang Kristo, ang Diyos, ang siyang nagiging
dahilan ng pagkakawatak-watak ng alin mang samahan natatag sa bansang
inyong kinadoroonan.
Hindi ko kayo binibigyan ng panghina, kung
hindi pinalalakas ko ang inyong pang-unawa. Sapagkat ang malakas ang
pang-unawa ng tao ay maaaring maraming maakit, magmula sa loob ng kayang
tahanan, hanggang sa kanyang kapaligiran.
Naakit ng kanyang mga kilos at mga gawaing hindi maaaring pantayan ng kislap ng salapi na pinamumuhunan ng maraming buhay. Ano nga ang karunungan na ginagamit sa panlalamang?
Pakikinabangan ng tao ang karunungan kung ito ay gagamitin sa kabutihan. Ngunit bakit sa panahon ng paghihikahos ng tao’y nagkakaroon ng kasakiman ang marurunong?
Naghahanda ng isang kinabukasang punong-puno ng pag-ibig na nagkukunwari. Saan naroroon ang pananampalataya ng tao? Wala mga iniibig na kapatid. Sapagkat kung ito ay mayroong batas na sinusunod sa likod at sa harapan lang.
Mga minamahal ko, katotohanang-katotohanang sasabihin kong ang lahat ng gutom ay nabubusog ng magandang pangarap ng tao, ang gutom ay napapawi ng magandang kinabukasang nagbibigay ng isang kaaya-ayang umaga at sa pag sikat ng araw ay nangangangako sa tao ng panibagong pag-asa at buhay, upang sa pamamagitan ng lakas ng katawang iyan ay makahanap ng ipagaandong sa buhay ng tao, sa kaluluwa, sa asal at sa kalooban.
Upang ang tatlong haring magong ninanasa ng tao at lagi na lamang tinataglay sa loob at labas ng mga simbahan na kung panahong nang wikang ay “Mahal ang Araw”.
Ngunit hindi ko masumpungan ang katotohanang ang lahat ng bagay na inaawit ng tao ay hindi nagugulang-gulang niya nabibigyan ng magandang kahulugan sa buhay na matutunan ng tao ang salitang “Ama ko, wag mo akong pababayaan”, hindi ka na susumbat pa na “bakit ako pinabayaan?”, samantalang nakakakilala ako ng mabuti at masama sa siyang magiging dahilan ng tunay na pag-aaral ng aking sariling pagkakakilala.
Mga minamahal na kapatid, hindi ako pakakahaba sapagkat ang alin mang mahabang bagay ay kina-iinipan ng tao, kahit na ang daang patungo sa Panginoon, naiinip ang tao upang marating ang lugar na kinaroroonan ng Banal na Salita ng Panginoon “Tulungan mo ako”, sapagkat sa pagtulong mo sa akin Ama, naroroon ang kahalagahan ng salitang “Hindi kita pababayaan, at nga ay isasama ka pa sa langit.”
Mga iniibig na taong makatotohanan, suriin ninyo ang inyong sarili sapagkat baka kayo ay nalalapitan ng anay na walang tinatakwil na sirain, maging ang kamagong na kahoy, at sa tigas nito ay nauukit, nasisira ng anay na walang pagkakakilala sa mabuti at masama.
Managano kayong mga iniibig na kapatid sa pag-aaral ng espiritismo, sapagkat ang batas ng espiritismo, hanggang sa dulo ng daigdig na kinadoroonan ng maraming uri ng kaluluwa ay magiging malakas ang batas ng Espiritismo sapagkat ito’y walang tinatangi, at ang pag-ibig ang naghahari lagi na.
Kapayapaan ang aking iiwan sa lahat at bawat isa, ngayon at magpakailanman! Paalam,
2007-11-18, LTB
Pagsilang ng isang Kristo
Sumainyo ang pag-ibig at ang kapayapaang nagbubuhat sa iisang Diyos mula ngayon at magpakailanman!
Tunay nga na hindi na maikakait ang magiging kadahilanan ng maraming bagay, sapagkat sa bahagi ng bawat aralin isaysay man ng ebanghelyo, kahit saan ang pag-alala sa tunay na diwa ng pagsilang ng isang Kristo ay laging mahalaga. At kung ito man ay ginagawa ng tao bilang isang uri ng tradisyon, paano naman ito gaganapin ng bawa't isa na tinuturuan sa paaralan ng espiritismo?
Ito baga ay tulad pa rin sa isang tradisyon? At kung ang pagsilang na nga ay natabunan na ng isang kamatayan, ano pa ang magiging halaga nito sa isang mananampalataya upang mulit muli niyang balikan ang isang ala-ala upang patuloy sa kanyang puso lagi niyang binubuksan ang isang pintuan na muling isisilang sa kanyang pagkatao ang isang Kristo?
Ano nga ba ang bahaging ito aking mga iniibig na kapatid? Bakit nga ang pagsilang na iyan ay napakahalaga sa isang mananampalataya, sa isang manaliksik ng karunungan at katuwiran ng Diyos?
Isang napakahalagang bahagi na dapat maunawaan ng sinumang kaluluwang nagnanasang maglingkod sa pangalan ng Panginoon. Sapagkat napag-uunawa na ninyo na walang bagay na hindi nagsisimula sa maliit niyang bahagi upang angkinin ng kanyang kabuuan na bumibilang ng maraming taon, maraming pag-aaral, at maraming pagsisikap.
Kaya kung ang lahat ng bagay ay nagsisimula sa isang pagsilang, nasino na ba ng aking mga iniibig na mga kapatid mula sa kanyang sarili sa panahon ng kanyang pakikipagniig sa sanglibutang ito, ano na ang mga bahaging naisilang na bunga ng katuwiran ng isang Kristo sa kanyang pagkatao?
Tunay nga bang sumilang ang kababaang loob aking mga iniibig? At kung kababaang loob ang siyang pagtutuunan ng isang pansin gaano ninyo nauunawaan ang salitang ito, at paano ninyo naibibigay ang bahagi ng inyong sarili kung ang kababaang loob na nga ang ibig ipahayag sa inyong mga paggawa?
Nandyan din maririnig ninyo sa bahagi ng pagsilang ng dakilang Panginoon ang isang tunay na pagbibiyaya. Kaya nga sa tatlong hari na naghandog sa Kanya ng ginto sapagka't tunay na mula sa Kanya ang isang uri ng kagintuan ay lilitaw.
Mula sa Kanyang mga gawa, mula sa Kanyang mga aral, mula sa Kanyang hangarin, mula sa Kanyang pagpapatunay, dumaan sa proseso upang mula sa mga uri na mga metal na nakadikit dito ang tunay na ginto o ang lantay na ginto ay mapalitaw.
Ito rin ba'y natatanggap ng bawat isa sa inyo na darating ang mga araw at marami pang panahon kayo man ay daraan sa isang uri ng proseso upang palitawin ang tunay na ginto sa inyong mga pagkatao? Sapagka't ang proseso ay madaling pag-usapan aking mga iniibig nguni't ang dumaan sa bahagi ng bawa't apoy ng pagsubok ay hindi nagiging gayon ang nagiging damdamin ng tao.
Sapagkat ito ang nagiging kadahilan minsan kung bakit maraming kaluluwa ang tinatawag ninyong nangatisod sapagka't hindi nila matanggap ang bahagi ng proseso na dinadaanan ng tunay na mananapalataya ng Diyos.
Kaya nga at sa bahaging iyan, tunay na ang pagtitiis ay kaakibat ng isang pagsilang sapagka't sa oras na ang tao ay magbukas ng kanyang pintuan sa kababaang loob, sa pagbabago, hindi maaaring hindi siya dumaan o dumanas ng mga tiisin sa buhay lalo na sa pagpipigil sa kanyang sarili sapagka't wala ngang may pinakamabigat na kaaway ang tao kundi ang kanyang pagkatao.
Sapagka't mula rito ang pagsupil ay una niyang gagawin upang kung magampanan niya ang matuwid na pagsupil ng kanyang sarili ay mauunawaan din niya kung paano niya matutulungan ang isang kapwa na supilin din ang kanyang kahinaan.
Aking mga iniibig na mga kapatid, nalalaman ko kung kayo'y mga magulang isa sa mga paraan ng inyong pagdisiplina sa inyong mga supling ay pilit ninyo silang pinapalo, pinagagalitan o hinihigpitan upang maipakita lamang at maipadama lamang nyo sa kanila na ang kanilang mga ginagawa ay lubhang may kamalian at ninanasa ninyo na sa bahagi ng inyong mga pagkatao ay maibigay ay ang bagay na matuwid.
Ano pa kaya ang Diyos aking mga iniibig, na wala Siyang ninasa kundi ang tao ay makakita talaga ng tunay na liwanag at pagkakita niya ng tunay na liwanag ay nasain niya itong lagi na at hanapin at ito ang kanyang magiging gabay upang makarating sa tamang tahanan.
Ano pa nga kaya ang Dakilang Ama sa Kanyang sarili aking mga iniibig na ang bawat isa'y Kanyang tunay na mga anak sa tunay na diwa ng pag-ibig at pananampalataya? Na hindi niya bibigyan ng panahon upang ang mga ito'y magsipagbalik loob sa Kanya?
Lahat ng bagay ay ginawa ng Kaitaasan upang ang mga anak na iniibig ay lumapit muli sa Kanyang palad. At sa panahon na ito aking mga iniibig, kahit laganap na ang tinatawag na Kristianismo o mga aral o turo na patungkol sa dakilang Panginoon, kayo na rin ang nagiging saksi hindi lahat ng puso ay tulad na malinis na walang ninanasa kundi ibigin ang kanyang kapwa katulad ng kanyang sarili.
Sapagka't kung iniibig na nga tao ang kanyang kapwa na tulad sa kanyang sarili, ano pa ngang sigalot nagaganap? Sa ano pa ang mga bahagi ng pagugulumihanan ay lumilitaw hindi lamang nagpapatunay, aking mga iniibig, ang bawa't bahagi naturan ng tao ay hindi pa siya nagkakaroon ng sapat ng lakas ng loob upang ito'y mabigyan ng buhay sa kanyang pagkatao.
Kaya nga sinimulan ko ito sa maliit na bahagi ng pagsilang, tunay nga ba aking mga iniibig isinilang na sa inyo ang isang Kristo sa inyong pagkatao? At ang Kristo na iyan na isinilang na sa inyong pagkatao, dumating na rin ba ang kamatayan ng inyong tunay na sarili upang ang muling pagkabuhay sa pangalan ng Panginoon ay maganap sa bawat isa sa inyo?
Ito nga ang magiging kaibahan ng bawa't isa kung siya ay tunay na nananampalataya sa Panginoon sapagkat tunay marami ang tumatawag sa Kanyang pangalan katulad nga ng winika "hindi lahat ng tumatawag darating ang panahon ay pagbubuksan sapagkat hindi lahat ay naging kalugod lugod sa Kanyang harapan".
Hanapin ninyo aking mga iniibig mula sa inyong mga sarili ang katapatan ng isang layunin sa inyong pagkatao na wala kayong ninanasa kundi matupad ang kalooban ng Diyos sa pamumuhay ninyo at sa inyong mga paggawa upang ang Espiritismo, na siyang naging paaralan ng maraming kaluluwa, ay tunay ngang magkaroon ng kanyang maraming sanga na sasakop sa maraming kaisipan, damdamin at kalooban na wala ding tanging layunin kundi palaganapin ang mabuting balita sapagkat ito ang katuwiran ng dakilang Panginoon.
Ito lamang ang sa inyo'y aking ibinibigay at muli ang pag-ibig at ang kapayapaan ang maghari sa bawa't puso ngayon at magpakailan pa man. Paalam, ako ang sa inyo ay nakibahagi sa mga sandaling ito. Paalam.
2007-09-23, FBT
Ang mga dakilang pagpapala ng Panginoon at sumainyo ang kapayapaan mula ngayon at magpakailan pa man. Mga minamahal na kapatid, sa kasalukuyang nagtitiyaga nawa'y manatili kayong makatagal sa inyong kinaroroonan. Habang kayo ay nagsisikap at kayo ay nagpapatuloy sa inyong mga gawain, nadaragdagan, nagiging matatag ang inyong mga paa.
Katotohanang katotohanang nasa inyo ang kapayapaan at nasa inyo ang dakilang biyaya na pinagkakaloob ng Kaitaasan. Ganyan kayo mga minamahal, manatili kayo sapagkat ang biyayang ipinagkakaloob ng Kabatlayaan ay hindi lamang sa isa, hindi lamang sa dalawa kundi sa lahat at bawat isa sa inyo.
Nawa ay manatili ang bawat isa'y maging matatag. Marami kayong kapatid na kinakailangan ng inyong makakain, marami kayong kinakailangang busugin ng biyaya ng Panginoon.
Huwag kayong magsasawa, inuulit ulit ko. Hindi ninyo pababayaan ang ibinababa ng kabatlayaan sa inyo, sapagkat habang may isang nagtitiyaga at nagtutotoo ay manatili kayo at ang lahat ay mananatili. Patunayan ninyo na kayo'y magpapatuloy at hindi ninyo gagawing laruan ang mga bagay na iyan.
Mga iniibig na kapatid, ang kabatlayaan ay hindi kailanman nagsasawa, manatiling matatag, mananatiling inihahanda ang kanilang mga kalooban at ang inyong mga kalooban sapagkat hindi Niya pababayaang mangulila ang bawat isa.
Magtulong tulong kayo at hindi kayo mangungulila kailan man. At ang bawat isang nagsisikap na makapagbibigay ng magandang halimbawa na sa kanila ay nagsisisunod at darating ang panahon na hindi ninyo hahanapin kundi kusang darating sa inyong pagkatao ang biyaya at ang mga ipinagkakaloob ng kabatlayaan.
Humayo kayo mga iniibig na kapatid at nawa'y maging matatag ang inyong mga sarili at nawa'y maragdagan ng lakas ang bawat isa lalo na ang aking kasangkapan.
Nawa ay ang biyaya ng Panginoon ay sumainyo ngayon at magpakailan man. Paalam ang inyong patnubay.
2007-08-12, EB
Kapayapaan ang sumainyo ngayon at magpakailanman!
Mga iniibig na kapatid, mga iniibig na kapatid na naghihirap at
nagpapakasakit. Naririto kayo ngayon upang suriin ang mga bagay na
lampas ang antas sa karunungang pantao. Samantalang ako'y nakaluklok at
hinahanap ninyo ang katotohanan sa katuruang Espiritismo'y hindi kayo
mabibigo kailanman at kayo ay may katapatan sa inyong paniniwala.
Ngunit katotohanang, katotohanang, sasabihing kong ang lahat ng bagay na
matututuhan ng tao'y magdadaan sa maraming uri ng pagkakamali upang
maiwasto ang tunay na katotohanan na kanyang matututuhan.
Mga iniibig na Espiritista, mga iniibig na nagpapalaganap ng katotohanan
at pag-ibig sa sangkatauhan, sa naroon sa panahon ng pangangailangan ng
lahat at bawat isa. Hindi baga kayo ay nagkakaroon ng panghinaha at
naglilimayon kayo sa iba't-ibang uri ng paningin. Paninging lumalampas,
lumilipas ng panahon ngunit nag-iiwan ng konting karunungan sa inyong
mga kaalaman.
Mga iniibig na kapatid, hinahanap ng higit na marurunong sa matataas na
paaralan, na ginugugulan ng maraming salapi ng kanilang magulang
alang-alang daw sa kinabukasan ng kanilang mga bunso. Ngunit nasaan ang
katotohanan mga minamahal ko? Hindi baga nagsisimula sa karunungan ng
tao ang maraming kaguluhang nagaganap sa sangkatauhang iyan?
Sinupin ninyo sa kabuuan ng inyong mga mahal na pamilyang ang isang panalanging nagbubuhat sa inyong mga puso, na kakambal ang tunay na pag-ibig at paggawa upang maakit, magmula sa inyong kapaligiran.
Ngunit bakit ako nakakasumpong, marami ang tahanang walang kapayapaan. Ayaw magsindi ang ningas ng ilawan upang itanglaw sa apat na sulok nang kanilang mga tahanan.
Bakit ako nagkakagaroon ng pagkakataong manumbat mga iniibig na kapatid? Panahon na upang gisingin ng lahat at bawat isa. Una ninyong akayin ang inyong mga sarili sapagkat hindi kayo makapag-aakay mga iniibig na kapatid na hindi nyo aakayin ang inyong sariling pagkatao upang makita ang katotohanan ng inyong natututuhan sa loob nang paturuan ng Espiritismo.
Kumakamay ako sa lahat at bawat isa. Hindi nangangahulugang nagtagumpay na kayo mga minamahal ko, kung hindi maakay nawa ang lahat at bawat isa sa tunay na paggawa. Sapagkat malapit na ang panahon kung kailan ang tao'y titimbangin ang mga gawain.
Iyan ang aking maipagkakaloob mga minamahal na kapatid bagamat hindi ko pa mapuputol ang pagkakataong ibigay sa inyo ang magandang aralin ngunit ginto ang panahon sa kabatlayaan.
Kapayapaan ang aking iiwan, sa lahat at bawat isa, ngayon at magpakailanman! Paalam, Arkanghel Raphael.
2001-11-18, RAD
Ang liwanag ng Espiritu Santo ang sumainyo.
Katotohanan na nakapagpapalaya sa kamangmangan minsan ay binubuhay, pinapatay, tinatakpan, sinisira
Ano ang katotohanan? Nadama ba ninyo na ang inyong ginagalawan ay katotohanang nakapagpapalaya sa kamangmangan? Ang lahat ng inyong nakikita sa sandaigdigan ay nalulukob ng katotohanan? Katotohanan na kung magkaminsan ay binubuhay at pinapatay ng kalikuang naroroon sa kabuuan ng mga tao? Katotohanang kung magkaminsan ay tinatakpan, sinisira, winawasak ng kahingian ng tao ayon sa sanlibutan?
Ang tao ay nilikha ng Diyos upang maging bahay ng isang kaluluwa
Pagmasdan ninyo ang kabuuan ng inyong sarili. Napakarami ang katotohanang inihahantad ng kabuuang iyan. Mula sa inyong mga mata naroroon ang maraming katotohanang inyong tinitingnan. Sa pagkalikha ng Diyos sa bahay ng isang kaluluwa ay naroon ang maraming lihim na kinakailangang kalagan. Bakit dalawa ang mga bahagi ng sangkapin ng laman na ipinagkaloob sa inyo?
Hindi ba sapat ang isang mata upang kayo ay makakita? Hindi baga sapat ang isang tainga upang kayo ay makarinig? Hindi baga sapat ang isang butas ng ilong upang kayo ay maka-amoy? Hindi rin baga sapat ang kabuuan ng bibig na isa lamang ang naririto at kayo ay makalalasap? Ang mga bahaging ito ay isang katotohanang ang ibinibigay sa bawat isa.
Tumitingin ang tao sa maraming bagay na naroroon sa kanyang kapaligiran at naroon ang paggalaw ng kanyang isipan. Kapag pangit ang kanyang namasdan inihahayag ang kalagayan ng isang pag-iisip, ng isang damdamin, ng isang kalooban, ng prinsipyong tinatangkilik ng kanyang buhay. Ito ay katotohanan na inihahayag sa pangit na kanyang namasdan.
Paghatol ay sanhi ng katotohanang dapat mabuhay, ang siyang pinatay
Ano ang bahaging nabubuhay? Ang likong pag-iisip ng tao. Kaya nga’t kung minsan ay humahatol sapagka’t ang katotohanang nararapat mabuhay ang siyang pinapatay. Sa kabila ng mga ito ay naroroon ang isang katotohanang ibinibigay, hindi ang lahat ng maganda para sa iyo ay iyo lamang makikita.
Hindi ang lahat lamang na masarap sa iyo ang iyong malalasap. Hindi ang lahat lamang ng ibig mo ang siya mong makakamtan kung hindi sa kabila ng mga bahaging ito ay naririyan ang dalawang mukha ng buhay.
Laging naririyan ang dalawang bahagi ng buhay na kinakailangang mai-angkop, maglakip sapagkat mula sa pagkakalakip nito ay naroroon ang magiging pagsulong ng karapatan ng isang kaluluwa.
Kaya nga kung makikita ang katotohanang ito ay magiging malaya ang tao. At papaano ipakikita ang katotohanan ay isang kalayaan? Sa halip na magalit sa kanyang nakita, sa kanyang narinig at nadama na hindi naging ayon sa kabuuan at sa kahingian ng kanyang sarili.
Sa halip na ang ibunga ng kanyang nakita, narinig at nadama na hindi naging kaaya-aya sa kanyang paningin, hindi paninira at pagwasak sapagkat tinamo niya ang katotohanang siya ay magkakaroon ng kalayaan, bubuka ang bibig magbibigay ng pangungusap hindi upang magwasak kung hindi upang bumuo ng pag-iibigan.
Hindi baga ito ang kinakailangang makita ang hindi karapat-dapat sapagkat doon ka magiging mahalaga; naroroon ang magiging kaganapan at kahayagan ng iyong sarili at ng iyong buhay, sapagkat ang wika ng Panginoon, “ Hindi ako naparito dahil sa mga matuwid kung hindi dahil sa mga makasalanan.”
Datapwat ito ang itinatakwil, nilalayuan, ang masasamang ito na hindi niya nakikilalang ang kabuuan ng kanyang sarili: sino siya? Ano ang kanyang tungkulin? Saan siya paroroon?
Kung ang lahat ng katotohanang ito ay mabubuhay sa inyong kabuuan, madarama ninyong kung mahalaga ang matuwid lalong mahalaga ang mga liko sapagkat ito ag magbibigay na kahalagahan sa buhay na inyong tinataglay at naririto ang katuparan ng inyong layunin at ng inyong mithiing kayo ay makagawa ng lalong pinakamabuti.
Kaya nga ang paglaya na kanyang matatamo ang siyang mabibigay ng puwang upang mabuhay ang tunay na pag-ibig na sa kanyang pakikipamuhay ang hinahanap ang kanyang bubuuin, ang kanyang itatayo mula sa kanyang pagkakalugmok.
Ang kanyang hinahanap ang mga bagay na paggagamitan niya ng kanyang kaalaman, ng kanyang kaunawaan. Dahil dito ay naroroon ang kaligayahan sa kanyang puso kapag nakapagpapala ng isang hindi matuwid na magkaroon ng pagbabagong-buhay.
Sa katuparan ng Espiritismo, ang isang mag-aaral na nakauunawa ay hindi nagtatakwil sinoman kung hindi ang lahat ay pinagyayaman sapagkat sa pamamagitan ng mga bahaging ito ay ipauunawa niyang siya ay anak ng Diyos.
At kung ang kasulatan ang nangungusap na iisa ang mabuti ang Diyos lamang, ano ang pagkakilala ninyo sa Diyos? Ano ang pagkaunawa ninyo sa kaugnayan ng tao at sa buhay na kanyang tinataglay?
Ang kaugnayan ng tao sa buhay na kanyang tinataglay
Isang tali baga na kukunin kung madamang siya ay nangangailangan saka lamang idudugtong? Isang tali baga na sa kanyang paghingi at hindi naibigay ay maaaring sumbatan?
Isang tali baga na nagpapakilala na sa sandali ng kaligayahan at pagtatamasa ng kaligayahan ay maaari niyang iwan ang Diyos na nagbigay ng buhay at biyayang nakamtan? At kapag nakahiga sa banig ng karamdaman ay saka mo kikilalaning may Diyos pala na iyong tinalikdan?
Kung ang mga bahaging ito ay mga katotohanang makapagpapamulat sa inyo iisa ang inyong gagalawan: walang pait, walang pakla, walang askad at walang pagpapaimbabaw kung hindi ang ilalakip ang katapatan sa pagdadala ng kanyang tungkulin.
Pagkilala sa sarili bilang katotohanan na larawan ng tunay na buhay, tunay na iniibig ng Diyos
Sa bawat karanasan na kanyang dinarama ay iisa ang ibubuka ng kanyang bibig. “Salamat Panginoon. Salamat Amang Makapangyarihan sa lahat sapagkat ako ay iyong iniibig at ang patotoo na ako ay Iyong iniibig. Dinadala mo ako sa isang bahaging bagaman at tiisin siyang nagmulat ng aking mga mata upang makilala kong ako pala ay isang katotohanan na larawan ng tunay na buhay.”
Kung gayon, mahalaga baga sa inyo ang katuruan ng pag-ibig? Kung mahalaga saan ninyo kinakailangang dalhin? Kung naging dakila, anong patotoo ang kinakailangang ninyong ibigay? Katulad baga ng isang bagay na lulubog, lilitaw?
Marahil ay hindi. Kung hindi sa bahagi ng katotohanang ito ag laging mananatili ang simulain ng Espiritismo, ang pag-ibig na walang hanggan. Kaya’t walang itinangi sinoman. Mabubuhay na ang kanyang pakaunawa na ang kanyang gagawain sa kanyang kapwa ay ginawa niya sa Panginoon at ginawa niya sa Diyos na sa kanya ay nagbigay ng buhay.
Ano ngayon ang inyong pagkakilala sa mga bahaging ito ng katotohanan? Mga bahagi baga ng lapok na papel na dapat itapon o ito ay mga bahagi ng pira-pirasong larawan na kinakailangang pulutin at pagtagni-tagniin?
Ang isang moog ay nakikilala ang uri ng sa kanya ay isinangkap kung ito ay mahina, malabnaw o malapot at may katibayan kapag sa pagdaan ng unos ay nakatagal at hindi nasira. Ipinakita kung paano siya binuo at ginawa.
Ang pag-ibig at katotohanan, ang simulaing itinatag ng Panginoon mula sa una hanggang sa wakas
Kung ganoon, ito ay mga bahagi ng karunungang naroroon ang pinakamagandang katotohanang hindi maaaring sirain ang simulain ng matuwid at lalong hindi maaaring siran ng simulain ng pag-ibig sapagkat ito ang simulain ng Panginoon ay mula noon hanggang sa wakas.
Iyan ang nalilihim sa bawat isa sa sandali ng paggawa sapagkat kadalasan ang tinitingnan ang kalagyan ng kanyang sarili kung nasasaktan, naibibigo, hinahatulan, hinuhusgahan, pinabababa sa paningin ng bawat isa.
Datapwat kung naroroon ang katotohanan at pinalaya ka na, nasasaiyo pa rin ang kapayapaan at madarama mong iisa ang sa iyo ay nagkukupkop, ang Ama na naroroon sa lahat ng dako. Ito ang simulain ng Espiritismo.
Patayin man ay may buhay na ibinibigay na nagiging liwanag ng isang hindi nakakakita. Patayin man ay may pagkaing naipalalasap, may tubig na maipaiinom sapagkat naroroon ang napakadakilang kapangakuan ibinigay ng Panginoon ang sinomang makatikim ng tubig na ito ay hindi na mauuhaw kalianman.
Ito ang simulain ng Espiritismo. Ito rin ang kahalagahan ng pag-aaral na inyong isinasagawa at lalong naririto ang Kanyang kadakilaan sapagkat sa inyo ay ibinibigay, “Masunod ang kalooban Mo at huwag ang sa amin.”
Maghari nawa sa inyong mga puso at sa lahat ng tao ang liwanag ng diwa, pag-ibig sa kaligtasan ng kanyang kaluluwa sa pagkakasala. Paalam, Arkhanghel Rafael.
2001-04-08, RAD
Liwanag ng Espiritu Santo ang sumainyo at hanggang sa wakas.
Bawat nagaganap sa sandaigdigan ay isang kasaysayang may aral na iniiwan upang ang tao ay masulong sa kanyang kalayagayan. Mga kasaysayang binabakas, sinusundan, ginagawang halimbawa upang ang lahat ay tumungo sa pagkatuto.
Katulad ng kasaysayan ng isang Panginoon na dinalit-dalit, inuulit-ulit ng tao. Ginagagad ang kanyang mga ginawa sa paniniwalang naroroon ang magiging katubusan sa pagkakasala. Kung ang panahong ito ay kalagayan, ito ngayon ang siyang pasimula na kung saan ay muling bubuksan ng tao ang kanyang isipan upang tunghan ang isang larawang nagsasaad ng kabanalan, nauunawaan kaya ng bawat isa ang mga araling nangangailangan na makilala?
Katulad ng pagpasok ng Panginoon sa Herusalem, na, kung saan ay ginamit na sakyan ang isang batang asno datapwat kaagapay ang matangdang asno. Hindi baga naririto ang dalawang bahagi ng kalagayang ginagalawan ng tao na ang ipinakikita at ipinadarama ng Panginoon ang malawak na pag-aaral.
Sino ang Panginoon? Paano makikilala ng tao ang Panginoon? Paano maihahantad na nakilala na niya ang Panginoon? Ang kasulatan ay nangungusap, “Kung sinasabi mong iniibig mo ang Diyos datapwat ikaw ay nakikipagkagalit sa iyong kapwa, ikaw ay sinungaling.”
Kung ang bahaging ito ngayon ang ginagampanan ng tao na naroroon ang salitang pagmamalasakit sa kanyang kapwa ngunit hanggang sa kasalukuyan ay naroroon ang pagduhagi sa kanyang damdamin, walang pagsasaalang-alang sa ibubuka ng kanyang mga labi kung makasasakit o hindi.
Kung makabubuo sa kanyang pagkatao o hindi, katotohanan, katotohanang sinasabi kong hindi pa ninyo nakikilala ang Panginoon sapagkat ang anomang gawin ninyo sa isa sa maliliit na ito ay ginawa ninyo sa aking Ama at ginawa ninyo sa akin.”
Herusalem simbolo ng kaluluwa na kailangang lukuban ng malinis na magnetismo
Ang Panginoon na pumasok sa Herusalem, ang pagkakilala ng tao na siya at ang kanyang kapwa’y iisa kaya’t ang kanyang kapwa ay kanyang salamin. Naririto ang pag-ibig na kinakailangang pumasok sa puso sapagkat ang Herusalem ay ang puso, ang isipan, ang diwa, ang pagkakilala na kinakailangang lukuban ng malinis na magnetismo.
Kinakailangang lukuban ng tunay na kaliwanagan kinakailangang mapasok ng tunay na pag-ibig sa isa at isa mula sa simula hanggang sa kanyang pagpapatuloy hanggang sa kanyang kamatayan, ang pag-ibig na ito ang kanyang inilalarawan.
Kung ang mga bahaging ito na aking ibibigay sa aking kapwa ay sa akin isasagawa mabubuo kaya ang aking sarili o mawawasak? Madaragdagan kaya ang kapayapaan ng aking kaluluwa o mag-aalis ng aking kapayapaan? Hindi baga naririto ang pag-ibig sapagkat naroroon ang pagpapahalaga at pagsasa alang-alang sa kabuuan ng kanyang kapwa na tulad niyang tao, talsik ng alpha at omega?
Kung ito ang pasimula na kinakailangang malawaran sa tao, ang tunay na pagpapakasakit ng isang Panginoon, na, kung saan sa kanyang pagpasok ang mga tao ay naghubad ng saplot, pumigtal ng mga sanga at inilatag sa daan, sa nakakikilala at naka-uunawa, ano ang diwang ibinibigay nito?
Ang saplot na huhubarin at sangang pinigtal at inilatad sa daan
Ito ba ang makukutim na damdamin na kinakailangang mahubad, payurakan sa isang tunay at bagong pagkakilala, na ako ang kalarawan at kawangis ng Diyos kaya’t kinakailangang mahayag ang Kanyang simulain, ang Kanyang pagtuturo, ang Kanyang kaalaman na ibinigay at ipinakilala sa lahat at bawat isa?
Ang isipan na mapanlikha ng ikasisira at ikawawasak ng marami, ang dila na humahabi ng kasinungalingan, ito kaya ang saplot na kinakailangang hubarin ng tao upang ipakilala ang simulaing inilarawan ng Panginoon?
Ang mga gawang makapagliligtas sa isang kaluluwa sa pagkakasala
Ang pag-ibig na walang pagbabalatkayo; ang pag-ibig na hindi
sinasalita ng mga labi kung hindi ginagawa, inihahantad sa pamamagitan
ng paggalaw ng kanyang pagkatao, sa pamamagitan ng paglalagay ng kanyang
sarili sa lipunan ng kanyang kapwa.
Kung ito ay magiging isang
uri ng pagpapakasakit naroroon kaya ang magiging kaligtasan na
kinikilala ng sangkatauhan na dahil sa kanyang kamatayan ay tinubos ang
sala ng Sangkatauhan? Kung matubos ang sala ng sangkatauhan, wala ng
puwang ang pagkakasala sa lahat?
Kung tinubos ng isang Panginoon ang sala ng lahat wala ng magiging bahagi at puwang ang ipagkakasala ng tao. Ngunit ito ay laging dala-dala, bahagi ng inyong mga buhay, samakatwid, ang kamatayan ng Panginoon ay hindi naging sapat upang tubusin ang inyong pagkakasala?
Datapwat naroroon ang bahagi ng isang dakilang kasaysayan na kung saan ay ipinakita ang mga gawang makapagliligtas sa isang kaluluwa sa pagkakasala. Ito ang galaw na kapag ginawang bakas tinatalunton ng iyong pagkatao ay naroroon ang magiging kaligtasan ng inyong kaluluwa sa tali ng kamangmangan at pagkakasala. Samakatwid, ang tao ang gagawa ng kaparaanan upag matamo ang kanyang tagumpay datapwat ang subaybay at patnubay ay ipinagkakaloob sa lahat at bawat isa.
Mga aral at papapakasakit ng Panginoon ang makapagliligtas sa kasalanan at kamangmangan
Ito ang larawan ng buhay at pagpapakasakit ng Panginoon na kinakailangang makintal sa lahat at bawat isa. Mga aral na kapag dinama ay tinatalian ang mga kamay sampu ng kanyang mga paa sapagkat hanggang sa ngayon ay nakatali ang tao sa kanyang mga pangangailangan ng na-uukol sa sanlibutan na kailanman ay hindi matatalikdan at hindi maiiwasang hanapin.
Kailan ang tao ay tatawaging tunay na anak ng Diyos
Ngunit kapag ang binhi ng malinis na magnetismo ang namahay sa kanyang pagkatao, ang sanlibutang pita ay unti-unting pinipigtal tulad ng mga sanga; unti-unting binabawasan upang sa kanyang huling sandali ng buhay naroroon ang pagpapatotoo, “Tunay nga na ito ang anak ng Diyos.”
Napakaliit ang karanasan na aking dinarama, ang karamdaman na aking tinataglay ay hindi magiging katumbas ng pagpapakasakit na kanyang ginawa. Ang mga bahaging ito ay napakaliit upang aking talikuran ang tawag ng aking tungkulin. Ang lahat ng ito ay hindi magiging katumbas ng biyayang matatamo ng aking kaluluwa.
Naririto ngayon ang pag-aaral ng kapag natutuhang unawain walang magiging puwang ang lahat ng kanyang natatanaw upang mawala ang kanyang pag-ibig sa kanyang kapwa. Kung hindi ang lahat ng kanyang natatanaw ay magpapatatag, magbibigay na lakas sa kabuuan ng kanyang pagkatao upang patuloy na kilalanin, “Sino ako? Saan ako paroroon? Ano ang aking tungkulin?
Bahagi kayo ng sangkatauhang pumapaloob sa bawat kasaysayan. Datapwat sa inyong pagpaloob sa kasaysayan ay patunayan ninyo at ipakilalang may pagka-angat ang inyong mga gawa sapagkat naroroon ang kabuuan ng matibay na pananampalataya.
Ang tunay na kaibigan ng tao, pagkaunawa sa mabuti, katumpakan at kaayusan
Ang katatagan sa inyong puso handa na magbigay ng kanyang buhay alang-alang sa kanyang kaibigan. Ang kaibigan ng tao ay ang kanyang pagkaunawa sa mabuti, ang kanyang pagkaunawa sa katumpakan at kaayusan. Ito ang kaibigan na bibigyan ninyo ng buhay.
Ito ang aking sa inyo ay iniiwan at maghari nawa ang liwanag at
kapayapaan sa inyong mga puso at sa sangkatauhan ngayon at magpasawalang
hanggan. Paalam, Arkanghel Raphael.
2001-02-18, RAD
Liwanag at kasaysayang nagbubuhat sa mga langit ang siyang sumainyo ngayon at hanggang sa wakas!
Kinilala ninyo na ang Diyos ay pag-ibig. At dahil sa kalagayang ito sinomang tumatawag ay dinirinig, sinomang kumakatok ay pinagbubuksan, sinomang naghahanap ay makasusumpong sapagkat ito ang Kanyang kapangakuan, “Humingi ka at ikaw ay bibigyan, tumawag ka at ikaw ay didinggin, kumatok ka at ikaw ay bubuksan, humanap ka at ikaw ay makasusumpong".
Datapuwat sa karanasan ng tao sa larangan ng buhay, hindi ang lahat ng humihingi ay tumatanggap, hindi ang lahat ng kumakatok ayon sa kanyang pagkakilala ay pinagbubuksan.
Ngunit naririto ang pag-aaral, walang nabibigo at walang hindi nagtatamo ng 1ahat ng kanyang hiningi. Bakit ito ang nadarama ng tao sa sandali ng kanyang paghingi ay hindi nagtamo?
Ang Diyos kung inyong kikilalanin ay tumututugon, nagbibigay at nagkakaloob hindi ayon sa kaparaanang kanyang iniibig ibigay ang kanyang hinihingi, kung hindi ang Diyos ay nagkakaloob ng kanyang iniibig ayon sa kalagayan ng isang kaluluwa tungo sa kanyang pagsulong.Kung ito ngayon ang siya ninyong kikilalanin, pag-aaralan at susuriin lahat ng humihingi ay nagtatamo. Lahat ng kanyang idinudulog sa kaitaasan ay ibinibigay at ipinagkakaloob sapagkat sa pagsikat ng araw ay nakalaganap na ang kanyang biyaya.
Ngunit hindi ang lahat ay nakatatanggap na ang isang kaluluwa ay binibigyan sa pamamagitan ng kanyang karanasan upang mamulat sa katotohanan at sa kaliwanagan. Kung kaya at maging ang halaman sa isang sandaling mabulok ang balok ng binhi, sa sandaling magkoroon ng kahinugan kapag pinitas mo ay naroroon na ang kanyang tamis, ang linamnam.
Ganito rin sa bahagi ng karanasan ng isang kaluluwa. Na, kung sa kanyang pakikipamuhay ay naroroon ang karanasang naghahandog, ng tiisin, ng kabiguan at hindi sa bahagi ng tagumpay na kanyang hinihintay, hindi nangangahulugang naging bingi ang Diyos sa kanyang kahilingan.
Hindi nangangahulugang ang Diyos ay nagsara ng kanyang mga mata upang hindi makitang mayroon ng sa kanya ay humingi kung hindi ang mga bahaging ito ay mga karanasan ng isang ka1uluwa na kinakailangan na madama.
Sapagkat sa pamamagitan ng mga karanasang ito ay doon magkakaroon ng kahinugan ang isang pagka-unawa at katatagan ng isang pananampalataya upang tanggaping hindi lamang pala sa tinapay nabubuhay ang tao kundi sa salita ng Diyos.
Kaya nga at kung ang tao ay kalagayang ganito at naroroon ang pag¬papatotoo ng Kanyang kadakilaan ang lahat ng bagay ay magagawang tanggapin sapagkat naroroon ang kanyang pagka-unawang hindi siya mag-iisa at kailan man ay hindi siya pababayan.
Kaya at nanatiling naroroon ang kanyang katatagan, kaya at ang lahat ay nagiging magaan sa kanyang pandama ang buhol ay nagagawang kalagan. Ang dilim ay nabibigyan ng liwanag sapagkat nananatiling ang ilawan ay may liwanag sapagkat hindi nauubos ang langis. Hindi baga naririto ngayon ang halaga ng bawat pagtatagumpay sapagkat sa pamamagitan ng pagtitiis, ng pagpupunyagi ay natatamo ng tao ang gabay ng iisang Diyos?
Kaya nga at sa bawat puso ang sinomang nananalig at nananampalataya, kung ang nagkukulang ay binigyan, gaano pa kaya ang nagtatapat upang siya ay mabigo? Marahil, ay hindi sapagkat kinikilala ninyo katulad ng aking pasimula, na ang Diyos ay pag-ibig.
At kung pag-ibig, naroroon ang pagka-unawa sa pangungusap, “sinomang nabibigatan ay lumapit sa akin sapagkat magaan ang aking pamatok at kayo ay magkakaroon ng kapahingahan". Hindi baga ang pangungusap na ito ay punung puno ng pag asa?
Binubuhay ang pag asa sa sinomang naroroon sa kahinaan. Nagbubukas ng isang diwa upang manatiling nakakapit sa puno ng ubas. Kaya nga at ito ang halaga ng may pagkakilala sapagkat nagpapatuloy sa kanyang paggawa na kaylanman ay hindi naaalis ang tibay ng pananampalataya, ang liwanag sa kanyang diwa upang kilalanin siya ay isa lamang sa maraming humihingi.
At kung ito ang bahagi ng buhay, “sa panahong ukol," ang wika, “kita ay bibigyan, sa panahong ukol kita ay didinggin, sa panahong ukol ikaw ay magtatamo ng kaligtasan". Mga pangungusap na hindi mabibigo sa kalagayan ng bawat isa. Mga pangungusap na patuloy na bumubuhay ng pag-asa, patuloy na nagtatayo sa sinomang nalulugmok.
Datapwat ang mga bahaging ito ay nawawalan ng kabuluhan sa isang sandaling damhin ng tao ang pangangailangan ng isang laman. Datapuwat kung namamaibabaw ang kahingian ng isang kaluluwa.
Nanatiling naroroon ang buhay na pag-asa na kailanman ay hindi sila mabibigo sa lahat ng kanyang inaasam sapagkat ang Diyos ang nakakakita at naka-uunawa ng panahong ukol para tamuhin ang para sa kanyang kaluluwa.
Ito ang buhay, ito ing kaganapan ng lahat. Ito ang siyang larawan na kapag inyong naunawaan walang mabigat na hindi madadala, walang suliranin na hindi malulunasan sapagkat naroroon ang tanging pananampalataya na siyang karapatan ng kanyang kaluluwa.
Ito ang kunin ninyo at sa pamamagitan niyan madadama ninyong nagpapatuloy ang buhay na may saya, may tuwa sapagkat iisa ang sa kanya ay nagkukupkop, ang pag-ibig, ang katarungan ng Diyos sa pamamagitan ng larawang iniwan ng Panginoon.
Kaya nga at ipagpatuloy ninyo ang inyong pagpapakasakit na sa pagsikat ng araw sa kinabukasan laging nakalaganap ang Kanyang biyaya. Naririyan ang bahagi ng pag-asa na magiging pamantayan ng isang kaluluwang nakikipamuhay sa daigdigan ng mga hugis.
Ito ang aking sa inyo ay iniiwan. Maghari nawa sa inyong mga puso at sa lahat ng tao ang at liwanag at kapayapaang nagbubuhat sa mga langit. Paalam, Arkanghel Raphael.
2001-02-08, RAD
Liwanag at kasaysayang nagbubuhat sa mga langit ang siyang sumainyo ngayon at hanggang sa wakas!
Kinilala ninyo na ang Diyos ay pag-ibig. At dahil sa kalagayang ito
sinomang tumatawag ay dinirinig, sinomang kumakatok ay pinagbubuksan,
sinomang naghahanap ay makasusumpong sapagka’t ito ang Kanyang
kapangakuan, “Humingi ka at ikaw ay bibigyan. tumawag ka at ikaw ay
didinggin, kumatok ka at ikaw ay bubuksan, humanap ka at ikaw ay
makasusumpong".
Datapuwat sa karanasan ng tao sa larangan ng buhay, hindi ang lahat ng
humihingi ay tumatanggap, hindi ang lahat ng kumakatok ayon sa kanyang
pagkakilala ay pinagbubuksan. Ngunit naririto ang pag-aaral, walang
nabibigo at walang hindi nagtatamo ng lahat ng kanyang hiningi. Bakit
ito ang nadarama ng tao sa sandali ng kanyang paghingi ay hindi nagtamo?
Ang Diyos kung inyong kikilalanin ay tumututugon, nagbibigay at
nagkakaloob hindi ayon sa kaparaanang kanyang iniibig ibigay ang kanyang
hinihingi, kung hindi ang Diyos ay nagkakaloob ng kanyang iniibig ayon
sa kalagayan ng isang kaluluwa tungo sa kanyang pagsulong.
Kung ito ngayon ang siya ninyong kikilalanin, pag-aaralan at susuriin
lahat ng humihingi ay nagtatamo. Lahat ng kanyang idinudulog sa
kaitaasan ay ibinibigay at ipinagkakaloob sapagkat sa pagsikat ng araw
ay nakalaganap na ang kanyang biyaya.
Ngunit hindi ang lahat ay nakatatanggap na ang isang kaluluwa ay
binibigyan sa pamamagitan ng kanyang karanasan upang mamulat sa
katotohanan at sa kaliwanagan. Kung kaya at maging ang halaman sa isang
sandaling mabulok ang balok ng binhi, sa sandaling magkoroon ng
kahinugan kapag pinitas mo ay naroroon na ang kanyang tamis, ang
linamnam.
Ganito rin sa bahagi ng karanasan ng isang kaluluwa. Na, kung sa kanyang
pakikipamuhay ay naroroon ang karanasang naghahandog, ng tiisin, ng
kabiguan at hindi sa bahagi ng tagumpay na kanyang hinihintay, hindi
nangangahulugang naging bingi ang Diyos sa kanyang kahilingan.
Hindi nangangahulugang ang Diyos ay nagsara ng kanyang mga mata upang
hindi makitang mayroon ng sa kanya ay humingi kung hindi ang mga
bahaging ito ay mga karanasan ng isang ka1uluwa na kinakailangan na
madama.
Sapagkat sa pamamagitan ng mga karanasang ito ay doon magkakaroon ng
kahinugan ang isang pagka-unawa at katatagan ng isang pananampalataya
upang tanggaping hindi lamang pala sa tinapay nabubuhay ang tao kundi sa
salita ng Diyos.
Kaya nga at kung ang tao ay kalagayang ganito at naroroon ang
pag¬papatotoo ng Kanyang kadakilaan ang lahat ng bagay ay magagawang
tanggapin sapagkat naroroon ang kanyang pagka-unawang hindi siya
mag-iisa at kailan man ay hindi siya pababayan.
Kaya at nanatiling naroroon ang kanyang katatagan, kaya at ang lahat ay
nagiging magaan sa kanyang pandama ang buhol ay nagagawang kalagan. Ang
dilim ay nabibigyan ng liwanag.
Kaya nga at sa bawat puso ang sinomang nananalig at nananampalataya, kung ang nagkukulang ay binigyan, gaano pa kaya ang nagtatapat upang siya ay mabigo? Marahil, ay hindi sapagkat kinikilala ninyo katulad ng aking pasimula, na ang Diyos ay pag-ibig.
At kung pag-ibig, naroroon ang pagka-unawa sa pangungusap, “sinomang nabibigatan ay lumapit sa akin sapagkat magaan ang aking pamatok at kayo ay magkakaroon ng kapahingahan". Hindi baga ang pangungusap na ito ay punung puno ng pag asa?
Binubuhay ang pag asa sa sinomang naroroon sa kahinaan. Nagbubukas ng isang diwa upang manatiling nakakapit sa puno ng ubas. Kaya nga at ito ang halaga ng may pagkakilala sapagkat nagpapatuloy sa kanyang paggawa na kaylanman ay hindi naaalis ang tibay ng pananampalataya, ang liwanag sa kanyang diwa upang kilalanin siya ay isa lamang sa maraming humihingi.
At kung ito ang bahagi ng buhay, “sa panahong ukol," ang wika, “kita ay bibigyan, sa panahong ukol kita ay didinggin, sa panahong ukol ikaw ay magtatamo ng kaligtasan". Mga pangungusap na hindi mabibigo sa kalagayan ng bawat isa. Mga pangungusap na patuloy na bumubuhay ng pag-asa, patuloy na nagtatayo sa sinomang nalulugnok.
Datapwat ang mga bahaging ito ay nawawalan ng kabuluhan sa isang sandaling damhin ng tao ang pangangailangan ng isang laman. Datapuwa kung namamaibabaw ang kahingian ng isang kaluluwa nanatiling naroroon ang buhay na pag-asa na kailanman ay hindi sila mabibigo sa lahat ng kanyang inaasam sapagkat ang Diyos ang nakakakita at naka-uunawa ng panahong ukol para tamuhin ang para sa kanyang kaluluwa.
Ito ang buhay, ito ing kaganapan ng lahat. Ito ang siyang larawan na kapag inyong naunawaan walang mabigat na hindi madadala, walang suliranin na hindi malulunasan sapagkat naroroon ang tanging pana-nampalataya na siyang karapatan ng kanyang kaluluwa.
Ito ang kunin ninyo at sa pamamagitan niyan madadama ninyong nagpapatuloy ang buhay na may saya, may tuwa sapagkat iisa ang sa kanya ay nagkukupkop, ang pag-ibig, ang katarungan ng Diyos sa pamamagitan ng larawang iniwan ng Panginoon.
Kaya nga at ipagpatuloy ninyo ang inyong pagpapakasakit na sa pagsikat ng araw sa kinabukasan laging nakalaganap ang Kanyang biyaya. Naririyan ang bahagi ng pag-asa na magiging pamantayan ng isang kaluluwang nakikipamuhay sa daigdigan ng mga hugis.
Ito ang aking sa inyo ay iniiwan. Maghari nawa sa inyong mga puso at sa lahat ng tao ang at liwanag at kapayapaang nagbubuhat sa mga langit. Paalam, Arkanghel Raphael.

Comments
Post a Comment