1995-1996, Koleksyon -Arkanghel Gabriel
1995-05-07, RR
Ang mga biyaya at pagpapala ng Panginoon ang sumainyo ngayon at kailanman!
Mga minamahal na kapatid na nagsisipag-aral ng simulaing ito, magpakatatag kayo sa inyong mga pag-aaral lalo pa ay ang mga may tungkulin sa ganitong pag-aaral. Kinakailangang kayo ay magkaroon ng lakas at tibay ng pananalig at pana-nampalataya sa Diyos Amang Makapangyarihan.
Sapagka’t Siya lamang ang tunay na maaaring makapagbigay sa inyo ng
lahat ng bagay na kinakailangan ninyong matutuhan. Sapagka’t Siya ang
marunong at naka-uunawa ng lahat ng mga bagay. Sapagka’t Siya ang
lumikha at gumawa ng lahat ng bagay sa kapatagang lupa. Siya rin ang
nagbigay ng lakas at buhay sa mga taong nabubuhay sa kasalukuyan.
Kaya at kinalailangang ang tao ay magpakatibay at magpakatapat sa kanyang pananalig at pananampalataya sa Diyos Amang Makapangyarihan upang kanyang matanggap ang mga biyaya at pagpapala na ibinibigay.
Magpakatatag sa inyong mga tungkulin lalo pa nga ang mga namumuno sa kasalukyan. Inuulit ko, magpakatibay kayo at magpakatatag sa inyong mga tungkulin upang inyong maipakilala na kayo ay mga tunay na namumuno ng simulaing ito.
Kayo ang karirinigan ng lahat ng bahay na magagandang aral at halimbawa na ibinibigay ng Dakilang Panginoon sa kanyang kapangyarihan. Sapagka’t kayong may mga tungkulin sa kasalukyan tinatawagan ko, magpakatapat kayo sa panahon ng inyong panunungkulan upang sa gayon ay maipakilala ninyo ang tunay na katotohanan ng inyong pinag-aaralan at naipakilala ninyo sa mga nag-aaral ang tunay na katotohanan na inyong natutuhan.
Pagka’t kayo ang pagkukunan ng mga kaalaman at karunungang kinakailangang matutuhan ng mga nag-aaral, sapagka’t kayo ay binigyan ng dakilang Diyos na Makapangyarihan. Kaya at kinakailangang magpakatibay kayo.
Magpakatatag kayo sa inyong mga tungkuling tinanggap. Hindi lamang sa inyong kapwa tao kungdi sa Dakilang Panginoong Siya ang nagbigay sa inyo ng mga tungkuling dapat ninyong tuparin habang kayo ay nabubuhay sa kapatagang ito.
Kaya nga at walang sinasabi kung hindi kayo ay magpakatibay sa inyong mga katayuan. Huwag kayong magkakaroon ng anumang bagay na hindi nau-ukol sa kabutihan sapagka’t kinakailangang kayo ay karinggan ng mga pag-ibig at paggawa ng lalong kabutihan.
Kaya at kinakailangang ang lahat at bawa’t isa sa inyo na may tungkulin, kinakailangang ipakilala ninyo at ipaunawa ang tunay na katotohanan ng pag-aaral ng simulaing ito ng Espiritismo sapagka’t ito ang katotohanang nagbibigay-lakas at buhay sa mga taong nabubuhay sa kapatagang iyan.
Siya rin ang Makapangyarihan upang kan-yang ipakilala ang tunay na kaalaman na kinakailangang matutuhan ng tao ang lahat ng bagay na kabutihan. Pag-ibig na matapat sa Diyos at sa kanyang kapwa tao. Hindi lamang sasabihin ng tao ako ay umiibig sa Diyos, nguni’t nasaan ang pag-ibig ng tao sa Diyos?
Kaya nga at kinakailangang ang wika ay magpakatibay kayo at magpakatapat sa inyong pagtawag sa Dakilang Diyos na Makapangyarihan. Sapagka’t Siya lamang ang tanging naka-uunawa ng lahat ng bagay dito sa lupang ibabaw. Siya ang nagbibigay ng lahat na pangangailangan ng mga taong nabubuhay sa kapatagang iyan.
Sapagka’t Siya ang tunay na may kapangyarihan sa lahat ng mga bagay
ay kanyang ibinibigay sa mga taong sa kanya ay nananalig at
nana-nampalataya ng buong katapatan.
Sapagka’t kung ang pag-ibig at
pananampalataya ay sasabihin lamang nguni’t ito ay walang katotohanan,
ito ay hindi tatanggap ng mga biyaya na nagmumula sa Kanyang banal na
kapangyarihan.
Sapagka’t ang tunay na nakauunawa at nakakalam ng gawain ng taong nabubuhay sa kapatagang iyan. Siya rin ang nakauunawa ng mga isip ng tao na mayroong kabutihan. Siya rin ang nakauunawa at makaka-alam ng mga gawa ng mga taong nabubuhay sa kapatagang iyan.
Sapagka’t binigyan niya ng lahat ng aral na dapat tuparin ng tao. Mag-ibigan kayo at magtapatan sa inyong mga pagsasamahan upang sa gayon ay kayo ay maging karapat-dapat at maging tunay na mag-aaral ng Dakilang simulaing ito ng kabanalan at karunungan.
Sapagka’t saan ninyo hahanapin ang mga aral na sa inyo ay ibinibigay ng Dakilang Panginoon? Kung hindi ito ang katotohanang kinakailangang matutuhan ng tao habang siya ay nabubuhay at nag-aaral sa kapatagang ito.
Sana ay mapag-aralan ng tao ang tunay na katotohanan, mapag-aralan ng tao ang tunay na pag-ibig na matapat upang sa gayon ay maging karapat-dapat siyang tunay na mag-aaral ng simulaing ito ng kabanalan at karunungan sapagka’t ito ang nakapagbibigay ng liwanag ng pag-iisip, damdamin at kalooban. Sapagka’t ito rin ang nagbibigay ng mga mabubuting halimbawa at aral na dapat matutuhan ng tao na nagsisipag-aral.
Kaya nga, minamahal na mga kapatid na mga nagsisipag-aral sa kasalukuyan, nalalaman kong kayo ay matitibay na sa inyong mga kalagayan. Nguni’t ito ay isang pagpapagunita at pagpapaalala na ang tao ay kinakailangang magpakabuti at magpakatatag sa kanyang pag-aaral sapagka’t ito ang kinakailangang matutuhan ng tao ang lahat ng mga bagay na kabutihan na dapat matupad ng tao habang siya ay nabubuhay. Pagka’t ang tao ay kung hindi susunod sa mga aral at utos ng dakilang Diyos na makapangyarihan, ano ang kahulugan ng mga pag-aaral?
Kung ang mga aral na ibinibigay ay walang natutuhan at walang natanggap ang tao sapagka’t ang tao ay ang wika nga ay magpakabuti kayo at magpakatatag sapagka’t kinakailangan na ang lahat at bawa’t isa ay mag-ibigan at magtapatan sa inyong pag-aaral upang sa gayon ay maging karapat dapat kayong maging tunay na mag-aaral ng Dakilang Diyos na makapangyarihan na nagbigay sa inyo ng buhay at lakas.
Kaya nga mga minamahal ko, huwag ninyong kalilimutan ang mga ibinibigay na aral ng Dakilang Pagninoon sa Kanyang kapanahunan at magpahanggang ngayon. Huwag ninyong kalilimutan sapagka’t iyan ang tunay na dakila na kinakailangang matutuhan ng tao at madala sa kanyang buhay.
Iyan lamang ang aking sa inyo ay iniiwan, mga minamahal na kapatid. At ang kapayapaan ang sa inyo ay aking iiwan. Magkaisa at magkaunawaan, Paalam, Arkanghel Gabriel.
1995-05-03, RR
Pagpalain ang lahat ng dakilang Panginoon, maghari ang kapayapaan sa lahat at bawat isa, ngayon at magpakailanman.
Mga minamahal na kapatid na ngayon ay natitipon sa loob ng paaralang ito. Pagkaunawain ninyo at unawain ang mga aral na ibinibigay sa inyo ng dakilang Panginoon sapagkat ito ang katotohanan.
Ito ang kailangang matutuhan ng tao sa kanyang buhay. Sapagkat ang nagtuturo at nagbibigay aral ay ang dakilang Panginoon na makapangyarihan. Sapagkat ang tao ngayon ay kinakailangan na magkaroon ng lubos na pagbabago ang mga kalakaran, marami ang lubhang naliligaw ng landas ng katotohanan at hindi natatanggap at napag-aaralan ang mga ibinibigay na aral ng kabatlayaan.
Kailan pang panahon, mga minamahal ko, natutuhan at matutupad ng taong nag-aaral ang mga ibinibigay na aral ng dakilang Panginoon ng Kanyang kapanahunan?
Sapagkat Siya ang nagbibigay aral, Siya ang katotohahan na ang kanyang mga ibinibigay na aral ay mula pa sa dakilang Makapangyarihan. Pag-aralan ninyo at unawin ang lahat ng mga ibinibigay na aral na mayroon ng kabutihan, pag-ibig at paggawa ng lalong dakila sa kanilang kapwa.
Ang wika ng Panginoon, bago ninyo ako unawain, unawain muna ninyo ang mga tao na nagsisipag-aral sa kasalukuyan. Sapagkat kinakailangang ang tao ang matuto at hindi ako. Ako nga ay nagbibigay ng mga mabubuting aral ngunit ang aking hinahanap ay kung natatanggap ng taong nag-aaral at natututuhan.
Alin ang mga aral ng ibinibigay ko sa inyo, mga minamahal na kapatid? Hindi baga ang lahat ng kabutihan, pag-ibig sa kapwa na walang pagtatangi at wala akong ibinibigay kung hindi kayong magkakapatid sa simulaing ito ay magkaisa sana at magkaunawaan at mag-ibigan.
Kung ang isa ay mayroong pagkukulang ang isa ay karagdagan. Hindi itatanim sa puso at diwa ng kapatid ang mga banggit na hindi niya naibigan. Sapagkat kayo ay nag-aaral ng lalong kabutihan at kabanalan ay kinakailangan ang pag-aralan ninyo ang mabubuting aral at halimbawa ng dakilang Panginoon ng Kanyang kapanahunan.
Sapagkat ang wika Niya ay, “Ako ay naghirap. Maraming sakit ang aking tiniis at pinagdaanan. Ganun din kayong mga taong nabuhay sa kapatagang ito na hindi ninyo maalaman kung hanggang saan ang hirap at sakit na inyong aabutin habang kayo ay nabubuhay sa kapatagang iyan.
Kaya at kinakailangang ang tao ay maghanda sa kanyang sarili. Ihanda ang lahat ng mga aral na ibinibigay ng dakilang Panginoon ng kanyang kapanahunan. Kung ako ay, ang wika ay, nagdala ng mabigat sa aking balikat, gayun din kayong mga taong nabubuhay.
Alin ang nakapag-aalis sa inyong mga balikat kung hindi ang hirap ninyong hinahanap na inyong gagamitin sa inyong pakikipamuhay? Kaya at kinakailangang ang tao ay hanggat may lakas pa at buhay sa kapatagang ito, pag-aralan ng lahat ang mga ibinibigay na aral ng dakilang Panginoon ng Kanyang kapanahunan.
Pagkat ang wika ay ako ay maglakbay sa maraming dako, hinanap ko ang mga taong namamali ng landasin sa buhay sapagkat ipinakilala ko ang tunay na katotohanan, ang paggawa ng lalong kabutihan at pag-ibig.
Pag-ibig ng tapat sa kanyang mga kapwa. Sapagkat ang pag-ibig na pakunwari ay walang kabuluhan, kung sasabihin lamang ng taong, “iniibig ko ang Diyos,” ngunit wala sa kanyang kalooban.Kaya at kinakailangang ihanda ang sarili sa mga aral na ibinibigay ng mga batlaya sapagkat ang mga aral na ito ay nagmumula pa sa dakilang Diyos na Makapangyarihan. Kaya at ang wika ay, “ihanda ninyo ang inyong mga sarili sapagkat hindi ninyo nalalaman kung ano at kailan ang panahong dadating sa inyo ang lalo at lalong hirap at kasakit-sakit, na hindi ninyo inaasam.
Kaya at wala nang sinasabi kung hindi huwag kayong makalilimot sa ngalan ng pagtawg sa dakilang Diyos na Makapangyarihan. Sapagkat Siya lamang ang tanging nakauunawa ng lahat ng mga bagay, Siya ang nagbigay ng lahat ng mga bagay.
Ngunit kung magkaminsan ang tao ay walang inuunawa kung hindi ang magagandang bagay na kanilang natatanaw. Nakakalimutan ng tao sa panahong ito, mga kapatid, at ito ang totoo.
Nakakalimutan ng tao ang tumawag ng buong katapatan sa Diyos Amang Makapangyarihan sapagkat ang mata at isip ay nasa mga tanawin na mayroong kagandahan.
Mga minamahal ko, hindi masama ang tao ay magkaroon ng magandang isip na siya ay magkaroon ng kaligyahan sa kanyang sarili ngunit unawain ng tao hindi lamang ang kinakailangan ang kaligyahan ng laman o kaligayahan ng mata, kung hindi ang kailangang hanapin ng tao ay ang kaligayahan ng kanyang kaluluwa sapagkat hindi niya alam kung dumating ang panahon at araw kung ano ang kanyang tatanggapin sa kanyang buhay.
Sapagkat ang kaluluwa ang kailangangang maghanda nang lubusan upang sa gayon kung dumating na ang araw at panahon na siya ay mag-iwan ng laman, papaano ang isang kaluluwa kung wala siyang nataglay na mga kabutihan at pag-ibig sa Diyos at sa kanyang mga kapwa.
Nang una pa ay sihabihan na kayo na ihanda ninyo ang inyong mga taglay na baunan. Baunang nau-ukol sa kaluluwa sa baunang nau-ukol sa laman. Ngunit ngayon ay hihingi kayo ng kapatawaran. Magbalik kayong muli sa inyong pinanggalingan at muli ninyong pag-aralan ang gma hindi ninyo natututuhan ng una ninyong kabuhayan.
Sapagkat ang buhay ay ganyan. Kung ang buhay na ito ay walang nataglay ng mga kabutihang bagay pagdating ng araw saka pa siya magsisisi sa dako pa roon na kanyang patutunguhan.
Kaya nga mga minamahal ko, hanggang may lakas ay ihanda na ang sarili sa ano mang paraan kanyang sapitin maging mabuhay man o mamatay, tanggapin ng tao sapagkat iyan ang kailangan.
Iyan ang akin iiwan sa inyo, mga minamahal na kapatid, at kahimanawari magkaroon kayo ng totoong pagtupad sa inyong mga tungkulin lalo pa ay ang may mga tungkuling mabibigat. Pag-isipan ninyong itindig upang kayo ay hindi maghirap pagdating ng panahon at araw.
Kapayapaan ang aking iniiwan at ang liwanag ng sinag ng katotohahan ang siyang sumainyo magpakailanman.
1995-04-19, RR
Liwanag at pagpapala ng dakilang Panginoon ang sumainyo ngayon at magpakailanman.
Minamahal na kapatid, kayo ang mga ugat, kayo rin ang puno. At kung ang punong ito ay magsanga kung sakali't dumating ang araw ay maaaring mamulaklak at mamunga, ang bungang ito ang tunay na katotohanan na dapat mapag-aralan ng tao habang siya ay nabubuhay.
Sapagka't ang bungang ito ang tunay na katotohanan na ibinibigay ng dakilang Panginoon ng una pa mang siya ay manaog sa kalupaang ito. Kaya, kinakailangang paka-ingatan ninyo, mga minamahal na kapatid, ang bulaklak at bungang iyan sapagka't iyan ang tunay na kinakailangan ninyong matutuhan habang kayo ay nag-aaral sa kapatagang ito.
Ano ang kahulugan ng bulaklak? Ano ang kahulugan ng bunga? Kung hindi
ang bungang ito ang tunay na pangangailangan ng maraming taong
nabubuhay sa kapatagang iyan.
Kaya nga, mga minamahal na kapatid na nagsisipag-aral sa kasalukuyan, paka-ingatan ninyo ang bungang iyan na sumasainyong pagkatao. Sapagka't ang bungang iyan ang sa inyo ay ibinigay ng dakilang Panginoon upang inyong tuparin habang kayo ay nabubuhay sa kapatagang lupang ito.
Kaya nga at pakaingatan ninyo, mga minamahal kong kapatid, ang inyong mga tungkuling dapat ninyong pangalagaan at tuparin sapagka't iyan ang ibinigay sa inyo ng dakilang Panginoon upang kung dumating ang araw at panahon ay inyong pakikinabangan.
Ang pakinabang na ito ay alin? Kung dumating na ang araw at panahon na kayo ay mag-iwan na ng laman, ang bungang iyan ang inyong babaunin sa dako ng inyong patutunguhan upang sa muli ninyong pagbabalik, iyan din bungang iyan ang inyong dadalhin.
Ano ang inyong dadalhin sa dako pa roon ng inyong patutunguhan? Kung hindi ang bungang ibinigay ng dakialng Panginoon sa kanya. Kung kayo ay bumalik sa kapatagang iyan din ang iyong dadalhin at babaunin.
Kaya nga, mga pinakaminamahal ko, pakingatan ninyo ang tungkuling ibinigay sa inyo ng dakilang Maykapal sapagka't kayo ay pinaglagakan ng tunay na biyaya at pagpapala ng dakilang Panginoon upang inyong tuparin habang kayo ay nabubuhay.
Kaya nga mga minamahal ko, inu-ulit ko, pakamahalin ninyo nang lubusan at hindi ninyo maaaring pagdaka ay maiiwan pagadtaing ng kayo ay magkaroon ng hindi mabuting kaisipan.
Hindi ninyo maaaring bitiwan nang biglaan mga kapatid, sapagka't iyan
ay ipinagkatiwala sa inyo ng dakilang Panginoon upang inyong
dalhin-dalhin. At kung sakali't dumating na ang mga muling pagkakataon
ay iyan din ang dala-dala ninyo pagdating ng panahon.
Sapagka't
ang simulaing ito ang tunay na katotohanan na ang lahat ng kanyang
ibinibigay na aral ay tunay na katotohanan at ang lahat ng kanyang
halimbarang ibinibigay sa inyong mga nagsisipag-aral.
Pag-aralan ninyo nang lubusan upang inyong matupad habang kayo ay nabubuhay. Sapagka't ang Panginoon ang tunay na makapangyarihan. Siya rin ang nagbibigay lakas at buhay sa lahat ng taong nilalang sa kapatagang ito. Siya rin naman ang hinihingan ng lahat ng tao sa mga bagay na kanyang pangangailangan.
Kaya nga at ang kinakailangan ng mga tao, huwag makalilimot sa ngalan ng Panginoon sapagka't kayo ay binigyan ng buhay at lakas sa kapatagang ito. Kinakailangang magpakatibay kayo at magpakatapat sa pakikipamuhay sa lupang ito. Bigyan ninyo ng magandang larawan ang inyong sarili sa pagtanaw ng dakilang Panginoon, kayo pala ay may kagandahan.
Minamahal na kapatid na mayroon tungkulin sa panahong ito, inu-ulit ko sa inyong huwag ninyong pagkadka ay iiwan at iyan ang sinasabi ng dakilang Panginoon na, ang krus na nakapasan sa inyong mga balikat hindi ninyo maaaring pagdaka ay bitiwan.
Hindi ninyo maaaring ibaba kahit saan sapagka't iyan ay ibinigay upang tuparin habang kayo ay nabubuhay. Bakit kayo pinagpasan ng krus? Nang dahil sa pakikimamuhay sa kapatagang ito ay kinakailangan ang bigat sa krus na iyan ay siya ring bigat ng inyong paghihirap sa inyong ikabubuhay.
Sapagka't halimbawang hindi lamang ang krus na pinasan ito ang inyong mga balikat kung hindi mayroon nakapasan na hindi ninyo maaaring iwanan nang dagliagn sapagka't mayroon kayo ng matinding pananagutan pagdating ng panahon at araw.
Mga minamahal ko, ang kasangkapang ito habang may lakas at tibay na paninindigan sa kanyang tungkulin ay hindi siya bibitiw sapagka't sinabi niyang habang siya ay nabubuhay, hindi niya iiwan ang tungkuling sa kanya ay ibinigay na dakilang Amang Makapangyarihan.
Iyan mga minamahal ko ang aking iiwan sa inyo at nawa ay pagpalain ang lahat ng dakilang Panginoon. Maghari ang kapayapaan sa lahat ng taong nilalang sa kapatagang ito lalo pa kayong magkakapatid sa simulaing ito.
Iyan lamang at ako ay nagpapa-alam. Arkanghel Gabriel.
1995-03-12, RR
Maghari ang tunay na kapayapaan sa lahat at bawat isa, magkaisa kayo at magkaunawaan ngayon at magpakailanman!
1995-02-01, RR
Ang kapayapaan at pagpapala ng Panginoon ang sumainyo ngayon at kailan man.
Mga minamahal na kapatid, sa mga mag-aaral ng simulaing ito ng
Espiritismo, paka-unawain ninyo at pag-aralan ang lahat ng mga
ibinibigay na aral sa inyo. Sapagkat ito ang tunay na katotohanang
kinakailangang matutuhan ng tao sa kanyang buhay.
Sapagkat ito ang kailangan na siyang maunawaan ng mga taong nag-aaral. Sapagkat kayong naririto hinahalina kayo at ina-akay ng dakilang Panginoon upang kayo ay magkatipon-tipon sa loob na ito upang inyong matatanggap at upang inyong maunawaan ang tunay na katotohanan ng pag-aaral ng simulaing ito.
Sapagkat ito na ang tunay na kailangang matutuhan ng tao sa kanyang buhay. Sapagkat ito ang nagbibigay ng mga bagay na pangangailangan ng tao sa buhay na iyan. Sapagkat iyan ang tunay na marunong at makapangyarihan na nagbibigay buhay at lakas sa lahat ng taong nilalang sa sangkapatagang iyan.
Kaya at kinakailangang ang tao ay manalig at manampalataya ng buong katapatan sa kanyang buhay. Hindi lamang sasabihin nga taong ako ay nananalig at nanampalataya nguni't hanggang doon lamang.
Kung ang tao ay tunay na nanampalataya sa Diyos Amang makapangyarihan kinakailangang magpakatibay at magpakatapat sa kanyang pakiki-isa at pakikipag-aral.
Sapagkat kayong mga taong nabubuhay sa kapatagang lupang iyan binigyan kayo ng buhay at lakas upang inyong gamitin sa inyong pakikipamuhay. At itinuturo din sa inyo ng dakilang makapangyarihan kung paano kayo mabubuhay at paano kayo hahanap ng inyong ikabubuhay.
Kaya at kinakailangang huwag makalimot ang tao sa dakilang Panginoon sapagkat Siya lamang ang tanging naka-uunawa at naka-aalam ng lahat ng bagay sa mga taong kanyang nilikha na nabubuhay sa kapatagang lupa.
Siya ang nagbibigay ng mga bagay na aral na kinakailangang matutuhan at matupad ng tao sa kanyang buhay. Kayat kayong mga nag-aaral, mga minamahal na kapatid, kinakailangang magpakatapat kayo at magpakatibay sa inyong mga pakikipag-aral. Lalo pa kayong may mga tungkulin sa kapanahunang ito.
Pakatibayin ninyo ang inyong mga tungkuling tinanggap hindi lamang sa inyong mga kapwa tao kung di ito ay ibinibigay sa inyo nga dakilang makapangyarihan upang inyong tuparin ang inyong mga tungkulin sa inyong pakiki-isa at pakikipag-aral sapagkat hindi lamang kayo nagkakaroon ng tungkulin sa inyong buhay na ito kung hindi doon sa inyong pinanggalingang buhay mayroon na rin kayong mga tungkuling tinanggap.
Sapagkat hindi ninyo natagpusan at hindi ninyo natugunan kaya kinakailangang mabuhay ang tao at mamatay ay babalik at babalik hanggang hindi niya natatagpusan ang kanyang tungkulin na kanyang tinanggap sa kanyang buhay.
Sapagkat ang tao pala ay kinakailangan na hindi lamang sa buhay na ito kung hindi sa dako pa roon ng buhay ay kinakailangang kanyang maunawaan ang lahat ng mga bagay na kinakailangang matutuhan.
Sapagkat hindi kayo pinababayaan, mga kapatid, ng dakilang Panginoon sa inyo ay nangangalaga at tumitingin. Minamalas kayo at tinitignan kung kayo ay tunay na mag-aaral ng kabutihan at kabanalan.
Lalo pa nga ang may mga tungkuling tinanggap diyan kayo tinitignan at minamalas ng dakilang Panginoon kung kayo ay mga tunay na tumutupad ng inyong tungkuling tinanggap sa dako pa roon ng inyong buhay.
Sapagkat ang tungkuling iyan, mga minamahal ko ay hindi lamang sa ngayon kung hindi ng una at una ninyong kabuhayang dala na ninyo. Sapagkat kayo hindi pinababayaan ng mga espiritung tagasubaybay.
Mamatay at mabuhay ang tao ay sinusubaybayn ang kanyang espiritu. Lalo pa nga kayong may mga tungkulin, Inu-ulit ko, hindi kayo pinababayaan ng inyong tagatangkilik sa inyong pagkamatay at sa muly ninyong pagkabuhay ay siya rin ang sa inyo ay sumusubaybay lalo pa nga kung kayo ay may tungkuling iniwan sa kapatagang ito ay muli ninyong babalikan.
Ang aking sinabi, paniwalaan ninyo at hindi nasa inyo na. Sapagkat ito ang katotohanan na ang espiritu ng tao ay hindi namamatay. Nagpaparit-parito lamang ang kanyang kaluluwa kaya at ang tao ay kinakailangang ihanda ang kanyang sarili lalo pa nga kayong may mga tungkulin na ginagampanan sapagka't ang inyong mga espiritung tagasubaybay ay hindi kayo pinababayaan.
Alam ninyo, mga minamahl na kapatid, ang mga espiritung sa inyo ay sumusubaybay iyan ang pinagkaloob ng pangangalaga sa mga taong nabubuhay lalo pa nag doon sa may mga tungkulin dapat gampanan.
Kaya at kayong may mga tungkulin inu-ulit ko, huwag ninyong pababayaan ang inyong tungkulin sapagkat ang tungkuling iyan ay mahalagang bagay. Hindi lamang katulad ng isang nakapasan sa inyong balikat na inyong iiwanan sapagkat iyan habang sa muli at muli ninyong buhay ay babalik at babalik, iyan ang katotohanan.
Sapagkat kayo sa simula pa binigyan ng kayo ng inyo-inyong mga tungkulin. Lahat kayo na mga nag-aaral sa simulaing ito. Kaya nga kinakailangan ang lahat at bawat isa ay magpakatapat sa kanyang tungkuling tinanggap hindi lamang sa kanyang kapwa tao kung hindi sa dakilang makapangyarihan.
Mga kapatid, dadating ang araw ng inyong pagsasama-sama. Sana ay kayong mga naririto na kanilang daratnan maryoon kayong magandang kaloobang sila ay salubungin ng mayroon kagandahan.
Sapagkat kayo ang tunay na mag-aaral ng dakilang simulaing ito na kinakailangan maganap ninyo ang lalong kagandahang kinakailangang pakikitungo sa inyong kapwa sapagkat sila at kayo ay magkakapatid kaya at magka-isa at magkaunawaan ang lahat at bawat isa at magkaroon ng magandang pagsasamahan at ibigan ngayon at magpakailanman.
Paalam, Arkanghel Gabriel.

Comments
Post a Comment