1981-1984, Koleksyon Antonio De Padua
1984-05-13, RR
Kapayapaan ang maghari sa lahat ngayon at magpakailanman!
Mga iniibig na kapatid, maraming araling ibinababa ng kabatlayaan. Mga araling kinakailangang matutuhan ng lahat at bawat isa ngunit kung magkaminsan ay hindi matagpuan ng isang mag-aaral.
Kailangan ng lakas ng pag-iisip
At hindi matutuhan ang mga araling iyan na nagmumula sa mahal na batlaya na sa atin ay nagbibigay ng mga aral kaya at kinakailangang ang tao ay magkaroon ng lakas ng pag-iisip upang kanyang madampulayan ang tunay na mga araling kinakailangang matutuhanng lahat at bawat isa.
Sapagkat kung ang isang pag-iisip ng isang mag-aaral ay mayroon ng
taglay na kahinaan ay walang matataglay sa habang panahon sa kanyang
pakikipag-aral sa kabatlayaan sapagkat sa isip nagmumula ang lahat, sa
isip nagmumula ang mga bagay na pangangailangan ng tao maging sa buhay
ng nau-ukol sa laman at maging sa buhay kaluluwa.
Ang lahat ng iyan ay ang pag-iisip ang siyang lumilikha at siyang nagbibigay ng patotoo na kung papaano nga ang tao ay natututo sa kanyang pinag-aaralan. Kaya nga at kinakailangang lagi na ay ang taong nag-aaral ay magkaroon ng matibay na pananampalataya sa pamamagitan ng lakas ng kanyang pag-iisip ng ginagamit upang kanyang maunawaan ang mga bagay na pangangailangan ng kanyang pagkatao.
Sapagkat ang lahat ng bagay na itinatag sa kapatagang lupang ito, ang lahat ng iyan ay nilikha ng pag-iisip na mayroon nang katalinuhan, maging sa mga nag-aaral ng alinmang mga karunungang itinatag sa kapatagang lupa ay walang nilikha kungdi ang pag-iisip na mayroon ng katalinuhang siyang nagbibigay ng lakas at tibay sa kanyang katawang-laman.
Mga kapatid, ang lahat ng ibinababa ng kabatlayaan sa mga sandaling ito ay unawain at pag-aralan ng bawat isa kung ito ay mayroon ng katotohanan, na kung ito ay kinakailangang sundin ng bawat mag-aaral sapagkat ang lahat ay nasa pag-aaral ang kinakailangan.
Kaya at
lahat at bawat isa ay kinakailangan din na siya ay magkaroon ng
matalinong pag-iisip upang kanyang maisagawa at maisakatuparan ang tunay
na katotohanan na dapat matutuhan ng bawat isa.
Mga kapatid, ang
lahat at bawat isang nilikha na binigyan ng pag-iisip ng Dakilang
Manggagawa ng Panginoon, di ba at diyan nagmumula ang lahat ng mga
bagay? Diyan nagmumula ang mga bagay na kaparaanan kung papaano mayayari
ang isang bagay.
Diyan din kumukuha maging ng mga marurunong sa kasalukuyan, sa lakas at antas ng pag-iisp ay nalilikha at naisasagawa ang mga bagay na pangangailangan ng sangkatauhan.
Mga minamahal ng kapatid, kinakailangang sa bawat nag-aaral ay ang pag-iisip ang gagamitin sapagkat iyang ang nagdadala ng mga bagay na katututuhan ng bawat isa. Kung ang tao ay walang pag-iisip ay walang magagawa, ngunit kung ang tao ay mayroon siyang lakas ng pag-iisip at katalinuhan, ang anumang mga bagay na nagagawa ata nayayari sa pamamagitan ng kanyang pagsisikap.
Kaya nga mga kapatid, isipin natin ang ganitong pag-aaral upang ating matutuhan ang tunay na katotohanang ibinababa ng kabatlayaan sa kasalukuyan sapagkat ang lahat ng nag-aaral ay manggagawa ng Panginoon na kinakailangan na makagawa ng mga mabubuting bagay.
Mga minamahal na kapatid, magpapatuloy kayo sa inyong pakikipag-aral at hindi kayo mabibigo kailanman kung kayo ay mga tunay na naghahangag ng makatotohanang pakikipag-aral sa kabatlayaan.
Iyan ang aking iiwan at naghahangad ako ng isang kapayapaan ngayon at magpakailanman. Paalam, Antonio de Padua.
1983-02-21, RR
Ang kapayapaan ang maghari sa lahat maging sa loob ng tahanan, sa kanyang mga paligid, at magkaroon ng mabuting pagsasamahan ang lahat at bawat isa.
Mga minamahal na kapatid, bakit kayo naririto? Ano ang hinahanap ng bawat isa sa inyong naglalakbay? Sinasalasa ninyo ang kainitan ng araw upang inyong matuntunan ang tunay na pangangailangan ng inyong mga kaluluwa.
Magpatuloy kayo sa inyong matapat na adhikain na kayo ay mga tunay na manggagawa ng Panginoon na tumutupad ng inyong mga tuparin sapagkat kayo ay inihanda at inilaan upang kayo ay maglingkod sa inyong mga kapwa, hindi lamang sa inyong mga kaanak o mga kahinlog, kungdi kinakailangang maglingkod kayo lalo pa sa mga taong nangangailangan ng inyong tulong.
Sapagkat iyan ang inyong tinanggap na tungkulin sa Dakilang Panginoon na kailanman ay hindi kayo mapapabaya sapagkat nakatatak sa inyong mga puso at damdamin ang mga kataga at aral ng kabatlayaan upang kayo ay makapagpatuloy sa dakilang
hangaring kayo ay maging isang tunay na mag-aral ng simulain ng Espiritismo.
Hindi lamang sasalitain na siya ay isang nag-aral ng dakilang simulain ng kabanalan at pag-ibig, kungdi ay kinakailangang isagawa ng bawat nilikha na nangangako at nag-aasa na siya ay makagawa ng mga lalong kabutihan sa kanyang mga kapwa.
Sapagkat iyan ang lema ng inyong pinag-aaralan, na kailangang kayo ay lumakad at maglakbay sa mga dako kung saan kayo kinakailangan. Kaya at sa mga kataong ito ay nagpapasalamat din ako sapagkta kayo ay naritito sa loob ng tahanan ng isang kasangkapan na nawa ay sa kanyang tungkulin ay lalo niyang maipagpatuloy ng ganap-ganapan hanggang siya ay may lakas na ginagamit.
Kaya nga at ang aking mga paki-usap sa inyng magkakapatid, ang kasangkapang ito ay huwag ninyong pabayaan sapagkat siya ay nasa kahinaan at katandaan na sa kapanahunan. Kayo ang mga alalay ng mga kasangkapan, kayo ang tagasubaybay sapagkalt kayo ay mayroon pang lakas at tibay ng paninindigan ng inyong mga sarili.
Papaano kung ang isang kasangkapan ay hindi na makaganap at hindi makagulapay sa kanyang kalagayan? Kinakailangan kayong magkakapatid ang magtulong-tulong upang kanyang matupad at maisakatuparan ang tunay niyang tungkuling ipinagkaloob sa kanya ng dakilang Panginoon.
At kayo aking minamahal na kapatid, ipaalala ninyo sa kanyang mga bunso ang tungkulin ng kanilang Ina na ginagampanan, kahit siya ay mayroon ng katandaan sa kapanahunang ito na sadyang may kahinaan.
At iyan ang aking inihabilin, na kahit ikaw ay wala ng panyapak sa iyong kalagayan, sa loob ng lunduyan man lamang ay tumutupad ka ng iyong tungkulin. Kaya at inaasahan ko na ang kasangkapang ito kailanman ay hindi magpabaya habang siya ay nabubuhay at binibigyan pa ng lakas at tibay sa kanyang sarili.
Ganyan mga minamahal na kapatdi ang isang mayroon tungkulin sapagkat ang isang tungkulin ay sadyang napakabigat na taglayin ng bawat isa. Sapagkat katulad na nga ng pagkaataong ito, sa pamamagitan ng inyong matapat na paghahangad ng kayo ay makatupad, at makasunod sa kanyang mga habilin ay naririto kayo upang kayo ay magkaisa at magtipon-tipom sa loob ng tahanang ito. Sapagkat nauunawaan ninyong mabibigat ang inyong tungkulin na dapat ninyong itaguyod habang kayo ay may laas sa kapatagang ito.
Kaya nga at magpatuloy kayo, mga minamahal ko, upang sa gayon ay huwag ninyong pagsisihan pagdating ng panahon at araw kung kailan hindi ninyo nalalaman ang panahon at araw, ang pagtawag ng Panginoon sa inyong katayuan.
Malakas man at mahina ang tao ay dumating ang pagkakataon na kung siya sadyang kailangan na sa dako pa roon, magkakaroon siya ng kahinaan, magkakaroon siya ngk katuparan sa kanyang buhay upang siya ay makakadlo sa dako pa roon kung yaon ang kinakailangan.
Kaya nga at kayo ay magkaroon ng matitibay na panunuparan ang inyong mga tungkulin. Huwag ninyong pagsasawaan ang munti man kapaguran at kahirapan ay titiisin ng bawat isa sapagkat ito ay inyong pananagutan pagdating ng panahon.
Iyan ang aking iniiwan sa inyo at inaasahan kong sa mga araw na darting ay hindi kayo magpapabaya sa inyong pagtupad ng inyong mga tungkulin at inaasahan ko ang inyong kasiglahan at nawa ay pagkalooban kayo ng lakas at tibay ng kalooban, lakas ng katawan at huwag sumapit sa inyo ang anomang panghihina, at bigyan kayo ng lalo at higit na biyaya at pagpapala ng mga langit upang sa inyo ay sumbaybay saan man dako kayo pumatungo, sapagat kayo ay sadayang tumutupad ng inyong mga tungkulin.
Kapayapaan ang aking iniiwan at nawa ay maghari ang pagkakaisa at pagkakaunawaan maging sa loob at labas ng tahanang ito at sa kanyang mga kapaligiran ay magkaroon ng lubos na pagkakaunawaan ngayon at magpakailanman, paalam. Antonio de Padua, ang kapayapaan ang sumainyo (ADPAKSI).
1982-04-21, GPL
Subaybayan kayo ng kadakilaang nagmumulas sa Panginoon ngayon at magpakailanman.
Dalawang daan na tutuntunin
Mabagal ang pag-aaral ng nau-ukol sa kadakilaan ng pananampalataya at hindi maipagpatuloy ng tao ang kadakilaan ng mabubuting itinuturo ng kabatlayaan. Sapagkat ang tao na inilagay sa dalawang daan na dadaanan upang tuntunin at maging dakila ang kanilang pag-aaral, ay kung bakit lagi nang nananaig ang kahinaan ng lamang siyang laging pinananagano ng bawat sarili ang kadakilaang pangkalupaan.
Ganyan ang tao sa kapatagang lupa, bagaman umiigting sa kanilang kaluluwa ang kadakilaan kinakailangang tuntunin, ang ilaw ng katotohanan upang managumpay ang kadakilaan ng kanilang diwa ay hinahalina ng kababaan ng kahinaan ng tao at ang kadakilaang pang-lupa ang siyang lagi nang hinahanap at inilalagay sa kanilang mga sarili.
Ganyan tayo, mga iniibig na mga kapatid, na bakit hindi maiwanan ang kababaan at hindi maipagpatuloy ang itinuturo ng kabatlayaan. Makulit na isipan, mahina ang pakiramdam ng tao bagaman nag-uumigting ang isang kabanalan hindi masapupo ng kadakilaan ng kanilang pananampalataya.
Ganyan kayo sa kapatagang-lupa, ang kayamanan na siyang bahagi ng kahinaan ng lahat at bawat isa ay laging naaala-ala, samantalang ang kayamanang hindi madadala kung dumating ang dakilang araw na ito ay siyang kaakibat ng inyong mga sarili, siyang daan hindi maiwasan ninyong mga mag-aaral sapagkat kayo ay mahina.
Ang Espiritu, na isang kayamanan ay galing sa Diyos
Bagaman ang Espiritu ay galing sa Panginoon at isang kayamanan at kabanalan kung bakit hindi maiwanan ang kahinaan. Nalalaman ninyo ang kamatayan ang baitang ng pagsulong subalit iyan ang tanong ng Arkanghel Rafael na bakit natatakot ang tao sa kamatayan samantalang ang kamatayang inaayawan ninyo tiyak na darating sa inyong mga sarili.
At ako ang tutugon: natatakot ang tao sa kamatayan sapgkat kung dumating sa dako pa roon hindi nakapaglilihim ng kanilang mga kamalian at nakikita ng Dakilang Panginoon ang mga gawain ng lahat at bawat isa at kahit gahanip ay hindi maikukubli ng inyong pagkatao.
Tulad din ng isang anak na nagkasala sa kanyang magulang ay natatakot umuwi sa kanilang tahanan, ganyan ang nakakatulad ng mga kaluluwang naririto sa kapatagang-lupa na aayaw umuwi sa Amang Makapangyarihan upang masulit at aminin ang kanilang mga kasalanan.
Dito sa kapatagang ito ay maikukubli ang kasalanan, subalit sa dako pa roon ay nalalaman ninyo hindi kubli at hayag ang lahat ng bagay kaya at natatakot kayo na kayo ay kumabila sa kabanalang siyang hinahangad ng inyong kaluluwa. Mahina ang laman ng tao, at ito ang pabigat kaya at hindi maiwanan ang kalamnang ito upang umigpaw ang kadakilaan ng inyong pag-aaral at pananampalataya.
Ganyan kayo mga iniibig na kapatid na kinakailangang panindigan ang kahalaghan ng kabanalang laging nakaduldol sa inyong mga pagkatao upang dakilain ang inyong pananampalataya at pag-aaral. Ito ang maliit kong maitutulong, mga iniibig na kapatid, at sa gabing ito ng inyong pagtulog ay nguynguyin ninyo.
Nakaraan lamang ang dakilang araw ng Panginoon ay kung matatanggap ninyong ang kadakilaang hinahangad ng laht at bawat isa. Pag-aralan ninyo, mga minamahal na kapatid, umugnay kayo sa Panginoon upang dakilain ang inyong pinag-aaralan.
Iyan lamang ang maliit kong maitutulong at nalalaman kong higit sa lahat kayo ang nakagawa ng hagdan upang marating ninyo ang pananagumpay na hinahangad ng inyong pag-aaral.
Kapayapaan, kadakilaan ng lahat at bawat isa ang siyang manatili, ngayon at magpakailanman. Antonio de Padua, ako ay sumainyo.
1981-11-18, RR
Ang liwanag at ang pagpapala ng Panginoon ang siyang sumainyo ngayon at magpakailanman!
Mga iniibig na kapatid, sa katuruang ng Espiritismo ay sadyang mahirap na matutuhan at maisagawa ng tao sapagkat napakalawak na aralin. Ang isang mag-aaral ay laging magmamatiyag at makikinig sa mga ibinababa ng kabatlayaan sa inyong kalagitnaan upang ito ay inyong maisagawa.
Sapagkat ang araling ito, mga iniibig ko, ay napakadakila kung matutuhan at maisagawa ng isang mag-aaral. Ngunit kung ang isang mag-aaral ay hindi magtotoo sa kanyang pag-aaral ay marahil ay wala pa siyang natutuhan.
Kaya at kinakailangang magpatuloy, magpatuloy na dumulang ng mga kataga ng kabatlayaan ibinababa sa inyong kalagitnaan upang sa gayon ay magkaroon kayo ng isang dakilang araling matutuhan ng inyong sarili. Sapagkat ang araling ito na sa inyo ay ibinibigay ay nauukol sa inyong kaluluwa at gayon din sa inyong mga katawang-laman.
Mga iniibig ko, lalong-lalo na ang mga kapatid na may karamdaman, walang hinihingi ang kabatlayaan kungdi kayo ay magtotoo, magtotoo kayo sa kanilang mga itinuturo at ini-aaral, magtotoo kayo sa paggawa ng kabutihan nang nauukol sa inyong mga sarili.
Sapagkat ang mga kabutihang magagawa sa inyong mga kapwa ay dadating din ang araw na muling magbabalik sa inyo ngunit huwag ninyong aasahan, mga kapatid, ang isang bagay na inyong naitulong sa inyong mga kapwa ay muling babalik pa upang kayo ay tugunin.
Sapagkat ang itinuturo sa paaralang ito ng Espiritismo, ang naibigay ng kanang kamay ay huwag malaman ng inyong kaliwa sapagkat kailanman ay wala kang hihintayng ganti sa dako pa roon kung ikaw ay maghihintay ngkagantihan sa inyong nagawa sa inyong mga kapwa.
Lalo pa ang mga kapatid na mayroon ng katagalan ng pag-aaral ay inaasahan kong marami na kayong natutuhan, marami na kayong napagbigyan ng inyong mga natutuhan sa loob ng simulaing ito.
Sapagkat ganyan ang kinakailangan na ang isang mag-aaral ay maipalaganap niya ang kanyang natutuhan sa kanyang mga kapwa, ang inyong maitulong sa inyong mga kapatid lalo at higit ang mga nangangailangan, umasa kayong pagdating ng panahon ay mayroong madadala.
Kaya at huwag manghinayang ang sinomang mga kapatid na magbigay sa mga nangangailangan sapagkat ito ay karagdagan nang nauukol sa inyong mga kaluluwa at gayon din sa inyon mga kapatid lalo at higit ang mga nangangailangan, umasa kayong pagdating ng panahon ay mayroong madadala.
Kaya at huwang manghihinayang ang sinomang mga kapatid na magbigay sa mga nangangailanagn sapagkat ito ay karagdagan nang nauukol sa inyong mga kaluluwa at gayon din sa inyong mga karamdaman, tinatawagan ko kayo huwag kayong magsasawa ng pakikiisa at pakikipag-aral sa kabatlayann sapagkat ang kabatlayaan lamang ang siyang makakatulong una sa Ama at ikalawa ay sa Panginoon, at sa Kanyang mga alagad na sa inyo ay nagbibigay ng kagamutan.
Sapagkat ang mga gamot o ang ibinibigay na kailangang ay itala ninyo at pag-aralan kung ito ay saan nagmumula kungdi sa banal na kapangyarihan na nagmumula sa kaitaasan ng siyang ipinadadalo sa bawat kasangkapang tumutulong sa mga may karamdaman.
Kaya at kayong kasangkapang tumutulong sa mga may karamdaman, kayong mga kasangkapang tumutulong sa mga ganitong pagkakataon, tibayan ninyo ang inyong paninindigan, tibayan ninyo ang inyong paggawa lalo pa ay ang mga kapatid na dati nang tumutulong sa mga karamdaman.
Iyan ang iniiwan sa inyo mga iniibig na kapatid at inaasahan kong kayo ay matitibay na at gayon din ang mga sumusunod sa inyo na kinakailangan inyong halinahin at bigay ninyo ng inyong kaalaman kung papaano ang kanilang gagawin, ituro ninyo sa pamamagitan ng inyong lakas ng pag-iisip at iyo ay makapaglalagos sa bawat isa sa mga kapatid na tumutulong sa mga may karamdaman.
Kapayapaan ang sumaiyo
ngayon at magpakailanman. Paalam, Antonio de Padua.
1981-11-10, RAD
Ang biyaya at kapayapaang nagbubuhat sa mga langit ang sumainyo ngayon at hanggang sa wakas.
Karanasan na sa isang sandali na magtamo ng pananagumpay ang tao ano man itong larangan nagdaragdag na matamo ang pananagumpay sa kanyang kalagayan upang magpatuloy, nagkakaroon ng higit na pagtitiwala sa kanyang sarili upang labanan ang lahat ng hadlang na sa kanya ay darating.
Kung ganito ang magiging kalayagayan ng isang nag-aaral sa kanyang sarili, marahil wala ng sinumang mauuntol sa pagsinop, na kinakailangan ng kanyang diwa. Sapagkat sa isang sandali na makaunawa ang isang mag-aaral, at ito ay mailagay sa larangan ng pagsasagawa isang tagumpay para sa kanyang kaluluwa. At ito ngayon ang magbibigay ng lakas upang patuloy na kinakailangan ng kanyang kaluluwa.
At sa paghahanap na ito iniipon ang lahat ng kanyang kaalaman upang gamitin sa kanyang pagpapatuloy sapagkat ang kanyang pananaw ay naroroon sa tagumpay na kanyang matatamo at hindi sa kabiguan.
Dahil dito, dala-dala ang lakas at tatag ng kabuuan sa kanyang sarili upang patuloy na manubigan sa kadakilaan ng kanyang tungkulin. At kung to kayo ngayon, hindi baga kayo ang katulad noong nakasulat sa Banal na Aklat na ang nakakabit sa puno ng ubas ay lalong nililinis upang magbunga at ang paglilinis kung itutumpak at itutulad sa isang banig, hindi lamang isang kaparaanan ang ginagawa at pinagdadaanan upang ito ay maganap at makita ang ganap na kaputian na kanyang hinahangad?
Ganyan din sa kalagayan sa kabuuan ng tao lalo na sa kaangkinan ng isang kaluluwa. Na kung ito ngayon ang nakakabit sa puno ng ubas ay hindi maaari na hindi ito linisin sapagkat kinakailangan upang ito ay lalong magbunga. At doon sa bahaging madarama ng isang mag-aaral kung gaano kadakila ang kanyang isinasagawa.
Madarama ng isang nag-aaral kung gaano kahalaga ang kanyang iniimpok. Madama ng isang nag-aaral kung gaano kaliwanag ang kanyang nilalandas na dahil dito hindi iibigin na siya ay mauntol sa kanyang mithiing makarating sa dako na kinakailangan na kanyang marating pagkat ito ay magbibigay ng kapayapaan sa isang kaluluwa.
Dahil dito, iyan ngayon ang gawin ninyong sandata sa kalagayan ng inyong buhay upang bawat madarama ng inyong sarili ay maging katumbas niyon suhay na magbibigay ng gabay sa isang mahinang tahanan.
Na dahil dito, bagaman naroroon ang takot at pangamba na sa kanyang kakaharapin ay maaaring siya mabigo hindi makapamamaibabaw sapagkat ang kabuuan ng kanyang sarili ay naroroon sa kadakilaan ng kanyang magagawa. Naroroon sa pag-ibig na sa kanya ay ibibigay at ipagkakaloob ng kaitaasan, naroroon sa gabay na kanyang matatamo sapagkat ito ang kahingian ng kanyang kaluluwa.
Kaya nga ang pagpapatotoo lamang ang kinakailangan upang madama ninyo na kayo ay hindi pinababayaan. At iyan ay kapangakuan sapagkat ang kanyang pangungusap hindi kayo iiwang ulila kailanman. Susuguin sa inyo ang Espiritu ng mang-aaliw.
Kailan isinusugo ang Espiritu ng Mang-aaliw?
At ang bahaging ito ay matutupad hindi lamang sa ganitong sandali at pagkakataong maging sa inyong pag-iisa ay sinusugo ang Espiritu ng mang-aaliw upang ibigay ang pangangailangan ng isang kaluluwa.
Sa inyong pakikipamuhay sa pang-araw araw na kabuhayan ng isang lamang ibinibigay at isinusugo ang Espiritu ng Mang-aaliw upang ipakilala kayo ay naiiba sapagkat naroroon na ang antas ng inyong pagka-unawa sa isang kalagayang mayroon ng kabuuang katotohanan.
Dahil dito, kung iyan ang kalagayang pinagdadalhan nag-aaral sa kalihiman ng buhay ang lahat ay magpapatuloy dala-dala sa kanyang puso ang isang mithiin na siya ay makagawa, siya ay makabuo sapagkat ito ang magiging karagdagan sa silahis na kinakailangang tamuhin ng kanyang kaluluwa.
Kaya at naroroon umuunlad ang bawat karapatan at sa pag-unlad ng bawat karapatan ay kaalinsabay na umuunlad ang kaunawaan ng kanyang diwa na dahil dito, siya ngayon ang magiging gabay ng kapaligiran. Siya ngayon ang nagiging bukal na nagbibigay ng kapahingahan sa sino man na nakadadama ng kapaguran.
Hindi ba iyan ang isang kadakilaan at biyaya na ibinibigay sa isang mag-aaral? Na kung inyong madarama ay pananabikan ninyo ang bawat sandali na mayroon ng makukuha at madudukal ang inyong sarili?
Na dahil dito, doon ngayon kayo tatayo, diyan kayo babangon, diyan ninyo gigisingin ang kabuuan ng inyong pagkatao upang kayo na nga ang maging manggagawa sa ubasan ng dakilang Panginoon.
Kaya nga hawakan ninyong mahigpit ang inyong sarili, sapagkat ang nagpapatuloy ay lalong dinadala doon sa mga bahagi ng tuparin na kinakailangang matupad sapagkat kayo ay katulad ng hiyas na habang tinatapyasan ay lalong tumataas ang uri at kung iyang ang bahagi ng pagsubok sa pamamagitan ng ganitong mga karanasan doon ngayon pinasisikat ang kaangkinang dala-dala ng inyong kaluluwa.
Kaya nga sa kasalukuyan man ang kalagayan ng inyong sarili, ngunit aking uulitin, kailanman hindi kayo pababayaang ulila sapagkat isusugo sa inyo ang Espiritu ng Mang-aaliw.
Dahil dito, lagi ninyong ilagay sa inyong mga puso ang pinakamaliit na pananampalataya na kasingliit ng butil ng mustasa at naroroon ang kapangyarihan ay mapapasa inyo upang hawakan ninyo ang kabuuan ng inyong sarili na madama ninyong kayo ngayon ay nakatindig, hindi kayo mabubuwal.
Ito ang mga bahagi, akin sa inyo ay iniiwan upang buhayin ang inyng kaalaman sapagkat kayo ay kinakailangang mayroon ng mabuo sa inyong sarili sapagkat iyan ang hangarin at layunin ng inyong kaluluwa sa inyong pakikipamuhay sa ibabaw ng lupa.
Hanggang
dito at maghari nawa sa inyong mga puso at sa lahat ng tao ang
pag-iibigan, kaliwanagan at kapayapaan ngayon at magpasawalang
hanggan. Paalam, Antonio de Padua.
1981-11-08, RR
Saganain ang lahat sa mga dakilang pagpapala ng mga langit, maghari ang kapayapaan ngayon at magpakailanman!
Mga kapatid, ang Panginoon ay puno ng ubas at kayo ang mga sanga, kinakailangan ang sangang iyan ay magkaroon ng bulaklak at mamunga upang sa gayon ay maitanim ninyo sa mabuting lupa. At kung iyan ay inyong mapatubo, at ang lakas na iyan ay inyong maipalaganap sa lahat ng dako ng inyong patutunguhan.
Nalalaman ko, mga iniibig na kapatid na kayo ay mga tunay na mag-aaral ng dakilang simulain ng Espiritismo, ang tanong lamang ay ganito: ang inyo bagang mga tungkulin, mga iniibig na kapatid, ay naisasakatuparan ninyo at iyang kayang inyong tungkulin ay nadadala ninyo sa inyong mga kapatid na lalo at higit na nangangailangan?
Kaya at kayo ay naririto at nag-aaral sa dakilang simulain ng kabanalan at pag-ibig, ay inaasahan ko na walang ibang magpapalaganap ng dakilang simulain ng kabanalan kungdi kayong nagsisipag-aral ng dakilang simulain ng Espiritismo.
Sapagkat nalalaman ko rin na kayo ay matitibay na sa inyong mga tungkulin na kinakailangang maisakatuparan ninyo ng buong lakas at tibay ng inyong mga paninindigan sa kapanahunang ito.
Mga iniibig kong mga kasangkapan, mga iniibig ko ring mga tauhan ng simulaing ito, lalo pa ang mga kapatid na lalo at higit na mayroong tungkulin, na naka-atang sa kanilang mga balikat ay kinakailangan na humayo kayo at lumakad.
Dalahin ninyo ang krus upang sa gayon ay maipakilala ninyo na kayo ay mga tunay na manggagawa ng Panginoon. Ipakilala ninyo na ang dakilang simulaing ito, mayroon pag-ibig at pagmamahal sa inyong kapwa.
Hindi kayo magtatangi kailanman, mga iniibig ko, maging Espiritista o hindi man kinakailangang ipabatid ninyo ang inyong mga natututuhan sa simulaing ito sapagkat kayo ay nag-aaral, tinuturuan kayo ng kabatlayaan sa inyong mga gawain na kinakailangang inyong matupad.
Mga iniibig ko, huwag ninyong sayanging ang lakas na tinataglay ninyo sa kapanahunang ito, dagdagan na ninyo, hilingin pa ninyo ang inyong lakas upang inyong matupad ang inyong mga tungkulin.
Lalo pa ang mga kapatid na dito ay nangungulo, maging sa mga kapatid na mayroong katandaan sa simulain ito, tinatawagan ko kayo mga iniibig na kapatid, sapagkat sa matagal ng pag-aaral ay inaasahan ng nakakarami na marami na kayong natututuhan, maaari na kayong magpalaganap ng dakilang simulain, ang wika ay pag-ibig at karunungan.
Iyan kaya ay nagagawa ninyo, iyan kaya ay nagaganap ng isang nag-aaral ng simulain? Kayo mga iniibig na kapatid ang makatutugon sa iinyong mga sarili, kung kayo ay mga tunay na mag-aaral ng katotohanan, na kung kayo ay tunay na nagtotoo sa inyong pinag-aaralan at kung kayo ay mga natututo na.
Mag iniibig na kapatid, mapapalad nga kayo sapagkat nasalilong kayo sa ilalim ng ganitong paaralan, mapapalad din kayo kung inyong ipalalaganap ang simulain upang sa gayon ay maipakilala ninyo sa inyong kapaligiran lalo pa ay doon sa mga kapatid na walang pagka-unawa sa inyong simulain.
Na ipakita ninyo na ang isa palang Espiritista ay mayroon ng natutuhan, na ang isa palang Espiritista ay maganda ang kaugalian, maganda ang itinutulong sa kanyang mga kapwa lalo at higit ang nangangailangan.
Hindi ninyo tutulungan, mga iniibig ko, ang mayroon ng tinatangkilik sa buhay, ang hahanapin ninyo ay yaong dahop na dahop sa kapatagang ito upang sa gayon ay maipakilala ninyo na kayo ay mga tunay na mag-aaral ng simulaing ito. At sa pamamagitan ng mga turo ng kabatlayaan ay kamalasan kayo ng gawain, magagandang pananalita.
Huwag kayong hahatol, inuulit-ulit ko, sapagkat ang inyong paghatol ay muling babalik sa inyong mga pagkatao. Iyan lamang at magpatuloy kayo sa inyong dakilang pag-aaral ng simulaing ito, hindi kayo magsisisi pagdating ng panahon.
Kapayapaan ang sumainyo ngayon at magpakailanman. Paalam, Antonio de Padua.
1981-10-25, GPL
Ang kapayapaan ang sumainyo ngayon at magpakailanman!
Mga sandali ang tao ay nagnanasang makapagpatuloy sa alagatain at kadakilaan ng kanilang pananampalataya upang diligin ang mga pag-aaral na ito ng mga hamog na nagmumula sa kabatlayaan.
Ang kabatlayaan ay laging nakahanda sa lahat ng kataon upang ipadama sa lahat at bawat isang mag-aaral kung ano ang mga kabutihang lagi nang inuukilkil sa bawat mananampalataya.
Subalit sa hindi marunong umunawa ay hindi magkaroon ng kahalagahan ang mga bagay na ito, bagaman at sa inyong mga sarili dalawang bagay ang nadarama; ang isang kabutihang siyang laging nakahandulong sa bawa’t mag-aaral, at ang isang kahinaan nito.
At kayo na mga mag-aaral na higit na nakauunawa ang lalong nakapamimili upang maging ganap ang inyong mga pag-aaral. Sapagkat tulad sa isang pandayan ay kinakailangang mapanday ang inyong mga sarili upang lumitaw and kahalagahan ng inyong natutuhan.
Bagaman at natatanaw ko, marami ang hindi maitindig ang kadakilaan ng kanilang kaluluwa at ang hinahangad ng kalamnang ito ay siyang nananaig lalo pa kung dumarating ang mga araw na ito ay inu-ukilkil kayo ng mga banal na dumalo sa lunduyang ito, subalit ang kalamnang siyang naghahari sa inyong mga sarili.
Laging nananaig ang mga bagay ng gawaing pangkalamnang siyang humahadlang sapagkat kayo ay mahihina pa sa kadakilaan ng inyong pag-aaral ay natatalo ang kabutihang siyang kinakailangang madala ng inyong mga kaluluwa.
Mga kapatid, sa haba kaya ng panahon na nalakbay ng inyong mga sarili, hanggang ngayon ay baog pa ang inyong pagkatao. Samantalang lagi ngang binabanggit sa palatindigang ito na kayo ay maghanda ng pagkaing hindi napapanis upang maging ganap ang inyong pag-aaral, upang hindi masayang ang inyong pagpapagod sa ganganitong pagkakataon.
Subalit sa aba ng inyong mga sarili, lagi nang kulang sa paggawa na kinakailangang maisagawa ng bawat mananampalataya, bakit kaya ang tao ay lagi nang atubili sa mga bagay na mabuti?
Subalit, kung mga bagay na pangkapatagan laging handa ang tao upang tuparin ang mga bagay na kahiya-hiya sa kanyang mga kapwa. Kahabag-habag ang mga espiritung lagi nang nagpapaumanhin na nakakalimutan ng ibang mag-aaral at hindi nasasabing kahiya-hiya kay San Rafael na hindi ako makita sa aking luklukan.
Mga kapatid, kailan pa kaya magkakaroon ng kaganapan ang mga adhikain pang dako pa roon? Kailan pa kaya magiging maikahiya sa mga banal na hindi makagawa ng itinuturo? Kung ito lamang ang pag-aaral pangkapatagan, marahil matagal na kayong nakatapos sa inyong mga ina-adhikang karunungan. Subalit talaga yatang mahirap pag-aralan ang pangdako pa roon.
Subalit lagi na ang sinasabing ito ng mga banal, hindi ko kayo tinatakot, kungdi ako ay nakiki-usap na upang kayo ay makapagpatuloy ng puspusan sa mga itinuturo ng kabatlayaan.
Tibayan ninyo ang inyong pananalig, tibayan ninyo ang inyong pag-aaral at paggawa upang kung dumating ang mga takdang araw ay sama-sama tayong magbibigay o mag-aaral sa mga kaluluwang wala pang gaanong karunungan.
Magpapatuloy kayo, mga iniibig na kapatid, at huwag kayong magsasawa sapagkat kahit na maliliit at unti-unting kabutihan na maipon ng iyong mga sarili mamamalas ninyo ang kinang at ang kapinuhan ng uri ng inyong pinagpaguran.
Iyan lamang, mga iniibig na kapatid, at nawa ay pagpalain kayo ng Ama ngayon at magpakailanman. Paalam, Antonio de Padua.
1981-08-23, GPL
Ang kadakilaan ng inyong pag-aaral ang siya nawang maghari ngayon!
Mga ginigiliw na kapatid, sa mga sandaling ito ay nilisan ninyo ang inyong mga tahanan upang pahalagahan ang tawag ng tungkulin, tungkuling siyang magpapadakila sa inyong mga pag-aaral.
Kung lagi nang ang mga katagang nakahandulong sa inyong mga pagkatao ay sasabayan ng paggawa sapagkat ang tungkulin ng tao ang siyang pinakamahalaga sa lahat kung ito ay itataguyod, kung bubuuin ang kadalikaan ng paggawa upang managumpay at managano an lahat at bawat isa sa paggawa sa ika-uunlad ng inyong mga kaluluwa.
Mga minamahal na kapatid, mahaba na ang nalalakbay ng panahon, at kayo na nakasakay sa daong ng Dakilang Panginoon ay kinakailangang pumalaot upang sa paggaod ng daong na ito ay makita kung hanggang ang lundo na mararating ng inyong mga sarili. At huwag kayong magpapabaya sa pag-aalalay sa lunday ng Panginoon na ipinagkatiwala sa inyong kalagitnaan.
Huwag ninyong bayaang umikot-ikot sa kalagitnaan ang lunday na ito sapagkat nalalaman kong hawak ng inyong mga sarili ang katatagan at kadakilaan ng paggawa. Nalalaman ninyo kung papaano kayo sumalilong o sumakay sa lunday na ito at kinakailangang makarating kayo hanggang doon sa hangganan ng inyong patutunguhan.
Mga iniibig na kapatid, malawak ang pag-aaral ng Espiritismo sa mga sanga-sangang mga halimbawa at mga bagay na lagi nang binabanggit ng kabatlayaan. Ano kayo mga iniibig na kapatid, nadala na kaya ng inyong mga sarili ang kahalagahan ng pag-aaral na ito?
Nadala na kaya ang inyong mga tungkulin? Sapagkat kung lagi na lamang nakaririnig ang tao ng mga aral ng kabatlayaan, at hindi banay-banay na maisasakatuparan ang mga dakilang aral na ito ay tulad kayo ng winika kong sumakay sa lunday ng Panginoon at binayaang umikot-ikot sa kalagitnaan ng dagat ng buhay.
Ito ang binanggit ko sa inyo sapagkat nalalaman kong kailangan ang lahat at bawat isa ay piliting makarating ang dakilang pag-aaral na ito sa hangganan ng kadakilaan ng inyong tungkulin. Sa pamamagitan ng inyong paggawa ay doon makikilala kung sino kayo sa inyong mga sarili at kung ano ang inyong mga nagawa sa larangan ng buhay at pag-aaral sa kadakilaan.
Ito
lamang ang maliit kong maitutulong, mga iniibig na kapatid, at nawa
ay pagpalain kayo ng Ama, ngayon at kailanman. Paalam, Antonio de Padua.
1981-07-12, RR
Sumainyo ang mga dakilang pagpapala ng mga langit, maghari ang kapayapaan sa loob at labas ng lunduyan ngayon at magpakailanman!
Ang tunay na diwa ng katotohanan
Mga iniibig, mapalad kayo sapagkat natagpuan ninyo ang tunay na diwa ng katotohanan na ang diwang ito ay siyang binhi na ipinagkaloob ng Dakilang Manlilikha. Na ang binhi na ito ay patubuin upang sa gayon na ito ay mamunga at magkaroon ng kaganapan ang kanyang mga buto.
At ang butong ito ay muling itatanin at muling isusubsob sa lupa. Ito ay muling tutubo at magkakaroon ng lubos na kaganapan upang sa gayon ay magkaroon ng tunay na kaganapan ang kanyang mga butong inihasik sa kapatagang iyan.
Katulad na nga sa inyong mga nagsisipag-aral, ang mga binhing sumasainyong pagkatao ay bayaan ninyo na ito ay mapatubo ninyo upang sa gayon, sa habang panahon ay inyong pakinabangan.
Sapagkat iyan ang magbibigay ng lalong kabusugan ng inyong mga kaluluwa kung dumating ang panahon at araw kung kailan hindi ninyo nalalaman kung kayo ay tawagin na ay mayroon kayong nakahandang baunan na maaari ninyong ikabusog sa dako pa roon pagdating ng panahon.
Kaya nga mga minamahal ko, tibayan ninyo ang inyong mga paninindigan sapagkat ang paaralang ito (paaralan ng diwa) ay napakadakila kung gugunitain at pag-aaralan ng bawat isa sapagkat marahil ko ay naitatanong ninyo sa inyong mga sarili, ang biyaya kayang ito na nagmumula sa Dakilang Manlilikha ay nauukol para sa akin?
Kayo rin mga minamahal ko ang tutugon sa inyong mga sarili, at kung ito ay tunay na akin, ay aangkinin (claim) ko at aking pangangalagaan habang ako ay nabubuhay sa kapatagang lupa upang ito ay magsilbing tagasubaybay sa aking kaluluwa at sa aking katawang-laman.
Mga minamahal na kapatid, napakadakila ang isang pag-aaral sa dakilang simulain ng Espiritismo (Pag-ibig) kung tunay na siya ay nag-aaral at nagtotoo sa kanyang pinag-aaraln, sapagkat kakamtin niya ang kaligayahang hindi lamang sa dako pa roon kungdi sa dakong ito na kanyang tinitindigan sa lupang kapatagan.
Mga iniibig ko, kung dumarating man ang pagsubok, tibayan ninyo ang inyong paninindigan at pananampalataya upang sa gayon ay marausan ninyo ang maraming pagsubok na dumaratng sa inyong pagkatao.
Katulad halimbawa na kayo ay dinatnan ng isang mahigpit na karamdaman, huwag ninyong iisipin na bakit kaya ako ay pinahihirapan ng Panginoon, hindi ito pagpapahirap kung hindi, ito ay alalay at biyaya upang ang bawat isang nilikhang dumarating sa ganitong mga karamdaman, makilala niya na mayroon palang isang Diyos na makapangyarihan na siyang umaalalay at nagbibigay-buhay sa bawat pagkatao.
Kung kaya at huwag kayong magdaramdam, mga iniibig na kapatid, kung kayo ay sinasapit ng munting kirot ng laman kungdi ang inyong hilingin sa Panginoon ay:
“Salamat po Ama ko at ito ay dumating sa aking katauhan, nawa ay ang kirot na ito ay siyang makapagdulot ng kasipagan ng aking paninindigan sa aking tungkulin upang sa gayon ay maging karapat-dapat sa inyong banal na pagpapala.
O, Panginoon, nalalaman po namin hindi ninyo kami pinababayaan kailanman sapagkat hindi kailanman nawawaglit sa inyong kaisipan ang pagpapadala sa amin ng mga biyaya.
At nawa ang karamdamang ito ay maging gabay sa aking panunuparan ng aking tungkulin upang sa gayon ay huwag akong makalimot sa tungkuling aking tinanggap sa kabatlayaan (kaitaasan).”
Iyan lamang ang hihilingin ng lahat at bawat isa kung dumarating ang karamdaman sapagkat kayo ay binibigyan lamang ng katibayan ng Kanyang kalooban at minamalas kung kayo ay tunay na matibay sa kanyang paninindigan kung kayo nga ay isang dakilang Espirtistang nag-aaral ng simulaing ito.
Mga minamahal ko, lahat kayo ay aking tinatawagan sa mga sandaling ito, maano nawang ang diwa at kaisipan ng bawat isa ay makapaghatid ng ambil sa ibang mga kapatid, tulong-tulong, hindi lamang sa pamamagitan ukol sa laman. Tumulong sa lalong nangangailangan sa kaluluwa, pagpapadala ng tulong sa pag-iisip sa may karamdaman.
Iyan ang aking maipagkakaloob at inaasahan kong ang bawat isa ay magkakaisa at magkakaunawaan ngayon at magpakailanman.
Kapayapaan ang aking inilalagak ngayon. Paalam, Antonio de Padua.
1981-07-05, GPL
Kadakilaan at pagpapala ng Ama ang siya nawang maghari ngayon at magpakailanman!
Mga iniibig na mag-aaral na nagnanasang makahasik sa mga hamog na nagmumula sa kaitaasan, mapapalad kayo na lagi nang naghahanap ng pagkain ng inyong mga diwa sapagkat ang sinumang naghahanap ay nakasusumpong.
Iyan ang mga katagang iniwanan ng dakilang Manlilikha sapagkat ang Panginoon kung kaya nanaog sa kapatagang ito ay nag-iwan ng mga binhi na kinakailangang payabungin ng inyong mga sarili.
Itinanim hindi sa pusod ng lupa kungdi sa isipan ng mga nilikha dangan na nga lamang at ang mga nilikha ay nagkukulang upang ipagpatuloy ang kahalagahan ng mga iniwanan ng Dakilang Mananakop.
Nagwawalang-bahala kayo sa kahalagahan ng mga tungkuling kinakailangang maisagawa ng bawat nilikha, hindi pansin ng nakakarami kung ano ang dahilan at nabuhay ang tao sa kapatagang ito.
Bagaman at mayroon ng mga nakaaalam ng binigyan kayo ng buhay ng Panginoon upang malasin kung kayo ay natututo sa inyong mga pag-aaral bagaman at nakararami ang nagwawalang-bahala.
Sayang ang panahon mga iniibig sapagkat hindi na muling babalik ang panahong iyan upang ganapin ninyo ang inyong mga tungkuling ipinangako bago kayo sa kapatagang-lupa.
Ninasa ng inyong mga sarili, nangako kayo sa Dakilang Ama na magpapatuloy na gumawa ng mabuting halimbawang iniwanan ng Dakilang Panginoon, subalit ano ang ginawa ng nakararami nang dumating sa kapatagang ito?
Naglimayon ang tao at sinabi sa kanilang sarili; minsan lamang mabuhay ang tao kaya at kinakailangang magpakasawa sa buhay na ito, magpakasawa sa ligaya ng buhay-laman. Subalit hindi nauubawaang sinabi ng Dakilang Panginoon, na magpakasawa kayo sa paggawa ng inyong mga tungkulin batay sa mabubuting bagay na aking iniwanan nang Ako ay nanaog sa kapatagang-lupa.
Mali ang mga tao na hindi marunong umunawa ng kanilang mga tungkulin subalit kayo, mga iniibig na kapatid, sa larangang ng pag-aaral na ito nauunawaan ninyo kung ano ang naging dahilan at nabuhay kayo sa kapatagangg ito upang tumupad ng inyong tungkulin bagaman at mayroon ng dilim at mayroong liwanag na siyang laging nakahandulong sa inyong mga isipan at kaya ang mamimili upang maging karapat-dapat kayo sa inyong sinumpaang tungkulin.
Liwanag na siyang sagisag ng pananampalataya na siyang aarugain ng mga nilikha upang makagawa ng mga kabutihang siyang buod kung bakit kay nagpapagod sa mga sandaling ito, kung bakit ninyo inaaksaya ang inyong mga panahon upang makapagpatuloy kayong makagawa ng itinuturo ng kabatlayaan, ng mabubutng iniwanan ng Panginoon na kanyang mga halimbawa.
Mga iniibig na kapatid, magpapatuloy kayo, hindi lamang sa pagdalo sa gan-ganitong pagkakataon, kahit sa inyong mga tahanan ay doon naroroon ang katuparan ng inyong mga pag-aaral, nasa sa inyong paligid ang kahalagahan ng inyong mga tungkulin lalo pa sa mga panahong ito ang lahat ay nananagano sa takbo ng buhay.
At kayo na marurunong umuwawa at mga mag-aaral na katotoanang ito, nalalaman kong ipagpapatuloy ninyo ang inyong napag-aralan at hindi magdaramot sa laman at sa diwa sapagkat ito ang kahalagahan ng inyong pinag-aaralan.
Kapayapaan, kadakilaan ng inyong mga gawang siya nawang manatili ngayon at magpakailanman. Paalam, Antonio de Padua.
1981-07-01, GPL
Saganain ang lahat ng mga dakilang pagpapala ng Panginoon, ngayon at magpakailanman!
Mga iniibig kapatid, sa diwa ng mga pag-aarap at sa mahahalagang tungkuling nakababaw sa balikat ng lahat at bawat isa, laging nakahandulong ang mga pag-aaral at alagatain ng diwa ng lahat at bawat isa, sa makasaysayang hangarin ng bawat mag-aaral na makapagpunpon ng lakas at diwa upang makapaghatid ng kadakilaan sa kanyang mga kapatid.
Ito ay lagi nang banggit ng kabatlayaan at itinuturo na kinakailangang ang lahat ay magpatuloy sa karagdagan ng kanilang mga pag-aaral, isagawa alang-alang sa kadakilaan ng pananampalataya. Sapagkat ang pananampalatayang walang gawa ay baog.
Ganyan ang paulit-ulit na banggit ng kabatlayaan at kayo, mga iniibig na kapatid na lagi nang nagpupuyat at naghahangad na makagawa ng itinuturo ng kabatlayaan bagaman at ang inyong mga sarili ay laging umiigting sa paghahangad ng mga biyaya, laging naghahangad ang inyong mga diwa ng paglilingkuran.
Subalit ang katawang-laman, kung nakahandulong na ang mga bagay na kinakailangang tuparin ng taoy, ay hindi makapagpatuloy sapagkat nananaig ang kahinaan ng pananampalataya.
Kinakailangang palakasin ang diwa ng tao upang makapagpatuloy ang kadakilaan ng paggawa, sapagkat iya ang batayan upang ang talaro ng timbangan ay manatili sa kadakilaan, ay huwag panaigin ang kababaan sa kanyang buhay.
Mga iniibig na mananampalataya, sa haba ng panahon ng inyong pinag-aaral at lagi nang ito ay paulit-ulit na banggit ng kabatlayaan ay hindi ko pa natatagpuan ang tunay na kahulugan ng kadakilaang siyang dinadalit-dalit ng kabatlayaan.
Magpapatuloy kayong mag-aral, at gumawa upang maging dapat kayo sa inyong pinag-aaralan sapagkat kung lagi nang ang kahinaan ang siyang madadala ng tao, sa aba ng inyong mga sarili.
Sayang ang mga pag-aaral na inuukol ninyo sa ganitong pagkakataon iniwanan ninyo ang inyong mga tahanan upang pakainin ang inyong mga kaluluwa subalit pagkatapos na maturuan kayo ng kabatlayaan at hindi ninyo nasunod.
Sayang ang panahon na inuukol ninyo sapagkat lumilipas ang panahon at hindi na babalik. Kaya at kinakailangang ang mga kabutihang itinuturo na kinakailangang maisagawa ng tao upang maging dakila.
Ito lamang ang aking maitutulong, mga iniibig na kapatid at nalalaman kong higit kayong makauunawa sapagkat ito ang daan kung madadala ng tao kung dumating ang dakilang araw ng Panginoon.
Kapayapaan
ang iniiwan ko sa inyo, ngayon at magpakailanman. Paalam, Antonio de
Padua.

1981-05-06, GPL
Mga dakilang pagpapala ng Panginoon, ang sumainyo ngayon at magpakailanman!
Mga gabi ng pag-aaral ng mga nilikha upang managano ang kadakilaan ng kanilang mga kaluluwa. Mapapalad ang laging magpapatuloy na hanapin ang karagdagan ng mga kabutihang hinahangad ng lahat at bawat isa.
At kung kayo ay laging nagpapatuloy na hanapin ang dulo ng landas na dinaanan ng Panginoon, ay lalong magiging mapalad sapagkat ito ang kanyang pagpapalain.
Mga katagang hinahanap at hinihintay ng lahat at bawat isa at pinagsasanayang maisakatuparan ng mga mananampalataya, ang mga kataga at banal na salitang iniwanan ng dakilang Lumikha. At kung ito ay matutuhan ninyong gampanan ang mga tungkulin, ay hindi kayo malalayo sa Dakilang Ama.
Subalit sa daan daraanan ng mga nilikha ay maraming naghambalang na mga katitisuran at madadapa ang tao sa kahinaan ng kanilang pagkakilala subalit, kung ang isang tao ay mayroon ng masidhing paninindigan bagaman at nauuntol at nadadapa, ay muling babangon at magpapatuloy na gawin at isakatuparan ang mga banal na alituntunin na siyang hinahangad na kanilang mga kaluluwa.
Mga iniibig na kapatid, sapagkat ang tao ay galing sa Panginoon, bagaman at nakahandulong sa inyong mga pagkatao ang kahinaan, ang kababban, ay laging umiigting ang kadakilaang siyang buod ng inyong mithiin.
Kadakilaang siyang hinahangad na gampanan, at diyan nasasalalay ang inyong mga gawa sapagkat pinipili ng inyong Espiritu ang kabanalan subalit ang lamang ito na laging sagabal sa pagpapatuloy, siyang laging nagkakaroon ang lakas upang masunod ang damdaming ito.
Subalit sa isang mananampalatayang lagi nang inaalagaan ang kanyang matatag o higit na kadakilaan ng kanyang kaluluwa sapagkat kinakalaban ang kahinaan ng kanyang sarili.
Ito ay danas ng lahat at bawat isa sa inyo, kayo ang higit na nakakadama ng aking sa inyo ay tinuturan sapagkat kayo ay nalalaman kong ang diwa o kaluluwa ng tao ay siyang na nakauunawa ng mga kabanalang kinakailangang asamin at ito lamang ang manatili sa mga nilikha ay, nalalaman kong malapit kayo sa Panginoon.
Mga kapatid, lagi ninyong nadarama, laging naka-ukilkil sa lahat ng kataon ang mga kabutihan nasa sa inyo, sa inyong pagmumuni-muni sa gabi sa inyong paghimlay.
Wari bagang naglalaro sa inyong mga diwa at nadarama ninyo ang binabanggit ng kabatlayaan, wari isang palabas na lagi nang natatanaw ng inyong Espiritu ang mga bagay na mabubuti na kinakailangang gampanan.
Dangan nga lamang at ang tao ay pagbangon sa himlayan at makasalamuha ang ibat ibang uri ng maruruming bagay sa pali-paligid, ang mga salitang hindi dapat maulinig ng mga mahihina ng pagkakilala sapagkat ito ay nadadala ng kanilang sarili at nawawala ang pakiki-ugnay sa Panginoon.
Mga kapatid, ito ang binanggit ko sa iyo sapagkat lahat kayo ay nalalaman kong mayroon ng bahagi ng kadakilaan na mula sa Panginoon at laging nilalaro ang inyong sarili sa mga bagay na mabubutng gawain upang malayo kayo sa kahinaan.
Ito lamang ang aking maitutulong at nawa ay pagpalain kayo ng Panginoon. Paalam, Antonio de Padua.
1981-04-08, GPL
Sumainyo ang dakilang pagpapala ng Panginoon, ngayon at magpakailanman!
Mga iniibig na kapatid, naririto kayo upang busugin ang inyong mga sarili sa mga kataga ng kabatlayaan. Mga dakilang araw ng paggawa ng tao at ganapin ang kanilang mga tungkulin upang ang mga hamog ng kabatlayaan ay ipinagkakaloob sa mga sandaling ito.
At mga pag-aaral ay kinakailangang matupad ang kadakilaan ng isang tungkulin upang ang mga aral ng Panginoon na inihahasik sa sangkatauhang ito ay magkaroon ng kaganapan sa pamamagitan ng inyong paggawa. Sapagkat sa paggawa ng tao ay doon nakikilala kung ang tao ay natututo sa kanyang pag-aaral.
Mga kapatid, mga dakilang araw ang haharapan ng tao upang sa pamamagitan ng kanilang pagkakilala ay mag-aayuno hindi lamang sa pagkain ng katawang-laman kungdi mag-aayuno hindi mag-aayuno ang tao sa pamamagitan ng pagpipigil ng mga gawaing hindi karapat-dapat, ng mga katagan kinakailangang hindi mamutawi sa kanilang mga labi.
Sapagkat ang lahat ng aral ay dakila sa mayroon ng pagkakilala, subalit sa nakakarami ay waring ang mga araw na ito ay araw ng pag-aayuno, subalit sa lalong nakakaunawa ay ang lahat ng araw ay mag-aayuno sa paggawa nang hindi karapat-dapat.
At ang bagay na mabuti ang siyang may kalayaang gawin ng tao kung ito ay natutuhang gawin ng tao subalit marami ang nakaka-alam ngunit hindi maipagpatuloy ang gawang kabutihan laging nag-uumigting sa kanilang mga sarili.
At ang mga kamaliang siyang hindi nararapat, ay kung bakit malimit magawa ng tao ang mga ito. Subalit sa inyong mga nakakaunawa, pangalagaan ninyo ang inyong mga labi upang hindi kayo matukso sa mga maling katagang siyang maghahari sa lahat at bawat isa.
Kung ang lahat ng nanampalataya o lahat ng mag-aaral ay uukilkil, ang kabanalan at siyang mananatili sa kanilang mga sarili, marahil, malapit na ang tao sa dakilang hinahangad ng kanyang kaluluwa. Marahil, isa na kayo sa matagumpay na paggawa ay nakakagawa ng mga bagay na mabuti at hindi na kayo gaanong mababako sa daang nilalakaran ninyo tungo sa Panginoon.
Mga iniibig na kapatid, magpapatuloy kayo at huwag magsasawa sapagkat habang ang tao ay nagpapatuloy mag-aral, ay nagkakaroon ng pamigil ang kanyang sarili sa mga gawaing hindi karapat-dapat at ang kaliwanagang siyang kadakilaan at kabanalang hinahangad ng inyong pananampalataya ay matagpuan ninyo pagdating sa dako pa roon.
Ito lamang ang maliit kong maiiaabuloy sa inyo mga iniibig na kapatid at nawa ay pagpalain kayo ngayon at magpakailanman. Paalam, kapayapaan ang sumainyo. Antonio de Padua.
1981-03-25, GPL
Kadakilaan, sa larangan ng buhay ay minsan pang pinatotohanan ng inyong sarili ang kadakilaan ng inyong mga damdaming makatipon ng mga butil ng pag-aaral, kaya at sa mga sandaling ito, hinahangad ng inyong mga sarili na palihin ang inyong mga kaluluwa.
Mga iniibig na kapatid, sa haba ng panahon ay nalakbay ninyo sa pamamagitan ng subaybay ng kabatlayaan at natagpuan ninyo ang kadakilaan ng inyong pananampalatya. At kung kayo, sa inyong mga sarili ay maryoon ng kaganapan upang maisakatunayan ang kahalagahan ng inyong mga tungkulin.
Naririto ang kabatlayaan at walang sawang nagpaparating kung papaano maisakatuparan ng isang mag-aaral ang kanyang tungkulin kaya at lagi nang inaalayan kayo ng kabatlayaan upang maisagawa ang mga banal na adhikain ng inyong mga kaluluwa at makatupad kayo sa inyong mga pag-aaral.
Mga iniibig na mananampalataya, huwag kayong magsasawa sapagkat sa dulang ng Panginoon ay lagi nang mayroong nakahandang masarap ng pagkain ng inyong kaluluwa at kayo ay mamimili sa mga daan ng kabutihan at kahinaan ay kayo ang magpapatulyo kung alin ang pipiliin ng lahat at bawat isa.
Samantalang ang kabatlayaan ay laging naka-agapay at laging itinuturo kung alin ang tuwid na daan at mayroon ng kaliwanagan subalit kung kayo ay aayaw mapatuloy upang taluntunin ang landas na ito ay malulungkot ang kabatlayaan sapagkat lagi nang hinahalina kayo upang maisakatuparan ang mga banal na tungkulin ng inyong mga kaluluwa.
Magpakadakila kayo, magpakabanal kayo sa tungkulin at ang Panginoon ay laging nakasubaybay sa mga nilikhang mayroon ng kababaang-loob upang isakatunayan ang kanyang mga aral na iniwanan. Kaya at muli at muli ay ginigising kayo sa mga dakilang araw na ito upang sumunod kayo sa kanyang likuran.
Mga kapatid, nalalaman ko rin kayo ay mayroon ng pagka-untol at ito ay tulad sa isang halamang kayo na lamang ang kinakailangang mangalaga upang mamunga at managano kayo sa kadakilaan at kabanalan ng paggawa.
Kapayapaan ang iiwan ko ngayon at magpakailanman. Paalam, San Antonio de Padua.
1981-03-22, RR
Dakilang pagpapala ng mga langit, maghari ang kapayapaan sa loob at labas ng lunduyan ngayon at magpakailanman!
Mga iniibig ko, sa mga ganitong pagkakataon na kayo ay nakaluklok sa ganyang likmuan, inaasahan ko na ang lahat ng dinadala ng kabatlayaang inyong nauulinigan at natataglay ninyo ang lalong mayroon nang kahulugan, ang mabubuting aral, ang mga halimbawa na ibinababa sa inyo ng mga Batlaya, upang sa gayon ay nakataglay kayo ng mga butil ng kaalaman at karunungan na ibinibigay ng kabatlayaan sa inyong kalagitnaan.
Kaya at inaasahan ko na kayo ay lagi nang nakahanda, malinis ang inyong pag-iisip, damdamin at kalooban upang sa gayon ay ang mga ibinababa mula sa kaitaasan ay makadaloy sa inyong mga diwa at katauhan upang sa gayon maunawaan na kayo pala ay mga mag-aaral ng dakilang simulain ng kabanalan at pag-ibig.
Mga minamahal ko, napakadakila na ang sambitla ng inyong mga paligid na kayo ay nag-aaral ng dakilang simulain ng Espiritismo sapagkat inaasahan na kayo ay mayroon na taglay na kabaitan at kabanalan, mayroon kayong natutuhan sa pamamagitan ng pagtuturo ng mga Batlaya.
Kayong mga nag-aaral ng simulaing ito ay inaasahan kong mayroon na kayong matitibay na mga paninindigan sa inyong mga sarili lalo pa ay ang mga minamahal kong mga kapatid na mga kasangkapan at lalo pa ay ang mga nagsisipag-aral sa kasalukuyan, tatagan ninyo ang inyong mga paninindigan, laging ilagay sa inyong isipan kayo ay isang kasangkapan na kinalailangan ng kabatlayaan.
Mga minamahal na kapatid na mga kalalakihan, inaasahan ko na mayroon na kayong mga lakas at tibay ng paninindigan sa inyong pakikipag-aral sa kabatlayaan at inaasahan ko ring mayroon na kayong labis na natututuhan sa matagal na panahon na inyong pakikipag-aral sa kabatlayaan.
Ito kaya ay totoo? Iyan kaya ay mayroon ng katotohanan, ang isang mag-aaral ng dakilang simulaing ito ay mayroong taglay na kabaitan at kabanalan sa kanyang sarili, hindi na siya humahatol, hindi na siya pumupuna sa kanyang mga kapwa na mayroon kamalian kundi ang kinakailangang ipanalangin ninyo at tulungan sa pamamagitan ng inyong natutuhan sa mga ganitong pag-aaral.
Hindi kayo pupula sapagkat kayo ay mga kabig ng kabanalan at pag-ibig na siyang laging ibinabandila ng kabatlayaan na ang mga nag-aaral ng simulain ng Espiritismo ay mayroon taglay na kaluwalhatian at kababaang-loob, taglay niya ang kahinahunan at kapayapaan taglay ng kanyang sarili ang umibig ng walang pagtatangi sa kanyang mga kapwa.
Maging sa anomang kaparaanan, inaasahan ko na kayong mga Espiritistang nag-aaral ay makatutulong kayo sa pamamagitan ng inyong pananalangin at pag-aambil sa inyong mga kapatid na kinakapus ng kapalaran maging sa buhay kaluluwa at sa buhay laman.
Marahil ko ay matataglay ninyo ang mga ganyang kaparaanan upang kayo makatulong sa pamamagitan sa inyong pakikipag-abot diwa sa kabatlayaan upang sa gayon ay maipukol ninyo ang biyayang sumasainyo sa inyong mga kapatid na nangangailangan.
Lalo pa sa mga nilikhang sinasapit ng mga kasakunaan, ang mga kabataan, ang mga nilikhang pumuputi ng buhay sa kanilang kapwa, ito dapat pag-ambilan ng mataimtim na pananalangin upang sa gayon ay mabawasan ang mga kaguluhan sa inyong mga paligid sa pamamagita ng inyong pagtulong sa pananalangin at pag-aambil.
Madadama ng inyong mga sarili at naunawaan din ninyo na maraming bagay ang mga malilikha ng mga taong nadidimlan ng pag-iisip, maraming mga bagay na gumagawa nang hindi nauukol sa kabutihan at kabanalan.
Kaya at iyan ang kinakailangan ninyong tulungan mga minamahal ko, sapagkat ang inyong itutulong na mga pag-aambil ay padadaluyan ng kaliwanagan na nagmumula sa kaitaasan at ang liwanag na ipupukol ninyo kung dako nagkakaron ng kaguluhan upang sa gayon ay makatulong kayo sa ikapapayapa at sa ikapagkakaroon ng pagkakaisa at pagkaka-unawaan sapagkat ang panahon ay lubhang napakaselan mga minamahal ko.
Kaya at kayong, nag-aaral ng dakilang simulaing ito, labis-labis ang aming pag-aambil sa nawa ay kayo ay magkaroon ng pag-unlad sa inyong sarili maging sa anomang kaparaanan, maging sa inyong paglakad at paglalakbay upang sa gayon huwag ninyong sapitin ang sa inyo ay darating na ano pa mang bagay na hindi ninyo inaasahan.
Sapagkat ang isang nilikha, bago lumisan sa kanyang tahanan, kinakailangan ang isang mataimtim na pananalangin at paghingi ng tulong sa kaitaasan upang sa gayong mayroon siyang subaybay sa kanyang patutunguhan at kung sakaling dumating sa inyong patutunguhan sa muli ninyong pagbabalik ay gayon din.
Ang panalangin ay huwag ninyong kaliligtaan lalo na sa malayong dako na inyong patutunguhan sapagkat inuulit-ulit ko, na ang panahon ay napakaselan sapagkat ang mga nilikhang nadidimlan ng kasisipan, walang pagka-unawa, siya ay magkaroon ng mga gawain na kanilang ipagkakasala.
Kaya at kayong naka-uunawa, kayo ang siyang magbibigay at mag-aambil sa pamamagitan ng kaliwanagan ng pag-iisip at kapayapaan upang sila ay huwag makalikha ng anomang bagay na kanilang ipagkakasala.
Mga kapatid, inaasahan ko na kayong lahat sa inyong paglalakbay saanman kayo patutungo, huwag kalilimutan inuulit-ko ang inyong pananalangin at paghingi ng tulong sa kaitaasan. Iyan lamang at ang kapayapaan ang muli kong iiwan sa inyo ngayon at magpakailanman. Paalam, Antonio de Padua.
1981-02-08, GPL
Ang banal na pag-aaral ang siya nawang maghari ngayon!
Ang kabatlayaan ay walang sawang nagbibigay, nag-aanyaya upang ang hamog na nagmumula sa dako pa roon ay madampulay ng iyong mga pagkatao. Nalulugod ang kabatlayaan sapagkat napakarami ang nagnanasang makagawa ng mga bagay na itinuturo sa palatindigang ito.
At kung namamalas na kayong mga mag-aaral ay hindi natututo sa inyong pinag-aaralan, nalulungkot ang kabatlayaan sapagkat nasasayang ang panahon lalo pa ang mayroon ng mga gulang na kinakailangan ang banal na aral ng Panginoon ay maipagpagpatuloy at maisagawa.
Halaman na udlot ang mga usbong
Subalit magpahanggang ngayon ay tulad ng isang halaman na udlot ang mga usbong at hindi makapagpatuloy ang mga kapatid sa kanulang mga natututuhan. Natutuhan ng tao sa kanyang isip ang mga bagay na mabuting itinuturo subalit kulang ang mga kapatid sa paggawa ng kadakilaan ng kanyang pinag-aaralan.
Ulit at ulit ang kabatlayaan, ang paggawa ng tao ang siyang katotohanan ng kanilang mga pag-aaral. At kung lagi na lamang nakikinig ang tao sa mga banal na aral na ito at hindi isasagawa ay baog ang inyong pagpapagod, sayang ang inyong mga panahon, mga iniibi na kapatid.
Kaya at kinakailangan tulad kayo ni Simeon Ereneo na kinakailangang magpatuloy sa kanyang hangarin upang pasanin ang krus na mabigat ng inyong pagkakilala, ang siyang katagumpayan ng inyong pag-aaral.
Subalit, namamalas ko kung dumarating sa inyong kalagitnaan ang mga hagkis ng Panginoon, ang mga dagok at kapighatian siyang nag-aalimpuyo sa inyong pagkatao, naghihimagsik ang inyong mga damdamin, nawawala kayo sa inyong mga pag-aaral, nalalayo kayo sa ubasan ng Panginoon.
Ang buhay sa kalupaan ay talaro ng timbangan
Mga iniibig na kapatid, nalalaman ninyong ang buhay ng ito ay siyang talaro ng timbangan na kinakailangang pahigitin ang mga kabutihang itinuturo ng kabatlayaan subalit kung ang kahinaan ang siyang mananatili sa inyong pagkatao ay hindi ititindig ang kadakilaan ng pananampalataya, sayang ang mga panahon, mga iniibig na mag-aaral.
Sapagkat mahaba na ang inyong nalalakbay kaya at kinakailangang ang lahat na manlalakbay na nahahapo at napapagal ay magpahinga kaya at kinakailangan mayroon ng banal madadala upang kung dumating sa Panginoon ay isang masarap na pagkain ng kaluluwa ang inyong nadadama at hindi ang pangangalit ng inyong mga ngipin.
Mga kapatid, paulit-ulit ang kabatlayaan subalit bakit kaya waring isang gamot na hindi tumalab sa inyong pagkatao ang ibinababa ng kabatlayaan? Ang mga dakilang araw ng paggunita sa kadakilaan ng Panginoon ay muli na namang darating upang ang wala ng matinding pagkakilala ay gisingin ang kanilang mga puso.
At kayo nga mga kapatid ko na gising na, kung wawariin at mamalasin ng mga tao ay inaakala kong bagong dating ang mga dakilang ala-ala ng araw ng Panginoon, naganap na ang kadakilaan ng inyong pagnanasa, naganap na ang kadakilaan ng inyong pag-aaral at hindi kayo ang mahuhuli.
Kapayapaan ang muli kong iniiwan sa inyong lahat ngayon at magpakailanman. Paalam, Antonio de Padua.
1981-01-28, GPL
Ang banal na pag-aaral ang siya nawang maghari ngayon at magpakailanman!
Mga iniibig na mag-aaral, sa larangan ng buhay mahaba na ang panahong nalalakbay na ninyo upang makilala ang kahalagahan ng kanyang pag-aaral. At kayo mga iniibig na kapatid na nananagano sa mga dakilang aral, tanungin ninyo ang inyong mga sarili kung kayo ay mayroong nang naitabi sa mga ipinagkaloob sa inyo.
Nadala na baga ng inyong mga sarili ang dagok na kapighatiang sumasainyo? Napag-aralan na baga ninyong mga mag-aaral kung ano ang kaakibat ng tungkuling inilaan sa pagkabuhay?
Ang lahat ng mga bagay ay pag-aaral at kinakailangang managumpay ang tao kung naisasagawa at nasusunod ang mga itinuturo ng kabatlayaan bagaman at natatanaw ko malabis ang inyong pagnanasang maisakatuparan ang mga bagay na mabuti laging nakahandulong sa inyong mga pag-aaral, subalit tulad ng isang bagay na mataas na hindi ninyo maabot-abot, ito ay malaki ang pagnanasa at nauuwi lamang hanggang doon sa pagnanasa.
Mga iniibig na kapatid, sa haba ng panahon ng inyong pag-aaral, at tulad ng sinasabing napakaliit na butil ng mustasa ng pananampalataya, huwag ng sabihin sa araw-araw ng ginawa ng Diyos o sa inyong pakikipag-aral sa gan-ganitong pagkakataon, ay nakapag-ipon kayo ng mga butil ay ina-akala kong sa panahong ito ay napakarami na.
Kung alin ang ibig hindi magawa at kung alin ang ayaw ay siyang ginagawa
Subalit, bakit kaya ang kadakilaan ng pag-aaral ay ganito na kung alin ang inyong ibig ay siya mong magawa at kung alin ang aayaw mong gawin ang siya mong nagagawa?
Mga kapatid, kung ang lahat lamang ng ninanasa ng tao na magawang mga kabutihan ay matutupad, marahil, malapit na kayo sa pag-asa ng pilitin ninyong maihakbang ang inyong mga panyapak, maarok ninyo ang mga banal na kadakilaan ng Panginoon upang marating ninyo ang tugatog ng pananagumpay sapagkat sa haba ng lakbayin kaya at ito ay ninanasa ng bawat isang makabalik sa Dakilang Panginoon.
Subalit ang talaro ng timbangan ay nagpapatuloy na mabigat ang kahinaan ng tao kaya at hindi maka-igpaw ang isang kaluluwa at hindi madala ang kadakilaang hinahangad ng kanyang sarili upang managumpay ang kahalagahan ng pag-aaral.
Mga iniibig na mga kapatid, ulit at ulit ang kabatlayaan, tatagan ninyo ang inyong mga buhay upang ang lakbayin patungo sa Panginoon ay marating ng lahat at bawat isa sapagkat ito ang katagumpayan ng lahat ng mga mag-aaral at ang dakilang Panginoon ay naghihintay upang ang lahat at bawat isa ay maging karapat-dapat sa sinumpaang tungkulin.
Ito lamang at mulung inilalagak ko sa inyong ang kapayapaan ngayon at magpakailanman! Paalam, Antonio de Padua.

Comments
Post a Comment