1975- Koleksyon -Propeta Elias
1975-03-28, PRO ELI
Biernes Santo
Silahis ng Pag-ibig
Huling Pitong Wika
Propeta Elias
"Ama ko, patawarin mo sila sapagka't hindi nila nalalaman ang kanilang ginagawa."
Bakit maaaring magpatawad ang tao? Bakit maaaring magpatawad si Hesukristo? Bakit hindi si Hesukristo ang nagpatawad at hiningi sa Kanyang Diyos na, "Ama ko, patawarin mo sila?
Sapagka't si Hesukristo, hanggang sa inyong kalagayan sa panahong ito ay mga bagay na mayroon pa kayong dapat maunawaan, marating at makilala at pag-aralan.
Alin ang wala na ng mga bagay na iyan o hindi nasasakop ng batas ng espasyo at tiyempo? Ang Diyos na manggagawa, ang kabuuan ng ka-Diyosan ng sannilikha. Kung pag-aaralan ng tao ang katarunganng pagpapatawad, ang tao ay mayroon ng tungkuling umunawa, kumilala, sumukat sa kakayahan ng kanyang kapwa.
Kung hahanapin ng tao na ang kanyang kapatid ay makadala ng isang kabang palay, bagay na hindi kaya nito, hindi maituwid na parusahan ang walang kakayahan.
Ano ang kailangan? Ang kailangan ay sanayin, turuan, bigyan ng pagkakataong magkaroon ng kakayahan ang mahian at walang kaalaman.
At ano ang kinakailangan sa proseso ng pagtuturo at pagpapaunawa? Tiyempo at espasyo, iyan ang batas.
Sino ang naka-uunawa? Si Hesukristo na nakabayubay sa krus, sapagka't Siya ang mayroon ng karoonan ng kaalaman ng Pag-ibig. Sapagka't Siya ang nakaganap ng mga bagay na kinakailangang isagawa ng isang tao na mayroon ng kaalaman sa pag-ibig.
Ang pag-ibig ay hindi batas, ang pag-ibig ay hindi nasusunod ng balana lamang, ang pag-ibig ay kalikasan ng isang nilikha na banay-banay na napangangalagaan, napakalaki na tulad ng isang halaman upang mamunga at mumulaklak.
Kaya at ang pag-ibig ay hindi batas, ito ang karoonan ng kaluluwa, ito ang kaangkinan ng kalikasan ng karoonan ng sangkatauhan. Ito ang pilosopiya ng nilalang sa kanyang manlalang.
Sino ang nag-utos na umibig ang tao nang higit sa kanyang nalalaman at kakayahan? Ang nag-uutos dito ay ang kanyang kaunawaan sa tao na kanyang kailangang ibigin, sa tao na kailangan niyang igalang, sa tao na kinakailangan ng kanyang pag-iisip at pagkakilalang siya ang dapat paglingkuran. Kung wala ang tao ng kaalaman at kaunawaang ito, imposible na ang tao ay maka-ibig sa kanyang kapatid.
Hindi kayo maaring magpatawad nang wala kayo ng kapangyarihan ng kaalaman na nalaman ninyo kung ano ang dapat ipatawad sa kanya. Hindi kayo maaaring magsabi na kayo ay nauuhaw nang hindi kayo nakapaghanda ng tubig na papawi sa inyong kauhawan.
Hindi kayo maaaring tumingin sa inyong ina kung kayo ay lapastangan. Hindi kayo maaaring humingi sa inyong anak na inyong pinagkulangan sa pag-ibig at pag-aandukha. Hindi kayo maaaring humingi ng awa sa inyong Ama na nasa mga langit nang kayo ay hindi nanampalataya na may gawa.
Hindi kayo maaaring makapagsabi na nakaganap kayo ng tungkulin nang wala kayong inadhika kung hindi ang kayamanan ng lupa na tinutungtungan ng inyong paa.
Hindi kayo makagaganap ng inyong tungkulin hanggang kayo ay hindi kumikilala sa superyoridad ng Manlilikha, ang kabuoan ng ka-Diyosan sa lahat ng oras, sa lahat ng panahon, sapagka't iyan ang kasaysayang kinakailangan na buhayin ng lahat ng taong nanampalataya sa kanyang Diyos.
Comments
Post a Comment